ATHENA'S POV "ARE you okay, hon?" nag-aalalang tanong ni Grae nang makasalubong ko sa labas malapit sa CR. "O-okay lang ako. Nanggigil lang ako sa insektong kumagat sa akin. Sarap tirisin." "Iw." Ngumiwi pa ang nobyo. "Naghugas naman ako ng maayos," ani ko nang makita ang itsura niya na parang diring-diri sa insektong sinabi ko. Si Chamae lang naman ang tinutukoy ko ng mga sandaling iyon. "Good. Kaen ka na tayo." Tumango ako kay Grae. Nilingon ko ang banyo kapagkuwan. Buti hindi pa lumalabas si Chamae. Hinila ko si Grae pabalik sa upuan namin. Nagpatianod naman siya kaya hindi ako nahirapan. Seafood pasta ang pinili kong kainan. Iyon lang ang nagustuhan kong amoy sa mga inorder ni Grae. Tinutulak ko ang tahong kay Grae na kaagad niyang nahulaan. âAng sarap kaya nito, hon.â âOo, masarap nga. Kaso⊠wala ako bigla akong nanawa. âYan kasi ang ulam kanina ng kasamahan ko,â pagsisinungaling ko. âGanoân ba. Sige, akin na lang muna ito.â Ngumiti siya sa akin. Hindi ko pa man nau
ATHENAâS POV "G-GRAEâŠ" anas ko nang makita si Grae na dumaan sa aking selda. May posas din siya kaya naalarma ako. "Grae!" tawag ko sa kanya na ikinatigil niya sa paglakad. Dahan-dahan pa ang paglingon niya sa akin. Napalunok ako nang makitang blangko ang ekspresyon niya habang nakatingin sa akin. "I-I'm sorry," buong puso kong sambit pero wala siyang reaksyon sa aking sinabi. Hindi ko akalaing madadamay siya. Nalaman ko lang din sa pulis na nagdala sa akin dito na naimbitahan na si Graeson. Pero hindi ang inaasahan ko, ang posasan din siya at ikulong. "Do you know why we ended up here? Itâs because we committed adultery. So fvcking great, honey. Damn!" may halong sarkastiko ang boses niya. âG-GraeâŠâ âAng daming oras para sabihin mo sa akin ang lahat, pero hindi mo nagawa. Why, Athena, huh? Kasi wala kang balak na sabihin. Gusto mo âyong surprise?â âS-sinubukan ko naman na sabihin, pero ang sabi mo kasi, tanggap mo ako kahit na komplikado akong tao,â âYeah, sinabi ko ây
ATHENA'S POVNAKAUPO lang ako sa higaan ko pero parang nasa tabi lang ako ng mga nag-uusap. Naririni ko ang abogado ni Graeson. Nahiya rin ako bigla dahil kasama din ng abogado nga ang Kuya nito. Naistorbo pa dahil sa kagagawan ko. Nakakahiya talaga ang ginawa kong pagsinungaling. Ang daming nadamay.Napuno ako ng guilty kaya pinili kong magtulug-tulugan. Nawala sa isipan kong kakausapin ko si Graeson. Nakalabas na pala ang nobyo."Kanina pa po ba siya nakalabas?" tanong ko sa isang officer."Kanina pa."Nalungkot ako sa narinig. Kasabay niyon ang pagkapa ko sa aking tiyan.Mukhang mahihirapan akong kausapin si Graeson ngayon. Sana pala, sinamantala ko habang nakakulong siya dito.Bandang hapon nang dumating ang Ate ko kasama si Nanay. Lalo akong nakonsensya nang sabihin nilang babalik na kami sa baryo. Talagang na-isangla na nga ang bahay namin para lang makalabas ako ng kulungan. Mahihirapan na raw naming matubos iyon kaya talagang nag-alsa balutan na sila."Sana po hinayaang niyo n
ATHENA'S POVMakalipas ang anim na taon..."Ayden, 'wag lalayo, huh? Hindi kita maasikaso dahil maraming ginagawa si Mama.""Opo. Kila Kurt lang po ako maglalaro." Tumango ako sa kanya. Hinintay ko munang mawala siya sa paningin ko bago ibinalik ang sarili sa pagpa-pack ng mga longganisa.Abala pa ang isang kawali ko sa sisig na papalamigin ko din at ipa-pack para mailagay din sa ref mamaya. Nauna kong gawin ang siomai kanina tapos isinunod ko ang longganisa.Talagang abala ako sa pagluluto ng mga order sa akin ng mga ka-trabaho ni Ate. Ihahatid ko pa kasi ito bukas, araw ng Sabado.Simula kasi nang matikman nila ang sisig, siomai at longanisang gawa ko ay marami nang umu-order sa akin. Nakakatuwa dahil maramihan sila umorder. Binebenta din pala kasi nila. Frozen foods na binibili nila sa akin.Pero hindi naman talaga 'yan ang pinagkukunan ko mismo ng budget, isa akong kahera sa isang malaking grocery'han sa amin. At natapat na wala akong pasok. Day off ko. Kaya ayon, sinamantala kong
ATHENA'S POV "ANAK, tapos ka na ba tumae? Parang kanina ka pa po dyan," ani ko. "Tapos na po." Pagkarinig ko ay kaagad akong pumasok sa banyo. Kanina pa kasi siya rito. At kaya pala walang imik dahil naglalaro gamit ang aking cellphone. Napailing na lang ako habang hinuhugasan ang pw3t niya. "Kapag nahulog talaga ang cellphone ko dyan sa bowl, wala na akong magagamit nyan." Nilingon ako ni Ayden na nakasimangot. "May tali naman po, e." "Oh." Hindi nakalusot. Ayaw ko lang maging adik siya sa paglalaro. Baka malibang siya dyan tapos tatamaring mag-aral. Pero sabagay, kinder pa lang naman siya. "Magbibihis na po ba ako, Mama?" "Sige, anak. Nakahandan naman na ang susuotin mo!" sigaw ko mula sa loob ng banyo. Maliligo pa lang talaga ako. Nagyaya kasi ang Ate ko na magsimba sa Baclaran. Lagi naman kaming nagsisimba dyan dahil malapit sa amin, kaso, bihira kami magsabay-sabay na pamilya, ngayon lang ulit kung sakali. Pagkatapos magsimba sa Baclaran ay nag-window shopping kami. M
ATHENAâS POV âWAG PO!â Akmang papaluin ng lalaking naka-suit ang kamay ng anak nito nang sumigaw ako. Napatingin sa akin ang lalaki habang nasa ere ang kamay niya. Kita ko ang panlaki ng mata niya pero inignora ko iyon. Nilapitan ko ang batang umiiyak at inilayo sa kanya. âOkay lang?â masuyo kong tanong na ikinatango ng bata. Puno ng chocolate ang mukha ng bata maging ang mga kamay. At nang tumingin siya sa ama nitong gulat na gulat ay ganoon pa rin ang reaksyon nito. âWhat are you doing here?â Hindi pa rin maalis ang pagkagulat sa mata ng ama ng bata. âUm, Boss. Sila angâŠâ Tumingin si Miss Rhoda sa kanya maging sa isa niyang kasamahan. âSila po ang bagong ipinadala ng Kuya mo para mag-maintain ng cleanliness dito. You know, ayaw ni Boss Ben ng maduming paligid kapag umiikot dito.â âOh, Okay. Makakalabas na kayo.â Tumingin sa akin ang tinawag na boss ni Miss Rhoda. âYou, stay here and clean up the mess.â Tumango ako sa kanya at hinarap ang bata at ngumiti. Seryoso na siyang nak
ATHENAâS POV KAKABABA lang namin ng shuttle bus nang makita namin si Miss Rhoda, na nagmamadaling lumapit sa amin. Sa akin siya nakatingin kaya binati ko siya at nginitian. âMagandang umaga po, Miss Rhoda.â âGood morning, Athena.â Tinampal niya muna ang dibdib niya para pakalmahin siguro ang sarili. âPagkabihis mo, dumiretso ka sa opisina niya. Okay?â âNiya?â ani ko. Sinabayan ko ng pagkunot noo iyon. âNi Boss pala. Iâm sorry.â âA-ah. Okay po,â ani ko na lang. âWag nitong sabihing maagang nagkalat ang anak niya nang ganito kaaga? Maaga pa naman kaming nakarating ngayon dahil hindi traffic. Sana hindi niya sirain ang mood ko nang ganito kaaga. T-shirt lang naman ang pinalit ko dahil nakasuot na ako ng pants na uniporme rin namin. Mabilis lang ang ginawa ko dahil baka ipatawag niya ulit ako. Bago ako sumakay sa elevator ay nginitian ko si Miss Rhoda. May kasabay na siyang muwestra. Gusto sigurong magmadali na ako sa pag-akyat. âMaglilinis ka na naman, ghorl?â tanong sa akin ng
ATHENA'S POV"ARE you okay?" Napatango ako kay Prince nang tanungin niya ako.Ang dami kasing inutos ang Daddy niya. Pakainin ko si Prince, punasan at patulugin din daw. Eh, anong silbi kasi ng Yaya ni Prince?"Okay lang ako, Prince. Kumain ka na para makapagpunas na. Kailangan mo ring matulog ng maaga para makapagpahinga ka.""Wala na po akong lagnat, Miss Athena. Sipon na lang.""Mabuti naman para hindi na nag-aalala ang Daddy mo sa 'yo." Hindi na umimik ang bata. Basta talaga ang Daddy niya ang pinag-uusapan, nanahimik siya."Hindi na po siya magagalit kasi alam niyang nagsasalita na ako.""Talaga? Narinig ka na ba niyang nagsasalita?"Tumango siya. "Lagi naman po. Kaso hindi po ako nakikipag-usap talaga sa kanya kapag may mga tao. 'Yon ang gusto ni Daddy G kaso ayoko. Kaya siya nagagalit."Ayon naman pala."Bakit nga ba?" Hindi na naman siya umimik. Hindi na ako nagtanong. Hintayin ko na lang din na buksan niya ang sarili niya. Mukhang may pinagdadaanan talaga ang bata na 'to. S
MAKALIPAS ANG MARAMING TAON⊠âREADY?â tanong kay Aireen ng Tito Daddy niya. âYes, I am, Tito Daddy.â Sinundo siya nito dahil death anniversary na nga ng Mommy Jewel niya. Twice a year siya umuuwi sa bahay ng mga Johnson. Ngayon, death anniversary ng Mommy niyaâ na siyang nagpalaki sa kanya. Tuwing kaarawan din nito ang pangalawang punta niya. Kaya twice a year lang din niya nakikita ang mga pinsan niya. Tinuturing na siyang pamilya kasi ng mga Johnson. âGood.â Mahigit thirty minutes lang ang nagging biyahe nila bago narating ang dati nilang bahay ng Mommy Jewel niya. Kumpleto na raw ang mga pinsan niya at ibang kamag-anak nila dahil kagabi pa pala ang mga ito dumating. Merong galing sa probinsya at sa Europe. Ang iba, hindi niya kilala kaya gusto ng Tito Daddy niya na kilalanin niya. Parang reunion na rin pala ng mga Johnson iyon sa dami nang kamag-anak na dumalo. Pumunta sila sa libingan ng Mommy Jewel niya bago bumiyahe papuntang Batangas para sa outing nila. May pag-aari ang
ATHENAâS POV GABI na nang magmulat ako ng mata. Napagod ako sa pamamasyal at sa maiinit na tagpo namin ni Grae. Saglit akong natigilan nang may makapang maliit na kamay na nakayakap sa akin. Sinundan ko iyon nang tingin. Gulat na gulat ako nang makilala ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Nm l lo nob âAireen?â bulalas ko. Pero napakunot ako ng noo. Actually, napaniginipan ko si Aireen. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang pumasok sa aking panaginip. Natigilan ako kapagkuwan at tiningnan ang batang nasa tabi ko. Hindi kaya dahil biglang nasa tabi ko siya kaya napanaginipan ko siya? Pero teka, paano siya nakapunta rito? May kasama ba siya? Akmang aalis ako sa tabi niya nang humigpit ang yakap ng bata sa akin. Napangiti na lang ako at hindi na kumilos. Ayoko siyang gisingin dahil masisira ko ang masarap niyang tulog. Parang mas gusto ko siya sa aking tabi lang. Kaso iniisip ko kung sino ang kasama niya ngayon. Sinuklay ko ang buhok niya mayamaya matapos siyang titigan. Ang himbi
ATHENAâS POV KAKATAPOS ko lang magbihis nang marinig ang tawag ng asawa. Nauna siya sa akin sa labas dahil naligo pa ako. Halos kararating lang namin dito sa villa na nirentahan ng magulang ni Grae dito sa Bali, Indonesia. Kami lang ang narito ngayon. Pero kumpleto naman ang ref dahil kasama iyon sa contract yata. Saktong pag-sara ko ng sliding door ang pagtingin sa akin ni Grae. Nakaupo siya noon sa may sun lounger habang nakaharap sa telepono niya. Napangiti ako nang makita ang reaksyon ng asawa. Nakaawang siya ng labi noon. Suot ko ang one-piece swimsuit na bigay ni Ayeisha sa akin. Kulay itim iyon at tube type ang taas. Kita ang aking magandang balikat dahil nakahawi ang basang buhok ko sa kaliwang bahagi. Wholesome swimsuit nga tawag ni Ayeisha sa aking suot. Talagang wholesome lang ang sampung swimsuit na binigay niya dahil alam niyang tatanggihan ko kasi kapag masyadong daring. Pero kahit ganoon, na-emphasize ang shape ng aking katawan. Kita rin ang magandang legs at pang-u
GRAESONâS POVKAGAT ang labi na pinindot ko ang enter key ng aking laptop. Napilitan akong buksan ang dating email ko. Nabanggit kasi ni Attorney na lahat pala nang kaganapan kay Athena at sa anak namin ay recorded. Kahit mga videos ay naroon. Hindi ko na kasi binubuksan ang email na ito dahil nga sabi ko, baka lalo akong mabaon sa kalungkutan kapag nakakatanggap nang balita tungkol kay Athena noon.Ang matulungan siyang makalaya kay Lester ang priority ko noon. Pero nagsisimula na nga ang aking depression noon. Kaya nagpasya akong iwan sa abogado ang lahat. Kabilin-bilinan ko na âwag pabayaan si Athena. Pero hindi ko alam na lahat pala ng nangyayari sa asawa ay nasa email ko. May tao palang binayaran ang abogado para i-report dito ang lahat. Hindi lang daw nito siya tinanong kung nababasa ko raw ang email niya nang ibalita niya sa akin na annulled na si Lester at Athena. âGodâŠâ anas ko nang makita ang napakaraming email mula sa abogado. Araw-araw pala siyang nagre-report sa akin per
CHAPTER 60ATHENAâS POVShocked at wala sa sariling kamalayan ako matapos na makita ang dugo sa sahig, ang mga dugong umagos mula sa tama ng asawa. At hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong state pero napapitlag ako nang makarinig na sunod-sunod na yabag na nagmumula sa labas. Sobrang ingay at mukhang nagmamadali ang mga ito.âG-Graesonâ nauutal kong tawag sa asawa nang muling mapako ang tingin dito. Nanginginig na pala ako noon. Nang mapagtantong hindi na kumikilos ang asawa ay rumagasa ang kaba ko.Bago pa man ako makaluhod para tingnan ang asawa ay biglang l bumukas ang pintuan at iniluwa noân ang humihingal na si Theron kasunod si King.âWhat happened here? Bakit may mga bubog na nahulog saââ Hindi na natuloy ni King ang sasabihin nang makita si Graeson na nasa sahig at wala nang malay.âFvck! Graeson!â sigaw ni King âTawagan mo si Tatay, Theron. Now!â baling nito kay Theron na tulala habang nakatingin sa kakambal niyaâTheron! Damn it!â sigaw ni King.Napapitlag si Thero
ATHENAâS POV âAKO na po,â ani ko nang makitang may bitbit ng mga bulaklak na ilalagay sa mesa. Naghahanda ngayon ang lahat para sa salu-salo na magaganap ngayong tanghali. Meron din para sa dinner. Bilang selebrasyon kasi ng wedding anniversary ng mag-asawang Grazie at Thunder at kasabay ng ikalawang buwan ng bunsong anak namin ni Graeson. âNo. Maupo ka na lang doon, hija. Kami na ang bahala, okay? Magpahinga ka.â Bahagya akong ngumiti sa Ginang. âN-nakakahiya po. Wala akong maitutulong.â Hinawakan niya ang kamay ko. âNandyan naman ang asawa mo, nauutusan ko. Saka may mga kasambahay naman kaya âwag mong iniisip iyon. Okay?â Akmang iiwan niya ako nang may naalala. âNakaalis na raw sila kumare, mamaya niyan nandito na sila.â âThank you po.â Ngumiti pa ako sa Ginang. Magulang ko ang tinutukoy ng Ginang. âWelcome, hija. O siya, maupo ka na lang dyan, bantayan mo ang prinsesa natin.â Tumingin pa siya kay Baby Lu at binati ito. Bored naman ako sa loob kaya lumabas na rin ako kasama
GRAESONâS POV NANG makatulog ang asawa nang mahimbing, binuksan ko ang ilaw para lang pagmasdan siya partikular na ang mukha niya. Kasi kanina, habang kumakain kami, natitigan ko siya. There is something wrong with herâ lalo na sa balat niya. So pale. Dati, ang unang makikita sa mukha ni Athena ay ang kissable lips. Normal na nga daw iyon sa kanya. Kaya nakakapagtaka rin na maputla. Nawala kasi ang lipstick niya nang punasan niya ng tissue bago kumain. Bahagyang gumalaw ang asawa kaya napalayo ako sa kanya. Pero napatingin ako sa braso niyang para bang nilalamig siya. Tumatayo ang balahibo niya. Kaya naman tumayo ako para hinaan ang aircon. Inayos ko rin ang kumot niyang nalaglag na. Hindi ako makatulog kaya naman lumabas ako ng silid namin. Namalayan ko na lang ang sarili ko sa may likuran. Mas mahangin doon dahil sa mga puno. Hindi pa man ako nagtatagal doon nang may tumabi sa akin. âCanât sleep?â âD-Dad,â âHow is she?â âWho? Athena or Baby Lu po?â âAthena,â âTulog na po.
GRAESONâS POVâWHATâS that?â tanong ko sa bagong sekretarya ko na si Estefany.âIniwan lang daw po sa baba, Sir. Wala pong nakasulat kung kanino galing.âNapatitig ako sa envelope. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ito na kaya ang annulment na sinasabi ng asawa?Damn! Mag-iisang buwan na akong walang balita sa kanila at hindi ko alam kung saan nagpunta. Walang sinabi sa akin sila Mommy. Sila lang naman ang kasama ni Athena.Hinigit ko ang envelope at kaagad na binuksan iyon pagkalabas ni Estefany.âFvck!â Annulment paper nga! Tumayo ako at kinuha ang coat saka mabilis na lumabas ng opisina. Lumapit ako kay Estefany.âCall me if there is an urgent matter. Okay? Urgent lang. If not, do not call me.â Kailangan ko talagang ipaintindi dito dahil lahat na lang pinapasa kaagad sa akin ang mga tawag kahit na hindi urgent o mahalaga.Mabilis ang mga hakbang ko papuntang elevator. Napakunot ako ng noo nang mapansing parehas na gamit ang executive elevator. Napataas ako ng kilay nang iluwa noân si
ATHENAâS POVHINDI naman ako nakatulog kakaisip kung kumusta na ba si Graeson. Pero ang sabi ng Mommy niya, maayos naman ang kalagayan niya nang tawagan ko. Gusto ko naman siyang puntahan kaso delikadong makipagpatintero sa labas, sa ama ni Lester na ngayon ay nagwawala sabi ng ama ni Grae. Lahat ng kilos ng mga Magbanua ay alam nila at hinihintay nila kahit na isang attack sa amin para sa ebidensyang iniipon nila. Hindi rin kasi biro ang kapit ng matandang Magbanua sa Vice President. May kapatid din ito sa NBI at militar. Gusto nila, walang kawala ang Lester na iyon kapag nahuli.Nakauwi si Graeson sa bahay ng mga Santillan bago sumikat ang araw. Nagulat na lang ako dahil sa pagpulupot niya sa baywang ko. Humalik pa siya sa likuran ko.âBumitaw ka. Isa,â may pagbabanta sa tinig ko.âGood night, hon. Good night, baby Lu,â bulong lang niya na ikinalingon ko sa kanya.Nakapikit na siya kaya hindi ko napagsabihan. Umalis ako sa tabi niya at lumipat sa kabila ni Lujane. Napapatingin ako