Michelle's Point of View Huminga ako nang malalim habang papasok sa bahay. Alam kong ano mang oras ay makakasalubong o magkikita kami ni Mama. Inihanda ko na ang sarili ko para doon. Kahit na dinadagundong ako ng matinding kaba. Of course, nakakaramdam din ako ng takot. Hindi sa lahat ng oras ay matapang ako...O should I say, nagtatatapang-tapangan lamang ako. Dahil ang totoo, isa akong duwag. Ni hindi ko nga maipaglaban ng harapan ang pag-ibig ko kay Lucas. Nakuha ko siya sa paraang kinamumuhian niya.Muli akong bumuga ng hangin. "All is well. All is well," pagpapakalma ko sa aking sarili. Kailangan kong magmukhang matapang na muli. Sa harapan ni Mama. Sa harapan ni Olivia. Pero pagkapasok ko, hindi si Mama ang nabungaran ko sa sala. Mas kinabahan ako nang makita kong nakatayo roon si Nanay Susan. Umiiyak siya at sa tabi niya ay may dalawang maleta.Kinabahan ako kasabay ng umusbong na galit sa aking sistema. Inaasahan ko naman na na tatanggalin na rin si Nanay Susan, but not th
Michelle's Point of ViewTrigger warning ⚠️ ⚠️ "Ma, akin na iyan," pakiusap ko. Pinilit ko ulit abutin iyon mula sa kamay niya pero napatigil ako sa nanlilisk na mga mata niya nang balingan ako. "Desperada ka talaga ano, Michelle! Malandi!" Sinampal ako ni Mama. At hindi lang basta sampal iyon. Sumugat ang kuko niya sa mukha ko. Napasapo ako sa mukha ko dahil ramdam ko ang hapdi doon. Napatingin pa ako sa kamay ko dahil dumugo iyon."Marriage certificate!? At talaga pang nagawa mong ilagay ang pangalan dito ni Lucas ano! Desperada ka talaga! Mamemeke ka na nga lang, si Lucas pa!" Hindi niya iyon pinaniwalaan dahil tingin niya sa akin ay sinungaling. Desperada. "Sinasabi ko na nga ba eh! Iyang paglapit-lapit mo pa lamang kay Lucas ay halata na nilalandi mo siya! Gusto mo pa talagang agawin siya sa kapatid mo ano?!"Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasagot. Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko. Anong dapat kong sabihin? "Ma, sandali!"Nang gustong punitin ni Mama iyon ay pinigi
Lucas Point of View 'Huwag ka ng umasa, Michelle. He doesn't care at all. Mag-isa ka nalang talaga...walang sinoman ang mag-aalala sa iyo kahit mamatay ka pa'I was taken aback from what I've heard. Nailayo ko pa ang telepono sa aking teynga. Napatitig doon ng ilang saglit. Nang muli kong ilagay sa teynga ko iyon ay iyak na niya ang tanging naririnig ko.Napalunok ako. I want to put it down o patayin ang tawag but my phone was glued to my ears. I can't...put it down. "Ma...kunin mo na lang po ako..."It's not clear but I know I heard it correctly. She's sobbing nonstop. Like she's pleading for her life to be taken.Napatingin ako sa labas ng bintana. It's pouring. Nagsisimula na rin kumulog at kumidlat.Muli kong pinakinggan ang tawag na iyon ni Michelle. She still crying pero may iba pang tunog sa paligid niya. Until I heard a bang. Nailayo ko agad ang telepono sa teynga ko dahil masakit pakinggan iyon. Is that thunder? O nahulog nito ang telepono? Namatay na rin kasi ang tawag ni
Michelle's Point of View Hindi ko alam kung ilang oras akong nakadukdok at nakaupo sa waiting shed. Basta ang alam ko, tumila na ang ulan, natuyo na ang basa kong damit. Patay na ang cellphone ko dahil hindi naman iyon na-charge noong pinalayas ako. Pero kahit na marami ang nangyari, heto ako, mag-isa pa rin sa madilim na lugar na ito. Hindi man lamang ako naisipang hanapin ni Papa. Batid kong alam na niya na wala ako sa bahay, pero hindi man lamang niya ako nagawang hanapin bilang isa rin naman ako sa anak niya. Hindi man lamang siya nag-alalala na baka may mangyaring masama sa akin. Wala na ba talaga akong halaga sa kanya? Napapatanong tuloy ako kung may halaga pa ba ang buhay ko? Buhay nga ako pero parang patay na rin naman dahil wala ng dahilan pa para magpatuloy ako. I was alone and lonely all the time. Mapait akong napangiti. Napabuga ako ng hangin at pinilit iwaglit sa isip ang negatibong isipin na kumakain sa sistema ko. Ayaw kong magpatalo sa demonyo sa isipan ko. No..
Lucas Point of View Matalim ang titig ko habang nakatingin kay Michelle. Hindi ko itinuloy na magpahatid sa bahay dahil hindi ako mapakaling maghintay lamang na mahanap siya. Hindi na makapaghintay ang galit ko! Hindi na ako makapagtimpi pa na sumbatan siya! Why she chose to hurt Olivia kung napakalinaw ng usapan namin na hindi dapat malaman ng iba ang ugnayan namin!"Get her!" utos ko kay Robert nang tumigil ang sasakyan sa harap niya. Buti naman at pagod na itong magtago. Ilang oras din ang ginugol namin para mahanap siya. Lalo lamang lumalaki ang galit ko dahil nagawa pa niya talagang taguan ako. She's not even picking up my call!"Kung papatayin ninyo ako at kukunin ang lamang loob ko. Please lang, unahin ninyo ang puso ko!" Anong pinagsasabi niya? Natawa ako. Taking her heart? At sinong magkakagusto sa puso niyang mas maitim pa sa halang ang kaluluwa. Even she offered her heart to me, hinding hindi ko iyon tatanggapin.Habang pinapanood ko ang paglapit ni Robert ay mataman kong
Lucas Point of View Nakasandal lamang ako sa may pinto habang nakikinig sa sinasabi ng doctor. Hindi naman kailangang naroon ako pero gusto kong alamin kung totoong may sakit siya. Baka nga nagkukunwari lamang siya. "She has an injury on her left arm, but not broken. Malamang ay nabangga ito sa kung saan. For her fever, I already gave her medicine through her IV..." sabi ng doctor na kaibigan ng kapatid ko.Hindi ako kumilos or nag-react man lamang. Okay, totoong nagkasakit siya, but maybe, sinadya niya iyon para makuha ang simpatiya ko. Sinong tanga ang magpapakaulan para magkasakit? Injury? Maybe, she inflicted it. Sinadya niya para kaawaan siya. Sa laki ng kasalanan niya...Never!Tumayo ako nang tuwid. Balak kong umalis na nang muling magsalita si Yvonne."Well, I keep going. If she wakes up, she needs to take more oral medication for her fever, and if she has immense pain in her arm, painumin siya ng pain reliever. Sana rin ay maalagaan ninyo siya ng mabuti. She'sso fragile ri
Michelle's Point of View Am I scared to be left out?Yes.Am I scared to be alone and lonely?Yes. There's so much feeling consuming my thoughts at this moment. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at saan ilulugar ang sarili ko. I have a husband. Pero asawang hindi ko naman masabing asawa ko. Nakakatawa hindi ba? I have nothing.I have no one.Saan ako lulugar gayong wala naman akong ibang patutunguhan. Dahil maski asawa ko, gusto akong mawala sa landas niya. Lumabas ako sa kuwartong kinaroroonan ko. I'm looking for a particular person. Lucas. Naigala ko ang paningin ko sa paligid habang nasa pasilyo. Mahaba ang pasilyong tinatalunton ko. Maraming silid ang naroon. Hanggang sa makita ko ang hagdan pababa. It was a long stairs too. Parang nasa tatlumpong baitang iyon.Masasabi kong malaki ang bahay ni Lucas. Nagsusumigaw ng karangyaan ang mga gamit niya sa loob. Maging ang istraktura.I feel a lot better now. Nagawa ko na ngang bumaba mag-isa sa mahabang hagdan na iyon. My left
Michelle's Point of View "Are you sure about this?" tanong sa akin ng intsik na pinagtanungan ko. Mukhang okay naman ang lugar at mukhang mapagkakatiwalaan ko siya kaya sa kanyang ko ini-offer ang cellphone ko. Nasa sanglaan ako dahil iyon na lang ang last resort ko to have money."It's still new. Kabibili ko lang," sabi ko. Wala pang isang taon sa akin ang cellphone ko na iyon. Binili ko iyon ng forty thousand plus. Pinakamahal na brand ng cellphone iyon. Pinag-ipunan ko dahil nasira ang dati. Mahalaga sa akin iyon dahil mahalaga ang nilalaman. Kaya nga sanla lang ang ginawa ko at hindi ibinenta.Sinipat ng may-ari ng sanglaan ang cellphone ko."I give you 20 thousand," sabi niya. Mababa iyon kumpara sa gusto ko. "Thirty," sabi ko nakipagtawaran. I need more. Ako ang lugi kung hindi ko matubos iyon. Muli niyang sinipat ang cellphone ko. Empty battery pa rin iyon kaya noong i-on niya ay hindi iyon bumukas."It's not working. Sira!" sabi niya sa matigas na tagalog. Umiling ako. "No
LUCAS POINT OF VIEW Nase-sense ko na hindi palagay si Michelle na nasa kuwarto niya ako. Ako din naman. Iyong pagsamahin kami sa iisang silid, it's a big no for me. She's on the other side of the bed. Sobrang nasa gilid. Ako naman ay nasa paanan ng kama niya. Nakaupo lamang doon. Waiting for perfect timing to move to my room. Hinihintay ko lang na makatulog sila Nana para makaalis na ako.Tahimik siya. Tahimik ako. Parehong nakikiramdam sa isa't isa. Galaw lamang siya ng galaw kaya nairita ako. "Can you stop moving!" Napalingon ako sa kanya. Nakabaluktot siyang patagilid. Pagkatapos ay babaliktad na naman siya sa kabila. Nakakahilo ang ginagawa niya. "Puwede bang umalis ka na kasi sa kuwarto ko," sabi niyang napaupo na sa kama. Nakasandig ang likod niya sa headrest.Tinaasan ko siya ng kilay. "Why? Are you afraid something might happen again? Don't worry, nasa matinong pag-iisip na ako. Hindi na ako papatol o papatulan ang cheap trick mo!"sabi kong tumayo na. It's already ten in
LUCAS POINT OF VIEW I went out of my office. Wala pang segundo iyon simula noong umalis si Michelle. Mabilis akong bumaba at nang makita ko sila sa sala ay agad akong lumapit. Nakatayo si Michelle sa harapan ni Nana. Ang kamay niyang napaso ay nakalagay sa likod na para bang itinatago niya iyon sa matatanda. "Lucas, narito ka pala. Inutusan mo pa si Michelle na siyang magpasalamat sa akin," sermon ni Nana na ipinagtaka ko. So hindi nagsumbong si Michelle. Means kaya nasa likuran ang mga kamay niya ay talaga ngang itinatago niya iyon para hindi makita. At nagawa pa niyang magpasalamat in behalf of me. I don't need it!Napasilip ako sa kamay niya nnang tumabi ako sa kanya. Namumula na iyon ng husto.Imbes na magpasalamat kay Nana ay hinawakan ko sa kamay si Michelle. "Aray!" "Lucas. Be gentle to your wife..." babala ni Nana at pinandilatan ako ng mga mata nang biglang mapasigaw si Michelle. Nasaktan ko ang masakit na niyang kamay dahil sa paso.Nabigla lang ako. Nang hilahin ko s
LUCAS POINT OF VIEW Pabalik-balik ako sa paglalakad sa kuwarto ko. Calming myself bago ko harapin muli sila Nana. Hinayaan kong kainin ako ng aking emosyon kung kaya ay nasagot ko siya. Which is so disrespectful to her. Alam kong inaalala lamang niya ako at nagawa ko pa siyang sagutin ng ganoon.I get that. Kapakanan ko ang iniisp nila. I just really don't get why they need to bring the past. Tapos na iyon. Whether I moved on to that or not, it's my choice. It is also my choice if I want to continue doing what I am doing right now. Ang hindi magpapaapekto sa nakaraan na iyon. "Lucas, pinapatawag ka na sa baba," tawag ni Nanay Susan. Kumatok pa siya sa pinto ko. "Kakain na. Ikaw na lang ang hinihintay."Muli akong humugot ng malalim na hininga. Paulit-ulit hanggang sa kumalma kahit kaunti ang pakiramdam ko."Lucas...""Coming, Nay..." I said as I walked to the door. "I just need to change," dagdag ko. "Bilisan mo na diyan..." sabi niya bago umalis.Hinintay ko munang makalayo ang m
Lucas Point of View Nagpupuyos ako ng galit na binagsak ang mga gmit ko sa aking mesa nang makapasok na sa opisina ko. Hindi ko makontrol ang emosyon kong gusto ng sumabog. Lalo na at nakahanap na naman ng kakampi si Michelle. Si Michelle na dapat ay pinaparusahan ko ngayon!"Robert, tell Michelle's department she's not able to come to work today," utos ko kay Robert na nagulat. Alam kong susundin niya naman ako pero parang bantulot siyang sumunod."Is there any problem?" "Wala naman Lucas. It's just...never mind."May gustong sabihin si Robert pero binalewala ko lamang. I need to focus with my work for now. Ayaw kong magpaapekto sa mga walang kuwentang bagay. Lalo na ang Michelle na iyon."As long does my grandparents stay here?" tanong ko kay Robert. Nasa telepono pa ito kaya hindi niya agad ako nasagot."One week lang, Lucas," sagot sa akin ni Robert makailang saglit. Good! One week lang akong magkukunwari.As the day goes by ay unti-unting na-focus ang atensiyon ko sa trabah
MICHELLE'S POINT OF VIEW Parang panaginip ang lahat ng nangyari. Ang bilis na hindi ko na alam kung alin ang totoo. Ang ayaw na ipagsabi ni Lucas ay siya na mismo ang umamin. Sa mismong pamilya pa niya."We are married," ulit niya. Nalilito na ako. Hindi ko alam kung ano ang ire-react. Nang tumingin sa akin ang lola niya na tinawag niyang Nana ay hindi ako makasagot. "Is it true, Michelle?"Parang naputol ang dila ko. Noong tinanong ako kung anong gusto ko, gusto kong sabihin na divorce o lumaya na kay Lucas pero hindi ko masabi dahil wala ngang nakakaalam na kasal kami. Pero ngayon na bigla niyang inamin na kasal nga kami. Parang wala na akong lakas ng loob sabihin iyon kahit na pagkakataon ko ng magsalita.Nakagat ko ang ibabang labi ko. Naglaro ang mga daliri ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung natatandaan pa nila ako. Pero nakita ko na sila noong higschool pa ako. Gaya pa rin sila ng dati. Mababait. And I'm causing them trouble. Hinawakan ni Nana ang mga kamay ko. Making
LUCAS POINT OF VIEW LUCAS!"Malakas na sigaw ang nagpagising sa aking pagkakatulog. Pupungas-pungas akong napabangon. Masakit ang ulo ko dahil sa kalasingan kagabi."What the hèll is this, Lucas?"Nagsalubong ang mga kilay ko as I look to where the screaming is. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kos sila Nana at papa Val na nakatayo sa may pinto. "What?" I said as I was trying to collect myself. Nagulat ako dahil akala ko sa makalawa pa sila darating. "What? You..."Parang mahihimatay si Nana na may itinuro. Nang bumaling ako sa gilid ko ay napamura ako nang malutong. Biglang bumalil ang mga alaala ng nangyari kagabi. Ang kamalas-malasan pa ay nahuli kaming magkatabi. "Get dressed. Both of you! Mag-usap tayo sa baba!"galit an saad ni papa Val. Muli nilang sinara ang pinti at iniwan kaming dalawa ni Michelle.I was fuming mad. Marahas akong umalis sa kama samantalang hinila naman ni Michelle ang kumot para takpan ang kanyang kahubdan.Wala akong pakialam na hubo't hubad na nagp
Lucas Point of View Ngumisi ako nang mabungaran ko si Nanay Susan."Hi, Nay," bati ko sa kanya. "Lasing ka ba, Lucas? Aba'y ano ang nangyari at nagpakalasing ka?" tanong ni Nanay. Inalalayan pa akong makapasok dahil nagkandabuhol-buhol na ang mga paa ko."I'm just happy Nay! Celebrating the happenings in my life!" Tumawa ako."Naku, bata ka..."Inakbayan ko si Nanay Susan. "Bakit gising pa kayo? It's late..."Napaaray ako nang hinampas niya ako sa balikat. "Natutulog na ako! Ikaw lang itong nag-ingay..." singhal niya sa akin. Muling inambahan ng palo.Muli akong tumawa. "I forgot the password..." ika ko but I did not. Hindi ko na lang talaga makita ng maigi ang mga pinipindot ko dahil nanlalabo ang mga mata ko habang nakatingin sa mga numero. "Hala, halika na at aalalayan na kitang umakyat..."Pinigilan ko si Nanay. "Kaya ko na, Nay. Just go and sleep again..."Binitiwan ko siya at nagpatiunang maglakad. I hold the staircase handle to support myself from falling. Tagumpay naman n
Lucas Point of ViewHabang papalapit ang pag-uwi nila Nana at Papa Val ay naging abala rin ako. I don't know what to do with Michelle yet, may nalalabi pa akong araw to think if she will stay or not. Ayaw kong magka-aberya at magkaroon ng problema sa pagdating nila kaya hanggang maaari ay ayaw kong makita nila siya.Minsan na lang silang umuwi and I want them to enjoy as much as they can. Iyong walang iisipin. Michelle might cause a problem if they meet her.Napahilot ako sa aking sentido. May isa pa akong pinoproblema. Her father. Ilang beses na siyang tumatawag sa akin. Isa pa siya sa taong iniiwasan kong maging dahilan ng gulo. For sure, kapag nalaman niyang iuwi sila Nana at papa Val ay gagawa siya ng kaguluhan. Gusto ko iyong iwasan dahil hindi worth na pag-aksayahan sila ng panahon."Lucas, uuwi na ba tayo?"Tiniklop ko ang folder na nasa harapan ko bago harapin si Robert. "No. Call Mr. Asuncion for me, Rob. Tell him to meet me." I need to shut his mouth. And money can do that
Michelle's Point of View Hindi na ako nagpaalam pa nang umalis bigla para i-meet si papa. Ang usapan namin ay magkikita na lang kami sa coffee shop na malapit sa kompanya. Naroon na rin naman siya kaya pinahintay ko na lamang siya roon habang pababa ako.I was so happy. Walang pagsidlang ang saya sa loob ko. Nagmamadali pa akong pumasok sa coffee shop para puntahan siya. Nagpalinga linga ako para hanapin siya habang sobrang luwang ng ngiti sabmga labi ko. Sa wakas, pinili ako ni Papa. The way he said he missed me speaks volumes. Mahal niya ako.Kumaway si papa sa akin nang makita niya ako. Nasa gilid siya kung saan malapit sa malaking bintana. Malalaking mga hakbang ang ginawa ko para agad na malapitan siya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit nang tumayo siya para salubungin ako. "Papa."Napaluha ako. Unang beses iyon mangyari na yakapin niya rin ako pabalik. Simula kasi noong nagdalaga ako ay hindi na niya nagawang gawin iyon. Parang iniwasan niya ako lalo na at naroon na sila