(ARIELE’S POV)Matapos umalis si Jared, wala akong masabi. Manhid akong naupo sa kama, nakatitig sa kawalan, habang sinusubukan na isipin kung anong nangyari. Magulo ang isip ko, habang sinusubukan ko intindihin nasinisisi ako ni Jared habang kinakampihan si Sofia.Lumipas nag mga minuto, at nakatulog ako sa estadong iyon, gulat pa din ang isip ko sa pagtatalo namin. Nagising ako ng kumukulo ang sikmura ko, naalala ko na hindi pa ako naghahapunan.Sinuri ko ang paligid sa kuwarto, at napansin na hindi bumalik si Jared. Mukhang determinado siyang matulog sa guest room.Sinubukan ko na hindi masaktan habang bumabangon mulas a kama. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo, sinusubukan na alisin ang pakiramdam ng kawalan. Matapos maligo, isinuot ko ang nightdress ko at lumabas ng kuwarto, naghahanap ng pagkain. Noong nakarating ako sa kusina, binuksan ko ang pridyider, at tinignan ang laman nito para maghanap ng makakain.Habang naghihintay ako na uminit ang pagkain ko, naglakbay na
(ARRIELLE’S POV)Sa sumunod na umaga, naghanda ako na umalis ng maaga para sa trabaho. Sa dami ng narinig ko kagabi, mas pipiiin ko na hindi harapin si Jared o kaya Sofia.Habang pasakay sa taxi papasok ng trabaho, hindi ko mapigilang isipin kung paano ako iisipin ng paraan para palaysin si Sofia at ibalik ang kontrol sa pagsasama namin ni Jared at buhay ko.Dumating ako sa trabaho at sinubukan na idistract ang sarili ko sa mga trabaho at mga meeting, habang iniiwasan din si Rebecca na napapaisip kung bakit hindi ako inihatid ni Jared sa trabaho.Noong lunchbreak, tumigil si Ashley sa restaurant dahil sa pagmamakaawa ko. Kailangan ko talaga makausap siya ng personal dahil kung may taong makakatulong sa akin, siya iyon.Habang nakaupo sa upuan ko, dumiretso sa punto si Ashley. “So, nakaisip ka na ba ng plano?”Umiling-iling ako, naiinis. “Hindi, hindi pa. Iniisip ko ito buong umaga, pero hindi ako makaisip ng kahit na ano.”“Kailangan mo, Arielle,” sambit ni Ashley, nakaupo siya
(ARIELLE’S POV)Napatigil ako sa paghinga, pero hindi sa mabuting paraan. Hindi sa paraan na nakikita mo ang taong mahal mo at may ginawa siyang maganda, kung hindi sa isang paraan na may nakita kang napakasakit sa puso at hindi mo lubos akalain.Sa paanan ng kama, nakahiga si Jared at sinasakyan siya ni Sofia at nakayakap sa leeg niya.Nanigas ako, nakatitig ako sa eksenang nasa harapan ko. Hindi ako makapagsalita, hindi ako makakilos, hindi ako makahinga.Noong nagawa ko na magsalita, halos bulong lang ito. Isang walang kuwentang hikbi na hindi ko nakilala na galing pala sa akin. Mukhang nakuha nito ang atensyon ni Sofia, na nakatalikod sa akin, at humarap siya sa direksyon ko. Hindi siya mukhang nagulat o nagsisisi, sa halip ngumiti siya sa akin at hinalikan si Jared at pinatunog ito ng malakas na tila ba normal ito.Napahinga ako ng malalim, nakakapit ako sa pader para masuportahan ako. Hindi man lang ako tinginan ni Jared, wala siyang sinabi o kumilos mula sa pisisyon niya. H
(ASHLEY’S POV)Hindi ako mapakali sa couch, at nakatitig lang ako sa orasan sa pader. Apat na oras na ang lumipas ng ipasok sa emergency room si Arielle, pero, wala pa din akong nakukuha na balita. Walang updates, walang balita, nakakatakot lang na katahimikan na nakakabaliw.Sinubukan ko na tawagan si Jared ng maraming beses, pero busy ang phone niya at noong tumawag ako ng ilang minuto kanina, nakapatay ito. Hindi ba dapat nag-aalala siya at tumawag na ngayon dahil gabi na, at wala pa sa bahay si Arielle?Tinatawagan niya ako madalas dati sa tuwing gabi na at hindi niya kasama si Arielle, pero iba ngayon, hindi maganda ang pakiramdam ko dito. Natutukso ako na hanapin siya, at siguruhin na malaman niyang nasa ospital ang asawa niya, nakikipaglaban para mabuhay, pero hindi ko magawang iwan si Arielle. Hindi pa.Gusto ko makita ang best friend ko, hawakan ang kamay niya, para malaman ko na magiging okay siya. Pero, may matinding kutob ako na may kinalaman si Jared sa kung anong nang
(ARIELLE’S POV)Umungol ako at sinubukan na maupo sa kama, habang sumusulyap sa paligid. Nasa hospital room ako, pero hindi ko alam kung paano ako napunta doon. Sinubukan ko na maalala, pero magulo ang isip ko.Doon ko siya nakita, si Ashley. Nakaupo siya sa tabi ko, nakapahinga ang ulo sa kama.“Ashley?” sambit ko, tuyo ang boses ko.Tumingala siya, at agad na hinawakan ang kamay ko, nanggigilid ang mga luha niya. “Sawakas, gising ka na. Okay ka lang ba?”Tumango ako. “Anong nangyari? Nasaan ako?”“Nasa ospital ka. Dapat ko puntahan ang doktor,” sambit ni Ashley at tumayo siya.“Ospital?” sinubukan ko na alalahanin, pero malabo ang lahat. At doon ko napagtanto bigla; ang baby ko! Naaalala ko na naaksidente ako, dinugo, at napahawak ako sa tiyan ko.“Ang baby ko,” bulong ko, natataranta na ako.Umiwas ng tingin si Ashley, at napapaisip ako na tumingin sa kanya. “Magsalita ka. Okay lang ba ang baby ko?”Napapikit si Ashley, ayaw pa din akong tignan sa mga mata, pero nakikita k
(ARIELLE’S POV)Nag-alinlangan si Ashley, napatingin siya sa baba sandali bago ako tinignan sa mga mata.“Hindi,” sambit niya ng mahina. “Kinokontak ko na siya ng matagal na, pero hindi ko siya matawagan. Balak ko sana pa puntahan siya at hanapin pero…” humina ang boses niya habang piga ng mahina ng kamay ko. “Wala kang malay, at hindi kita gustong iwan ng matagal.”Tumango ako, matinding sakit ang nararamdaman ko sa puso ko. Ano ba ang inaasahan ko? Na iiwan ni Jared ang piling ng mahal niya—si Sofia, at hahanapin ako? Kahit na nawala ang anak ko at ganito ang estado ko dahil sa kanila?Nakaramdam ako ng mapait na tawa sa lalamunan ko, pero nawala na ito bago makalabas.Nagulo ni Ashley ang iniisip ko. “Susubukan ko siyang tawagan ulit,” sambit niya, inabot niya ang kanyang phone. “Kung hindi pa din siya mareach sa phone, hahanapin ko siya. Kakaiba na hindi ka niya hinahanap sa buong oras na ito.”“Huwag,” bulong ko.Tumigil si Ashley at tinignan ako ng napapaisip, pero umiling
(JARED’S POV)Unti-unti ko na iminulat ang mga mata ko, at nakita ko na nakahiga ako. Noong tumingin ako sa paligid, napansin ko na nakahiga ako sa kama, sa kuwarto pa din. Pero pakiramdam ko may mali. Sinubukan ko na umupo, pero matinding sakit ng ulo ang naramdaman ko, at napapikit ako. Pero, nilabanan ko ang sakit ng ulo ko at naupo, minamasahe ang mga sentido ko.Nasaan si Arielle? Anong oras na? Napatingin ako sa orasan at nakita na 9 am na. Bakit nasa bahay pa din ako at wala sa trabaho? Bakit hindi ako ginising ni Arielle para sa trabaho?Dagdag pa dito, kakaiba ang pakiramdam ko. Mapait ang panlasa ko at pagod ang pakiramdam kahit na kakagising ko lang. Sinubukan ko na mag-isip, pero sumasakit lang ang ulo ko sa bawat lumilipas na sandali.Ano ba ang nangyari?Sa oras na iyon, bumukas ang pinto, at pumasok si Sofia, may dala siyang tray. Ngumiti siya sa akin. “Magandang umaga, antukin.”Pinilit ko ngumiti, naguguluhan pa din. “Magandang umaga. Anong nangyayari?” tanong ko
(SOFIA’S POV)Pinanood ko si Jared na tinawagan ang numero ni Arielle, mabilis akong nag-iisip sa inis, at walang hinihiling kung hindi agawin ang phone niya. Bakit ba nag-aabala pa din siya sa kanya? Hindi ba niya naiintindihan na ginawan ko siya ng pabor sa pagpapalayas sa kanya? Hindi ba dapat nagpapasalamat siya?Naalala ko ang mga nangyari para umabot sa puntong ito. Noong sinabi ni Jared na wala siyang dahilan para hiwalayan si Arielle, alam ko na may dapat akong gawin. Kailangan ko makaisip ng dahilan. Alam ko na naghihinala si Arielle sa pagkakaibigan namin, kailangan ko padaanin ang plano ko doon para mas kapanipaniwala ito.Kaya noong nakaraang araw, nagawa ko na kumuha ng dokumento na sa tingin ko ay mahalaga kay Jared mula sa briefcase niya. Tulad ng hula ko, umuwi siya para hanapin ito. Umakyat ako sa kuwarto niya dala ang inumin na may hinalo ako para ialok sa kanya.Tinanggap niya ito at ilang minuto ang nakalilipas, tinablan na siya. Isinama ko siya sa kama, at gina
(ARIELLE’S POV)Ang restaurant ko, ang A and M, na initials para sa Arielle at Maverick, ay nagbukas na sawakas ang mga pinto para sa publiko noong nakaraang araw, at ngayon, para maghost ng meeting sa potensyal na mga shareholders ng restaurant ko. Ang sagot nila at turnout ay overwhelming, at nasabik akong pag-usapan ang hinaharap ng business ko sa mga indibidwal na interesado.Marami sa kanila ang dumating, at ang iba ay papunta na. Hindi magsisimula ang meeting ng wala sila, at bukod pa doon, hindi pa oras ng meeting, kaya worth it ang paghihintay.Ang entrance ay bumukas, at alam ko na isa ito sa mga interesadong indibidwal na papasok, kaya inihanda ko ang sarili ko at ngumiti, handa na iwelcome ang kahit na sino ng nakangiti, tulad ng ginawa ko sa iba.Pumasok ang pigura sa loob, at nanghina ang ngiti ko. Nanigas ako, nanlaki ang mga mata ko at napanganga. Anong pambihirang nangyayari dito? Sambit ko sa isip ko, nakipagtitigan ako sa bagong dating.Hindi maaari! Jared?Kahi
(JARED’S POV)Tumunog ang phone ko, nabasag ang katahimikan sa aking opisina. Sinulyapan ko ang screen at nakita ang pangalan ng imbestigador ko.“Sabihin mo,” sagot ko. “May update ka na?”“Oo,” sagot niya at nag-alinlangan siya“Sige,” udyok ko.“Sa kasamaang palad, hindi ko siya masundan hanggang sa bahay. Napansin niya na sinusundan ko siya at gumawa siya ng paraan para hindi ko siya mahabol.”Sumarado ng mahigpit ang panga ko at humigpit ang kapit sa phone. “Puro palusot na lang ba ang mabibigay mo?” galit ko na sinabi.“Kumalma ka, sir. Pakiusap, makinig ka sa akin,” makaawa niya.Huminga ako ng malalim, pinilit ko ang sarili ko na manatiling tahimik at hayaan siyang magpatuloy.“Hindi ko siya nagawang sundan sa kanyang bahay tulad ng plano ko kahapon, pero nagawa ko na makuha ang address ng restaurant niya.”“Restaurant niya?” inulit ko, naging interesado ako.“Oo, mayroon siyang building restaurant, at sa isang linggo ito magbubukas.”Naupo ako ng diretso ngayon. “I
(ARIELLE’S POV)Matapos magmaneho pa, itinigil ko ang sasakyan sa isang lugar na maikukunsidera ko na ligtas at sinubukas na maghabol ng hininga. Nanginig ako ng hindi makontrol ang kamay ko sa manibela, habang ang puso ko ay malakas ang tibok na parang lalabas ng dibdib ko.Sinubukan ko kumalma, kung hindi, hindi ako makakapagmaneho pauwi. Huminga ako ng malalim at mabagal, sinubukan ko na ayusin ang aking sarili. Nagpanic ako, pero isinantabi ko ang nararamdaman ko. Hindi ako puwede magpanic attack, hindi, hindi dito.Makalipas ang ilang minuto, naging normal ng unti-unti ang tibok ng puso ko, at naging steady ang aking kamay. Dahil kuntento na ako na puwede na akong magmaneho ulit, sinindihan ko muli ang makina ng sasakyan, nagmaneho ako pauwi, alerto na ang aking senses.Habang nagmamaneho, lalo akong nabalisa, habang sinusubukan ko alamin kung bakit ako susundan ng kahit na sino. Hindi ko ito maintindihan, at patingin tingin ako pa din ako sa salamin para masiguro na wala na a
(ARIELLE’S POV)Nakabalik ako sawakas sa bahay, pagod pero fulfilled. Ang nanay ko at anak ay naghihintay na sa sitting room, at yumakap sila sa akin habang ipinapakita ang tuwa ng pumasok ako.“Nakita namin ang balita!” sambit ni Maverick, tumalon siya sa akin. “Sikat ka na ngayon, Mama.”“Congrats, darling ko. Sobrang proud ako sa iyo,” sambit ng aking nanay.Ngumiti ako, masaya rin dahil masaya sila. “Salamat.”Naglakad ako patungo sa couch at naupo kaming lahat at ikinuwento ko sa kanila na mga nasasabik kung anong nangyari sa araw ko. Pero siyempre, siniguro ko na hindi kasama ang aksidente at engkuwentro kay Sofia, para hindi sila mataranta.Pagkatapos ko magkuwento, nagpaalam ako dahil gusto ko na hubarin ang damit ko at accessories sa aking katawan. “Pasensiya na sa inyong dalawa, sambit ko,” tumayo ako. “Kailangan ko maligo at magpahinga ng kaunti.”“Malapit na maging handa ang dinner,” paalala ng nanay ko.Tumango ako, nagpapasalamat sa kaunting pahinga. Sa oras na na
(ARIELLE’S POV)Unang araw ko simula ng makauwi ako, at nakaramdam ako ng sabik at kaba. Ngayon, bibisita ako sa restaurant site ko at dadalo sa isang mahalagang meeting kasama ang mga delegates mulas a Paradiso Culinary Academy—ang alma mater ko—para sa ambassador endorsement na nagpakahirap ako para masigurong makuha.Pagkakataon ito para hubugin ang culinary world sa paraan na ninanais ko sa mga panahon ng mahahabang taon sa Italy.Nasabik ako habang iniisip ko ang mga benepisyo na kaakibat ng posisyon—mamahaling sasakyan, fully funded insurance, malaking sahod na magpapayaman sa akin. Napakaganda ng mga benepisyo.Pero ang pinakaninanais ko ay ang mag-iwan ng marka sa menu ng Paradiso, sa pagkakakilanlan nito, sa kanilang mga patron. Ito ang entablado ko, at handa na akong angkinin ito.Isinuot ko ang aking itim na dress, ang fabric ay nakakapit sa lahat ng mga tamang lugar. Simple, elegante. Walang makeup para mahighlight ang itsura ko at mabilis na pagpapa unat ng buhok ko,
(JARED’S POV)Kumurap ako at tinignan muli ang headline, sinisiguro na hindi mali ang nabasa ko. Pero hindi nawala ang mga salita. Nandoon sila, nakasulat pa din.Pagkatapos ay napalunok ako ng madiin, pinilit ko ang sarili ko na tumingin pababa, at nahirapan akong huminga. Siya nga. Si Arielle.Ang parehong babae sa airport.Ang parehong babae sa sasakyan ni Ashley. Kaya pala naaakit ako sa sasakyan kanina.Paano ako naging ganito kabulag?Dalawang beses, makalipas lang ang ilang araw. Sa airport, kung saan naramdaman ko ang kakaibang hatak sa akin pero isinawalangbahala ko. Sa sasakyan, noong sinubukan ko siyang makita, pero naglaho siya bago ko siya tunay na masulyapan. Sa parehong beses, hinayaan ko siyang makaalis.Pagkatapos, tinamaan ako ng napagtanto ko na parang tone-toneladang mga simento, nadurog ang puso ko. Paano ako nagagawang biruin ng tadhana ng ganito?Hindi ko naisip na makikita ko siya ulit. Pero heto siya.Tinitigan ko ang litrato, mabilis ang tibok ng akin
(JARED’S POV)Babad ako sa trabaho ng marinig ko ang ingay ng phone ko sa katahimikan, hinatak ako nito mula sa aking focus.Ok, anong nangyari ngayon? Kailan ba siya titigil sa pag likha ng gulo? Bumuntong hininga ako at pinigil ang galit ko habang nakikinig ako sa pag-iyak niya mula sa kabilang side ng phone. Nakatira siya sa ilalim ng bahay ko; ang kaligtasan niya ay hindi ko maisawalangbahala. Ngayon alam ko na na karma ko ito. Pinatay ko ang laptop ko, kinuha ang sasakyan, at umalis.Habang nagmamaneho ako, tahimik akong nagdarasal na sana ang aksidente ay hindi kasing tindi ng kanyang paglalarawan sa phone.Habang malapit na ako doon, tumigil ako sa stop light. Kinakain ako ng inis habang tinatapik ko ang manibela, hinihintay ito na magbago. Nalipat ang tingin ko at napunta sa pagsuri sa mga sasakyan sa paligid. Dito ko napansin ang grey Audi sa tabi ko.Hindi ito bibihirang modelo, pero mukhang pamilyar ito.May naramdaman ako sa loob ko—sasakyan ni Ashley? Pero bakit ito
(SOFIA’S POV)Dumating ako sa “Elegance,” isang sikat na unisex fashion clothing shop kung saan mga mayayaman lamang ang bumibili. Dahil regular ako dito, maganda ang trato sa akin sa oras na pumasok ako sa female section ng shop para sa mga bagong dating.“Welcome back, Sofia,” sambit ni Jenna, ang sales manager, na lumapit habang nakangiti.“Hi, Jenna. Kakatapos ko lang tignan ang bagong mga dating,” sagot ko, sinusuri ang mga bagong dating na damit.“May mga magaganda kaming damit mula sa latest collection,” sambit niya, isinama ako sa designer section.Pagkatapos pumili ng ilang mga dress at sukatin ito, nakapagdesisyon ako sawakas. Sa checkout counter, tinotal ni Jenna ang mga binili ko.“Ang suma total ay $10,000,” anunsiyo niya.Inabot ko ang itim ko na card, at winithdraw niya ang halaga. Pagkatapos, naglabas ako ng mga perang papel at inabot sa kanya. “Heto, sa pagiging mabait na babae.”“Salamat. Paalam,” sambit niya.Tumango ako at naglakad palabas, dala ang mga sho
(JARED’S POV)Habang nahihirapan ako na manatiling gising at labanan si Sofia, nagsimula na lumipad ang isip ko sa parang panaginip na estado.At pagkatapos, tila ba may bumukas na pinto sa aking isip, nakita ko ang sarili ko sa ibang lugar—mainit, at malinawag na ilaw na iniimbitahan ako. Pakiramdam ko pamilyari to, bagay na matagal ng nawala pero hindi ako tumigil sa paghahanap.Nandoon si Arielle, nakatayo sa tabi ko, kumikinang ang mga mata niya, ang mga labi niya ay nakangiti ng mahinhin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita siya. Totoo siya. Dito. Kasama ko.“Love,” bulong ko, nanginginig ang boses ko sa matinding halo ng saya at hindi makapaniwala.“Yes, Jared,” sagot niya, ang boses niya ay parang hele na nakalimutan ko na. Ang boses niya ay binalot ako, at panandalian, ang sakit sa puso ko ay naglaho.Nararamdaman ko ang bilis ng pintig sa tenga ko, naghahalo ang aking mga emosyon—sobrang saya ko na halos madurog ako. Nandito siya. Mahal pa din niya ako. At lahat ng si