Share

Chapter 4

Isang araw akong nakatulala sa kwarto, ni kumain ay wala akong gana. Hanggang sa pasukin na ni Kent ang kwarto ko. “Lauren, may problema ka ba? Hindi ka pa daw kumakain sabi ni mommy.”

Napatitig ako sa mukha ni Kent, nang makalapit siya ay hindi ko napigilang mapayakap sa kanya ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang palad niya sa likuran ko na marahang tumatapik. “Anong problema?”

“W-Wala, m-masama lang talaga pakiramdam ko Kent.” Humiwalay ako sa yakap, inayos niya naman ang magulo kong buhok.

“Take a rest then, dadalhan na lang kita ng food,” malambing niyang sabi at inayos ang nagulo kong buhok. Nakokonsensya ko siyang nginitian.

“S-Salamat.”

Makalipas ang isang linggo ay papasok na ako ng kwarto ngunit nakarinig ako nang kung anong tunog doon sa loob. Nagmadali akong pumasok ngunit natigilan ako ng makita ko si Ate Mia na may hawak na papel.

‘Yon ang results ko sa ospital.

“A-Ate—”

“Y-You’re pregnant?” hindi makapaniwalang sabi niya at napaupo sa dulo ng kama ko.

“S-Si Kent ba ang ama? L-Lauren magkakapatid tayo. A-Ani na lang sasabihin ni mommy—”

“Anak! Bumaba na kayo ngayon may ina-anunsyo ako!” malakas na tawag ni mommy dahilan para ibaba ni Ate Mia ang papel at hawakan ang dalawang braso ko.

“We’ll talk later,” nagbabanta ang tinig na ‘yon bago niya ako hinila papunta sa baba.

Ngunit natigilan ako nang makita si Kent na nakangiti at katatapos lang yumakap kay mommy. “Mommy, ano ‘yon?” panimula ni Ate Mia.

“Kent talked to me three days ago, and I wanted to acknowledge the feelings he have for Lauren. I’m letting you both have your own will, I want you to be happy.” Labis na huminto ang mundo ko sa winika ni mommy.

Tangina..

Mas kinain ako ng konsensya sa loob ko. Tila nakahinga naman ng maluwag si Ate Mia. “Be thankful that mom allowed both of you, jusko. Sabihin mo na rin sa kanila ang balita,” nakangiting sabi ni Ate Mia dahilan para mapahinto ako.

No, hindi pwede. H-Hindi si Kent ang ama ng bata na ito.

Nang lumapit si Kent sa akin at yumakap ay naluha na lang ako basta-basta. “Announce it, Lauren. I’m excited!” masayang sabi ni Ate Mia dahilan para mas maiyak ako.

“A-Ano ba ‘yon?” tanong ni Kent at tinitigan ako.

“P-Pwede po bang makausap si Kent?” paalam ko, ngumiti si Kent at hinawakan ang kamay ko. Tinangay niya ako pataas at masaya niya akong hinarap.

“Hmm? Ano ‘yon? Tell me, masaya ka ba na pinayagan tayo ng magulang natin?” nakangiting sabi niya ngunit nanghina ang tuhod ko at napaupo na lang ako sa kama.

“L-Lauren?” kwestyon ni Kent.

Tumayo ako at kinuha ang mga resulta, nang i-abot ko ‘yon sa kanya ay napatigil siya at tinitigan ang mga papel.

Saglit na nangunot ang noo niya, napahawak siya sa labi niya at huminga ng malalim. “W-What’s this?” mahinahon niyang sabi.

“A-Ano ‘to, Lauren?” pag-uulit ni Kent at tinuro ang papel. Hindi pa yata nag-sink in sa utak niya ang mga nabasa.

Sunod-Sunod na tumulo ang luha ko sa harapan niya. “S-Sorry, h-hindi ko sinasadya—”

“W-What the fuck? H-Hindi sinasadya? P-Prank ba ‘to?” sabi niya at muling binasa ang papel.

“Positive? 2 weeks pregnant? W-Wala namang nangyari sa atin Lauren?” naguguluhan niyang sabi at napaupo sa gilid ng kama.

“S-Sabi rin ni Kuya Zai malabo ka daw magka-anak— t-teka lang,” mahinahon niyang sabi at nasapo ang noo.

“B-Buntis ako Kent, h-hindi ikaw ang ama—”

“Ahh, prank ‘to ‘no?” nakangiting sabi niya. Napailing ako dahilan para ilibot niya ang paningin sa paligid.

“S-Seryoso ‘to!” malakas na sabi ko dahilan para matigilan siya. Matagal na napatitig sa akin.

Umawang ang labi niya at napaluhod sa harapan ko. “T-This is fucking hilarious,” nakangisi niyang sabi ngunit napaiwas tingin nang maluha.

“Tell me who’s the father?” mariing sabi niya ngunit hindi ko magawang sirain ang samahan nila ni Zai.

O-Okay nang ako lang.

“H-Hindi ko alam Kent, h-hindi ko alam. I was drunk,” mahinang sagot ko.

“P-Putangina,” mariing sabi niya.

Halos humabol ang mata ko nang makita ko si Kent na naglakad ng mabilis upang makalabas sa kwarto ko dahilan para mapayuko ako sa sariling tuhod at doon umiyak nang umiyak.

Hanggang sa makalipas ang sampung minuto ay pumasok si Ate Mia, nanlilisik ang mga mata at nang makalapit sa akin ay nasapo ko ang pisngi sa malakas niyang sampal.

Our parents immediately intervene, “Mia!” sita nila ngunit hindi maawat si Ate Mia sa paghangos.

“A-Ang kapal ng mukha mo, Lauren!” bulyaw niya.

“N-Nagpabuntis ka sa iba? Ha?! A-Ang saya-saya ng kapatid ko tapos ginagago mo na pala?!” Wala akong naging laban kundi aawat si daddy ay mabubogbog ako.

“Mia! That’s enough! Buntis ang kapatid mo!” awat ni mommy ngunit panay hikbi lang ako.

“No mommy! Kapatid? Simula ngayon si Kent na lang ang kapatid ko! Nagtiwala ako sa babaeng ‘yan! N-Namumuro na siya!” bulyaw ni Ate Mia at halos ibato sa akin ang hawak niyang cellphone.

“L-Lumayas ka sa pamamahay na ‘to! Mana ka sa tunay mong ina! Malandi!” Labis akong nasaktan sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala na kahit sarili kong ate ay tatalikuran ako.

Hindi ko naman siya masisi.

“Aakuhin ni Kent ‘yan? Tangina! Hindi ako papayag! Hinding hindi ako papayag!” bulyaw pa niya hanggang sa hilain na siya ni daddy papalabas at si mommy ang humawak sa akin.

“Anak, are you okay? You h-have a problem on your— no that’s not the case. Is the baby okay?” Nanghihina akong yumakap kay mommy sa kanyang pangangamusta.

Hindi ko man siya tunay na ina ngunit mas naging nanay pa siya sa akin kumpara sa totoo kong nanay. Pantay ang pagmamahal niya sa aming tatlo, hindi siya nagkulang.

“M-Mommy, I-I’m sorry.” Malakas akong humagulgol sa kanyang dibdib na parang bata.

“I-It’s okay anak, don’t be sorry— nandito lang si mommy okay?” pagpapagaan niya ng loob ko.

“N-Nasaktan ko po si Kent m-mommy—”

“Yes, I know, anak. You might have hurt him, okay? Pero sa ngayon mas mahalaga ang dinadala mo. M-Magpahinga ka na, baka napano pa kayo ng baby mo. Nandito lang si mommy, s-sabihan mo ako kapag kailangan mo ako ha?” Inayos niya ang buhok ko.

Ni hindi na siya nagtanong pa, basta ay pinahiga niya ako sa kama at kinumutan. “Rest up, I’ll be back later. Okay?” Pinahid pa ni mommy ang luha ko dahilan para pumikit na lang ako.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fyang
masaya na sana kayo, bakit no kasi pinuputok sa loob.....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status