Pangarap kong magkaroon ng male lead sa stories na galing Greece kaya heto, dinala ko siya. Hehehehhehe. Si Gavriil Zenon. Let's see kung hanggang saan aabot ang pag-aayaw mo, Gav. O siya, thanks, guys!
GRAESON'S POVNang makita ko ang sasakyan ng Kuya Benrick ko kaagad kong iginiya ang sasakyan ko palayo sa bar na iyon.Kinausap na naman niya ako tungkol sa posisyon na inaalok niya sa akin– na habilin din ng aming ama bago lumipad papuntang San Francisco. Bente-singko pa lang ako. At bata pa ako para magseryoso sa kompanya. Ang dami ko pang hindi nagagawa sa buhay ko. Pakiramdam ko, may kulang pa sa akin at gusto kong hanapin iyon.Hindi ko rin naman masabing babae dahil marami na ako niyan. Isang tawag o ‘di kaya text lang, may pupunta na sa condo ko. Instant, may babae na ako. Napapasiya nila ako sa paraang gusto ko.Kakaliko ko lang sa kanto nang makita ang text ng ina. Kanina pa na text 'yon. Nangungumusta siya at gusto niya akong umuwi dahil darating daw ang ibang mga kapatid ko. Gusto niyang sama-sama kaming mag-almusal bukas. Pero ibang daan ang tinahak ko. Daan papunta sa bahay ng aking kaibigang si Isagani.Si Isagani ay nakatira dalawang kanto ang layo mula sa condominiu
GRAESON'S POV"ANG liit lang ng barangay na 'to, bro. Kaya imposibleng hindi ko kilala ang babaeng sinasabi mo. Natanong ko na rin si Nanay, walang Beth dito. Kaya tigilan mo na ang paghahanap sa kanya. Baka mamaya hindi taga rito ‘yon,""Damn! Hindi kaya multo siya?" Napatitig pa ako kay Isagani. "O 'di kaya engkanto? ‘Di ba, uso ‘yon dito?""Baliw. May multo bang nahahawakan?” Sinuyod pa niya ako. “Mukhang nasarapan ka pa nga at hinahanap mo, tapos multo? Tsk. Tsk.” Umiling-iling pa ang kaibigan. “Ano 'yon, malakas siya kay Lord? At wala ring engkanto na ganoon, bro." Iniwan ako ni Isagani at nagpatuloy na lang sa pag-araro. Naiiling din siya sa akin nang lingunin ako. Nakaupo ako no’n sa pinakagilid habang nakalubog sa putikan ang aking paa.Ilang araw ko nang hinahanap siya at ngayon ko lang natanong kay Isagani kung may kakilala siyang Beth. Usually, hindi ko na hinahanap ang babaeng nakakatalik ko kahit na sabihing nasarapan ako sa kanya. Pero ang Beth na ‘yon? Ibang-iba. Hind
ATHENA’S POV“GUSTO mo bang sumama bukas, Ate Athena?”“H-huh?” nauutal kong sabi kay Graeson nang kausapin niya ako.Nasa hapag kami noon. Nagkukuwentuhan sila ni Isagani tungkol sa gagawing pag-akyat bukas sa bukid. Hindi na ako naging interesado sa pinag-uusapan nila kaya si Auntie na ang kinakusap ko tapos biglang singit siya no’n.“Tinatanong niya kung gusto mong sumama bukas sa bukid. Kukuha lang mga buko at i-tsek ko pwede na bang mag-kopra,” ani ni Isagani. “Ah– eh, baka umulan.”“Hindi naman yata. Hindi ko naman narinig sa balita na uulanin tayo bukas,” ani ni Grae sa akin.“‘P-pag hindi siguro umulan,” sagot ko na lang.“Sige. Mas maganda kasi umakyat kapag marami.” Bahagya akong ngumiti kay Graeson.“Ang sabihin mo, magde-date lang kayo doon ni Elwina,” singit ni Auntie.“‘Nay hiwalay na po kami ni Georgina kaya wala namang masamang makipagmabutihan sa iba.”“Pipili ka na lang, ‘yong taga rito pa. Paano kapag nalaman ng ama niya ‘yan?” Umiling-iling pa si Auntie.Napatikhi
GRAESON “HINDI ba pupunta dito ang Ate Athena mo?” Tumingin pa ako sa kabilang bahay nang tanungin si Isagani. “Paano siya pupunta dito kung ininis mo? Bakit mo naman kasi pinisil? Lumala kaya imbes na gumaling.” Saglit akong natigilan. “H-hindi ko nga alam, e.” It was an honest response. Until now, inaalam ko ba kung bakit ko ba ginawa ‘yon kay Ate Athena. Bumukas ang ilaw sa kusina nila Athena. Dinig ko rin ang kalampag ng mga kaldero. Mukhang magluluto pa lang siya. “Marami namang niluto si Tita, ‘di ba?” “Marami naman.” Tinitigan siya ni Isagani. “Kaso, hindi mo ‘yan mapapapunta dito.” “Sa tingin ko nga.” Bitbit ko ang tasa ng kape nang lumipat sa kabila. Tatlong beses akong kumatok pero hindi man lang ako pinagbuksan ni Athena kaya napilitan akong dumaan sa bintana niya. Amoy ko ang niluluto niyang ulam nang pumasok ako sa silid niya. Dinig ko pa rin ang pag-prito niya sa kusina kaya bumaba ako. Napatigil ako sa sofa nang maamoy ang halamang gamot na nandoon. Ah, ginamo
ATHENA'S POV "UGH!" Sapo ko ang akong ulo ng mga sandaling iyon. Nakapikit pa ako dahil alam ko ang pakiramdam ng may hangover. Sigurado akong iikot ang aking paningin dahil sa mga nainom ko kagabi. Pero bigla akong napamulat nang maalala ang huling sandali bago ako makatulog. Napabalikwas ako nang bangon at tiningnan ang paligid. Kaagad na hinanap ng aking mga mata si Graeson. Sa pagkakaalala ko kasi, hinatid niya ako dito. Mabilis na hinawi ko ang kumot na nakabalot sa akin at bumaba. Pero natigilan ako nang makita ang suot ko. Iba na! At wala akong suot na bra! "Graeson!!!" sigaw ko sa aking isipan. Gusto kong isatinig 'yan pero baka magulat sila Auntie at Isagani. Gigil na hinanap ko ang aking sinuot na bra. Napangiwi ako nang makitang naka-hanger iyon kasama ng suot kong shorts. Mabilis kong tiningnan ang baba ko nang mapagtanto ang shorts na naka-hanger. Akmang lalabas ako nang mapansin ang salamin ko sa upuan. Basag! Sino ang nagbasag ng salamin ko? "Graeson t
ATHENA’S POV NAKATALIKOD ako kay Graeson kaya hindi ko alam ang pinagagawa niya. Pero dinig ko ang paggalaw ng tubig. Buti pa siya, feel na feel ang pag swimming. Eh, ako? Naiilang na. Ngayon lang kasi ako may kasabay na maligo dito tapos lalaki pa. Sa madaling araw, safe namang maligo dito kaya iyon ang oras na punta ko dito. Saka wala namang mga NPA dito na bumababa kaya naliligo ako dito kapag sobrang init. “Bakit ba kasi ang layo natin sa isa’t isa?” Nilingon ko siya. “Eh, sa ayaw kitang makasama dito,” sagot ko. “Why? Maliligo lang naman ako.” Hindi na lang ako sumagot. Tumalikod ako sa kanya at inilubog ang sarili. Underwear at bra lang kasi ang suot ko. Maliligo na lang din ako ulit mamaya pagdating sa bahay. Laking pasalamat ko nang abalahin niya ang sarili sa paglalangoy. Dahil malawak naman ang puwesto ko ay inabla ko rin ang sarili ko sa paglangoy. Ilang beses din akong nagpabalik-balik sa unahan pero natigilan ako noong nasa ilalalim ako. Bigla akong pinulikat. Nah
ATHENA’S POV MAAGA akong nagising kinabukasan dahil sa katok. Papungas-pungas pa ako nang bumaba. Nawala sa isip kong silipin sa bintana kung sino ang nasa labas. Kaya naman napasimangot ako nang mapagtantong si Graeson ang nasa labas. “Ang aga-aga mong manggising. Natulog ka ba, huh?” Ang aga-aga, naiinis na kaagad ako sa kanya. “Kumatok lang ako para tanungin ka kung anong gusto mong ulamin. Ipagluluto sana kita.” “Ano ba kita nobyo at ipagluluto mo ako?” “Soon to be. So ano nga? Minsan lang ako mag-alok ng sarili ko maging cook. Ikaw din.” “Ang aga mong mang-inis, Grae. Pwede bang lumipat ka na sa kabila? Antok na antok– Graeson!” sigaw ko sa kanya nang itulak niya ang pintuan ko. Lumaki tuloy ang awang kaya napadaan siya. “I said, ipagluluto kita, Athena. Hindi ka ba flattered?” “Ewan ko nga sa ‘yo. Magluto ka kung gusto mo. Basta ako, matutulog dahil late akong natulog.” “I know. Magkasama tayo kaninang madaling-araw, remember?” Saglit akong natigilan sa narinig. Naalal
ATHENA’S POV PASADO alas-diyes na noon kaya naupo ako at nakipagpalit sa aking kasamahan para magmiryenda. Naupo ako at nagsimula nang kumain ng kamote cue na binili ko sa dumadaan kanina. Napakamot ako sa ulo ko nang maalalang naiwan ko ang tumbler ko. Tumayo ako at lumabas. Pero natigilan lang ako nang makita ang dalawang taong ayaw kong makita nang araw na iyon. “Hi, Ate Athena!” Pilit lang akong ngumiti kay Chamae at binalewala ang presensya nila. Hindi ko na tiningnan si Graeson. Ni hindi ko nga nakita ang suot niya. Pagkakuha ng tumbler ay pumasok ako sa loob at naupo sa sahig sa pinakadulo. Tago na iyon para hindi na ako mautusan. Hindi naman gaanong marami ang order ngayon. Sana bago ako matapos ay wala na sila o tapos na silang umorder. Nakapikit akong ngumunguya noon nang istorbohin ako ni Lyca. “Ikaw daw gusto nilang magluto ng burger nila.” Nagmulat ako ng mata. “Sino ang nagsabi?” “‘Yong nag-hi sa ‘yo.” “Sabihin mo, tumatae ako ng tubol. Ang hirap ilabas.” Natawa
MAKALIPAS ANG MARAMING TAON… “READY?” tanong kay Aireen ng Tito Daddy niya. “Yes, I am, Tito Daddy.” Sinundo siya nito dahil death anniversary na nga ng Mommy Jewel niya. Twice a year siya umuuwi sa bahay ng mga Johnson. Ngayon, death anniversary ng Mommy niya— na siyang nagpalaki sa kanya. Tuwing kaarawan din nito ang pangalawang punta niya. Kaya twice a year lang din niya nakikita ang mga pinsan niya. Tinuturing na siyang pamilya kasi ng mga Johnson. “Good.” Mahigit thirty minutes lang ang nagging biyahe nila bago narating ang dati nilang bahay ng Mommy Jewel niya. Kumpleto na raw ang mga pinsan niya at ibang kamag-anak nila dahil kagabi pa pala ang mga ito dumating. Merong galing sa probinsya at sa Europe. Ang iba, hindi niya kilala kaya gusto ng Tito Daddy niya na kilalanin niya. Parang reunion na rin pala ng mga Johnson iyon sa dami nang kamag-anak na dumalo. Pumunta sila sa libingan ng Mommy Jewel niya bago bumiyahe papuntang Batangas para sa outing nila. May pag-aari ang
ATHENA’S POV GABI na nang magmulat ako ng mata. Napagod ako sa pamamasyal at sa maiinit na tagpo namin ni Grae. Saglit akong natigilan nang may makapang maliit na kamay na nakayakap sa akin. Sinundan ko iyon nang tingin. Gulat na gulat ako nang makilala ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Nm l lo nob “Aireen?” bulalas ko. Pero napakunot ako ng noo. Actually, napaniginipan ko si Aireen. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang pumasok sa aking panaginip. Natigilan ako kapagkuwan at tiningnan ang batang nasa tabi ko. Hindi kaya dahil biglang nasa tabi ko siya kaya napanaginipan ko siya? Pero teka, paano siya nakapunta rito? May kasama ba siya? Akmang aalis ako sa tabi niya nang humigpit ang yakap ng bata sa akin. Napangiti na lang ako at hindi na kumilos. Ayoko siyang gisingin dahil masisira ko ang masarap niyang tulog. Parang mas gusto ko siya sa aking tabi lang. Kaso iniisip ko kung sino ang kasama niya ngayon. Sinuklay ko ang buhok niya mayamaya matapos siyang titigan. Ang himbi
ATHENA’S POV KAKATAPOS ko lang magbihis nang marinig ang tawag ng asawa. Nauna siya sa akin sa labas dahil naligo pa ako. Halos kararating lang namin dito sa villa na nirentahan ng magulang ni Grae dito sa Bali, Indonesia. Kami lang ang narito ngayon. Pero kumpleto naman ang ref dahil kasama iyon sa contract yata. Saktong pag-sara ko ng sliding door ang pagtingin sa akin ni Grae. Nakaupo siya noon sa may sun lounger habang nakaharap sa telepono niya. Napangiti ako nang makita ang reaksyon ng asawa. Nakaawang siya ng labi noon. Suot ko ang one-piece swimsuit na bigay ni Ayeisha sa akin. Kulay itim iyon at tube type ang taas. Kita ang aking magandang balikat dahil nakahawi ang basang buhok ko sa kaliwang bahagi. Wholesome swimsuit nga tawag ni Ayeisha sa aking suot. Talagang wholesome lang ang sampung swimsuit na binigay niya dahil alam niyang tatanggihan ko kasi kapag masyadong daring. Pero kahit ganoon, na-emphasize ang shape ng aking katawan. Kita rin ang magandang legs at pang-u
GRAESON’S POVKAGAT ang labi na pinindot ko ang enter key ng aking laptop. Napilitan akong buksan ang dating email ko. Nabanggit kasi ni Attorney na lahat pala nang kaganapan kay Athena at sa anak namin ay recorded. Kahit mga videos ay naroon. Hindi ko na kasi binubuksan ang email na ito dahil nga sabi ko, baka lalo akong mabaon sa kalungkutan kapag nakakatanggap nang balita tungkol kay Athena noon.Ang matulungan siyang makalaya kay Lester ang priority ko noon. Pero nagsisimula na nga ang aking depression noon. Kaya nagpasya akong iwan sa abogado ang lahat. Kabilin-bilinan ko na ‘wag pabayaan si Athena. Pero hindi ko alam na lahat pala ng nangyayari sa asawa ay nasa email ko. May tao palang binayaran ang abogado para i-report dito ang lahat. Hindi lang daw nito siya tinanong kung nababasa ko raw ang email niya nang ibalita niya sa akin na annulled na si Lester at Athena. “God…” anas ko nang makita ang napakaraming email mula sa abogado. Araw-araw pala siyang nagre-report sa akin per
CHAPTER 60ATHENA’S POVShocked at wala sa sariling kamalayan ako matapos na makita ang dugo sa sahig, ang mga dugong umagos mula sa tama ng asawa. At hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong state pero napapitlag ako nang makarinig na sunod-sunod na yabag na nagmumula sa labas. Sobrang ingay at mukhang nagmamadali ang mga ito.“G-Graeson” nauutal kong tawag sa asawa nang muling mapako ang tingin dito. Nanginginig na pala ako noon. Nang mapagtantong hindi na kumikilos ang asawa ay rumagasa ang kaba ko.Bago pa man ako makaluhod para tingnan ang asawa ay biglang l bumukas ang pintuan at iniluwa no’n ang humihingal na si Theron kasunod si King.“What happened here? Bakit may mga bubog na nahulog sa—” Hindi na natuloy ni King ang sasabihin nang makita si Graeson na nasa sahig at wala nang malay.“Fvck! Graeson!” sigaw ni King “Tawagan mo si Tatay, Theron. Now!” baling nito kay Theron na tulala habang nakatingin sa kakambal niya“Theron! Damn it!” sigaw ni King.Napapitlag si Thero
ATHENA’S POV “AKO na po,” ani ko nang makitang may bitbit ng mga bulaklak na ilalagay sa mesa. Naghahanda ngayon ang lahat para sa salu-salo na magaganap ngayong tanghali. Meron din para sa dinner. Bilang selebrasyon kasi ng wedding anniversary ng mag-asawang Grazie at Thunder at kasabay ng ikalawang buwan ng bunsong anak namin ni Graeson. “No. Maupo ka na lang doon, hija. Kami na ang bahala, okay? Magpahinga ka.” Bahagya akong ngumiti sa Ginang. “N-nakakahiya po. Wala akong maitutulong.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Nandyan naman ang asawa mo, nauutusan ko. Saka may mga kasambahay naman kaya ‘wag mong iniisip iyon. Okay?” Akmang iiwan niya ako nang may naalala. “Nakaalis na raw sila kumare, mamaya niyan nandito na sila.” “Thank you po.” Ngumiti pa ako sa Ginang. Magulang ko ang tinutukoy ng Ginang. “Welcome, hija. O siya, maupo ka na lang dyan, bantayan mo ang prinsesa natin.” Tumingin pa siya kay Baby Lu at binati ito. Bored naman ako sa loob kaya lumabas na rin ako kasama
GRAESON’S POV NANG makatulog ang asawa nang mahimbing, binuksan ko ang ilaw para lang pagmasdan siya partikular na ang mukha niya. Kasi kanina, habang kumakain kami, natitigan ko siya. There is something wrong with her– lalo na sa balat niya. So pale. Dati, ang unang makikita sa mukha ni Athena ay ang kissable lips. Normal na nga daw iyon sa kanya. Kaya nakakapagtaka rin na maputla. Nawala kasi ang lipstick niya nang punasan niya ng tissue bago kumain. Bahagyang gumalaw ang asawa kaya napalayo ako sa kanya. Pero napatingin ako sa braso niyang para bang nilalamig siya. Tumatayo ang balahibo niya. Kaya naman tumayo ako para hinaan ang aircon. Inayos ko rin ang kumot niyang nalaglag na. Hindi ako makatulog kaya naman lumabas ako ng silid namin. Namalayan ko na lang ang sarili ko sa may likuran. Mas mahangin doon dahil sa mga puno. Hindi pa man ako nagtatagal doon nang may tumabi sa akin. “Can’t sleep?” “D-Dad,” “How is she?” “Who? Athena or Baby Lu po?” “Athena,” “Tulog na po.
GRAESON’S POV“WHAT’S that?” tanong ko sa bagong sekretarya ko na si Estefany.“Iniwan lang daw po sa baba, Sir. Wala pong nakasulat kung kanino galing.”Napatitig ako sa envelope. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ito na kaya ang annulment na sinasabi ng asawa?Damn! Mag-iisang buwan na akong walang balita sa kanila at hindi ko alam kung saan nagpunta. Walang sinabi sa akin sila Mommy. Sila lang naman ang kasama ni Athena.Hinigit ko ang envelope at kaagad na binuksan iyon pagkalabas ni Estefany.“Fvck!” Annulment paper nga! Tumayo ako at kinuha ang coat saka mabilis na lumabas ng opisina. Lumapit ako kay Estefany.“Call me if there is an urgent matter. Okay? Urgent lang. If not, do not call me.” Kailangan ko talagang ipaintindi dito dahil lahat na lang pinapasa kaagad sa akin ang mga tawag kahit na hindi urgent o mahalaga.Mabilis ang mga hakbang ko papuntang elevator. Napakunot ako ng noo nang mapansing parehas na gamit ang executive elevator. Napataas ako ng kilay nang iluwa no’n si
ATHENA’S POVHINDI naman ako nakatulog kakaisip kung kumusta na ba si Graeson. Pero ang sabi ng Mommy niya, maayos naman ang kalagayan niya nang tawagan ko. Gusto ko naman siyang puntahan kaso delikadong makipagpatintero sa labas, sa ama ni Lester na ngayon ay nagwawala sabi ng ama ni Grae. Lahat ng kilos ng mga Magbanua ay alam nila at hinihintay nila kahit na isang attack sa amin para sa ebidensyang iniipon nila. Hindi rin kasi biro ang kapit ng matandang Magbanua sa Vice President. May kapatid din ito sa NBI at militar. Gusto nila, walang kawala ang Lester na iyon kapag nahuli.Nakauwi si Graeson sa bahay ng mga Santillan bago sumikat ang araw. Nagulat na lang ako dahil sa pagpulupot niya sa baywang ko. Humalik pa siya sa likuran ko.“Bumitaw ka. Isa,” may pagbabanta sa tinig ko.“Good night, hon. Good night, baby Lu,” bulong lang niya na ikinalingon ko sa kanya.Nakapikit na siya kaya hindi ko napagsabihan. Umalis ako sa tabi niya at lumipat sa kabila ni Lujane. Napapatingin ako