GRAESON'S POVNAKANGISI si Lester nang bumaba ako sa sasakyan ko. Hindi pa dumadating si Harry kaya ang gamit ko ay ang sasakyang binangga niya. Hindi pa nagre-reply ang kaibigan ko. Dapat, nakarating na siya ng mga oras na ito.Mukhang aliw na aliw si Lester sa nakikita sa itsura ng aking sasakyan bandang likod. Ang g4go lang, 'di ba?"You have a very nice car," ani pa niya at sinipat iyon. Dinig ko pa ang pagtampal niya sa likuran nang pagkalakas kaya naikuyom ko ang aking kamao. Nakatingin pa sa aking kamay ang isang tauhan niya.Of course, maganda at bagong labas lang ang sasakyan ko kaya nagustuhan niya. Kaso, binangga niya. Alam kong may intensyon siya. Ang inisin ako siguro.Bihira lang kaya ang nakakakilala sa akin— I mean sa mukha ko. Sasakyan ko kasi ang kilala ng mga nagpupunta sa mga lugar na gaya ng CartZone Circuit. Ang CartZone Circuit ay isang lugar sa Quezon City na nagsisilbing racing field ng mga gaya ko.Walang takot na sinundan ko siya nang pumasok sa loob. Umaky
GRAESON'S POV NAKAHINGA ako nang maluwag nang makita si Isagani na pababa ng motorsiklo. Isa na lang ang problema ko, si Harry. Siraulo din kausap ang Lester na iduto. Ang sabi, kahit na umagahin kakahintay makompleto ang team ko pero heto, nag-iinaso. Bakit daw ang tagal ng kasama ko. Ang sarap lang banatan. Isang test drive na lang ako sa mga sasakyang pinili ko. At isang sasakyan ang sa tingin ko ay may problema. Balak ko sanang ipa-check kay Harry lahat lalo na ang pangalawang sasakyan pero wala pa rin siya. Kabisado niya 'yan dahil isa siya sa technical representative ng CartZone. Bumaba muna ako sa sasakyan at pinuntahan si Isagani. Marunong si Isagani magmaneho pero hindi pa siya nakasalang kahit kailan sa mga ganitong field. Kasama ko si Isagani nang i-test drive ang huling sasakyan. Pagkatapos ay isa-isa rin niyang tsinek kung may problema. Nasabi ko sa kanya ang pangalawa, at gano'n din ang pakiramdam niya. Hindi lang namin alam kung saan banda. Although natsek na namin a
ATHENA’S POV PABAGSAK na nahiga ako sa dibdib ni Graeson. Hingal na hingal pa ako dahil kakatapos lang namin ng maiinit na tagpo. “I love you, Grae,” ani ko nang mag-angat nang tingin sa nobyo. “I love you more, honey.” Sabay halik niya sa aking noo. Kinabig din niya ako. “Um, m-may sasabihin sana ako sa ‘yo.” Sumeryoso na ako ng mga sandaling iyon. Bahagyang umangat ang noo ni Grae. “Okay. What is it?” “Um, about sa alok mo, n-na sumama ako sa Maynila.” “Have you decided to go with me?” Marahan akong tumango sa kanya. “Really?!” Hindi pa siya makapaniwala ng mga sandaling ito. “Oo nga po.” Akmang sisigaw ang nobyo sa tuwa nang takpan ko ang bibig niya. “‘Wag sabing maingay at baka marinig ka nila,” anas ko. Tumingin pa ako sa pintuan, baka mamaya kumatok si Nanay. Tinanggal ni Graeson ang kamay ko sa bibig niya. “I’m sorry, hon. Masaya lang ako at sa wakas ay napapayag kita.” Kasunod niyon ang pagyakap niya sa akin nang mahigpit. “Love you, love you!” Sunod-sunod na sma
ATHENA'S POVMULI kong binalikan nang tingin si Graeson. Kanina pa siya nakatitig sa akin. Pumunta na ako lahat-lahat sa banyo, pagbalik ko, gano'n pa rin siya kung tumitig sa akin. As if may nagawa akong mali."Anak, maiwan ko muna kayo. Babalik lang ako kila Auntie Badang mo, dumating daw ang Lola mo.""Sige po, 'Nay. Kanina pa po sila Lola doon. Hinahanap ka na nga po, e." Napakilala ko na si Graeson kanina pa.Sakto kasing pagdating ko doon kanina ang pagdating nila Lola. Kaya tinawagan ko si Graeson para ipakilala. At singbilis naman ni Flash na dumating ang nobyo. Kaso, ang tahimik niya na. Kaya ayon, nagyaya na ako na umuwi dito sa bahay mayamaya. Iniisip kong baka nahiya siyang makihalubilo sa mga pinsan ko.Pagkaalis ng magulang ko ay hinarap ko si Grae. Nandito kami ngayon sa lumang bahay namin."May problema ba? Kanina ka pa nakatitig sa akin."Tinampal niya ang kandungan niya kaya naupo din ako doon."Na-miss lang kita, hon," aniya na ikinaangat ko ng kilay."Sigurado ka?"
ATHENA'S POV "ARE you okay, hon?" nag-aalalang tanong ni Grae nang makasalubong ko sa labas malapit sa CR. "O-okay lang ako. Nanggigil lang ako sa insektong kumagat sa akin. Sarap tirisin." "Iw." Ngumiwi pa ang nobyo. "Naghugas naman ako ng maayos," ani ko nang makita ang itsura niya na parang diring-diri sa insektong sinabi ko. Si Chamae lang naman ang tinutukoy ko ng mga sandaling iyon. "Good. Kaen ka na tayo." Tumango ako kay Grae. Nilingon ko ang banyo kapagkuwan. Buti hindi pa lumalabas si Chamae. Hinila ko si Grae pabalik sa upuan namin. Nagpatianod naman siya kaya hindi ako nahirapan. Seafood pasta ang pinili kong kainan. Iyon lang ang nagustuhan kong amoy sa mga inorder ni Grae. Tinutulak ko ang tahong kay Grae na kaagad niyang nahulaan. “Ang sarap kaya nito, hon.” “Oo, masarap nga. Kaso… wala ako bigla akong nanawa. ‘Yan kasi ang ulam kanina ng kasamahan ko,” pagsisinungaling ko. “Gano’n ba. Sige, akin na lang muna ito.” Ngumiti siya sa akin. Hindi ko pa man nau
ATHENA’S POV "G-GRAE…" anas ko nang makita si Grae na dumaan sa aking selda. May posas din siya kaya naalarma ako. "Grae!" tawag ko sa kanya na ikinatigil niya sa paglakad. Dahan-dahan pa ang paglingon niya sa akin. Napalunok ako nang makitang blangko ang ekspresyon niya habang nakatingin sa akin. "I-I'm sorry," buong puso kong sambit pero wala siyang reaksyon sa aking sinabi. Hindi ko akalaing madadamay siya. Nalaman ko lang din sa pulis na nagdala sa akin dito na naimbitahan na si Graeson. Pero hindi ang inaasahan ko, ang posasan din siya at ikulong. "Do you know why we ended up here? It’s because we committed adultery. So fvcking great, honey. Damn!" may halong sarkastiko ang boses niya. “G-Grae…” “Ang daming oras para sabihin mo sa akin ang lahat, pero hindi mo nagawa. Why, Athena, huh? Kasi wala kang balak na sabihin. Gusto mo ‘yong surprise?” “S-sinubukan ko naman na sabihin, pero ang sabi mo kasi, tanggap mo ako kahit na komplikado akong tao,” “Yeah, sinabi ko ‘y
ATHENA'S POVNAKAUPO lang ako sa higaan ko pero parang nasa tabi lang ako ng mga nag-uusap. Naririni ko ang abogado ni Graeson. Nahiya rin ako bigla dahil kasama din ng abogado nga ang Kuya nito. Naistorbo pa dahil sa kagagawan ko. Nakakahiya talaga ang ginawa kong pagsinungaling. Ang daming nadamay.Napuno ako ng guilty kaya pinili kong magtulug-tulugan. Nawala sa isipan kong kakausapin ko si Graeson. Nakalabas na pala ang nobyo."Kanina pa po ba siya nakalabas?" tanong ko sa isang officer."Kanina pa."Nalungkot ako sa narinig. Kasabay niyon ang pagkapa ko sa aking tiyan.Mukhang mahihirapan akong kausapin si Graeson ngayon. Sana pala, sinamantala ko habang nakakulong siya dito.Bandang hapon nang dumating ang Ate ko kasama si Nanay. Lalo akong nakonsensya nang sabihin nilang babalik na kami sa baryo. Talagang na-isangla na nga ang bahay namin para lang makalabas ako ng kulungan. Mahihirapan na raw naming matubos iyon kaya talagang nag-alsa balutan na sila."Sana po hinayaang niyo n
ATHENA'S POVMakalipas ang anim na taon..."Ayden, 'wag lalayo, huh? Hindi kita maasikaso dahil maraming ginagawa si Mama.""Opo. Kila Kurt lang po ako maglalaro." Tumango ako sa kanya. Hinintay ko munang mawala siya sa paningin ko bago ibinalik ang sarili sa pagpa-pack ng mga longganisa.Abala pa ang isang kawali ko sa sisig na papalamigin ko din at ipa-pack para mailagay din sa ref mamaya. Nauna kong gawin ang siomai kanina tapos isinunod ko ang longganisa.Talagang abala ako sa pagluluto ng mga order sa akin ng mga ka-trabaho ni Ate. Ihahatid ko pa kasi ito bukas, araw ng Sabado.Simula kasi nang matikman nila ang sisig, siomai at longanisang gawa ko ay marami nang umu-order sa akin. Nakakatuwa dahil maramihan sila umorder. Binebenta din pala kasi nila. Frozen foods na binibili nila sa akin.Pero hindi naman talaga 'yan ang pinagkukunan ko mismo ng budget, isa akong kahera sa isang malaking grocery'han sa amin. At natapat na wala akong pasok. Day off ko. Kaya ayon, sinamantala kong