Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2021-09-11 20:15:54

Callie’s POV

            DNA. DNA daw. Eh, kung dinadagukan ko siya? Panay ang sipa ko sa maliliit na batong nadadaanan ko habang pauwi sa maliit na apartment na tinitirhan namin ng kambal kong si Hailey. Inis na inis talaga ako sa Carter the carpenter na iyon! Apakahambog! Apakayabang! Apakapogi…

            Yaks! Ano ba naman iyong huling naisip ko? Hindi totoo iyon. Pero siyempre totoo talaga iyon. Gwapo nga siya. Chinito ang loko. Matangos ang ilong. Makinis na makinis din ang mukha. Walang open pores. Matangkad din ito…parang close to perfect. Brrr. Hindi ko dapat siya pinupuri.

            "Cal, ba’t ngayon ka lang? OT?" salubong sa akin ni Hailey nang makapasok ako sa loob ng apartment.

            "Ah, eh…oo. Daming plano, eh. Sumakit nga mata ko kakacomputer," sagot ko at nagtanggal na ng sapatos at iniwan iyon sa labas ng pintuan.

            Isa akong encoder sa isang house and research development. Nakaabot naman ako ng third year college kaya natanggap ako. Kahit hindi ko gusto ang magdisenyo ng bahay gamit ang isang APP, pinilit ko na lang dahil kailangan ko ng trabaho, wala naman kaming ibang source of income, eh.

            "Pahinga ka na, nagluto akong ginisang sardinas saka nilagang itlog. Kakain na tayo mamaya," sabi pa nito habang may kinakaing bayabas.

            "Saan ka bumili niyang bayabas?" usisa ko.

            "Hiningi ko lang diyan kay Aling Lita, ang laki ng puno nila, eh. Buti binigyan ako, kanina pa ko nangangasim."

            Malungkot akong napangiti saka naupo sa maliit naming sofa na yari sa yantok. Tumabi naman siya sa akin, bitbit ang mga bayabas.

            "Naglilihi ka na siguro," komento ko.

            "Siguro nga, parang tumindi na nung nasabi ko na sa’yo ‘yong condition ko. Papansin na ‘tong magiging anak ko kasi hindi ko na siya itinatago."

"Huwag ka ring masiyadong magpagod, mag-aaral ka pa mamaya. Malapit na finals niyo di ba? Baka bukas pag nakuha ko na sweldo ko, pwede mo ng bayaran tuition mo."

Fourth year college na ito. Isang sem na lang graduate na. Napansin kong natigil ito sa pagkain ng bayabas at bumakas ang lungkot sa mga mata.

"S-Sorry ha…nagpapagod ka sa trabaho tapos gumawa pa ako ng kapalpakan."

"Loka, napag-usapan na natin ‘yan. Wag mo ng problemahin. Kaya natin ‘to."

"Naisip ko tumigil na lang ako pagkatapos ng sem na ‘to, para mas makatipid tayo."

"Hailey, hindi. Isang sem na lang di ba? Tapos ka na," tutol ko.

"M-Makakapaghintay naman ‘yon, eh. Eh, itong tiyan ko, 6 months na lang lalabas na. Hindi pwedeng ikaw lang kakayod, kung papasok pa ko, ang daming gastos, tuition, baon, pamasahe…ang tanga-tanga ko talaga," maiiyak na namang sabi nito.

Bumigat ulit ang dibdib ko. Tama naman siya, eh. Hindi na biro itong sitwasiyon namin. Lalo tuloy kumulo ang dugo ko kay Carpenter. Although…consensual naman ang namagitan sa kanila at walang pilitang nangyari, hindi ko pa rin maiwasang magngitngit.

Tinapik-tapik ko sa balikat ang kambal ko.

"Trial lang ‘to. Huwag ka ng masiyadong mag-isip. Nandiyan na ‘yan. Ang importante hindi ka nag-iisa. Nandito ko. Walang iwanan."

"S-Salamat talaga kambal. Laham kita." sabi niya at niyakap pa ko. Laham, binaliktad ng mahal.

"Iyakin ka talaga. Laham din kita. Basta walang iwanan. O sige na magpapalit na ko ng damit, para makakain na tayo."

"Sige, maghahain na ko," nakangiti ng sabi nito at nagtungo nasa kusina.

Pumasok na rin ako sa silid namin para magpalit. Tinanggal ko ang pagkakapusod ng buhok ko at nagsuklay ng kaunti. Napatitig ako sa salamin. Iisa ang mukha namin ni Hailey. Kaya siguro hindi na nakahalata ang lokong carpenter na iyon na hindi naman talaga ako si Hailey nang kausapin ko siya kanina.

Hindi ko namang intensiyong magpanggap na si Hailey. Ang kaso wala namang lakas ng loob itong si Hailey para kumprontahin ang lalaking iyon tungkol sa kalagayan niya, kaya naisip kong ako na lang ang kukumpronta. Kahit pa sabihing labas ako sa namagitan nila, hindi maikakailang ako ang puno’t-dulo. Hindi gagawin ni Hailey iyon kung hindi dahil sa akin. Kaya gagawa ako ng paraan para mapagaan ang sitwasiyon namin.

Pero naisip ko rin wala naman akong pakialam kay Carter kaya hindi na ako nag-abalang magpakilala kanina kung sino ba talaga ko. Hinayaan ko na lang na isipin niyang ako si Hailey. At kung kinakailangang kulitin ko siya araw-araw para matanggap niya ang anak nila Hailey gagawin ko.

"Tara kain na tayo," nakangiting yakag sa akin ni Hailey nang magtungo ako sa kusina.

Sa maliit na apartment na iyon magkasama na ang dining nila at kusina.

"Hmmm, ang sarap talaga ng ginisang sardinas at nilagang itlog." bulalas ko at nagsunod-sunod ang subo. Ginutom talaga ako kakaconvince sa Carter na iyon.

"Callie, napag-isip isip ko na habang tigil ako sa pag-aaral magtatrabaho muna ko," sabi ng kambal ko kaya napatigil ako sa pagkain.

"Ano’ng trabaho? Bawal ka ngang magpagod di ba?" tutol ko kaagad. Mahina ang puso niya, kaya nga nang mamatay ang mga magulang namin sanhi ng isang aksidente ako ang nagsakripisyong tumigil.

"Wala namang pinagkaiba iyon sa pag-aaral ko, eh. Sige na para hindi ko naman inaaasa lahat sa’yo."

"At kung sakali? Ano namang trabaho ang papasukan mo?"

"Sewer. Si Tiyang Melba tinanong ko kagabi sa chat, may bakante raw. Di ba malaki iyong patahian niya?"

"Ha? Eh, sa Cavite ‘yon, ah? Saka diba masungit ‘yon? Hindi naman tayo close sa kanya, eh."

"Masungit lang ‘yon pero hindi naman siya galit sa atin, ah? Hindi lang kasi natin siya nakasama noong maliliit pa tayo. Pero di ba noong namatay naman sina Nanay, pumunta sila dito at nakiramay?"

"Ibig mong sabihin, luluwas ka pa ng Cavite para lang sa trabaho na ‘yan? Ay naku dito ka na lang. Magpalakas ka, para makapanganak ka ng maayos. Iiwan mo pa ko?"

"Callie naman…sige na. Isa pa, hindi naman mabigat na trabaho iyon. Tsaka tiyahin natin ‘yon kaya nga sa kanya ako magtatrabaho para mapanatag ka. Mag-iipon lang ako tapos babalik din ako dito. Isipin mo kapag nakapanganak ako, mas magastos. Gatas, diaper, check up. Gamot ko pa, upa sa bahay, pangkain araw-araw. Hindi mo kakayanin…"

"Magdodouble time ako. Magdidecember na, doble ang mga planong darating, maraming overtime," katwiran ko pa. Ayoko talagang magkahiwalay kami, dadalawa na nga lang kami, eh, tapos magkakalayo pa?

Mas nagngitngit tuloy ako kay Carpenter. Dahil sa kanya nakakaisip ng mga ganoong bagay si Hailey.

"Callie, payagan mo na ko. Gusto ko naman kahit paano, maramdaman kong may silbi ako. Na kaya ko ring tumayo sa sariling mga paa ko. Paano ako magiging nanay kung hindi ko alam at nararanasan ang salitang sakripisyo?"

Natigilan ako. May bumikig na kung ano sa lalamunan ko. Kumurap-kurap ako para pigilan ang luha ko.

"K-Kailangan ba talaga?"

"Saglit lang naman, eh. Sige na. Baka mamaya niyan mag-end na lang ang buhay ko ng hindi ko pa nararanasan kung paano maging independent…"

"Hoy! Ano’ng mag-end ang life? Kilabutan ka! 'Wag ka ngang magsasalita ng ganyan," saway ko at napakatok sa lamesang kahoy ng tatlong beses.

"Eh, wala namang permanente dito sa mundo di ba? Di natin alam kung ano’ng pwedeng mangyari bukas. Kaya habang may panahon pa ako, gagawin ko na ‘yong mga bagay na magbibigay kahulugan sa buhay ko."

Napahimas ako sa batok dahil kinikilabutan talaga ako sa sinasabi niya. Parang…tunog namamaalam itong kambal ko.

"Hailey, tama na ‘tong usapan na ‘to."

"Ah, payag ka na?"

"Pag-iisipan ko pa. Kumain ka na."

"Pumayag ka na. Saka hindi naman habang buhay nakasandal ako sa’yo. Paano kapag nag-asawa ka na?"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Wala sa isip ko ‘yan. Magpapayaman muna ako bago na ‘yang love love na ‘yan. Saka ayoko nga."

"Bakit naman ayaw mo?"

"Ayokong mainlove. Nakakatanga ‘yon."

"Grabe ka naman. Ay ate wait lang, may ipapakita ako sa’yo. Diyan ka lang." parang excited na sabi nito at nagtungo sa sala. Hinintay ko itong makabalik.

May iniabot siya sa aking papel.

"Nagpaultrasound ka?" maang na tanong ko nang makita kung ano’ng klaseng papel ang iniabot niya.

"Oo! Hulaan mo kung ano’ng gender niya?"

"Sira! Malay ko diyan. Ang dilim-dilim ng papel na ‘yan. Eh, di gumastos ka pa?"

"Konti lang naman. May naitabi ako. Excited lang talaga akong malaman."

"O ano’ng gender niya?" naexcite ko na ring tanong.

"Baby boy!"

"O wow! At least paglaki niya may bodyguard tayo. Pero…wala ka ba talagang balak ipaalam ‘yan doon sa damuhong nakadisgrasiya sa’yo?" nanunubok na tanong ko.

Napansin kong nawala ang ngiti sa mukha niya.

"H-Hindi na lang siguro. Baka itanggi lang niya, eh."

Natahimik ako. Tama si Hailey. Kanina nga noong puntahan ko si Carter, kantatanggi siya, eh. Pero hindi ako papayag. Kailangan niyang panindigan si Hailey. O kahit iyong bata man lang.

~*~*~*~*~

            "Oy…" bati ko kay Carter na akmang pasakay nasa magara niyang kotse. Pinuntahan ko siya ulit.

            "Kabayo!" napatalon ito sa gulat.

            Pinigil kong matawa. Sa halip ay pinamewangan siya at nakachin up na hinarap siya. Here I am nagpapanggap na naman akong si Hailey.

"Nerbiyoso ka pala?" komento ko.

"Ikaw na naman? Saka paanong hindi ako magugulat sa’yo? Sumusulpot ka na lang bigla."

"Takot na takot ka talaga sa akin ‘no?"

"Hindi ba may usapan na tayo? Hangga’t walang DNA wala akong pananagutan sa’yo? Aaraw-arawin mo bang puntahan ako dito?"

"Lupit mo naman tsong. Alam mo siguro nga, nagsimula tayo sa bayaran pero hindi naman nangangahulugan na wala ka ng pananagutan. Hindi kasama sa bayad mo na maging Mommy ako ng baby mo DC."

"DC? Detachment commander?" maang na tanong niya.

"DC as in Daddy Carpenter."

"It’s Carter." pagtatama na naman niya.

"Nye, Nye, Nye! O! Kunin mo ‘to." abot ko sa kanya ng isang nakatiklop na papel.

"Ano ‘to?"

"Buksan mo ng malaman mo."

Kunot noong sinunod niya ako.

"U-Ultarsound?"

"U-UU." panggagaya ko sa tono niya kaya napa`tsk` ito.

"Seryoso ba ‘to?"

"Oo naman! More than three months na tiyan ko. Kaya nalaman ko na ang gender. Baby boy…" napangiti ng sabi ko.

  Napansin kong natigilan siya at tahimik na pinagmasdan ang ultrasound. Marahil hindi man niya aminin, naramdaman niya ang lukso ng dugo kahit na nga sa papel palang niya nakikita ang anak niya.

"Bakit mo ipinapakita sa’kin ‘to? Nangongonsensiya ka ba?" paratang niya kaya napabuga ako ng hangin.

"Hindi. Saka ang tanong, meron ka ba no’n? Pero char lang. Di kita kinukonsensiya. Inaupdate lang kita kasi nga ikaw ang Daddy ng baby. Gets mo na DC? O sige na, kung ayaw mo pa rin maniwala, akin na ‘yan. Alis na ko." paalam ko at akmang hahablutin ang ultrasound paper pero iniiwas niya sa akin iyon.

"Sa akin na lang muna ‘to." seryosong sabi niya at muling tiniklop iyon saka ibinulsa.

Pinigilan kong mapangiti. Mukhang lumalambot na ang karpintero. Konting halibas na lang lalambot din 'to.

"Fine. Ge, alis na ko."

"Saglit lang." pigil nito kaya napalingon ako.

"O?"

"Number mo?"

"Ha?"

"Number mo. Para may contact ako sa’yo."

"Textmates?"

"Hindi ka ba magtitino? Sige na ibigay mo na."

"Oo na. Ito na," sabi ko at idinikta na ang number ko.

"Hailey di ba?" tanong pa niya nang ilalagay na ang pangalan ko sa contacts niya sa cellphone niya.

"Ah…o-oo. Hailey. Hailey Calingasan." napapalunok na sabi ko.

"Okay…"

"Iyon lang ba? Sige alis na ko. Matatraffic ako pauwi, eh."

"Sumakay ka na. Ihahatid na kita." alok nito.

Sudden change of mood ang loko, ah.

"Ah, eh, wag na! Malayo, eh. Bye DC!" paalam ko at nagmamadaling umalis.

Sa ngayon hindi niya muna pwedeng malaman kung saan ako nakatira hanggat hindi siya pumapayag na panagutan ang bata. Isa pa walang alam si Hailey sa ginagawa ko. Kapag sigurado na kong pananagutan niya ang dinadala ni Hailey, saka ko sila paghaharapin…

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leonida Guibao
Tama ka jan calle
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 4

    Callie’s POV"Yaks. Kadiri itong mga babaitang ito!" dinig kong reklamo ng baklang kaworkmate at best friend ko habang nakatingin sa cellphone niya. Coffee break namin kaya nasa kantina kami ng kumpanyang pinapasukan ko at kumakain ng snacks."Ano na naman ‘yan Renato?" puna ko at nakisilip sa touch screen phone niya. Nanonood na naman ito ng mga nagtitiktok tapos mahahighblood."Makarenato ‘to! Irene!" imbiyernang sabi niya sa akin na may kasama pang pagtulak sa balikat ko. Sopistikadang bading ito. Makinis at maputi. Alagang kojic."Matapon ‘tong kape ko!" hampas ko sa kanya."Tingnan mo kasi, ang lalaswa nila. Eww lang!" tumirik pa ang mga matang sabi nito."Kadiri? Eh, parehas lang naman kayo, oh. Tumitirik din mga mata nila.""Heh! May bagong challenge na naman kasing uso. Iyong banyo queen ni Andrew E. Tas patitirikin ng mga babaitang ‘to mga mata nila na akala mo ba inaano!""Sira ka talaga.

    Last Updated : 2021-09-11
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 5

    Callie’s POV"Shortness of breath. Feeling faint, chest pain. Mukhang hindi nagiging maganda ang lagay mo Miss Calingasan. Tatapatin ko na kayo, there is a high risk of death during pregnancy and child birth for your condition. If you are decided na ituloy ang pagbubuntis mo, I’ll be honest with you, there’s only 50 percent chance that you can survive," seryosong sabi ng doktorang tumitingin kay Hailey. Parang kulog sa pandinig ko ang sinabi ng doctor. Nilukob ng kilabot ang buong katawan ko. Halos tulala naman si Hailey at hindi makapagsalita. "Doc…sinasabi niyo po ba na possible na iterminate ang pregnancy para mabuhay ang kapatid ko?" nakuha kong itanong matapos makabawi sa pagkabigla. Napabuntong-hininga naman ang doktora.&

    Last Updated : 2021-09-13
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 6

    Carter's POVNapangiti ako nang makita si Hailey na naglalakad palapit sa'kin.Di ko maiwasang mapatitig sa kanya.Kumbinasiyon ng puti at asul ang kulay ng simpleng sleeveless na bestidang suot niya.Above the knee lang ang bestida kaya litaw ang makinis at maputing mga binti niya. Nakaflat shoes naman sa paa.Sinasalipadpad ng hangin ang nakalugay na buhok niya.Siya ang depinisiyon ng babaeng simple pero maganda..."H-Hello..." kimi ang ngiting bati niya sa'kin nang makalapit.Umangat ang sulok ng labi ko at napangiti."Sa wakas narinig ko rin ang matamis mong hello. Alam mo naman pala 'yon." biro ko pa."Ha?" maang na tanong niya."Hamburger?""H-Hindi naman ako gutom..."Unti-unting napalis ang ngiti ko, mukha

    Last Updated : 2021-09-14
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 7

    Callie's POVPalinga-linga ako sa glass window ng Mcdonalds na tinatambayan ko. Ilang saglit pa nakita ko na si Hailey na papasok, kaya kumaway na ko para makita niya kung saan ako nakapwesto.Nasa mall din ako kung saan sila 'nagdate' ni Carter after nilang magpakuha ng sample for DNA."O ano kamusta?" excited na tanong ko at binuksan na ang kanin ng chicken fillet na inorder ko.Ginutom ako kakaikot sa mall, kakaantay sa kanila."Okay naman," matamlay na sagot niya pagkaupo, kaya napakunot noo ko."Ano'ng okay naman? Para kang nalugi diyan, di ba dapat masaya ka kasi nagkita na kayo ni Carpenter? Di ka ba pinakain ng mokong na 'yon? O eto, kumain ka. Tapos uwi na tayo," iniusog ko ang isang tray na may chicken fillet na inorder ko talaga para sa kanya."Wag na take out na lang natin 'yan, kumain na kami ni Carter. Masarap nga 'yong carb

    Last Updated : 2021-09-15
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 8

    "Hoy! Renato! Tulong naman. Kita mo ng ang bigat-bigat nitong dala ko," tawag ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa mall, bitbit ko sa magkabilang kamay ang malalaking plastic ng mga beauty soap na ibebenta ko. Magiging certified seller na ko ngayon. Kinuha ko pa iyon sa Tita ni Renato na may factory ng sabon na iyon. Kaya nga kuminis at pumuti ng husto ang joklang ito. Sagana sa supply.Nilingon ako ni Renato pero umirap siya at nagtuloy-tuloy na ulit lumakad. Maldita talaga. Alam ko na gusto ng juding na 'to."Irene! Irene na Diyosa..." malambing na tawag ko at presto nakangiting lumingon ang bwisit."Ayan! Kanina ka pa Renato nang Renato. Irene dapat. Akina nga 'yan," kinuha niya sa'kin ang isang plastic kaya gumaan na ang dalahin ko."Bwisit ka talaga. Kundi pa Irene itatawag ko sa'yo, di mo ko tutulungan," reklamo ko sabay hampas sa braso niya."Eh, kasi nga imbyerna ka! Ang chaka ng Renato 'no! O teka andami mo namang gusto ibenta, gi

    Last Updated : 2021-09-16
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 9

    "Buffet dito. Kaya tayo ang kukuha ng pagkain. Pwede mong kunin lahat, tara?" yakag ni Carter"Adik ka. Malay ko sa pagkain dito? Pangmcdo lang ako."Natawa ito."Sige, ako na lang ang kukuha. Pero dito ka lang. Order ka na ng drinks sa server, maraming flavors ng fresh fruit shakes, okay 'yon sa inyo ng baby," nakangiting paalam niya.Nang makabalik si Carter halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng dala niyang hilaw na karne.Sa kaliwang kamay naman ay mga hipon. May kasunod pa siyang waiter na may bitbit pa na kung ano."Mahilig ka sa beef?" tanong niya nang makaupo."Ang dami naman niyan, hindi kaya tayo rayumahin?"Ang lutong ng tawa niya sa sinabi ko."Ano'ng akala mo sa'kin uugod-ugod na matanda? Kain na, lutuin ko lang 'to," alok niya at inilapit sa'kin ang inilapag ng waiter.Mukhang hipon pero nakabalot sa harina."Tempura?""Yes tempura 'yan

    Last Updated : 2021-09-17
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 10

    Callie’s POV "Narealize ko na...mas gusto kita." Pambingi naman ‘tong sinabi ni Carter. "A-Ano’ng mas gusto mo ko?" tanong ko kay Carpenter nang mahamig ko ang sarili ko sa pagkabigla. Ngumiti siya kaya napaiwas ako ng tingin. Ano ba naman ang lalaking ‘to? Ugali ba talaga niyang tumitig at ngumiti nang ngumiti? "What I mean is…mas gusto kita ngayon. The last time we met you seem so distant. Di ko alam kung paano kita iaapproach pero ngayon parang mas open ka na. Hindi na ko masiyadong nangangapa." "Uhm…ayaw mo ba sa taong mahiyain?" curious na tanong ko. Shy type kasi si Hailey kaya siguro

    Last Updated : 2021-09-18
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 11

    "Paano ba talaga kayo nagkita?" usisa ni Hailey habang nakatambay kami at nagpapahangin sa maliit na terrace ng maliit na bahay na inuupahan namin. Katabi lang namin ang landlady na nasa kabilang pinto. Kaibigan ng mga magulang naming namayapa kaya hindi kami masiyadong tinataasan sa upa. Bata palang kami dito na kami nakatira. "Ayun nga sa mall. Hinihintay ko si Renato tapos bigla na lang siyang sumulpot. Pero promise sisikapin ko ng hindi kami magkasalubong. Wala naman ako dapat sa eksena. Pinasa ko ‘yong number niya sa’yo. Ikaw na magsave at makipagcommunicate sa kanya, binura ko na kasi ‘yan." "Sige, buti ka pa nakasama mo siya..." napangusong sabi nito. Natatawang dinan

    Last Updated : 2021-09-19

Latest chapter

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Epilogue

    Epilogue Wakas... Kakatype ko lang ng word na wakas nang may humablot sa laptop ko. Napalingon tuloy ako. Si Carter pala. "Kagulat ka naman!" "Sorry. Just want to check kung okay itong magiging second novel mo," nakangiting aniya at umupo sa damuhan sa tabi ko. Seryoso niyang binabasa ang ending ng manuscript ko na nilagyan ko ng title na 'Lucky Me, Instant Mommy?' Napasinghot ako ng hangin at napatingin sa lapidang nasa harap ko. May sumilay na malungkot na ngiti sa labi ko nang makita ko ang pangalang nakaukit doon. Hindi ko akalain nasa ganito lang ang kahihinatnan niya. Napakabata pa niya. Hindi man lang niya naranasan mabuhay ng matagal sa mundo. "Seryoso? Ito talaga gusto mong maging ending natin?" tanong ni Carter kaya nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa monitor. "Tapos bakit iminatch mo pa si Jacob kay Carla?" follow up question niya.

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 57 (Finale)

    "May mga bagay na hindi natin kontralado kaya may mga nangyayaring hindi planado..." Napailing ako nang maalala kong sinabi ko iyon dati kay Carter. Kaya nga siguro, sa ganito ang ending ng storyang nasimulan namin kahit hindi sinasadya. Napangiti ako habang naglalakad papasok sa simbahan, kung saan magaganap ang isang engrandeng kasalan... Halos may isang oras pa bago magsimula iyon. Inihakdaw ko ang paa ko papasok. Unti-unti palang nagdadatingan ang mga bisita. Humalimuyak kaagad ang bango ng mga bulaklak na nakapaligid sa simbahan. Naglakad ako sa aisle na nalalatagan ng pulang alpombra.

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 56

    CARTER’S POV Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Hindi maalis sa isip ko si Callie. Nakatitig lang ako sa laptop ko, pero hindi naman umuusad ang ginagawa ko. Nakaamin na ako sa nararamdaman ko, dahil inakala kong gagaan ang loob ko kapag ginawa ko iyon, pero mas lalo lang bumigat. Napahilamos ako sa mukha. Hindi ko na alam ang gagawin. I love my child. Pero kung susundin ko naman ang nararamdaman ko, wala rin namang mangyayari. Tinanggihan na niya ko. Hindi niya kayang saktan si Hailey at si Harlie. For the past three months hindi siya nawala sa isip ko. I love he

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 55

    JACOB SAMANIEGO DOCTOLERO Iyon ang pangalan na nakalagay. Napatayo ako bigla. "Callie, where are you going?" takang tanong ni Mamshie pero hindi na niya ko napigilang lapitan ang table nina Jacob. "Excuse me, gentlemen." tawag pansin ko sa kanila. "Hija! Callie!" lumiwanag ang mukhang tawag sa akin ng tatay ni Carter nang makilala ako. "Kamusta po?" nakangiting bati ko pero napansin ko ang gulat na mga mata ni Jacob nang mapalingon siya sa akin.&n

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 54

    "Tingin mo, wala talaga tayong pag-asa?" tila nahihirapang tanong niya. Yumuko ako at tumango-tango. "Tingin ko, kaya wala tayong pag-asa dahil hindi tayo para sa isa’t-isa. Sorry Carter. Hindi pa man kami naisisilang sa mundo ito, magkasama na kami ni Hailey. Hindi ko siya kayang saktan. Hindi ako karapat-dapat sa’yo dahil hindi kita kayang ipaglaban."I walked away as fast as I can. Halos takbuhin ko na palabas. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi na niya ko hinabol.Naglakad ako sa daan na parang wala sa sarili. Ayaw maampat ng luha ko. Nanlalabo tuloy ang paningin ko. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko hindi na ko maiinlove ulit.Kung hindi rin lang si Carter,`wag na lang.~*~*~*~*~*~ "Hailey..." tawag ko

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 53

    Medyo kabadong naglalakad ako papasok sa publishing company ni Carter, hawak ang business proposal na iniwan niya sa akin last week. Nagtext na ako sa kanya na darating ako. Lunch time kaya nagbababaan na ang mga empleyado para kumain. Halos walang tao akong naabutan sa second floor kung nasaan ang office ni Carter. Bago iyon ay madadaanan ko muna ang office ng mga editors, nagulat pa ako nang makitang lumabas doon si Jacob. Parang nagkagulatan pa kami dahil hindi kaagad siya nakapagsalita. Napansin kong mabilis niyang isinuksok sa bulsa ng polo ang isang flash drive. "H-Hey, Callie!" tila malikot ang mga matang bati niya nang tila makabawi sa pagkabigla. "Uy. Ano’ng ginagawa mo diyan? Isa ka na rin ba sa mga editors?" takang tanong ko.&nb

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 52

    Chapter 523 MONTHS LATER..."Ma, kamusta na sila?" usisa ko kay Mamshie Elaine nang magkita kami sa isang resto."Thery’re still looking for you anak, magpakita ka na kaya?" himok niya saka dinampot ang menu.Napabuntong-hininga ako. Tatlong buwan na akong parang bulang naglaho sa paningin nina Hailey at Carter. Noong mga unang buwan para akong baliw na iiyak tuwing gabi. Hindi rin ako halos makakain, namimiss ko si Harlie, parang may malaking bahagi ng pagkatao ko ang nawala noong hindi ko na siya makarga, minsan natatagpuan ko ang sarili ko paggising ko sa umaga na nakatingin sa gilid ng kama ko, sa bahay kasi ni Carter katabi ko ang crib ni Harlie.Parang pinatay din ang puso ko nasa tuwing gigising ako, mag-isa na lang ako. Wala na si Carter na bukod kay Harlie ay siya ang unang nakikita ko paggising ko.Idagdag pa na ang tagal naming hindi nagkasama ni Hailey pero hindi ko man lang siya nakasama ulit. Pakiramdam

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 51

    Chapter 51"Where to?" tanong ni Carter habang naglalakad kami. Nag-isip ako, kung manonood kami ng sine, kakain iyon ng halos dalawang oras. Walang masiyadong bonding na magaganap dahil konsentrado kami sa panonood. Gusto ko kasing sulitin ang last day ko kasama siya. Iyong parehas kaming mag-eenjoy ng hindi nakaupo lang. "D-Doon! Gusto kong subukan." turo ko sa ice skating rink na natanaw ko. Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga? Masaya mag-ice skating." "Marunong ka?" "Yup! I’ll be your personal trainor. Let’s go!" hinawakan niy

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 50

    Chapter 50"Ano pong ilalagay natin sa cake madam?" tanong sa akin ng babaeng crew na binibilhan ko ng cake. Ang pulang laso. "Eto sinulat ko." iniabot ko ang isang papel. Kinuha niya iyon at iniabot sa isa pang crew na lalaki. Kitang-kita ko ang matamis nilang ngitian. "Love, eto pa. Okay ka lang ba diyan?" malambing na tanong ng babae. Bulungan pa, dinig ko rin naman! "Miss, balikan ko na lang, ah?" paalam ko dahil nabibigatan na ko sa dala ko, tapos tatlo pa iyong sinundan ko na dedication cake din ang ipinagawa. "Sige po Ma’am. Receipt niyo po for claiming." abot niya sa akin ng resibo.&nb

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status