Home / Romance / MAHAL PA RIN KITA / CHAPTER 2 “THE NEW BOSS”

Share

CHAPTER 2 “THE NEW BOSS”

Author: Jessica Adams
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Matamis na ngiti ang pumunit sa mga labi ni Isla nang pagbukas niya ng magazine ay bumungad sa kaniya ang isang pamilya na mukha, walang iba kundi si Chef Vincent Del Carmen, ang pinakagwapong lalaking nakilala niya.

Parang kailan lang, ngayon sikat na sikat ka na. Naiisip mo parin ba kaya ako?

Iyon ang kabilang bahagi ng isipan ni Isla.

Katulay niya ay mula rin sa San Jose si Chef Vincent, isa iyong maliit na bayan sa Pampanga.

Pampanga is a province in Central Luzon that is also known to be the Culinary Capital of the Philippines.

Marami siyang alam tungkol kay Vincent pero mas pinipili niyang itikom na lamang ang bibig niya sa lahat ng pagkakataon. Dahil kung sakali, alam naman kasi niyang walang maniniwala sa kaniya. Nasa ganoong estado siya ng kaniyang pag-iisip nang marinig ang mahihinang pagtawag sa kaniya ng kung sinong nasa may pintuan ng pantry, nilingon niya iyon.

"Bakit? Ano 'yun?" ang magkasunod niyang tanong kay Lorrie na katulad niyang kahera rin sa restaurant.

"Ang sabi ni Miss Cherry may staff meeting raw tayo in a few minutes. Halika na?" sagot nito.

Tumango doon si Isla saka sinimulang ayusin ang kaniyang sarili.

Ang meeting ay ginanap sa mismong opisina ng kanilang big boss. Nasorpresa pa siya nang makitang nakaupo sa may kabisera ng mesa si Randy Villegas, ang kasalukuyang CEO ng Festive.

"Miss Madrid, dito ka maupo sa tabi ko," ani Randy na itinuro ang silya sa bahaging kanan nito.

Si Cherry ang nakaupo sa silyang katapat ng kaniya ay binigyan naman siya ng makahulugang titig. Habang siya noon ay tinugon naman ito ng warning look. Hindi lang naman siya ang nakakahalata sa kakaibang atensyon na ipinakikita sa kanya ni Randy.

Anong klase ng babae ang tatanggi sa kanilang big boss?

Gwapo, mayaman, mabait. Pero iba kasi ang katuwiran niya.

Ang mga katulad ni Randy ay hindi babagay kailanman sa isang katulad niya.

Paano niya nalaman?

Iyon ay dahil narin sa kasabihang experience is the best teacher. At iyon ang nangyari sa kaniya ilang taon na ang nakalilipas na nakapagturo sa kaniya ng maraming bagay tungkol sa buhay.

Nang marinig niya ang pagtikhim ni Randy bago ito nagsalita ay noon naman tila nakabalik sa kasalukuyan ang lumilipad na diwa ni Isla.

"Good afternoon, I know this meeting came unannounced. And since the restaurant is open we decided to divide you into two groups," simula ng boss nila.

Kinakabahan na nagpakawala ng isang banayad na buntong hininga si Isla.

“Maybe the news about management change has reached you? The reason that I asked for this meeting is to let you guys know that starting next week someone else will start to run this company. And---,"

Parang isang tao silang naglingunan sa gawi nang pintuan nang marinig nila ang magkakasunod na pagkatok mula roon.

"Sir, nandito na po siya," ang sekretarya ni Randy ang sumilip sa pintuan.

Noon tumango si Randy saka tumayo.

"Guys, I want to introduce to you all the new CEO of Festive, your new boss. Chef Vincent Del Carmen!”

Ang pangalang binanggit na iyon ni Randy ay nagmistulang dagundong ng malalakas na kulog sa pandinig ni Isla.

Napatayo siya na parang wala sa sariling katinuan habang nanlalamig ang buo niyang katawan. Sa isang iglap ay naramdaman niya ang tila ba biglang pagkipot ng silid na nagbigay ng dahilan sa kaniya upang mahirapan siyang huminga.

Alam niyang wala ng kulay ang kaniyang mukha, lalo nang mapuna niyang sa kaniya natuon ang paningin ng bagong dating sa paraan na tila ba inaasahan na nitong makikita siya nito doon. Masyado itong composed katulad ng dati, to the point na nakaka-intimidate.

Nanginginig ang mga tuhod niya maging ang buong katawan niya. Parang wala siya sa sarili niyang magkakasunod na lumunok. At ang sumunod na nangyari ay ang tuluyan na nga niyang pagbagsak dahil nawalan siya ng malay.

*****

SIX YEARS AGO...

"Bilisan mong kumain, matutulog na ako, ikaw na ang bahala sa mga ito, naiintindihan mo ba?" tanong-bilin sa kaniya ng madrastang si Aida sa karaniwan na nitong istriktang tono.

Isang taon narin ang matuling lumipas mula nang magsimulang magsama ang kaniyang ama na si Artemio at ang madrasta nga niyang si Aida.

"Sige po, Tita Aida," aniyang sinimulang kainin ang dalawang piraso ng tuyo na ibinigay sa kaniya ng kaniyang madrasta bilang kanyang hapunan.

Noon na lumabas ng kusina si Aida para matulog. Ang extension ng dirty kitchen ay ang maid's quarter kung saan siya mayroong sariling silid habang ang tatay niya at si Aida ay magkasama naman sa isang katabi ng okupado niya.

Katiwala ang Papa niyang si Artemio sa mansyon na iyon na pag-aari ng mga Del Carmen sa loob nang napakatagal nang panahon. At ang totoo pa, hindi niya tunay na ama si Artemio.

Dina ang pangalan ng nanay niya. Dati itong waitress sa isang club at ayon sa ama niya ay doon nito unang nakita ang kaniyang ina at noon rin ito unang umibig rito.

Pero dahil narin sa katotohanang alam nitong hindi nito kayang bigyan ng maganda at komportableng buhay ang kaniyang ina ay mas pinili nitong huwag aminin kay Dina ang tunay nitong nararamdaman. Kaya naman nang mamatay ang nanay niya dahil sa panganganak nito sa kaniya hindi nagdalawang isip si Artemio na kunin siya at ituring na parang isang tunay na anak. At iyon ang dahilan kung bakit hindi siya gusto ni Aida. Dahil iyon marahil sa nararamdaman nitong selos para sa kaniyang ina.

Nasa ganoong pag-iisip si Isla nang makarinig ng pamilyar na ingay ng sasakyan. Agad na lumukso ang kaniyang puso at hindi nagtagal ay pumasok na sa pintuan ng kusinang iyon ang pinakagwapong mukha na nasilayan niya sa buong buhay niya. Si Vincent iyon, ang nag-iisang anak nina Manuel at Ruby Del Carmen.

"Miss Beautiful! Good to see you here, hindi pa ako kumakain ng hapunan," ang masayang bati nito sa kanya habang maluwang ang pagkakangiti.

"Sige sir, ipagluluto ko kayo ng hapunan," si Isla na tumayo pero mabilis siyang nahawakan ni Vincent sa kanyang braso para pigilan.

Mabilis na naapektuhan si Isla sa mainit na palad ni Vincent hawak ang braso niya. Para iyong isang malakas na boltahe ng kuryente na lumaganap ng mabilis sa katawan niya at iyon ang naging dahilan ng pamumula ng mukha niya. Sa huli ay minabuti na lamang ng dalaga na bawiin ang kanyang kamay mula sa binata.

"Okay lang, ako na ang bahala sa hapunan ko. Alam ko naman na gutom na gutom ka. Teka, bakit niyan lang ang kinakain mo eh ang daming pagkain dito sa ref?" naitanong pa ni Vincent habang nakatitig sa dalawang piraso ng tuyo na nasa kanyang plato.

Mabilis na napalunok si Isla dahil sa tanong na iyon. "Okay lang sir, sanay naman na ako," sagot niyang tumawa pa ng mahina.

Paborito niya ang tuyo pero sa kabila noon siguro normal lang ang makaramdam ng pagkaumay lalo at iyon ang inuulam niya dalawa hanggang tatlong beses sa loob ng isang linggo.

Noon nangalatak si Vincent. "Sandalio lang, ipagluluto kita. Tingnan mo nga, dahil sa mga kinakain mo pumapayat ka na. Although bagay naman sa iyo kasi maganda ka naman talaga, dapat kumakain ka parin ng masustansya lalo na at nag-aaral ka," ang binata na sinimulang maghanda ng pagkain para sa kanilang dalawa.

Napangiti doon si Isla saka nahihiyang nagyuko ng kanyang ulo upang itago ang labis na pamumula ng kaniyang mukha.

Alam niyang mahilig magluto si Vincent at ang totoo ay masarap itong magluto. Pero dahil nga nag-iisang anak lamang ito, panigurado nang balang araw ay ito ang magmamana ng negosyo na itinayo ng mga magulang nito. At iyon ay related sa distribution ng mga high-end cars and motorbikes. Kaya naman business course ang kinukuha ngayon nito sa kolehiyo.

"Tapos na, halika dito, kumain na tayo," dahil nadala siya ng husto ng malalim niyang pag-iisip ay hindi na niya namalayang natapos na palang magluto ang binata.

"Pasta para sa hapunan, Pinoy pa ba tayo, sir?" tanong niyang natawa pa ng mahina nang simulan ni Vincent na lagyan ng pagkain ang kaniyang plato.

Well, nasabi niya iyon dahil ang totoo mahilig naman talagang kumain ng kanin ang mga Pinoy. At may mga pagkakataon na maging ang pasta ay nagagawa nilang ulamin at normal lang iyon.

Sandali munang tumingi sa kisame si Vincent, nag-isip. "Isla's pasta!" anitong nagpatawa na naman sa kaniya.

"Seryoso? Ano nga?" pamimilit ni Isla saka tinitigan ang maiitim na mga mata ni Vicent nang buong paghanga.

Totoong nahihigit palagi ang kaniyang paghinga tuwing tititigan at masisilayan niya ang mukha ni Vincent. Iyon ay dahil may something sa aura nito na talagang bumibighani sa kanya. Parang pinaghalo-halong Italian, Filipino at Arab ang karisma na mayroon ito.

At ang ngiti ni Vincent, para iyong may kapangayarihan na patigilin sa pag-ikot nito ang mundo. Ang totoo, ganoon ang talagang nangyayari sa kaniyang tuwing nginingitian siya ng binata.

Tumitigil sa pag-ikot ang kaniyang mundo tapos nawawala siya sa sarili niyang katinuan. Minsan nga literal pa niyang nahuhuli at sarili niyang nakanganga.

“I’m serious, I will be calling this Isla’s Pasta kasi naisipan ko talaga itong gawin ngayon lang, para sa'yo," nakita niya sa mga mata ni Vincent at naramdaman rin niya sa tono ng pananalita nito ang katotohanan sa sinabi ng lalaki. "Here," ilang sandali pa ay inilapit ni Vincent sa kanya ang tinidor nitong inikutan nito ng pasta.

Nanlaki ang mga mata ni Isla sa ikinilos na iyon ng lalaki. "A-Ano?"

Nang lumapad ng husto ang pagkakangiti ni Vincent ay nagkaroon na naman ng chance si Isla upang muling masilayan ang perpektong set ng mapuputing ngipin ng lalaki.

"Come on now," pamimilit nito. "Unless gusto mo akong mapahiya kasi ayaw mong tanggapin ang offer ko?" sa tono ng pananalita nito ay naramdaman ni Isla ang determinasyon kaya sa huli ay minabuti narin ng dalaga na pagbigyan ito.

“There you are, good girl,” anito nang sa wakas ay tanggapin niya ang pagkain sa tinidor nito ay bahagya pang kinurot ni Vincent ang tungki ng kaniyang ilong.

Namula ng husto ang mukha ni Isla dahil doon.

"Ngayon ako naman," noon napatitig si Isla kay Vincent, nagtatanong ang kaniyang mga mata.

“W-What?” sinubukan niya ang huwag matawa nang makitang nakanganga si Vincent.

“Aaaa…” ang binata na itinuro pa ang sarili nitong bibig.

“Come on!” si Vincent nang manatili siyang nakatitig rito.

Noon nagsimulang tumahip ang dibdib ni Isla. At sa nanginginig na mga kamay ay nilagyan niya ng pasta ang kaniyang tinidor saka iyon inilapit sa bibig ni Vincent.

Tinanggap ni Vincent ang pagkain nang may magandang ngiti sa mga labi. Nangingislap pa ang mga mata nito habang ngumunguya ng pagkain at hindi mauunawaan ni Isla kung bakit.

“Thank you for the wonderful dinner. I really enjoyed it,” wika ni Vincent na inabot ang kaniyang pisngi saka banayad na hinaplos ang sulok ng kaniyang labi gamit ang thumb finger nito.

Halos hindi humihinga si Isla nang mga sandaling iyon pero sinubukan niyang kumilos ng normal, kaya lang ay hindi naki-cooperate ang boses niya. "S-Salamat din po, sir," sagot niya.

Noong tumango si Vincent saka tumayo. “And by the way, just call me Vincent since I am not really that old with our three years age gap, what do you think?” ang napakalambing na winika ni Vincent na muli na namang nagpangiti kay Isla.

“If that’s what you want, Vince?” aniyang nahihiya pa.

“Much better, don’t worry, wala nang ibang pwede tumawag sa akin sa palayaw na iyan maliban sa iyo,” ang binatang malapad parin ang pagkakangiti saka siya kinindatan bago tumalikod sa kanya. "Night and sweet dreams!" dagdag pa nito habang naglalakad palayo.

Kaugnay na kabanata

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 3 “HER DEEPEST SECRET”

    "Ang swerte mo alam mo ba? At least ikaw nakikita mo siya araw-araw. Siguro hindi mo nararanasan ang ma-miss siya kasi sa isang mansyon lang kaya nakatira," ang kinikilig na winika ni April kinabukasan sa school at oras ng kanilang free time.Dahil sa scholarship na ipinagkaloob sa kaniya ng Del Carmen Foundation ay nakapag-aaral siya ngayon sa prestihiyosong eskwelahan na iyon sa kanilang bayan. Ang kailangan lamang niyang gawin ay i-maintain ang matataas na grades para maka-graduate sita sa kurso niyang AB-English kung saan nasa ikalawang taon na siya."Hindi naman madalas sa bahay si Vincent kasi palagi siyang nasa mga kaibigan niya," sagot ni Isla saka ipinagpatuloy ang pagpa-browse sa librong kinuha niya sa shelf.Noon napalabing nangalumbaba si April. "Hindi ba ang girlfriend niya ngayon ay yung reigning Miss University natin? Si Tanya. Ang swerte niya kasi napansin siya ni Vincent, tayo kaya, kailan niya mak

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 4 “A SURPRISE INVITATION”

    NANG gabing iyon, naghuhugas na ng mga platong pinagkainan si Isla nang marinig niya ang isang pamilyar na ugong ng sasakyan sa mismong garahe ng mansyon.Nagsimulang kumabog ang dibdib niya. Alam niyang gagamitin ni Vincent ang kitchen door kaya naman inihanda na niya ang kaniyang sarili para doon at hindi nga siya nagkamali.Agad na sa kanya natuon ang paningin ng binata nang makapasok ito ng kusina. Marahil dahil siyang mag-isa lamang ang naroroon kaya ganoon ang nagyari.“Sir, good evening,” ang nahihiya niyang bati sa binata saka ito pilit na nginitian.Narinig niya ang mahinang tawa na pinakawalan ni Vincent. "Sinabi ko naman sa iyo di ba, tawagin mo nalang akong Vincent, o kaya iyong nickname na ibinigay mo sa akin, kasi mas gusto ko iyon."Nang ngumiti ito ay noon naramdaman ni Isla ang mabilis na pagkawala ng sakit na nararamdaman niya kanina. Kaya sa huli ay hin

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 5 "SWEETHEART”

    "OH nasaan na ang baon mo?" tanong sa kaniya ni Vincent. Pareho silang nakaupo noon sa ilalim ng isang puno ng akasya na matatagpuan sa tagong bahagi ng unibersidad. Iyon ang paboritong lugar ni Isla. Tahimik kasi doon at bibihira ang mga estudyanteng nagpupunta roon. Sa madaling salita, kung kailangan niya ng privacy, doon niya iyon nakukuha. Ang isang pamilyar at mahiyaing ngiti ay pumunit sa mga labi ni Isla. "Nakakahiya kasi, hindi bagay ang baon ko dito sa mga pagkain na binili mo," sagot niya saka tipid na nginitian si Vincent. Noon nagsalubong ang magagandang kilay ni Vincent. At iyon ay dahil sa kanyang isinatinig. "Nakakahiya? No, okay lang sa akin iyon. Akin na ibigay mo sa akin iyan," pagkasabi niyon ay mabilis na kinuha ng binata mula sa kanya ang maliit niyang lunch box. "Wow, itlog na maalat at kamatis pala ang baon mo. Alam mo bang paborito ko ito?" compliment pa ng binata matapos nitong alisin an

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 6 “HER HEART'S DESIRE"

    “W-WHAT---,” Noon siya nilingon ni Vincent, seryoso ang aura na nakita niya sa mukha nito. "Nakikita ko kung paano ka niya tratuhin simula nang magsama sila ng tatay mo. Ganoon na ba kahirao ang magluto para hayaan ka niyang magbaon ng itlog na maalat at sardinas sa eskwelahan? Look, palaging puno ng pagkain ang ref, at para sa lahat ang lahat ng iyon. I’m sorry but it is not fair to treat you like that when your father has been very kind to her.” Naramdaman ni Isla ang pagpipigl ng galit na nasa tono ng pananalita ni Vincent, at nalungkot siya roon. Pero sa kabilang banda ay lihim parin niyang ipinagpapasalamat ang malasakit ng binata para sa kanya. Hindi nagtagal at minabuti ni Isla ang tumikhim. Pagkatapos ay pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib dahil sa mahaba at prangkang statement na iyon na nagmula kay Vincent na nang mga sandaling iyon ay ini-start na ang car engine. "Hayaan mo na iyon, ang totoo hin

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 7 "FIRST DANCE AND FIRST KISS" 

    NIYAYA siyang kumain ng dinner ni Vincent sa isang grill house matapos nilang mag-shopping. Ibinili kasi siya nito ng sapatos pagkatapos nilang magsimba kaya ganoon. At dahil gabi narin naman ay naunawaan na niya kung bakit ito nagpilit na kumain sila. Baka nagugutom na ito. Noon nakaramdam si Isla ng lihimna amusement para kay vincent. Katatapos lang nilang kumain noon nang bigla ay pumailanlang ang isang pamilyar na klasikong love song sa grill house na iyon. “Beautiful song, what do you think?” ani Vincent. Tumango si Isla bilang pagsang-ayon sa sinabing iyon ng binata. “Love Is All That Matters,” sagot niyang sinabi pa ang title ng kanta. “Let’s dance?” ang binata na bigla ay nakangiting tumayo. Matagal munang tinitigan ni Isla ang kasama nang may pagtataka bago siya nagbuka ng bibig para magsalita. “W-What?” awkward yes, pero dahil m

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 8 "COME WITH ME TONIGHT?"

    NAGKIBIT ng mga balikat niya si Isla dahil doon. "Close kami, as in super close," ang tanging naisagot niya. "Pasensya na pero hindi po ako naniniwala. Pero sigurado ako na sooner or later ay sasabihin mo rin sa amin ang totoo, hindi ba?" ang kinikilig na tanong- sagot sa kanya ni April. Noon nakagat ni Isla ang pang-ibaba niyang labi. "Actually last night..." "Ano?" si April ulit iyon, habang si Renz ay tinapunan siya ng isang naghihinalang tingin. Agad na parang naramdaman ni Isla ang mainit na labi ni Vincent habang hinahagkan siya. At iyon ang nagbigay sa kanya ng agarang epekto na naging dahilang ng matinding pamumula ng buo niyang mukha. "Bakit nagba-blush ka?" ang curious na tanong sa kanya ni April. “You had your first kiss, am I right?” Labis siyang ginulat ng tanong na iyon sa kanya ni Renz. Mabuti na lamang at hindi ito maingay sa pagkakataong ito.

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 9 "A SECRET PLACE"

    "SAAN tayo pupunta?" tanong ni Isla kay Vincent nang gabing iyon pagkatapos ng last subject niya. Isang magadang ngiti ang pumunit sa mga labi ni Vincent. “In a place where there will be no room for fear because it’s just you and me,” ang makahulugan nitong sagot sa kanya at pagkatapos ay binuhay ang engine ng sasakyan. Walang nakapa na kahit anong pwedeng sabihin si Isla kaya naman mabilis na nilamon ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Si Vincent ang bumasag ng katahimikang iyon. "Gusto mo bang makinig ng music?" tanong nito sa kanya. "Oo naman," sagot niya. Tumango si Vincent saka binuksan ang car stereo kung saan pumailanlang sang isang pamilyar na classic love song. Mabilis na naramdaman ni Isla ang pagbabago ng atmospere. Kasabay niyon ay ang tila ba mainit na damdamin na humaplos sa kanyang puso. Masaya siya sa nangyayari ngayon at

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 10 "LOVE IS LIKE THE HORIZON"

    “W-WHAT? Me as your wife?” ang hindi makapaniwalang sambit ni Isla matapos niyang marinig ang sinabing iyon ni Vincent. At dahil nga sa nagulat siya ay hindi narin niya napigilan ang sarili niya nang gustuhin niya pakawalan iyon mula sa mahigpit na pagkakayakap ng lalaki sa kanya. Noon din kasi ay tinitigan niya si Vincent nang tuwid sa mga mata nito. "Seryoso ka ba?" pagpapatuloy ni Isla. Noon pumunit ang isang tapat at matamis na ngiti sa mga labi ng binata. "Bakit? Sa tingin mo ba nagbibiro lang ako? Na gagawin kong biro ang tungkol sa bagay na ito?" Nanatiling speechless si Isla habang nakatitig kay Vincent. Hindi niya magawang hanapin ang tamang salita na pwede niyang sabihin. Kaya noon nagkaroon ng pagkakataon ang binata na muling kunin ang pagkakataon na sabihin ang iba pa nitong gusto na marinig niya. “What do you think is the reason why I kissed you last night? That I waited for you thi

Pinakabagong kabanata

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 57 "FOREVER AND ETERNITY 2"

    FIRST ROSE"HELLO Miss Beautiful!" nang abutan ni Vincent si Isla sa kusina kung saan abala ang huli sa paghuhugas ng plato. "Hi Sir Vince," iyon ang naging pagtugon sa kanya ng dalaga.Noon kumilos ang binata. Kumuha siya ng baso saka kumuha ng malamig na tubig mula sa refrigerator.“Malapit na ang Valentine’s Day ah. May date kana ba?” tanong niya habang nanatili siyang nakatitig sa magandang mukha ni Isla.Nahihiya siyang sinulyapan ni Isla saka tipid na ngumiti. “Wala, saka hindi ko naman iniisip ang mga ganyan sa ngayon. Wala akong time makipag-date,” sagot nito.Mabilis na umangat ang makakapal na kilay ni Vincent. “Talaga? Ibig sabihin ba nun eh walang nagbibigay ng regalo sa’yo tuwing Valentine’s Day?”“Meron, hindi ko lang tinatanggap kasi baka makita ng tatay ko. Kapag nangyari kasi iyon siguradong mapapagalitan ako,” paliwanag ni Isla sa kanya.Tumango si Vincent sa narinig. “Just in case ba anong klase ng regalo ang hindi mo matatanggihan?”Parang hindi makapaniwalang tum

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 56 "FOREVER AND ETERNITY 1"

    AFTER TWO YEARSHABANG karga ang dalawang taong gulang na anak ay nakangiting pinanonood ni Vincent ang asawang si Isla. Nang mga sandaling iyon ay abala sa paghahanda ng pagkain ang kanyang asawa sa ilalim ng malaking puno ng akasya. Sa punong iyon naroroon din ang kanilang tree house."Papa, it's really beautiful here,” wika ni Matthew na nang mga sandaling iyon ay tumakbo palapit sa kanya. Hawak nito ang isang bolang kanina pa nito pinaglalaruan.Hindi ito ang unang pagkakataong dinala nila si Matthew sa lugar na ito. Pero palagi ay ganito ang sinasabi ng anak niya.“Talaga? Kung ganoon ay gusto mo rin ba dito? Ikaw Julia, do you like it here too?” tanong niya kay Julia saka nanggigigil na hinalikan sa pisngi ang anak.Sa paglipas ng panahon ay lalong lumalaki ang pagkakahawid ni Isla sa kanilang anak. Kaya naman may mga pagkakataon na tuwing tinitingnan niya si Julia ay nagbabalik sa isipan niya noon unang beses na dalhin ni Artemio si Isla sa kanilang bahay.Bata pa siya noon. Ma

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 55 "SECOND BABY"

    TWO MONTHS LATERIYON na marahil ang pinakamaligayang araw sa buhay ni Isla. Ang maglakad sa aisle ng malaking simbahan habang suot ang isang maganda at kulay puting wedding gown. Kasama niya si Artemio na ngumiti sa kanya nang tingalain niya ito. Habang si Aida naman ay bahayang tinapik lang ang balikat niya. “Hello Miss Beautiful,” ani Vincent na matamis pang nakangiti. Napakagwapo nito sa suot na white three-piece suit. "And you are perfectly handsome," sagot naman ni Isla saka hinagod ng titig na may pagmamahal ang gwapong mukhang ng kanyang kabiyak. "Let's go?" nanatiling nakangiti pa rin si Vincent nang ialok nito sa kanya ang braso nito.Tumango si Isla saka kumapit sa braso ni Vincent at saka nagpatuloy sa paglalakad sa aisle palapit sa altar ng simbahan kung saan naghihintay sa kanila ang isang pari."Happy?" ang ibinulong na tanong sa kanya ni Vincent bago pa man magsimula ang kasal. "Very happy," totoo iyon. And the thought na pati ang menu ng kanilang kasal ay naga

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 54 "LOVE IS THE REASON"

    DALAWANG araw matapos ang usapan nilang iyon ni Ruby ay nagulat pa siya nang dumating ang tatay niyang si Artemio at tiyahing si Aida. Hindi rin niya napigilang maging emosyonal kaya mahigpit siyang niyang ni Vincent nang sabihin ni Manuel na sa mansyon na muling maninirahan ang mga ito.“Nagiging iyakin kana yata? Baka makasama iyan kay baby,” tuksong bulong pa ni Vincent sa kanya saka pinahid ng hintuturo nito ang butil ng kanyang mga luha.Napuno ng hindi maipaliwanag na tuwa ang dibdib niya nang sa harapan ng mga magulang nilang pareho ay hinalikan pa nito ang tungki ng kanya ilong.“Baby ka diyan?” kahit ang totoo ay gusto niyang itanong kung paano nito nasabi iyon gayon hindi pa naman niya nasasabi rito ang tungkol sa pagdadalantao niya.Tama buntis siya ng six weeks na sa ikalawang anak nila ni Vincent. Nakumpirma niya iyon sa mismong OB-Gyne na tumingin sa kanya dahil delayed ang menstruation niya ng ilang araw. Bukod pa sa bago iyon ay dumaan siya sa paggamit muna ng pregnanc

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 53 "HER MOTHER-IN-LAW"

    MADALING araw na nang hayaan siya ni Vincent na makatulog."Sleep, sweet dreams," anitong hinalikan siya sa noo pagkatapos.Walang kahit anong salitang isiniksik ni Isla ang sarili niya sa asawa na tinugon naman nito ng isang mahigpit na yakap.“Inubos ko ba ang lahat ng lakas mo, sweetheart?” ang narinig niyang tanong nito na kababakasan ng amusement.Agad na pinamulahan si Isla nang makuha niya ang ibig sabihin ni Vincent sa tanong nitong iyon. Kaya naman awtomatiko niya itong bahagyang naitulak palayo sa kanya.“Paano kapag sinabi kong oo?”Lumapad ang pagkakangiti ni Vincent matapos nitong marinig ang sinabi niya. “I’m sorry, hindi ko lang talaga mapigilan,” anitong tumawa pa ng mahina matapos ang huli nitong sinabi saka siya pilyong kinindatan.“Okay lang, sana naman na ako sa’yo,” aniyang hindi napigilan ang mapahagikhik dahil sa isinagot sa kanya ng asawa.“Really? Ano sa tingin mo? Kaya mo pa kaya ng isa pang round bago tayo matulog?” si Vincent nang pumatong ito sa kanya haba

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 52 "FIRST NIGHT AS A COUPLE"

    NARINIG nila ni Vincent ang paanan ng kama ng hindi namamalayan. Inihiga siya sa kama ng kanyang asawa habang patuloy pa rin ito sa malalim nitong paghalik sa kanya. Nang hilahin pababa ni Vincent ang suot niyang pajama bottom ay agad na naramdaman ni Isla ang pagsidhi ng pananabik na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi iyon ang unang pagkakataon na gagawa sila ng ganito ni Vincent. Subalit tuwing naiisip niya kung gaano kaligaya at kasarap ang alam niyang pwede at napipinto niyang maramdaman anumang sandali mula ngayon ay hindi niya mapigilan ang maghangad sa paraan na tila ba hindi na siya makapaghintay. “Kahit ano pa ang isuot mo walang problema iyon sa akin, sweetheat. Sa totoo lang ay hindi maaapektuhan ng mga telang nakabalot sa katawan ang tindi ng paghahangad na nararamdaman ko para sa iyo,” ani Vincent saka tuluyang hinila paibaba ang naglalabing tabing ng kanyang katawan. Ang pagkislap ng matinding paghanga sa mga mata ni Vincent ang agad na nakita ni I

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 51 "STANDOUT BEAUTY"

    “REALLY? Sinabi mo iyon, sweetheart?” amused na tanong sa kanya ni Vincent pagkatapos ay naupo.Noon namumula ang mukhang nilingon ni Isla ang kanyang asawa. “Ah, actually---.”“Isa ‘yung first kiss ninyong dalawa. Sobrang worried niya noon kasi hindi niya raw alam kung bakit mo siya hinalikan?” dagdag pa ni April habang nakatitig ito kay Vincent.“Iyon ang dahilan kung bakit ko siya sinabihan na kausapin ka. Kasi masyado siyang worried at talagang apektado,” paliwanag naman ni Renz.Noon naramdaman ni Isla na ginagap ni Vincent ang kamay niya. Dahilan upang mabilis na mabalot ng pananabik ang kaniyang puso at isipan. Habang sa kaniyang isipan ay parang nakikita niya sa kaniyang harapan ang lahat ng sinasabi ng mag-asawa. Sa huling naisip ay napangiti si Isla. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang dalawang ito ang nagkatuluyan.“Oo nga, alam mo kasi masyadong magaling magtago ng secret ang asawa mo, Vincent. Nagawa nga niyang kaming kumbinsihin na wala siyang kahit anong espesyal na f

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 50 "WEDDING DAY AND WEDDING GIFTS"

    NANG sumunod na araw, isang simpleng kasalan ang ginanap sa opisina ni Judge Arcega. Kasama ang mga magulang ni Vincent. Ang kanilang anak na si Matthew at maging sina Cherry at ang ina nitong si Selya ay naroroon din. Kapwa masayang masaya ang mga ito para sa kanya at kay Vincent. At dahil nga ipinangako niya sa lalaki na isusuot niya ang white dress na gustong-gustong nito, ganoon na nga ang ginawa ni Isla.“Congratulations,” ang umiiyak na bati sa kanya ni Cherry saka siya nito niyakap.Sinubukang kontrolin ni Isla ang sarili niyang emosyon at nagtagumpay naman siya doon.“Maraming salamat sa lahat. Mami-miss kita, pati na rin si Mama Selya,” aniya. Hanggang sa kalaunan nga ay napaiyak na rin siya. “Dadalawin namin kayo sa Maynila kapag may oras. Syempre naman hindi namin kayo makakalimutan, kaming dalawa ng inaanak mo,” aniyang nagpahid na rin ng kanya mga luha pagkatapos.“I wish you all the best. Kunin mo ang pagkakataong ito upang maging ganap ng maligaya sa piling niya. Alam k

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 49 "WALK IN CLOSET"

    “YOU’RE great. Sweetheart,” compliment ni Vincent sa kaniya makalipas ang ilang sandali.Isang proud na ngiti ang pumunit sa mga labi ni Isla dahil sa sinabing iyon ng binata. “I told you,” aniyang nagkibit pa ng mga balikat.Umangat ang sulok ng mga labi ni Vincent dahil doon. Makalipas ang ilang sandali ay kumilos ang binata saka binago ang kanilang posisyon. “Hindi mo kailangang gayahin ang kahit sino, Isla. Gusto at nababaliw ako sa lahat ng katangiang mayroon ka,” anito sa kanya saka siya idinapa sa ibabaw ng kama pagkatapos.Agad na naramdaman ni Isla ang tila ba nag-uunahang excitement sa kaniyang dibdib dahil sa ginawang iyon ni Vincent.“Sweetheart, I will enter you from behind, okay?” anitong mula sa kanyang likuran ay inabot ng halik ang kaniyang mga labi saka inangkin ang mga iyon sa napakapusok na paraan.Walang pag-aalinlangan tinugon ni Isla ang maiinit na halik ni Vincent sa mapusok rin na paraan na alam niya. Gusto niyang gisingin ang init at paghahangad sa bawat hima

DMCA.com Protection Status