Accueil / Romance / Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo / Kabanata 30 Hindi ako sasama sa iyo

Share

Kabanata 30 Hindi ako sasama sa iyo

Auteur: Gabby Emmanuel
(ARIELLE’S POV)

Tumigil kami pareho ni Jared, gulat kaming nagkatinginan.

“Anong ingay iyon?” tanong ko, makikita sa ekspresyon ko ang takot.

“Hindi ko alam—“ sinubukan sabihin ni Jared, pero tumigil siya na parang may naalala bigla. At mabilis na siyang tumakbo papasok sa bahay, sumisigaw siya, “Sofia!”

Natulala ako sandali, pero sumunod ako. Tumakbo kami at nakaratingsa sitting room, hinihingal at nakita namin si Sofia, tinatamad na nakahiga sa sofa, nanonood ng pelikula.

“Nababaliw ka na ba, Sofia?” sigaw ko dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili. “Para saan ang sigaw na iyon?”

Hindi siya nagsalita, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tumingin pabalik sa TV. Hindi rin niya kinilala ang presensiya ni Jared, mukhang galit pa din siya sa kanya dahil sa pagtanggi niya kaninang umaga na ihatid siya.

“Sofia, kinakausap ka.” Simula ni Jared, may pagkairita sa boses niya. “Bakit ka sumigaw ng ganoon kalakas?”

Tinignan sawakas ni Sofia si Jared, galit ang ekspresyon niya. “
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Nerivie Vegiga Gomez
nakakainis ang storya
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Related chapter

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 31 Sandali lang ang quickie sa shower

    (ARIELLE’S POV)Tumigil sandali si Jared, at may panandaliang katahimikan. “Bakit?” tanong niya sawakas.“Dahil ayaw ko. Isama mo na lang si Sofia, sigurado ako na matutuwa siya na tanggapin ang alok mo.”“Pero hindi ko asawa si Sofia, Arielle,” kontra niya. “Ikaw ang asawa ko.”“Kinukuwestiyon ko lately dahil hindi ko na alam ang lugar ko sa buhay mo. Hinahayaan mo siyang gawin ang mga bagay at pinapalampas mo siya ng ganoon na lang na parang siya ang asawa mo dito.”“Huy,” sambit ni Jared at lumapit sa akin sa kama. “Pasensiya—”“Iyan ang problema!” sambit ko, inalis ko ang kumot at naupo. “Ang sinasabi mo na lang lagi ay sorry, sorry at sorry. Pero, wala kang ginagawang effort para magbago. Pagod na ako at sawa sa mga sorry mo. Alam mo kung bakit? Dahil inuulit mo pa din ang mga ginagawa mo.”“Arielle, buntis siya—”“At dahilan ba iyon para patawarin siya kapag sumosobra na siya? Alam mo ba? Ayaw ko ng pag-usapan si Sofia, dahil bilang mag-asawa, hindi na tayo makapagusap ng

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 32 Ang asawang babae ng bahay

    (ARIELLE’S POV)“Tang ina! Malalate na tayo,” mura ni Jared habang isinusuot ang damit niya.Natutuwa akong tumawa, pinapanood siyang nagrereklamo na parang bata. “Well, kung hindi ka naging needy sa banyo, hindi sana tayo malalate,” biro ko sa kanya.“Hindi mo ako masisisi, asawa ko. Hindi lang talaga ako makatanggi sa iyo,” sambit niya, at naparasara ako ng bibig para hindi ako mamula. Sinubukan ko na hindi alalahanin ang nangyari sa amin sa shower, dahil lalo lang akong mamumula. Sinabi ni Jared na quickie lang, pero nauwi kami sa dalawang rounds, at halos papunta na sa ikatlo kung hindi ko siya napigilan.“Dapat mo matutunan,” sambit ko at lumapit ako sa kanya, nakaharap ang likod ko sa kanya. “Heto, tulungan mo ako sa zipper.”“Ang ganda mo tignan sa dress na ito,” puri ni Jared habang inaasikaso ang zipper.“Salamat—” sasabihin ko sana, pero napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang mga daliri niya sa likod ko.“Puwedeng hindi na tayo pumunta sa party, anong masasabi m

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 33 Misis niya

    (ARIELLE’S POV)Nanlumo ako ng suriin ko ang paligid, napagtanto na si Jared at Sofia ay tumuloy na ng wala ako. Wala akong problemak ay Sofia, pero may problema ako kay Jared.Ako ang asawa niya, at hindi ba dapat magkasama ang magkasintahan na pumupuntas a mga event? Nag-alinlangan ako sandali, iniisip ko kung papasok ako mag-isa o tatawagan si Jared para isama ako papasok.Kinakabahan talaga ako pumasok sa bar ng wala si Jared, dahil kahit na tatlong taon na kaming mag-asawa, hindi ko pa nakikilala ang mga kaklase niya at kaibigan, ang pangunahing dahilan ay dahil abala kami sa trabaho, o kaya hindi pa nagkakaroon ng oportunidad.Makalipas ang ilang segundo ng pag-aalinlangan, napagdesisyunan ko na pumasok mag-isa. Huminga ako ng malalim, inayos ang dress ko at inayos ang mga balikat ko habang papasok sa entrance.Noong buksan ko ang pinto, ang tunog ng tawanan at bangayan ay ang unang bumungad sa akin, at agad ako tinamaan ng matinding amoy ng mamahaling pabango at alak.Woa!

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 34 Gumanti

    (ARIELLE’S POV)Ang mga mata ng lalake ay nanlaki sa gulat, at napanganga lang siya. “Ikaw… ikaw ang asawa ni Jared?” nautal siya.Gulat din ang itsura ng partner niya. “Ano? Hindi maaari!”Ang unang lalake ang nauna na kumalma, pagkatapos, ang gulat niyang itsura ay napalitan ng tusong ngiti. “Sa tingin mo maloloko mo kami, huh?” tinignan niya ako, mapanglait ang itsura niya. “Ikaw ang isa sa mga babae na may gusto kay Jared, at gustong gusto na mahalin sana niya.”Natawa ako ng kaunti, hanga ako sa pagiging ignorante niya. “Oh, ganoon ba?” sambit ko, inilabas ko ang phone ko. “Hayaan mo ipakita ko ang isang bagay sa iyo kung ganoon.”Binuksan ko ang phone ko, at ipinakita ang litrato namin noong ikinasal kami. Nakangiti kaming dalawa at magkayakap.Nanlaki ang mga mata ng dalawang lalake habang tinitignan ang imahe. Sabay silang napahinga ng malalim, namumutla sila.Kumindat ako sa kanila, kuntento sa nakatutuwang mga ekspresyon nila. “Sa tingin ko okay na ito,” sambit ko, at

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 35 Para namang hindi reunion party

    (ARIELLE’S POV)Maririnig ang mga gulat na ekspresyon sa hall habang sinusuntok ng sunod-sunod ni Jared ang lalake, kung saan panandalian akong natakot baka mapatay niya ito. Natulala akong makita si Jared ng ganoon, dahil sa nakalipas na mga taong magkasama kami, hindi ko pa siya nakita na nakipagtalo o away ng salita lalo na ang makipagaway ng pisikal kahit na kanino.Hindi ako makapaniwala sa mapula niyang mga mata, nakasaradong mga kamao at gigil na itsura. Ang buhok niya ngayon ay magulo, at natanggal ang bitones ng damit niya, mukha siyang nakakatakot at delikado.Matapos kumalma, sumigaw ako sa mga tao na nakatayo lang sa gilid, pinapanood na mag-away ang dalawang lalake ng hindi kumikilos para pigilan sila. “Pigilan ninyo sila!”Pero walang kumilos; mukhang lahat sila takot na kalabanin si Jared.“Bingi ba kayong lahat? Pigilan ninyo sila, pakiusap,” sigaw ko. Sa puntong ito, ang mga mata ko ay maluha-luha na sa kung gaano kabugbog sarado ang isa pang lalake. Samantala, mu

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 36 Ang trophy wife; hindi nababagay sa kanya

    (ARIELLE’S POV)Nagmadali akong lumabas, tumatakbo ako sa bangketa habang nagmamadali para habulin si Jared at Sofia. Nakaupo na sila sa kalsada, ang mga mata ni Jared ay nakatutok sa kalsada habang sinindihan niya ang makina. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at naupo sa backseat, sinusubukan maghabol ng hininga.Tahimik ang sasakyan at matindi ang tensyon habang palabas ang sasakyan mula sa parking lot. Nakatitig si Sofia sa labas ng bintana, hindi mabasa ang ekspresyon niya.Samantala, si Jared naman ay galit ang itsura, ang kapit niya sa manibela ay mahigpit. Brusko ang pagmamaneho niya at natakot ako para sa buhay namin.“Jared, pwuwede ba bagalan mo? Mamamatay tayo sa bilis ng takbo mo,” sigaw ko, ng halos bumangga na siya sa truck.“Huwag mo akong utusan,” sagot niya, galit ang tono niya.Nabigla ako sa ugali niya at dating nito, pero hindi ako susuko kung gusto ko na makauwi pa ng buhay.“Kung wala kang pakielam sa buhay mo at buhay ko, isipin mo na lang ang kalagayan ni

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 37 Wala kang alam, Arielle

    (ARIELLE’S POV)Matalas ang mga salita ni Sofia na parang humiwa sa puso ko, at panandalian akong natanga. Humarap ako kay Jared para hingin ang tulong niya, pero umiwas ang mga mata niya. Sapat na sagot na ang katahimikan niya, at nakaramdam ako ng kilabot.“Ang lakas ng loob mo?” nagawa kong sabihin sawakas, nanginginig ang boses ko. “Wala kang karapatan na magsalita ng ganyan sa akin, Sofia.”Pero hindi siya nagpatalo. “Sinasabi ko lang ang totoo, at alam mo iyon. Hindi ikaw ang tamang babae para kay Jared. Nararapat para sa kanya ang taong kilala siya, taong nakakaintinidi sa kanya.”Naramdaman ko na naggigilid ang mga luha ko, pero ayaw ko na tumulo sila. Hindi ko ibibigay kay Sofia ang satisfaction na makita akong umiiyak. Hindi ko siya hahayaan na malaman kung hanggang saan umabot ang mga salita niya sa akin, kung gaano kasakit ang mga salita niya.Wala ng sabi-sabi pa, umakyat ako ng hagdan, masakit ang puso ko sa emosyon. Nakarating ako sa kuwarto at ibinalibag pasara ang

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 38 Kailangan niyang gawan ng paraan ang mga bagay-bagay

    (ARIELE’S POV)Matapos umalis si Jared, wala akong masabi. Manhid akong naupo sa kama, nakatitig sa kawalan, habang sinusubukan na isipin kung anong nangyari. Magulo ang isip ko, habang sinusubukan ko intindihin nasinisisi ako ni Jared habang kinakampihan si Sofia.Lumipas nag mga minuto, at nakatulog ako sa estadong iyon, gulat pa din ang isip ko sa pagtatalo namin. Nagising ako ng kumukulo ang sikmura ko, naalala ko na hindi pa ako naghahapunan.Sinuri ko ang paligid sa kuwarto, at napansin na hindi bumalik si Jared. Mukhang determinado siyang matulog sa guest room.Sinubukan ko na hindi masaktan habang bumabangon mulas a kama. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo, sinusubukan na alisin ang pakiramdam ng kawalan. Matapos maligo, isinuot ko ang nightdress ko at lumabas ng kuwarto, naghahanap ng pagkain. Noong nakarating ako sa kusina, binuksan ko ang pridyider, at tinignan ang laman nito para maghanap ng makakain.Habang naghihintay ako na uminit ang pagkain ko, naglakbay na

Latest chapter

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 110 Kaunting libangan

    (ARIELLE’S POV)Ang restaurant ko, ang A and M, na initials para sa Arielle at Maverick, ay nagbukas na sawakas ang mga pinto para sa publiko noong nakaraang araw, at ngayon, para maghost ng meeting sa potensyal na mga shareholders ng restaurant ko. Ang sagot nila at turnout ay overwhelming, at nasabik akong pag-usapan ang hinaharap ng business ko sa mga indibidwal na interesado.Marami sa kanila ang dumating, at ang iba ay papunta na. Hindi magsisimula ang meeting ng wala sila, at bukod pa doon, hindi pa oras ng meeting, kaya worth it ang paghihintay.Ang entrance ay bumukas, at alam ko na isa ito sa mga interesadong indibidwal na papasok, kaya inihanda ko ang sarili ko at ngumiti, handa na iwelcome ang kahit na sino ng nakangiti, tulad ng ginawa ko sa iba.Pumasok ang pigura sa loob, at nanghina ang ngiti ko. Nanigas ako, nanlaki ang mga mata ko at napanganga. Anong pambihirang nangyayari dito? Sambit ko sa isip ko, nakipagtitigan ako sa bagong dating.Hindi maaari! Jared?Kahi

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 109 Isang potensyal na shareholder

    (JARED’S POV)Tumunog ang phone ko, nabasag ang katahimikan sa aking opisina. Sinulyapan ko ang screen at nakita ang pangalan ng imbestigador ko.“Sabihin mo,” sagot ko. “May update ka na?”“Oo,” sagot niya at nag-alinlangan siya“Sige,” udyok ko.“Sa kasamaang palad, hindi ko siya masundan hanggang sa bahay. Napansin niya na sinusundan ko siya at gumawa siya ng paraan para hindi ko siya mahabol.”Sumarado ng mahigpit ang panga ko at humigpit ang kapit sa phone. “Puro palusot na lang ba ang mabibigay mo?” galit ko na sinabi.“Kumalma ka, sir. Pakiusap, makinig ka sa akin,” makaawa niya.Huminga ako ng malalim, pinilit ko ang sarili ko na manatiling tahimik at hayaan siyang magpatuloy.“Hindi ko siya nagawang sundan sa kanyang bahay tulad ng plano ko kahapon, pero nagawa ko na makuha ang address ng restaurant niya.”“Restaurant niya?” inulit ko, naging interesado ako.“Oo, mayroon siyang building restaurant, at sa isang linggo ito magbubukas.”Naupo ako ng diretso ngayon. “I

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 108 Ang ipinangakong proteksyon

    (ARIELLE’S POV)Matapos magmaneho pa, itinigil ko ang sasakyan sa isang lugar na maikukunsidera ko na ligtas at sinubukas na maghabol ng hininga. Nanginig ako ng hindi makontrol ang kamay ko sa manibela, habang ang puso ko ay malakas ang tibok na parang lalabas ng dibdib ko.Sinubukan ko kumalma, kung hindi, hindi ako makakapagmaneho pauwi. Huminga ako ng malalim at mabagal, sinubukan ko na ayusin ang aking sarili. Nagpanic ako, pero isinantabi ko ang nararamdaman ko. Hindi ako puwede magpanic attack, hindi, hindi dito.Makalipas ang ilang minuto, naging normal ng unti-unti ang tibok ng puso ko, at naging steady ang aking kamay. Dahil kuntento na ako na puwede na akong magmaneho ulit, sinindihan ko muli ang makina ng sasakyan, nagmaneho ako pauwi, alerto na ang aking senses.Habang nagmamaneho, lalo akong nabalisa, habang sinusubukan ko alamin kung bakit ako susundan ng kahit na sino. Hindi ko ito maintindihan, at patingin tingin ako pa din ako sa salamin para masiguro na wala na a

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 107 Ang habulan

    (ARIELLE’S POV)Nakabalik ako sawakas sa bahay, pagod pero fulfilled. Ang nanay ko at anak ay naghihintay na sa sitting room, at yumakap sila sa akin habang ipinapakita ang tuwa ng pumasok ako.“Nakita namin ang balita!” sambit ni Maverick, tumalon siya sa akin. “Sikat ka na ngayon, Mama.”“Congrats, darling ko. Sobrang proud ako sa iyo,” sambit ng aking nanay.Ngumiti ako, masaya rin dahil masaya sila. “Salamat.”Naglakad ako patungo sa couch at naupo kaming lahat at ikinuwento ko sa kanila na mga nasasabik kung anong nangyari sa araw ko. Pero siyempre, siniguro ko na hindi kasama ang aksidente at engkuwentro kay Sofia, para hindi sila mataranta.Pagkatapos ko magkuwento, nagpaalam ako dahil gusto ko na hubarin ang damit ko at accessories sa aking katawan. “Pasensiya na sa inyong dalawa, sambit ko,” tumayo ako. “Kailangan ko maligo at magpahinga ng kaunti.”“Malapit na maging handa ang dinner,” paalala ng nanay ko.Tumango ako, nagpapasalamat sa kaunting pahinga. Sa oras na na

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 106 Nakatikim ng tagumpay

    (ARIELLE’S POV)Unang araw ko simula ng makauwi ako, at nakaramdam ako ng sabik at kaba. Ngayon, bibisita ako sa restaurant site ko at dadalo sa isang mahalagang meeting kasama ang mga delegates mulas a Paradiso Culinary Academy—ang alma mater ko—para sa ambassador endorsement na nagpakahirap ako para masigurong makuha.Pagkakataon ito para hubugin ang culinary world sa paraan na ninanais ko sa mga panahon ng mahahabang taon sa Italy.Nasabik ako habang iniisip ko ang mga benepisyo na kaakibat ng posisyon—mamahaling sasakyan, fully funded insurance, malaking sahod na magpapayaman sa akin. Napakaganda ng mga benepisyo.Pero ang pinakaninanais ko ay ang mag-iwan ng marka sa menu ng Paradiso, sa pagkakakilanlan nito, sa kanilang mga patron. Ito ang entablado ko, at handa na akong angkinin ito.Isinuot ko ang aking itim na dress, ang fabric ay nakakapit sa lahat ng mga tamang lugar. Simple, elegante. Walang makeup para mahighlight ang itsura ko at mabilis na pagpapa unat ng buhok ko,

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 105 Bagong Siya

    (JARED’S POV)Kumurap ako at tinignan muli ang headline, sinisiguro na hindi mali ang nabasa ko. Pero hindi nawala ang mga salita. Nandoon sila, nakasulat pa din.Pagkatapos ay napalunok ako ng madiin, pinilit ko ang sarili ko na tumingin pababa, at nahirapan akong huminga. Siya nga. Si Arielle.Ang parehong babae sa airport.Ang parehong babae sa sasakyan ni Ashley. Kaya pala naaakit ako sa sasakyan kanina.Paano ako naging ganito kabulag?Dalawang beses, makalipas lang ang ilang araw. Sa airport, kung saan naramdaman ko ang kakaibang hatak sa akin pero isinawalangbahala ko. Sa sasakyan, noong sinubukan ko siyang makita, pero naglaho siya bago ko siya tunay na masulyapan. Sa parehong beses, hinayaan ko siyang makaalis.Pagkatapos, tinamaan ako ng napagtanto ko na parang tone-toneladang mga simento, nadurog ang puso ko. Paano ako nagagawang biruin ng tadhana ng ganito?Hindi ko naisip na makikita ko siya ulit. Pero heto siya.Tinitigan ko ang litrato, mabilis ang tibok ng akin

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 104 Nakarating siya sa balita

    (JARED’S POV)Babad ako sa trabaho ng marinig ko ang ingay ng phone ko sa katahimikan, hinatak ako nito mula sa aking focus.Ok, anong nangyari ngayon? Kailan ba siya titigil sa pag likha ng gulo? Bumuntong hininga ako at pinigil ang galit ko habang nakikinig ako sa pag-iyak niya mula sa kabilang side ng phone. Nakatira siya sa ilalim ng bahay ko; ang kaligtasan niya ay hindi ko maisawalangbahala. Ngayon alam ko na na karma ko ito. Pinatay ko ang laptop ko, kinuha ang sasakyan, at umalis.Habang nagmamaneho ako, tahimik akong nagdarasal na sana ang aksidente ay hindi kasing tindi ng kanyang paglalarawan sa phone.Habang malapit na ako doon, tumigil ako sa stop light. Kinakain ako ng inis habang tinatapik ko ang manibela, hinihintay ito na magbago. Nalipat ang tingin ko at napunta sa pagsuri sa mga sasakyan sa paligid. Dito ko napansin ang grey Audi sa tabi ko.Hindi ito bibihirang modelo, pero mukhang pamilyar ito.May naramdaman ako sa loob ko—sasakyan ni Ashley? Pero bakit ito

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 103 Ang aksidente

    (SOFIA’S POV)Dumating ako sa “Elegance,” isang sikat na unisex fashion clothing shop kung saan mga mayayaman lamang ang bumibili. Dahil regular ako dito, maganda ang trato sa akin sa oras na pumasok ako sa female section ng shop para sa mga bagong dating.“Welcome back, Sofia,” sambit ni Jenna, ang sales manager, na lumapit habang nakangiti.“Hi, Jenna. Kakatapos ko lang tignan ang bagong mga dating,” sagot ko, sinusuri ang mga bagong dating na damit.“May mga magaganda kaming damit mula sa latest collection,” sambit niya, isinama ako sa designer section.Pagkatapos pumili ng ilang mga dress at sukatin ito, nakapagdesisyon ako sawakas. Sa checkout counter, tinotal ni Jenna ang mga binili ko.“Ang suma total ay $10,000,” anunsiyo niya.Inabot ko ang itim ko na card, at winithdraw niya ang halaga. Pagkatapos, naglabas ako ng mga perang papel at inabot sa kanya. “Heto, sa pagiging mabait na babae.”“Salamat. Paalam,” sambit niya.Tumango ako at naglakad palabas, dala ang mga sho

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 102 Isa lamang panaginip

    (JARED’S POV)Habang nahihirapan ako na manatiling gising at labanan si Sofia, nagsimula na lumipad ang isip ko sa parang panaginip na estado.At pagkatapos, tila ba may bumukas na pinto sa aking isip, nakita ko ang sarili ko sa ibang lugar—mainit, at malinawag na ilaw na iniimbitahan ako. Pakiramdam ko pamilyari to, bagay na matagal ng nawala pero hindi ako tumigil sa paghahanap.Nandoon si Arielle, nakatayo sa tabi ko, kumikinang ang mga mata niya, ang mga labi niya ay nakangiti ng mahinhin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita siya. Totoo siya. Dito. Kasama ko.“Love,” bulong ko, nanginginig ang boses ko sa matinding halo ng saya at hindi makapaniwala.“Yes, Jared,” sagot niya, ang boses niya ay parang hele na nakalimutan ko na. Ang boses niya ay binalot ako, at panandalian, ang sakit sa puso ko ay naglaho.Nararamdaman ko ang bilis ng pintig sa tenga ko, naghahalo ang aking mga emosyon—sobrang saya ko na halos madurog ako. Nandito siya. Mahal pa din niya ako. At lahat ng si

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status