Update Alert! Will update one tomorrow morning! 🤍
Lauren's Point of View. Zai was thinking deeply, staring at the divorce papers. Kinagat niya ang ibabang labi at pinahid ang luha na tumulo sa pisngi niya. "L-Lauren." Huminga ako ng malalim. "P-Pirmahan mo na lang," pakiusap ko. "Nagmamakaawa na ako Zai, s-sign those papers and do me a favor. K-Kahit anong mangyari huwag na huwag mo na akong kakausapin pagkatapos nito. Let's be stranger, with memories." Nasapo niyang muli ang mukha sa sinabi ko, ngunit ng marinig ko ang sunod sunod niyang hikbi ay napaiwas tingin ako. Nakakapanghina. "O-Okay, Lauren. Give me time, please." Tumayo ako at tsaka iniwan siya sa sala, pumasok ako sa kwarto at nahiga sa kama. Pagod na pagod na ako. Ngunit ang paghiga ko ay naalimpungatan na lang ko ng may marinig ako ngunit pinili kong hindi gumalaw, halos matigilan ako ng marinig ang mahinang pag-iyak mula sa tabi ko, ngunit mas natigilan ako ng maramdaman ko ang paghaplos sa pisngi ko. Is he crying because of me? "D-Don't worry, I will t
"Asahan mo ang galit ng mommy niya ha?" Natigilan ako. "Step mother niya ate?" Tanong ko bigla. "H-Hindi niya pa nasabi sa'yo y-yung nangyari few months ago?" Natigilan ako sa sinabi ni Ate Mia, hindi naman ako nakikinig sa kahit anong sinasabi ni Zai kaya hindi ko alam. "Yung mommy niya ngayon, mommy niya talaga. Kaya lang iba yung legal wife ng panahon na nabuntis yung mommy niya kaya ang ginawa nila nang maipanganak si Zai yung legal wife ang kumupkop sa kaniya para hindi mamatay yung biological mother niya." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Kung ganoon kailan niya lang nalaman? Nakagat ko ang ibabang labi sa narinig. "Ang masasabi ko lang mahaba ang oras Lauren, pwede mo pang pag-isipan." Maayos na sabi ni Ate Mia. "Magpahinga ka muna," wika niya. "Pupuntahan ko po muna si Sierah." Ngumiti si Ate Mia at tinapik ang likod ko kaya naman dumeretso na ako sa elevator ngunit pagkabukas no'n ay awtomatikong nagtama ang mata namin ni Zai hindi ko alam kung anong gagawi
Isang linggo ako nakalipas ay sobrang sakit ng ulo kong bumangon sa kama dahil sa sobrang ingay ng door bell, hindi sumasama sa akin si Sierah dahil sa akin naman daw siya sasama pag-alis namin. Nagsipilyo ako ng mabilisan bago lumabas ng kwarto para buksan ang pinto ngunit nasapo ko kaagad ang pisngi ko pagbukas dahil sa sampal ng mommy ni Zai. "I heard you're not my son's wife anymore." Nahawakan ko ang pisngi at tinitigan siya. "Yes, ma'am." Maayos na sagot ko. "He doesn't deserve you, h-hindi niya deserve lahat ng ginawa niya para sa'yo!" Nangunot ang noo ko ng maging emosyunal ang mommy ni Zai ngunit ang daddy ni Zai ay nanatiling nakayuko. "Sabihin mo sa akin hija, k-kulang na kulang ba yung pagmamahal ni Zai sa'yo ha? Kasi bakit hindi ka niya mapalitan ang daming naghahabol sa kaniya na mas better sa'yo." Hindi ko alam ngunit nahawa ako sa iyak ng mommy ni Zai. Parang sobrang sakit no'n. "P-Pumasok po kayo." "Ma'am, k-kung alam niyo lang po lahat. P-Pinatay yun
"Sobrang tanga mo pala talaga pagdating sa asawa mo 'no?!" Nakagat ko ang ibabang labi ng makita ko ang bawat hampas ng latigo sa katawan ni Zai. "Huwag na huwag niyong idadamay ang asawa ko rito!" My body is shivering. "Pag pumalag ka kakalat lang naman ang nude pictures ng asawa mo pati na ang sex video na sisira sa kaniya, ano kayang iisipin nila sa tuwing makikita siya? Gandang babae may sex scandal, ano kayang sasabihin ng sariling anak niya?" "Fuck you! P-Papatayin ko kayo laha— ah!" Napapikit ako at kusa kong binitiwan ang cellphone sa nakita kong kumalat na dugo galing sa katawan ni Zai. "My son protected your dignity, while accepting those scars for you." Bigla ay naalala ko ang sinabi ni Zai sa akin, wala akong nagawa kundi umiyak. "The nude and the sex video is you, Lauren. K-Kaya walang nagawa si Zai kundi tanggapin ang pinagagawa sa kaniya." Sa sobrang sikip ng dibdib ko ay humagulgol ako sa harapan nila. S-So it's really my fault? "The nights he goes home la
At dahil sa kabigatan nito ay pinilit ko na buhatin 'yon ngunit patigil tigil ako, nang makita ko si Zai ay hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin at derederetso lang siyang naglakad papunta sa hub kaya ngumiwi ako at binuhat na 'to. Nang makarating sa harap ng hotel sa gilid ay hindi ko mahanap ang mag-ina kaya luminga linga muna ako, masakit rin pala talaga sa kamay ang mabigat na tubig na 'to. Inayos ko ang buhok ko bago ako tumayo para buhatin ang mga ito at pumunta sa tinutuluyan nila dahil anong oras na rin. Nang makarating ay nagulat ito ng makita ako. "Ma'am.." Gulat na sabi niya. "I can only help by this right now, wala pa kasi akong business.." Ibinaba ko 'yon dahilan para magulat siya at tignan ang mga 'yon at nang makita niya ay hindi niya alam ang sasabihin. "Anong pangalan ng baby mo?" Kwestyon ko. "I-Ian ho ma'am." Nang sabihin niya 'yon ay naestatwa ako. "I-Ian, ang ganda ng pangalan niya." Napaiwas tingin ako tapos ay kinapa ang wallet ko sa buls
"Bakit kailangan ba alam mo para lang mahalin mo 'ko? Kung mahal mo ako Lauren, mahal mo talaga ako hindi kailangan ng rason—" "Pero inisip ko nga na nambababae ka no'n." Sumbat ko. "It's because you don't trust me." Mariing dagdag niya kaya umirap ako. "About my baby? Alam mo ba? Alam mo ba na may kinalaman si Shane sa pagkamatay ng anak ko?" Nang yumuko si Traise ay kusang kumuyom ang kamao ko. "Totoong may ginawa siya sa bata na 'yon, inaasahan ko na 'yon pero hindi ko alam na papatay siya ng inosente." Sumama ang tingin ko sa kaniya. "Then she deserves to die!" Galit na sigaw ko. "You're still protecting that demon huh? Dahil lang nangako ka sa girlfriend mo, pumatay siya ng inosente. H-Hindi ko alam kung bakit kailangang madamay ng anak ko!" Tumayo ako at nilapitan siya tsaka ko siya malakas na sinampal. Napayuko siya sa gilid kung saan tumurong ang mukha niya pagkatapos ng sampal. "I'm very so—" "Huwag kang mag sorry! Maibabalik ba no'n ang buhay ng anak ko ha? Sa
"Hinayaan mo na lang sana, okay lang naman ako wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba. Kahit masira pa ako, sabi ko naman sa'yo I am not born to meet everyone's expectations." Nakagat ko ang ibabang labi dahil sobrang kalmado ng usapan namin. "Hindi naman na mababago dahil maalala at maalala ko si Ian Zachary dahil bukod pa doon ay kamukha mo siya, at nawala siya dahil sa kahibangan ng babae na 'yon sa'yo." Dismayadong sabi ko. "Tanggap ko naman na." Sagot ni Zai. Tanggap niya na, tama. "Tanggap ko na hanggang dito na lang." Napalunok ako ng ikahad niya ang kamay sa harapan ko. "Bakit?" Tanong ko. "Ceasefire?" Napalunok ako, bakit parang ayaw ko? Bakit parang ayaw kong tanggapin na hindi na maayos 'tong sinira ko? "Gagawin na lang natin ay maging mabuting magulang kay Sierah, at kunin ang hustisya sa pagkawala ng anak natin." Nakagat ko ang ibabang labi at pekeng ngumiti tapos inabot ang kamay niya. "Ceasefire." Naging tahimik ang paligid, "Bibigyan ko
Lauren's Point of View. Pagkatapos kong bisitahin si Aji ay huminga ako ng malalim bago ako dumeretso sa office ni Zai pero nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko ba siya about sa biological mother ko dahil siya ang doctor o hindi, nahihiya ako. I was about to knock pero sobrang kinakabahan ako kaya ibinaba ko ang kamay ko at tsaka ko tinitigan ang pinto, why do I have to feel this too much shame? "Ugh nakakainis." Bulong ko at tsaka kakatok na sana ulit kaya lang nagdadalawang isip ako. Katok na Lauren! "What makes you have a second thought?" Halos mapatalon ako ng marinig ang boses sa likod ko dahilan para mapalunok ako dahil salubong ang kilay ni Zai. "W-Well," binuksan niya ang pinto ng may sasabihin pa lang ako. "Pasok." Maayos niyang sabi. Sumunod naman ako at ako na rin ang nagsarado ng pinto, he gestured the seat kaya naupo ako doon, bago 'yon ay pinanood ko siyang ayusin ang ibang folders na nagkalat sa desk niya. "There, what's the matter?" Panimula
=Elvira’s Point Of View= Pinanood ko ang likuran ni Zian habang nasa tenga ko ang telepono, naghihintay ng kasunod na kataga na bibitiwan nito. “I asked you… Nicely, before…” marahan na sabi ng boses sa kabilang linya nababahiran ng pagkadismaya ang tono, “Leave my son alone…” Gumunaw ang mundo ko sa nakikiusap na tono sa kabilang linya. It was his dad, Zian’s dad. No other than Zai Garcia. Huminga ako ng malalim at mabilis na hinabol si Zian, bago pa man siya makalapit ay nahuli ko ang kanyang pulsuhan. Napahinto siya at lumingon ng may pagtataka. “H-Huwag na… I’ll handle this, Engr. Garcia. Thank you,” mahinahon kong sabi na ikinakunot ng kanyang noo. Tinitigan ako ni Zian, para bang sinusubukan niyang basahin ang dahilan sa likod ng bigla kong pagbabago ng isip. “Elle?” mahinang tawag niya, bahagyang kunot ang noo. Pinilit kong ngumiti ng tipid, kahit na ang bigat sa dibdib ko ay tila sasabog anumang oras. “Huwag na lang, Zian. Ako na ang bahala,” marahan
=Elvira’s Point Of View= A few days after that ruckus, I don’t have a choice but to wait for the confirmation of my lawyer. It was stressing me out, to the point that I couldn’t even sleep. While I was on standby on the site, Zian went into the small container office and gave me glances. “Didn’t know you’re still here,” he said before grabbing a bottle of water from the small fridge. Nang titigan ko siya ay tumaas ang kilay niya ng mapansin ang kabuohan ng mukha ko. “Did you even sleep? What the fuck. Didn’t know my fellow engineer was a panda.” Inirapan ko siya agad. Should I ask for his help? No… I can’t do that… “So—” “Don’t talk,” mariing sabi ko. “Well, Leon’s outside and looking for you. I said you weren’t here since I don’t know that you are here…” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Zian. ‘Well, I’m glad he didn’t say I am here. I’m avoiding any contact with Leon. He’s a little obsessed and abusive.’ “Alright…” “Are you not going to go outside and cal
=Elvira’s Point Of View= Ngunit bago pa man makasagot muli ay napahinto ako sa pagtunog ng cellphone ko and it was Caleb. “Oh, the fiance’s calling. Are you not gonna answer him?” he asked, there was a hint of sarcasm on his voice and he watched me stare at my phone. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag. “Caleb—” “I have a bad news,” sobrang hina ng boses ni Caleb sa kabilang linya. Nakakapagtaka naman dahil ano pa ba ang bad news na darating sa buhay ko? “What is it?” Narinig ko ang matunog na paghinga ni Caleb sa kabilang linya. “He’s here. I think he followed you back to the Philippines, Elle. He is here…” Labis na nangunot ang noo ko. He’s here? Sino? “Sino—” I was cut off when I heard a familiar voice on the other line. “Are you calling Elle? Tell her not to diss me. I’ll wait for her, here…” At ang tinig na ‘yon ay nagbigay kaba sa aking puso. ‘No way!’ “A-Ano— b-bakit siya nandito?” naguguluhang tanong ko, shit… “Just come here and take him out bef
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Tangina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinulyapan habang kausap niya yung Angela na ’yon. Mula sa ngisi niya, sa paglapit niya, sa paraan ng pagkakadantay ng kamay niya sa likod ng babae—lahat ng ’yon ay sinasadya. And he’s doing a damn good job pissing me off. Tinungga ko na lang yung laman ng baso ko. Mapakla. Masakit sa lalamunan. Pero mas okay na ‘to kesa makita pa siyang nakangiti ng gano’n sa ibang babae. Gago talaga ’yon. “Hey,” mahinang bati ni Caleb, sabay abot ng isang basong tubig. “You okay?” Hindi ko siya sinagot. Imbes ay pinanood ko si Zian habang tumatawa pa sa joke nung Angela. Halos mapamura na lang ako ulit. “Ano, umuusbong na naman feelings mo?” “Shut up,” iritadong bulong ko. “Eh mukha kang gusto mo nang lapitan at bunutan ng pilikmata si ate girl eh.” Napairap ako sabay harap kay Caleb. “Gago ka ba? Bakit ako magseselos? Hindi na kami, ‘di ba?” “Oo nga. Pero hindi naman ibig sabihin non, di
=Elvira’s Point of View= Babe. Nabingi ako sa narinig ko. At hindi ko alam kung dahil ba sa shock o dahil sa sakit na sumaksak sa dibdib ko. Pero tangina—sino ba ako para masaktan? Wala na kami. Matagal na. At sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang makita ang kahinaan ko ulit. So bakit ganito? Bakit parang may humigpit sa lalamunan ko? Tahimik akong pumikit ng ilang segundo, pilit nilulunok ang kung anumang bumara sa dibdib ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, naroon pa rin siya—nakatayo, hawak ang telepono sa tenga niya, pero sa akin nakatingin. At putangina. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang, pero parang may kung anong kasiyahang dumaan sa mga mata niya nang makita ang reaksyon ko. Gago ka talaga, Ian Zachary Garcia. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong lumabas bago pa niya makita ang epekto ng ginagawa niya sa akin. Pero bago ko pa magawa, naglakad siya papalapit—sobrang lapit, hanggang sa halos isang dangkal na lang
=Elvira’s Point of View= Hanggang ngayon, pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng conference room na ‘yon—kahit nasa sasakyan na ako, kahit si Caleb ay nagsasalita sa tabi ko, kahit patuloy na umaandar ang mundo sa labas. Dahil sa isang hawak lang. Isang titig lang. Tangina. Muling bumalik sa isip ko kung paano niya ako hinawakan—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan ako. Hindi marahas, pero hindi rin malambing. Parang hindi niya alam kung dapat ba niya akong hayaang umalis o dapat ba niyang sabihin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at mariing napabuntong-hininga. “El, okay ka lang?” tanong ni Caleb, bahagyang binagalan ang pagmamaneho niya. Nagmulat ako ng mata at pilit ngumiti. “Yeah. Just tired.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Tired or stressed?” Ngumuso ako. “Both.” “Because of your ex?” asar niyang tanong. Napairap ako. “Caleb, please.” “Nagtatanong lang naman, baka kasi—” “I’m fine,” madiin kong putol sa sasabih
=Elvira’s Point of View= Napapitlag ang daliri ko sa ibabaw ng keyboard. Hindi ko alam kung dapat ko bang buksan ang email o balewalain na lang. Pero kahit anong pilit kong huwag bigyang pansin, tila may sariling isip ang kamay ko at agad na tinap ang notification. From: Engr. Ian Zachary Garcia Subject: Design Revision Meeting - Urgent Elvira, We need to discuss the design revisions for the structural framework of the arena. The client has requested modifications that will affect the load distribution. The meeting is scheduled for tomorrow at 10 AM in the main conference room. Be there. • Garcia Wala man lang Regards o kahit anong pormalidad. Diretso. Walang emosyon. Walang bahid ng kung anong familiarity. Para bang… hindi niya ako dating kilala. Napalunok ako. Gusto kong matawa sa sarili ko. Ano ba kasing ini-expect ko? Na pagkatapos ng dalawang taon, magiging casual lang kami? Na babati siya ng Hey Elle, long time no see! at tatawanan namin ang lahat ng nakaraa
=Elvira’s Point of View= Nag-freeze ako. Sa pagitan ng sobrang tahimik na silid at ng dagundong ng pintig ng puso ko, hindi ko agad nagawang gumalaw. Nakatayo lang ako roon, hawak ang documents, habang nararamdaman ko ang malamig na presensyang nanggagaling kay Zian sa isang banda—at ang mainit na boses na pumuno sa silid mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong huminga bago ko tuluyang nilingon ang nagsalita. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa Pilipinas, nakita ko ulit si Caleb. Matangkad, nakasuot ng light gray button-down shirt, at relaxed ang postura. Pero ang unang sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng lambing, tila ba masayang-masaya siyang makita ako. “Elle.” Muling tawag niya, mas malambing ngayong mas malapit na siya. Saka niya inilagay ang kamay niya sa baywang ko, marahan akong inilapit sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka nag-update?” Alam kong dapat akong sumagot. Pero hindi ko magawa. Hindi dahil sa tanong niy
=Elvira’s Point of View= You won’t lose, Elle. Pinanindigan ko ‘yon. For the rest of the inspection, I kept my composure. Wala akong pakialam kahit na naramdaman kong nasa peripheral vision ko si Ian Zachary Garcia, kahit na bawat utos niya sa site workers ay para bang may halong pwersang sinasadya niyang iparamdam sa akin. He didn’t talk to me again. And I sure as hell didn’t talk to him either. Pero sa bawat hakbang namin sa site, sa bawat pagkakataong napapalapit kami sa isa’t isa, ramdam ko ang presensya niya—sobrang dilim at lamig na parang sinusubukan niya akong lamunin. Tangina, gusto niya akong gibain? Hindi ako patitinag. Sa dulo ng walkthrough, tumigil kami sa isang elevated section ng site kung saan tanaw ang buong proyekto. Kasama namin ang clients at project director, nagdidiscuss ng final remarks. Ako naman, tahimik na nakatingin sa site, pilit na ine-enjoy ang tanawin para mawala ang bigat sa dibdib ko. But then, I felt it. A presence too close.