Lucas POV
Hawak ko sa kamay si Olivia habang nakaratay siya sa kanyang hospital bed. Isinugod daw siya sa hospital dahil sa labis na pagdurugo sa ilong niya. I don't know why? She looks healthy. Nawala lamang ako ng isang buwan dahil sa business trip ay ganito na ang aabutan ko. She's sick. Nahihirapan akong makita siya na ganito. "Lord, why are you doing this to us?" impit na pagkausap ko sa Itaas. Olivia is the love of my life. Magpapakasal pa kami eh. Bubuo pa kami ng pamilya. But why? Why God do this to us? Bakit ngayon pa pagkatapos ko siyang ayain na magpakasal. She was diagnosed with acute leukemia. The only way to save her life is to have a bone marrow transplant. As soon as possible. But we can't find a match for her. Not even her mother nor her father is a match. Sinubukan ko na rin pero hindi kami magka-match. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nakausap ko na ang mga doctor. I am ready to spend millions just to make her alive. Save her. But he said she was critical now. We need the transplant as soon as possible. All we can pray now is a miracle. Miracle that we will have a donor that is compatible with her as soon as possible. "Hmmmm." Napatingin ako sa kanya nang marinig ko siyang umungol. Gumalaw bahagya ang kanyang ulo. Nataranta ako nang dahan-dahan siyang magmulat ng mga mata. Sa akin siya agad nakatingin. "Luke..." mahina niyang tawag sa pangalan ko. "I'm here, sweetheart. I'm here. How are you?" tanong ko. Gumaralgal ang boses ko kahit pilit kong itago iyon. Ayaw kong magpakita ng kahinaan sa kanya. She needs me to be stronger. Sa akin siya dapat kumuha ng lakas. "Luke, am I dying?" Nagtagis ang mga bagang ko sa tanong niya. I sense fear in her voice. That word is like a dagger to my heart. Umiling ako ng marahas. Hindi ko hahayaang mamatay siya. I'll do anything. Kahit magbayad pa ako ng tao para lang hanapan siya ng donor. Tumayo ako at bumaba ang mukha ko para halikan ang noo niya. "No, sweetheart. No. Hindi ko papayagan na mangyari iyon. I'lldo anything to keep you safe and alive," anas ko. Dahil hindi ko talaga papayagan si kamatayan kunin ang mahal ko. Kung puwede ko lang ibigay sa kanya ang kalahati ng buhay ko ay gagawin ko. "Natatakot ako, Luke. Natatakot akong mamatay. I don't want to die..." mahinang ika niya. Humagulhol siya ng iyak. Nataranta ako. I hugged her tightly. Inalo ko siya at pinakalma. She's getting hysterical kahit na nanghihina. I know, she's scared. She's full of life before the disease. Ang dami niyang gustong gawin. Ang dami niyang pangarap sa buhay para magupo lang ng sakit na iyon. "I'll do everything, sweetheart gumaling ka lang. So don't be afraid. Narito lang ako..." "Promise me, Luke, hindi mo ako iiwan. I love you. Mahal na mahal kita." "I love you, sweetheart. I will never leave you. Pero magpagaling ka muna. Kapag magaling ka na, magpapakasal tayo. Ibibigay ko lahat ng gustuhin mo. You are my queen. I'll do anything just for you." Muli kong niyakap si Olivia hanggang sa makatulog siya sa aking bisig. Nang maipahiga ko siya sa kanyang kama ay muli ko siyang pinakatitigan. The love of my life is suffering. Nang matanto kong tulog na tulog na muli si Olivia ay lumabas ako mula sa kuwarto niya. Gusto kong sumagap ng hangin sa labas. Gusto ko man siyang bantayan ay kay bigat naman ng pakiramdam ko na nakikita siya sa kalagayan niya. Kailangan ko munang saglit na lumayo sa loob. Kababalik ko lang galing sa business trip at wala pa akong maayos na tulog. Dumiretso agad ako sa hospital para sa kanya. Ni hindi ko na nga nagawang magbihis pa. Inutusan ko na lang ang kanang kamay ko at the same time secretary na si Robert para dalhin sa bahay ang mga gamit ko. Naupo akong hapong hapo sa bench sa labas ng kuwarto ni Olivia. Idinukdok ko ang aking mukha sa aking kamay habang nakapatong naman ang mga siko ko aking magkabilang hita. Hindi ko lubos maisip na darating kaming dalawa ni Olivia sa ganitong pagsubok. Bakit ngayon pa? Two years na rin kaming magkasintahan. Our relationship is not always a happy one. Pero pinili pa rin namin ang isa't isa. Pinili ko pa rin siya kasi, naiintindiham niya ako. As the CEO of the company, nasa balikat ko ang lahat. And she's okay with that. She was okay mabigyan ko lang siya ng mga mamahalin na regalo. Wala siyang reklamo kahit na sobrang busy ko. Ipinapaintindi ko naman sa kanya na para sa future namin iyon. Kaya nga nag-proposed na ako sa kanya para bigyan siya ng assurance. Nasa malalim akong pag-iisip nang makaramdam ako ng yabag palapit sa akin. Hindi umangat ang tingin ko pero may kung anong.papel ang nakalahad sa harapan ko. Nasa papel ang mga mata ko pero napansin kong babae ang naroon. Nakasuot kasi ito ng heels at nakapalda. Walang gana ko itong tiningala. Nukunot ang noo ko nang makasalubong ang mga mata ni Michele. My fiancee's step sister. Ngumiti ito sa akin. I don't like the look in her eyes. "What are you doing here?" tanong kong wala ring kagana-gana. I don't know pero una pa lang na tagpo namin ay ayaw ko na siya. She's working in our company. Pinakiusapan ng magulang nila na ipasok ko sa kompanya. Paano daw ay hindi ito tumatagal sa anumang trabahong pinapasukan noon. She's irresponsible, iyon ang nakikita ko. Paanong sa edad na dalawampo at lima ay walang pinapatunguhan ang buhay niya. Kabaliktaran siya ni Olivia. May magandang career si Olivia. She can live on her own if she wants to. But so far, ilang buwan na rin si Michelle sa kompanya ko. Hindi pa naman ito nagre-resign o napapatalsik sa trabaho. Nasa marketing department siya ngayon. Nababalitaan kong sakit siya sa ulo doon. But I don't mind. Basta hindi siya under sa akin. Sa tingin ko ay hindi din siya kayang paalisin dahil nahihiya sila sa akin. "Look," ika niya. Ginalaw ang papel na hawak niyang nasa harapan ko. "What's that?" naiiritang tanong ko. Naroon na naman ang kakaibang inis sa kalooban ko sa tuwing nakikita siya. Kapag dumadalaw kasi ako sa bahay nila ay lagi siyang naroon na tila nakabantay sa kapatid niya. Gusto namin ng privacy ng kapatid niya pero palaging kung saan kami ay naroon siya. Parang sinasadya niya ang lahat. Ayaw ko naman na mag-isip ng masama ang mga magulang nila kapag inaaya ako ni Olivia sa kuwarto nito. I have so much respect for her. Ganoon ko siya kamahal. "Olivia and I are match. I can donate her my bone marrow," kaswal na pagbabalita niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo sa sinabi niya. Sa unang pagkakataon ay nagalak ako sa kanya. Nahawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa papel. "Really? That's good news," ika ko. I hugged her. Sa labis na saya ko ay nayakap ko siya ng mahigpit. Sa wakas, may makakapagligtas na sa mahal ko. "Let's go. We need to tell the doctor right away. Para magawa na ang mga kaukulang test," bulong ko. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya pabalik sa akin. I was taken aback. Muling bumalik ang iritasyon na nararamdaman ko sa kanya. I tried to push her pero mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Michelle," tawag ko sa pangalan niyang may babala. "Do you want me to save her, Luke?" Ika niya mula sa pagkakayakap niya sa akin. Parang lumaki ang ulo ko sa pagtawag niya sa pangalan ko. Only Olivia can call me that. Siya kasi ang nagbigay sa akin ng pangalan na iyon. I don't like the tone of her voice either. I pushed her. Sapilitan akong kumawala sa pagkakayakap niya. I saw a pain in her eyes when she locked her eyes to mine. Kumunot ang noo ko nang ngumiti siya. I sense the loneliness on her smile. Hindi ako mapakali. Bigla akong kinutuban. "I will save her but in one condition," sabi niya. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "I want you to marry me before I save her." "Ridiculous!" galit na saad ko. How can she say that? Ang kapal naman ng mukha niya para gawing kondisyon iyon. Bumakas sa mukha niya ang takot. Pero hindi siya nagpatinag. "Mamili ka, Luke. Her life or yours?" ika niya. Nakuyom ko ang kamao ko. Alam na alam niya na si Olivia ang buhay ko. Nagtagis ang mga bagang ko. Hindi ko siya masagot. "Marry me, and I save her. Iyon lang Luke..." "Bakit mo ginagawa ito?" anas ko. I am trying to calm myself. Gustong gusto ko ng pilipitin ang leeg niya. Pero inaalala ko si Olivia. Michelle is her only savior right now. I can't risk that. Umatras ako nang lumapit siya. Idinistansya ko ang aking sarili. I even raise my hand to stop her. "Luke... mahal kita. " Mas lalong nakuyom ko ang aking kamao nang marinig ang sinabi niya. Nawalan na ng kulay ang kamay ko dahil sa mahigpit na pagkakakuyom. Nagpanting din ang mga teynga ko sa sinabi niya. Love? Kailan pa? "Gusto kitang maging akin, Luke. And I know, this is God's plan for me to have you..." "Bullshit! Huwag mong gamitin ang panginoon dito para sa kabaliwan mo, Michelle. If you really know God, doing this is a sin. Bakit kailangan pang may kapalit ang pagligtas mo sa kapatid mo?" Umalingawngaw ang boses ko sa pasilyo. Buti na lang at wala ng masyadong katao tao. And it was a private hospital. Na sa private room din kami. Muli siyang ngumiti. I saw bitterness in her smile. May butil ng luha sa mga mata niya pero agad niya iyong pinahid. "You know what, iyan din ang katanungan ko lagi sa sarili ko. Loving you is so hard. You are heartless. Hindi mo ako makita. Nauna kitang nakilala. Nauna kitang minahal. Pero bakit si Olivia?" Hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya. Wala akong maintindihan. All I can see is her. Lying! "I'll give you until tomorrow to decide. Luke. Marry me, or she will die," sabi niya. Tinalikuran niya ako. Para akong nasemento sa kinatatayuan. I can't even move. Nanatili lang akong nakatingin sa likod ni Michelle hanggang sa maglaho ito sa paningin ko. A shed a tear. And I know why I am crying. I can't decide right now pero alam ko sa sarili ko na that I don't have a choice. I need to save Olivia. Mas gugustuhin kong buhay siya kesa ang makita siyang mahirapan at mawala ng tuluyan sa akin. "Oh, God!" Napatingala ako. Gusto kong magpasaklolo sa Diyos. Gusto kong liwanagan niya ang isip ko maging ang isip ni Michelle. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa kanya na gawin ito pero. I want her to stop. Ayaw kong saktan si Olivia. Mahal na mahal ko siya. Kung papakasalan ko si Michelle. Parang pinatay ko na rin siya. At ako. Parang pinatay ko na rin ang sarili ko. The only woman for me is Olivia. I can't live without her.Michelle's POV"You may kiss the bride," masayang saad ng Judge pagkatapos naming pirmahan ni Lucas ang papel sa aming harapan..Nakangiti ako at maluha-luha nang marinig iyon. Sa wakas, ikinasal na ako sa taong minahal ko ng matagal na panahon. Nangniningning ang mga mata kong humarap sa lalaking pinakasalan ko. Pero mabilis na napawi ang ngiti sa mga labi ko nang magtagpo ang mga mata namin. Imbes na masaya ay ang galit ni Lucas ang nakikita ko sa mga mata niya. Nanlilisik iyon at napakadilim ng awra na nanggagaling sa kanya. Alam ko, galit na galit ang kalooban niya dahil ang kagustuhan ko ang nasunod."Are you happy now?" uyam na saad niya. Humakbang siya palapit sa akin. Nakakatakot ang ngiti niya sa mga labi. Parang may kung anong nakatago roon. Sa likod ng ngiti na iyon ay matinding galit. "Maging masaya ka ngayon. But remember, dinala mo lang ang sarili mo sa impiyerno. Huwag na huwag ka sanang magsisisi sa pinili mo, Michelle. You can't blame me either if you live in sorrow!
Lucas POV"Robert, prepare the papers. And tell Miss Asuncion to come in my office," utos ko sa aking secretary. Agad naman siyang tumalima. Alam na niya ang ibig kong sabihin. Dinala niya ang envelope na galing sa attorney ko. Inilapag niya iyon sa harap ko. Pagkatapos ay nagpaalam siyang bababa na para tawagin si Michelle. Nabalitaan kong nakabalik na ang babae after the procedure ng pagdo-donate niya sa kanyang bone marrow. The doctor suggested doing it in a private setting, kaya, I did arrange a clinic for all of them to stay. It took only hours to do it. But I am kind enough to give Michelle a whole week of break just to recuperate. Kung sobrang sama kong tao, baka hinayaan ko na lang siya. But I am not, isa pa, iniisip kong baka kailangan pa siya ni Olivia. They are a match. Hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng ka-match ni Olivia kapag nagkataon.Dahil hindi gusto ni Michelle na malaman ng pamilya niya na siya ang donor ay in-arrange ko ang lahat. Kaming dalawa lamang at
Michelle's POVSign or leave it...Iyon lamang ba talaga ang choices na maari kong pagpilian? Either sa dalawa ay wala akong gustong gawin. Hindi ko rin pakikinabangan. Ako pa rin ang talo. Hindi ko gustong idiborsyo agad ako ni Lucas. Dahil alam ko, babalik siya agad kay Olivia kapag nagkataon na pinagbigyan ko siya. "Three years! Iyan lang ang maibibjmigay ko para sa atin bilang kasal..." muling umalingawngaw sa pandinig ko ang boses ni Lucas.Pinigilan ko ang mga luha ko habang nakatitig sa dokumento. Pilit kong inaalisa ang bawat nilalaman niyon. Pero hindi agad napoproseso sa utak ko ang lahat."Sign it!" muling utos niya. Nagulat ako nang may ballpen na nakalahad sa harapan ko. Tumingala ako at nakasalubong ng mga mata ko ang mga mata ni Lucas na siyang nag-aabot sa akin ng ballpen na iyon. "I...I have one condition," nagawa kong sabihin. Sa nilalaman ng dokumento ay talong talo ako. Kaya hindi ko hahayaang mabalewala lang lahat ng ginawa ko. I will not give up so easily. I wi
Lucas POV"Luke," masayang yumakap sa akin si Olivia nang makita ako. May dala akong pumpon ng bulaklak para sa kanya. Bulaklak na paborito niya. "Sinabi ko ng hindi mo na ako kailangan pang sunduin.""Kung para sa iyo, gagawin ko, Sweetheart," sabi ko. Sabay abot sa kanya ng dala ko.Ngumiti siya nang mas maluwang. My heart felt so much joy seeing her this way. Healthy na siyang tingnan. Binigyan na rin siya ng doctor ng go signal na makauwi. Pero siyempre, she still needs some monitoring."Wala pa ang parents mo?" tanong ko nang mapansin na mag-isa lamang niya doon. "Alam mo naman si Mama. Laging late, iyon...""At sinong laging late?" Mula sa pinto ay saad ng isang babaeng nakasuot ng pulang bestida. Naka-high heels din ito ng kulay na pula. Naka-shades at talaga namang nakapustura.I chose to keep silent kahit na napapataas ang kilay ko sa itsura niya. Or maybe, she's just happy. Whatever it is, its not appropriate what she's wearing. Pinanood ko lang ang paglapit ng babaeng iyo
Lucas POVJust like what I'm feeling, the uneasiness, hindi nga ako nagkamali. Pagkapasok namin sa bahay nila Olivia ay agad na naagaw ng pansin ko ang dalawang taong nakatayo na para bang kanina pa naghihintay sa amin. One of them is Michelle. Nakasuot ito ng apron na para bang isa sa mga katulong."Lucas, tara na sa hapag."Narinig ko naman ang pag-iimbita sa akin ni Mrs. Asuncion pero nakapagkit ang mga mata ko kay Michelle. Maging siya ay nakatingin sa akin. Walang kakurap-kurap. "Ay, naku..." Biglang humarang si Mrs. Asuncion sa paningin ko. Hinarap din nito si Michelle. "Mich, magbihis ka na. Bakit naka-apron ka pa rin?" sita nito sa anak. "Bilisan mo, alis na dito!" aniyang tila tinataboy ito.Gumalaw ang mga labi ko habang pasimpleng sinundan ng tingin si Michelle nang umalis ito. Agad itong pumanhik sa second floor ng bahay nila kung saan ang ilang mga kuwarto. Nagawa pa niyang lumingon sa gawi ko bago tuluyang mawala. "Naku, huwag mong alalahanin si Michelle, Lucas. Pi
Michelle's POV Nakakatawa. Nakakatawa si Lucas. Kung sa tingin niya, mabu-bully niya ako. Nagkakamali siya. Nagawa ko ng gawin na kontrabida ang sarili ko sa mga mata niya. Bakit hindi ko na lang din panindigan? Tutal iyon naman ang tingin niya sa akin. Iyon ang gustong palabasin ni Mama. That I am a bad daughter. May mababago pa ba kung magsasalita ako o ipagtanggol ko ang sarili ko sa kanila?Ang hirap lang kasi, simula pa noong bata ako ay labis ko ng kinukuha ang loob niya pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon. Ginagawa ko naman ang lahat para maging proud siya sa akin. But of course, dahil hindi naman ako nanggaling sa kanya ay mas pabor siya sa tunay niyang anak. Muli akong sumalo sa sa kanila sa hapag. Ilang minuto na lang ay sumunod din si Lucas. Lukot ang mukha nito at halos hindi maipinta. "What took you so long?" malambing na tanong ni Olivia sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghaplos niya sa bisig ni Lucas. At ang mukhang niyang halos hindi maipi
Lucas POVI was so piss. Wala talagang pinipiling oras si Michelle para sirain ang araw ko. Making that bold statement at talagang nagawa pa niyang ipamukha na may kahalayan kaming ginagawa.I grab my tie. Niluwagan ko iyon dahil nasasakal ako sa umusbong na iritasyon."Sorry sa inasal ng kapatid mo, Luke," hinging paumanhin ni Olivia. "Hindi ko alam kung bakit nagagalit siya pero sana intindihin mo lang siya...""Don't apologize for her, Liv.. She just doesn't know how to stop! She should apologize to you. Not the other way around. Mas may malaki siyang kasalanan sa iyo!" naibulalas ko dahil sa matinding inis. Huli na noong mapagtanto kong hindi ko dapat iyon sinabi. "Anong kasalanan?" nagtatakang tanong niyang muli sa akin. Nabigla ako. Hindi ako makaapuhap ng isasagot."I..." For the first time, I stutter. Hindi ko alam kung aaminin ko ba sa kanya ang sitwasyon.Bigla siyang ngumiti. "Dahil ba sa hindi niya man lamang ako dinalaw sa hospital? Or even try to save my life?" siya
Michelle's POVMabigat ang ulo ko nang gumising kinaumagahan. Kagabi kasi ay hindi naman ako agad nakatulog. Madaling araw na yata nang hilain talaga ako ng antok. Kaya halos apat na oras lang ang itinulog ko. I showered and prepared myself. Pagkatapos ay bumaba na ako para sana pumunta sa kusina. Pero sa hagdan pa lamang ay naririnig ko na ang pagtatalo nila mama at papa sa may dining area. "Saan? Saan mo dinala ang mga pera? Bakit nawala?" histerikal na sigaw ni Mama. Kasunod ay ang pagkabasag ng pinggan. "Wala nga! Mababawi din natin iyon..." sagot naman ni papa. Pasigaw din."Wala? Lagi mong sinasabing wala! Pero halos wala ng laman ang bangko natin! Ilang negosyo na ang isinara mo!"Napailing-iling na lang ako. Ngayon ay maliwanag na sa akin ang lahat. Nalulugi na ang mga negosyo ni papa kaya halos pinaalis na nila ang ilang mga katulong. Mukhang papasok na naman akong gutom. At imbes na makuha ko ang baon na ni-prepare ni nanay Susan ay maiiwan pa iyon. Sa canteen na lang a
Michelle's Point of View Hindi na ako nagpaalam pa nang umalis bigla para i-meet si papa. Ang usapan namin ay magkikita na lang kami sa coffee shop na malapit sa kompanya. Naroon na rin naman siya kaya pinahintay ko na lamang siya roon habang pababa ako.I was so happy. Walang pagsidlang ang saya sa loob ko. Nagmamadali pa akong pumasok sa coffee shop para puntahan siya. Nagpalinga linga ako para hanapin siya habang sobrang luwang ng ngiti sabmga labi ko. Sa wakas, pinili ako ni Papa. The way he said he missed me speaks volumes. Mahal niya ako.Kumaway si papa sa akin nang makita niya ako. Nasa gilid siya kung saan malapit sa malaking bintana. Malalaking mga hakbang ang ginawa ko para agad na malapitan siya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit nang tumayo siya para salubungin ako. "Papa."Napaluha ako. Unang beses iyon mangyari na yakapin niya rin ako pabalik. Simula kasi noong nagdalaga ako ay hindi na niya nagawang gawin iyon. Parang iniwasan niya ako lalo na at naroon na sila
Michelle's Point of View Dahil may oras pa ako ay minabuti kong bagalan ang paglalakad ko at magmuni-muni. Maaga pa kaya masarap pa ang init ng araw sa balat. Habang naglalakad ay bumubuo na rin ako ng plano para sa buhay ko. Kailangan kong mag-ipon ng pera. Kapag kaya ko na at may sapat na ipon ay aalis ako. Iyon na lang ang paraan para makatakas sa lahat. Kung kailangan kong takasan ang lahat ay gagawin ko. If my disappearance means peace to everyone. I'll disappear on a thin air. To do that, I need money to survive. "Good morning," bati ko kay Nelson na guwardiya namin. Marami sila roon pero si Nelson ang isa sa pinaka-close ko dahil palabiro siya at totoong tao. "Uy, Michelle. Long time no see." Nakangiti niyang bati. "Isang linggo rin kitang hindi nakita ah." "Now you see me..."Nagkatawanan kami. Routine na namin ni Nelson iyon sa umaga kapag dumadating ako. Nagbibiruan kami para umpisahan ang umaga namin ng may ngiti sa mga labi."O siya, aalis na ako...""Ay, sandali nga p
Michelle's Point of ViewNagsinungaling ako kay Nanay Susan na hindi ko alam kung bakit ganoon sa akin si Lucas sa kadahilanang hindi niya puwedeng malaman ang lahat at ang totoong ugnayan namin ni Lucas sa isa't isa. Sa mga mata nila ay isa lang akong babaeng dinala niya doon at tinulungan. Pero, tinulungan nga ba? Kasi, lumalabas ngayon sa mga mata nila na naroon ako para parusahan ni Lucas. Naroon ako sa masiyon para maging alipin dito. And yet walang konkretong dahilan kung bakit.Nakalipas ang isang linggo na iwas ako kay Lucas. Hanggang maaari ay ayaw kong makita niya ako. Lalo pa at nadadamay na sila nanay Susan sa aming dalawa.Buti na lamang at mabilis gumaling ang sugat ko. Dahil na rin siguro sa gamot na binigay ng doctor. At dahil may buhok akong nakatakip doon ay hindi na rin halata. Imbes na ipusod ko na gaya ng dati ay hinayaan ko na lang na nakalugay amg buhok ko para takpan iyon.Ang atakeng pananakit ng ulo ko ay huli na rim noong isang linggo. Dahil na rin siguro s
Michelle's Point of View"Nay, ako na po ang gagawa nito," ako ang nagkusang gawin ang vegetable salad dahil talagang bored na ako na walang ginagawa. Ulo ko lang ang may sugat at hindi ang mga kamay ko. Hindi ako baldado para hindi makatulong sa kanila. Halos maghapon kong sinubukang tumulong pero lagi nila akong sinasaway. Sabagay, kahit malaki ang mansiyon ay napanatiling malinis iyon kahit silang dalawa lamang ni Lea.Tumingin sa akin si Nanay. "Oh siya, sige at napapagod na akong sawayin ka. Gawin mo iyan, paborito ni Lucas...c Wala naman yatang ibig sabihin si Nanay Susan pero bakit sinabi niyang paborito iyon ni Lucas eh hindi ko naman tinatanong. Si nanay talaga. Hinimay ko ang ilalagay kong lobster para doon. Naka-ready na at na-cut na ang gulay na gagamitin ko kaya madali lang. Ang tanging gagawin ko na lamang ay paghalu-haluin ang mga iyon at lagyan ng dressing. Wala pang sampong minuto ay gawa na. Nang matapos kong gawin iyon ay inilagay ko muna iyon sa ref para fresh
LUCAS POINT OF VIEWI was about to go when Nanay Susan saw me. Pababa na siya sa hagdan at parating naman ako. Sa tingin pa lamang niya ay alam kong may gusto na siyang sabihin kaya naman tumigil ako. "Lucas, hindi ko alam kung anong ugnayan mo kay Michelle, pero sana ay maging mabait ka sa kanya. Hindi ka naman ganyan sa iba ah! Bakit ba pakiramdam ko ay ang init-init ng ulo mo sa kanya. Kilala kita, Lucas. Mabait ka at maunawain..."I raised my hand to stop her from talking. Marami na siyang sinabi. I want her to listen to me as well."Nay, you don't know her personally. She's here to pay for what she did..." I told her. Napailing lamang siya. "Alam ko kung paano kumilatis ng tao, Lucas..." pamimilit niya sa kanyang opinyon."Then you're wrong this time, Nanay," sabi kong napabalik. Imbes na magpatuloy paalis naglakad ako patungo sa kuwarto ni Michelle. Sa pag-aakalang naroon lang siya sa loob ay binuksan ko ang pinto without knocking again. I didn't see her right away. Paalis na
MICHELLE'S POINT OF VIEWDahil sa aksidente at muling pagkakabuka ng sugat ko sa ulo ay hindi ako pinayagang pumasok muna sa trabaho ng doctor. At dahil amo ko si Lucas sa kompanya at sa mansiyon, imbes na asawa, ay madali lamang na napagdesisyunan iyon. Pero siyempre, hindi madali iyon sa akin. Dahil kahit na pumayag siya ay alam kong hindi iyon bukal sa kanyang kalooban. He wants me to suffer at hindi umaayon iyon sa mga nangyayari ngayon.Dinala nga ni Nanay Susan ang mga damit na hindi na ginagamit ng kapatid ni Lucas kinaumagahan. Kumpleto na iyon. Maging underwear ay meron na rin at mga bago. Halatang mamahalin ang mga iyon dahil branded pa."Huwag kang mag-alala. Walang magagawa si Lucas dahil ako mismo ang nagpaalam kay Sonia na ipamigay na lang ang mga naiwang damit niya dito," sabi ni Nanay Susan nang inaayos niya sa closet ang ilang mga damit. Kaya naman pala. Akala ko ay kusang loob na ibinigay iyon ni Lucas dahil sabi ni Nanay ay ipinakuha iyon ni Lucas. Mukhang napilit
MICHELLE'S POINT OF VIEW"Ah!" sigaw ko nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwartong kinaroroonan ko. Hindi ko pala iyon nai-lock at ngayon nga ay heto, nagkagulatan kami ni Lucas.Kagagaling ko pa lamang sa banyo para magshower. Wala din akong suot na kahit ano dahil kakatanggal ko lamang ang tuwalyang nakabalabal sa katawan ko para sana tuyuin ang buhok ko.Gulat na gulat ako pero maging si Lucas ay alam kong hindi inaasahan na makikita ako sa ganoong ayos. Paano ay parang natulala na siya sa kinatatayuan ni hindi man lamang kumurap."Can you get out!"sigaw ko sa kanya. Nagawang kunin ang tuwalya at bastang itinakip na lang sa harap ko. Niyakap ko iyon dahil wala na akong pagkakataong ibalabal muli iyon.Sa pagsigaw kong iyon ay parang nagising siya. Agad siyang tumalikod pero hindi naman umalis."Did you plan this?" bigla na lamang niyang akusa. Kumunot ang noo ko? Plan what?"Sinadya mong hindi i-lock ang pinto para makita kitang ganyan. Wala ka ba talagang delikadesa, Miche
LUCAS Point of View What the!? Hindi ako nakahuma sa ginawang pagsuka sa akin ni Michelle. Ni hindi ko nga siya naitulak palayo sa akin dahil sa gulat ko. I also barf when the smell of her vomit reaches my nose. Mahinang itulak ko siya as my hands reach my nose to cover it. Now, hindi lang siya ang kailangan magpalit. Maging ako ay kailangang makaligo at magpalit dahil sa ginawa ni Michelle na pagsuka sa akin. Sinadya niya ba ito? Fùck! Nakangisi siyang tumingala sa akin. Like she's so happy vomiting to me. Mariin at galit ko siyang tinitigan. "What? I will not apologize, Lucas. You deserved that!" angil niya sa akin na para bang inaamin niya na sinadya nga niya ang ginawa. Gusto ko siyang sigawan, but I can't take my hands over my nose. I will barf again if I smell her vomit! "Lucas..." Buti na lang at dumating na si Robert. Nanlaki ang mga mata niya nang madatnan kami sa ganoon ayos ni Michelle. "Take her away!" utos ko na parang nangongongo dahil sa pagkaka-cover ng
MICHELLE'S POINT OF VIEW Napasapo ako sa aking ulo nang magising. Impit na napaungol dahil sa sakit na nanggagaling sa gilid ng aking ulo. Parang binibiyak iyon at pinupukpok ng martilyo. "Naku, Michelle, huwag ka munang bumangon."Narinig ko ang boses ni Manang Bebang kaya kahit na hirap na hirap ay bumaling ako sa kanya. "Saan ako, Manang?""Nasa hospital ka ngayon Michelle. Kumusta ang pakiramdam mo?" May pag-aalalang tanong ni Manang Bebang. Parang maiiyak na rin ang boses niya. Parang kanina pa nagpipigil."Ano pong nangyari?" Inapuhap ko ang aking ulo. Napakunot noo ako nang makapa ang makapal na benda na nakapalibot doon. Bakit nga ba ako naroon? Ang huling naalala ko ay sumugod ako sa mga tauhan ni Lucas dahil ginigiba na nila ang karinderya."Aksidenteng nahulugan ka ng kahoy, Michelle. Kasalanan ko ito. Hindi ko sinabi sa iyo ang kalagayan ng karinderya..." mangiyak-ngiyak na saad ni Manang Bebang. Kinuha ko ang kamay niya at nakangiting umiling. "Wala kang kasalanan