Callie’s POV
"Ang tanga-tanga mo naman, Hailey! Bakit ka nagpabuntis? Sa ating dalawa ikaw pa nga itong mahinhin. Di makabasag pinggan. Ikaw ‘yong dalagang Filipina, yeah!" hindi napigilan ang galit na sita ko sa kakambal ko. Ilang araw ko na kasing napapansin na panay ang pagduduwal niya tuwing umaga habang nag-aalmusal kami.
Naghinala na ko kaya kinumpronta ko na kaagad siya at umamin naman siya.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay yumuko siya mula sa pagkakaupo habang nangingilid ang luha.
"S-Sorry…" humihikbing sabi nito pagkalipas ng ilang saglit.
"Sorry? Halos magkandakuba-kuba na nga ako kakatrabaho para mapag-aral, may ipambili ka ng gamot at may makain tayo tapos magpapabuntis ka lang? Tapos sorry?"
"I-Iyon na nga, eh. Puro na lang ikaw. Simula nang maulila tayo, ikaw na lang lagi ang kumikilos. Nagpapakapagod. Dahil mahina ako. Kaya noong nagkasakit ka at natigil sa pagtatrabaho...naisip kong…ako naman ang gumawa ng paraan."
"At ano’ng klaseng paraan ang ginawa mo para magbuntis ka ng ganyan?" napapaypay gamit ang abanikong tanong ko pa. Palakad-lakad ako sa harap niya habang nakapamewang.
"Nag…Nag-escort ako…"
"Escort?!" bulalas ko. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"O-Oo, may kaklase kasi akong ganoon ang sideline para makapag-aral. Ang totoo hindi naman lahat ng escort girl gumagawa ng ganoon, eh. Pero mas malaki kasi ang bayad kapag…ano…" hindi na nito maituloy ang sasabihin kaya umangat na ang kamay ko para awatin siya. Kahit ako, ayokong pakinggan, eh.
"Oo, malaki pag nagpaano! Nagets ko na. Kaya naman pala hindi ka makasagot kung saan mo kinuha ang pera dahil ipinagbili mo ang sarili mo. Pambihira ka naman! Sino namang naging customer mo?"
"M-Mabait naman siya, eh. Gwapo rin. Ang totoo nagpunta lang kami sa isang party. Nirecommend lang ako ng isang kaibigan niyang lalaki para maging date niya doon sa sosyal na party. Hindi siya bastos…"
"Sampalin kaya kita! Ano’ng hindi bastos? Eh, bakit ka nabuntis?" gagad ko.
"Nalasing siya. Tapos...hinatid ko sa condo niya. Kaso noong ilalagay ko na siya sa kama niya, napatid ako…tapos…"
"Natumba kayo? Tapos nagkatitigan? At dahil attracted kayo sa isa’t-isa naghalikan na kayo? Hindi niyo napigilan and then…boom! Bombo ngayon ang tiyan mo! Tama?" naniningkit ang mga matang pagpapatuloy ko sa ikukwento niya.
Ang sarap din sapukin ng isang ito. Marupok, eh!
"P-Paano mo nalaman?" maang na tanong niya kaya hinampas ko siya ng abaniko sa ulo kaya nahimas niya iyon.
Itong kambal kong ito ang tipo ng tao na kapag inapi mo hindi lalaban. Iiyak lang siya sa sulok at doon magmumukmok. Kaya ako ang nagsisilbing bato sa aming dalawa. Hindi ako pwedeng magpaapi dahil wala namang ibang magtatanggol sa amin.
"Natural! Ganyang-ganyan ang mga isinulat ko sa previous novel ko na nareject dahil sa sobrang cliché!" palatak ko. Frustrated writer din kasi ako. Wala lang talagang time i-pursue ng todo kaya siguro wala akong maapprove na manuscript kahit isa.
"Eh, pero iyon naman talaga ang nangyari. May kasalanan pa nga ako. Noong nagising ako nahiya na kong gisingin siya at kunin iyong bayad kaya...kinuha ko na lang iyong wallet niya."
"Ano? Nabuang ka na talaga! Bakit pati wallet nun kinuha mo? Eh, kung kasuhan ka no’n?"
"N-Nataranta na ko, eh. Kailangang-kailangan na natin ng pera kaya dinampot ko na lang wallet niya. Hindi ko naman isusugal ang buhay mo para sa kahihiyan ko." napayuko ulit na sagot nito.
Napabuntong hininga ako at napatingala. Hindi ako emosiyonal na tao katulad nitong kakambal ko. Pero dahil sa nalaman ko, hindi ko na mapigilang umiyak na rin. Nagsakripisyo siya para sa akin. Hindi ako sanay.
"S-Sira ka talaga! Alam mo bang ginawa mo? Sinira mo ang buhay mo! Hindi tayo pinalaki ng mga magulang natin para gumawa ng masama," may bumibikig sa lalamunan na sagot ko. Pinipigil ko talagang wag maiyak, eh.
"M-Masama na kung masama. Pero ayokong mawala ka sa’kin. Masisira lang ang buhay ko, pero habang humihinga ko may pag-asa pang maayos. Lalo na at nandiyan ka. Pero ikaw? Kung nawala ka? Mas lalo ng walang kwenta kung mabuhay ako. Mas lalo akong mawawalan ng pag-asa. Kung di ko ginawa ‘yon baka wala ka na ngayon at mag-isa na lang ako. Ayokong mag-isa. Di ko kayang mag-isa. I-Ikaw na lang ang meron ako, eh."
Hindi ko na kinaya. Nalaglag na ang mga luha ko at napaiyak, umupo ako sa tabi niya. Niyakap ko siya at parang mga batang nag-iyakan kami. Kahit mali, ginawa niya pa rin para sa akin iyon.
Few months ago, nagkasakit ako ng dengue. Halos wala kaming pera kaya kahit may mga nararamdaman akong sintomas, binalewala ko. Pumapasok pa rin ako sa trabaho. Pero hindi na kinaya ng katawan ko. Bumagsak ako sa sahig habang nasa trabaho.
Nakumpirmang may dengue ako at napakadelikado na ng lagay ko dahil medyo late na ng nadiagnose. Nasa critical phase na ko that time dahil dumudugo na ang gilagid ko at sumusuka na ng dugo. At halos di na rin makahinga.
Isinugod ako sa ospital kaya nasaid na halos ng tagu-taguan ko. Kaya siguro nataranta na siya at ginawa ang bagay na iyon kahit mali. Siguro nga kung hindi niya talaga ginawa iyon ay wala na ko sa harapan niya.
Sisinghot-singhot kami pareho nang maghiwalay. Pinunasan ko pa ang luha niya dahil masama rin talaga sa kondisyon niya ang extreme emotions. Mahina ang puso ng kambal kong ito kaya hinay-hinay rin talaga ko sa pagkastigo sa kanya dahil baka bigla na lang siyang bumulagta. Para lang akong nananalamin habang nakatingin sa kanya.
"Paano ‘yan? Wala ka ng Bataan. Kabilin-bilinan pa naman sa’tin dati ni Nanay na ‘wag isuko para sa lalaking hindi karapat-dapat."
"Iintindihin ko pa ba ‘yon? Eh, mas mahalaga ka. Saka mas malaki itong problema ko kasi nagbunga iyong ginawa kong mali."
"Hay...nandiyan na ‘yan. Panindigan na natin. Problema ko na rin ‘yan. Pero hoy…salamat." teary eyed pa rin na sabi ko.
"Wala ‘yon, alam mo namang love na love kita, kambal ko." sabi pa nito at niyakap ako.
"Love na love rin naman kitang loka ka. ‘Wag kang mag-alala malalagpasan din natin, ‘to. May awa ang Diyos."
"Sana nga, Callie…"
"Teka sino nga pala iyong lalaking nakadisgrasiya sa iyo?" naalala kong itanong.
"Huwag mo na lang alamin. Tutal hindi rin naman kami bagay…"
"Pero Hailey, dapat malaman niya ‘yan."
"Baka hindi lang siya maniwala..."
Napabuntong hininga ko. Alam kong hindi niya sasabihin. Kaya napagpasiyahan kong ako na lang mismo ang aalam.
~*~*~*~*~*~
Hindi ako dalawin ng antok nang gabing iyon. Iniisip ko ang kumplikadong sitwasiyon namin ng kakambal ko. Hindi biro magpalaki ng bata. Isa pa, paano kung hindi kayanin ni Hailey ang panganganak? Kung kami na nga lang minsan kinakapos pa ang sahod ko. Napatingin ako kay Hailey na tulog nasa tabi ko. Naghihilik pa siya kaya alam kong malalim na ang tulog niya. Pasimple akong bumangon.
Tinalunton ko ang cabinet niya na malapit sa pintuan. Maingat akong naghalungkat sa drawer niya. Sa ilalim ng damitan ay may nakapa ako. Pitaka. Leather wallet. Iyon na siguro ang wallet ng naging customer ni Hailey nang gabing isinuko nito sa isang estranghero ang bayan ng Bataan.
Ibinulsa ko iyon at lumabas ng kwarto.
Sa sala ko hinalungkat ang laman ng wallet. Samu’t-saring cards ang nakita ko. Pero wala ng pera. Dahil sigurado akong iyon ang ibinayad ni Hailey sa ospital para makalabas ako.
Nakakita ako ng mga ID’s at ilang 2x2 pictures. Halos matutop ko ang bibig ko nang makita ang picture ng lalaking nakadisgrasiya kay Hailey. Napakapogi ng hudas! Sobrang gwapo! Tingin ko ay hindi purong pinoy ito dahil sa itsura. Chinito ang loko. Kaya naman pala bumigay itong si Hailey.
Pero nawala na rin ang paghanga ko nang maisip ang sitwasiyon namin ngayon. Binasa ko ang pangalan ng lalaki sa ID.
Isa lang ang naisip ko. Hahanapin ko ang lalaking ito.
"Yari ka sa akin…Carter Hyun," naiusal ko pa.
Carter’s POV"Sir Carter, okay na raw po ‘yong venue na gagamitin bukas para sa event," agaw ng assistant ko sa atensiyon ko, kaya pansamantala akong napatigil sa pagtatype sa computer ko. "Sige, thanks for the info Myra. Pakisabihan lahat ng contract authors natin na dapat mas maaga sila. Lahat ng marshals alerto, para hindi magkagulo ang mga pupunta." "Noted po." Napangiti ako. Sigurado akong kung nabubuhay lang ang yumao kong ina, matutuwa siya. Dahil napalago ko ng husto ang naiwan niyang negosiyo sa akin."Eh, Sir-"Napatigil ito nang tumunog ang telephone ko sa lamesa. Sumenyas ako saglit sa kanya."Yes?" bungad ko."Sir Carter, may babae pong naghahanap dito sa inyo sa ibaba," sabi ni Doris. Isa
Callie’s POV DNA. DNA daw. Eh, kung dinadagukan ko siya? Panay ang sipa ko sa maliliit na batong nadadaanan ko habang pauwi sa maliit na apartment na tinitirhan namin ng kambal kong si Hailey. Inis na inis talaga ako sa Carter the carpenter na iyon! Apakahambog! Apakayabang! Apakapogi… Yaks! Ano ba naman iyong huling naisip ko? Hindi totoo iyon. Pero siyempre totoo talaga iyon. Gwapo nga siya. Chinito ang loko. Matangos ang ilong. Makinis na makinis din ang mukha. Walang open pores. Matangkad din ito…parang close to perfect. Brrr. Hindi ko dapat siya pinupuri. "Cal, ba’t ngayon ka lang? OT?" salubong sa akin ni Hailey nang makapasok ako sa loob ng apartment. "Ah, eh&
Callie’s POV"Yaks. Kadiri itong mga babaitang ito!" dinig kong reklamo ng baklang kaworkmate at best friend ko habang nakatingin sa cellphone niya. Coffee break namin kaya nasa kantina kami ng kumpanyang pinapasukan ko at kumakain ng snacks."Ano na naman ‘yan Renato?" puna ko at nakisilip sa touch screen phone niya. Nanonood na naman ito ng mga nagtitiktok tapos mahahighblood."Makarenato ‘to! Irene!" imbiyernang sabi niya sa akin na may kasama pang pagtulak sa balikat ko. Sopistikadang bading ito. Makinis at maputi. Alagang kojic."Matapon ‘tong kape ko!" hampas ko sa kanya."Tingnan mo kasi, ang lalaswa nila. Eww lang!" tumirik pa ang mga matang sabi nito."Kadiri? Eh, parehas lang naman kayo, oh. Tumitirik din mga mata nila.""Heh! May bagong challenge na naman kasing uso. Iyong banyo queen ni Andrew E. Tas patitirikin ng mga babaitang ‘to mga mata nila na akala mo ba inaano!""Sira ka talaga.
Callie’s POV"Shortness of breath. Feeling faint, chest pain. Mukhang hindi nagiging maganda ang lagay mo Miss Calingasan. Tatapatin ko na kayo, there is a high risk of death during pregnancy and child birth for your condition. If you are decided na ituloy ang pagbubuntis mo, I’ll be honest with you, there’s only 50 percent chance that you can survive," seryosong sabi ng doktorang tumitingin kay Hailey. Parang kulog sa pandinig ko ang sinabi ng doctor. Nilukob ng kilabot ang buong katawan ko. Halos tulala naman si Hailey at hindi makapagsalita. "Doc…sinasabi niyo po ba na possible na iterminate ang pregnancy para mabuhay ang kapatid ko?" nakuha kong itanong matapos makabawi sa pagkabigla. Napabuntong-hininga naman ang doktora.&
Carter's POVNapangiti ako nang makita si Hailey na naglalakad palapit sa'kin.Di ko maiwasang mapatitig sa kanya.Kumbinasiyon ng puti at asul ang kulay ng simpleng sleeveless na bestidang suot niya.Above the knee lang ang bestida kaya litaw ang makinis at maputing mga binti niya. Nakaflat shoes naman sa paa.Sinasalipadpad ng hangin ang nakalugay na buhok niya.Siya ang depinisiyon ng babaeng simple pero maganda..."H-Hello..." kimi ang ngiting bati niya sa'kin nang makalapit.Umangat ang sulok ng labi ko at napangiti."Sa wakas narinig ko rin ang matamis mong hello. Alam mo naman pala 'yon." biro ko pa."Ha?" maang na tanong niya."Hamburger?""H-Hindi naman ako gutom..."Unti-unting napalis ang ngiti ko, mukha
Callie's POVPalinga-linga ako sa glass window ng Mcdonalds na tinatambayan ko. Ilang saglit pa nakita ko na si Hailey na papasok, kaya kumaway na ko para makita niya kung saan ako nakapwesto.Nasa mall din ako kung saan sila 'nagdate' ni Carter after nilang magpakuha ng sample for DNA."O ano kamusta?" excited na tanong ko at binuksan na ang kanin ng chicken fillet na inorder ko.Ginutom ako kakaikot sa mall, kakaantay sa kanila."Okay naman," matamlay na sagot niya pagkaupo, kaya napakunot noo ko."Ano'ng okay naman? Para kang nalugi diyan, di ba dapat masaya ka kasi nagkita na kayo ni Carpenter? Di ka ba pinakain ng mokong na 'yon? O eto, kumain ka. Tapos uwi na tayo," iniusog ko ang isang tray na may chicken fillet na inorder ko talaga para sa kanya."Wag na take out na lang natin 'yan, kumain na kami ni Carter. Masarap nga 'yong carb
"Hoy! Renato! Tulong naman. Kita mo ng ang bigat-bigat nitong dala ko," tawag ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa mall, bitbit ko sa magkabilang kamay ang malalaking plastic ng mga beauty soap na ibebenta ko. Magiging certified seller na ko ngayon. Kinuha ko pa iyon sa Tita ni Renato na may factory ng sabon na iyon. Kaya nga kuminis at pumuti ng husto ang joklang ito. Sagana sa supply.Nilingon ako ni Renato pero umirap siya at nagtuloy-tuloy na ulit lumakad. Maldita talaga. Alam ko na gusto ng juding na 'to."Irene! Irene na Diyosa..." malambing na tawag ko at presto nakangiting lumingon ang bwisit."Ayan! Kanina ka pa Renato nang Renato. Irene dapat. Akina nga 'yan," kinuha niya sa'kin ang isang plastic kaya gumaan na ang dalahin ko."Bwisit ka talaga. Kundi pa Irene itatawag ko sa'yo, di mo ko tutulungan," reklamo ko sabay hampas sa braso niya."Eh, kasi nga imbyerna ka! Ang chaka ng Renato 'no! O teka andami mo namang gusto ibenta, gi
"Buffet dito. Kaya tayo ang kukuha ng pagkain. Pwede mong kunin lahat, tara?" yakag ni Carter"Adik ka. Malay ko sa pagkain dito? Pangmcdo lang ako."Natawa ito."Sige, ako na lang ang kukuha. Pero dito ka lang. Order ka na ng drinks sa server, maraming flavors ng fresh fruit shakes, okay 'yon sa inyo ng baby," nakangiting paalam niya.Nang makabalik si Carter halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng dala niyang hilaw na karne.Sa kaliwang kamay naman ay mga hipon. May kasunod pa siyang waiter na may bitbit pa na kung ano."Mahilig ka sa beef?" tanong niya nang makaupo."Ang dami naman niyan, hindi kaya tayo rayumahin?"Ang lutong ng tawa niya sa sinabi ko."Ano'ng akala mo sa'kin uugod-ugod na matanda? Kain na, lutuin ko lang 'to," alok niya at inilapit sa'kin ang inilapag ng waiter.Mukhang hipon pero nakabalot sa harina."Tempura?""Yes tempura 'yan
Epilogue Wakas... Kakatype ko lang ng word na wakas nang may humablot sa laptop ko. Napalingon tuloy ako. Si Carter pala. "Kagulat ka naman!" "Sorry. Just want to check kung okay itong magiging second novel mo," nakangiting aniya at umupo sa damuhan sa tabi ko. Seryoso niyang binabasa ang ending ng manuscript ko na nilagyan ko ng title na 'Lucky Me, Instant Mommy?' Napasinghot ako ng hangin at napatingin sa lapidang nasa harap ko. May sumilay na malungkot na ngiti sa labi ko nang makita ko ang pangalang nakaukit doon. Hindi ko akalain nasa ganito lang ang kahihinatnan niya. Napakabata pa niya. Hindi man lang niya naranasan mabuhay ng matagal sa mundo. "Seryoso? Ito talaga gusto mong maging ending natin?" tanong ni Carter kaya nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa monitor. "Tapos bakit iminatch mo pa si Jacob kay Carla?" follow up question niya.
"May mga bagay na hindi natin kontralado kaya may mga nangyayaring hindi planado..." Napailing ako nang maalala kong sinabi ko iyon dati kay Carter. Kaya nga siguro, sa ganito ang ending ng storyang nasimulan namin kahit hindi sinasadya. Napangiti ako habang naglalakad papasok sa simbahan, kung saan magaganap ang isang engrandeng kasalan... Halos may isang oras pa bago magsimula iyon. Inihakdaw ko ang paa ko papasok. Unti-unti palang nagdadatingan ang mga bisita. Humalimuyak kaagad ang bango ng mga bulaklak na nakapaligid sa simbahan. Naglakad ako sa aisle na nalalatagan ng pulang alpombra.
CARTER’S POV Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Hindi maalis sa isip ko si Callie. Nakatitig lang ako sa laptop ko, pero hindi naman umuusad ang ginagawa ko. Nakaamin na ako sa nararamdaman ko, dahil inakala kong gagaan ang loob ko kapag ginawa ko iyon, pero mas lalo lang bumigat. Napahilamos ako sa mukha. Hindi ko na alam ang gagawin. I love my child. Pero kung susundin ko naman ang nararamdaman ko, wala rin namang mangyayari. Tinanggihan na niya ko. Hindi niya kayang saktan si Hailey at si Harlie. For the past three months hindi siya nawala sa isip ko. I love he
JACOB SAMANIEGO DOCTOLERO Iyon ang pangalan na nakalagay. Napatayo ako bigla. "Callie, where are you going?" takang tanong ni Mamshie pero hindi na niya ko napigilang lapitan ang table nina Jacob. "Excuse me, gentlemen." tawag pansin ko sa kanila. "Hija! Callie!" lumiwanag ang mukhang tawag sa akin ng tatay ni Carter nang makilala ako. "Kamusta po?" nakangiting bati ko pero napansin ko ang gulat na mga mata ni Jacob nang mapalingon siya sa akin.&n
"Tingin mo, wala talaga tayong pag-asa?" tila nahihirapang tanong niya. Yumuko ako at tumango-tango. "Tingin ko, kaya wala tayong pag-asa dahil hindi tayo para sa isa’t-isa. Sorry Carter. Hindi pa man kami naisisilang sa mundo ito, magkasama na kami ni Hailey. Hindi ko siya kayang saktan. Hindi ako karapat-dapat sa’yo dahil hindi kita kayang ipaglaban."I walked away as fast as I can. Halos takbuhin ko na palabas. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi na niya ko hinabol.Naglakad ako sa daan na parang wala sa sarili. Ayaw maampat ng luha ko. Nanlalabo tuloy ang paningin ko. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko hindi na ko maiinlove ulit.Kung hindi rin lang si Carter,`wag na lang.~*~*~*~*~*~ "Hailey..." tawag ko
Medyo kabadong naglalakad ako papasok sa publishing company ni Carter, hawak ang business proposal na iniwan niya sa akin last week. Nagtext na ako sa kanya na darating ako. Lunch time kaya nagbababaan na ang mga empleyado para kumain. Halos walang tao akong naabutan sa second floor kung nasaan ang office ni Carter. Bago iyon ay madadaanan ko muna ang office ng mga editors, nagulat pa ako nang makitang lumabas doon si Jacob. Parang nagkagulatan pa kami dahil hindi kaagad siya nakapagsalita. Napansin kong mabilis niyang isinuksok sa bulsa ng polo ang isang flash drive. "H-Hey, Callie!" tila malikot ang mga matang bati niya nang tila makabawi sa pagkabigla. "Uy. Ano’ng ginagawa mo diyan? Isa ka na rin ba sa mga editors?" takang tanong ko.&nb
Chapter 523 MONTHS LATER..."Ma, kamusta na sila?" usisa ko kay Mamshie Elaine nang magkita kami sa isang resto."Thery’re still looking for you anak, magpakita ka na kaya?" himok niya saka dinampot ang menu.Napabuntong-hininga ako. Tatlong buwan na akong parang bulang naglaho sa paningin nina Hailey at Carter. Noong mga unang buwan para akong baliw na iiyak tuwing gabi. Hindi rin ako halos makakain, namimiss ko si Harlie, parang may malaking bahagi ng pagkatao ko ang nawala noong hindi ko na siya makarga, minsan natatagpuan ko ang sarili ko paggising ko sa umaga na nakatingin sa gilid ng kama ko, sa bahay kasi ni Carter katabi ko ang crib ni Harlie.Parang pinatay din ang puso ko nasa tuwing gigising ako, mag-isa na lang ako. Wala na si Carter na bukod kay Harlie ay siya ang unang nakikita ko paggising ko.Idagdag pa na ang tagal naming hindi nagkasama ni Hailey pero hindi ko man lang siya nakasama ulit. Pakiramdam
Chapter 51"Where to?" tanong ni Carter habang naglalakad kami. Nag-isip ako, kung manonood kami ng sine, kakain iyon ng halos dalawang oras. Walang masiyadong bonding na magaganap dahil konsentrado kami sa panonood. Gusto ko kasing sulitin ang last day ko kasama siya. Iyong parehas kaming mag-eenjoy ng hindi nakaupo lang. "D-Doon! Gusto kong subukan." turo ko sa ice skating rink na natanaw ko. Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga? Masaya mag-ice skating." "Marunong ka?" "Yup! I’ll be your personal trainor. Let’s go!" hinawakan niy
Chapter 50"Ano pong ilalagay natin sa cake madam?" tanong sa akin ng babaeng crew na binibilhan ko ng cake. Ang pulang laso. "Eto sinulat ko." iniabot ko ang isang papel. Kinuha niya iyon at iniabot sa isa pang crew na lalaki. Kitang-kita ko ang matamis nilang ngitian. "Love, eto pa. Okay ka lang ba diyan?" malambing na tanong ng babae. Bulungan pa, dinig ko rin naman! "Miss, balikan ko na lang, ah?" paalam ko dahil nabibigatan na ko sa dala ko, tapos tatlo pa iyong sinundan ko na dedication cake din ang ipinagawa. "Sige po Ma’am. Receipt niyo po for claiming." abot niya sa akin ng resibo.&nb