(ARIELLE’S POV)Tumigil ako, sinusubukan intindihin ang mga salita ni Ashley. Unti-unti, nakipagtitigan ako sa kanya. “Nagbibiro ka, tama?”“Mukha ba akong nagbibiro?” Sagot ni Ashley, madiin at seryoso ang boses niya.Huminga ako ng malalim, muli kong iniintindi ang suhestiyon niya.Hiwalayan si Jared? Parang hindi ako makapaniwala sa ideya, pakiramdam ko hindi ito totoo. Mabilis akong nag-isip habang nananatili ang ideya—bakit ko hihiwalayan si Jared? Ininvest ko ang lahat sa pagsasamang ito, nakipaglaban ako ng husto para maging maayos ang lahat…Umiling-iling ako, sinubukan ko na lang na idaan ito sa tawa. “Sa tingin ko hindi ka seryoso, Ash,” sambit ko, pero nanginig ng kaunti ang boses ko.“Well, seryoso ako. Hindi ka puwede maging taong pangalawa lang lagi kay Jared, Arielle. Asawa ka niya, pambihira naman. Malaki na siya at dapat piliin kung sinong gusto niya. Kung di pa siya nakakamoveon kay Sofia, dapat siya ang makasama niya. Kung ikaw ang gusto niya, dapat magdesisyon
(ARIELLE’S POV)Ang sumunod na araw ay Linggo, at nagpapasalamat ako na hindi ito araw ng trabaho. Noong nagising ako mula sa tulog ko, ang ginawa ko lang ay magshower, mag-almusal at manood ng TV dahil ayaw akong pakilusin sa bahay ni Ashley.“Huy,” piniga niya ng mahina ang balikat ko, naupo sa couch sa tabi ko. “Anong mayroon?”“Uy,” tinignan ko siya at ibinalik ang mga mata ko sa TV. “Tapos ka na?”Ang dahilan ng tanong ay dahil gumising ng maaga si Ashley para bawasan ang lago ng mga bulaklak na nakapalibot sa bahay niya, at gusto ko na malaman kung tapos na siya.“Oo, oo. Mas maganda na tignan ang mga bulaklak ngayon.”“Mag-almusal ka na, ilang oras ka ng nagtatrabaho,” sambit ko, nakatitig pa din ang mga mata ko sa pinapanood ko.“Well, babad ka sa TV at hindi mo napansin na tapos na ako magtabas ng mga halaman, naligo na ako, nakapagbihis at nakapagalmusal. Grabe! Ang lahat ba ng mga buntis na babae ay ganito katamad at hindi na napapansin ang paligid?”Tumigil ako sand
(ARIELLE’S POV)Sa tunog ng boses ni Jared, agad na binawi ni Sofia ang kamay niya at umikot siya para humarap sa kanya. Ang lamig sa mga mata niya ay napalitan ng tuwa, at napaisip ako kung paano niya nagawang magpalit ng personalidad ng walang kaeffort-effort.“Wala naman. Si Arielle ay kakarating lang at ipinapaalam ko sa kanya kung gaano tayo nag-aalala sa pagkawala niya,” sambit ni Sofia ng nakangiti.“Arielle?” Sambit ni Jared at binilisan niya ang kanyang mga yabag, at hindi nagtagal, nakarating na siya sa harap ko. “Nag-alala ako sa iyo. Saan ka nagpunta?”“Sa lugar na ligtas ako,” bulong ko, iniwasan ko na tignan siya sa mga mata.“Nag-aalala ako ng husto ng tawagan ko si Ashley at sinabi niya na wala ka doon. Gusto ko tumawag sa mga pulis, pero sinabi ni Sofia na maghintay kami sandali. Positibo talaga siya na okay ka lang at babalik ka dito sa bahay, tama siya.”Ngumiti si Sofia sa akin ng tagumpay.Pinigilan ko ang pagsinghal ko. Gaano ba kabulag si Jared? Ang ideya
(ARIELLE’S POV)Ok. Ginagamit na naman niya ang alas niya bilang “nakakaakit na asawa”.Tumayo ako doon, nananatili sa kinatatayuan ko, iniisip ang sagot ko. Sa totoo lang, wala akong plano na bumalik sa bahay ngayon. Kahit na alam ko na babalik din ako sa kinalaunan, hindi iyon ngayon.“Jared, sa tingin ko ayaw kong umuwi ngayon,” sambit ko.Nagsalubong ang mga kilay niya. “Bakit? Huwag mo sabihin na galit ka pa din sa akin? Sige na, Arielle. Nangangako ako na ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat kapag umuwi ka kasama ako.”Nag-alinlangan ako. “Pero—”“Walang pero pero, Arielle. Pakiusap, umuwi ka na. Hindi mo puwede takbuhan ang bahay natin.”Umirap ako,” Oo, bahay kung saan may estrangherong nangingielam,” bulong ko.“Anong sinabi mo?”“Wala akong sinabi.”Sa oras na iyon, nilampasan kami ni Rebecca, sabik na kumakaway. Umungol ako sa loob ko, at wala ng sabi-sabi pa, nilampasan ko si Jared papunta sa sasakyan. Hindi pa ako handa na ipahiwatig kahit kaunti kay Rebecca na may m
(ARIELLE’S POV)Pinanood ko si Jared na napatigil, nanlaki ang mga mata niya at halos lumuwa ang mga mata niya. Pero hindi ako natinag, gusto ko marinig ang sagot niya.Naging tahimik sa pagitan namin.“Anong sinabi mo?” gulat pa din ang boses niya, at nanigas ang kanyang ekspresyon.“Gusto mo pa ba siyang makasama?” patuloy ko. At noong sinabi ko na “siya”, alam niya kung sino ang tinutukoy ko.“Pasensiya na, pero hindi ka malinaw.”“Sige, lilinawin ko sa iyo!” sagot ko. Bigla akong nabagot at dumiretso na sa punto.“Sa nakalipas na mga araw, nag-iisip ako ng husto, at may mga bagay ako na naisip. Kung hindi mo pa din kayang bitawan si Sofia, hahayaan kita na maging malaya at makasama siya. Hindi ako mamamagitan sa pagitan ninyo ng longtime sweetheart mo. Maghihiwalay tayo ng maayos, kung gusto ninyong dalawa, ibibigay ko ang blessing ko sa inyo.”“Anong kalokohan ang pinagsasasabi mo!” nagalit si Jared, napatayo siya bigla. Naging malamig ang mga mata niya, at ang Adam’s appl
(ARIELLE’S POV)“Hindi ako naniniwala!” sambit ni Ashley sa phone. “Naiimagine ko ang gulat niyang ekspresyon.”Sa oras na nakarating ako sa opisina ko, tinawagan ko si Ashley at ikinuwento sa kanya ang mga nangyari kaninang umaga. Nagulat siya at natuwa, at mapapansin ito sa masaya niyang tawa.“Panandalian, nakaramdam ako ng takot dahil baka sunggaban niya ako sa galit. Gulat na gulat siya. Sa tingin ko ang matanggihan siya matapos masanay na laging siyang nasusunod ay hindi magandang karanasan para sa kanya.”“Oh diba? Dapat pasalamatan si Jared. Dapat madalas niya iyong gawin. Ipaalam sa kanya na hindi siya laging masusunod,” sambit ni Ashley.“Sana puwede magpatuloy ng ganito lagi,” sambit ko, bigla nabawasan ang tuwa sa boses ko. “Masakit na makitang pabago-bago siya lagi. Sa pagkakataong ito, dinedepensahan niya ako, minsan naman, sinisunod niya ang lahat ng gusto ni Sofia.”“Ikaw talaga, huwag kang ganyan. Hindi ba’t isnabi mo kagabi na nagsisisi siya at humingi ng tawad?
(ARIELLE’S POV)Tumigil kami pareho ni Jared, gulat kaming nagkatinginan.“Anong ingay iyon?” tanong ko, makikita sa ekspresyon ko ang takot.“Hindi ko alam—“ sinubukan sabihin ni Jared, pero tumigil siya na parang may naalala bigla. At mabilis na siyang tumakbo papasok sa bahay, sumisigaw siya, “Sofia!”Natulala ako sandali, pero sumunod ako. Tumakbo kami at nakaratingsa sitting room, hinihingal at nakita namin si Sofia, tinatamad na nakahiga sa sofa, nanonood ng pelikula.“Nababaliw ka na ba, Sofia?” sigaw ko dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili. “Para saan ang sigaw na iyon?”Hindi siya nagsalita, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tumingin pabalik sa TV. Hindi rin niya kinilala ang presensiya ni Jared, mukhang galit pa din siya sa kanya dahil sa pagtanggi niya kaninang umaga na ihatid siya.“Sofia, kinakausap ka.” Simula ni Jared, may pagkairita sa boses niya. “Bakit ka sumigaw ng ganoon kalakas?”Tinignan sawakas ni Sofia si Jared, galit ang ekspresyon niya. “
(ARIELLE’S POV)Tumigil sandali si Jared, at may panandaliang katahimikan. “Bakit?” tanong niya sawakas.“Dahil ayaw ko. Isama mo na lang si Sofia, sigurado ako na matutuwa siya na tanggapin ang alok mo.”“Pero hindi ko asawa si Sofia, Arielle,” kontra niya. “Ikaw ang asawa ko.”“Kinukuwestiyon ko lately dahil hindi ko na alam ang lugar ko sa buhay mo. Hinahayaan mo siyang gawin ang mga bagay at pinapalampas mo siya ng ganoon na lang na parang siya ang asawa mo dito.”“Huy,” sambit ni Jared at lumapit sa akin sa kama. “Pasensiya—”“Iyan ang problema!” sambit ko, inalis ko ang kumot at naupo. “Ang sinasabi mo na lang lagi ay sorry, sorry at sorry. Pero, wala kang ginagawang effort para magbago. Pagod na ako at sawa sa mga sorry mo. Alam mo kung bakit? Dahil inuulit mo pa din ang mga ginagawa mo.”“Arielle, buntis siya—”“At dahilan ba iyon para patawarin siya kapag sumosobra na siya? Alam mo ba? Ayaw ko ng pag-usapan si Sofia, dahil bilang mag-asawa, hindi na tayo makapagusap ng
(ARIELLE’S POV)Sa oras na lumabas si Jared, tumulo ang mga luha ko. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko, at nanginig din ang katawan ko. Masyado itong mabigat. Ang makita siya ay parang pagpapalala pa sa pinsala ko na tinamo. Sobrang sakit.“Huy, okay lang. Iiyak mo lahat,” bulong ni Ashley, pinipiga ang kamay ko. Tahimik siya buong oras sa palitan namin ni Jared, at gusto niyang makielam sana kung hindi lang ako sumenyas na manatili siyang kalamado.Habang umiiyka ako, tumindi lalo ang emosyon ko. Galit, kalungkutan, at pagsisisi. Bakit ba kumapit ako ng matagal? Bakit ba isinawalangbahala ko ang pagiging malayo ni Jared, iniisip na parte lang ito ng ugali niya kung senyales na ito?Umiyak ako lalo, dahil sa kahangalan ko, at pagtataksil ni Jared. Pero habang umiiyak ako, may nagbago sa loob ko. Napagtanto ko na hindi ko ito puwedeng patuloy na gawin sa sarili ko. Hindi ko puwede patuloy na mahalin ang isang tao na hindi ako mahal.Hinding hindi ako pipiliin ni Jared kaysa k
(JARED’S POV)Masyado itong masakit na tanggapin lahat—ang masakit na katotohanan na narinig ko sa kuwarto.Naglakad ako ng hindi maayos sa hallway ng ospital, kumikilos ang mga paa ko ng kusa. Hindi alam pero nakarating ako sa elevator na pababa sa first floor. Ang mga salamin ay may ipinakita na imahe, isang tao na hindi ako nagulat na makita. Isang maputla, heartbroken at baluktot na tao.Sa labas, ang mainit na araw ay masakit sa mata at balat, pero wala akong pakielam. Masyado kong ramdam ang mga emosyon ko para mag-alala sa sunburn o mangitim.Nakarating ako sa sasakyan ko, hinawakan ko ang hawakan ng pinto. Ang bakal ay malamig sa palad ko, kabaliktaran ng nararamdaman ng nag-aalab ko na puso.Umupo ako sa driver’s seat, kumapit ako ng mahigpit as manibela. “Pinatay ninyong dalawa ang anak ko!” Nag-echo sa utak ko ang mga salita ni Arielle. Masakit ang bintang niya dahil anak ko din iyon.Naging mapula ang mga mata ko, bilang resulta ng mga hindi tumutulong luha, at naipon
(JARED’S POV)Dumating ako sa ospital, at nagmadali patungo sa reception area. Isang babae ang nasa likod ng counter at agad ko na sinabi ang misyon ko doon.“Sandali lang, titignan ko ang records,” sambit ng babae at naglabas siya ng malaking libro mula sa drawer.Tumango ako at hindi makapaghintay na tinapik ang marmol na counter habang binabasa niya ang libro.“Oo, isang Arielle Smith ang dinala dito kahapon. Aksidente ang nangyari at nasa room 95 siya sa wing C, second floor ng ospital…”Iyon lang ang kailangan ko marinig at pinasalamatan ko sandali ang babae bago nagmadali na umalis. Sumakay ako sa elevator at sinuntok ang number 2 at umakyat ito. Bumaba ako ng makarating sa floor at sumenyas sa nurse para magtanong. Sumagot siya, at habang dala ang impormasyon, tumungo ako sa kuwarto.Sa oras na dumating ako, tumigil ako sa harap ng pinto na may nakasulat na numero 95. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko, hindi ako sigurado sa aasahan ko. Pero binuksan ko pa din ang pinto, at
(JARED’S POV)Dumating ako sa bahay at nagmadali na umuwi. Noong pumasok ako sa living room, nakita ko si Sofia na nakahiga sa couch at kumakain ng junk food habang malakas ang TV sa background. Disappointed ako sa nakita ko.“Sofia, anong nangyayari dito? tanong ko, kinuha ko ang remote at pinatay ang TV.Sumimangot siya sa akin. “Anong problema mo? Bakit mo pinatay ang TV?”“Kailangan natin mag-usap,” sambit ko ng madiin.Nainis siya at naupo sa couch, nakakrus ang mga braso niya ng defensive. “Tungkol saan? Nilisan mo ang bahay ng hindi mo sinasabi sa akin kung saan pupunta, at ngayon gusto mo mag-usap?”Huminga ako ng malalim at sinubukan ko na kumalma at hindi magwala. “Sofia, wala munang mga tantrums, pakiusap. May kailangan ako itanong sa iyo.”Tumitig siya sa akin ng masama bago umirap. “Sige, makikinig ako.”“Kahapon, nakita mo na umuwi si Arielle ng maaga, tama?”“Bakit mo ako tinatanong ng ganito? Sinabi ko sa iyo na nahuli niya tayo sa akto,” sambit ni Sofia, defen
(JARED’S POV)Pinindot ko ang doorbell sa tabi ng pinto at naghintay ng sagot, pero makalipas ang ilang minuto, walang dumating. Pinindot ko ito ulit, pero wala pa din sagot. Matapos makumpirma ang hinala ko, hinawakan ko ang door knob, at tama ang inaasahan ko, nakalock ito.Sinapok ko ang sarili ko sa isip ko, “Siyempre,” bulong ko. Anong inaasahan ko sa 10 am ng araw ng trabaho? Si Ashley, na nagtatrabaho ng propesyunal ay marahil nasa trabaho.Bigla ko napagtanto ang bagay na ito. Kung nasa trabaho si Ashley, maaaring pinuntahan siya ni Arielle kahapon, at maaaring nasa trabaho din si Arielle.Matapos itong mapagdesisyunan, bumalik ako sa sasakyan. Hahanapin ko si Arielle sa restaurant. Habang nagmamaneho, lumipad ang isip ko. Sana willing makinig si Arielle, alam ko pa naman kung gaano katigas ang ulo niya kapag galit siya.Dahil paghingi na din ng tawag ang pinaguusapan, hindi ako dapat humingi ng tawad ng walang dala. Napagdesisyunan ko na bumili ng paborito niyang bulaklak
(SOFIA’S POV)Pinanood ko si Jared na tinawagan ang numero ni Arielle, mabilis akong nag-iisip sa inis, at walang hinihiling kung hindi agawin ang phone niya. Bakit ba nag-aabala pa din siya sa kanya? Hindi ba niya naiintindihan na ginawan ko siya ng pabor sa pagpapalayas sa kanya? Hindi ba dapat nagpapasalamat siya?Naalala ko ang mga nangyari para umabot sa puntong ito. Noong sinabi ni Jared na wala siyang dahilan para hiwalayan si Arielle, alam ko na may dapat akong gawin. Kailangan ko makaisip ng dahilan. Alam ko na naghihinala si Arielle sa pagkakaibigan namin, kailangan ko padaanin ang plano ko doon para mas kapanipaniwala ito.Kaya noong nakaraang araw, nagawa ko na kumuha ng dokumento na sa tingin ko ay mahalaga kay Jared mula sa briefcase niya. Tulad ng hula ko, umuwi siya para hanapin ito. Umakyat ako sa kuwarto niya dala ang inumin na may hinalo ako para ialok sa kanya.Tinanggap niya ito at ilang minuto ang nakalilipas, tinablan na siya. Isinama ko siya sa kama, at gina
(JARED’S POV)Unti-unti ko na iminulat ang mga mata ko, at nakita ko na nakahiga ako. Noong tumingin ako sa paligid, napansin ko na nakahiga ako sa kama, sa kuwarto pa din. Pero pakiramdam ko may mali. Sinubukan ko na umupo, pero matinding sakit ng ulo ang naramdaman ko, at napapikit ako. Pero, nilabanan ko ang sakit ng ulo ko at naupo, minamasahe ang mga sentido ko.Nasaan si Arielle? Anong oras na? Napatingin ako sa orasan at nakita na 9 am na. Bakit nasa bahay pa din ako at wala sa trabaho? Bakit hindi ako ginising ni Arielle para sa trabaho?Dagdag pa dito, kakaiba ang pakiramdam ko. Mapait ang panlasa ko at pagod ang pakiramdam kahit na kakagising ko lang. Sinubukan ko na mag-isip, pero sumasakit lang ang ulo ko sa bawat lumilipas na sandali.Ano ba ang nangyari?Sa oras na iyon, bumukas ang pinto, at pumasok si Sofia, may dala siyang tray. Ngumiti siya sa akin. “Magandang umaga, antukin.”Pinilit ko ngumiti, naguguluhan pa din. “Magandang umaga. Anong nangyayari?” tanong ko
(ARIELLE’S POV)Nag-alinlangan si Ashley, napatingin siya sa baba sandali bago ako tinignan sa mga mata.“Hindi,” sambit niya ng mahina. “Kinokontak ko na siya ng matagal na, pero hindi ko siya matawagan. Balak ko sana pa puntahan siya at hanapin pero…” humina ang boses niya habang piga ng mahina ng kamay ko. “Wala kang malay, at hindi kita gustong iwan ng matagal.”Tumango ako, matinding sakit ang nararamdaman ko sa puso ko. Ano ba ang inaasahan ko? Na iiwan ni Jared ang piling ng mahal niya—si Sofia, at hahanapin ako? Kahit na nawala ang anak ko at ganito ang estado ko dahil sa kanila?Nakaramdam ako ng mapait na tawa sa lalamunan ko, pero nawala na ito bago makalabas.Nagulo ni Ashley ang iniisip ko. “Susubukan ko siyang tawagan ulit,” sambit niya, inabot niya ang kanyang phone. “Kung hindi pa din siya mareach sa phone, hahanapin ko siya. Kakaiba na hindi ka niya hinahanap sa buong oras na ito.”“Huwag,” bulong ko.Tumigil si Ashley at tinignan ako ng napapaisip, pero umiling
(ARIELLE’S POV)Umungol ako at sinubukan na maupo sa kama, habang sumusulyap sa paligid. Nasa hospital room ako, pero hindi ko alam kung paano ako napunta doon. Sinubukan ko na maalala, pero magulo ang isip ko.Doon ko siya nakita, si Ashley. Nakaupo siya sa tabi ko, nakapahinga ang ulo sa kama.“Ashley?” sambit ko, tuyo ang boses ko.Tumingala siya, at agad na hinawakan ang kamay ko, nanggigilid ang mga luha niya. “Sawakas, gising ka na. Okay ka lang ba?”Tumango ako. “Anong nangyari? Nasaan ako?”“Nasa ospital ka. Dapat ko puntahan ang doktor,” sambit ni Ashley at tumayo siya.“Ospital?” sinubukan ko na alalahanin, pero malabo ang lahat. At doon ko napagtanto bigla; ang baby ko! Naaalala ko na naaksidente ako, dinugo, at napahawak ako sa tiyan ko.“Ang baby ko,” bulong ko, natataranta na ako.Umiwas ng tingin si Ashley, at napapaisip ako na tumingin sa kanya. “Magsalita ka. Okay lang ba ang baby ko?”Napapikit si Ashley, ayaw pa din akong tignan sa mga mata, pero nakikita k