Lucas Point of View 'Huwag ka ng umasa, Michelle. He doesn't care at all. Mag-isa ka nalang talaga...walang sinoman ang mag-aalala sa iyo kahit mamatay ka pa'I was taken aback from what I've heard. Nailayo ko pa ang telepono sa aking teynga. Napatitig doon ng ilang saglit. Nang muli kong ilagay sa teynga ko iyon ay iyak na niya ang tanging naririnig ko.Napalunok ako. I want to put it down o patayin ang tawag but my phone was glued to my ears. I can't...put it down. "Ma...kunin mo na lang po ako..."It's not clear but I know I heard it correctly. She's sobbing nonstop. Like she's pleading for her life to be taken.Napatingin ako sa labas ng bintana. It's pouring. Nagsisimula na rin kumulog at kumidlat.Muli kong pinakinggan ang tawag na iyon ni Michelle. She still crying pero may iba pang tunog sa paligid niya. Until I heard a bang. Nailayo ko agad ang telepono sa teynga ko dahil masakit pakinggan iyon. Is that thunder? O nahulog nito ang telepono? Namatay na rin kasi ang tawag ni
Michelle's Point of View Hindi ko alam kung ilang oras akong nakadukdok at nakaupo sa waiting shed. Basta ang alam ko, tumila na ang ulan, natuyo na ang basa kong damit. Patay na ang cellphone ko dahil hindi naman iyon na-charge noong pinalayas ako. Pero kahit na marami ang nangyari, heto ako, mag-isa pa rin sa madilim na lugar na ito. Hindi man lamang ako naisipang hanapin ni Papa. Batid kong alam na niya na wala ako sa bahay, pero hindi man lamang niya ako nagawang hanapin bilang isa rin naman ako sa anak niya. Hindi man lamang siya nag-alalala na baka may mangyaring masama sa akin. Wala na ba talaga akong halaga sa kanya? Napapatanong tuloy ako kung may halaga pa ba ang buhay ko? Buhay nga ako pero parang patay na rin naman dahil wala ng dahilan pa para magpatuloy ako. I was alone and lonely all the time. Mapait akong napangiti. Napabuga ako ng hangin at pinilit iwaglit sa isip ang negatibong isipin na kumakain sa sistema ko. Ayaw kong magpatalo sa demonyo sa isipan ko. No..
Lucas Point of View Matalim ang titig ko habang nakatingin kay Michelle. Hindi ko itinuloy na magpahatid sa bahay dahil hindi ako mapakaling maghintay lamang na mahanap siya. Hindi na makapaghintay ang galit ko! Hindi na ako makapagtimpi pa na sumbatan siya! Why she chose to hurt Olivia kung napakalinaw ng usapan namin na hindi dapat malaman ng iba ang ugnayan namin!"Get her!" utos ko kay Robert nang tumigil ang sasakyan sa harap niya. Buti naman at pagod na itong magtago. Ilang oras din ang ginugol namin para mahanap siya. Lalo lamang lumalaki ang galit ko dahil nagawa pa niya talagang taguan ako. She's not even picking up my call!"Kung papatayin ninyo ako at kukunin ang lamang loob ko. Please lang, unahin ninyo ang puso ko!" Anong pinagsasabi niya? Natawa ako. Taking her heart? At sinong magkakagusto sa puso niyang mas maitim pa sa halang ang kaluluwa. Even she offered her heart to me, hinding hindi ko iyon tatanggapin.Habang pinapanood ko ang paglapit ni Robert ay mataman kong
Michelle's POV"Let's get divorced!" Mula sa pagkakahiga sa kama ay inaninag ko ang bulto ng lalaking pinagmulan ng katagang unti-unting tumatarak sa puso ko. Katagang dahilan kung bakit wasak ang pakiramdam ko. Katagang kahit ayaw kong pakinggan ay dahilan kung bakit hindi ko pa man oras na mamatay ay tila pinapatay na ako. Katagang kinakatakutan kong marinig. Ayaw kong marinig mula sa asawa ko. "B-bakit?" nanginginig ang boses na tanong ko. Kahit alam ko naman na ang dahilan ay para akong tangang nais pang marinig iyon mula sa bibig ni Lucas. Gustong gusto ko talagang saktan ang sarili ko. At sana, ang sakit na hatid niyang muli ang maging dahilan upang tuluyan na akong mamanhid sa sakit. Dahil ayoko na. Si Lucas na ilang taon pa lamang ako ay minahal na ng puso ko. Si Lucas na pinangarap kong maging asawa. Si Lucas na ngayon ay asawa ko na nga pero hindi ko nagawang paibigin. Hindi niya ako magawang mahalin. Dahil may mahal siyang iba. At kailanman ay hindi ko mapapalitan
Lucas POVHawak ko sa kamay si Olivia habang nakaratay siya sa kanyang hospital bed. Isinugod daw siya sa hospital dahil sa labis na pagdurugo sa ilong niya. I don't know why? She looks healthy. Nawala lamang ako ng isang buwan dahil sa business trip ay ganito na ang aabutan ko. She's sick. Nahihirapan akong makita siya na ganito. "Lord, why are you doing this to us?" impit na pagkausap ko sa Itaas. Olivia is the love of my life. Magpapakasal pa kami eh. Bubuo pa kami ng pamilya. But why? Why God do this to us? Bakit ngayon pa pagkatapos ko siyang ayain na magpakasal.She was diagnosed with acute leukemia. The only way to save her life is to have a bone marrow transplant. As soon as possible. But we can't find a match for her. Not even her mother nor her father is a match. Sinubukan ko na rin pero hindi kami magka-match. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nakausap ko na ang mga doctor. I am ready to spend millions just to make her alive. Save her. But he said she was
Michelle's POV"You may kiss the bride," masayang saad ng Judge pagkatapos naming pirmahan ni Lucas ang papel sa aming harapan..Nakangiti ako at maluha-luha nang marinig iyon. Sa wakas, ikinasal na ako sa taong minahal ko ng matagal na panahon. Nangniningning ang mga mata kong humarap sa lalaking pinakasalan ko. Pero mabilis na napawi ang ngiti sa mga labi ko nang magtagpo ang mga mata namin. Imbes na masaya ay ang galit ni Lucas ang nakikita ko sa mga mata niya. Nanlilisik iyon at napakadilim ng awra na nanggagaling sa kanya. Alam ko, galit na galit ang kalooban niya dahil ang kagustuhan ko ang nasunod."Are you happy now?" uyam na saad niya. Humakbang siya palapit sa akin. Nakakatakot ang ngiti niya sa mga labi. Parang may kung anong nakatago roon. Sa likod ng ngiti na iyon ay matinding galit. "Maging masaya ka ngayon. But remember, dinala mo lang ang sarili mo sa impiyerno. Huwag na huwag ka sanang magsisisi sa pinili mo, Michelle. You can't blame me either if you live in sorrow!
Lucas POV"Robert, prepare the papers. And tell Miss Asuncion to come in my office," utos ko sa aking secretary. Agad naman siyang tumalima. Alam na niya ang ibig kong sabihin. Dinala niya ang envelope na galing sa attorney ko. Inilapag niya iyon sa harap ko. Pagkatapos ay nagpaalam siyang bababa na para tawagin si Michelle. Nabalitaan kong nakabalik na ang babae after the procedure ng pagdo-donate niya sa kanyang bone marrow. The doctor suggested doing it in a private setting, kaya, I did arrange a clinic for all of them to stay. It took only hours to do it. But I am kind enough to give Michelle a whole week of break just to recuperate. Kung sobrang sama kong tao, baka hinayaan ko na lang siya. But I am not, isa pa, iniisip kong baka kailangan pa siya ni Olivia. They are a match. Hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng ka-match ni Olivia kapag nagkataon.Dahil hindi gusto ni Michelle na malaman ng pamilya niya na siya ang donor ay in-arrange ko ang lahat. Kaming dalawa lamang at
Michelle's POVSign or leave it...Iyon lamang ba talaga ang choices na maari kong pagpilian? Either sa dalawa ay wala akong gustong gawin. Hindi ko rin pakikinabangan. Ako pa rin ang talo. Hindi ko gustong idiborsyo agad ako ni Lucas. Dahil alam ko, babalik siya agad kay Olivia kapag nagkataon na pinagbigyan ko siya. "Three years! Iyan lang ang maibibjmigay ko para sa atin bilang kasal..." muling umalingawngaw sa pandinig ko ang boses ni Lucas.Pinigilan ko ang mga luha ko habang nakatitig sa dokumento. Pilit kong inaalisa ang bawat nilalaman niyon. Pero hindi agad napoproseso sa utak ko ang lahat."Sign it!" muling utos niya. Nagulat ako nang may ballpen na nakalahad sa harapan ko. Tumingala ako at nakasalubong ng mga mata ko ang mga mata ni Lucas na siyang nag-aabot sa akin ng ballpen na iyon. "I...I have one condition," nagawa kong sabihin. Sa nilalaman ng dokumento ay talong talo ako. Kaya hindi ko hahayaang mabalewala lang lahat ng ginawa ko. I will not give up so easily. I wi
Lucas Point of View Matalim ang titig ko habang nakatingin kay Michelle. Hindi ko itinuloy na magpahatid sa bahay dahil hindi ako mapakaling maghintay lamang na mahanap siya. Hindi na makapaghintay ang galit ko! Hindi na ako makapagtimpi pa na sumbatan siya! Why she chose to hurt Olivia kung napakalinaw ng usapan namin na hindi dapat malaman ng iba ang ugnayan namin!"Get her!" utos ko kay Robert nang tumigil ang sasakyan sa harap niya. Buti naman at pagod na itong magtago. Ilang oras din ang ginugol namin para mahanap siya. Lalo lamang lumalaki ang galit ko dahil nagawa pa niya talagang taguan ako. She's not even picking up my call!"Kung papatayin ninyo ako at kukunin ang lamang loob ko. Please lang, unahin ninyo ang puso ko!" Anong pinagsasabi niya? Natawa ako. Taking her heart? At sinong magkakagusto sa puso niyang mas maitim pa sa halang ang kaluluwa. Even she offered her heart to me, hinding hindi ko iyon tatanggapin.Habang pinapanood ko ang paglapit ni Robert ay mataman kong
Michelle's Point of View Hindi ko alam kung ilang oras akong nakadukdok at nakaupo sa waiting shed. Basta ang alam ko, tumila na ang ulan, natuyo na ang basa kong damit. Patay na ang cellphone ko dahil hindi naman iyon na-charge noong pinalayas ako. Pero kahit na marami ang nangyari, heto ako, mag-isa pa rin sa madilim na lugar na ito. Hindi man lamang ako naisipang hanapin ni Papa. Batid kong alam na niya na wala ako sa bahay, pero hindi man lamang niya ako nagawang hanapin bilang isa rin naman ako sa anak niya. Hindi man lamang siya nag-alalala na baka may mangyaring masama sa akin. Wala na ba talaga akong halaga sa kanya? Napapatanong tuloy ako kung may halaga pa ba ang buhay ko? Buhay nga ako pero parang patay na rin naman dahil wala ng dahilan pa para magpatuloy ako. I was alone and lonely all the time. Mapait akong napangiti. Napabuga ako ng hangin at pinilit iwaglit sa isip ang negatibong isipin na kumakain sa sistema ko. Ayaw kong magpatalo sa demonyo sa isipan ko. No..
Lucas Point of View 'Huwag ka ng umasa, Michelle. He doesn't care at all. Mag-isa ka nalang talaga...walang sinoman ang mag-aalala sa iyo kahit mamatay ka pa'I was taken aback from what I've heard. Nailayo ko pa ang telepono sa aking teynga. Napatitig doon ng ilang saglit. Nang muli kong ilagay sa teynga ko iyon ay iyak na niya ang tanging naririnig ko.Napalunok ako. I want to put it down o patayin ang tawag but my phone was glued to my ears. I can't...put it down. "Ma...kunin mo na lang po ako..."It's not clear but I know I heard it correctly. She's sobbing nonstop. Like she's pleading for her life to be taken.Napatingin ako sa labas ng bintana. It's pouring. Nagsisimula na rin kumulog at kumidlat.Muli kong pinakinggan ang tawag na iyon ni Michelle. She still crying pero may iba pang tunog sa paligid niya. Until I heard a bang. Nailayo ko agad ang telepono sa teynga ko dahil masakit pakinggan iyon. Is that thunder? O nahulog nito ang telepono? Namatay na rin kasi ang tawag ni
Michelle's Point of ViewTrigger warning ⚠️ ⚠️ "Ma, akin na iyan," pakiusap ko. Pinilit ko ulit abutin iyon mula sa kamay niya pero napatigil ako sa nanlilisk na mga mata niya nang balingan ako. "Desperada ka talaga ano, Michelle! Malandi!" Sinampal ako ni Mama. At hindi lang basta sampal iyon. Sumugat ang kuko niya sa mukha ko. Napasapo ako sa mukha ko dahil ramdam ko ang hapdi doon. Napatingin pa ako sa kamay ko dahil dumugo iyon."Marriage certificate!? At talaga pang nagawa mong ilagay ang pangalan dito ni Lucas ano! Desperada ka talaga! Mamemeke ka na nga lang, si Lucas pa!" Hindi niya iyon pinaniwalaan dahil tingin niya sa akin ay sinungaling. Desperada. "Sinasabi ko na nga ba eh! Iyang paglapit-lapit mo pa lamang kay Lucas ay halata na nilalandi mo siya! Gusto mo pa talagang agawin siya sa kapatid mo ano?!"Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasagot. Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko. Anong dapat kong sabihin? "Ma, sandali!"Nang gustong punitin ni Mama iyon ay pinigi
Michelle's Point of View Huminga ako nang malalim habang papasok sa bahay. Alam kong ano mang oras ay makakasalubong o magkikita kami ni Mama. Inihanda ko na ang sarili ko para doon. Kahit na dinadagundong ako ng matinding kaba. Of course, nakakaramdam din ako ng takot. Hindi sa lahat ng oras ay matapang ako...O should I say, nagtatatapang-tapangan lamang ako. Dahil ang totoo, isa akong duwag. Ni hindi ko nga maipaglaban ng harapan ang pag-ibig ko kay Lucas. Nakuha ko siya sa paraang kinamumuhian niya.Muli akong bumuga ng hangin. "All is well. All is well," pagpapakalma ko sa aking sarili. Kailangan kong magmukhang matapang na muli. Sa harapan ni Mama. Sa harapan ni Olivia. Pero pagkapasok ko, hindi si Mama ang nabungaran ko sa sala. Mas kinabahan ako nang makita kong nakatayo roon si Nanay Susan. Umiiyak siya at sa tabi niya ay may dalawang maleta.Kinabahan ako kasabay ng umusbong na galit sa aking sistema. Inaasahan ko naman na na tatanggalin na rin si Nanay Susan, but not th
Michelle's Point of View "Michelle, puwede bang gawin mo ito.""Michelle, tapos na ba ang pinagawa ko sa iyo nung Friday?""Michelle, iyong balance sheet tapos na ba?"Peke ang ngiting ipinakita ko sa mga kasamahan ko nang magsilapit sila at kung ano-anong mga tinatanong. Nagawa ko naman ang mga iyon pero parang wala ako sa mood na sagutin ang mga tinatanong nila. Relocation? Muling pumasok sa isip ko iyon. Maganda sanang tanggapin iyon kung ganito rin lang naman ang mga kasama ko sa trabaho. Pero wala akong magawa. Ako ang bago kaya ako ang tagasalo ng ibang gawain nila. Ako naman, dahil gustong manatili sa trabaho at para magustuhan ako ay sunod lang ako ng sunod sa kanila.Kung sa iba siguro ay nakipag-away na ako. Sa dati kong mga trabaho ay hindi ko hinahayaang tapakan nila ako. Lumalaban talaga ako kaya nga kung hindi nasisisante ay umaalis na lang ako. Hindi naman ako mahirap pakibagayan. Friendly ako at maasahan. Pero hindi ko gusto na sinasamantala ako. This time, nagtii
Michelle Point of ViewHalos hindi ako lumalabas sa aking kuwarto. Kapag naroon sila mama ay nanatili lamang ako roon. Ngayong umaga nga ay maaga akong umalis dahil alam kong tulog pa sila. Hindi na rin ako nag-umagahan para makaiwas. Hindi dahil ma-pride ako kundi, dahil iniiwasan kong mas lumala ang sitwasyon namin ni Mama. Hindi naman siya makikinig kahit anong paliwanag ko. Our situation will only escalate into a worse scenario. Sa akin pa rin ang sisi at ako pa rin ang mali. She will hit me again. Kilala ko na si Mama kapag nagagalit sa akin. Hindi naman ako makapagsumbong kay papa dahil lagi itong wala at hindi rin naman ako ang kakampihan niya. I need to protect myself, dahil walang gagawa noon para sa akin kundi ako lamang. Sobrang aga ko nang makarating sa trabaho. Pero hindi ko akalain na sa paghihintay ng elevator ay mas may maaga pa sa akin. At hindi lang basta basta ibang tap iyon. It was Lucas and his assistant. Para makaiwas ay agad akong tumalikod pero huli na dahil n
LUCAS Point of ViewNagulat ako sa ginawa ni Ginang Asuncion. I was about to stop her when Olivia went to her mother and stopped her by herself. Niyakap niya ito para hindi na magawang sugurin si Michelle. Napatingin pa ito sa akin na tila nahihiya.I stepped down from where I was when Michelle looked at me with her angry eyes. Nanlilisik ang mga mata niyang sumulyap bago ibaling sa kanyang ina ang atensiyon."Saan ka galing? Wala ka na talagang ginawang tama, Michelle!" sigaw ng kanyang ina sabay duro sa kanya. Nanatiling hindi nagsasalita si Michelle."Ma, stop it! Nakakahiya kay Luke," pigil naman ni Olivia sa kanyang ina. Hinawakan nito ang kamay na dumuduro kay Michelle para ibaba. "Please..."Nanatiling hindi umiimik si Michelle as I watched her closely. But she didn't back down. Nagawa pa nga niyang ngumisi, nanunuya iyon. "Tapos na ba? Puwede na ba akong umalis para makapagpahinga?" sabi niyang wala man lamang respeto sa kanyang ina. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sina
Michelle's POV"Okay ka ba, Chelle?" tanong sa akin ni Sonia. Naabutan niya ako sa locker na nagbibihis na. Panaka-nakang ninanakawan ang ng sulyap. Alam kong nagtataka siya dahil basa ang aking buhok. Buti na lang at may shower room doon kaya bago umuwi ay nalinisan ko na ang sarili ko. Binalingan ko siya na nakangiti. "Oo naman. Okay lang ako," sagot ko. Kinuha na ang bag ko sa locker. "Mauna na ako," sabi ko. Humalik muna ako sa pisngi niya bago tuluyang umalis. Hindi ko na rin sinabing huling shift ko na iyon at hindi na rin nagpaalam pa sa iba. Alam ko rin naman na kinabukasan lang ay laman na ko ng usapan nila. May pakpak ang balita. Malalaman din nila kahit hindi ako magsalita.Dahil Sabado na ay minabuti kong hindi na lamang umuwi agad. Hindi din naman ako hahanapin sa bahay. At hindi naman magsasalita si Olivia na umalis ako. Ilang beses na niya akong nahuli pero hanggang ngayon ay wala naman sinasabi sila mama at papa sa akin. "Manang Bebang, pabili po ako ng Lomi. Iyong