Lauren's Point of View.As I watched the kids play afer a long training, I could say that they enjoyed their experience. Pero nagtataka kong tinitigan si Laze na blangko lang na tinitignan ang naglalaro na dalawang babae.His blank stare is not strange but intriguing, mapapaisip ka kung anong nasa isip niya o ano ang nararamdaman niya. Nang lingunin niya ako ay ngumiti ako. "You want chocolate?" Nakangiting sabi ko habang iwinawagayway ang lagayan.He blankly stared at me before nodding, kaya naman inabot ko 'yon sa kaniya at pinaupo siya sa tabi ko. "How's school Laze?" I asked curiously wondering if someone was bullying him."If I graduate elementary, I will study at city where lola and lolo's school stand." Mahinahon niyang sagot habang ngumunguya at ang dimple niya ay kusang lumulubog kahit 'di siya nakangiti."That's great, have fun while you're still young." I suggested, he looks so mature and handsome."Yes tita,” sagot niya lang.Habang tahimik ko silang pinanonood ay prente l
"Oh ayaw mo na dito?" Sa tanong niya ay padabog kong ibinaba ang baso na lalagyan ko sana ng tubig. "Hindi sa akin 'yan okay? I don't wear bracelet like that,” inis na sabi ko at umalis ng kusina, naramdaman ko naman ang pagsunod ng tingin niya kaya pumasok ako sa kwarto at tinitigan ang kama. Sumama ang tingin ko rito bago ko inalis ang comforter at bed sheets dahilan para ng makapasok siya ay nagtataka niya akong tinignan. "Kapapalit lang natin 3 days ago—" "I hate germs,” mariing sabi ko at inabot sa kaniya ang mga inalis kong punda ng unan at kama. "Do the laundry. Make sure it's clean, or else I'll let you sleep on the carpet." Banta ko at pumunta sa cabinet sa kung saan nandoon ang mga bagong bed sheets at comforter na makakapal. Kulay gray ang pinalit ko at tsaka ko inilagay 'yon on my own. Kinuha ko pa ang essential oil at inilagay sa purifier. "What's with the change?" Tanong ni Zai. "Wala, may hub kami mamaya with my friends." Derektang sabi ko. "Really? Anong
Hinayaan kong tumulo 'yon at napaluhang tinitigan si Shane na nagulat sa ginawa ko. "Pasalamat ka may anak ako," gigil na sabi ko ngunit natigilan ako ng may humawak sa nahiwa ko malapit sa pulsuhan at nag-aalala akong tinignan."Lauren." Pagtawag niya at nang magtama ang mata namin ay kusa na lang akong umiyak sa galit na nararamdaman.Kinuha niya ang panyo at ibinenda sa nahiwa kong sarili, huminga siya ng malalim at binigyan ng force ang hiwa upang mabawasan ang pagdugo nito. Ngunit bago pa 'yon ay hinawakan niya ang likod ng ulo ko at marahan akong inilapit sa dibdib niya.Pakiramdam ko ay mas naging emosyunal ako, ayoko sa ganito. May nagiging rason upang lumambot ako bukod sa anak ko, hindi ako iyakin, hindi ako mabilis masaktan pero dahil may yumayakap at pumapahid ng luha ko tuwing ganito ang nararamdaman ko ay pakiramdam ko ang hina hina ko.Habang ginagamot ni Zai ang sugat ko sa kwarto ay tahimik lang ako at hindi kumikibo, galit ako sobra. Galit na galit ako kay Shane gust
Nang lumingon ako ay wala na si Zai doon kaya sumunod ako sa kwarto ngunit ganoon na lang tumaas ang kilay ko ng matagpuan ko siya sa veranda at humihipak ng sigarilyo dahilan para sumunod ako doon.Hindi malaki ang veranda pero kasya naman ang dalawa, sinulyapan niya ako. "I am smoking, doon ka sa loob." Matipid na sabi niya kaya naman tinitigan ko siya."Put that off," utos ko ngunit hindi niya ako pinansin."Zai put that off." Gitil ko pa."Pumasok ka sa loob kung ayaw mo sa usok," seryosong sabi niya kaya pilit kong inagaw ang sigarilyo ngunit iniiwas niya hanggang sa bigla akong masinit."Aw.""Tsk, ano ba kasi pumasok ka na sa loob." Turan niya at inilagay sa paanan ang sigarilyo at pinatay."Bakit ka ba sigarilyo nang sigarilyo ha? May dulot ba sa kalusugan mo 'yan?" Inis na tanong ko ngunit hinarap niya ako."My health, my business." He stated before getting inside the room that made me sighed.Ang pasaway!Sumunod alo sa kaniya. "Stop smoking Zai, makakasama 'yan sa'yo." "I
Nakayakap ang isang kamay niya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang pagtigil ng hikbi niya at ang mabigat niyang paghinga na nagsasabing nakatulog na siya.Sinilip ko ang mukha niya kaya naman huminga ako ng malalim at kahit sa pagtulog niya ay may luha pa rin dahilan para bumuntong hininga ako at titigan siya."Don't worry," matipid na bulong ko at inayos ang higa niya at pagkakakumot bago ko hinawakan ang pisngi niya."I-I guess it's yours now, Zai,” mahinang bulong ko."I guess y-you already have my heart." "H-Hindi ko na kailangang pilitin na gawin 'yon dahil sa tingin ko nagkusa na yung puso kong gawin 'yon at hindi ako makapaniwalang pinipigilan ko pa dahil baka sa huli ay ako ang malugi." Kinakausap ko ang tulog na tulog ngayon dahil sa alak."Sana nga ay hindi mo biguin ang puso ko, dahil binigo ko ang puso mo ng maraming beses. Dahil natatakot akong mahalin ka, dahil pakiramdam ko s-sobra mo akong masasaktan Zai." Pinahid ko ang luha at hinalikan siya sa noo bago ako nahiga
After 15 minutes bumalik na siya at may dala-dala rin na 1.5 kilo of ice cream na nakalagay pa sa eleganteng lalagyanan kaya tumaas ang kilay ko.Here he goes again, spoiling his own daughter baka mamaya ubuhin na si Sierah kaka-ice cream. "Yeheey! Thank you daddy!" Yumakap pa si Sierah sa daddy niya nakita ko naman na masaya talaga ang dalawa.At dahil kumakain ang dalawa ay kumain na rin ako dahil cookies n' cream a ang flavor nito at aaminin ko na masarap nga naman talaga. "Mommy, okay na po ba talaga kayo ni daddy?" Sa tanong ni Sierah ay naiwan ko sa bibig ang kutsara.Agad rin naman akong umayos ng upo. "You don't have to worry naman about us—""We are not okay, anak,” natigil ako sa pagsagot ni Zai."Huh?""Why po daddy?" tanong ni Sierah."Because daddy is mad at mommy, okay?" Zai explained that made me gulped."But Kuya Laze told me that his parents go into fights too." Napalunok ako at nakinig lang sa usapan nila."Adults go on fights, and reconcile later." Mahinahon na sabi
Nasabi mo naman sa akin lahat, yung kay attorney tapos itong kay Zai ngayon. Pakiramdam ko lang ah, pakiramdam ko nagawa ka niyang balewalain at deadmahin kaya mas na-attract ka." Napalunok ako at umiling."Mas gusto mo yung lalakeng nagagawa kang deadmahin sa una, yung seryoso tignan, tulad na lang ng attorney na gusto mo napapansin ko na laging seryoso, astig ang fierce look." Natatawang kwento pa niya."Bahala ka nga diyan," wika ko na lang at naglakad na.Nang makarating sa ospital ay syempre dumeretso agad ako sa office ni Zai ngunit natigilan ako ng makapasok ay nandoon si Shane dahilan para matigilan ako."Damn you disturbed us," natigilan ako sa sinabi ni Shane at umalis sa pagkakaupo sa lap ni Zai dahilan para lumunok ako at pilit na hindi nagbigay ng violent reaction."I-I brought lunch," mahinang sabi ko at iniiwas ang tingin sa mata ni Zai tapos ay ibinaba ko ang lunch box.Akala ko ba tinigil na?Impossible, oo nga pala nang nakaraan lang yung hikaw at bracelet."Ano na?
Bago pa man ako mawalan ng balanse ay inakay na ako ni Zai sa bewang at dahil matangkad siya ay sinandal niya lang ako sa dibdib niya. "Don't grab someone's hair when you're drunk man, that's not how you act in this hub." Zai stated in monotone. "You're the husband?" Sumbat ng lalakeng nakainom rin. "Yeah. No one dare to lay a finger on my wife, wanna know why?" Mahinang sabi ni Zai at dahil sa malakas na music ay hindi kami napapansin. "I already did lay, not just a finger but also my dick." He crazily stated, nakakadiri naman 'tong lalake na 'to! Pumikit lang ako habang bahagyang nakayakap kay Zai, ang bango niya hindi ko aakalain na pupunta siya rito. Ngunit ganoon na lang nanlaki ang mata ko ng marinig ang tunog ng pistol na may silencer at dahil narinig ko na 'yon sa magulang ko at kapatid ay alam ko na. "You forced me,” mahinang sabi ni Zai at inakay ako ng normal papaalis doon, nang makalabas ng hub ay hindi na kami bumalik ang bag ko ay hindi ko na naisip. Hindi k
=ZIAN’S POINT OF VIEW= Pagkarating namin sa condo, hindi ko na inisip kung may makakakita sa akin habang buhat ko si Elvira. Mas importante siya kaysa sa kahit anong mapapansin ng iba. Binaba ko siya sa kama, pero hindi pa man ako nakakaupo nang lumayo siya sa akin. Niyakap niya ang sarili, nanginginig pa rin. “Elvira…” malalim akong huminga, pinipigilan ang sarili ko. “Sino? Sino ang kumuha sa’yo?” Hindi siya agad sumagot. Nakayuko lang siya, pilit na iniiwasan ang mga mata ko. “Elvira,” mas madiin kong tawag, pilit kong kinakalma ang boses ko. “Sinong gumawa nito sa’yo?” Nakita ko kung paano siya napalunok, kung paano siya bahagyang umatras sa kama na parang natatakot. Pero hindi siya sumagot. “Damn it, Elvira! Sabihin mo sa akin kung sino!” Sigaw ko, hindi na napigilan ang galit at takot ko. “Para mahuli ko, para masuklian ko ang ginawa nila sa’yo!” Sa halip na sumagot, napapikit siya at napailing. “Stop it,” mahina niyang sabi, halos hindi ko marinig. “Stop wh
=ZIAN’S POINT OF VIEW= “ELVIRA! ELVIRA!” Paulit-ulit kong isinisigaw ang pangalan niya, pero wala na. Naputol ang linya. Mabilis kong hinagilap ang susi ng sasakyan at halos patakbong lumabas ng condo. Wala akong pakialam kung sino ang mababangga ko. Putangina! May kumukuha sa kanya. At hindi ko alam kung saan sila pupunta. Habang nasa sasakyan, mabilis kong dinial ang isang numero sa phone. Hindi ako pwedeng maghintay lang. Hindi ako pwedeng walang gawin. “Trace a number for me. Now.” “Huh? Boss, anong number?” Binanggit ko ang number ni Elvira. Halos mabali ang daliri ko sa sobrang higpit ng hawak sa manibela. Damn it. Damn it! Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Kung anong ginawa ko sa kanya kanina, ngayon, mas matindi ang takot na nararamdaman ko. Dahil ngayon… Baka tuluyan ko na siyang mawala. =ELVIRA’S POINT OF VIEW= Ang bigat ng talukap ng mga mata ko, parang may bumabagsak na bakal sa katawan ko. Malamig ang paligid. Mabigat ang pag
=Elvira’s Point Of View= “Now, tell me everything! What is it? Why did you point your gun at me?” mariing kwestyon ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang cellphone at nasapo ang noo. “D-Does your father also borrow Clayn’s phone?” seryosong tanong ni Zian sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Oo, bakit? A-Ano ba kasi—” “This phone is used by the founder to call someone, from below…” paliwanag ni Zian kaya umawang ang labi ko. “So it’s either you, Clayn, or your dad…” Naestatwa ako sa seryoso niyang inasik, tila tumigil ang daloy ng dugo ko. “A-Ano?” nauutal na tanong ko. “H-Hindi ko maintin—” “Naiintindihan mo. Ayaw mo lang intindihin,” mariing sabi niya kaya nanghihina akong napayuko at nasapo ang mukha. ‘Kailan pa?’ “K-Kung kaya mo pa matulog sa isang bubong kasama ako, go ahead, but if you can’t stay and breathe the same air, leave.” Ang malamig niyang boses ay labis na sinaktan ang puso ko. Pinilit ko tumayo, inabot ko ang bag ko na nasa sahig. “I-I can’t,” mahinang
=Elvira’s Point Of View= A few weeks later, napapansin ko kung gaano kaabala si Zian sa projects na hawak niya. Hindi ko naman masyadong nakakamusta ang tungkol sa napag-usapan namin noon dahil busy rin ako sa trabaho. Gumaganda na rin ang kita ko kahit papaano, tumataas ang sahod at higit sa lahat dumarami na ang projects na nahahawakan ko. Mapamaliit man o malaki. Ngunit tila mas nagtaka ako nang isang araw ay tila lumayo ang loob ni Zian sa akin. Pansin ko ang mga pag-iwas niya sa hawak ko, at ang pagdikit sa akin ay tila nabawasan. Anong mali? Anong meron? Isang gabi ay maganda ang tapos ng trabaho ko kung kaya’t naisipan kong ayain sana siya matulog sa bahay namin ngunit… “Sa inyo? Okay lang ba kung sa condo ko na lang?” tanong niya. “P-Pwede naman,” mahinahon na sagot ko, pilit na dinedeadma ang tila may pagkamalamig niyang tugon. Nakakapagtaka… “Hmm, okay. Let’s go?” tanong niya kaya matipid akong ngumiti at sumama sa kanya. Humawak ako sa braso niya nang m
=Third Person’s Point Of View= Makalipas ang ilan pang mga araw ay sinimulan ni Zian ang misyon hagilapin ang nasa likod ng lahat ng mga ‘yon. “Dad, don’t you have any clue at all? I might need your help at this,” Zian said while facing his dad. “Hindi ko malaman kung anong cover ba ang gamit ng tao na ‘yon anak, but I’ll try to help you. Bakit ba tila desidido ka pala?” mahabang sabi ni Zai na ama ni Zian. Hindi kaagad nakasagot si Zian sa kanyang ama. “Elle caught me, dad…” Four words and Zian’s father was stunned, “Nahuli ka saan? Pambababae o sa—” “The second one, dad.” “Damn it,” pabulong na asik ni Zai sa kanyang anak at tila saglit na natulala sa kawalan. Hindi naman umimik si Zian, alam niyang hindi pa talaga dapat malaman ni Elle ang tungkol sa mga bagay na iyon dahil wala pang kasiguraduhan. “H-Hindi ka naman niya iniwan? Nagalit ba?” sabi ni Zai. Mariing napapikit si Zian bago sumagot, “Hindi naman ako iniwan dad, p-pero gusto niyang itigil ko ang ginagaw
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Dahil sa naging usapan namin ni Zian, sinubukan kong unawain ang mga paratang niya. Alam kong mahirap pero susubukan ko dahil mahal ko siya. Pero sana ay mapanindigan niya ang mga winika sa akin dahil kung hindi, saan aabot ang relasyon namin? Sa mga sumunod na araw, sinubukan kong gawing normal ang lahat—kahit pa alam kong may bumabagabag sa isip ko. Kahit alam kong sa bawat titig ko kay Zian, may parte sa akin ang gustong itanong muli kung tama bang manatili ako sa kanya. Pero mahal ko siya. At sinabi ko sa sarili kong susubukan kong intindihin ang mundong ginagalawan niya. “Hon, gusto mong magbakasyon?” bigla niyang tanong habang nasa loob kami ng sasakyan pauwi mula sa site. Napatingin ako sa kanya. “Ha?” Ngumiti siya habang nakatingin sa daan. “Napansin kong stress ka na masyado. Lalo na sa trabaho… at sa akin,” natatawa niyang sabi. “Kaya naisip ko, maybe it’s time to take a break.” Napataas ang kilay ko. “Ikaw mismo ang nagyayaya ng bakas
ELVIRA’S POINT OF VIEW. A day later… Napahinto ako nang pagbaba ko ng kwarto sa bahay namin ay natanaw ko si Zian na halatang hinihintay ako. ‘Handa na ba siyang makausap ako? Hindi ko na rin alam…’ “E-Elle,” mahinang tawag niya sa pangalan ko. “Mm?” tugon ko. “Let’s talk, please?” malumanay ang kanyang boses at may bahid ng pakikiusap. “Sa taas,” mahinang sabi ko at umakyat pabalik. Pagkapasok sa kwarto ko ay hinarap ko siya. Ngunit napahinto ako nang lumuhod siya sa harap ko. “Z-Zian?” “I’m not a normal person, Elle. I-I swear to God, I am not a normal person. I am different,” paliwanag niya. “Hindi ko alam kung paano sasabihin… It’s because you might find me scary,” pabulong na sabi niya. Napatitig ako sa kanya. Hindi makapaniwala. “P-Pumapatay ka t-talaga?” hindi makapaniwalang sabi ko. Napahinto siya at tila hindi alam kung saan titingin sa mga mata ko. Napatungo siya at nasapo ang noo. Hanggang sa tuluyan na akong mapahinto sa naging mabagal niyang pagtang
=Elvira’s Point Of View= Salubong ang kilay kong nakatitig sa computer expert habang magkakrus ang mga braso ko. Inaantay ang resulta ng cellphone ni Zian. “Matagal pa po ba?” naiinip kong kwestyon at hindi mapakali. Ramdam ko kasi ang kaba sa dibdib habang mas tumatagal ako dito. “30 mins pa,” sagot nito at panay ang pindot sa kanyang keyboard habang nakasaksak ang cellphone. Nang matapos ay inabot nito sa akin ang cellphone kaya naman agad kong kinalkal ‘yon ngunit natigilan ako nang makita na walang ibang mensahe na na-retrieve yung expert. Labis akong nakahinga ng maluwag not until i-back ko ang messages at makita ang usapan nila ng daddy niya. It made me curious… And nervous… Hindi ko napigilan lalo na nang magpop up ang ilan sa mga deleted messages… Halos sumikip ang dibdib ko sa nabasa. [CONVERSATION] Dad (Zai): Son, have you cleared the mission? Dad (Zai): Make sure it’s successful, so we don’t stress. Zian: What mission dad? I thought i’m all goods?
=Elvira’s Point Of View= And there’s Ms. Santos, making a scene. “She pushed me!” sabi niya habang kumpulan ang taong tumulong sa kanya. “Paano kita matutulak Ms. Santos? I’m way far from you,” sabi ko at tinaasan siya ng kilay. “You did it!” bulyaw niya kaya tinignan ako ng lahat. “Well, if you say so?” tugon ko. Later on, dumating si Zian at sinulyapan kaming dalawa. “What’s wrong here?” kwestyon niya at lumapit sa akin. “Ewan, tatanga-tanga siya ayon nadapa tapos biglang ibabato ang sisi sa akin na tinulak ko daw siya,” sagot ko at prenteng naupo sa office chair. “You really pushed me! Aminin mo na! Stop having everyone’s sympathy that you’re innocent!” sunod-sunod niyang sigaw. Napangiwi na lang ako. Siya naman talaga yung nagsisinungaling at hindi ako, isa pa siya kaya yung tinutukoy niya? Siya nga ‘tong nagbibintang eh. Siraulo talaga. “That’s enough,” awat ng iba, ngunit natigilan ako sa pahabol na sabi ng ilan sa mga mas matataas sa akin. “Engr. Monte