Share

CHAPTER 4

Author: pedrosays
last update Huling Na-update: 2022-09-07 06:29:01

"This way ma'am," ani sa akin ng bellboy.

Nauna ng bumaba si Jacob kanina kaya mag-isa na akong bumaba papunta sa 'Payag'. Nilibot ko ang aking paningin sa buong hotel ngunit ni isang guest wala man lang akong nakita. Mabuti narin dahil nahihiya ako sa suot ko ngayon tapos nakatakong pa ako.

"Good morning ma'am!" Bati sa akin ng receptionist pagkababa namin. "You look beautiful today. I-I mean, everyday," dagdag nito.

Makikita sa mata nito ang takot ngunit kabaliktaran ang pinapakita ng labi nito. Nginitian ko ito upang pagaanin ang kanyang loob. 

"Thank you," sagot ko dito.

"Ho?" Nagulat nitong sagot.

Pati ang bellboy na nakasama ko ay napabaling sa akin. Napakunot ang aking noo sapagkat wala naman akong sinabing masama. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa nung magtinginan ang mga ito.

"A-Ah wala ma'am," basag ng bellboy. "Hali na po kayo kasi inaantay na po kayo ni Mr. Illustre," dagdag nito.

Tinanguan ko ito sabay nagpatuloy sa paglalakad. Kita ko pa kung paano pinandilatan ng bellboy ang receptionist bago ito tumalikod at nauna.

Bumungad sa akin ang malamig na hangin na galing sa dagat. Napaangat ako ng aking kamay para takpan ang aking mukha na natatamaan ng araw. Inilibot ko ang aking paningin at hindi parin ako makapaniwala na nakarating ako dito.

Nawala ang init sa aking mukha kaya napabaling ako sa bellboy na nakahawak na ng payong.

"Okay lang. Malapit lang naman," ani ko dito sabay bumaling at nginitian ito.

Limang metro lang din naman ang layo galing sa hotel at sa pupuntahan naming 'Payag'. Ito ay isang nipa hut at puro kahoy ang gamit ng pagpapatayo nito. Kita ko na si Jacob na nakaupo na sa kahoy din na upoan. Nakadekwatro ito habang inaantay ako at nakatitig pa sa aking pagdating.

"Salamat," ani ko sa bellboy nung makarating ako. "Pinag-antay ba kita ng matagal?" Tanong ko kay Jacob.

Umiling ito. "Hindi naman."

Bigla itong tumayo at pumunta sa kabilang upoan. Kanya itong kinaladkad paatras para ako ay umupo. Kita ko kung paano naglakihan ang kanyang biceps nung buhatin niya ang upoang kahoy.

"T-Thank you," sabi ko na nauutal.

Umupo na siya sa aking harap at kahit na wala pang nakahandang pagkain ay sa tingin ko naman ay mabubusog na ang sino mang makaharap niya. Paano ba kasi, ang suot niyang puting polo ay kita ang kanyang dibdib. Apat sa mga butones nito ay hindi nakasara kaya makikita ang maumbok at may maliliit na buhok sa dibdib nito. Napatingin ako sa kanyang adams apple nung gumalaw ito. Napalunok ata siya ng laway kaya napatingin ako sa kanyang mata.

Napaiwas ako kaagad ng paningin sapagkat nakatingin na pala siya sa akin. Napakurap nalang akong tumingin sa malayong dagat habang kinakabahan. Dama ko parin ang mga matang nakatingin sa akin kaya inabot ko ang aking buhok para ito ay ayusin. Nilagay ko ito sa kabilang balikat at tumingin bumaling ulit sa kanya.

"Shall we eat?"

 Walang pag-aalinlangan kong sabi kahit na nanlalambot na ang aking mga tuhod. Ang mala-berde nitong mga mata ay nangungusap habang nakipagtitigan sa akin. Matangos ang ilong at saka ang maninipis nitong labi ay nagpipigil ng ngiti kaya umiigting ang mga panga nito. Ilang sandali ang lumipas bago nito bawiin ang makipagtitigan sa akin at tumawag ng waitress.

Napaiwas ako ng tingin sabay napabuntong ng hininga. How could he do this to a person kahit wala man lang nararamdaman para sa kanya. He really is handsome pero there is something in him kung bakit nahahatak ang atensyon ng tao sa kanya. 

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong nito sa akin sabay halakhak.

Bigla akong napabaling muli sa kanya. "Y-Yeah. I am okay." Sabay iwas muli.

"How about," tumigil ito sa pagsasalita kaya napabaling akong muli dito.

Nanlaki ang aking mga mata sapagkat nakanguso ang labi niya. Napabaling pa ako sa mga waiters na naglalagay ng mga pagkain. Nakatuon lamang ang kanilang atensyon sa ginagawa nila at walang pake sa kung ano mang gagawin namin.

"What are you doing?" Pabulong kong tanong sa kanya. "Whats," dagdag ko sabay nguso.

"Down there," sagot nito.

Dama naman ng mga paa ko ang pagtatama ng kanyang sapatos sa akin kaya napatingin ako sa ilalim. Napakunot ang aking noo sapagkat wala namang kung ano sa ibaba. Napaangat ang aking paningin sabay napatingin sa kanya na naguguluhan.

Bumaling ito sa mga waiters at inantay na umalis bago siya humarap muli sa akin.

"Does the sore stopped?" Tanong nito.

"A-Ahh you mean," natigil pa ako sabay natawa.

Napatingin ako sa kawalan. Iniisip niya pa talaga ito kahit na napakaliwanag pa ng araw. Wala na bang pumapasok sa kokote niya kung hindi ang kalibugan niya. Bumaling akong muli sa kanya sabay pilit na ngumiti.

"Hindi na. Thanks to the ointment," ani ko.

To divert my attention baka tuluyan akong mainis sa kanya, ay inabot ko ang nakalagay na wine glass at kaagad itong ininom. Napaubo ako sapagkat hindi ko aakalaing hindi pala ito tubig. Kay bilis na nakatayo si Jacob at inaalo-alo ang aking likuran. Nagtawag pa ito ng waiter para palitan ng tubig ang aking iniinom.

"What's wrong?" Nakakunot ng kanyang noo habang tinatanong ako.

"Wala. Nabulunan lang siguro. Thirsty."

"Tubig po ma'am," ani ng waitress.

But, everything went fast and the water spilled all over my dress. Napatayo ako sa kinauupoan dahil sa lamig ng tubig.

"Pasensya na po, ma'am. Hindi ko sinasadya," agap ng waiter.

Mabilis nitong pinusan ang aking damit ngunit pinigilan ko ito.

"It's okay. Magpapalit nalang ako. Excuse me," paalam ko.

Hindi na ako bumaling pa kay Jacob sa pagmamadali ko. Mabilis akong pumasok nung elevator sapagkat nilalamig na ako. Naging mabilis lang din ang takbo ng elevator kaya kaagad akong nakarating sa tamang palapag.

Naghanap ako kaagad ng damit at wala ng kaarte-arteng tiningnan kung ano ang susuotin kasi pinag-antay ko na naman sila. Nakahanap ako ng long dress at shoulder less ito. Pulang bulaklak ang mga nakaimprinta dito at malambot din ang tela. Agad na akong lumabas ngunit natigil sa pagbukas ng pintuan nung nadinig ko ang pangalan ni Nathalie

"Alam mo! Magugulat ka talaga sa sasabihin ko sa iyo," ani ng babaeng boses.

"Si Ma'am Nathalie ba?" Tunog lalaki ang kausap nito.

"Alam pala nun mag thank you? Eh noon nga wala naman iyong mga pake sa tao," sagot ng babae at bahid pa sa boses nito ang pagtataray.

"Nagpapanggap kasi kasal na kay Mr. Illustre. Kailan pa naging mabait iyon? Tinatarayan pa nga niya iyong mga bago natin noon kaya sila nagresign," sagot nung lalaki.

"Pero, parang iba kasi. May iba sa kanya kanina. Napakagenuine ng smile niya at kung paano niya tayo kausapin," sagot nung babae.

Agad ko ng binuksan ang pintuan na nagpatigil sa pag-uusap nila. Nanlaki ang mga mata nito ngunit kaagad ko din silang tinalikuran. I think I've done too much na napapansin na nilang hindi ako ang tunay na Nathalie.

Kailangan kong kalimutan kung ano at sino ako. Kailangan kong maipakita sa kanila na ako si Nathalie at hindi si Rosianne. Kung naging mataray man sa kanila si Nathalie dapat ganoon din ang gawin ko.

Pagkalabas ko palang ng hotel ay kita kong hanggang ngayon ay nakatayo parin ang waitress habang kausap ito ni Jacob. Dahan-dahan lang akong naglakad ngunit habang palapit ko ay dinig kong pinagsasalitaan niya ito. Kita ko din ang nakatungong mukha ng babae habang pumapatak ang mga luha.

Biglang bumilis ang aking paglalakad kaya napabaling sa akin si Jacob. Tumigil ito sa pagsasalita at napakunot ang noo kong tumingin dito. Hinawakan ko ang balikat nung babae kaya napatingin ito sa akin. Parang piniga ang aking puso nung nkita ko ang luhaan nitong mata. Napabuntong ako ng hininga dito.

"You don't have to go that far," sabi ko kay Jacob. "It's not her fault. It was just an accident," dagdag ko.

Bumaling naman ako sa waitress. "Okay na ako but always be mindful towards your work." Maiksi kong sabi na ikinatango niya. 

Umalis na ito sa harap ko kaya napatingin naman ako kay Jacob. He was standing like he was surprised sa kanyang nakikita. Nakaawang lamang ang manipis niyang labi habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin sabay umupo.

"Let's eat," ani ko dito.

"What was that?" 

"What?" Tanong ko sabay pinagtaasan ito ng kilay. 

"You don't have to pretend," ani nito sabay na kinuha ang puting panyo at nilagay ito sa kanyang dibdib.

Napaangat ang gilid ng aking labi. "Do you really have to push my button? I am quite enjoying my day," ani ko.

"I'm not quite sure why does my informant have to be so wrong," sagot nito.

"About what?" Napangisi ako.

Umangat ang tingin nito sabay nakipagtiitgan sa akin. "About you."

"What a waste! Why did you do that?" Malambing kong sabi. "We have our entire life to know each other. And! You'll see how different I am from the person you knew from your informant."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay kumagat ako sa aking kinakain. We didn't stop from sharing the same intensity in our eyes. We stared like we'll lose if someone will stop.

"You got me interested,woman!" Malalim nitong sabi.

"Your wife, my husband," correcting him.

Natawa ito ng kaunti sabay na binawi ang mga matang nakipagtitigan sa akin. Napabuga ako ng hininga at hindi ko maipagkait na masaya ako sapagkat dama kong nanalo ako sa diskusyong ito. Sa tingin ko naman, I made it clear para hindi niya ako pagdududahan. Pansin ko naman na nagulat siya sa kanyang nakita kanina. Pero to think na si Nathalie? I doubt kung magpapatalo iyon.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik ako kaagad ng kwarto. Mag-isa lamang ako dahil abala na si Jacob sa trabaho niya. Hindi na nga niya natapos ang kinakain namin dahil may tumatawag na sa kanya. Kaya, iniwan ko nalang siya ng walang paalam kaysa antayin ko.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at mag-aalauna na pala. Ang tagal ko palang nagising kanina. Mabuti nalang at hindi sumakit ang ulo ko pagkagising dahil sa nainum kong alak kahapon.

Umihip ang hangin galing veranda kaya napunta ang atensyon ko dito. Para akong tinatawag ng dagat kaya napapunta ako dito. Napahawak ako sa malamig na metal habang isinasandal ang sariling tinatanaw ang malawak na karagatan kaharap ng islang ito.

Kahit na nakatanaw lamang ako dito ay nakikita ko kung gaano kalinis at crystal clear kung tawagin ang tubig dito. Syempre, hindi ko talaga papalampasin ang pagkakataon na makaligo dito. Siguro, mamaya nalang kapag hindi na masyadong mainit maliligo ako. 

Biglang tumunog ang telepono na nagpukaw sa aking atensyon kaya napabaling ako sa loob. Lumapit ako dito sabay na sinagot ang tawag.

"Hi! This is Anna from the Iris! I just want to inform that the delivery is on its way," ani nito.

"N-Nathalie?" Tanong ko.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa madinig ko ang paghinga nito sa kabilang linya.

"How was it?"

"I'm fine," sagot ko sabay na bumalik sa veranda bitbit ang telepono. Dumungaw ako sa ibaba kung saan kita ko si Jacob na may kinakausap pa.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin-"

"Who's calling?"

Bigla kong naibaba ang telepono. Para akong nalagutan ng hininga sa kabog ng aking dibdib. Akala ko nasa baba pa siya pero bakit nandito na siya ngayon sa kwarto.

"N-Nothing. May tinawagan lang ako from work," ani ko sabay ibinalik ang telepono.

Tumango lamang ito sabay pumasok sa banyo. Dinungaw kong muli ang nakita kong Jacob kanina at nandoon parin ang lalaki doon. Why do they have to wear the same shirt? Kailangan ko pa talagang mas husayan kung hindi mabubuking ako nito.

Kaugnay na kabanata

  • MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS   CHAPTER 1

    MarriageNapatingin ako sa kabuoan ng simbahan nung bumaba ako galing sa isang sasakyan kung saan kasama ko ang ama at ina ni Nathalie. Malapad ang kanilang mga ngiti habang tinatahak namin ang mataas na hagdanan patungo sa pintuan ng simbahan. Nasa harap na kami ngayon ng pintuan ngunit ang dulo ng sinusuot kong wedding gown ay nasa unang baitang pa ng hagdanan."Ikakasal ka na anak at masaya ako para sa iyo," naiiyak na sabi ng mommy ni Nathalia. "Ngunit, sa araw ding ito ay mawawalay ka na sa piling namin, ng daddy mo. And we will always miss you! So much! Alam kong aalagaan ka niya ng mas higit pa sa pag-aalaga namin sa iyo. Pero anak, bisitahin mo naman kami sa bahay ha?"Hindi ko na din mapigilang hindi maluha sapagkat ako man din ay nadadala. Alam ko kung nagpapanggap lang ako pero ang madinig ang mga salita ito galing sa ina ay nakakaantig ng puso. Napakaswerte ni Nathalie dahil nandito ang mommy at daddy niya sa espesyal na araw na ito. Ngunit, sinayang niya ang pagkakataong

    Huling Na-update : 2022-07-06
  • MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS   CHAPTER 2

    AksidenteBumungad sa akin ang ekta-ektaryang taniman ng gulay ng Sitio Ilaya. Dito umaangkat si Auntie Lottie ng mga gulay sapagkat kilala na niya ang mga magsasaka dito bukod pa doon ay nakakamura pa siya. Tanaw ko na ang nakahandang mga gulay na nakasilid na sa mga sako para kunin ko na. "Siya nga pala, kumpleto na iyan kaya wala ka ng babalikan dito. Kasya ba iyan lahat?"Nagmano na muna ako dito. "Pagkakasyahin po. Magkano nga po lahat ng ito?" "Limang libo. Tyaka pinadagdagan ko na rin," ani nito sabay kinindatan ako ng mata."Naku! Baka malugi tayo niyan at pagagalitan po tayo ni Tatang?" Biro ko dito."Huwag ka nalang maingay," bulong nito sabay natawa. "Siya nga pala, pasukan na sa susunod na buwan. Hindi ka pa rin ba papasok sa kolehiyo? Sayang naman at isang taon nalang at gagraduate ka na," ani nito sabay nailing."Hindi na po muna para makatulong po ako kay Auntie Lottie. Tyaka, alam niyo naman pong magastos na kapag panghuling taon na," ani ko sabay ngiti. Wala itong

    Huling Na-update : 2022-07-06
  • MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS   CHAPTER 3

    Honeymoon"Casa Virjiña," bigkas ko nung nagising ako sa pagtigil ng helicopter."Gising ka na pala," ani nito tyaka tumigil sa paglalakad upang ibaba ako."Where is this?" Matigas na english kong tanong sa kanya."We're in Virgin Island," ani nitong ikinatango.Nandito parin pala kami sa Bohol. Nadinig ko na ang islang ito noon pero hindi ko pa napupuntahan ito. Inilibot ko ang aking paningin at kita ko ang mga niyog malapit sa dalampasigan na pinapalibutan ng makukulay na strip lights. Umihip ang hangin kaya natangay nito ang suot kong coat pero kaagad itong napigilan ni Jacob. Isinuot niya ulit ito sa akin."Let's get inside. It's cold here," ani nito sabay hawak sa magkabila kong balikat.Iginiya niya ako papasok ng hotel at kaagad kaming inasikaso ng hotel staff. Umupo na muna ako sa sofa ng lounge area habang kinakausap ni Jacob ang receptionist."Tara?" Tawag nito sa akin sabay naglahad ng kamay."Jacob, you're already drunk. Stop that," pigil ko nung halikan ako nito. "In our

    Huling Na-update : 2022-07-06

Pinakabagong kabanata

  • MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS   CHAPTER 4

    "This way ma'am," ani sa akin ng bellboy.Nauna ng bumaba si Jacob kanina kaya mag-isa na akong bumaba papunta sa 'Payag'. Nilibot ko ang aking paningin sa buong hotel ngunit ni isang guest wala man lang akong nakita. Mabuti narin dahil nahihiya ako sa suot ko ngayon tapos nakatakong pa ako."Good morning ma'am!" Bati sa akin ng receptionist pagkababa namin. "You look beautiful today. I-I mean, everyday," dagdag nito.Makikita sa mata nito ang takot ngunit kabaliktaran ang pinapakita ng labi nito. Nginitian ko ito upang pagaanin ang kanyang loob. "Thank you," sagot ko dito."Ho?" Nagulat nitong sagot.Pati ang bellboy na nakasama ko ay napabaling sa akin. Napakunot ang aking noo sapagkat wala naman akong sinabing masama. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa nung magtinginan ang mga ito."A-Ah wala ma'am," basag ng bellboy. "Hali na po kayo kasi inaantay na po kayo ni Mr. Illustre," dagdag nito.Tinanguan ko ito sabay nagpatuloy sa paglalakad. Kita ko pa kung paano pinandila

  • MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS   CHAPTER 3

    Honeymoon"Casa Virjiña," bigkas ko nung nagising ako sa pagtigil ng helicopter."Gising ka na pala," ani nito tyaka tumigil sa paglalakad upang ibaba ako."Where is this?" Matigas na english kong tanong sa kanya."We're in Virgin Island," ani nitong ikinatango.Nandito parin pala kami sa Bohol. Nadinig ko na ang islang ito noon pero hindi ko pa napupuntahan ito. Inilibot ko ang aking paningin at kita ko ang mga niyog malapit sa dalampasigan na pinapalibutan ng makukulay na strip lights. Umihip ang hangin kaya natangay nito ang suot kong coat pero kaagad itong napigilan ni Jacob. Isinuot niya ulit ito sa akin."Let's get inside. It's cold here," ani nito sabay hawak sa magkabila kong balikat.Iginiya niya ako papasok ng hotel at kaagad kaming inasikaso ng hotel staff. Umupo na muna ako sa sofa ng lounge area habang kinakausap ni Jacob ang receptionist."Tara?" Tawag nito sa akin sabay naglahad ng kamay."Jacob, you're already drunk. Stop that," pigil ko nung halikan ako nito. "In our

  • MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS   CHAPTER 2

    AksidenteBumungad sa akin ang ekta-ektaryang taniman ng gulay ng Sitio Ilaya. Dito umaangkat si Auntie Lottie ng mga gulay sapagkat kilala na niya ang mga magsasaka dito bukod pa doon ay nakakamura pa siya. Tanaw ko na ang nakahandang mga gulay na nakasilid na sa mga sako para kunin ko na. "Siya nga pala, kumpleto na iyan kaya wala ka ng babalikan dito. Kasya ba iyan lahat?"Nagmano na muna ako dito. "Pagkakasyahin po. Magkano nga po lahat ng ito?" "Limang libo. Tyaka pinadagdagan ko na rin," ani nito sabay kinindatan ako ng mata."Naku! Baka malugi tayo niyan at pagagalitan po tayo ni Tatang?" Biro ko dito."Huwag ka nalang maingay," bulong nito sabay natawa. "Siya nga pala, pasukan na sa susunod na buwan. Hindi ka pa rin ba papasok sa kolehiyo? Sayang naman at isang taon nalang at gagraduate ka na," ani nito sabay nailing."Hindi na po muna para makatulong po ako kay Auntie Lottie. Tyaka, alam niyo naman pong magastos na kapag panghuling taon na," ani ko sabay ngiti. Wala itong

  • MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS   CHAPTER 1

    MarriageNapatingin ako sa kabuoan ng simbahan nung bumaba ako galing sa isang sasakyan kung saan kasama ko ang ama at ina ni Nathalie. Malapad ang kanilang mga ngiti habang tinatahak namin ang mataas na hagdanan patungo sa pintuan ng simbahan. Nasa harap na kami ngayon ng pintuan ngunit ang dulo ng sinusuot kong wedding gown ay nasa unang baitang pa ng hagdanan."Ikakasal ka na anak at masaya ako para sa iyo," naiiyak na sabi ng mommy ni Nathalia. "Ngunit, sa araw ding ito ay mawawalay ka na sa piling namin, ng daddy mo. And we will always miss you! So much! Alam kong aalagaan ka niya ng mas higit pa sa pag-aalaga namin sa iyo. Pero anak, bisitahin mo naman kami sa bahay ha?"Hindi ko na din mapigilang hindi maluha sapagkat ako man din ay nadadala. Alam ko kung nagpapanggap lang ako pero ang madinig ang mga salita ito galing sa ina ay nakakaantig ng puso. Napakaswerte ni Nathalie dahil nandito ang mommy at daddy niya sa espesyal na araw na ito. Ngunit, sinayang niya ang pagkakataong

DMCA.com Protection Status