Yari ka Athena hahahah. Alam mong komplikado ka hahahahahah
ATHENA’S POV NAPABABA ako ng higaan ko nang mapagtanto ang oras sa aking telepono. Pasado alas-otso na! Ngayon lang ako nagising nang late. Tapos may pasok pa. "Sh*t! Sh*t!" Muntik pa akong bumangga sa maliit na basurahan ko nang higitin ko ang tuwalya na nakasabit. Inilang hakbang ko din ang pintuan at lumabas doon. Hindi pa man ako nakakarating sa banyo nang makarinig nang sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Mabilis kong iginiya ang sarili papunta doon para pagbuksan. Mukhang hindi naisara ni Graeson kagabi. Dumiretso na ng pintuan, e. “G-Grae,” anas ko nang mapagsino ang nasa pintuan. Hindi na ako nakahuma nang bigla siyang pumasok at yakapin ako. Paa na nga ang ginamit niya para isara ang pintuan. “Anong sabi ko sa ‘yo kagabi?” tanong niya nang isandal niya ako sa pintuan. “A-ano ba ‘yon?” Wala pa siya talaga sa huwisyo dahil biglang tayo nga siya at dumiretso sa labas. “Damn!” Kasabay niyon ang mapusok niyang halik sa akin. Hindi ko maiwasang mahiya dahil hindi pa ak
ATHENA'S POV "HON!" Kasunod ng boses ng nobyo ang sunod-sunod na katok sa aking bintana. Tumingin ako sa orasan, pasado alas-onse na ng gabi noon. Nagpaalam ito kanina na sasama kay Isagani kaya hindi niya ako nasundo sa trabaho. Bumalik na rin ako dito sa baryo dahil iyon ang gusto ni Graeson. Dahan-dahan kong binuksan ang bintana sa aking silid. May hagdanan namang gamit siya kaya hindi 'yan mangangalay. "I missed you!" Sabay sakop ni Graeson ng labi ko na kaagad kong tinugon. Lasa at amoy toothpaste naman pero ang hininga niya, may halong alak pa rin kaya ako na unang pumutol. "Hmp. Amoy alak." Sabay tampal ko sa pisngi niya na ikinangiti niya. "Alangan naman magiging pabango 'yang hininga ko?" pilosopong sabi niya na ikinaingos ko. "Sabi ko sa 'yo, hindi ka iinom kapag magmamaneho ka, 'di ba?" Mabilis niya akong hinalikan at ngumiti. "Dyan ako magaling kaya 'wag kang mag-alala." "Walang magaling kapag aksidente ang sasalubong." Tinalikuran ko na siya. Oo na. Nasabi niya
ATHENA'S POV"Mano po." Sabay kuha ni Graeson sa kamay ni Nanay. "Flowers nga po pala para sa inyo," ani ni Graeson kay Nanay kapagkuwan. Abot langit ang ngiti ni Nanay nang abutin ang bulaklak, habang si Tatay ay nakatitig kay Graeson nang seryoso."Nobyo mo ba talaga ito, anak?" Hindi siguro makapaniwala si Tatay. "Ano ka ba, Berting! Kasama nga ng anak mo na pumasok sa bahay, e. Malamang nobyo niya. Tama ba, hijo?" Aba, dapat ako ang tinanong ni Nanay, hindi si Graeson. Sinulyapan lang niya ako."Opo, Nanay, Tatay." Siniko ko si Graeson dahil sa tawag niya. Pumulupot din ang kamay niya sa akin na ikinatingin ni Tatay. "Matagal ko na pong nililigawan ang anak niyo, at nito lang niya ako sinagot. Kaya po ngayon lang niya ako napakilala sa inyo."Alanganin ang ngiti ko nang tumingin sa kanya. Parang gusto kong pagalitan. Hindi ko naman siya pinapunta dito, pero heto, dumating, tapos may dala pang mamahaling bulaklak. Ipapakilala ko naman siya pero hindi pa sana ngayon, atribida lan
GRAESON'S POVNAKANGISI si Lester nang bumaba ako sa sasakyan ko. Hindi pa dumadating si Harry kaya ang gamit ko ay ang sasakyang binangga niya. Hindi pa nagre-reply ang kaibigan ko. Dapat, nakarating na siya ng mga oras na ito.Mukhang aliw na aliw si Lester sa nakikita sa itsura ng aking sasakyan bandang likod. Ang g4go lang, 'di ba?"You have a very nice car," ani pa niya at sinipat iyon. Dinig ko pa ang pagtampal niya sa likuran nang pagkalakas kaya naikuyom ko ang aking kamao. Nakatingin pa sa aking kamay ang isang tauhan niya.Of course, maganda at bagong labas lang ang sasakyan ko kaya nagustuhan niya. Kaso, binangga niya. Alam kong may intensyon siya. Ang inisin ako siguro.Bihira lang kaya ang nakakakilala sa akin— I mean sa mukha ko. Sasakyan ko kasi ang kilala ng mga nagpupunta sa mga lugar na gaya ng CartZone Circuit. Ang CartZone Circuit ay isang lugar sa Quezon City na nagsisilbing racing field ng mga gaya ko.Walang takot na sinundan ko siya nang pumasok sa loob. Umaky
GRAESON'S POV NAKAHINGA ako nang maluwag nang makita si Isagani na pababa ng motorsiklo. Isa na lang ang problema ko, si Harry. Siraulo din kausap ang Lester na iduto. Ang sabi, kahit na umagahin kakahintay makompleto ang team ko pero heto, nag-iinaso. Bakit daw ang tagal ng kasama ko. Ang sarap lang banatan. Isang test drive na lang ako sa mga sasakyang pinili ko. At isang sasakyan ang sa tingin ko ay may problema. Balak ko sanang ipa-check kay Harry lahat lalo na ang pangalawang sasakyan pero wala pa rin siya. Kabisado niya 'yan dahil isa siya sa technical representative ng CartZone. Bumaba muna ako sa sasakyan at pinuntahan si Isagani. Marunong si Isagani magmaneho pero hindi pa siya nakasalang kahit kailan sa mga ganitong field. Kasama ko si Isagani nang i-test drive ang huling sasakyan. Pagkatapos ay isa-isa rin niyang tsinek kung may problema. Nasabi ko sa kanya ang pangalawa, at gano'n din ang pakiramdam niya. Hindi lang namin alam kung saan banda. Although natsek na namin a
ATHENA’S POV PABAGSAK na nahiga ako sa dibdib ni Graeson. Hingal na hingal pa ako dahil kakatapos lang namin ng maiinit na tagpo. “I love you, Grae,” ani ko nang mag-angat nang tingin sa nobyo. “I love you more, honey.” Sabay halik niya sa aking noo. Kinabig din niya ako. “Um, m-may sasabihin sana ako sa ‘yo.” Sumeryoso na ako ng mga sandaling iyon. Bahagyang umangat ang noo ni Grae. “Okay. What is it?” “Um, about sa alok mo, n-na sumama ako sa Maynila.” “Have you decided to go with me?” Marahan akong tumango sa kanya. “Really?!” Hindi pa siya makapaniwala ng mga sandaling ito. “Oo nga po.” Akmang sisigaw ang nobyo sa tuwa nang takpan ko ang bibig niya. “‘Wag sabing maingay at baka marinig ka nila,” anas ko. Tumingin pa ako sa pintuan, baka mamaya kumatok si Nanay. Tinanggal ni Graeson ang kamay ko sa bibig niya. “I’m sorry, hon. Masaya lang ako at sa wakas ay napapayag kita.” Kasunod niyon ang pagyakap niya sa akin nang mahigpit. “Love you, love you!” Sunod-sunod na sma
ATHENA'S POVMULI kong binalikan nang tingin si Graeson. Kanina pa siya nakatitig sa akin. Pumunta na ako lahat-lahat sa banyo, pagbalik ko, gano'n pa rin siya kung tumitig sa akin. As if may nagawa akong mali."Anak, maiwan ko muna kayo. Babalik lang ako kila Auntie Badang mo, dumating daw ang Lola mo.""Sige po, 'Nay. Kanina pa po sila Lola doon. Hinahanap ka na nga po, e." Napakilala ko na si Graeson kanina pa.Sakto kasing pagdating ko doon kanina ang pagdating nila Lola. Kaya tinawagan ko si Graeson para ipakilala. At singbilis naman ni Flash na dumating ang nobyo. Kaso, ang tahimik niya na. Kaya ayon, nagyaya na ako na umuwi dito sa bahay mayamaya. Iniisip kong baka nahiya siyang makihalubilo sa mga pinsan ko.Pagkaalis ng magulang ko ay hinarap ko si Grae. Nandito kami ngayon sa lumang bahay namin."May problema ba? Kanina ka pa nakatitig sa akin."Tinampal niya ang kandungan niya kaya naupo din ako doon."Na-miss lang kita, hon," aniya na ikinaangat ko ng kilay."Sigurado ka?"
ATHENA'S POV "ARE you okay, hon?" nag-aalalang tanong ni Grae nang makasalubong ko sa labas malapit sa CR. "O-okay lang ako. Nanggigil lang ako sa insektong kumagat sa akin. Sarap tirisin." "Iw." Ngumiwi pa ang nobyo. "Naghugas naman ako ng maayos," ani ko nang makita ang itsura niya na parang diring-diri sa insektong sinabi ko. Si Chamae lang naman ang tinutukoy ko ng mga sandaling iyon. "Good. Kaen ka na tayo." Tumango ako kay Grae. Nilingon ko ang banyo kapagkuwan. Buti hindi pa lumalabas si Chamae. Hinila ko si Grae pabalik sa upuan namin. Nagpatianod naman siya kaya hindi ako nahirapan. Seafood pasta ang pinili kong kainan. Iyon lang ang nagustuhan kong amoy sa mga inorder ni Grae. Tinutulak ko ang tahong kay Grae na kaagad niyang nahulaan. “Ang sarap kaya nito, hon.” “Oo, masarap nga. Kaso… wala ako bigla akong nanawa. ‘Yan kasi ang ulam kanina ng kasamahan ko,” pagsisinungaling ko. “Gano’n ba. Sige, akin na lang muna ito.” Ngumiti siya sa akin. Hindi ko pa man nau
MAKALIPAS ANG MARAMING TAON… “READY?” tanong kay Aireen ng Tito Daddy niya. “Yes, I am, Tito Daddy.” Sinundo siya nito dahil death anniversary na nga ng Mommy Jewel niya. Twice a year siya umuuwi sa bahay ng mga Johnson. Ngayon, death anniversary ng Mommy niya— na siyang nagpalaki sa kanya. Tuwing kaarawan din nito ang pangalawang punta niya. Kaya twice a year lang din niya nakikita ang mga pinsan niya. Tinuturing na siyang pamilya kasi ng mga Johnson. “Good.” Mahigit thirty minutes lang ang nagging biyahe nila bago narating ang dati nilang bahay ng Mommy Jewel niya. Kumpleto na raw ang mga pinsan niya at ibang kamag-anak nila dahil kagabi pa pala ang mga ito dumating. Merong galing sa probinsya at sa Europe. Ang iba, hindi niya kilala kaya gusto ng Tito Daddy niya na kilalanin niya. Parang reunion na rin pala ng mga Johnson iyon sa dami nang kamag-anak na dumalo. Pumunta sila sa libingan ng Mommy Jewel niya bago bumiyahe papuntang Batangas para sa outing nila. May pag-aari ang
ATHENA’S POV GABI na nang magmulat ako ng mata. Napagod ako sa pamamasyal at sa maiinit na tagpo namin ni Grae. Saglit akong natigilan nang may makapang maliit na kamay na nakayakap sa akin. Sinundan ko iyon nang tingin. Gulat na gulat ako nang makilala ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Nm l lo nob “Aireen?” bulalas ko. Pero napakunot ako ng noo. Actually, napaniginipan ko si Aireen. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang pumasok sa aking panaginip. Natigilan ako kapagkuwan at tiningnan ang batang nasa tabi ko. Hindi kaya dahil biglang nasa tabi ko siya kaya napanaginipan ko siya? Pero teka, paano siya nakapunta rito? May kasama ba siya? Akmang aalis ako sa tabi niya nang humigpit ang yakap ng bata sa akin. Napangiti na lang ako at hindi na kumilos. Ayoko siyang gisingin dahil masisira ko ang masarap niyang tulog. Parang mas gusto ko siya sa aking tabi lang. Kaso iniisip ko kung sino ang kasama niya ngayon. Sinuklay ko ang buhok niya mayamaya matapos siyang titigan. Ang himbi
ATHENA’S POV KAKATAPOS ko lang magbihis nang marinig ang tawag ng asawa. Nauna siya sa akin sa labas dahil naligo pa ako. Halos kararating lang namin dito sa villa na nirentahan ng magulang ni Grae dito sa Bali, Indonesia. Kami lang ang narito ngayon. Pero kumpleto naman ang ref dahil kasama iyon sa contract yata. Saktong pag-sara ko ng sliding door ang pagtingin sa akin ni Grae. Nakaupo siya noon sa may sun lounger habang nakaharap sa telepono niya. Napangiti ako nang makita ang reaksyon ng asawa. Nakaawang siya ng labi noon. Suot ko ang one-piece swimsuit na bigay ni Ayeisha sa akin. Kulay itim iyon at tube type ang taas. Kita ang aking magandang balikat dahil nakahawi ang basang buhok ko sa kaliwang bahagi. Wholesome swimsuit nga tawag ni Ayeisha sa aking suot. Talagang wholesome lang ang sampung swimsuit na binigay niya dahil alam niyang tatanggihan ko kasi kapag masyadong daring. Pero kahit ganoon, na-emphasize ang shape ng aking katawan. Kita rin ang magandang legs at pang-u
GRAESON’S POVKAGAT ang labi na pinindot ko ang enter key ng aking laptop. Napilitan akong buksan ang dating email ko. Nabanggit kasi ni Attorney na lahat pala nang kaganapan kay Athena at sa anak namin ay recorded. Kahit mga videos ay naroon. Hindi ko na kasi binubuksan ang email na ito dahil nga sabi ko, baka lalo akong mabaon sa kalungkutan kapag nakakatanggap nang balita tungkol kay Athena noon.Ang matulungan siyang makalaya kay Lester ang priority ko noon. Pero nagsisimula na nga ang aking depression noon. Kaya nagpasya akong iwan sa abogado ang lahat. Kabilin-bilinan ko na ‘wag pabayaan si Athena. Pero hindi ko alam na lahat pala ng nangyayari sa asawa ay nasa email ko. May tao palang binayaran ang abogado para i-report dito ang lahat. Hindi lang daw nito siya tinanong kung nababasa ko raw ang email niya nang ibalita niya sa akin na annulled na si Lester at Athena. “God…” anas ko nang makita ang napakaraming email mula sa abogado. Araw-araw pala siyang nagre-report sa akin per
CHAPTER 60ATHENA’S POVShocked at wala sa sariling kamalayan ako matapos na makita ang dugo sa sahig, ang mga dugong umagos mula sa tama ng asawa. At hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong state pero napapitlag ako nang makarinig na sunod-sunod na yabag na nagmumula sa labas. Sobrang ingay at mukhang nagmamadali ang mga ito.“G-Graeson” nauutal kong tawag sa asawa nang muling mapako ang tingin dito. Nanginginig na pala ako noon. Nang mapagtantong hindi na kumikilos ang asawa ay rumagasa ang kaba ko.Bago pa man ako makaluhod para tingnan ang asawa ay biglang l bumukas ang pintuan at iniluwa no’n ang humihingal na si Theron kasunod si King.“What happened here? Bakit may mga bubog na nahulog sa—” Hindi na natuloy ni King ang sasabihin nang makita si Graeson na nasa sahig at wala nang malay.“Fvck! Graeson!” sigaw ni King “Tawagan mo si Tatay, Theron. Now!” baling nito kay Theron na tulala habang nakatingin sa kakambal niya“Theron! Damn it!” sigaw ni King.Napapitlag si Thero
ATHENA’S POV “AKO na po,” ani ko nang makitang may bitbit ng mga bulaklak na ilalagay sa mesa. Naghahanda ngayon ang lahat para sa salu-salo na magaganap ngayong tanghali. Meron din para sa dinner. Bilang selebrasyon kasi ng wedding anniversary ng mag-asawang Grazie at Thunder at kasabay ng ikalawang buwan ng bunsong anak namin ni Graeson. “No. Maupo ka na lang doon, hija. Kami na ang bahala, okay? Magpahinga ka.” Bahagya akong ngumiti sa Ginang. “N-nakakahiya po. Wala akong maitutulong.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Nandyan naman ang asawa mo, nauutusan ko. Saka may mga kasambahay naman kaya ‘wag mong iniisip iyon. Okay?” Akmang iiwan niya ako nang may naalala. “Nakaalis na raw sila kumare, mamaya niyan nandito na sila.” “Thank you po.” Ngumiti pa ako sa Ginang. Magulang ko ang tinutukoy ng Ginang. “Welcome, hija. O siya, maupo ka na lang dyan, bantayan mo ang prinsesa natin.” Tumingin pa siya kay Baby Lu at binati ito. Bored naman ako sa loob kaya lumabas na rin ako kasama
GRAESON’S POV NANG makatulog ang asawa nang mahimbing, binuksan ko ang ilaw para lang pagmasdan siya partikular na ang mukha niya. Kasi kanina, habang kumakain kami, natitigan ko siya. There is something wrong with her– lalo na sa balat niya. So pale. Dati, ang unang makikita sa mukha ni Athena ay ang kissable lips. Normal na nga daw iyon sa kanya. Kaya nakakapagtaka rin na maputla. Nawala kasi ang lipstick niya nang punasan niya ng tissue bago kumain. Bahagyang gumalaw ang asawa kaya napalayo ako sa kanya. Pero napatingin ako sa braso niyang para bang nilalamig siya. Tumatayo ang balahibo niya. Kaya naman tumayo ako para hinaan ang aircon. Inayos ko rin ang kumot niyang nalaglag na. Hindi ako makatulog kaya naman lumabas ako ng silid namin. Namalayan ko na lang ang sarili ko sa may likuran. Mas mahangin doon dahil sa mga puno. Hindi pa man ako nagtatagal doon nang may tumabi sa akin. “Can’t sleep?” “D-Dad,” “How is she?” “Who? Athena or Baby Lu po?” “Athena,” “Tulog na po.
GRAESON’S POV“WHAT’S that?” tanong ko sa bagong sekretarya ko na si Estefany.“Iniwan lang daw po sa baba, Sir. Wala pong nakasulat kung kanino galing.”Napatitig ako sa envelope. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ito na kaya ang annulment na sinasabi ng asawa?Damn! Mag-iisang buwan na akong walang balita sa kanila at hindi ko alam kung saan nagpunta. Walang sinabi sa akin sila Mommy. Sila lang naman ang kasama ni Athena.Hinigit ko ang envelope at kaagad na binuksan iyon pagkalabas ni Estefany.“Fvck!” Annulment paper nga! Tumayo ako at kinuha ang coat saka mabilis na lumabas ng opisina. Lumapit ako kay Estefany.“Call me if there is an urgent matter. Okay? Urgent lang. If not, do not call me.” Kailangan ko talagang ipaintindi dito dahil lahat na lang pinapasa kaagad sa akin ang mga tawag kahit na hindi urgent o mahalaga.Mabilis ang mga hakbang ko papuntang elevator. Napakunot ako ng noo nang mapansing parehas na gamit ang executive elevator. Napataas ako ng kilay nang iluwa no’n si
ATHENA’S POVHINDI naman ako nakatulog kakaisip kung kumusta na ba si Graeson. Pero ang sabi ng Mommy niya, maayos naman ang kalagayan niya nang tawagan ko. Gusto ko naman siyang puntahan kaso delikadong makipagpatintero sa labas, sa ama ni Lester na ngayon ay nagwawala sabi ng ama ni Grae. Lahat ng kilos ng mga Magbanua ay alam nila at hinihintay nila kahit na isang attack sa amin para sa ebidensyang iniipon nila. Hindi rin kasi biro ang kapit ng matandang Magbanua sa Vice President. May kapatid din ito sa NBI at militar. Gusto nila, walang kawala ang Lester na iyon kapag nahuli.Nakauwi si Graeson sa bahay ng mga Santillan bago sumikat ang araw. Nagulat na lang ako dahil sa pagpulupot niya sa baywang ko. Humalik pa siya sa likuran ko.“Bumitaw ka. Isa,” may pagbabanta sa tinig ko.“Good night, hon. Good night, baby Lu,” bulong lang niya na ikinalingon ko sa kanya.Nakapikit na siya kaya hindi ko napagsabihan. Umalis ako sa tabi niya at lumipat sa kabila ni Lujane. Napapatingin ako