Two words. He only said two words! Madalas naman may iba pa siyang sinasabi bukod sa sagutin ang tanong ko. Pero ngayon parang napilitan pa siya na kausapin ako. Samantalang kanina habang kausap niya si Gretta, ngumingiti pa siya at todo tanong pa!“Do we have a problem?” I asked him.This time, he glanced at me for a second before he looked back to the road. Medyo umandar na ang mga sasakyan kaya hindi pa siya nagsalita ulit.“Markus, ayaw mo ba ‘kong kausap?” tanong ko ulit.Bumuntonghininga siya. “I just don't feel well. And I'm also pissed with what you did.”Kumunot naman ang noo ko. “Ano na naman ba’ng ginawa ko?”“Seriously? You don't know? Hindi ka nagpasundo sa driver at sumama ka pa sa bahay ng kaibigan mo nang hindi ko alam. Bakit ba ang dali mong magtiwala sa iba?” tanong niya.“She’s my friend and I trust her—”“I know but you should also think of your safety. Tapos hindi pa kita ma-contact kaya mas lalo akong nag-alala.”I gulped. “Na-lowbat ang phone ko at naiwan ko s
Kinabukasan ay nagising ako na magkayakap na kami ni Markus sa kama. Nakahiga na ako nang maayos habang nakayakap sa kanya. Dahandahan akong gumalaw para kapain ang leeg ni Markus at napangiti dahil bumaba na ang lagnat niya.Gumalaw din siya kaya nagawa kong lumayo nang kaonti at tingnan ang mukha niya. Saktong kakadilat lang ng mata niya pero halatang inaantok pa siya.“Good morning,” I greeted him. “Good morning,” he said before kissing my forehead.Ngumiti ako. “Maaga ang rehearsal ko ngayon dahil bukas na ang event. Huwag mo na ‘kong ihatid at huwag ka na din munang pumasok sa work. Stay here and rest.”“I can’t. I have meetings today then I need to check the plantation—”“May mga employee ka naman, ‘di ba? Sila na munang bahala do’n.”He sighed before he sat up. Umupo rin ako para magka-level pa rin ang mga mata namin. “Magaling na ‘ko. I’ll cook breakfast for us and I’ll drive you to your school before I go to the plantation. Papayag lang ako na manatili dito sa bahay kung hi
“I’m looking forward to have you as my model,” Uno said before he reached for my hand and kissed it.My lips parted and I awkwardly pulled back my hand. Pansin ko ang paglingon sa amin ng ibang candidates na tapos na ring magpalit. Hindi na ako nakapagsalita pa at umalis na rin naman kaagad si Sir Uno.He’s handsome and charming but he looked like someone that will definitely do everything because he's powerful. If I will compare him to Markus, I think he has softer features than Markus. Pero sa aura ay mas nakakaramdam ako ng panganib kay Uno.Pagkatapos ng sampung minuto ay pinabalik na kami sa backstage para pumila. Ramdam ko ang pagsulyap sa akin ng ibang mga candidates pero hindi ko na lang sila pinansin. Katulad kanina ay sunod-sunod kaming rumampa sa stage bago kami pumwesto sa likuran. Nakapila kami at sunod-sunod kaming tatawagin according sa aming number.Bawat candidate ay bubunot sa bowl kung nasaan ang mga names ng judges at sila ang magtatanong sa amin. “Candidate numbe
“He’s my uncle.”Lumipat sa akin ang tingin ni Markus kaya nanlamig ang buong katawan ko. Mukhang hindi niya inaasahang ipapakilala ko siya bilang uncle. Kahit naman boyfriend ko siya, bawal malaman ng iba ang totoong relasyon naming dalawa.“Uncle? I just noticed that you two have the same surname. Bakit ko ba nakaligtaan na Dela Vega nga din pala ang apelyido mo, Markus?” bakas ang pagiging sarkastiko sa tanong ni Sir Uno. Umismid naman si Markus. “Baka pumupurol na ang memorya mo. Matanda ka na kasi.”I gasped with what Markus said. Then Sir Uno suddenly laughed sarcastically.“We’re of the same age, Markus. Sabay nga tayong lumaki, ‘di ba? Actually, we can consider each other as childhood friends.”“No need. I'm fine with having you as my enemy, Uno,” Markus answered before he glanced to me. “Are you done? Let’s go.”Ibinigay niya sa akin ang bulaklak at tinanggap ko ito. Kinuha niya naman ang mga gamit ko na hawak ni Gretta. Nilingon ko ulit si Sir Uno na seryoso na rin ngayon.
As soon as I opened my eyes, I was greeted by the the white ceiling. I tried to remember what happened and where am I, only to realize that I was in the hospital.I was shot. Iyon ang naaalala ko. Magkasama kami ni Markus sa gubat habang may nagpapaputok ng baril. At nadaplisan ng bala ang braso ko. Inilibot ko ang paningin sa silid kung nasaan ako at nakita ko sila lolo at lola sa sofa. Pareho silang natutulog habang nakasandal si lola sa balikat ni lolo. Sinubukan kong bumangon para makaupo pero nagising sila sa pagkilos ko. Kaagad na tumayo si lola at lumapit sa akin.“Angel, how are you? May masakit pa ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni lola.Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala naman akong naramdamang kahit anong sakit. Napatingin tuloy ako bigla sa braso ko na naka-bandage. Siguro dahil may anesthesia or pain killers kaya hindi ko maramdaman ang sakit.Umiling ako. “Wala naman po. Maayos na po ako.”Nakahinga nang maluwag si lola. “Salamat sa Diyos. Nag-alala kami nang s
Hindi ko alam kung tamang desisyon ba na sabihin ko kay Gretta ang totoo. Pero kasi nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Gusto ko lang ng may makausap tungkol dito na alam kong mapagkakatiwalaan ko.I suddenly missed Neri and Joyce. They were always there whenever I needed a friend to talk to. Pero ngayon kasi, malayo sila sa akin at alam kong busy rin sila.“W-What? May relasyon kayo ni Sir Markus?” gulat na tanong ni Gretta. Tumango ako. “Pero...uncle mo siya, ‘di ba?”Bumuntonghininga ako bago umiling. “Not really. He's not a real Dela Vega. Adopted son siya ng grandparents ko.”Natulala siya saglit habang pinoproseso ang sinabi ko. Mayamaya lang ay dahandahan siyang tumango. Mukhang naintindihan niya na ang sitwasyon ko.“Gano’n pala. Pero sa paningin ng lahat, tito mo pa din siya. Mali pa din ang relasyon n'yo. Hindi naman sa nanghihimasok ako, sinasabi ko lang ang totoo,” paliwanag niya.Pilit akong ngumiti. “Alam ko. Mali na talaga ‘to sa simula pa lang pero hindi ko mapigil
I couldn't believe this. Dad knew it all along. Alam niyang si Joyce ang salarin sa pagkalat ng video ko pero hindi niya man lang sinabi sa akin. Para akong tanga na nag-iisip kung sino ang may galit sa akin na gagawa no’n. Si Joyce lang pala.Suminghap ako. “Gusto kitang pahirapan, Joyce. Gusto kitang ipakulong. Pero dahil buntis ka, limitado ang pwede kong gawin para gantihan ka.”Tumayo ako at tinitigan siya nang masama. Kinuha ko ang iced coffee na in-order ko at mahigpit itong hinawakan.“Hindi mo alam kung gaano katinding kahihiyan ang tinamo ko. I blamed myself because somehow, it was my fault. At kasalanan ko din na kinaibigan kita. Ayaw na kitang makita, Joyce. Get lost.”Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay isinaboy ko sa kaniya ang hawak kong iced coffee. Napasinghap siya sa gulat. Maging ang ibang nakakita ay napasinghap din pero wala akong pakialam.Tinalikuran ko na siya at agad akong lumabas ng coffee shop. Sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha ko. Agad ko itong pinunasan
There was something in his stares that I couldn't comprehend. It was as if he was thinking of something...bad. But I didn't want to be judgmental. Madalas din akong mapagkamalang masungit dahil sa paraan ng pagtitig ko. Pero hindi naman talaga ako masungit. Kaya I’ll give Sir Uno the benefit of the doubt.Tumayo siya at umikot para lapitan ako. Napatayo rin tuloy ako dahil ang awkward naman kung nakaupo lang ako. “This way. Sasamahan kita kung nasaan ang mga new designs namin,” sabi niya at inilahad ang palad niya sa pinto.Nauna akong lumabas doon at sumunod naman siya kaagad. Muling naglingunan sa amin ang mga empleyado at mas kita ko ngayon ang pang-uusisa nila. Sumakay kami sa elevator at pinindot ni Sir Uno ang number three sa button. Sabay kaming naglakad ni Sir Uno bago siya huminto sa harap ng isa pang pinto. Binuksan niya iyon at pinauna ako ulit pumasok. Bumungad sa akin ang iba't ibang mga klase ng damit. Nakaayos ang mga iyon sa bawat sulok ng kwartong pinasukan namin a