Use your wildcard Zai... Nang matauhan si Lauren 😭
Habang naglalakad ay kusa kong napigil ang sariling gumawa ng ingay ng marinig ko ang dalawang pamilyar na tinig. "I now remember where I saw you," wika ni Charles kaya lumunok ako at nanatili sa pwesto ko. "Where?" Sagot ni Zai. "In front of Lauren's condo, I saw you three times staring and waiting for her to get home." Natigilan ako sa narinig, si Zai pumunta ng Cebu? K-Kailan? "Am I not allowed to check if my wife is doing fine?" Sumbat ni Zai, bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig siguro naman hindi sila magsasapakan 'no? "You broke her heart, ano pa't babalikan mo siya? Pinalipas mo muna ang ilang buwan bago mo siya babawiin?" Halatang mainit ang ulo ni Charles dahil na rin siguro sa alak. "Lol, is that your problem?" Kwestyon ni Zai nababahidan ng sarkasmo. "Oo, kasi ng sinaktan mo siya—" "My wife, my business. We're both hurt and you don't have the right to decide about us. I am his legal husband." Ngumiwi ako at tsaka napaisip, kaya ba wala sila sa loo
"A-Ang mahal naman." Hindi ko pinansin ang isang sinabi niya, sinadya ko. "Love me, and you'll have it for free. Be wise Mrs.Garcia." Nakangising sabi niya dahilan para irapan ko siya. "Wala na bang ibababa yung 120 million mo?" Kwestyon ko. "Wala na," ngising sabi niya. "Love me, you can have my hub and I'll give you one of my malls." Seryoso ko siyang tinignan at kulang na lang ay sipain ko na naman siya pero nagpigil ako. "Hindi kita mamahalin ulit, hindi madali." Inis na sabi ko. "Edi 120 million," sagot niya at pinagkrus ang braso kaya umirap ako. Pag kinuha ko yung binibigay nila Mommy Miyu at Daddy Vince na company branch more than 120 million ang makukuha ko pero hindi eh, mali 'yon those companies are supposed to be for Sandoval and Binez only hindi naman nila ako totoong anak. Nang makalabas mg elevator ay binuksan ni Zai ang tinutuluyan namin. "Give me your choice, sobrang daling piliin ako." Umawang ang labi ko at hinampas sa kaniya ang pouch ko. "Panay ka
Napatitig ako kay Aji ng pilit niyang ibuka ang bibig ngunit walang salita na lumalabas, at halatang naiirita siya na hindi masabi ang gustong sabihin kaya naman tinulungan siya ni Zai na makaupo, nang makasandal siya ay tinignan niya ako kaya naman nang matipid niya akong ngitian ay yumakap ako kaagad sa kaniya. "Damn you, a-ano bang nangyari sa'yo ha? B-Bakit ang tagal mo magising." Para akong tanga na umiiyak ngunit mahina siyang tumawa, dahan dahan niyang hinagod ang buhok ko. "H-Hindi ka makapagsalita pero nakakatawa ka, ang plastic mo nakakainis ka." Singhal ko, nang bahagyang lumayo ay tinitigan ako ni Aji. We waited for Aji so he could talk, kinuhanan rin siya ng dugo for blood tests. "L-Lauren, d-did y-you got raped?" Sobrang hirap na hirap niyang sinabi 'yon ngunit nagtaka ako. Coma na siya no'n at hindi niya alam 'yon papaanong nasasabi niya ngayon? "H-How did you know?" Gulat na tanong ko. "Z-Zai, you can—" inis na pumikit si Aji ng mawalan na naman siya ng b
"Now I understand why you and Zai didn't understand each other, you talk too much. Hindi ka willing makinig sa side ng iba," masama ko siyang tinignan kasabay ng pagkuyom ng kamao ko. "Namatay talaga yung girlfriend ko," mahinahon niyang sabi. "Namatay siya dahil nagahasa siya at—" "Hindi mo na ako maloloko, nagahasa man siya o hindi pinagahasa niya rin ako. Para ano? Para maranasan ko yung pakiramdam!?" Napailing si Traise. "I pity her, pero sana hindi na lang. Nakakapangsisi." Mariing sabi ko. "Yung tanga ko rin na asawa kumagat sa bitag, kumagat sa girlfriend mo hindi ka ba nagagalit?" Huminga ng malalim si Traise. "Pagkatapos ng lahat ng 'to hinding hindi na tayo magkikita pa, magsama sama kayo ni Zai, at Shane." Mariing gitil ko at lumabas ng kwarto na 'yon. I won't give a chance anymore, final. I'll put an end to this bullshit life, lalayo na lang kami ni Sierah sa kahit na sino. Bumalik ako sa hotel room namin, naupo ako sa kwarto at tsaka ko hinanap ang lum
Lauren's Point of View. Zai was thinking deeply, staring at the divorce papers. Kinagat niya ang ibabang labi at pinahid ang luha na tumulo sa pisngi niya. "L-Lauren." Huminga ako ng malalim. "P-Pirmahan mo na lang," pakiusap ko. "Nagmamakaawa na ako Zai, s-sign those papers and do me a favor. K-Kahit anong mangyari huwag na huwag mo na akong kakausapin pagkatapos nito. Let's be stranger, with memories." Nasapo niyang muli ang mukha sa sinabi ko, ngunit ng marinig ko ang sunod sunod niyang hikbi ay napaiwas tingin ako. Nakakapanghina. "O-Okay, Lauren. Give me time, please." Tumayo ako at tsaka iniwan siya sa sala, pumasok ako sa kwarto at nahiga sa kama. Pagod na pagod na ako. Ngunit ang paghiga ko ay naalimpungatan na lang ko ng may marinig ako ngunit pinili kong hindi gumalaw, halos matigilan ako ng marinig ang mahinang pag-iyak mula sa tabi ko, ngunit mas natigilan ako ng maramdaman ko ang paghaplos sa pisngi ko. Is he crying because of me? "D-Don't worry, I will t
"Asahan mo ang galit ng mommy niya ha?" Natigilan ako. "Step mother niya ate?" Tanong ko bigla. "H-Hindi niya pa nasabi sa'yo y-yung nangyari few months ago?" Natigilan ako sa sinabi ni Ate Mia, hindi naman ako nakikinig sa kahit anong sinasabi ni Zai kaya hindi ko alam. "Yung mommy niya ngayon, mommy niya talaga. Kaya lang iba yung legal wife ng panahon na nabuntis yung mommy niya kaya ang ginawa nila nang maipanganak si Zai yung legal wife ang kumupkop sa kaniya para hindi mamatay yung biological mother niya." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Kung ganoon kailan niya lang nalaman? Nakagat ko ang ibabang labi sa narinig. "Ang masasabi ko lang mahaba ang oras Lauren, pwede mo pang pag-isipan." Maayos na sabi ni Ate Mia. "Magpahinga ka muna," wika niya. "Pupuntahan ko po muna si Sierah." Ngumiti si Ate Mia at tinapik ang likod ko kaya naman dumeretso na ako sa elevator ngunit pagkabukas no'n ay awtomatikong nagtama ang mata namin ni Zai hindi ko alam kung anong gagawi
Isang linggo ako nakalipas ay sobrang sakit ng ulo kong bumangon sa kama dahil sa sobrang ingay ng door bell, hindi sumasama sa akin si Sierah dahil sa akin naman daw siya sasama pag-alis namin. Nagsipilyo ako ng mabilisan bago lumabas ng kwarto para buksan ang pinto ngunit nasapo ko kaagad ang pisngi ko pagbukas dahil sa sampal ng mommy ni Zai. "I heard you're not my son's wife anymore." Nahawakan ko ang pisngi at tinitigan siya. "Yes, ma'am." Maayos na sagot ko. "He doesn't deserve you, h-hindi niya deserve lahat ng ginawa niya para sa'yo!" Nangunot ang noo ko ng maging emosyunal ang mommy ni Zai ngunit ang daddy ni Zai ay nanatiling nakayuko. "Sabihin mo sa akin hija, k-kulang na kulang ba yung pagmamahal ni Zai sa'yo ha? Kasi bakit hindi ka niya mapalitan ang daming naghahabol sa kaniya na mas better sa'yo." Hindi ko alam ngunit nahawa ako sa iyak ng mommy ni Zai. Parang sobrang sakit no'n. "P-Pumasok po kayo." "Ma'am, k-kung alam niyo lang po lahat. P-Pinatay yun
"Sobrang tanga mo pala talaga pagdating sa asawa mo 'no?!" Nakagat ko ang ibabang labi ng makita ko ang bawat hampas ng latigo sa katawan ni Zai. "Huwag na huwag niyong idadamay ang asawa ko rito!" My body is shivering. "Pag pumalag ka kakalat lang naman ang nude pictures ng asawa mo pati na ang sex video na sisira sa kaniya, ano kayang iisipin nila sa tuwing makikita siya? Gandang babae may sex scandal, ano kayang sasabihin ng sariling anak niya?" "Fuck you! P-Papatayin ko kayo laha— ah!" Napapikit ako at kusa kong binitiwan ang cellphone sa nakita kong kumalat na dugo galing sa katawan ni Zai. "My son protected your dignity, while accepting those scars for you." Bigla ay naalala ko ang sinabi ni Zai sa akin, wala akong nagawa kundi umiyak. "The nude and the sex video is you, Lauren. K-Kaya walang nagawa si Zai kundi tanggapin ang pinagagawa sa kaniya." Sa sobrang sikip ng dibdib ko ay humagulgol ako sa harapan nila. S-So it's really my fault? "The nights he goes home la
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka
Zian’s Point of View Habang pinapanood ko si Elle at ang kapatid niyang si Clayn, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Malaki ang posibilidad na ang galit ng mga gumawa nito ay hindi lang nakatuon sa pamilya niya, kundi pati sa akin. “Dad, I need you to check something,” bulong ko habang lumapit sa ama ko. Tumango siya, alam na may malalim akong pinaplano. “Anak, siguraduhin mong hindi ka masyadong madadala ng emosyon. Alam mo kung gaano kahirap kapag pinairal mo ‘yon.” “Dad, this isn’t about emotions. This is about survival,” sagot ko, matigas ang boses. “Hindi ko hahayaang ulitin nila ito kay Elle o kay Clayn.” Tumango ang daddy ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Alam niyang hindi ko basta-bastang hahayaang matapos ito nang hindi sila nagbabayad. Elvira’s Point of View Habang nakatingin ako kay Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang mayabang at makulit na Zian na nakilala ko, pero ngayon, iba na ang aura niya. Para siyang
Zian’s Point of View “Kung gusto mong iligtas ang batang ito, simple lang ang usapan,” sabi ng lider. “Lumuhod ka at aminin mong natalo ka.” Napangiti ako nang bahagya. “I don’t think so.” Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis kong hinugot ang baril mula sa likod ko at pinaputukan ang pinakamalapit sa kanya. Bagsak ang isa sa mga tauhan niya bago pa sila makapag-react. “Putang ina! Barilin siya!” sigaw ng lider. Nagkagulo ang lahat. Ginamit ko ang mga haligi ng warehouse bilang cover habang nagpaputok ako pabalik sa kanila. Isa-isa kong tinarget ang mga tauhan niya hanggang sa natira na lang ang lider. “Please! Don’t kill me!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ni Clayn. “Pakawalan mo siya,” utos ko, ang baril ko’y nakatutok sa kanya. “Pakiusap—” Walang pag-aalinlangan, pinaputukan ko ang kamay niyang may hawak kay Clayn. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kapatid ni Elle. Elvira’s Point of View Tumakbo ako papasok nang makita kong ligtas na si Clayn. “
Elvira’s Point of View Tahimik kami sa biyahe. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon na ito. Hindi rin ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko—na hihingi ako ng tulong kay Zian para pumatay ng tao. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong wala akong ibang mapagkakatiwalaan ngayon. Napatingin ako kay Zian. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela, ang mga mata niya’y nakatuon sa daan, ngunit ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong iniisip niya ang plano. “Elle,” basag niya sa katahimikan. “Ano bang eksaktong sinabi nila? Gaano karaming tao ang kailangan nating harapin?” Huminga ako nang malalim, sinubukang alalahanin ang boses ng lalaking tumawag. “Wala silang binanggit kung ilan sila. Sinabi lang nila na pumunta ako mag-isa… at kung hindi, may mangyayari kay Clayn.” Napamura siya nang mahina. “Typical tactics. They’re expecting you to come alone and unarmed. That’s their leverage.” “Zian… natatakot ako,” bulong ko, hindi
=Elvira’s Point Of View=Makalipas ang isang linggo, habang nakaupo ako sa sala kasama si Zian ay may ibinalita sa telibisyon.Ngunit napahinto ako nang makita ang mukha ng lalake na sinasabi nilang namatay dahil nabaril sa sariling bahay.‘Yung nasa litrato na sinend sa akin ng account na walang pangalan… Yung binaril ni Zian…’Nagitla ako at mapakurap. Nilingon ko si Zian ngunit parang wala siyang pakialam.Umiwas tingin ako bago pa niya mapansin at mariing pumikit. ‘Calm down, Elle. H-Hindi sigurado ang lahat…’“Sino kaya ang pumatay doon?” mahinang tanong ko. Tumikhim si Zian.“I don’t know hon. Maybe, kaaway? Since that man is politically involved,” mahinahon niyang sagot sa akin.“Ahh,” tango ko na lang.***Makalipas ang isa pang linggo ay nagsimula akong mag-ipon para sa business ni papa noon, at para sa mga utang ko kay Zian.Habang nagtatrabaho ako ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Clayn. Ngunit nang sagutin ko ‘yon ay hindi boses ni Clayn.“Glad you answered, Elvira M
Elvira’s Point Of View Kinaumagahan ay naalimpungatan ako sa gising ni Clayn sa akin. “Oh?” nagmamaktol na sabi ko at nagtakip ng mukha. “Ate! Si Kuya Zian mahiya ka naman!” ani niya at hinampas ang paa ko dahilan para matigilan ako at dahan-dahan na sumilip sa unan. “Ako na bahala Clayn, salamat…” rinig kong sabi niya kaya lumunok ako. ‘Nandito na siya…’ “Hon…” malumanay niyang tawag sa akin dahilan para pumikit ako ng mariin. “Mmm?” tugon ko habang may takip sa mukha. Naramdaman ko ang pagbigat ng kama at alam kong naupo siya hindi malayo sa akin. “Bakit nandito ka hon? Hindi ka sa condo?” mahinang tanong niya kaya bumangon ako at handa na sanang sumbatan siya ngunit nakita ko ang sobrang gwapong mukha niya ngayong umaga. “Ah, nagluto si mama kagabi. Kaya hapon pa lang pumunta na ako dito,” pagsisinungaling ko. Napahinto siya at tumango. “Okay hon, wala kang work today?” inosente niyang tanong kaya matagal akong tumitig sa mukha niya. ‘Paano yung natuklasan ko kag
=Elvira’s Point Of View= “Hon, whatever happens. Please trust me?” mahinang bulong ni Zian habang nakayakap sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. “Mm, just don’t keep things from me…” Hindi na siya tumugon pa sa akin kaya naman nag-enjoy na lang kami sa day off naming dalawa. A few days later… Nagtataka ako nang hindi pa siya nakakauwi. It’s 10 PM and I got worried kaya sinubukan ko siyang tawagan. Pero out of reach ang kanyang cellphone. Habang inaantay siya ay napahinto ako nang may ma-receive akong text message from a random number. From Unknown Number: Gusto mong malaman kung nasaan ang pinakamamahal mong si Ian Zachary? 10:05 PM. Napalunok ako at napatitig doon, bago ako gumawa ng reply sa kanya. To Unknown Number: Nasaan siya? 10:07 PM. From Unknown Number: Ave. Street. Zone 4. You’re on this. Go and find out, or sleep weary. 10:09 PM. Huminga ako ng malalim at kinuha kaagad ang wallet at ang jacket ko. Lumabas ako mg condo wearing a light
Elvira’s Point Of ViewNaging okay naman ang relasyon namin ni Zian. Pakiramdam ko ay mas naging showy kami sa pagmamahal namin sa isa’t isa.A few months later… Hindi ko inaasahan na magtatagal kami ng ganito katagal. It’s been a year since tinanong niya ako to be his girlfriend. Mas stable na ang work ko bilang engineer at live-in na rin kaming dalawa. Masaya nga ako at sa iisang bubong kami nakatira.Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko sa piling ni Zian. Sa totoo lang, marami akong pangarap noon, pero hindi ko inisip na kasama siya sa mga iyon. Pero ngayon, parang hindi ko na kaya pang mag-isip ng buhay na wala siya.Sa isang taong magkasintahan kami, marami na kaming pinagdaanan. May mga tampuhan, selosan, at mga araw na hindi kami magkasundo, pero sa dulo, palaging siya pa rin ang gusto kong kausapin, yakapin, at kasamang humarap sa lahat ng hamon.“Hon, are you done na sa designs?” tanong ni Zian habang naglalakad papasok sa maliit naming home office. Naka-s
=Elvira’s Point Of View= Nang makapagbihis ng presentable at dumeretso kaagad kami ni Zian. “Hon, calm down… Relax,” natatawang sabi niya habang nagmamaneho at inabot ang kamay ko para hawakan. Lumabi ako at sinulyapan si Zian. “Syempre noon fake relationship. Eh ngayon totoo na ‘to,” pabulong kong pagdadahilan na mahina niyang ikinatawa. “What’s the difference?” “Ngayon ayoko na ma-disappoint sila kasi gusto kita, paano kung bigla akong abutan ng 10 million para layuan ka?” pagbibiro ko. Natawa siya. “I’ll double it so you won’t have to leave me—” “Hoy! Hindi ko naman tatanggapin ‘yon!” gulantang kong sabi dahilan para malakas siyang humakhak. “Ay hindi ba, sorry ate ha, sorry hahahhaa!” halakhak pa niya kaya lumabi ako. Nang makarating sa kanila ay ninerbyos ako ng husto. Nakagat ko ang ibabang labi. “Good evening po,” bati ko at mabilis na lumapit upang magmano sa parents at grandparents nila. “Mabuti naman at nakadalo ka, pasok ka tara…” anyaya ng mommy ni Zian ka