Michelle's POV
"Let's get divorced!" Mula sa pagkakahiga sa kama ay inaninag ko ang bulto ng lalaking pinagmulan ng katagang unti-unting tumatarak sa puso ko. Katagang dahilan kung bakit wasak ang pakiramdam ko. Katagang kahit ayaw kong pakinggan ay dahilan kung bakit hindi ko pa man oras na mamatay ay tila pinapatay na ako. Katagang kinakatakutan kong marinig. Ayaw kong marinig mula sa asawa ko. "B-bakit?" nanginginig ang boses na tanong ko. Kahit alam ko naman na ang dahilan ay para akong tangang nais pang marinig iyon mula sa bibig ni Lucas. Gustong gusto ko talagang saktan ang sarili ko. At sana, ang sakit na hatid niyang muli ang maging dahilan upang tuluyan na akong mamanhid sa sakit. Dahil ayoko na. Si Lucas na ilang taon pa lamang ako ay minahal na ng puso ko. Si Lucas na pinangarap kong maging asawa. Si Lucas na ngayon ay asawa ko na nga pero hindi ko nagawang paibigin. Hindi niya ako magawang mahalin. Dahil may mahal siyang iba. At kailanman ay hindi ko mapapalitan sa puso niya. Bumangon at naupo ako sa gilid ng kama. Tanging ang night lamp lamang na nasa side table ang naging tanglaw naming dalawa. Ako mula sa kamang inukopa ko ng tatlong taon, at siya malapit sa saradong pinto ng kuwarto ko. Kuwarto ko dahil sa tatlong taon na pagsasama namin, hindi kailanman ako nakatungtong sa master's bedroom ng bahay niya. Sa tatlong taon naming mag-asawa ay hindi ko nagawang makatulog sa kanyang kama o makatabi siya sa pagtulog. Sa tatlong taon na iyon ay isa akong kasangkapan na kung kailangan ay ginagamit niya. Pinupuntahan lamang niya ako sa kuwarto ko sa tuwing may pangangailangan siyang pisikal. Ako...bilang babaeng paraùsan niya at hindi bilang asawa. It's my choice to give him my all. Akala ko kasi mamahalin niya ako. "Alam mo na ang sagot, Michelle..." May bigat ang katagang iyon mula sa kanya. Mula sa pagkakatanglaw sa kanya ay iniiwas ko ang aking tingin. Lalo na dahil bigla na lamang namuo ang butil ng luha sa mga mata ko. Yumuko ako para itago ang luhang nag-uunahang magpatakan. Alam ko na ang sagot... Mapait akong napangiti kasabay ng mapait na lasa sa aking bibig. "I can compensate you with anything, Michelle. Do you want money? Kaya kitang bigyan ng malaking halaga kung saan mabubuhay ka ng masagana. Just give what I want..." "Hanggang ngayon pa rin ba, iyon ang tingin mo sa akin, Lucas?" hindi ko maiwasang bulyaw. Napahikbi ako. Nakuyumos ko ang night gown na suot ko habang lumuluhang bumaling sa kanya. "Kung hindi pera ay ano, Michelle? Hindi ba iyon naman ang dahilan kaya pinilit mo ang sarili mo sa akin? Na kahit alam mong may mahal akong iba, ipinagdildulan mo ang sarili mo para pakasalan kita! Because of what? Because of the bankruptcy your father is facing! Because of how selfish you are!" sumbat niya sa akin. Napailing ako ng marahas para pabulaan ang mga akusa niya. Ilang beses ko ng sinabing hindi ko alam ang bagay na iyon. Na humingi pala ang ama ko ng pera sa kanya pagkatapos ng naging kasal namin. Akala ko ay hindi gagawin iyon ng ama ko dahil maging siya ay nagalit sa akin nang pakasalan ko si Lucas. Itinakwil nga nila ako sa pamilya nila. Ginamit pa rin pala ako kahit hindi na nila ako itinuturing na pamilya. 'Nagpakasal ako sa iyo dahil mahal kita'. Nais ko iyong isigaw. Pero pakikinggan ba niya ako? Kailanman ay hindi niya pinakinggan ang mga salita ko. Kailanman ay hindi niya ako pinaniwalaan. Walang salita ko ang pinaniniwalaan niya. Lucas is my only family right now. Siya na lang ang natitirang pinanghahawakan ko na akin. "Now, I want you to sign the divorce agreement, Michelle!" mariin niyang saad. Mabibigat ang mga hakbang niya palapit sa gawi ko. "Three years of us is enough. This is the end of our contract!" Nanatiling hilam ng luha ang mga mata ko habang pinapanood ang paglapit niya sa akin. Nanlalabo man ang mga mata ko ay hindi ako bumitiw sa pagkakatitig sa kanya. Ayaw ko siyang mawala sa paningin ko. Ayaw ko siyang mawala sa akin... Pero siguro nga. Ito na ang wakas. "Three years is enough for this bullshit! Ngayong narito na muli si Olivia, siguro naman, puwede na kaming maging masaya. Give us the happy life you took from us!" Happy life? Ako ba, kailan naging masaya? "But I save her life..." anas ko. "And I paid you for that. Nilaan ko ang tatlong taon ng buhay ko sa walang ka-kuwenta-kuwentang pagsasama na ito!" Walang ka-kuwenta-kuwenta? Hindi ko maiwasang pagak na matawa habang lumuluha. Kapansin-pansin ang biglang pagdilim ng mukha ni Lucas pero wala na akong naging pakialam. Tumayo ako kahit pa tila hindi ko maramdaman ang mga paa ko. Ang tanging nararamdaman ko ay ang pagkapunit ng aking puso. Ang pagkawasak ng pag-asang mapapaibig ko rin siya sa loob ng tatlong taong kontrata namin bilang mag-asawa. "Tama nga naman..." usal ko. Mahina lamang pero alam kong nakarating iyon mula sa pandinig niya. Magkalapit na magkalapit na kasi kami sa isat-isa. Nagawa ko siyang tingalain. "These three years were hell, right? Impiyerno sa piling ko..." sabi ko. Sinubukan kong pahirin ang luhang patuloy pa rin sa pagpatak. Namamaos na rin ako dahil pilit kong pinipigilan pumalahaw. Pinipigilan kong magmakaawa na huwag niya akong hiwalayan. Because these three years with him was my happy place. Kahit puno ng pasakit na hatid niya sa akin. Naging masaya akong minahal ko siya. A kind of painful love. Bumaba ang tingin ko sa papel na hawak niya. Pinilit kong abutin iyon mula sa kamay niya pero nawalan ako ng balanse. Bumagsak ako sa mga bisig niya. Agad niya akong hinawakan sa braso. Mahigpit ang pagkakahawak niya roon. Nasasaktan ako pero binalewala ko lang. Gaya ng pambabalewala ko at pagtitiis sa ilang taon na pasakit. "You still playing this kind of shit! Hindi mo ako makukuha sa kadramahang ito, Michelle!" ngitngit na usal niya sa teynga ko. Mariin akong napapikit. Bigla ang pagdilim ng paningin ko at panaka-naka akong nawawalan ng malay. Ang masasakit na katagang iyon nga lamang ang nagpapabalik sa aking huwisyo. Na ang lalaking kaharap ko ay walang ibinigay sa akin kundi sakit sa aking kalooban. Ibinuhos ko ang natitira kong lakas para iangat ang mga kamay ko sa dibdib niya. Bahagya ko siyang itinulak para makawala ngunit nanatili niyang hawak ako sa braso. Tila wala akong lakas upang makawala sa kanya. Wala na talaga akong lakas. Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko. I stopped drinking my meds, too. Because I want to cherish the life I have inside me. "Kung gusto mo talagang kumawala, you need to push me harder. Or this is another trick of yours, huh?" Nanatili akong hindi kumikibo. My body is swaying. Hindi ko na makontrol. Saglit na nawawalan ako ng malay. Nilalabanan ko lang. Ayaw ko ng magpakita ng kahinaan para kaawaan niya ako. At hindi naman niya ako paniniwalaan kahit sabihin ko pang malapit na ang oras ko. Kahit sa mga huling araw ko ay hindi niya talaga ako hahayaang maging masaya man lamang. Iyon lang naman sana ang hiling ko. Ang maging masaya sa piling niya. Kahit saglit lang sana. "Michelle..." Hindi ko alam kung biglang lumambot ang pagkakatawag niya sa pangalan ko maging ng pagkakahawak niya sa akin. Naramdaman ko na lamang ang daliri niya sa baba ko at ang pagtaas niya ng mukha ko upang matingala siya. Hilam pa rin ng luha ang mga mata kong nanlalabo na. Nag-aagaw ang kamalayan ko at ang kadilimang kumakain na sa akin ng buo. Sumibol ang mapait na ngiti sa mga labi ko nang magtama ang mga mata namin. Hanggang sa hindi pa tuluyang dumidilim ang paningin ko ay pinakatitigan ko ang mukha ni Lucas. Ang mukha ng lalaking minahal ko ngunit tanging pasakit lang ang napala ko. "I thought, I could melt your heartless heart, Luke," sa nanghihinang boses ay ika ko. "Nagkamali ako. I could never win your heart. You will never love me. Tanggap ko na... mas tatanggapin mo ang kamatayan ko kesa ang pagmamahal ko sa iyo..." Ramdam ko ang biglang paghigpit ng hawak niya sa baba ko. "Stop this nonsense!" singhal niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking mukha. Isang multo ng ngiti ang namutawi sa mga labi kong wala ng kulay. I'm tired. Pagod na pagod na akong lumaban. Ilaban ang pagmamahal ko. Ilaban ang buhay ko. I'm sorry, my angel. Mas pipiliin ko na yatang magkasama na lamang tayo sa kabilang mundo. "You don't need my signature. You will be free, Lucas..." Sinubukan ko siyang itulak kahit wala ng lakas. Nanatiling nakatingala ako dahil hindi niya kailanman binitiwan ang baba ko. "My heart will stop beating and loving you..." Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng mga kamay ko. Bumagsak na lamang iyon mula sa pagkakadampi sa dibdib niya. Unti-unti akong pumikit kasabay ng pagbagsak ng ulo ko mula sa pagkakahawak niya. "Michelle..." Kay sarap pakinggan ng boses niya. Nang pagtawag niya sa pangalan ko ngayon. I can sense fear. Natatakot ba siyang mawala ako? Pero huli na ang lahat Huli na. I will stop loving him as my life stops right here. I don't want to feel pain anymore. Pain of loving him. Sumusuko na ako. Sinusukuan ko na siya.Lucas POVHawak ko sa kamay si Olivia habang nakaratay siya sa kanyang hospital bed. Isinugod daw siya sa hospital dahil sa labis na pagdurugo sa ilong niya. I don't know why? She looks healthy. Nawala lamang ako ng isang buwan dahil sa business trip ay ganito na ang aabutan ko. She's sick. Nahihirapan akong makita siya na ganito. "Lord, why are you doing this to us?" impit na pagkausap ko sa Itaas. Olivia is the love of my life. Magpapakasal pa kami eh. Bubuo pa kami ng pamilya. But why? Why God do this to us? Bakit ngayon pa pagkatapos ko siyang ayain na magpakasal.She was diagnosed with acute leukemia. The only way to save her life is to have a bone marrow transplant. As soon as possible. But we can't find a match for her. Not even her mother nor her father is a match. Sinubukan ko na rin pero hindi kami magka-match. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nakausap ko na ang mga doctor. I am ready to spend millions just to make her alive. Save her. But he said she was
Michelle's POV"You may kiss the bride," masayang saad ng Judge pagkatapos naming pirmahan ni Lucas ang papel sa aming harapan..Nakangiti ako at maluha-luha nang marinig iyon. Sa wakas, ikinasal na ako sa taong minahal ko ng matagal na panahon. Nangniningning ang mga mata kong humarap sa lalaking pinakasalan ko. Pero mabilis na napawi ang ngiti sa mga labi ko nang magtagpo ang mga mata namin. Imbes na masaya ay ang galit ni Lucas ang nakikita ko sa mga mata niya. Nanlilisik iyon at napakadilim ng awra na nanggagaling sa kanya. Alam ko, galit na galit ang kalooban niya dahil ang kagustuhan ko ang nasunod."Are you happy now?" uyam na saad niya. Humakbang siya palapit sa akin. Nakakatakot ang ngiti niya sa mga labi. Parang may kung anong nakatago roon. Sa likod ng ngiti na iyon ay matinding galit. "Maging masaya ka ngayon. But remember, dinala mo lang ang sarili mo sa impiyerno. Huwag na huwag ka sanang magsisisi sa pinili mo, Michelle. You can't blame me either if you live in sorrow!
Lucas POV"Robert, prepare the papers. And tell Miss Asuncion to come in my office," utos ko sa aking secretary. Agad naman siyang tumalima. Alam na niya ang ibig kong sabihin. Dinala niya ang envelope na galing sa attorney ko. Inilapag niya iyon sa harap ko. Pagkatapos ay nagpaalam siyang bababa na para tawagin si Michelle. Nabalitaan kong nakabalik na ang babae after the procedure ng pagdo-donate niya sa kanyang bone marrow. The doctor suggested doing it in a private setting, kaya, I did arrange a clinic for all of them to stay. It took only hours to do it. But I am kind enough to give Michelle a whole week of break just to recuperate. Kung sobrang sama kong tao, baka hinayaan ko na lang siya. But I am not, isa pa, iniisip kong baka kailangan pa siya ni Olivia. They are a match. Hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng ka-match ni Olivia kapag nagkataon.Dahil hindi gusto ni Michelle na malaman ng pamilya niya na siya ang donor ay in-arrange ko ang lahat. Kaming dalawa lamang at
Michelle's POVSign or leave it...Iyon lamang ba talaga ang choices na maari kong pagpilian? Either sa dalawa ay wala akong gustong gawin. Hindi ko rin pakikinabangan. Ako pa rin ang talo. Hindi ko gustong idiborsyo agad ako ni Lucas. Dahil alam ko, babalik siya agad kay Olivia kapag nagkataon na pinagbigyan ko siya. "Three years! Iyan lang ang maibibjmigay ko para sa atin bilang kasal..." muling umalingawngaw sa pandinig ko ang boses ni Lucas.Pinigilan ko ang mga luha ko habang nakatitig sa dokumento. Pilit kong inaalisa ang bawat nilalaman niyon. Pero hindi agad napoproseso sa utak ko ang lahat."Sign it!" muling utos niya. Nagulat ako nang may ballpen na nakalahad sa harapan ko. Tumingala ako at nakasalubong ng mga mata ko ang mga mata ni Lucas na siyang nag-aabot sa akin ng ballpen na iyon. "I...I have one condition," nagawa kong sabihin. Sa nilalaman ng dokumento ay talong talo ako. Kaya hindi ko hahayaang mabalewala lang lahat ng ginawa ko. I will not give up so easily. I wi
Lucas POV"Luke," masayang yumakap sa akin si Olivia nang makita ako. May dala akong pumpon ng bulaklak para sa kanya. Bulaklak na paborito niya. "Sinabi ko ng hindi mo na ako kailangan pang sunduin.""Kung para sa iyo, gagawin ko, Sweetheart," sabi ko. Sabay abot sa kanya ng dala ko.Ngumiti siya nang mas maluwang. My heart felt so much joy seeing her this way. Healthy na siyang tingnan. Binigyan na rin siya ng doctor ng go signal na makauwi. Pero siyempre, she still needs some monitoring."Wala pa ang parents mo?" tanong ko nang mapansin na mag-isa lamang niya doon. "Alam mo naman si Mama. Laging late, iyon...""At sinong laging late?" Mula sa pinto ay saad ng isang babaeng nakasuot ng pulang bestida. Naka-high heels din ito ng kulay na pula. Naka-shades at talaga namang nakapustura.I chose to keep silent kahit na napapataas ang kilay ko sa itsura niya. Or maybe, she's just happy. Whatever it is, its not appropriate what she's wearing. Pinanood ko lang ang paglapit ng babaeng iyo
Lucas POVJust like what I'm feeling, the uneasiness, hindi nga ako nagkamali. Pagkapasok namin sa bahay nila Olivia ay agad na naagaw ng pansin ko ang dalawang taong nakatayo na para bang kanina pa naghihintay sa amin. One of them is Michelle. Nakasuot ito ng apron na para bang isa sa mga katulong."Lucas, tara na sa hapag."Narinig ko naman ang pag-iimbita sa akin ni Mrs. Asuncion pero nakapagkit ang mga mata ko kay Michelle. Maging siya ay nakatingin sa akin. Walang kakurap-kurap. "Ay, naku..." Biglang humarang si Mrs. Asuncion sa paningin ko. Hinarap din nito si Michelle. "Mich, magbihis ka na. Bakit naka-apron ka pa rin?" sita nito sa anak. "Bilisan mo, alis na dito!" aniyang tila tinataboy ito.Gumalaw ang mga labi ko habang pasimpleng sinundan ng tingin si Michelle nang umalis ito. Agad itong pumanhik sa second floor ng bahay nila kung saan ang ilang mga kuwarto. Nagawa pa niyang lumingon sa gawi ko bago tuluyang mawala. "Naku, huwag mong alalahanin si Michelle, Lucas. Pi
Michelle's POV Nakakatawa. Nakakatawa si Lucas. Kung sa tingin niya, mabu-bully niya ako. Nagkakamali siya. Nagawa ko ng gawin na kontrabida ang sarili ko sa mga mata niya. Bakit hindi ko na lang din panindigan? Tutal iyon naman ang tingin niya sa akin. Iyon ang gustong palabasin ni Mama. That I am a bad daughter. May mababago pa ba kung magsasalita ako o ipagtanggol ko ang sarili ko sa kanila?Ang hirap lang kasi, simula pa noong bata ako ay labis ko ng kinukuha ang loob niya pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon. Ginagawa ko naman ang lahat para maging proud siya sa akin. But of course, dahil hindi naman ako nanggaling sa kanya ay mas pabor siya sa tunay niyang anak. Muli akong sumalo sa sa kanila sa hapag. Ilang minuto na lang ay sumunod din si Lucas. Lukot ang mukha nito at halos hindi maipinta. "What took you so long?" malambing na tanong ni Olivia sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghaplos niya sa bisig ni Lucas. At ang mukhang niyang halos hindi maipi
Lucas POVI was so piss. Wala talagang pinipiling oras si Michelle para sirain ang araw ko. Making that bold statement at talagang nagawa pa niyang ipamukha na may kahalayan kaming ginagawa.I grab my tie. Niluwagan ko iyon dahil nasasakal ako sa umusbong na iritasyon."Sorry sa inasal ng kapatid mo, Luke," hinging paumanhin ni Olivia. "Hindi ko alam kung bakit nagagalit siya pero sana intindihin mo lang siya...""Don't apologize for her, Liv.. She just doesn't know how to stop! She should apologize to you. Not the other way around. Mas may malaki siyang kasalanan sa iyo!" naibulalas ko dahil sa matinding inis. Huli na noong mapagtanto kong hindi ko dapat iyon sinabi. "Anong kasalanan?" nagtatakang tanong niyang muli sa akin. Nabigla ako. Hindi ako makaapuhap ng isasagot."I..." For the first time, I stutter. Hindi ko alam kung aaminin ko ba sa kanya ang sitwasyon.Bigla siyang ngumiti. "Dahil ba sa hindi niya man lamang ako dinalaw sa hospital? Or even try to save my life?" siya
Michelle's Point of View Hindi na ako nagpaalam pa nang umalis bigla para i-meet si papa. Ang usapan namin ay magkikita na lang kami sa coffee shop na malapit sa kompanya. Naroon na rin naman siya kaya pinahintay ko na lamang siya roon habang pababa ako.I was so happy. Walang pagsidlang ang saya sa loob ko. Nagmamadali pa akong pumasok sa coffee shop para puntahan siya. Nagpalinga linga ako para hanapin siya habang sobrang luwang ng ngiti sabmga labi ko. Sa wakas, pinili ako ni Papa. The way he said he missed me speaks volumes. Mahal niya ako.Kumaway si papa sa akin nang makita niya ako. Nasa gilid siya kung saan malapit sa malaking bintana. Malalaking mga hakbang ang ginawa ko para agad na malapitan siya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit nang tumayo siya para salubungin ako. "Papa."Napaluha ako. Unang beses iyon mangyari na yakapin niya rin ako pabalik. Simula kasi noong nagdalaga ako ay hindi na niya nagawang gawin iyon. Parang iniwasan niya ako lalo na at naroon na sila
Michelle's Point of View Dahil may oras pa ako ay minabuti kong bagalan ang paglalakad ko at magmuni-muni. Maaga pa kaya masarap pa ang init ng araw sa balat. Habang naglalakad ay bumubuo na rin ako ng plano para sa buhay ko. Kailangan kong mag-ipon ng pera. Kapag kaya ko na at may sapat na ipon ay aalis ako. Iyon na lang ang paraan para makatakas sa lahat. Kung kailangan kong takasan ang lahat ay gagawin ko. If my disappearance means peace to everyone. I'll disappear on a thin air. To do that, I need money to survive. "Good morning," bati ko kay Nelson na guwardiya namin. Marami sila roon pero si Nelson ang isa sa pinaka-close ko dahil palabiro siya at totoong tao. "Uy, Michelle. Long time no see." Nakangiti niyang bati. "Isang linggo rin kitang hindi nakita ah." "Now you see me..."Nagkatawanan kami. Routine na namin ni Nelson iyon sa umaga kapag dumadating ako. Nagbibiruan kami para umpisahan ang umaga namin ng may ngiti sa mga labi."O siya, aalis na ako...""Ay, sandali nga p
Michelle's Point of ViewNagsinungaling ako kay Nanay Susan na hindi ko alam kung bakit ganoon sa akin si Lucas sa kadahilanang hindi niya puwedeng malaman ang lahat at ang totoong ugnayan namin ni Lucas sa isa't isa. Sa mga mata nila ay isa lang akong babaeng dinala niya doon at tinulungan. Pero, tinulungan nga ba? Kasi, lumalabas ngayon sa mga mata nila na naroon ako para parusahan ni Lucas. Naroon ako sa masiyon para maging alipin dito. And yet walang konkretong dahilan kung bakit.Nakalipas ang isang linggo na iwas ako kay Lucas. Hanggang maaari ay ayaw kong makita niya ako. Lalo pa at nadadamay na sila nanay Susan sa aming dalawa.Buti na lamang at mabilis gumaling ang sugat ko. Dahil na rin siguro sa gamot na binigay ng doctor. At dahil may buhok akong nakatakip doon ay hindi na rin halata. Imbes na ipusod ko na gaya ng dati ay hinayaan ko na lang na nakalugay amg buhok ko para takpan iyon.Ang atakeng pananakit ng ulo ko ay huli na rim noong isang linggo. Dahil na rin siguro s
Michelle's Point of View"Nay, ako na po ang gagawa nito," ako ang nagkusang gawin ang vegetable salad dahil talagang bored na ako na walang ginagawa. Ulo ko lang ang may sugat at hindi ang mga kamay ko. Hindi ako baldado para hindi makatulong sa kanila. Halos maghapon kong sinubukang tumulong pero lagi nila akong sinasaway. Sabagay, kahit malaki ang mansiyon ay napanatiling malinis iyon kahit silang dalawa lamang ni Lea.Tumingin sa akin si Nanay. "Oh siya, sige at napapagod na akong sawayin ka. Gawin mo iyan, paborito ni Lucas...c Wala naman yatang ibig sabihin si Nanay Susan pero bakit sinabi niyang paborito iyon ni Lucas eh hindi ko naman tinatanong. Si nanay talaga. Hinimay ko ang ilalagay kong lobster para doon. Naka-ready na at na-cut na ang gulay na gagamitin ko kaya madali lang. Ang tanging gagawin ko na lamang ay paghalu-haluin ang mga iyon at lagyan ng dressing. Wala pang sampong minuto ay gawa na. Nang matapos kong gawin iyon ay inilagay ko muna iyon sa ref para fresh
LUCAS POINT OF VIEWI was about to go when Nanay Susan saw me. Pababa na siya sa hagdan at parating naman ako. Sa tingin pa lamang niya ay alam kong may gusto na siyang sabihin kaya naman tumigil ako. "Lucas, hindi ko alam kung anong ugnayan mo kay Michelle, pero sana ay maging mabait ka sa kanya. Hindi ka naman ganyan sa iba ah! Bakit ba pakiramdam ko ay ang init-init ng ulo mo sa kanya. Kilala kita, Lucas. Mabait ka at maunawain..."I raised my hand to stop her from talking. Marami na siyang sinabi. I want her to listen to me as well."Nay, you don't know her personally. She's here to pay for what she did..." I told her. Napailing lamang siya. "Alam ko kung paano kumilatis ng tao, Lucas..." pamimilit niya sa kanyang opinyon."Then you're wrong this time, Nanay," sabi kong napabalik. Imbes na magpatuloy paalis naglakad ako patungo sa kuwarto ni Michelle. Sa pag-aakalang naroon lang siya sa loob ay binuksan ko ang pinto without knocking again. I didn't see her right away. Paalis na
MICHELLE'S POINT OF VIEWDahil sa aksidente at muling pagkakabuka ng sugat ko sa ulo ay hindi ako pinayagang pumasok muna sa trabaho ng doctor. At dahil amo ko si Lucas sa kompanya at sa mansiyon, imbes na asawa, ay madali lamang na napagdesisyunan iyon. Pero siyempre, hindi madali iyon sa akin. Dahil kahit na pumayag siya ay alam kong hindi iyon bukal sa kanyang kalooban. He wants me to suffer at hindi umaayon iyon sa mga nangyayari ngayon.Dinala nga ni Nanay Susan ang mga damit na hindi na ginagamit ng kapatid ni Lucas kinaumagahan. Kumpleto na iyon. Maging underwear ay meron na rin at mga bago. Halatang mamahalin ang mga iyon dahil branded pa."Huwag kang mag-alala. Walang magagawa si Lucas dahil ako mismo ang nagpaalam kay Sonia na ipamigay na lang ang mga naiwang damit niya dito," sabi ni Nanay Susan nang inaayos niya sa closet ang ilang mga damit. Kaya naman pala. Akala ko ay kusang loob na ibinigay iyon ni Lucas dahil sabi ni Nanay ay ipinakuha iyon ni Lucas. Mukhang napilit
MICHELLE'S POINT OF VIEW"Ah!" sigaw ko nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwartong kinaroroonan ko. Hindi ko pala iyon nai-lock at ngayon nga ay heto, nagkagulatan kami ni Lucas.Kagagaling ko pa lamang sa banyo para magshower. Wala din akong suot na kahit ano dahil kakatanggal ko lamang ang tuwalyang nakabalabal sa katawan ko para sana tuyuin ang buhok ko.Gulat na gulat ako pero maging si Lucas ay alam kong hindi inaasahan na makikita ako sa ganoong ayos. Paano ay parang natulala na siya sa kinatatayuan ni hindi man lamang kumurap."Can you get out!"sigaw ko sa kanya. Nagawang kunin ang tuwalya at bastang itinakip na lang sa harap ko. Niyakap ko iyon dahil wala na akong pagkakataong ibalabal muli iyon.Sa pagsigaw kong iyon ay parang nagising siya. Agad siyang tumalikod pero hindi naman umalis."Did you plan this?" bigla na lamang niyang akusa. Kumunot ang noo ko? Plan what?"Sinadya mong hindi i-lock ang pinto para makita kitang ganyan. Wala ka ba talagang delikadesa, Miche
LUCAS Point of View What the!? Hindi ako nakahuma sa ginawang pagsuka sa akin ni Michelle. Ni hindi ko nga siya naitulak palayo sa akin dahil sa gulat ko. I also barf when the smell of her vomit reaches my nose. Mahinang itulak ko siya as my hands reach my nose to cover it. Now, hindi lang siya ang kailangan magpalit. Maging ako ay kailangang makaligo at magpalit dahil sa ginawa ni Michelle na pagsuka sa akin. Sinadya niya ba ito? Fùck! Nakangisi siyang tumingala sa akin. Like she's so happy vomiting to me. Mariin at galit ko siyang tinitigan. "What? I will not apologize, Lucas. You deserved that!" angil niya sa akin na para bang inaamin niya na sinadya nga niya ang ginawa. Gusto ko siyang sigawan, but I can't take my hands over my nose. I will barf again if I smell her vomit! "Lucas..." Buti na lang at dumating na si Robert. Nanlaki ang mga mata niya nang madatnan kami sa ganoon ayos ni Michelle. "Take her away!" utos ko na parang nangongongo dahil sa pagkaka-cover ng
MICHELLE'S POINT OF VIEW Napasapo ako sa aking ulo nang magising. Impit na napaungol dahil sa sakit na nanggagaling sa gilid ng aking ulo. Parang binibiyak iyon at pinupukpok ng martilyo. "Naku, Michelle, huwag ka munang bumangon."Narinig ko ang boses ni Manang Bebang kaya kahit na hirap na hirap ay bumaling ako sa kanya. "Saan ako, Manang?""Nasa hospital ka ngayon Michelle. Kumusta ang pakiramdam mo?" May pag-aalalang tanong ni Manang Bebang. Parang maiiyak na rin ang boses niya. Parang kanina pa nagpipigil."Ano pong nangyari?" Inapuhap ko ang aking ulo. Napakunot noo ako nang makapa ang makapal na benda na nakapalibot doon. Bakit nga ba ako naroon? Ang huling naalala ko ay sumugod ako sa mga tauhan ni Lucas dahil ginigiba na nila ang karinderya."Aksidenteng nahulugan ka ng kahoy, Michelle. Kasalanan ko ito. Hindi ko sinabi sa iyo ang kalagayan ng karinderya..." mangiyak-ngiyak na saad ni Manang Bebang. Kinuha ko ang kamay niya at nakangiting umiling. "Wala kang kasalanan