Home / Romance / MAHAL PA RIN KITA / CHAPTER 1 “CHEF VINCENT DEL CARMEN”

Share

MAHAL PA RIN KITA
MAHAL PA RIN KITA
Author: Jessica Adams

CHAPTER 1 “CHEF VINCENT DEL CARMEN”

Author: Jessica Adams
last update Huling Na-update: 2021-05-31 23:25:24

"How are you, Chef Vincent Del Carmen?" iyon ang masayang bati sa kaniya ni Randy.

Iyon ang araw ng pagbisita ni Randy sa kaniyang condominium unit.

Roommate niya si Randy noong nag-aaral pa silang pareho sa isang kilalang unibersidad sa America. Pero nagtagal lamang iyon ng anim na buwan. At dahil naging abala narin siya sa pag-aaral at sariling buhay ay naputol ang komunikasyon nila ng lalaki. Kamakailan lang nang muli silang magkita nito sa isang hindi inaasahang pagkakataon sa isang bar sa Makati.

"I'm good actually, I heard you are getting married?" tukso pa ni Vincent sa kaibigan niya.

Tinawanan lang siya ni Randy saka ito nagsalin ng wine sa dalawang baso. "Sa maniwala ka man o hindi Vincent, I think I found her," sa tono ng pananalita ni Randy ay halatang napakasaya nito.

Pero sa kabilang banda ay tila ba gusto niyang bumunghalit ng isang malakas na tawa dahil sa sinabing iyon ng kaibigan niya. Dahil ang makarinig ng ganoong mga salita mula rito ay totoong nagbibigay sa kaniya ng hindi maipaliwanag at matinding amusement. Hindi kasi siya makapaniwala dahil ang totoo ay napaka-babaero ni Randy noong magkasama pa sila sa America. Madali itong magsawa kaya napakadali at madalas kung magpalit ito ng nobya.

Aminado rin si Randy sa ugali nitong mapagmataas. Habang siya? Noon nagpakawala si Vincent ng isang malalim at mabigat na buntong hininga.

Well, pagkatapos ng nangyari ay hindi na muli pang pumasok si Vincent sa isang seryosong relasyon.

Maraming babae oo pero ang lahat ng iyon kung hindi niya naging bed-partner ay simpleng one-night stand lang. At iyon ay dahil sa katotohanang iniiwasan niya ang muling masaktan. Dahil ang totoo, hanggang ngayon ay dala-dala parin niya sa kanyang dibdib ang pait at sakit ng kaniyang nakaraan.

Nakakatawa nga lang na isiping maging sa panaginip niya ay naroroon ito.

Kasama ang pangakong hindi niya alam kung paniniwalaan pa ba niya o kailangan at pwede pa niyang panghawakan? Dahil katulad na nga ng sinasabi ng ibang tao at iyon narin ang naririnig niya, kailangan alam mo ang kaibahan ng paniginip sa reyalidad, gaano man ito kaganda.

"So it's true?" tanong niya bilang paniniyak.

Nagkibit ng balikat nito si Randy saka sinimsim ang alak na laman ng baso nito. "Ang totoo ay hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung nagpapakipot ba siya o talagang galit sa mga lalaki?"

Napasipol si Vincent sa sinabing iyon ng kaibigan niya. "Iyan ang tinatawag nilang karma," dagdag pa niya saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Tumango si Randy bilang pagsang-ayon sa sinabi niyang iyon. "Sa tingin ko nga, pero okay lang iyon, willing naman akong gawin ang lahat to gain her trust. Pero mayroon akong mas malaking problema kung tutuusin, my mother," pagkasabi noon ay nagbuntong hininga muli ang lalaki.

"Bakit?"

"May anak na siya, at sa tingin ko ay hindi iyon magugustuhan ng mother ko," nasa tono ng pananalita ni Randy ang pag-aalala.

Natigilan si Vincent sa narinig niyang iyon at pagkatapos ay mapait na ngumiti nang may maalalang kung ano. "Ano ka ba naman, hindi ka na teenager. Tanggap mo ba ang anak niya?" hindi maintindihan ng binata kung bakit bigla siyang naging curious sa problema ng kaibigan niya.

Tumango si Randy. "Mabait na bata si Matthew, sa katunayan kung sakali man na magkaroon ako ng pagkakataong makilala ang tatay niya ay baka pasalamatan ko pa ito dahil nagkaroon ako ng instant na anak na katulad ni Matt. Iyon ay dahil ganoon ang turing ko sa kanya. Nakakatuwa nga lang na magkapangalan kayo at pati narin apelyido," naramdaman  niyang totoo sa loob ni Randy ang lahat ng sinabi nito dangan nga lamang at mas pinili niyang ignorahin ang huli nitong sinambit.

Napakarami ng mga tao sa Pilipinas na Del Carmen rin ang apelyido.

"By the way, pag-usapan na natin ang tunay na dahilan kung bakit ako nagpunta rito," ilang sandali pagkatapos ay minabuti ni Randy na baguhin na ang topic ng kanilang usapan.

Tumango si Vincent, kinuha ang bote ng alak at nagsalin ng tamang dami sa kaniyang baso. "Bakit mo gustong ipagbili?"

Ang totoo ay plano talaga niyang magtayo ng sarili niyang restaurant kaya siya bumalik ng Pilipinas matapos ang panantili niya sa America ng pitong taon. At dahil sinabi sa kaniya ni Randy ang tungkol sa plano nitong pagbebenta ng buffet restaurant na pag-aari nito ay nagkaroon siya ng interes na bilhin iyon. 

Isang kilalang kainan ang Festive kaya naman kumpiyansa siya na mabilis niyang mababawi ang pera niya kapag ito ang kanyang binili.

"Gusto ng mga magulang ko na mag-focus na ako sa family business namin. Hindi narin naman sila bumabata kaya kinailangan kong mag-decide at mamili sa dalawa. You know I manage two different businesses at the same time so I decided to sell Festive and continue the one which parents started."

Ang tinutukoy ni Randy ay ang shoe factory na pag-aari at pinatatakbo ng mga magulang nito. Ang mga produktong napo-produce ng kanilang factory ay mga export quality at mabibili sa maraming mga bansa sa buong mundo.

Tumango lang muli si Vincent. "Sige, kakausapin ko ang abogado ko tungkol diyan, then do the same. Sana matapos natin ang tungkol rito soon."

Tumawa ng mahina doon si Randay saka muling nagsalin ng panibagong alak sa baso nito. "Para masimuilan ko narin ang panliligaw sa babaeng gusto kong pakasalan."

At tuluyan na ngang natawa si Vincent sa sinabing iyon ng kaibigan niya.

*****

ONE WEEK LATER 

"Kumusta na ang gwapo kong inaanak?"

Nginitian ni Isla ang bagong dating.

Si Cherry iyon, ang best friend niya at anak ng may-ari ng apartment na kaniyang inuupahan.

"Salamat naman sa Diyos at dumating ka na, kanina ka pa niya hinihintay. Ayaw niyang matulong kasi ipakikita pa raw niya sa iyon yung star na nakuha niya sa school kanina," aniya sa kaibigan niya saka niya sinimulang magtimpla ng kape para sa kanilang dalawa.

Si Matthew ang tinutukoy niya, ang kaniyang anak. Anim na taong gulang na ito at kasalukuyang nasa kindegarten sa daycare center sa kanilang barangay.

Ninang ni Matthew si Cherry. Si Mama Selya naman na kanilang landlady at ina ni Cherry ang naghahatid-sundo sa anak niya sa pagpasok at pag-uwi sa eskwelahan araw-araw.

"Patingin nga?" ang narinig ni Isla na winika ni Cherry sa anak niya nang ilapag niya sa centertable ang dalawang tasa ng kape. "Wow ang galing, dahil diyan bukas kakain tayo sa labas lalo at day-off ko at ng Mama mo," anitong nilingon pa siya ng nakangiti.

"Talaga po Mama Cherry?" ang kakaibang kislap sa mga mata ng anak ni Isla ay humipo ng husto sa kanyang puso.

 Noon magkakasunod na tumango si Cherry. "Oo, kaya ang mabuti pa matulog ka na kasi bukas pagkatapos mo sa school ay kakain tayo sa paborito mong fast-food restaurant," anito.

"Kayo po ba ang maghahatid sa akin sa school bukas?" nasa tono ng pananalita ni Matthew ang labis na pananahik.

"Oo, maglalaba kasi bukas si Mama mo kaya ako nalang ang maghahatid sa iyo," paliwanag pa ni Cherry.

Noon maligayang-maligaya na hinalikan sa pisngi ni Matthew ang ninang nito. Pagkatapos noon ay masaya nang nagtatakbo ang bata papasok sa kanilang silid para matulog. Nakasunod naman ang paningin ni Cherry sa anak niya.

"Tingnan mo nga naman, ang bilis ng panahon, ni hindi ko napansin iyon. Ilang taon nalang ang bibilangin mo at may binata ka na."

Tumawa ng mahina si Isla dahil doon. "Oo nga, for six years, sa awa ng Diyos nandito parin kami ng anak ko," may kahalong pait sa tono ng pananalita niyang naisagot.

Noon nagbuntong hininga si Cherry saka humigop sa tasa ng kape nito. "Bakit hindi ka humingi ng suporta sa tatay niya? Mayaman ang lalaking iyon at obligasyon niyang bigyan ng magandang buhay ang anak niya," giit ng kaibigan niya.

Ngumiti si isla. "Doon na naman ba ang punta natin? Kaya ko namang suportahan at itaguyod ng mag-isa ang anak ko, hindi ko kailangan ang pera niya," dahil sa pagkakaalala sa mapait niyang nakaraan ay nabahiran na naman ng galit ang tono ng pananalita niya.

"Oo nga kaya mo, alam ko iyon. Pero Isla ipinagkait mo kay Matthew ang dapat sana ay magandang buhay na mayroon siya ngayon. Hindi porke ipakikilala mo siya sa tatay niya ay nangangahulugan na agad iyon na gusto mong dugtungan at ituloy ang nakaraan ninyo? You and Vincent have a different story. At may karapatan ang anak mo na makilala kung sino ang totoo niyang ama," hindi nakapagsalita si Isla sa sinabing iyon ni Cherry.

Sa bus terminal sa Cavite niya nakilala si Cherry. Nang sabihin niya rito na wala siyang matutuluyan ay hindi ito nagdalawang isip na alukin siya ng tulong. Si Cherry din ang nagrekomenda sa kaniya bilang kahera sa mismong restaurant kung saan ito nagtatrabaho.

Branch Manager si Cherry sa kaparehong branch ng Festive kung saan siya naka-assign.

Ang Festive ay isang buffet restaurant na naghahain ng mga kilalang pagkaing Pilipino. Mayroon itong branches sa halos lahat ng kilala at malalaking malls sa bansa. Hindi niya alam kung kailan ang plano ni Cherry para mag-asawa pero may nobyo ito, si Norman, isang mayaman na Australian.

"Teka, bago ko makalimutan kanina bago ang store closing may natanggap akong email galing sa Operations Manager natin," ani Cherry sa kanya.

Noon nagsalubong ang mga kilay ni Isla. "Anong sabi ni Ma'am Rose?"

"Magkakaroon tayo ng meeting sa Monday regarding sa kumakalat na balita tungkol sa pagpapalit ng management. Ibebenta na ni Sir Randy ang Festive at ipagdasal nalang natin na mabait ang buyer na magiging bago nating boss para hindi na tayo palitan," si Cherry na tuluyan inubos ang kape sa tasa nito.

"May idea ka ba kung sino ang buyer?" curious niyang tanong.

Magkakasunod na umiling si Cherry bago nagsalita. "Hindi eh, alam mo naman si Sir Randy masyadong private na tao," tukso pa nito sa kaniya saka sinundot ang kaniyang tagiliran. "Wala ka ba talagang nararamdaman para sa kanya? Imagine, five years na niyang sinusubukang kuhanin ang atensyon mo pero dedma ka parin sa pretty-boy image niya?"

Umikot ang mga mata ni Isla dahil sa kaniyang narinig. "Inilalaan ko nalang ang buong buhay ko para sa anak ko," totoo iyon sa loob niya. "At tungkol naman doon sa sinasabi mong i-absorb tayo ng bagong may-ari, posible naman iyon sa inyo. Pero kung sa mga katulad ko na contractual employee, hindi ko lang sigurado," nabakas ni Isla ang pag-aalala sa sarili niyang boses dahil sa balita.

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Cherry dahil sa sinabi niyang iyon. "Naku hindi, naging magbuti kang empleyado kaya sigurado ako na mare-retain ka. At isa pa, nandito ako, tutulungan kita kung sakali," anito pa sa kanya bago ito tumayo.

Napangiti si Isla sa kanyang narinig. "Thank you," pahabol pa niya bago niya isinara ng tuluyan ang pinto.

Sa isip niya ay ang pag-aalala kung saan na naman kaya siya pwedeng mag-apply ng trabaho dahil sa pagpapalit ng management?

"Matthew, baby, bakit ba hindi ko kayang ibigay sa iyo ang klase ng buhay na kaya ibigay ng ibang single mother sa mga anak nila?" ang malungkot niyang bulong saka hinaplos at maingat na hinalikan ang noo ng kaniyang anak.

*****

“So, you're staying here for good? Why not start your own restaurant? Bakit kailangan o pang bilhin ang pag-aari ng iba? Is it bankrupt?" si Ruby iyon sa anak nitong si Vincent.

Nagkibit ng balikat nito sa Vincent saka inilapit sa bibig niya ang baso ng alak. "Wala akong makitang mali doon, Mama, kilalang restaurant ang Festive. And no, hindi ito bankrupt, hindi nalang ito kayang i-manage ng owner kaya naisipang ipagbili," paliwanag niya.

Tumawa doo si Ruby. "Isa kang kilalang chef sa America. Hindi ka mahihirapang gumawa ng sariling mong pangalan dito kung sakali," dagdag pa ng kaniyang ina.

Noon tiningnan ni Vincent ang kaniyang ina bago siya nagsalita. "Nakapagdesisyon na ako, Ma. May meeting ako kasama ang CEO ng Festive in two day," aniyang mayroong pinalidad ang tono. "Matutulog na ako," aniyang niyuko si Ruby saka dinampian ng simpleng halik sa pisngi. "Goodnight," aniya pa.

Mabilis na natigilan si Vincent nang madaanan ang isang pamilyar na silid. At kasabay ng pagdaloy muli ng mga alaala ay ang pagpunit ng isang mapait na ngiti sa kaniyang mga labi, kasama narin doon ang pagguhit ng isang pamilyar na sakit sa kaniyang dibdib.

"Isla, Miss Beautiful, bakit ba ang hirap mong kalimutan? Bakit hindi kita makalimutan?" bulong niya saka nagbuntong hininga.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Monaliza Naquila R
kaya ayaw ko ng biyenan ehhh.....................
goodnovel comment avatar
Monaliza Naquila R
super true... may mga tao tlaaga na kahit gaano siya kagwapo kaganda, mayaman mabait...dimo siya magustuhan..yung wala talaga..kung may mafeel ka man..civil lang..plain
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 2 “THE NEW BOSS”

    Matamis na ngiti ang pumunit sa mga labi ni Isla nang pagbukas niya ng magazine ay bumungad sa kaniya ang isang pamilya na mukha, walang iba kundi si Chef Vincent Del Carmen, ang pinakagwapong lalaking nakilala niya. Parang kailan lang, ngayon sikat na sikat ka na. Naiisip mo parin ba kaya ako? Iyon ang kabilang bahagi ng isipan ni Isla. Katulay niya ay mula rin sa San Jose si Chef Vincent, isa iyong maliit na bayan sa Pampanga. Pampanga is a province in Central Luzon that is also known to be the Culinary Capital of the Philippines. Marami siyang alam tungkol kay Vincent pero mas pinipili niyang itikom na lamang ang bibig niya sa lahat ng pagkakataon. Dahil kung sakali, alam naman kasi niyang walang maniniwala sa kaniya. Nasa ganoong estado siya ng kaniyang pag-iisip nang marinig ang mahihinang pagtawag sa kaniya ng kung sinong nasa may pintuan ng pantry, nilingon niya iyon. "Bakit? Ano 'yun?" ang magkasunod niyang tanong kay Lorrie na katulad niyang kahera rin sa restaurant. "A

    Huling Na-update : 2021-06-01
  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 3 “HER DEEPEST SECRET”

    "Ang swerte mo alam mo ba? At least ikaw nakikita mo siya araw-araw. Siguro hindi mo nararanasan ang ma-miss siya kasi sa isang mansyon lang kaya nakatira," ang kinikilig na winika ni April kinabukasan sa school at oras ng kanilang free time.Dahil sa scholarship na ipinagkaloob sa kaniya ng Del Carmen Foundation ay nakapag-aaral siya ngayon sa prestihiyosong eskwelahan na iyon sa kanilang bayan. Ang kailangan lamang niyang gawin ay i-maintain ang matataas na grades para maka-graduate sita sa kurso niyang AB-English kung saan nasa ikalawang taon na siya."Hindi naman madalas sa bahay si Vincent kasi palagi siyang nasa mga kaibigan niya," sagot ni Isla saka ipinagpatuloy ang pagpa-browse sa librong kinuha niya sa shelf.Noon napalabing nangalumbaba si April. "Hindi ba ang girlfriend niya ngayon ay yung reigning Miss University natin? Si Tanya. Ang swerte niya kasi napansin siya ni Vincent, tayo kaya, kailan niya mak

    Huling Na-update : 2021-06-01
  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 4 “A SURPRISE INVITATION”

    NANG gabing iyon, naghuhugas na ng mga platong pinagkainan si Isla nang marinig niya ang isang pamilyar na ugong ng sasakyan sa mismong garahe ng mansyon.Nagsimulang kumabog ang dibdib niya. Alam niyang gagamitin ni Vincent ang kitchen door kaya naman inihanda na niya ang kaniyang sarili para doon at hindi nga siya nagkamali.Agad na sa kanya natuon ang paningin ng binata nang makapasok ito ng kusina. Marahil dahil siyang mag-isa lamang ang naroroon kaya ganoon ang nagyari.“Sir, good evening,” ang nahihiya niyang bati sa binata saka ito pilit na nginitian.Narinig niya ang mahinang tawa na pinakawalan ni Vincent. "Sinabi ko naman sa iyo di ba, tawagin mo nalang akong Vincent, o kaya iyong nickname na ibinigay mo sa akin, kasi mas gusto ko iyon."Nang ngumiti ito ay noon naramdaman ni Isla ang mabilis na pagkawala ng sakit na nararamdaman niya kanina. Kaya sa huli ay hin

    Huling Na-update : 2021-06-04
  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 5 "SWEETHEART”

    "OH nasaan na ang baon mo?" tanong sa kaniya ni Vincent. Pareho silang nakaupo noon sa ilalim ng isang puno ng akasya na matatagpuan sa tagong bahagi ng unibersidad. Iyon ang paboritong lugar ni Isla. Tahimik kasi doon at bibihira ang mga estudyanteng nagpupunta roon. Sa madaling salita, kung kailangan niya ng privacy, doon niya iyon nakukuha. Ang isang pamilyar at mahiyaing ngiti ay pumunit sa mga labi ni Isla. "Nakakahiya kasi, hindi bagay ang baon ko dito sa mga pagkain na binili mo," sagot niya saka tipid na nginitian si Vincent. Noon nagsalubong ang magagandang kilay ni Vincent. At iyon ay dahil sa kanyang isinatinig. "Nakakahiya? No, okay lang sa akin iyon. Akin na ibigay mo sa akin iyan," pagkasabi niyon ay mabilis na kinuha ng binata mula sa kanya ang maliit niyang lunch box. "Wow, itlog na maalat at kamatis pala ang baon mo. Alam mo bang paborito ko ito?" compliment pa ng binata matapos nitong alisin an

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 6 “HER HEART'S DESIRE"

    “W-WHAT---,” Noon siya nilingon ni Vincent, seryoso ang aura na nakita niya sa mukha nito. "Nakikita ko kung paano ka niya tratuhin simula nang magsama sila ng tatay mo. Ganoon na ba kahirao ang magluto para hayaan ka niyang magbaon ng itlog na maalat at sardinas sa eskwelahan? Look, palaging puno ng pagkain ang ref, at para sa lahat ang lahat ng iyon. I’m sorry but it is not fair to treat you like that when your father has been very kind to her.” Naramdaman ni Isla ang pagpipigl ng galit na nasa tono ng pananalita ni Vincent, at nalungkot siya roon. Pero sa kabilang banda ay lihim parin niyang ipinagpapasalamat ang malasakit ng binata para sa kanya. Hindi nagtagal at minabuti ni Isla ang tumikhim. Pagkatapos ay pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib dahil sa mahaba at prangkang statement na iyon na nagmula kay Vincent na nang mga sandaling iyon ay ini-start na ang car engine. "Hayaan mo na iyon, ang totoo hin

    Huling Na-update : 2021-07-25
  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 7 "FIRST DANCE AND FIRST KISS" 

    NIYAYA siyang kumain ng dinner ni Vincent sa isang grill house matapos nilang mag-shopping. Ibinili kasi siya nito ng sapatos pagkatapos nilang magsimba kaya ganoon. At dahil gabi narin naman ay naunawaan na niya kung bakit ito nagpilit na kumain sila. Baka nagugutom na ito. Noon nakaramdam si Isla ng lihimna amusement para kay vincent. Katatapos lang nilang kumain noon nang bigla ay pumailanlang ang isang pamilyar na klasikong love song sa grill house na iyon. “Beautiful song, what do you think?” ani Vincent. Tumango si Isla bilang pagsang-ayon sa sinabing iyon ng binata. “Love Is All That Matters,” sagot niyang sinabi pa ang title ng kanta. “Let’s dance?” ang binata na bigla ay nakangiting tumayo. Matagal munang tinitigan ni Isla ang kasama nang may pagtataka bago siya nagbuka ng bibig para magsalita. “W-What?” awkward yes, pero dahil m

    Huling Na-update : 2021-07-25
  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 8 "COME WITH ME TONIGHT?"

    NAGKIBIT ng mga balikat niya si Isla dahil doon. "Close kami, as in super close," ang tanging naisagot niya. "Pasensya na pero hindi po ako naniniwala. Pero sigurado ako na sooner or later ay sasabihin mo rin sa amin ang totoo, hindi ba?" ang kinikilig na tanong- sagot sa kanya ni April. Noon nakagat ni Isla ang pang-ibaba niyang labi. "Actually last night..." "Ano?" si April ulit iyon, habang si Renz ay tinapunan siya ng isang naghihinalang tingin. Agad na parang naramdaman ni Isla ang mainit na labi ni Vincent habang hinahagkan siya. At iyon ang nagbigay sa kanya ng agarang epekto na naging dahilang ng matinding pamumula ng buo niyang mukha. "Bakit nagba-blush ka?" ang curious na tanong sa kanya ni April. “You had your first kiss, am I right?” Labis siyang ginulat ng tanong na iyon sa kanya ni Renz. Mabuti na lamang at hindi ito maingay sa pagkakataong ito.

    Huling Na-update : 2021-07-25
  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 9 "A SECRET PLACE"

    "SAAN tayo pupunta?" tanong ni Isla kay Vincent nang gabing iyon pagkatapos ng last subject niya. Isang magadang ngiti ang pumunit sa mga labi ni Vincent. “In a place where there will be no room for fear because it’s just you and me,” ang makahulugan nitong sagot sa kanya at pagkatapos ay binuhay ang engine ng sasakyan. Walang nakapa na kahit anong pwedeng sabihin si Isla kaya naman mabilis na nilamon ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Si Vincent ang bumasag ng katahimikang iyon. "Gusto mo bang makinig ng music?" tanong nito sa kanya. "Oo naman," sagot niya. Tumango si Vincent saka binuksan ang car stereo kung saan pumailanlang sang isang pamilyar na classic love song. Mabilis na naramdaman ni Isla ang pagbabago ng atmospere. Kasabay niyon ay ang tila ba mainit na damdamin na humaplos sa kanyang puso. Masaya siya sa nangyayari ngayon at

    Huling Na-update : 2021-07-25

Pinakabagong kabanata

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 57 "FOREVER AND ETERNITY 2"

    FIRST ROSE"HELLO Miss Beautiful!" nang abutan ni Vincent si Isla sa kusina kung saan abala ang huli sa paghuhugas ng plato. "Hi Sir Vince," iyon ang naging pagtugon sa kanya ng dalaga.Noon kumilos ang binata. Kumuha siya ng baso saka kumuha ng malamig na tubig mula sa refrigerator.“Malapit na ang Valentine’s Day ah. May date kana ba?” tanong niya habang nanatili siyang nakatitig sa magandang mukha ni Isla.Nahihiya siyang sinulyapan ni Isla saka tipid na ngumiti. “Wala, saka hindi ko naman iniisip ang mga ganyan sa ngayon. Wala akong time makipag-date,” sagot nito.Mabilis na umangat ang makakapal na kilay ni Vincent. “Talaga? Ibig sabihin ba nun eh walang nagbibigay ng regalo sa’yo tuwing Valentine’s Day?”“Meron, hindi ko lang tinatanggap kasi baka makita ng tatay ko. Kapag nangyari kasi iyon siguradong mapapagalitan ako,” paliwanag ni Isla sa kanya.Tumango si Vincent sa narinig. “Just in case ba anong klase ng regalo ang hindi mo matatanggihan?”Parang hindi makapaniwalang tum

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 56 "FOREVER AND ETERNITY 1"

    AFTER TWO YEARSHABANG karga ang dalawang taong gulang na anak ay nakangiting pinanonood ni Vincent ang asawang si Isla. Nang mga sandaling iyon ay abala sa paghahanda ng pagkain ang kanyang asawa sa ilalim ng malaking puno ng akasya. Sa punong iyon naroroon din ang kanilang tree house."Papa, it's really beautiful here,” wika ni Matthew na nang mga sandaling iyon ay tumakbo palapit sa kanya. Hawak nito ang isang bolang kanina pa nito pinaglalaruan.Hindi ito ang unang pagkakataong dinala nila si Matthew sa lugar na ito. Pero palagi ay ganito ang sinasabi ng anak niya.“Talaga? Kung ganoon ay gusto mo rin ba dito? Ikaw Julia, do you like it here too?” tanong niya kay Julia saka nanggigigil na hinalikan sa pisngi ang anak.Sa paglipas ng panahon ay lalong lumalaki ang pagkakahawid ni Isla sa kanilang anak. Kaya naman may mga pagkakataon na tuwing tinitingnan niya si Julia ay nagbabalik sa isipan niya noon unang beses na dalhin ni Artemio si Isla sa kanilang bahay.Bata pa siya noon. Ma

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 55 "SECOND BABY"

    TWO MONTHS LATERIYON na marahil ang pinakamaligayang araw sa buhay ni Isla. Ang maglakad sa aisle ng malaking simbahan habang suot ang isang maganda at kulay puting wedding gown. Kasama niya si Artemio na ngumiti sa kanya nang tingalain niya ito. Habang si Aida naman ay bahayang tinapik lang ang balikat niya. “Hello Miss Beautiful,” ani Vincent na matamis pang nakangiti. Napakagwapo nito sa suot na white three-piece suit. "And you are perfectly handsome," sagot naman ni Isla saka hinagod ng titig na may pagmamahal ang gwapong mukhang ng kanyang kabiyak. "Let's go?" nanatiling nakangiti pa rin si Vincent nang ialok nito sa kanya ang braso nito.Tumango si Isla saka kumapit sa braso ni Vincent at saka nagpatuloy sa paglalakad sa aisle palapit sa altar ng simbahan kung saan naghihintay sa kanila ang isang pari."Happy?" ang ibinulong na tanong sa kanya ni Vincent bago pa man magsimula ang kasal. "Very happy," totoo iyon. And the thought na pati ang menu ng kanilang kasal ay naga

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 54 "LOVE IS THE REASON"

    DALAWANG araw matapos ang usapan nilang iyon ni Ruby ay nagulat pa siya nang dumating ang tatay niyang si Artemio at tiyahing si Aida. Hindi rin niya napigilang maging emosyonal kaya mahigpit siyang niyang ni Vincent nang sabihin ni Manuel na sa mansyon na muling maninirahan ang mga ito.“Nagiging iyakin kana yata? Baka makasama iyan kay baby,” tuksong bulong pa ni Vincent sa kanya saka pinahid ng hintuturo nito ang butil ng kanyang mga luha.Napuno ng hindi maipaliwanag na tuwa ang dibdib niya nang sa harapan ng mga magulang nilang pareho ay hinalikan pa nito ang tungki ng kanya ilong.“Baby ka diyan?” kahit ang totoo ay gusto niyang itanong kung paano nito nasabi iyon gayon hindi pa naman niya nasasabi rito ang tungkol sa pagdadalantao niya.Tama buntis siya ng six weeks na sa ikalawang anak nila ni Vincent. Nakumpirma niya iyon sa mismong OB-Gyne na tumingin sa kanya dahil delayed ang menstruation niya ng ilang araw. Bukod pa sa bago iyon ay dumaan siya sa paggamit muna ng pregnanc

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 53 "HER MOTHER-IN-LAW"

    MADALING araw na nang hayaan siya ni Vincent na makatulog."Sleep, sweet dreams," anitong hinalikan siya sa noo pagkatapos.Walang kahit anong salitang isiniksik ni Isla ang sarili niya sa asawa na tinugon naman nito ng isang mahigpit na yakap.“Inubos ko ba ang lahat ng lakas mo, sweetheart?” ang narinig niyang tanong nito na kababakasan ng amusement.Agad na pinamulahan si Isla nang makuha niya ang ibig sabihin ni Vincent sa tanong nitong iyon. Kaya naman awtomatiko niya itong bahagyang naitulak palayo sa kanya.“Paano kapag sinabi kong oo?”Lumapad ang pagkakangiti ni Vincent matapos nitong marinig ang sinabi niya. “I’m sorry, hindi ko lang talaga mapigilan,” anitong tumawa pa ng mahina matapos ang huli nitong sinabi saka siya pilyong kinindatan.“Okay lang, sana naman na ako sa’yo,” aniyang hindi napigilan ang mapahagikhik dahil sa isinagot sa kanya ng asawa.“Really? Ano sa tingin mo? Kaya mo pa kaya ng isa pang round bago tayo matulog?” si Vincent nang pumatong ito sa kanya haba

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 52 "FIRST NIGHT AS A COUPLE"

    NARINIG nila ni Vincent ang paanan ng kama ng hindi namamalayan. Inihiga siya sa kama ng kanyang asawa habang patuloy pa rin ito sa malalim nitong paghalik sa kanya. Nang hilahin pababa ni Vincent ang suot niyang pajama bottom ay agad na naramdaman ni Isla ang pagsidhi ng pananabik na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi iyon ang unang pagkakataon na gagawa sila ng ganito ni Vincent. Subalit tuwing naiisip niya kung gaano kaligaya at kasarap ang alam niyang pwede at napipinto niyang maramdaman anumang sandali mula ngayon ay hindi niya mapigilan ang maghangad sa paraan na tila ba hindi na siya makapaghintay. “Kahit ano pa ang isuot mo walang problema iyon sa akin, sweetheat. Sa totoo lang ay hindi maaapektuhan ng mga telang nakabalot sa katawan ang tindi ng paghahangad na nararamdaman ko para sa iyo,” ani Vincent saka tuluyang hinila paibaba ang naglalabing tabing ng kanyang katawan. Ang pagkislap ng matinding paghanga sa mga mata ni Vincent ang agad na nakita ni I

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 51 "STANDOUT BEAUTY"

    “REALLY? Sinabi mo iyon, sweetheart?” amused na tanong sa kanya ni Vincent pagkatapos ay naupo.Noon namumula ang mukhang nilingon ni Isla ang kanyang asawa. “Ah, actually---.”“Isa ‘yung first kiss ninyong dalawa. Sobrang worried niya noon kasi hindi niya raw alam kung bakit mo siya hinalikan?” dagdag pa ni April habang nakatitig ito kay Vincent.“Iyon ang dahilan kung bakit ko siya sinabihan na kausapin ka. Kasi masyado siyang worried at talagang apektado,” paliwanag naman ni Renz.Noon naramdaman ni Isla na ginagap ni Vincent ang kamay niya. Dahilan upang mabilis na mabalot ng pananabik ang kaniyang puso at isipan. Habang sa kaniyang isipan ay parang nakikita niya sa kaniyang harapan ang lahat ng sinasabi ng mag-asawa. Sa huling naisip ay napangiti si Isla. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang dalawang ito ang nagkatuluyan.“Oo nga, alam mo kasi masyadong magaling magtago ng secret ang asawa mo, Vincent. Nagawa nga niyang kaming kumbinsihin na wala siyang kahit anong espesyal na f

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 50 "WEDDING DAY AND WEDDING GIFTS"

    NANG sumunod na araw, isang simpleng kasalan ang ginanap sa opisina ni Judge Arcega. Kasama ang mga magulang ni Vincent. Ang kanilang anak na si Matthew at maging sina Cherry at ang ina nitong si Selya ay naroroon din. Kapwa masayang masaya ang mga ito para sa kanya at kay Vincent. At dahil nga ipinangako niya sa lalaki na isusuot niya ang white dress na gustong-gustong nito, ganoon na nga ang ginawa ni Isla.“Congratulations,” ang umiiyak na bati sa kanya ni Cherry saka siya nito niyakap.Sinubukang kontrolin ni Isla ang sarili niyang emosyon at nagtagumpay naman siya doon.“Maraming salamat sa lahat. Mami-miss kita, pati na rin si Mama Selya,” aniya. Hanggang sa kalaunan nga ay napaiyak na rin siya. “Dadalawin namin kayo sa Maynila kapag may oras. Syempre naman hindi namin kayo makakalimutan, kaming dalawa ng inaanak mo,” aniyang nagpahid na rin ng kanya mga luha pagkatapos.“I wish you all the best. Kunin mo ang pagkakataong ito upang maging ganap ng maligaya sa piling niya. Alam k

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 49 "WALK IN CLOSET"

    “YOU’RE great. Sweetheart,” compliment ni Vincent sa kaniya makalipas ang ilang sandali.Isang proud na ngiti ang pumunit sa mga labi ni Isla dahil sa sinabing iyon ng binata. “I told you,” aniyang nagkibit pa ng mga balikat.Umangat ang sulok ng mga labi ni Vincent dahil doon. Makalipas ang ilang sandali ay kumilos ang binata saka binago ang kanilang posisyon. “Hindi mo kailangang gayahin ang kahit sino, Isla. Gusto at nababaliw ako sa lahat ng katangiang mayroon ka,” anito sa kanya saka siya idinapa sa ibabaw ng kama pagkatapos.Agad na naramdaman ni Isla ang tila ba nag-uunahang excitement sa kaniyang dibdib dahil sa ginawang iyon ni Vincent.“Sweetheart, I will enter you from behind, okay?” anitong mula sa kanyang likuran ay inabot ng halik ang kaniyang mga labi saka inangkin ang mga iyon sa napakapusok na paraan.Walang pag-aalinlangan tinugon ni Isla ang maiinit na halik ni Vincent sa mapusok rin na paraan na alam niya. Gusto niyang gisingin ang init at paghahangad sa bawat hima

DMCA.com Protection Status