GALIT na ibinuga ni Liam Decker ang ininom na kape, sabay inihagis niya sa pader ng kaniyang silid ang tasang hawak at nagkapira-piraso ito. Kumukulo ang dugong iniikot niya ang electric-powered wheelchair na kinauupuan at hinarap ang taong nagulat sa ginawa niya.
"DAMN IT! Didn't you put sugar on it?" Galit na usisa ni Liam, halos mag-isang linya na ang kilay nito nang tumingin kay Yna- ang bagong personal maid niya. "Ow, Em, Gi. Should I?" Inosenteng tanong ni Yna sa amo. Hindi niya talaga kasi nilagyan ng asukal ang kape nito. Hindi alam ni Liam kung paano niya napigilan ang sarili na hindi palayasin ang babae nang mga oras na 'yon. Ilang araw pa lang nito bilang personal maid niya ay ang dami na nitong kapalpakan. Bagay na pinaka-ayaw niya. "Saang planeta ka ba galing?" Kalmado pero may halong gigil na tanong ni Liam sa babae. "Bakit parang galit ka? You told me kape lang, hindi mo naman sinabing lagyan ko ng asukal." At talagang nakuha pa nitong magrason? Nagkamali yata siya na pumayag siyang tanggapin ito? Mukhang ang plano niyang pagpapahirap dito ay kabaligtaran, siya ang nahihirapan sa katangaan nito. Well, what else could he expect from a girl who grew up with luxury at mataas ang tingin sa sarili? "Get lost!" Sigaw niya rito. "You really don't know anything, brat." Ibinaling na ni Liam ang pansin sa binabasang libro bago dumating kanina si Yna kanina. That's his way to calm himself. Nagkasalubong ang kilay ni Yna. "Ang sakit mo naman magsalita!" Inis na sabi ng dalaga sa amo niyang laging galit sa mundo. "Truth really hurts, brat." Malamig na balik wika nito sa dalaga. "I get it!" Pumitik pa sa hangin si Yna. "I get it, pinapahirapan mo ako para makaganti ka sa ginawa ko noon sa'yo, hindi ba?" "Paano kung sabihin kong oo?" Seryosong tanong ng lalaki sa dalaga. "Isa lang ang ibig sabihin n'un. Hindi ka pa naka move-on sa akin," confident niyang sabi sa binata. Tumingin at ngumisi ng nakakaloko si Liam sa dalaga. "Don't think too highly of yourself, brat. Just so you know, ang mga katulad mong babae ang mabilis makalimutan." Nawala ang confident na ngiti ni Yna. Hindi siya madaling maapektuhan sa mga sinasabi ng iba tungkol sa kaniya, pero iba ang dating ng sinabi ni Liam sa kaniya. Medyo may kudlit ng kirot siyang naramdaman doon. "Clean that mess," utos pa nito na ang tinutukoy ang ay bubog ng tasa na nagkalat sa sahig. Mabigat ang mga paa na kinuha niya ang walis at dustpan na naroon lang sa gilid at winalisan sabay punas na rin sa sahig. "May iuutos pa po kayo, kamahalan?" Sarkastikong tanong niya sa lalaki. "Wala na. Makakalabas ka na." Walang emosyong sabi pa ni Liam na akala mo ay nagtataboy lang ng hayop. Ni hindi siya nito matignan na akala mo naman ay kasumpa-sumpa ang mukha niya. "Bueno at aalis na talaga ako!" Sabay padabog na tinungo ang pintuan, dala-dala ang dustpan at walis. Pero natigil ang dalaga nang tinawag siya ni Liam. "Ano?" Angil niya sa lalaki. "Papasukin mo si Jamir dito kapag nakita mo siya." "Iyon lang ba ang sasabihin mo?" "Meron pa ba dapat?" Aba at hindi talaga ito hihingi ng pasensya sa kaniya matapos nitong maliitin ang kapeng tinimpla niya. "Hmm! Diyan ka na nga, hombre feo!" "What did you say?" Ngumisi si Yna. "Wala po, sir." Sabay labas na ng silid ng lalaki. Nakalimutan niyang kailangan pala niyang maging mabait kay Liam dahil baka sisantehin siya nito. Kailangan na kailangan pa naman niya ngayon ng trabaho at namimiss na niya ang pera.Malapit ng maubos ang perang bigay ng ama niya, ganoon siya kagastos! Pero habang naglalakad siya ay napapangisi siya, tinawag na niyang 'pangit' ito pero wala itong kaalam-alam dahil hindi naman nito naiintindihan ang sinabi niya. Sa ganoong bagay ay nakakaganti siya sa boss niyang mainit lagi ang ulo sa mga taong nakapaligid dito. Sa paglabas niya ay nadaanan niya sa may malawak na sala si Jamir. "Tawag ka ng boss mo," imporma niya rito na ngiti lang ang isinagot sa kaniya at agad na pinuntahan si Liam sa silid nito. Itinapon na muna niya ang bubog at pagkatapos ay nagtungo sa kusina para kumain. Wala pa siyang almusal at hindi siya sanay. Nadatnan niya sa kusina si Mirka na naghuhugas ng plato at si Janice na naghihiwa ng gulay na sahog sa iluluto nito. Wala si Aling Prancia kaya si Janice muna ang magluluto. "Oh, bakit ganiyan ang hitsura mo?" Natatawang usisa ni Mirka sa kaniya nang makita siya. "Napakasama talaga ng ugali ng Liam na 'yon!" Inis niyang sambit at padabog na umupo sa upuan sa may mesa. "Oy, grabe ka, hinay-hinay ka sa pananalita mo at baka marinig ka ni mayordoma, malilintikan ka." Si Mirka na biglang sumeryoso. "I don't care! I can say whatever I want, Mirka. At 'yung mayordoma niyo rito, napakasungit as if naman magkakaroon siya ng mana mula kay Liam," tuloy-tuloy na sabi pa ni Yna. Nanlalaki ang mga mata na nagkatinginan si na Mirka at Janice. Bigla naman pumasok sa kusina ang labanderang si Majoy na nakasimangot as usual. "Saan mo ba galing itong si Yna, Mirka? Bakit ba ganito ito?" Sambit ni Janice na halata namang naweweirduhan sa kaniya. "I am from Spain! Isa akong tagapagmana, kung tutuusin, I can buy everything, pati nga itong mansion na 'to!" "Nangarap ka na naman, babae. Mukha kang may sapak sa utak-" sabat ni Majoy na biglang natigilan nang tinaliman ito ng tingin ni Yna "Shut up, kung ayaw mong pati ikaw ay bilhin ko," mataray niyang sabi sa babae, napatayo na rin siya sa kinauupuan at hinarap si Majoy na since day one yata ay gigil na sa kaniya. Maybe, naiinsecure ito sa kagandahan niya. "Aba, e anong pera mo aber? Nangangatulong ka rin naman dito, lumugar ka nga kung saan ka nararapat!" Mataray na sabi rin ni Majoy. Tumaas ang isang kilay ni Yna. "Just wait and see-" "Tama na 'yan ano ba kayo?" Awat ni Mirka na pumagitna na sa kanila ni Majoy dahil kaunti na lang ay magsasabunutan na sila. "Baka marinig kayo ni mayordoma at sabay pa kayong mapalayas," pagpapakalma pa ni Mirka sa kanila. "Sabihan mo 'yang babaeng 'yan, Mirka. Feeling rich, maputi lang naman." "Atleast maputi at naranasang maging rich! E ikaw?" Sabay make face na nakakainis. "Anong kaguluhan ito?!" Bungad ng bagong dating na si mayordoma na nagmasid sa kanilang lahat. Nagkatinginan silang lahat at kinabahan. Pero hindi si Yna. "Mirka, anong meron?" Baling ni mayordoma kay Mirka. Namumutla ang babae at hindi alam ang isasagot. "W-wala naman po, mayordoma. Nagbibiruan lang po kami rito..." Pagsisinungaling nito. "At bakit? Oras ba ng biruan?" Masungit nitong sita. "At ikaw," turo nito kay Yna. "What about me?" Maarteng tanong ni Yna sa mayordoma na nakulangan yata sa romansa noon. "Huwag mo akong ini-english! Pinakain mo na ba si Señorito Liam?" "Coffee lang, he doesn't want anything daw." Casual na sagot niya sa mayordoma. Sina Mirka, Majoy at Janice ay nagkatinginan at napapangiwi sa klase ng tono ng pagsagot ng dalaga sa mayordoma na tinaguriang leon sa mansion na 'yon. Ito ang pinakamatagal na tagapagsilbi ng mga Decker. "Kape?! Hindi puwede 'yon, ipagluto mo siya ng almusal ngayon din!" Napangiwi si Yna. "But I don't know how to cook." "Ano pa ang silbi mo rito kung ganoon? Ang mahal ng sahod mo dahil ikaw ang personal maid ng señorito, tapos wala kang alam? Hindi ko lang maintindihan bakit tinanggap ka! Kakausapin ko siya para paalisin ka na rito!" Natahimik si Yna at hindi alam ang isasagot. Pinagmasdan na lamang niya ang pag-alis ni mayordoma upang puntahan si Liam. Gusto niyang maiyak dahil unang beses niyang mapahiya, so, ganito pala ang pakiramdam ng mga helpers nila sa Spain kapag pinapagalitan at minamaliit niya ang mga ito? "Kawawa..." Dinig na pang-aasar sa kaniya ni Majoy bago ito nagtungo sa laundry room. Naramdaman niya ang paghawak ni Mirka sa braso niya para damayan siya. "Okay lang 'yon, Yna. Mapapaalis ka man dito, maraming mapapasukan sa bayan na mas akma sa hitsura at talino mo," pagpapalakas pa ni Mirka sa loob niya. "Oo nga," sang-ayon naman ni Janice. Pero gusto niya sa mga Decker, bukod sa libre sa pagkaing masasarap, malaki pa ang sahod niya na tamang-tama sa pagiging gastador niya."HOW LONG will take you to do that simple thing?" Halata ang inis sa tinig ni Liam na nakapwesto sa tabi ng pintuan, habang pinagmamasdan niya si Adalina sa pagpapalit ng mga punda at bedsheet ng kaniyang kama. Nakasimangot na panandaliang tumigil si Adalina sa ginagawa at tinignan si Liam. "Bakit ba kasi ang laki-laki ng kama mo? Hindi tuloy ako matapos-tapos here." Pagkatapos ay tila may naisipang sabihin. "Kung kayang sa iba mo na lang ipagawa ito?" Nagsalubong ang kilay ni Liam. "That's your work, Yna. Huwag mong ipapasa sa mga kasama mo ang trabahong nakaatang sa'yo," seryoso at ni walang bahid ng ngiting sabi ni Liam sa dalaga. Busangot na muling hinarap ni Adalina ang ginagawa. Gusto niyang mainis sa sarili ni simpleng paglalagay ng bedsheet ay hindi niya magawa, kung alam lang niyang mararanasan niya ito edi sana ay siya na ang nag-aayos nito noon sa silid niya. "Palitan mo rin ang mga kurtina," mamaya-maya pa ay sabi ni Liam. Agarang
"HOY, ADALINA! Dalian mo na diyan at pagabi na, girl," untag ni Mirka kay Yna na abala sa pagkalikot ng kuko, habang nakaupo sa paanan ng kama ni Liam. "Just wait, okay? Nabura kasi ang nail polish ko," maarteng sabi pa ni Yna, pero tumayo na rin naman upang tulungan si Mirka. Napasimangot si Mirka. Muling ipinaulit ni Liam ang paglalagay ng kobre kama, paglalagay ng kurtina at ang pagpupunas ng mga libro sa shelves. Pero this time ay kasama na ni Yna si Mirka. Tinulungan na siya upang makatapos agad at makauwi na sila bago mag alas siete ng gabi. "I'm hungry na," nakabusangot na ungot ng dalaga sa kasama. "Ikaw lang ba, girl? Gutom na rin ako, kaya dalian mo na diyan at nang makauwi na tayo." Uwian sila araw-araw. Isa sa mga rules ni Liam sa mansion ay stay-out na kasambahay at kabilang si Yna sa mga 'yon, kahit pa personal maid siya ng binata. Ang mayordoma, si Jamir at dalawang matagal na kasambahay lamang ang naiiwan sa mansion
"YNA!" Kasunod ng pagtawag na iyon ay ang sunod-sunod na katok sa kahoy na pinto sa bahay-kubo ni Yna. "Yna, ano ba? Oras na!" Boses ni Mirka. Pupungas-pungas na naupo ang dalaga na nagising sa mga pagkatok at pagtawag. Bumaba siya sa kaniyang maliit na higaan at pibagbuksan si Mirka. "Bakit ba ang ingay mo? Natutulog ang tao, e." Nameywang ang dalagang si Mirka at tinaasan ng kilay si Yna. "Aba, para sabihin ko sa'yo, oras na. Mag aalas sais na at tulog mantika ka pa. Hinihintay na tayo sa mansion." Dapat alas sinco pa lang ng umaga ay naroon na sila. Kaso nga lang ay talagang hindi kinakaya ni Yna ang bumangon ng ganoong kaaga. "Can you wait? Maghihilamos lang ako and maglalagay muna ako ng sunscreen and-" Tinakpan ni Mirka ang bibig ng dalaga gamit ang hintuturo nito. "Tapos ay maghahanap ka ng susuotin mo for today at aabutin ka ng siyam-siyam," pagtutuloy ni Mirka sa sasabihin sana ni Yna. Kabisado na nito ang r
MARAHANG inilapag ni Liam ang mga dalang bulaklak sa puntod ni Raya, pagkaraan ay sinindihan niya ang kandilang kulay pink na dala-dala. Paborito ni Raya ang kulay na 'yon. Malungkot siyang napabuntong hininga. It's been years, but Liam still feel the pain of losing her. "How are you, Raya? I bet you're having fun up there..." mahina at puno ng kalungkutang kausap niya sa puntod ng yumaong kasintahan na tila naroon lamang din ito. Nakaupo at nakangiti sa kaniya, gaya nang karaniwang ginagawa nito sa tuwing kinakausap niya noong nabubuhay pa ito. Hindi lang niya basta kasintahan si Raya, she was his bestfriend, too. Sa lahat ng taong nakapaligid noon sa kaniya, si Raya lang ang nakakaalam sa mga nararamdaman niya at nakakaintindi sa kaniya. She has been his calming system. His comfort. At hangang ngayon ay hindi niya matanggap ang naging kapalaran nila. Hangang ngayon ay sinisisi pa rin ni Liam ang sarili kung bakit nawala ang kasintahan niya. Simula nawala ito ay
DAHIL sa napakaiksi lamang ng pasensya ni Yna at talagang ipinanganak siyang maldita, nilapitan niya si Lizzy at hinila ang pulang buhok nito. Hindi na niya inisip ang magiging resulta ng ginawa niya. Galit siya at kailangan niya iyong ilabas. Nagsisigaw ang babae. "Sino sa atin ang tanga, ha?" Gigil na sabi ni Yna kay Lizzy at walang balak bitawan ang buhok nito. "Hey, stop!" Awat naman ni Liam sa dalawa. "Ouch! Let go of me, bitch!" Patuloy na sigaw ni Lizzy na hindi alam paano babawiin ang buhok. "Bitch pala, ah! Uunatin ko ang buhok mong kulot!" Lalong sinabunutan ni Yna ang buhok ng babae. Para kay Yna, nagkakamali si Lizzy ng binangga! "What is happening here?" Ang biglang pagdating ni señora na gulantang sa nakitang tagpo. Doon pa lamang binitawan ni Yna ang buhok ng babae na agad naman na parang batang biglang tumakbo at nagtago sa likod ng ginang. "Oh my gosh, Lizzy. Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni señora sa bab
"WHEN Raya died, Liam locked himself in his own world. I feel like he's not my son anymore. Maraming pagbabago sa kaniya na lubos kong ikinalulungkot, hija." Tumingin kay Yna si Señor Renato at pilit na ngumiti. Pansin ni Yna ang lungkot sa mukha at mga mata nito. Pero hindi niya maunawaan kung bakit sinasabi ngayon nito ang mga bagay na 'yon sa kaniya, to think na ngayon pa lang sila nagkaharap. Napailing-iling ang ama ni Liam at sinabayan ng pagbuntong hininga. "Liam shut his world from us, mundong ginawa niya simula mamatay si Raya. My son, really love her to the point na kay Raya lang umikot ang mundo niya noong nabubuhay pa ito..." "Mawalang galang na, señor. Bakit niyo ho sinasabi ang mga bagay na 'yan sa akin? Do I have anything to do with that? I mean, ano ho ang nais niyong ipunto?" Ayaw pa naman ni Yna ang maraming paliguy-ligoy, dahil napakaikli lamang ng pasensya niya, bagay na namana niya yata sa kaniyang ama. Natawa ang kausap. There is a
"WHAT are you doing here?" Masungit na bungad ni Yna kay Mirka nang pagbuksan niya ito ng pinto nang gabing 'yon. "Sungit naman. Gusto mo?" Sabay taas ng dalawang bote ng coke na dala-dala nito. Mayroon din mga sitsiryang nakaipit sa kili-kili nito. Base sa ngiti ni Mirka, alam na alam na ni Yna ang gusto nito - ang makitsismis sa kaniya at paniguradong kukulitin na naman siya nito tungkol sa mga tanong nito kanina sa mansion ng mga Decker. "Pasok." Tsaka siya nagpatiunang umupo sa upuang kahoy sa kaniyang maliit na sala. Nalukot ang ilong ni Mirka, pagkakita sa ayos ng bahay-kubo ni Yna. "Grabe. Naglilinis ka pa ba ng bahay mo?" Usisa nito. "I have no time." Pero ang totoo ay wala talaga siyang hilig sa paglilinis ng bahay dahil nga hindi naman siya nasanay, maging sa sarili niyang silid sa Spain ay iba ang naglilinis. "Pero sa pagpapaganda sa gabi bago matulog may time ka, ane?" Sabay upo sa may hindi kalayuan kay Yna. "Ofcourse!
"RISE AND SHINE!" malakas na sabi ni Yna habang hinahawi ang mga makakapal na kurtina sa silid ni Liam upang makapasok ang sinag ng araw. "Damn it! What are you doing?!" Asik ng binata na nagising nang tumama ang sinag ng araw sa mukha nito. Tinakpan nito ang mga mata dahil nasilaw na ito. "Good morning, Sir Liam. It's time for your breakfast in bed," energetic na sabi pa ng dalaga. Kinuha nito ang pagkaing ipinatong sa glass table na nasa silid ni Liam. Inilapit niya ang pagkain na 'yon sa binata na hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkaistorbo mula sa pagtulog. Umayos ng upo si Liam, madilim pa rin ang mukha at halatang iritable. Pero hindi iyon pinansin ni Yna, desidido siyang magtagumpay sa mission niya sa binata. "What are you doing here?" Masungit pa rin ang tinig ng lalaki. Inayos ang puting t-shirt na suot. "Ipinagluto kita ng almusal," inosenteng sabi ni Yna na akala mo ay pagkabait-bait. Nangunot ang noo ni Liam. "It's su
NANG marinig ni Yna ang sinabi ni Liam ay natigilan siya. Ganoon ba kamahal ang batong 'yon? Nagkamali ba siya ng pagkilatis sa value ng bato? "M-mahal ba 'yan sobra?" Natitigilang usisa niya sa binata. Hindi nagbabago ang madilim na mukha ni Liam na nakatitig sa dalaga. Wari bang isa itong mabangis na hayop na anumang sandali ay sasakmalin siya. Lalo tuloy nadagdagan ang kaba ni Yna, sa unang pagkakataon ay ngayon lang yata tila nanginig ang kaniyang mga paa. "Tinatanong mo gaano ito kamahal?" Pagkaraan ay tumawa ng may pagkasarkastiko ang binata. "Someone gave it to me, and you'll never know the value of this things to me, Yna. Dahil hindi ka naman marunong magpahalaga ng mga bagay-bagay na ibinibigay sa'yo ng taong nasa paligid mo, hindi ba?" Kailanman ay hindi naging sensitibo si Yna sa mga bagay na sinasabi sa kaniya. But what Liam said hits different. May kung anong natumbok ang mga salitang iyon sa parte ng kaniyang pagkatao na nagpakirot sa kani
"GOOD MORNING!" Katulad kahapon, naging masigla rin ngayong umaga ang pagbati ni Yna kay Liam na nakaupo sa wheel chair nito at nasa loob lamang ng silid nito. Naisip ni Liam na nakuha pa nitong ngumiti ng ganoon, e ang late na nito sa pagpasok. Ni hindi nga ito ang nag-serve ng kape niya at almusal. "May dala ako para sa'yo," anang dalaga na lumapit kay Liam at iniaabot ang isang basket ng lansones na galing sa pananim na naroon din sa sakop ng hacienda ng mga Decker. Panandaliang natigilan si Liam at tinignan ang babae. For a moment, tila ba nakita niya si Raya sa katauhan nito. Maamo ang mukha at napakatamis ng ngiti. Madalas din siyang dalhan ni Raya noon ng lansones sa tuwing magtutungo ito sa mansion. May kung anong pinong kurot ang nadama ang binata pagkaalala sa dalaga. "Alam ko paborito mo ito," muling sabi pa ni Yna na todo ang ngiti. Ipinilig ni Liam ang ulo at nag-iwas ng tingin mula kay Yna. Pinanatili ang blankong ekspresyon ng mukh