Share

Chapter 3

Author: Bratinela17
last update Huling Na-update: 2022-10-05 02:06:41

One week later..

Nang makalabas ang mag-ina ko sa ospital. Medyo naninibago ako sa kinikilos ng asawa ko, simula ng magka usap sila ni tita Marga, lagi na lang siyang galit. Hindi ko alam bakit nga ba siya nagkakaganyan, kapag tatanungin ko naman ito laging pagod lang raw siya. Kung minsan halos hindi na rin kami nakakapag usap ng maayos. Katulad ngayon tinatanong ko lang naman siya kung kumain na, bigla na lang nagalit.

"Hon, kumain ka na ba?" tanong ko habang nilalapag ang sumbrero na sinusuot ko kapag nasa bukid ako.

"Hmmm! Ano sa tingin mo, mukha ba akong kumain na? Tingan mo nga kung may naka hain sa lamesa?" pag susungit nito.

"Pasensya na.." nakayukong sagot ko. Nakalimutan ko na ubos na pala ang bigas namin at huling takal na lang ang na isaing ko kanina.

"Pasensya, puro na lang pasensya! Ilang taon na akong nagtitiis sayo. Hindi ganitong klaseng buhay ang gusto ko. Ano ba naman MC," sigaw ng asawa kong si Tamara. Miski naman ako, ayoko ng ganitong buhay, pero anong magagawa ko.

Tumayo na ito at iniwan na lang ako basta sa lamesa. Pabagsak nitong binagsaka ang pintuan ng kwarto naming nang pumasok ito sa loob. Nang sundan ko siya hindi ako nakapasok sa loob, sapagkat naka lock na rin ito. Wala na akong nagawa kundi mag hintay sa pag labas niya. Ayoko naman na mag-away pa kaming lalo.

Lumabas na lang ako ng bahay at pumunta sa tindahan ni Aling Susan para mangutang muna ng bigas na isasaing ko. Ganito kahirap ang buhay na meron kami, malayong malayo sa pinangarap ko para sa asawa ko. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung nagagalit siya sa'akin ng ganito.

Pag balik ko ng bahay nandito na ang pinsan nito.

"Anong ibig sabihin nito Hon?" tanong ko.

"Doon muna ako sa Palasyo, may sakit ang abuela at hinahanap ako. Kung gusto mong sumunod, sumunod ka na lang," matabang na pananalita nito.

Hindi na ako umimik pa hinayaan ko na lamang siya sa gusto niyang mangyari. Kung pipigilan ko siya mas mag-aaway lang kami, kaya hahayaan ko muna siya sa gusto niyang mangyari.

Bakit pakiramdam ko nag-iba ang pakikitungo ng asawa ko sa'akin buhat nang na ospital ito at naka uwe ng bahay. Hindi ko rin alam kung anong napag usapan nila nang Tita Marga niya at ano ang sinabi nito para tumabang ang pakikitungo ng asawa ko sa'akin nang minsan nakita ko silang nag-uusap. Ayokong mag-isip pa, sana mali ang naiisip ko.

Nang makarating nang Palasyo si Tamara, sinalubong siya kaagad ng kaniyang abuela.

"Abuela, akala ko po ba ay masakit ka?" tanong ko rito.

"Huh? Hija es el único búfalo viejo. (Kalabaw lang ang natanda hija)." nagawang biro pa ng kaniyang abuela.

Kung walang sakit ang kaniyang abuela tila niloko siya ng tita Marga niya.

"Abuela, si Tita Marga po?" tanong ko. Pero bago pa makapag salita ito, lumapit na ang walang hiya kung Tita.

"Oh! Hija, naparito ka ano ang iyong sadya? Nabagot ka na ba sa buhay mong isang kahig at isang tuka." natatawang wika nito.

"Nuestra vida es dura, pero no utilizaremos a las personas. (Mahirap man ang buhay namin, pero hindi kami mang gagamit ng tao)." inis na wika ko. Bastos rin naman ang ugali niya kaya hindi siya karapat dapat sa respeto ko.

"Anong sinabi mo? Minumura mo ba ako? Mama!" sigaw nitong tawag sa abuela ko. Hindi na nahiya talaga. Ang kapal!

"Anong sinabi ng magaling mong apo, Mama?" tanong niyang ulit. Nakalinutan kung mangmang nga pala ang Tita ko sa dialect naming mga aristokrata.

"Maganda ka raw." sagot ni abuela. Ako naman ay lihim na natawa. Mabuti na lang talaga hindi ako binuko nito, kundi tiyak uusok na naman ang ilong ni Tita Marga.

"Mabuti naman hija. Matagal ko nang alam na maganda ako." nakangiting peke nito. Ngiting aso, toxic naman sa isip ko.

"Mauna na ako Mama at hija." sambit niya.

"Es bueno que hayas pensado en irte. He estado irritado contigo desde hace un tiempo. (Mabuti naman naisipan mong umalis na. Kanina pa ako naiirita sayo)." pahabol na sambit ko. Na ikina tawa nang Abuela ko.

"Ang pilya mo talaga, sige ka baka bumalik ang witch!" natatawang biro nito.

"Abuela, salamat. Miss na miss na kita. Alam niyo naman kayo lang ang nakaka unawa sa'akin." paglalambing ko rito.

"Miss ba miss na rin kita apo. Sana nga dito na lang kayo tumira ng asawa mo. Kung ako lang ang masusunod mas gusto kong narito ka at kasama ko. Pero, ikaw naman ang may hawak nang buhay at desisyon mo." ani nito.

"Salamat po, abuela. Hayaan niyo po kapag makumbinsi ko ang asawa ko. Kaso nga lang ayaw naman nila sa asawa ko, bakit po kaya ganoon ang buhay kapag mahirap ka inaalipusta ka na lang ng tao. Hindi talaga pantay ang trato ng lipunan sa Elite at low class." tanong ko sa abuela ko. Marahil dama rin nito ang nararamdaman ko.

"Hihintayin ko ang pag babalik mo hija, hwag muna lang isipin ang tita Marga mo, ma stressed ka lang sa'kaniya. Hindi ko naman siya mapalayas, dahil asawa siya ng namayapa kung anak at kawawa naman ang mga apo ko kung sa labas sila nang Palasyo titira. Kaya bago ka manganak sana bumalik na kayo rito." request nito, ngunit tulad ng sinabi ni abuela, ako naman ang mag dedesisyon kung anong gagawin ko sa buhay ko.

I always choose my husband. I've never replaced it, in material things no matter what. I love him as much as he loves me. Siya lang ang nag mahal at tumanggap sa'akin ng tapat at totoo. Kahit na akala nito ay magka pantay lamang kami. Matyaga niya akong niligawan, hanggang sa mapasagot niya ako sa effort niya.

"Abuela, mauuna na pala ako. Kailangan ko nang bumalik ng bahay. Mag-iingat po kayo lagi." bilin ko habang niyayakap ko siya.

Matapos kung makapag paalam kay abuela, lumabas na ako ng Palasyo. Pinilit akong ihatid nang driver namin, ayoko nga sana dahil walang may alam sa kapit bahay ko na apo ako ng Queen Eliza Wilson. Tinago namin sa lahat ang buhay na meron ako noon. Walang nakaka alam maliban sa mga naging closefriend ko noon..

Kaugnay na kabanata

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 4

    Nang makabalik ako ng bahay lahat ng mga Maritess na kapit bahay ko ay nagulat nang bumaba ako sa sasakyan. Hindi na ako nag abalang makipag usap sa'kanila, dahil ang mahalaga ay makapag usap kami ng asawa ko. Batid kung nasaktan ko ito kanina, ginawa ko lang naman yon para hindi niya ako pigilan na dumalaw sa abuela ko. "Hon, nandito na ako," malakas na sigaw ko para matawag ko ang pansin niya kung saan man siya naroroon. Ngunit naka ilang tawag na ako, wala man lang ni isang sagot ito. Saan na naman kaya siya nag punta, hwag niyang sabihin nasa bukid na naman siya. Haixt! Pag silip ko nang lamesa may mga nakahanda nang pagkain. Linatakan ko ito kaagad hanggang sa mabusog ako, hinintay kung makabalik ang asawa ko ngunit pasado alas otso na nang gabi walang MC ang dumating. Nagtatampo pa rin ba ang asawa ko sa'akin? mga katanungang bumabagabag sa isipan ni Tamara.Hanggang sa naka received siya ng tawag na nasa ospital raw ang asawa niya at nabugbog ito. Nagmamadali siyang pumunta n

    Huling Na-update : 2022-10-09
  • MC's Desirable Revenge   Chapter 5

    Five years Later..Balik Pilipinas na si Tamara. Dala-dala niya ang anak nilang si Mac Tyron, nasa six-years old na ito. Ayaw sana ni Tamara bumalik nang Pilipinas ngunit no choice siya at walang mag-mamanage ng business nila, lalo namatay rin ang abuela niya nang maoperahan ito sa stage 4 cancer niya. Hindi rin nag tagal binawian na ito ng buhay. Kailangan raw niya kasing i-meet ang business partner nilang si Mr. MCB. Masyadong misteryoso ang lalaking 'yon. Kahit magpa interview nga ay ayaw at kung pag bibigyan man niya ang press lagi itong naka maskara. Minsan nga naiisip nang lahat pangit o sunog ang mukha nang isa sa bilyonaryo sa bansa. Kabilang ito sa Royal Club Clan. Mga alta socialidad lang ang nakakapasok sa Clan na yon. Kaya alam niyang may sinabi ang lalaki. Mainam na rin yon kung mag memerged ang company ng Mr. MCB na 'yon sa company nila na palugi na, dahil na rin sa kabalustugang ginagawa ng tita Marga niya. Kailangan niyang ibangon ang nalugmok nilang business. Kaya h

    Huling Na-update : 2022-10-09
  • MC's Desirable Revenge   Chapter 6

    Nagtatakbo ako sa pagkakapahiya. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko. Para akong babaeng pakawala ng oras na 'yon. Muntik na akong bumigay. My! Gosh!!! "Tamara, wake up! MC was change." paulit ulit kong tinatatak sa isipan ko para hindi na ako masaktan. Sa nangyari kitang kita naman na wala na siyang pagmamahal na natitira para sa akin. Ibang iba na ang dating asawa. Hindi na siya ang MC na minahal ko. Ang MC na nasa harapan ko kanina ay demon*o na. Sabagay, hindi ko naman ito masisisi, sapagkat iniwan ko siya ng walang paalam. Kahit sino naman kung ganon ang ginawa kamumuhian talaga. Pero, ginawa ko ang lahat ng 'yon para sa'kaniya. Para mabuhay siya at kahit masakit nag tiis ako, pero heto lang pala ang matatanggap ko. Sana, sana hindi na lang ako umalis. Haixt!At kahit makailang ulit akong magsisi. But it's too late, sapagkat hindi ko na mababago pa ang lahat. Galit na siya sa'kin at dahil sa galit na 'yun kinamumuhian niya na ako. Hindi ko namalayang unti-unti nang pumapatak ang mga l

    Huling Na-update : 2023-02-04
  • MC's Desirable Revenge   Chapter 7

    Nang makatakas ako sa Nurse kaagad akong lumabas ng kwarto. Mabuti na lang nakapag palit na ako ng damit sa loob ng comfort room. Hindi ko na rin alintana pa kong may maka kita sa akin ang mahalaga sa akin ang anak ko. Hindi ako pwedeng magtagal sa ospital at kawawa ang anak ko. Malalaki ang naging hakbang ko sa paglalakad para lang makalabas ng ospital. Mabilis akong nag para ng taxi at nang tumigil ito sa harapan ko kaagad akong sumakay dito."Manong, tara na po." utos ko. "Saan nga ba tayo tutungo, hija?" tanong nito."Sa Cawayan Ville po." sagoy ko. Medyo tatlong oras ang layo nito sa ospital, pero okay lang basta maka alis lang ako dito at ayoko ng maabutan si MC at naiinis ako rito. Napaka wala niyang kwentang tao, ganid at sakim na sa kapangyarihan. Iba talaga ang nagagawa ng pera sa tao, nagiging masama at tumataas ang tingin sa sarili. Pero, hindi kailanman magiging mataas ang tingin ko dito, kundi isa pa ring mababang uri ng tao sa lipunan. I hate him for making me feel this

    Huling Na-update : 2023-03-06
  • MC's Desirable Revenge    Chapter 8- (Part 1)

    Lingid sa kaalaman ni Tamara, ay may planong hindi niya magugustuhan si MC. He wanted Tamara's life living in hell day by day hanggang sa sumuko na lang ito at iwan ulit siya, tutal doon naman siya magaling ang mang-iwan. Ringing... "Yes, sir. MC, ano pong ipag uutos niyo at napatawag kayo ngayong gabi na." "Wala naman, gusto ko lang i-check kong okay na ang meeting scheduled namin ni Miss. Wilson at kong pwede paki remind siya na agahan at marami kaming pag-uusapan nito." "Okay po sir. I will tell her after this call. Do you need anything sir?" tanong ng secretary kong si Midgette. "Nothing. Thank you." wika ko sabay ngiti ng malamang magkikita na naman kami ng ex-wife ko. "Okay. I'll end this call sir." wika ni Midgette na nagpaalam na sakabilang linya. After the call napapangiti naman siya sa mga plano niyang gagawin sa dating asawa na kinamumuhian niya ng labis. Maya maya lang naririnig niya na ang pagkatok nito sa labas. Kaya binitiwan niya muna ang wine glass na hawak ni

    Huling Na-update : 2023-04-11
  • MC's Desirable Revenge   Chapter 8- (Part 2)

    "Where do you think you are going Miss. Wilson, I haven't done yet to talk to you so, stay." mariing utos nito na binigyan ako ng matalim na tingin. Hindi ko matagalan ang pinukol niyang matalim na tingin sa akin. Naawa ako sa sarili ko, dahil pakiramdam ko ang tanga-tanga ko para kausapin pa siya. Wala siyang alam sa mga nagawa ko kaya ganyan na lang katindi ang galit niya sa akin. Anyway, wala na rin naman akong paki alam pa, hindi na mahalaga ang nakaraan. Ang tanging mahalaga sa akin na hindi niya malaman na anak niya si Mac Tyron. Natigil ang pag-iisip ko nang bigla itong nag snap sa harapan ko."What are you thinking Miss. Wilson? I think you are not focused on your business proposal. Maybe, I can think of it once you've done your revision." mariing wika nito na ayaw alisin ang tingin sa akin. Sobrang na-a-awkward-an ako sa mga tinginan niya, bakit pakiramdam ko na nakikilala niya ako. Pero, ayon naman sa lahat ng employees na comatose raw ito at pagkagising ay wala ng maalala s

    Huling Na-update : 2023-04-12
  • MC's Desirable Revenge   Chapter 9- (Part 1)

    One week Later... Buhat ng nang galing ako sa ospital at hanggang ngayon pala isipan pa rin sa akin kong sino ang tumulong sa akin na madala sa ospital. Kahit medyo inis pa akong makita ang dati kong asawa ay wala akong magawa kundi harapin ito at pakisamahan, dahil nakasalalay lang naman dito ang pag bangon ng kumpanya namin na pinalubog ng walang hiya kong Tita Marga, siya talaga ang puno't dulo ng lahat ng kamalasan ng buhay ko. Ngayong palubog na ako ang pinapahirapan niya, samantalang noong sagana pa sa pera walang tigil ang pag waldas na hindi iniisip ang kinabukasan. Kong makapag mata ng tao akala mo legit na Wilson, sampid lang naman sa angkan namin. Hindi ko alam paano ko ba haharapin si MC ngayon. Nag apply lang ako ng light make-up dito sa comfort room. Nag-aaus na ako ng natigilan ako. "Bakit ba ako nag-aayos, e' lalaitin lang naman ako ng taong 'yon." usal ko. Kaya tinigil ko na ang pagme make-up at itinago sa loob ng pouch ko. Inayos ko na lang ang blouse ko, bago ako

    Huling Na-update : 2023-04-13
  • MC's Desirable Revenge   Chapter 9- (Part 2)

    "Hindi mo ko kailangan alipustahin. Kong galit ka magsabi ka. Kilala na kita kaya hwag mo ng itago. " singhal ni Tamara. Sobra na kasi ang ginagawa ng dating asawa sakaniya para pasakitan siya. Wala naman siyang kasalanan dito ng sobra para ganiyanin siya nito."What are you talking about. And wait baka nakakalimutan mong kailangan mo ako para maisalba ang palugi niyong kumpanya Miss. Wilson. Hindi ako tanga alam ko ang tunay na pakay mo. Kaya hwag mo ng balakin na gaguhin ako kasi hindi mo rin magugustuhan ang mga kaya kong gawin." banta nito."Go ahead. Akala mo ba natatakot ako sayo. Pwes nagkakamali ka. "Talaga ba, bakit nangangatog yang tuhod mo ngayon." Pinakiramdaman ko ang sarili ko medyo tama nga siya, pero hindi ako pwedeng magpatalo sa kaniya. "Tapos ka na? Pwede na akong umalis at siya nga pala hindi na ako iteresado maghahanap na lang ako ng ibang kumpanya. Bye!!" pang-aasar pa nito sa kaniya. Kaya lalong uminit ang ulo ni MC at nahaklit ang kamay nito. Hindi niya inte

    Huling Na-update : 2023-04-16

Pinakabagong kabanata

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 21

    Samantalang sa loob naman ng emergency room himalang nagkamalay ang kanilang anak. Akala ni Tamara ay mawawala na ang kanyang pinakamamahal na anak. Nang sabihin ng doktor sa kanya na may heartbeat na ulit ang anak niya nakahinga siya ng maluwag kahit kaunti lamang. Katatapos lang rin niyang kumain at medyo inaantok na rin siya. Sa sobrang antok niya ay hindi niya namalayan ang sarili na nakatulog na pala siya. Nagising siya na parang may humahaplos sa kanyang ulunan hindi niya alam kung nanaginip nga ba siya o hindi. Nag unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata nakita niya ang kanyang anak na si Tyron. "A-anak! Gising ka na?" tanong niya sa pag-aakalang nanaginip lamang siya. "M-Mommy! O-Opo!!" nauutal na sagot nito sa kanya. Hindi man lang naisip ni Tyron na kahit hirap mag salita ay nagawa pa rin niya. "Salamat sa Diyos, gising ka na anak. Pinag alala mo ng sobra ang Mommy. Saglit lang at tatawag ako ng doctor." Ani niya. Ngunit ng tatayo na siya agad nitong hinaw

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 20

    Nabulabog ang Emergency room ng biglang tumigil ang paghinga ni Tyron. "Code blue! Code blue." wika ng doctor at sinimulan ng irevived ang bata. Paulit ulit ginagawa ng doctor at inoorasan ang bata. ilang segundo na nilang ginagawang isalba ang bata kaso wala man lang kitang nakikita indikasyon na buhay pa ito. Hanggang sa hindi tinigilan ng doctor na magkaroon ito ng hininga. "Oxygen!" utos ng doctor. Napalitan na ng bagong tangke ng oxygen. Samantalang nagugulat ang dalawa sa labas ng makitang maraming Nurses ang pumasok sa emergency. At nang silipin ni Tamara kung anong nangyayari halos gumuho ang mundo niya ng makitang sinasalba ang kanyang anak. "No! It can't be, huhuhu. Tyron, anak." palahaw na iyak niya mula sa labas ng emergency room.. Habang pinapakalma siya ni MC. "Let's do their job! We will wait here." aniya. "Ayokong tumanga dito na walang ginagawa para sa anak ko." bulyaw niya rito. "Alam mo kung wala kang sasabihin, umalis ka na lang! Hindi kita kailangan dito." sig

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 19

    At Benitez Mansion Saktong kakauwi lamang niya at pagod na sumalampak sa kama ng kanyang kwarto. Wala siya sa mood makipag usap na kahit kanino at sobra siyang natakot sa nangyari kanina lang. Hindi niya akalaing makikita niya sa ganong kalagayang ang kanyang anak. Sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang mga dugo na nagkalat sa sahig at kumapit sa kanyang balat. Habang naghihintay siya ng tawag ni Tamara kung ipapaalam ba nito sa kanya ang nangyari sa kanikang anak, ngunit inabot na siya ng alas dos ng madaling araw kakahintay ng tawag nito pero, wala man lang. Ganon nga ba katindi ang galit jiti sa kanya at ayaw siyang bigyan ng karapatan para sa anak nila. Kasalanan rin naman kasi nito kung naging tapat lang sana ito sa kanya baka naging okay pa sila. Kaso mas pinili nitong iwan siya at magpakasasa sa Barcelona. Ayon ang matinding ikinagagalit niya na habang siya ay nag aagaw buhay nagawa nitong tikisin siya na iwan at magpakasaya sa malayo.Ipinikit na niya ang kanyang mga mata hang

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 18

    Kanina pa siya pabalik balik sa emergency room. Hindi niya malaman ang gagawin ng mga oras na 'yon para siyang pinagsakluban ng mundo. Wala pa ring tawag mula sa emergency room kaya naman hindi siya mapakali sa kan'yang kinauupuan paroon at parito siya. Hindi niya rin natatawagan pa si Tamara ang Mommy nito hindi niya kasi alam ang sasabihin niya. Kaya nagpunta muna siya sa information section at nakiusap na tawagan ang number nito. Hindi pwedeng makita siya nito roon kaya tiniyak niya na magtatago siya sa oras na dumating ito. Matapos niyang maibigay ang cellphone nito umalis na siya agad at bumalik sa emergency room para makibalita kaso wala pa rin. Kaya nilalamon na siya ng kaba at pagkabahala. Pagod na rin siya kakaisip ng posibleng mangyari. Habang naghahanap naman si Tamara at nababaliw na nga kung saan niya hahanapin ang kan'yang nawawalang anak. At hindi talaga niya mapapatawad ang sarili niya kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa anak niya. Kasalanan niya kasi '

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 17

    "Mom, is this true??? Are you hiding something from me again? Kaya ba nagmamadali kang umalis ng bansa at bumalik ng Europa dahil alam mong nagkakalapit na kami ng biological father ko?" sunod sunod na tanong ng anak ko at wala akong maapuhap na sagot sa mga katanungan niya ngayon, miski ako ay nagulat ng malaman ni MC na may anak kami gayong hinarang ko naman ang naunang DNA test result niya. Pero, sadyang mautak siya at hindi na rin ako magtataka dahil hindi na siya ang dating MC na kilala at minahal ko. "Mom! Please answer me. I need to know the truth.." naiiyak na wika ng anak ko at sa mga oras na 'yon nanatili akong pipi at bingi sa harapan niya. Hindi ako pwedeng magsalita gayong mas lala ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa ng anak ko. "Tyron, son, go to your room and pack your things. Don't interrogate me now. We need to leave as early as we can." mariing utos ko. Tumingin lang sa akin ito sabay takbo. Mabuti naman naturuan ko ang anak ko noon pa man na makikinig pa

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 16

    "Hibang ka ba! Anong pinagsasabi mong our son. Hindi mo anak si Tyron." sagot ko. "Kahit anong sabihin mong hindi natin anak ang bata pero, dito sa puso ko alam na alam ko. At kahit ilang fake DNA TEST pa yang ibigay mo sa aking result hinding hindi ako maniniwala, Tamara. Pinaimbestigahan kita buntis ka ng umalis ka ng Pilipinas, so how come na sa ibang lalaki 'yon. Tell me straightforward anak ko ba si Tyron? Answer my question, Is he my son?? Tama ba ako sa nararamdaman kong lukso ng dugo. Sa unang beses na magtama ang mga mata naming dalawa. Alam ko sa sarili ko na anak ko siya kaya hindi mo pwedeng itago sa akin ang katotohanan. Ngayon pa lang umamin ka na, Tamara." paulit ulit niyang sinasabi at hindi ko alam kong magtatapat ba ako. Hanggang sa marinig ko ang boses ng anak kong si Tyron mula sa likuran. "Mom, is this true?? Mr. MC is my real dad? Answer me, Mom. I just want to know the truth. I won't be leaving if you don't tell me." sunod sunod na tanong ng anak ko sa akin. A

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 15

    Nagliligpit ng gamit si Tamara ng kanilang gamit ng kan'yang anak na si Drake ng lumapit ito."Mom, we're going to Europe??" tanong nito sa kan'ya."Yes anak, mamayang gabi na ang flight natin. Ready ka na ba anak?" tanong niya dito. Sabay iling nito naikinasalubong ng kilay niya. "Why son, are you not excited to be back home?" tanong niya ulit sa kan'yang anak."Not really Mom. What about Uncle MC? Hindi ba tayo magpapaalam sa kan'ya?" biglang tanong ng anak ko na ikinagulat ko. Hindi ko akalain na masasabi niya ito sa akin. "Son, hindi naman natin siya kamag-anak e, bakit tayo magpapa alam sa taong 'yon?" "Pero, hindi ba mabait naman siya Mommy. Kaya pwede tayong magpaalam po sa kan'ya Mommy." giit ng anak ko."Hindi na anak masyadong busy ang taong 'yon kaya hindi na natin siya dapat inaabala pa sa mga bagay na dapat ay para lang sa ating dalawa. Naiintindihan mo ba?" tanong ko dito. Tumango tango lang ito sabay lungkot ng kan'yang mukha at alam kong nalungkot ang anak ko sa sago

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 14

    Lingid sa kaalaman ni MC na tinawagan ng ospital si Tamara at ipinaalam dito ang mga plano niya. Kaya naman nakaisip agad ng plano si Tamara na ibahin ang result ng DNA. At hindi pa siya handa na malaman nito ang katotohanan. Sobrang takot kasi siya na baka agawin nito ang anak sa kan'ya at ilayo ayon ang hindi niya kakayanin. Lalo na siya ang nagpalaki at nagtaguyod sa anak ng mag-isa. Alam naman niyang kasalanan niya kong bakit sila nagkalayong mag-asawa, sa kagustuhan niyang mabuhay ito malaki ang naging sakripisyo niya para lang madugtungan ang buhay nito. At nag iwan pa siya ng malaking halaga para sa panimulang buhay nito na malayo siya. Kaso lahat ng 'yon ay hindi alam ng asawa niya pawang lihim lang lahat ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ng matanda. Inayos niya ang sarili para sa muli nilang pagkikita kaso useless na rin naman wala na siyang asawang babalikan pa. Nagising si MC na sobrang sakit ng ulo. Sobrang wasak siya nagdaang gabi, sapagkat hindi niya matanggap na hi

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 13

    Two days later ng sinadya kong sundan ang mag-ina. Hindi ko pa naman sigurado na anak ko talaga si Tyron pero, when it comes to leap of blood sabi nila ramdam na ramdam ko na din. Hindi lang talaga ako maka porma at galit sa akin ang Mommy Tamara niya. Siya pa 'tong galit sa akin. Ano bang ginawa ko, all my life I've been faithful and love her. Kahit inaalipusta na ako ng mga Wilson. I push through her since, I love her so much. Pero, hindi pala sapat ang pagmamahal ko para sa kan'ya at nagawa niya pa rin akong iwan.Itinigil ko na ang pagsesenti at wala naman akong mapapala pa dito, nangyari na ang lahat. Ang tanging hihintayin ko na lang ang DNA results na pinagawa ko at malakas ang kutob ko na ako ang Daddy ng bata. Habang naka upo ako sa swivel chair ko sa loob ng opisina ng magring ang cellphone ko. "Yes! Whose this?" tanong ko sa kabilang linya. "This is Nurse Carrie from St. Jude Hospital. This is Mr. MC Benitez?" tanong nito sa akin"Yah! It's me. What do you need for me?" m

DMCA.com Protection Status