ATHENA'S POV
"UGH!"
Sapo ko ang akong ulo ng mga sandaling iyon. Nakapikit pa ako dahil alam ko ang pakiramdam ng may hangover.
Sigurado akong iikot ang aking paningin dahil sa mga nainom ko kagabi. Pero bigla akong napamulat nang maalala ang huling sandali bago ako makatulog.
Napabalikwas ako nang bangon at tiningnan ang paligid. Kaagad na hinanap ng aking mga mata si Graeson.
Sa pagkakaalala ko kasi, hinatid niya ako dito.
Mabilis na hinawi ko ang kumot na nakabalot sa akin at bumaba. Pero natigilan ako nang makita ang suot ko. Iba na! At wala akong suot na bra!
"Graeson!!!" sigaw ko sa aking isipan. Gusto kong isatinig 'yan pero baka magulat sila Auntie at Isagani.
Gigil na hinanap ko ang aking sinuot na bra. Napangiwi ako nang makitang naka-hanger iyon kasama ng suot kong shorts.
Mabilis kong tiningnan ang baba ko nang mapagtanto ang shorts na naka-hanger.
Akmang lalabas ako nang mapansin ang salamin ko sa upuan. Basag!
Sino ang nagbasag ng salamin ko?
"Graeson talaga!" gigil ko nang sambit.
Binuksan ko ang bintana at tumingin sa kabilang bahay.
Kita ko na palabas si Graeson sa kusina. Mukhang tatambay sa kubo kaya tinawag ko.
"Graeson!"
"Oh, you're awake," nakangiting sabi niya, sabay taas ng kamay na may hawak ng tasa.
"Pwede ka bang makausap saglit?" seryosong tanong ko sa kanya.
Palabas din kasi si Auntie kaya hindi ako pwedeng magsungit sa kanya.
"Sure! Pero okay lang ba kung pagkatapos kong magkape?"
Napabuga ako ng hangin. May magagawa ba ako?
"Take your time." Sabay talikod na lang.
Inis na hinila ko ang bra at siunuot iyon maging ang shorts. Sunod kong ginawa ang mag-toothbrush sa baba at naghanda ng makaing almusal.
Pero dahil may ulam pa ako na galing kagabi sa kabila ay ininit ko na lang iyon at kanin na lang ang niluto. Nagtimpla na rin ako ng kape na walang asukal para mabawasan ang nararamdaman kong hangover.
Pagkaluto ng kanin ay kumain na ako. Nakatanggap kasi ako ng text mula sa katrabaho ko. Pinapunta ako sa restaurant. Iniisip kong okay na ang restaurant at pwede nang magbukas ulit.
Kakatapos ko lang maligo nang may tumawag sa akin. At boses iyon ni Graeson kaya nagmadali akong umakyat at mabilis na nagbihis.
"Hi!" nakangiting bati niya sa akin. Bagong ligo din pala siya.
Saglit akong napatitig sa mukha niya.
Bakit parang ang gwapo at ang bango ng binatang ito?
"Can I come in?" untag niya sa akin.
"Hindi pwede."
Napasimangot siya. "What? Sabi mo, kakausapin mo ako tapos hindi mo ako papapasukin?"
"Tama ka, kakausapin nga kita. At dito 'yon.” Sabay turo ko ng kinaroroonan niya. “Hindi ka pwedeng pumasok sa bahay ko."
"Oh, that's sad."
"Talagang sad, Graeson," ani ko. "Sagutin mo nga ako, sino ang nagtanggal n-ng b-bra at s-shorts ko?"
"Si Graeson," proud na sagot niya.
"At bakit mo 'yon ginawa? Alam mo bang mali ang ginawa mo?"
"Paanong naging mali? Eh, mas mali ang matulog na may bra at shorts. Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Mahihirapan ka huminga."
"Mas magaling ka pa sa akin, e, ako ang may-ari ng katawan ko!"
"I know. Pero mali 'yon. Presko kayang matulog na walang bra at shorts."
Napataas ako ng kilay. "Naranasan mo na ba?"
"Yes," mabilis niyang sagot. "Pero magkaiba naman tayo ng suot. Mas gusto kong matulog ng naka-underwear lang. "
"Pwes, 'wag mo akong magaya sa 'yo, Graeson. Sa susunod, 'wag mong papakialaman kung ano ang suot ko. Wala kang karapatang hawakan ako. Maliwanag? At ipapaalala ko lang sa 'yo, mas matanda ako sa 'yo. Magkaroon ka naman ng respeto."
"Okay. Hindi ko na papakialaman, unless, may pahintulot." Matamis na ngumiti pa siya kaya hindi ko inalis ang pagtaas ng aking kilay. "Pero hindi naman tayo magkamag-anak. Kaya okay lang naman siguro kung Athena na lang itatawag ko sa 'yo."
Napabuntong hininga ako sa narinig. "Bahala ka na nga, hindi naman nga pala kita kamag-anak. Pero binabalaan kita, 'wag mo nang uulitin 'yong pakialaman ako. Masama ako magalit," kunwa'y matapang kong sambit.
Akmang isasara ko ang pintuan nang pigilan niya.
"Hindi mo ba talaga ako papapasukin?"
"Hindi kita kamag-anak, kahit na kaibigan kaya hindi pwede."
At nang maalala ang salamin ay sumimangot ako.
"Bakit nga pala nasira ang salamin ko?"
Napakamot siya sa ulo.
"Oh, sorry nga pala. Naupuan ko kagabi. Papalitan ko na lang kung gusto mo." Tumitig siya sa akin. "Tama ang ex mo, maganda ang mata mo, kaya bakit mo tinatakpan mo ng salamin? Wala namang grado kaya bakit gumagamit ka?"
Napalunok ako sa naging tanong niya.
"May tinataguan ka ba?"
"Wala." 'Yon lang at pinagsarhan ko siya ng pintuan.
Ang dami niyang tanong. Hindi dapat ako nakikipag-usap talaga sa kanya.
“Nga pala, nagustuhan ko ang namagitan sa atin kagabi!” sigaw niya mula sa labas na ikinainit ng tainga ko.
Ang walanghiya, doon pa talaga sumigaw! Kulang na lang ipagsabi talaga!
Naiiling na tiningnan ko ang pintuan na lang at umalis doon.
Pumanhik ako sa silid ko at kinuha ang bag. Kailangan kong bumili sa bayan ng salamin pag-uwi mamaya.
Kinapa ko ang telepono kong touchscreen na nakatago lang sa bag. Isa pa 'to sa hindi ko dapat binubuksan. At kung dapat kong buksan ay hindi dito sa amin, sa malayo.
NAGPAALAM muna ako kay Auntie bago umalis. Malayo-layo pa ang ibibiyahe ko, sa kabilang municipalidad pa. May kailangan akong kunin sa bahay ko.
Mahigit apat na oras ang naging biyahe ko bago makarating sa tapat ng bahay ko na tinitirhan ko dati. Pagbalik ko na lang daananan ang restaurant na pinagtatrabahuhan ko.
Kaagad akong nagbayad sa driver ng trickle pagkatigil no'n.
"S-salamat po, Kuya."
"Long time no see, Ma'am," ani ng driver mayamaya.
Ngumiti ako sa kanya. "O-oo nga, Kuya. Lumipat na po kasi ako ng tirahan."
"Kaya pala. Hinahanap ka ni Boss Lester, sabi namin, matagal-tagal ka nang hindi umuuwi."
Natigilan ako nang marinig ang pangalan ni Lester.
"S-sige po, Kuya, pasok na ako." Tumango naman siya sa akin kaya nagmadali akong pumasok. Sinilip ko pa siya at hinintay na makaalis sa tapat ng bahay niya.
Hindi ako pwedeng magtagal talaga dito. Kaya mabilis kong hinila ang isang maleta sa ilalim ng aking kama. Naayos ko naman na kasi ang mga gamit ko noon.
Nagtawag din ako ng trickle na hindi kakilala ni Lester at mabilis na sumakay doon papunta sa terminal. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makasakay sa van pabalik sa bayan namin. Dumaan din ako sa tiangge at bumili ng mumurahing salamin bago pumunta sa restaurant para makibalita.
Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo nang makitang nag-o-operate na ang restaurant, at kompleto na sila sa empleyado. Bago na rin ang uniporme kaya lumapit ako sa manager.
"B-bakit po wala na ang mga dati kong kasamahan?"
"I'm sorry, Miss Agustin. Iba na kasi ang may-ari, at kasama ka sa hindi na makakabalik. Hindi ba sinabi sa 'yo ni Fiona?"
"H-hindi po."
"Pasensya ka na."
"Maganda naman po ang record ko, Ma'am. Hindi po ba pwdeng i-refer niyo ako sa bagong may-ari?"
Malungkot na ngumiti siya pagkuwa'y umiling. "Kung ako lang ang may-ari nito, ire-refer kita. Kaso hindi, Athena. Kaya pasensya na."
Laglag ang balikat ko sa narinig. Nakagat ko rin ang labi ko nang ilinga ang paningin. Iniwan na rin ako ng manager kaya para akong basang sisiw na sa kinatatayuan.
Kung alam ko lang magkakaganito ang trabaho ko dito, sana, sumama na ako sa magulang ko sa Maynila. Baka maraming hiring doon.
Natagpuan ko ang sarili ko sa parke. Nakaupo ako doon habang nasa tabi ko ang maleta ko. Inilinga ko ang paningin ko sa mga establishimiyento at naghanap nang pwedeng maaplayan bukas. Hindi ko matanong ngayon dahil may bitbit ako. Kaya pagbalik ko na lang siguro.
Pasado alas nuebe na ng gabi ako nakauwi sa bahay. Nakita kong may bitbit na alak si Isagani kaya mabilis kong pinasok ang dala kong maleta at lumipat sa kabila.
Naaabutan ko si Isagani sa kubo sa likod na mag-isa kaya sinamantala ko na humingi ng alak. Buti na lang, wala si Graeson, pumunta raw ng bayan.
Gusto kong uminom ngayon dahil sa masamang balita. Wala naman pala akong hinihintay na trabaho.
Hindi ko akalaing mauubos ko ang isang bote ng alak. Hinaluan ko kasi ng juice. Nagustuhan ko ang pinaghalong iyon na alak kaya balewala sa akin kung mag-isa lang ako.
Dahil sa pagod siguro kaya nakatulog ako kaagad. Pero nagising din ako ng madaling araw dahil sa init. Madilim din ang paligid kaya alam kong nawalan ng kuryente. Nawala tuloy ang antok ko kaya nagpasya akong maglakad-lakad sa likod.
Sa sapa ako dinala ng mga paa ko. Gusto kong lumusong doon para maibsan ang init na nararamdaman ko dahil sa alak.
"Hindi makatulog?"
Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Graeson sa aking likuran. Buti hindi ko pa nahuhubad ang damit ko. Kaloka. Ano kaya ang ginagawa niya dito?
"Ikaw pala," sabi ko lang at ibinalik ang tingin sa may sapa. Maliwanag din naman doon dahil sa sinag ng buwan.
"Balak kong maligo. Hindi kasi ako makatulog dahil wala ring electric fan. Gusto mo bang maligo rin?"
"S-sige, mauna ka na muna." Akmang tatalikod ako nang pigilan niya ako.
"Hey, nandito ka na. Kaya sumabay ka na. Saka para safe, may kasama ka. Delikado para sa 'y kung mag-isa ka lang."
Matagal bago ako nakaimik. Tama nga naman siya, hindi safe mag-isa maligo dito mag-isa tapos madaling araw.
"S-sige. Dito ako tapos doon ka." Sabay turo ng unahang bahagi.
"Deal." Ngumiti siya sa akin sabay hakbang papunta sa kabilang bahaging iyon.
Bigla akong napatalikod nang maghubad siya ng damit.
Sana lang hindi siya hubo gaya noong unang maabutan namin siya sa sapa din. Dahil kung hindi, baka mailang ako na lumusong.
Mga 30k word count lang muna this month. Di ko pala kayang i-daily update ang 80k word count hahaha. Next month na lang ako mag-daily dito. Kaya every other day na lang dito. Salamat po sa intindi.
ATHENA’S POV NAKATALIKOD ako kay Graeson kaya hindi ko alam ang pinagagawa niya. Pero dinig ko ang paggalaw ng tubig. Buti pa siya, feel na feel ang pag swimming. Eh, ako? Naiilang na. Ngayon lang kasi ako may kasabay na maligo dito tapos lalaki pa. Sa madaling araw, safe namang maligo dito kaya iyon ang oras na punta ko dito. Saka wala namang mga NPA dito na bumababa kaya naliligo ako dito kapag sobrang init. “Bakit ba kasi ang layo natin sa isa’t isa?” Nilingon ko siya. “Eh, sa ayaw kitang makasama dito,” sagot ko. “Why? Maliligo lang naman ako.” Hindi na lang ako sumagot. Tumalikod ako sa kanya at inilubog ang sarili. Underwear at bra lang kasi ang suot ko. Maliligo na lang din ako ulit mamaya pagdating sa bahay. Laking pasalamat ko nang abalahin niya ang sarili sa paglalangoy. Dahil malawak naman ang puwesto ko ay inabla ko rin ang sarili ko sa paglangoy. Ilang beses din akong nagpabalik-balik sa unahan pero natigilan ako noong nasa ilalalim ako. Bigla akong pinulikat. Nah
ATHENA’S POV MAAGA akong nagising kinabukasan dahil sa katok. Papungas-pungas pa ako nang bumaba. Nawala sa isip kong silipin sa bintana kung sino ang nasa labas. Kaya naman napasimangot ako nang mapagtantong si Graeson ang nasa labas. “Ang aga-aga mong manggising. Natulog ka ba, huh?” Ang aga-aga, naiinis na kaagad ako sa kanya. “Kumatok lang ako para tanungin ka kung anong gusto mong ulamin. Ipagluluto sana kita.” “Ano ba kita nobyo at ipagluluto mo ako?” “Soon to be. So ano nga? Minsan lang ako mag-alok ng sarili ko maging cook. Ikaw din.” “Ang aga mong mang-inis, Grae. Pwede bang lumipat ka na sa kabila? Antok na antok– Graeson!” sigaw ko sa kanya nang itulak niya ang pintuan ko. Lumaki tuloy ang awang kaya napadaan siya. “I said, ipagluluto kita, Athena. Hindi ka ba flattered?” “Ewan ko nga sa ‘yo. Magluto ka kung gusto mo. Basta ako, matutulog dahil late akong natulog.” “I know. Magkasama tayo kaninang madaling-araw, remember?” Saglit akong natigilan sa narinig. Naalal
ATHENA’S POV PASADO alas-diyes na noon kaya naupo ako at nakipagpalit sa aking kasamahan para magmiryenda. Naupo ako at nagsimula nang kumain ng kamote cue na binili ko sa dumadaan kanina. Napakamot ako sa ulo ko nang maalalang naiwan ko ang tumbler ko. Tumayo ako at lumabas. Pero natigilan lang ako nang makita ang dalawang taong ayaw kong makita nang araw na iyon. “Hi, Ate Athena!” Pilit lang akong ngumiti kay Chamae at binalewala ang presensya nila. Hindi ko na tiningnan si Graeson. Ni hindi ko nga nakita ang suot niya. Pagkakuha ng tumbler ay pumasok ako sa loob at naupo sa sahig sa pinakadulo. Tago na iyon para hindi na ako mautusan. Hindi naman gaanong marami ang order ngayon. Sana bago ako matapos ay wala na sila o tapos na silang umorder. Nakapikit akong ngumunguya noon nang istorbohin ako ni Lyca. “Ikaw daw gusto nilang magluto ng burger nila.” Nagmulat ako ng mata. “Sino ang nagsabi?” “‘Yong nag-hi sa ‘yo.” “Sabihin mo, tumatae ako ng tubol. Ang hirap ilabas.” Natawa
ATHENA'S POV NAGPASYA kaming manood na lang ng movie habang hinihintay sila Isagani at siyempre, may alak sa aming harapan. No choice naman ako kung hindi ang samahan siya. Isa pa. Sayang ang binili niyang alak. Dapat ma-consume na namin "Nasaan nga pala ang magulang mo?" tanong sa akin ni Grae. Inilinga niya ang paningin sa tatlong kuwartong naroon sa loob ng bahay namin. "Nasa Maynila. Pero uuwi sila baka sa susunod na araw." "Okay. So, dito ka na mag-stay?" "Depende," tipid kong sagot kay Graeson. "Ikaw, nasaan ang magulang mo?" balik tanong ko sa kanya. "Kakabalik lang din nila from San Francisco. Kaya ako nagmadaling umuwi nitong nakaraan." Ah, ang akala ko dahil sa akin kaya siya bumalik ng Maynila. Pero nang bumalik siya, kasama niay si Chamae. Baka magkasama silang lumuwas. Sa kabilang banda, nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman pala dahil sa akin. "O-okay. Hindi ka ba nagtatrabaho? Mukhang galing ka sa mayamang pamilya." "Actually, may naghihintay na trabah
ATHENA’S POV NAPABABA ako ng higaan ko nang mapagtanto ang oras sa aking telepono. Pasado alas-otso na! Ngayon lang ako nagising nang late. Tapos may pasok pa. "Sh*t! Sh*t!" Muntik pa akong bumangga sa maliit na basurahan ko nang higitin ko ang tuwalya na nakasabit. Inilang hakbang ko din ang pintuan at lumabas doon. Hindi pa man ako nakakarating sa banyo nang makarinig nang sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Mabilis kong iginiya ang sarili papunta doon para pagbuksan. Mukhang hindi naisara ni Graeson kagabi. Dumiretso na ng pintuan, e. “G-Grae,” anas ko nang mapagsino ang nasa pintuan. Hindi na ako nakahuma nang bigla siyang pumasok at yakapin ako. Paa na nga ang ginamit niya para isara ang pintuan. “Anong sabi ko sa ‘yo kagabi?” tanong niya nang isandal niya ako sa pintuan. “A-ano ba ‘yon?” Wala pa siya talaga sa huwisyo dahil biglang tayo nga siya at dumiretso sa labas. “Damn!” Kasabay niyon ang mapusok niyang halik sa akin. Hindi ko maiwasang mahiya dahil hindi pa ak
ATHENA'S POV "HON!" Kasunod ng boses ng nobyo ang sunod-sunod na katok sa aking bintana. Tumingin ako sa orasan, pasado alas-onse na ng gabi noon. Nagpaalam ito kanina na sasama kay Isagani kaya hindi niya ako nasundo sa trabaho. Bumalik na rin ako dito sa baryo dahil iyon ang gusto ni Graeson. Dahan-dahan kong binuksan ang bintana sa aking silid. May hagdanan namang gamit siya kaya hindi 'yan mangangalay. "I missed you!" Sabay sakop ni Graeson ng labi ko na kaagad kong tinugon. Lasa at amoy toothpaste naman pero ang hininga niya, may halong alak pa rin kaya ako na unang pumutol. "Hmp. Amoy alak." Sabay tampal ko sa pisngi niya na ikinangiti niya. "Alangan naman magiging pabango 'yang hininga ko?" pilosopong sabi niya na ikinaingos ko. "Sabi ko sa 'yo, hindi ka iinom kapag magmamaneho ka, 'di ba?" Mabilis niya akong hinalikan at ngumiti. "Dyan ako magaling kaya 'wag kang mag-alala." "Walang magaling kapag aksidente ang sasalubong." Tinalikuran ko na siya. Oo na. Nasabi niya
ATHENA'S POV"Mano po." Sabay kuha ni Graeson sa kamay ni Nanay. "Flowers nga po pala para sa inyo," ani ni Graeson kay Nanay kapagkuwan. Abot langit ang ngiti ni Nanay nang abutin ang bulaklak, habang si Tatay ay nakatitig kay Graeson nang seryoso."Nobyo mo ba talaga ito, anak?" Hindi siguro makapaniwala si Tatay. "Ano ka ba, Berting! Kasama nga ng anak mo na pumasok sa bahay, e. Malamang nobyo niya. Tama ba, hijo?" Aba, dapat ako ang tinanong ni Nanay, hindi si Graeson. Sinulyapan lang niya ako."Opo, Nanay, Tatay." Siniko ko si Graeson dahil sa tawag niya. Pumulupot din ang kamay niya sa akin na ikinatingin ni Tatay. "Matagal ko na pong nililigawan ang anak niyo, at nito lang niya ako sinagot. Kaya po ngayon lang niya ako napakilala sa inyo."Alanganin ang ngiti ko nang tumingin sa kanya. Parang gusto kong pagalitan. Hindi ko naman siya pinapunta dito, pero heto, dumating, tapos may dala pang mamahaling bulaklak. Ipapakilala ko naman siya pero hindi pa sana ngayon, atribida lan
GRAESON'S POVNAKANGISI si Lester nang bumaba ako sa sasakyan ko. Hindi pa dumadating si Harry kaya ang gamit ko ay ang sasakyang binangga niya. Hindi pa nagre-reply ang kaibigan ko. Dapat, nakarating na siya ng mga oras na ito.Mukhang aliw na aliw si Lester sa nakikita sa itsura ng aking sasakyan bandang likod. Ang g4go lang, 'di ba?"You have a very nice car," ani pa niya at sinipat iyon. Dinig ko pa ang pagtampal niya sa likuran nang pagkalakas kaya naikuyom ko ang aking kamao. Nakatingin pa sa aking kamay ang isang tauhan niya.Of course, maganda at bagong labas lang ang sasakyan ko kaya nagustuhan niya. Kaso, binangga niya. Alam kong may intensyon siya. Ang inisin ako siguro.Bihira lang kaya ang nakakakilala sa akin— I mean sa mukha ko. Sasakyan ko kasi ang kilala ng mga nagpupunta sa mga lugar na gaya ng CartZone Circuit. Ang CartZone Circuit ay isang lugar sa Quezon City na nagsisilbing racing field ng mga gaya ko.Walang takot na sinundan ko siya nang pumasok sa loob. Umaky
MAKALIPAS ANG MARAMING TAON… “READY?” tanong kay Aireen ng Tito Daddy niya. “Yes, I am, Tito Daddy.” Sinundo siya nito dahil death anniversary na nga ng Mommy Jewel niya. Twice a year siya umuuwi sa bahay ng mga Johnson. Ngayon, death anniversary ng Mommy niya— na siyang nagpalaki sa kanya. Tuwing kaarawan din nito ang pangalawang punta niya. Kaya twice a year lang din niya nakikita ang mga pinsan niya. Tinuturing na siyang pamilya kasi ng mga Johnson. “Good.” Mahigit thirty minutes lang ang nagging biyahe nila bago narating ang dati nilang bahay ng Mommy Jewel niya. Kumpleto na raw ang mga pinsan niya at ibang kamag-anak nila dahil kagabi pa pala ang mga ito dumating. Merong galing sa probinsya at sa Europe. Ang iba, hindi niya kilala kaya gusto ng Tito Daddy niya na kilalanin niya. Parang reunion na rin pala ng mga Johnson iyon sa dami nang kamag-anak na dumalo. Pumunta sila sa libingan ng Mommy Jewel niya bago bumiyahe papuntang Batangas para sa outing nila. May pag-aari ang
ATHENA’S POV GABI na nang magmulat ako ng mata. Napagod ako sa pamamasyal at sa maiinit na tagpo namin ni Grae. Saglit akong natigilan nang may makapang maliit na kamay na nakayakap sa akin. Sinundan ko iyon nang tingin. Gulat na gulat ako nang makilala ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Nm l lo nob “Aireen?” bulalas ko. Pero napakunot ako ng noo. Actually, napaniginipan ko si Aireen. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang pumasok sa aking panaginip. Natigilan ako kapagkuwan at tiningnan ang batang nasa tabi ko. Hindi kaya dahil biglang nasa tabi ko siya kaya napanaginipan ko siya? Pero teka, paano siya nakapunta rito? May kasama ba siya? Akmang aalis ako sa tabi niya nang humigpit ang yakap ng bata sa akin. Napangiti na lang ako at hindi na kumilos. Ayoko siyang gisingin dahil masisira ko ang masarap niyang tulog. Parang mas gusto ko siya sa aking tabi lang. Kaso iniisip ko kung sino ang kasama niya ngayon. Sinuklay ko ang buhok niya mayamaya matapos siyang titigan. Ang himbi
ATHENA’S POV KAKATAPOS ko lang magbihis nang marinig ang tawag ng asawa. Nauna siya sa akin sa labas dahil naligo pa ako. Halos kararating lang namin dito sa villa na nirentahan ng magulang ni Grae dito sa Bali, Indonesia. Kami lang ang narito ngayon. Pero kumpleto naman ang ref dahil kasama iyon sa contract yata. Saktong pag-sara ko ng sliding door ang pagtingin sa akin ni Grae. Nakaupo siya noon sa may sun lounger habang nakaharap sa telepono niya. Napangiti ako nang makita ang reaksyon ng asawa. Nakaawang siya ng labi noon. Suot ko ang one-piece swimsuit na bigay ni Ayeisha sa akin. Kulay itim iyon at tube type ang taas. Kita ang aking magandang balikat dahil nakahawi ang basang buhok ko sa kaliwang bahagi. Wholesome swimsuit nga tawag ni Ayeisha sa aking suot. Talagang wholesome lang ang sampung swimsuit na binigay niya dahil alam niyang tatanggihan ko kasi kapag masyadong daring. Pero kahit ganoon, na-emphasize ang shape ng aking katawan. Kita rin ang magandang legs at pang-u
GRAESON’S POVKAGAT ang labi na pinindot ko ang enter key ng aking laptop. Napilitan akong buksan ang dating email ko. Nabanggit kasi ni Attorney na lahat pala nang kaganapan kay Athena at sa anak namin ay recorded. Kahit mga videos ay naroon. Hindi ko na kasi binubuksan ang email na ito dahil nga sabi ko, baka lalo akong mabaon sa kalungkutan kapag nakakatanggap nang balita tungkol kay Athena noon.Ang matulungan siyang makalaya kay Lester ang priority ko noon. Pero nagsisimula na nga ang aking depression noon. Kaya nagpasya akong iwan sa abogado ang lahat. Kabilin-bilinan ko na ‘wag pabayaan si Athena. Pero hindi ko alam na lahat pala ng nangyayari sa asawa ay nasa email ko. May tao palang binayaran ang abogado para i-report dito ang lahat. Hindi lang daw nito siya tinanong kung nababasa ko raw ang email niya nang ibalita niya sa akin na annulled na si Lester at Athena. “God…” anas ko nang makita ang napakaraming email mula sa abogado. Araw-araw pala siyang nagre-report sa akin per
CHAPTER 60ATHENA’S POVShocked at wala sa sariling kamalayan ako matapos na makita ang dugo sa sahig, ang mga dugong umagos mula sa tama ng asawa. At hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong state pero napapitlag ako nang makarinig na sunod-sunod na yabag na nagmumula sa labas. Sobrang ingay at mukhang nagmamadali ang mga ito.“G-Graeson” nauutal kong tawag sa asawa nang muling mapako ang tingin dito. Nanginginig na pala ako noon. Nang mapagtantong hindi na kumikilos ang asawa ay rumagasa ang kaba ko.Bago pa man ako makaluhod para tingnan ang asawa ay biglang l bumukas ang pintuan at iniluwa no’n ang humihingal na si Theron kasunod si King.“What happened here? Bakit may mga bubog na nahulog sa—” Hindi na natuloy ni King ang sasabihin nang makita si Graeson na nasa sahig at wala nang malay.“Fvck! Graeson!” sigaw ni King “Tawagan mo si Tatay, Theron. Now!” baling nito kay Theron na tulala habang nakatingin sa kakambal niya“Theron! Damn it!” sigaw ni King.Napapitlag si Thero
ATHENA’S POV “AKO na po,” ani ko nang makitang may bitbit ng mga bulaklak na ilalagay sa mesa. Naghahanda ngayon ang lahat para sa salu-salo na magaganap ngayong tanghali. Meron din para sa dinner. Bilang selebrasyon kasi ng wedding anniversary ng mag-asawang Grazie at Thunder at kasabay ng ikalawang buwan ng bunsong anak namin ni Graeson. “No. Maupo ka na lang doon, hija. Kami na ang bahala, okay? Magpahinga ka.” Bahagya akong ngumiti sa Ginang. “N-nakakahiya po. Wala akong maitutulong.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Nandyan naman ang asawa mo, nauutusan ko. Saka may mga kasambahay naman kaya ‘wag mong iniisip iyon. Okay?” Akmang iiwan niya ako nang may naalala. “Nakaalis na raw sila kumare, mamaya niyan nandito na sila.” “Thank you po.” Ngumiti pa ako sa Ginang. Magulang ko ang tinutukoy ng Ginang. “Welcome, hija. O siya, maupo ka na lang dyan, bantayan mo ang prinsesa natin.” Tumingin pa siya kay Baby Lu at binati ito. Bored naman ako sa loob kaya lumabas na rin ako kasama
GRAESON’S POV NANG makatulog ang asawa nang mahimbing, binuksan ko ang ilaw para lang pagmasdan siya partikular na ang mukha niya. Kasi kanina, habang kumakain kami, natitigan ko siya. There is something wrong with her– lalo na sa balat niya. So pale. Dati, ang unang makikita sa mukha ni Athena ay ang kissable lips. Normal na nga daw iyon sa kanya. Kaya nakakapagtaka rin na maputla. Nawala kasi ang lipstick niya nang punasan niya ng tissue bago kumain. Bahagyang gumalaw ang asawa kaya napalayo ako sa kanya. Pero napatingin ako sa braso niyang para bang nilalamig siya. Tumatayo ang balahibo niya. Kaya naman tumayo ako para hinaan ang aircon. Inayos ko rin ang kumot niyang nalaglag na. Hindi ako makatulog kaya naman lumabas ako ng silid namin. Namalayan ko na lang ang sarili ko sa may likuran. Mas mahangin doon dahil sa mga puno. Hindi pa man ako nagtatagal doon nang may tumabi sa akin. “Can’t sleep?” “D-Dad,” “How is she?” “Who? Athena or Baby Lu po?” “Athena,” “Tulog na po.
GRAESON’S POV“WHAT’S that?” tanong ko sa bagong sekretarya ko na si Estefany.“Iniwan lang daw po sa baba, Sir. Wala pong nakasulat kung kanino galing.”Napatitig ako sa envelope. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ito na kaya ang annulment na sinasabi ng asawa?Damn! Mag-iisang buwan na akong walang balita sa kanila at hindi ko alam kung saan nagpunta. Walang sinabi sa akin sila Mommy. Sila lang naman ang kasama ni Athena.Hinigit ko ang envelope at kaagad na binuksan iyon pagkalabas ni Estefany.“Fvck!” Annulment paper nga! Tumayo ako at kinuha ang coat saka mabilis na lumabas ng opisina. Lumapit ako kay Estefany.“Call me if there is an urgent matter. Okay? Urgent lang. If not, do not call me.” Kailangan ko talagang ipaintindi dito dahil lahat na lang pinapasa kaagad sa akin ang mga tawag kahit na hindi urgent o mahalaga.Mabilis ang mga hakbang ko papuntang elevator. Napakunot ako ng noo nang mapansing parehas na gamit ang executive elevator. Napataas ako ng kilay nang iluwa no’n si
ATHENA’S POVHINDI naman ako nakatulog kakaisip kung kumusta na ba si Graeson. Pero ang sabi ng Mommy niya, maayos naman ang kalagayan niya nang tawagan ko. Gusto ko naman siyang puntahan kaso delikadong makipagpatintero sa labas, sa ama ni Lester na ngayon ay nagwawala sabi ng ama ni Grae. Lahat ng kilos ng mga Magbanua ay alam nila at hinihintay nila kahit na isang attack sa amin para sa ebidensyang iniipon nila. Hindi rin kasi biro ang kapit ng matandang Magbanua sa Vice President. May kapatid din ito sa NBI at militar. Gusto nila, walang kawala ang Lester na iyon kapag nahuli.Nakauwi si Graeson sa bahay ng mga Santillan bago sumikat ang araw. Nagulat na lang ako dahil sa pagpulupot niya sa baywang ko. Humalik pa siya sa likuran ko.“Bumitaw ka. Isa,” may pagbabanta sa tinig ko.“Good night, hon. Good night, baby Lu,” bulong lang niya na ikinalingon ko sa kanya.Nakapikit na siya kaya hindi ko napagsabihan. Umalis ako sa tabi niya at lumipat sa kabila ni Lujane. Napapatingin ako