Happyy reading! What’s your guess everyone? Sino ang kontrabida? Hmm
Pagkatapos no'n ay pagkalabas namin ng hotel nandito na rin si Kuya Luke at Ate Mia na nakasuot pa ng hospital scrub at coat. "I'll ask Jami what happened," nauubusang pasensya ni Ate Mia kaya nasapo ko ang noo dahil sa pag-aalala sa anak. "I-I can't lose another kid," mariing sabi ko. Narinig kong bumuntong hininga si Zai. "I don't want you to come with us," nalingon ko si Zai at masamang tignan. "Anak ko yung nandoon! Papaanong hindi ako sasama ha? Nag-iisip ka ba?" I tried to stay calm pero nag-aalala talaga ako dahil hindi ko kaya ang ganitong sitwasyon. "Sige, anong maitutulong mo doon? What if you made it more worst because of your temper?" Sumbat niya kaya galit na galit ko siyang tinignan. "Stop making me mad Zai, you better take me with you dahil pag napahamak na naman ang isa sa anak natin hinding hindi ka na makakatulog pa ng maayos." Banta ko at tsaka pinagkrus ang braso ko. "Guys please stop arguing, nasa kalaban ang anak natin kaya walang mangyayari kung
"Kakaiba ka gumanti, pinagtataka ko talaga kung papaano mo nagawang hanapin ang system ng video and pictures. Are you that great?" Kwestyon ng lalake, silang dalawa lang ang nag-uusap. "Lauren, hindi mo pa din ba talaga naalala ang ginawa namin sa'yo? Hindi ka ba nagtataka kung bakit gabi gabing wala ang asawa mo?" Ngumisi ako sa sinabi nila. "Mukha bang may pakialam pa ako sa ginawa niyo sa akin noon? You made those jerk rape me while you're having fun. Papaano kung sa anak mo nangyari 'yon?" Sumbat ko na ikinatigil nito ngunit nakakaloko siyang tumawa. "Papaano rin kung sabihin ko sa'yong papaano kung sa anak mo rin nangyari 'yon?" Sa sinabi niya ay kusang kumuyom ang kamao ko. "Natakot ka ata?" Asar nito. "Can I hold your gun Zai?" Tanong ko habang nakalahad ang kamay ko. "Sa totoo lang pag nangyari 'yon? Wala na akong pakialam sa buhay ko basta mapatay lang kita. Sa tingin mo ba mapapaniwala mo akong ikaw ang mastermind nito?" Sumbat ko. "Kumalma ka," bulong ni
"Yeah, I am a liar. Hindi ko naman itinatanggi but I never cheated." He looked away, then stared at me sharply. "I gave you a chance before right? You didn't tell me the truth, you lied." Sumbat ko muli, wala namang magawa sila Ate Mia kundi iiwas ang tingin sa amin. "Hanapin niyo muna yung bata," wika ni Kuya Luke. "Kung panay kayo sisihan walang mangyayari," he added. The operation of finding my daughter happened, not until it was 1 week already and she's not found yet. Natatakot ako, sa totoo lang natatakot ako sa maaring mangyari sa kaniya. "Buhay siya, nararamdaman ko." Gitil ni Zai. Bumalik kami sa isla dahil sa akin, napunta ako sa ospital dahil sa sobrang dehydration. Naka-swero ako ngayon at medyo lumakas lakas na hanggang sa pepwede na akong umuwi, inuwi muna ako ni Zai sa hotel room. "Babalik muna ako sa isla—" "Sasama ako," wika ko agad. "Lauren pabigat ka eh, please lang maiwan ka na dito ako na ang hahanap sa anak natin." Sinamaan ko siya ng tingin. "Ana
"Galit ka? Ganoon rin ang naramdaman ko ng ahasin mo sa akin ang asawa ko Shane. Ang asawa ko," mariing sabi ko I was about to face my back but then she grabbed my elbows and forcefully pulled me to face her. "You'll regret every word you said, trust me." Blangko ko siyang tinitigan at tsaka ko binawi ang braso ngunit ibinaon niya ang kuko doon dahilan para hawakan ko siya sa braso at pisilin 'yon ng sobrang higpit. "Hindi ko alam kung gaano ka kalupit, pero sana alam mo kung saang pamilya ako lumaki Shane." Kitang kita ko sa mukha niya ang sakit dahil sa ginawa ko, "Pamilyang hindi mo nanaisin makalaban." Banta ko at itinulak siya ng malakas dahilan para sumalampak sa buhangin. "Tama 'yan! Ipursige mo ang divorce niyo, sa huli ikaw rin ang magmamasid dahil sa katangahan mo!" Galit na galit niyang sigaw kaya kumuyom ang kamao ko at nilingon siya. "Si Zai ba?" Kwestyon ko, "'Yang lalake na 'yan ang ipinaglalaban mo? You think he's worth it? You think you're lucky because you
Lauren's Point of View. Nasapo ko ang noo dahil sa init sa labas ng hotel, bumili lang ako ng sanitary pads dahil wala rin akong stocks. Dumeretso ako sa kwarto ngunit kusa rin akong natigilan ng makita si Zai na nakatayo habang busy sa kausap sa cellphone. Ngunit kusa akong nagtaka ng makita ang hubad niyang taas pero hindi dahil sa malaki ang katawan niya ang ikinatigil ko, kundi sa mga sugat at peklat na nandoon. Anong nangyari? "Zai." Tawag ko habang nakatitig sa likuran niya, nang lumingon siya ay narinig ko ang malutong niyang mura at mabilis na nagbihis. Ngunit hindi maalis sa katawan niya ang tingin ko. "I'll talk to you later." Paalam niya sa kabilang linya at tila kinakabahan ako na tinitigan. "A-Ano yung nasa l-likod mo?" Bumilis ang tibok ng puso ko ngunit ngumiti siya sa akin, umiling siya at nanatiling nakatitig sa akin. "You got home? Akala ko nandoon ka sa bahay nila Mia." Napaiwas tingin ako at tsaka tumango. Pilit kong binalewala 'yon. Kailan niya nakuha 'yon?
"Oh Lauren." Tugon niya at inabot sa akin ang kaninang nilapag niya, tumaas ang kilay ko at tinignan 'yon. "Ano 'yan?" Tanong ko. "Para sa'yo natural." Ngiwing sagot niya. "Excuse me, charles." Sinundan ko ng tingin si Zai ng maglakad siya sa harapan namin. "Bakit?" Nagtatakang tanong ni Charles. "That's my seat, pwede kang maupo doon." Itinuro ni Zai ang kaharap kong silya kaya naman nahihiyang lumipat si Charles doon, ang gaga talaga ni Zai nakakahiya. "What do you do for a living?" Tanong ni Zai kay Charles kaya pasimple kong siniko si Zai. "Uhm I'm a doctor, and I'm a college professor in medicine. Ikaw ba? Are you a singer? Uhm DJ?" Napalunok ako sa balik tanong ni Charles, nako huwag ganiyan baka maging toro kayong dalawa. "I'm also a doctor," wika ni Zai. Nilingon ko siya at tsaka ko nakita ang pag galaw ng panga niya mukhang napipikon si Zai. "Uh doctor, pediatrician? Dentist?" Halos manlaki ang mata ko sa pagiging sarcastic ni Charles. Didn't expect
Habang sumasayaw ay nagbago ang music and to my surprise it's Stereo Hearts one of my favorite. My heart's a stereo It beats for you so listen close Hear my thoughts in every note Make me your radio Turn me up when you feel low This melody was meant for you Just sing along to my stereo We continued dancing while laughing, dahil sa corny jokes niya. Ngunit kusa kaming natigilan ng may kumuha ng kamay ko at hilain ako papalapit sa kaniya, kusang umawang ang labi ko dahil si Zai na ang nasa narapan ko. Napalunok ako ng simulan niyang sabayan ang kanta na naririnig ko. "I only pray you never leave me behind, because good music can be so hard to find." Mas matangkad siya kay Charles kaya mas napatingala ako. Kinakantahan niya ba ako? "I take your head and pull it closer to mine," I swallowed hard when he made me rest on his chest so I could hear those beats. "Thought love was dead and now your changing my mind. My heart a stereo it beats for you so lis
Habang naglalakad ay kusa kong napigil ang sariling gumawa ng ingay ng marinig ko ang dalawang pamilyar na tinig. "I now remember where I saw you," wika ni Charles kaya lumunok ako at nanatili sa pwesto ko. "Where?" Sagot ni Zai. "In front of Lauren's condo, I saw you three times staring and waiting for her to get home." Natigilan ako sa narinig, si Zai pumunta ng Cebu? K-Kailan? "Am I not allowed to check if my wife is doing fine?" Sumbat ni Zai, bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig siguro naman hindi sila magsasapakan 'no? "You broke her heart, ano pa't babalikan mo siya? Pinalipas mo muna ang ilang buwan bago mo siya babawiin?" Halatang mainit ang ulo ni Charles dahil na rin siguro sa alak. "Lol, is that your problem?" Kwestyon ni Zai nababahidan ng sarkasmo. "Oo, kasi ng sinaktan mo siya—" "My wife, my business. We're both hurt and you don't have the right to decide about us. I am his legal husband." Ngumiwi ako at tsaka napaisip, kaya ba wala sila sa loo
=Elvira’s Point Of View= Salubong ang kilay kong nakatitig sa computer expert habang magkakrus ang mga braso ko. Inaantay ang resulta ng cellphone ni Zian. “Matagal pa po ba?” naiinip kong kwestyon at hindi mapakali. Ramdam ko kasi ang kaba sa dibdib habang mas tumatagal ako dito. “30 mins pa,” sagot nito at panay ang pindot sa kanyang keyboard habang nakasaksak ang cellphone. Nang matapos ay inabot nito sa akin ang cellphone kaya naman agad kong kinalkal ‘yon ngunit natigilan ako nang makita na walang ibang mensahe na na-retrieve yung expert. Labis akong nakahinga ng maluwag not until i-back ko ang messages at makita ang usapan nila ng daddy niya. It made me curious… And nervous… Hindi ko napigilan lalo na nang magpop up ang ilan sa mga deleted messages… Halos sumikip ang dibdib ko sa nabasa. [CONVERSATION] Dad (Zai): Son, have you cleared the mission? Dad (Zai): Make sure it’s successful, so we don’t stress. Zian: What mission dad? I thought i’m all goods?
=Elvira’s Point Of View= And there’s Ms. Santos, making a scene. “She pushed me!” sabi niya habang kumpulan ang taong tumulong sa kanya. “Paano kita matutulak Ms. Santos? I’m way far from you,” sabi ko at tinaasan siya ng kilay. “You did it!” bulyaw niya kaya tinignan ako ng lahat. “Well, if you say so?” tugon ko. Later on, dumating si Zian at sinulyapan kaming dalawa. “What’s wrong here?” kwestyon niya at lumapit sa akin. “Ewan, tatanga-tanga siya ayon nadapa tapos biglang ibabato ang sisi sa akin na tinulak ko daw siya,” sagot ko at prenteng naupo sa office chair. “You really pushed me! Aminin mo na! Stop having everyone’s sympathy that you’re innocent!” sunod-sunod niyang sigaw. Napangiwi na lang ako. Siya naman talaga yung nagsisinungaling at hindi ako, isa pa siya kaya yung tinutukoy niya? Siya nga ‘tong nagbibintang eh. Siraulo talaga. “That’s enough,” awat ng iba, ngunit natigilan ako sa pahabol na sabi ng ilan sa mga mas matataas sa akin. “Engr. Monte
=Elvira’s Point Of View= Wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Ayoko nang patagalin pa ang usapan. Habang nasa elevator kami, tahimik lang akong nakatayo sa tabi niya. Nararamdaman ko ang mga tingin niya, pero ni hindi ko man lang siya nilingon. “Hon…” muli niyang bungad nang makasakay kami sa kotse. “Zian, please. Huwag mo akong kausapin,” pigil ko, idinirekta ang tingin sa bintana habang nagmamaneho siya. Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin, pero buti na lang at pinili niyang manahimik. ** Pagdating sa bahay, agad akong bumaba ng kotse bago pa siya makapag-park nang maayos. Tumawag pa siya sa akin, pero hindi ko na siya nilingon. Diretso akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pinto, doon ko na lang ibinuhos ang inis ko. Sinipa ko ang gilid ng kama at mariing napasapo sa noo. “Anong gagawin ko?” bulong ko sa sarili ko habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang text ni Ms. Santos. Naalala ko ang malanding ngiti ng babaeng iyon noo
=Elvira’s Point Of View= Pagdating namin sa condo ni Zian, agad siyang nagbukas ng ilaw at inilapag ang dala niyang mga gamit sa lamesa. Pamilyar na sa akin ang lugar na iyon dahil ilang beses na rin akong nakapunta roon. Simple lang ang interior design ng condo—modern pero hindi masyadong sosyalin. Pero kahit ganoon, ramdam mo ang presensya ni Zian sa bawat sulok ng unit. “Gusto mo ng coffee?” tanong niya habang naglalakad patungo sa kitchen area. “Hindi na. Gusto ko na lang magpahinga,” sagot ko habang hinubad ang heels ko at naupo sa sofa. Sumilip siya mula sa kitchen, hawak ang tasa ng tubig. “Pagod ka ba? Ang aga pa ah, usually energetic ka pa sa ganitong oras.” “Tsk, ikaw kasi eh. Yung meeting kanina, nakakastress. Lalo na si Ms. Santos, parang gusto akong lamunin ng buhay,” sagot ko habang hinilot ang mga paa kong medyo sumasakit na. Lumapit siya sa akin, iniwan ang hawak na tasa sa center table, at umupo sa tabi ko. Walang sabi-sabi, kinuha niya ang isang paa ko at m
=Elvira’s Point Of View= Pagkabalik ni Zian sa office ay sinalubong ko siya. “Oh, glad you didn’t left, yet. I have something to discuss,” kalmadong sabi ni Zian at hinarap ako. “Ano?” bungad ko. Kinain kaagad ako ng kuryosidad ko sa bungad niya. May ‘glad’ eh. “I tried to have you in my project, but the CEO allowed you to take part but only for a week and 3 days. In short, we’ll be together for 10 days.” “Oh?” gulat na sabi ko. “Syempre, Garcia yata ‘to, hon?” mayabang niyang sabi kaya napangiti ako. “Did you pull some strings?” gulat na sabi ko. Nanlaki ang mata niya. “Syempre hindi! Honey naman, nakiusap kaya ako. Sabi ko pa hindi ko kaya mag-isa pero kaya naman, gusto ko lang nakikita ka palagi.” “Daming paliwanag ah?” asar ko. “You’ll sleep on my condo, tonight?” pag-iiba niya ng usapan kaya tumango ako. “Then should we break the bed?” he whispered, may halong landi ang kanyang tono. Tumaas ang kilay ko. “Am I your bed warmer Ian Zachary?” pagbibiro ko na iki
=Elvira’s Point Of View= Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang insidenteng iyon. Alam ko naman na siguro, kahit papaano ay hindi na maulit pa ‘yon. Pupunta ako sa site na pinagtatrabahuan ni Zian. Magkahiwalay na naman kasi kami ng project na hawak. Dala-dala ko ang favorite lunch niya ay pinasok ko ang site. “Si Zian?” bungad ko. “Nasa office niya po engineer,” sagot ng isa sa mga kasamahan niya kaya pumunta ako doon. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay napahinto ako nang makita ang isang babae na kaharap niya. Ngunit napansin ko rin ang kakaibang titig ng babae kay Zian. Siguro ay ito ang kliyente niya dahil mukhang mayaman manamit. I knocked on the slightly opened door at doon ko nakuha ang atensyon nilang dalawa. “Come in, Elle.” Nilapitan ko si Zian at inilapag ang kanyang pagkain. “Lalabas rin muna ako, may meeting ka pa naman—” “No, I actually need you here. Since the client is requesting this, can you check the blueprint?” mahinahon na sabi ni Zian at inabot s
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka
Zian’s Point of View Habang pinapanood ko si Elle at ang kapatid niyang si Clayn, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Malaki ang posibilidad na ang galit ng mga gumawa nito ay hindi lang nakatuon sa pamilya niya, kundi pati sa akin. “Dad, I need you to check something,” bulong ko habang lumapit sa ama ko. Tumango siya, alam na may malalim akong pinaplano. “Anak, siguraduhin mong hindi ka masyadong madadala ng emosyon. Alam mo kung gaano kahirap kapag pinairal mo ‘yon.” “Dad, this isn’t about emotions. This is about survival,” sagot ko, matigas ang boses. “Hindi ko hahayaang ulitin nila ito kay Elle o kay Clayn.” Tumango ang daddy ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Alam niyang hindi ko basta-bastang hahayaang matapos ito nang hindi sila nagbabayad. Elvira’s Point of View Habang nakatingin ako kay Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang mayabang at makulit na Zian na nakilala ko, pero ngayon, iba na ang aura niya. Para siyang
Zian’s Point of View “Kung gusto mong iligtas ang batang ito, simple lang ang usapan,” sabi ng lider. “Lumuhod ka at aminin mong natalo ka.” Napangiti ako nang bahagya. “I don’t think so.” Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis kong hinugot ang baril mula sa likod ko at pinaputukan ang pinakamalapit sa kanya. Bagsak ang isa sa mga tauhan niya bago pa sila makapag-react. “Putang ina! Barilin siya!” sigaw ng lider. Nagkagulo ang lahat. Ginamit ko ang mga haligi ng warehouse bilang cover habang nagpaputok ako pabalik sa kanila. Isa-isa kong tinarget ang mga tauhan niya hanggang sa natira na lang ang lider. “Please! Don’t kill me!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ni Clayn. “Pakawalan mo siya,” utos ko, ang baril ko’y nakatutok sa kanya. “Pakiusap—” Walang pag-aalinlangan, pinaputukan ko ang kamay niyang may hawak kay Clayn. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kapatid ni Elle. Elvira’s Point of View Tumakbo ako papasok nang makita kong ligtas na si Clayn. “