"Sometimes, God sends an ex back into your life to see if you're still tanga!" pang-iinis sa akin ni Natasha habang nakatulala ako sa bintana.
Nasa harap ko siya habang isinusukat ang gown na gagamitin niya para sa kasal ni Kiz bukas. Isinukat ko na ang sa akin kanina, and it fits perfectly. Kaya may panahon na akong magmuni-muni ngayon habang abala pa ang iba.
Aligaga ang mga tao at robot sa loob ng bahay ng mapapangasawa ni Kiz. Maging si Tita Kezia, nanay ni Kiz, at Tita Tyrelle, nanay nina Natasha at Nowelle, na bestfriend ni Tita Kezia, ay hindi magkanda-ugaga sa gawain. Naisipan nilang dito sa Tuguegarao idaos ang kasal dahil dito nagkakilala sina Kiz at Jordan.
Their pre-nup video is captured in our University. Kasalukuyan itong ipine-play sa salas para sa final revisions, kumpulan ang mga editors sa isang malaking screen habang ang soon to be 'mag-asawa' ay nanood habang nakangiti. Parang ikinuwento kasi sa video kung paano sila nagkakilala, kung paan
Bago kami umuwi rito sa Pilipinas ay samu't-saring senaryo na ang naiisip ko. Ang inaasahan kong madadatnan ko ay ang masayang pamilya nina Harley at Angel. Kaya hindi ako makapag-isip ng mga salitang pwede kong sabihin para ipaalam na nagkaroon kami ng anak dahil ayaw kong magmukhang maninira ng buong pamilya. Harley's stare gives me chills. I don't know what he's up to. But I should care less, maybe I'm just romanticizing all his actions? But why? Argh! "Harley, go and get your son. Mag-uusap lang kami ni Zimry," utos niya sa anak. Napatayo tuloy ng tuwid si Harley at kumunot ang kaniyang noo. "Hindi ba't dapat kaming dalawa ang mag-uusap, Mom? Bakit kayo?" His brows furrowed. "Mamaya na kayo mag-usap, puntahan mo na muna si Rhy. May importante lang kaming pupuntahan, huwag kang mag-alala hindi kami lalayo, rito lang kami sa loob ng mansyon." Hindi na nito hinintay pa
"Go, friend! Magpaloko ka ulit. Push mo 'yan!" pang-aasar ni Lewisse. Punung-puno pa ang bibig nito ng pagkain. Inis ko siyang binalingan. Kung pwede lang talaga siyang masapak ngayon, kanina pa 'yan natamaan sa akin. Tsk! "What's your plano ba? Are you going to live with him ulit? Oh my gosh! So exciting!" isa pa 'to! "Mukhang napalapit na si Rhy kay Harley, 'tol.""Halos araw-araw hinihiram ni Harley si Rhy sa akin. Wala naman akong nagagawa dahil kapag nakita pa lang ni Rhy ang ama niya ay sigurado na siyang sasama siya kahit hindi pa ito nagpapaalam sa akin. Bago kami umuwi rito sa Pilipinas ay kinausap ko na siya na kahit kailan ay hindi na kami mabubuo, kaya siguro sinusulit nito ang araw niya rito kasama si Harley. Babalik na rin naman kami sa Canada pagkatapos ng isang buwan." Sumipsip ako sa aking orange juice at pinagdiskitahan ang menu sa gitna ng table. I want to eat sweets, I feel so stress since last week! I turned on the button to open t
"Oh, bakit bumalik ka?" "Why the hell are you crying?""Oh my gosh, Zimry! What happened?" Kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao ay wala na akong paki-alam. Hindi ko kayang pigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Muntik pa akong matumba kanina habang papunta rito, mabuti na lamang ay inalalayan ako ng isang robot guard. Pagkaupo ko ay agad akong yumuko at doon humagulgol ng tahimik. Hinahagod naman ng mga kaibigan ko ang aking likod. Napakahirap maging isang ina. Ayaw ko ng bumalik sa dating buhay kasama si Harley, pero kailangan kong isaalang-alang ang damdamin ng aking anak. Ang taas ng pangarap niya para sa aming tatlo na hindi ko kayang abutin. Though, Harley seems fine about it, hindi siya tumututol sa mga plano nilang lahat para sa amin. O baka naman iniisip lang niya si Rhy? How about me? Parang ako na ang nagmumukhang masama ngayon dahil hindi ko mapagbigyan ang sarili kong anak. Ang sa akin lang naman ay baka mas lalo siy
"Hmmm? Nothing. Ubusin mo na ‘yang pagkain mo, Rhy.” Kagat-labi itong umiling, kahit na anong pilit niyang itago ang mga ngiti niya ay halatang-halata naman.“Yes, Daddy!” masiglang sagot ng anak ko.Muling natahimik ang hapag at tanging tunog lamang ng kutsara at pinggan ang naririnig ko. I felt awkward, I don’t know why.Tapos na akong kumain pero hindi ko alam kung tatayo na ba ako at ililigpit ang aking pinagkainan o hihintayin sila. Malapit ng matapos si Rhy, kakaunti na lamang ang laman ng pinggan nito ngunit si Harley ay punung-puno pa ang kaniyang pinggan at dahan-dahan pa ito kung kumain. Mukhang sinasadya niya dahil hindi naman siya ganito kung kumain noon.Huminga ako ng malalim at nagpasya ng tumayo. Bahala siya riyan! I even heard his laugh when I finally stood up. Pinagtatawanan niya siguro ako kanina pa dahil mukha
Kusa siyang bumitaw sa pagkakayakap ngunit ganoon pa rin ang distansya namin sa isa’t-isa. Sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa ay naamoy ko ang mabangong hininga nito. Umatras ako at kunwaring umupo na lamang sa inupuan niya kanina. Hindi ko talaga kaya kapag ganoon kami kalapit, parang nanlalambot ang aking tuhod."What? I didn’t know, I’m sorry. How’s Angel? Is she okay?" tanong ko pagkaupo sa malaking bato. I tried to imagine Angel’s situation but I just can’t. Kung ako ang nasa sitwasyon niya ay hindi ko na alam kung saan patutungo ang buhay ko. She’s been through a lot! I hope, she’s okay now.“Uhh… she's..." kunot noo akong tumingala sa kaniya nang hindi niya matapos-tapos ang sasabihin. Malakas itong huminga ng malalim, ‘saka siya tumingala sa itaas."She’s already dead, almost five years ago. Just one month after her child died.”
"Zimry? The dinner is ready,""Papasok na ako sa loob kung hindi ka pa lalabas diyan."Narinig kong bumukas ang pintuan ngunit talagang hinihila pa ako ng antok. Hindi ko alam kung anong oras na, hindi na rin ako nakakain ng meryenda kanina."Sleepy head," bulong ni Harley. Nanatili akong nakapikit ngunit ramdam kong umupo siya sa gilid ng kama kung saan ako nakaharap.I can clearly smell his masculine scent. Parang bigla tuloy nagising ang aking diwa, ngunit hindi ko pa rin idinidilat ang aking mga mata.Hinawi nito ang mga buhok na nakakalat sa aking mukha. Natigil ang aking paghinga nang dumikit ang kamay niya sa aking pisngi, he's caressing my cheek."I miss you so much," mahinang saad nito."Baka mas lalo kang magalit pero f*ck! I'm sorry in advance," agad akong napadilat nang biglang nagdampi ang labi namin.His eyes are closed, 'tila ninanamnam ang aking labi. His lips started moving, at kahit wala talaga akong balak na
Sinundan ko siya ng tingin habang papunta ito sa aking kama. Prente siyang humiga at ginawang unan ang kaniyang braso.Tinaasan niya ako ng kilay nang makitang nakatitig ako sa kaniya. Tinapik nito ang pwesto sa kaniyang gilid, he wants me to sit beside him.Natatawa akong umiling sa kaniya at dederetso na sana sa banyo ngunit hinila niya ang aking kamay kaya hindi lang ako napaupo, napahiga pa ako mismo sa tabi niya."Tatakas ka pa kasi," saad niya at ipinulupot ang kaniyang kamay sa akin. He's hugging me from behind."Bakit ba kasi? I need to take a bath already. Rhy is waiting for us," palusot ko kahit alam kong mas gugustihin ni Rhy na matagal akong matapos para makapaglaro rin siya ng matagal. I know that kid, manang-mana sa ama!"Let's just cuddle for a minute, please? Hmmm..." tumayo lahat ng balahibo ko nang mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya mas lalo tuloy dumiin ang katawan namin sa isa't-isa. I can also feel his hard erect
Babe grinned and winked at me. Mas lalo tuloy humigpit ang hawak ni Harley sa kamay ko. Napataas ako ng kilay sa kaniya nang galit siyang bumaling sa akin. Umirap pa ito bago niya hinarangan ang tingin ko kay Babe. Tsk! Hindi ko alam kung matatawa ako sa ginagawa niya o maiinis. Para naman kasing bata kung umasta e. "Nakalimutan niyang isuot kanina. Hindi pa ba malinaw sa'yo na mag-asawa kami? Ayan, isa pang ebidensiya!" galit na itinuro nito si Rhy na nakapalumbaba lang sa mesa. Mukhang aliw na aliw sa pinapanood. "Is that so? Akala ko pa naman, hindi ka na babalik sa buhay nila. You know, Zimry is a wife material. She's my ideal girl. Sayang. Gusto ko ring tumayong ama ni Rhy, at ituring siyang tunay kong anak." Medyo slang na wika ni Babe. He's half canadian and half filipino. Ang kaniyang ama ang pilipino. But he got all his features from his mom, wala kang makikitang kahit na anong bahid ng pagka-pilipino sa itsura nito. Kaya inaral na lang niya ang wika
"Rhy, where's your freaking father?""Mommy, bumalik ka na sa opisina. Maiiinitan ka lang dito!""Tawagin mo ang bwisit mong ama!" nakapamaywang na ako sa harap nito. Habang ang anak ko nama'y namumula dahil sa pinaghalong inis at sa init ng araw."Bakit ako hinahanap ng asawa ko? Na-miss mo naman ako kaagad. Pa-kiss nga!""Lumayo ka nga! Ang baho mo, amoy araw ka!""Itong asawa ko talaga oh! Nasa bukid tayo, tirik na tirik ang araw. Magtaka ka kung amoy ulan ako.""Anong amoy ulan ang pinagsasabi mo riyan!" parang tanga talaga itong gagong 'to!"Hay! Humihina na ang kokote ng asawa ko.""Aba't! Walang hiya ka talaga!" hahampasin ko na sana siya ngunit may maliit na kamay na humawak sa aking paa."M-mommy! Momm-y!""Zenia! Ilang beses kong sinabi sa'yong huwag kang gumapang-gapang dito?" inis ko siyang binuhat at pinagpagan ang damit nito."Hmp!" pag-iinarte niya sabay irap sa akin."Nagtataray ang p
It's been three days when my friends return to their own places. Kami na lang ulit ni Rhy ang narito sa apartment.Kung noong nakaraan ay sobrang weird ng pakiramdam ko, ngayon naman ay mukhang si Rhy ang may kakaiba sa kaniya. Palagi siyang nagkukulong sa kuwarto at minsan ay nadadatnan kong may kausap.Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi dahil sobrang hina ng boses nito. Minsan naiisip kong baka may kalaro siyang multo rito. Tsk!That's why, I decided to go home already. Uuwi na kami sa bahay nina Mommy. Tutal mukhang wala namang paki-alam si Harley sa amin. Kahit minsan ay hindi man lang siya nagtangkang kausapin ako. Gabi-gabi akong umiiyak, I feel so worthless.Ngunit kung iisipin, baka nga mas lalo niyang ginusto ang desisyon ko dahil mahal na rin niya 'yong babaeng 'yon.I will just focus on my business from now on. I don't want him to enter my life again. I gave him a chance but he ruined it again. Wala talaga siyang kayang gawin kun'd
"Where's Mommy?" takhang tanong ko sa robot na nasa harapan ko ngayon.Inilapag niya ang bag na hawak, mukhang mga damit ni Rhy ang laman, at iniabot naman sa akin ang dalawang plastic na may lamang mga pagkain."Hindi ako pwedeng magsalita. Pasensya na po," sagot niya at mabilis na umalis sa harap ko. May pinindot siya sa kaniyang dibdib at bigla na lamang itong lumipad.Really, anong meron sa pamilya ko ngayon? They are so weird! Hindi ba dapat ay nag-aalala sila ngayon? Bakit parang wala lang sa kanila itong nangyayari?Padabog kong isinara ang pintuan sa sobrang inis na nararamdaman. Ngunit muling binuksan ang pintuan dahil nakalimutan kong kunin ang bag na puno ng damit ni Rhy."Mommy, lumabas po kayo? Sana ginising mo na lang po ako para may kasama ka?" Pupungas-pungas na tanong ni Rhy habang pababa ng hagdan."No, anak. Nagpautos lang ako kay Lola mo ng pagkain natin, at mga damit mo. Do you want to change your clothes?" tanong ko sa
"Mommy, what are you doing?" gulat na tanong ni Rhy habang nakakapit ng mahigpit sa kaniyang upuan.Mabilis ko kasing iniliko ang sasakyan pabalik sa Tuguegarao. I changed my mind."We are not going to Tita Dan and Tita Natasha's house anymore. Let's just stay in our apartment for a while," sagot ko, abala pa rin sa pagmamaniobra ng sasakyan."Hmmm? Okay," nagtatakang saad nito ngunit hindi naman na niya pinahaba pa ang usapan.Nang maayos na ang takbo ng sasakyan ay kinuha ko ang aking cellphone at muling tinawagan ang aking pinsan."Hello? Where are you na?" bungad ni Natasha sa kabilang linya."Hindi na pala kami tutuloy riyan. We're not going to Manila anymore. Doon na lang muna kami sa apartment tutuloy pansamantala." Narinig ko ang boses ni Dan sa background, mukhang maraming tanong kay Natasha."Ha? Why are going to stay in our apartment? I thought, magbabakasyon lang kayo ni Rhy here. But... did Harley pinalayas you!? Did you
"Ano na naman ba ang nangyari?" naguguluhang tanong sa akin ni Mommy."Anong pinagsasabi mong hindi na matutuloy ang kasal? Hoy, Zimry! Nagpagawa na ako ng damit ko!" singit naman ni Tita Hera, nagdadabog pa ito habang inaayos ang mga dalang pagkain."Nag-away ba kayo?" muling tanong ni Mommy. Tita Hera gave her a sarcastic smile."Malamang, bakit makikipaghiwalay kung hindi naman pala nag-away? Ano, tinopak lang 'yang anak mo?""Tumahimik ka, Hera. Baka naman nagloko na naman 'yang anak mo, ha? Ako na talaga ang makakalaban niyan," pagbabanta ni Mommy, naka-pamaywang pa ito at masamang tinitigan si Mommy.Dito ako dumeretso kanina dahil dito iniiwan ni Harley si Rhy tuwing nasa bukid ito. Sakto namang bumisita si Tita Hera at nadatnan akong aligaga habang pinipilit si Rhy na sumama sa akin.I had no choice but to tell them the truth. Maging sina Daddy at Tito ay natulala sa sinabi ko. Kinuha ko ang oportunidad na 'yon para umalis kasama ni
Isang linggo na ang nakalipas simula noong pagdating ko rito sa Manila. Harley and I are doing good now.Mukhang nakatulong ang unang away naming dalawa bilang nasa long distance relationship para maging mas mapagkumbaba at matatag.Hindi rin naman niya ako natiis noon at agad na tumawag pagkauwi niya. Nag-sorry siya dahil naging mapilit daw ito, humingi rin naman ako ng tawad dahil naging matigas din ako sa kaniya at hindi man lang siya mapagbigyan sa simpleng hiling. Pareho kaming may mali, at pareho namang nagpakumbaba kaya naging maayos mulikaming dalawa.As much as he wants to go here, hindi naman siya pinapayagan ng kaniyang bukid. Kailangang-kailangan siya roon ngayon dahil anihan at bentahan na ng ani.Gusto ko rin naman sanang umuwi kahit minsan lang ngunit mas dumoble pa ang oras na kailangan kong gugulin ngayon dahil ako lang ang mag-isang nagta-trabaho ng lahat. Mabuti na lang ay nagboluntaryo sina Charlie na sila na ang bahala sa pagha-hire n
"Samahan na lang kaya kita rito, parang hindi ako mapakali kung mag-isa ka lang. Bakit ba kasi ayaw mo pang makituloy muna kina Dan? Mas ligtas ka roon," kanina pang pangungulit ni Harley sa akin.Narito na kami sa Manila at nakahanap na rin ng Hotel na matutuluyan pansamantala habang inaasikaso ko ang itatayong agency."Ilang beses ko ng sinagot ang tanong mong 'yan, Harley. Isa pa, mababatukan ka na talaga sa akin!" inis kong sagot sa kaniya habang inilalabas lahat ng aking damit para ilagay sa cabinet. Hindi naman kasi pwedeng manatili lang sa maleta ang gamit ko, puro halungkat lang ako kapag nagkataon."What if, dito na lang ako uuwi tuwing hapon?" suhestiyon niya at nahiga sa kama habang nakatingin lang sa akin na abala sa ginagawa, hindi man lamang naisip na tulungan ako. Tsk!"Wala ka bang balak na matulog ng matiwasay? Bi-byahe ka roon ng hapon, tapos madaling araw kailangan mo na namang bumiyahe para pumunta sa bukid. Nahihibang ka na ba? Ha, Ha
Genuine happiness and peace of mind is all I want. At sana ay makamit ko na ito. Kahit nakakulong na ang mga nanggugulo sa amin ay hindi pa rin mapanatag ang aking loob. But I need to trust the process.After we spent two days in Canada, we went home to the Philippines immediately. I felt drained and exhausted. Mabuti na lang at worth it naman ang lahat."Kamusta?" bungad na tanong ni Mommy sa akin pagkarating na pagkarating namin sa bahay nila para sunduin ang aming anak."Maayos naman po, Mommy. I just felt weird because that is my first meeting with Angel's parents tapos ganoon kaagad ang nangyari." Kibit balikat kong sagot. Nai-kuwento na namin sa kanila ang lahat ng nangyari bago pa man kami nakauwi.Maya't-maya kasi ang tawag nila sa amin noong papunta palang kami sa Canada para maki-chika. Mga chismosa. Lol!"Kung alam ko lang na mga baliw 'yang pamilyang 'yan, hindi ko na sila hinayaang lumapit kay Harley! Hmp!" taas kilay na saad ni Tita H
Nakatulugan na naming dalawa ni Harley ang pag-iisip. We stayed silent until I fell asleep. Naalimpungatan pa ako nang inayos nito ang aking pagkakahiga at kinumutan pa niya ako. I even felt his lips on my forehead and whispered something but I'm too sleepy to respond.It is already 5:00 in the morning when I heard Rhy and Harley's arguments. Mukhang nagtatanong ang aming anak kung bakit ako natulog dito, at kahit na anong paliwanag ni Harley sa kaniya ay hindi niya ito pinapakinggan. Nagbubulungan pa ang dalawa para siguro hindi ko sila marinig at hindi ako magising sa ingay nila.Bumangon ako at naupo muna sa kama para ikondisyon ang aking sarili. Kumikirot ang aking ulo dahil kulang sa tulog at ngayon ko lang din naramdaman ang sakit at pagod ng aking katawan. Hindi ko alam kung robot ba itong si Harley dahil parang wala naman siyang iniindang sakit.They both got silent, hindi ko sila makitang dalawa dahil natatakpan sila ng cabinet. Maya-maya ay sumilip si