Share

Chapter 9

last update Last Updated: 2021-09-17 16:41:10

"Buffet dito. Kaya tayo ang kukuha ng pagkain. Pwede mong kunin lahat, tara?" yakag ni Carter

"Adik ka. Malay ko sa pagkain dito? Pangmcdo lang ako."

Natawa ito.

"Sige, ako na lang ang kukuha. Pero dito ka lang. Order ka na ng drinks sa server, maraming flavors ng fresh fruit shakes, okay 'yon sa inyo ng baby," nakangiting paalam niya.

Nang makabalik si Carter halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng dala niyang hilaw na karne.

Sa kaliwang kamay naman ay mga hipon. May kasunod pa siyang waiter na may bitbit pa na kung ano.      

"Mahilig ka sa beef?" tanong niya nang makaupo.

"Ang dami naman niyan, hindi kaya tayo rayumahin?"

Ang lutong ng tawa niya sa sinabi ko.

"Ano'ng akala mo sa'kin uugod-ugod na matanda? Kain na, lutuin ko lang 'to," alok niya at inilapit sa'kin ang inilapag ng waiter.

Mukhang hipon pero nakabalot sa harina.

"Tempura?"

"Yes tempura 'yan. Sawsaw mo dito, para mas masarap," inilapit niya sa'kin ang maliit na mangkok na may lamang sauce na parang tubig lang ang itsura.

"Ayos. Dati nakikita ko lang 'to, ngayon totoo na," hindi naiwasang sabi ko at dinampot ang chopstick sa mesa.

Hindi ako marunong gumamit niyon pero iyon lang kasi ang nandun. Ayoko namang magmukhang engot sa harap niya. Kaya bahala na.

Magkadikit ang chopstick. Pinaghiwalay ko iyon pero mali naman ang hati ko, nabakli ang isa. Hindi pantay!

Alanganing napatingin ako kay Carter na nag-iihaw na ng karne gamit ang tong sa built-in na smokeless grill sa table namin. Napansin kong nakatitig siya sa'kin. Nakakahiya talaga ko.

"Mali ang hati ko, hehe!" ngising asong sabi ko.

Napangiti lang siya at dinampot ang chopstick niya sa mesa.

Swabeng pinaghiwalay niya iyon.

"Here you go," abot niya sa akin. Alanganing kinuha ko iyon.

Ipinuwesto ko iyon sa daliri ko. Nang subukan kong kunin ang tempura nalaglag ang isang chopstick.

Napansin kong napatingin na naman sa'kin si Carter.

Argghh! Magpapakatotoo na nga lang ako. Hindi ako makakakain ng maayos nito. Ano bang paki ko kung magmukha akong eng-eng sa harap niya? Di ko naman kailangang magpaimpress.

"Tsk, wala bang kutsara o tinidor? Hindi talaga ako marunong niyan," napapalatak ng sabi ko na ikinangiti lang niya.

Tumawag siya ng waiter at humingi ng spoon and fork at extrang chopstick.

Dagli niyang iniabot sa'kin ang kutsara at tinidor.

"Soup ka muna. Appetizer," nguso niya sa maliit na bowl na may lamang sabaw na mala-red orange ang kulay.           

Kinuha ko iyon at kumuhit ng sabaw gamit ang kutsara.

"Wew! Ang anghang," komento ko at humigop ulit. Lasang hipon na maanghang.

"Hindi ka ba mahilig sa maanghang?"

"Gusto ko nga, eh. Boring din naman pag walang anghang, eh."

"Pareho pala tayo, mahilig din ako sa maanghang. Eto na 'yong tempura,"

Ipinaglagay niya ako ng tempura sa plate ko na medyo ikinagulat ko. Hindi naman ako sanay na dinudulutan ng ibang tao.

Tinusok ko iyon at isinawsaw sa sauce niyon.

Napatakip ako sa bibig ko nang manguya ko iyon at malasahan.

"Ayos ba?" tanong niya.

"Uhm ang sarap! Grabe! Walang-wala do'n sa chichirya version na tempura," tumatangong sagot ko at sunod-sunod na ang kain ko.

"May chichiryang tempura?"

"Oo naman. Iyong tindahan sa kanto namin may tindang gano'n, tigdodose 'yon, meron din sa mga grocery stores. Di mo lang siguro napapansin, kasi sosyalin ka o baka hindi ka talaga kumakain ng junk foods. Masarap iparis 'yon sa malamig na coke, tapos---" natigil ako sa pagsasalita nang mapansing nakatitig lang siya sa'kin at parang interesadong pinakikinggan talaga ko.

Ang daldal ko naman! Dalagang pilipina nga dapat ang kilos ko.

"Sorry ang daldal ko," napapeace sign pang sabi ko.

"That's okay. Gusto ko rin namang makarinig ng non-related sa trabaho," nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako.

Mukhang hindi naman na lugi dito si Hailey. Bukod sa gwapo, eh, medyo gentleman. Hindi niya kasi ako tinawanan nang malamang hindi ako marunong magchopstick. Okay na. Pasado ng maging bayaw ko to.

"Bakit? Wala ka bang friends na nakakausap?"

"Meron naman, kaso alam mo na, bihira na lang kaming magkasama-sama. Kalimitan sa mga ganitong edad, busy nasa kanya-kanyang buhay at career."

"Sabagay," napakibit balikat na sang-ayon ko.

"Luto na 'to, tikman mo," tukoy nito sa marinated na karneng inihaw nito.

Inilagay niya iyon sa plate ko gamit ang tongs. Dagli ko iyong kinain. Manipis lang ang hiwa at tamang-tama ang lambot.

"Sarap?" tanong pa nito kaya nakangiting napathumbs up ako.

"Ang sarap! Wala yatang hindi masarap dito,"

Napangiti ito at ipinaglagay pa ako ng marami.

"Damihan mo kain, unli 'yan. Teka, ano nga palang laman nitong mga bitbit mo at ang bigat naman yata?" usisa nito at kinuha ang plastic niyang dala na nasa ilalim ng mesa.

Inilapag nito iyon sa tabi nito.

"Mga beauty soap."

"Pwedeng tingnan?"

"Sige lang," tango ko habang panay ang kain.

Nag-i-enjoy talaga ko. Noon lang naman kasi ako nakakain ng ganoon.

"Aanhin mo naman ang mga 'to?" tanong ni Carter habang hawak ang isang piraso ng kojic soap.

"Ibebenta, para may extra. Sa tingin ko naman, papatok 'yan. Marami kasing gustong pumuti at kuminis."

"Magkano lahat 'to?" seryosong tanong niya.

Napaisip ako saglit at nagkwenta sa isip.

"Isang piraso 60, times 100, 6000 pesos. Pag nabenta ko lahat may 40 percent ako. Di na masama di ba?" daldal ko pa.

Tumango-tango lang siya.Napansin kong dumukot siya ng pera sa wallet.

"Hoy! Aanhin ko 'yan?" gulat na tanong ko nang kunin niya kamay ko at isipit ang ilang lilibuhing pera.

"Ako na bibili. Para hindi ka na mabigatan, baka kung mapaano pa kayo ng baby,"

"Sira ka ba? Aanhin mo naman 'yan? Mas clear pa nga yata balat mo kaysa sa'kin. Wag na," hinila ko ang kamay niya at ibinalik ang pera niya.

"Papagive away ko. Pag may umorder ng mga books online, gagawin kong freebie 'yan, maaaliw na ang buyer sa books, kikinis pa. Kaya kunin mo na," giit niya at hinawakan pa ang kamay ko saka ulit nilagay ang pera.

Nakapagitna sa mga palad namin ang pera kaya parang naghuholding hands na tuloy kami.

"Ayoko, parang nililimusan mo naman ako niyan," tanggi ko pa rin.

Ayoko talaga! Dapat pala hindi ko na sinabi ang halaga ng mga sabon, baka akalain niya binebentahan ko siya. Daldal ko rin kasi talaga minsan.

"May item na kapalit, oh, bakit mo iisiping limos?"

"Ayoko pa rin, baka isipin mo sinasamantala kita," at pilit kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Well it doesn't appear that way to me. Huwag ka ng makulit, anniversary na rin ng publishing next week, kaya dapat may pakulo rin kami. Nagbi-brainstorming pa nga kami kanina ng mga staff kung ano'ng magandang give away."

"Talaga?"

"Oo, kaya nga nandito rin ako sa mall, eh. Naghahanap ng pwedeng ipagive away, kaya kunin mo na kasi hindi ko bibitawin ang kamay mo. Not unless gusto mong makipagholding hands sa'kin?" nakakaloko ang ngiting sabi niya habang umaangat baba ang kilay kaya dagli kong nabawi ang kamay ko, dala ang pera.       

"Tsk, mapilit ka talaga. Sige na ikaw na bahala, pero salamat. Malaking tulong 'to."

"Welcome," nakangiting sagot niya.

Ang hilig ngumiti ng lalaking 'to. Pati tuloy ako nahahawa kapag nakikita ko 'yong maputi at pantay-pantay niyang mga ngipin.

"Kumain na tayo." yakag niya.

"Uhm, Carter pwede magtanong?"

"Shoot."

"Di ba may girlfriend ka? Ano'ng reaction niya nung nalaman niyang magkakaanak ka na?" hindi nakatiis na tanong ko.

Aba dapat ko lang alamin ang status nila, para naman hindi maagrabiyado si Hailey.

"Number 1 wala pa kong sinasabi, wala pa ang resulta. Number 2, di ba sabi ko hindi naman sigurado kung kami."

"Ang labo mo tsong, ano 'yan M.U.? Dalawa lang naman 'yan 'no. Kayo o hindi kayo, 'yon lang 'yon." kunot noong bulalas ko.

"Sabagay. Pero kumplikado kasi."

"Gaano kakumplikado? Kasing kumplikado ba ng algebra? Geometry, calculus? O kasing kumplikado ng babaeng may menstruation tas papabili ng french fries sa jowa? Malala nga 'yan."

Bahagya siyang natawa.

"Gusto mo talagang malaman?"

"Siyempre baka mamaya niyan may biglang sumabunot at sumampal sa'kin, mapagpatol pa naman ako."

"Hindi naman ganyan si Krisha. Wala sa pagkatao niya ang mananakit, mabait 'yon."

"Masama kayang magalit ang mabait, o ano na nga?"

"Sige, tingin ko naman may karapatang ka ring malaman. Ang totoo 6 months ago we're happy. Parang walang problema, hanggang sa bigla na lang siyang nawala. Sinubukan kong hanapin siya, kaso walang makapagsabi sa akin kung nasaan siya. Napagod din ako kaya tumigil na rin ako kakahanap. At ipinagpalagay ko na lang na wala na kami. Tapos ngayon nagpaparamdam. Kaya 'yon malabo talaga," mahabang paliwanag niya.

"I see. Malabo nga. Pero nasa'yo 'yan kung babalikan mo pa. Ikaw naman ang lalaki."

"Okay lang sa'yo?"

"T-Teka bakit ako ang tinatanong mo?"

"Plano ko kasi kapag napatunayan ko ng akin 'yan, magpofocus na lang ako sa baby, sa'yo..."

Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya napukpok ko siya ng pamaypay na nasa kandungan ko lang. Useful talaga 'to!

"AW!" reklamo niya at napahimas na naman sa noo.

"Pwede `wag mo kong harutin? Narinig ko sagot mo kay Krisha, sabi mo sa kanya 'I still love you' o ano 'yon? Nangrirebound ka lang?" sumbat ko nang maalala ang malungkot na kwento sa akin ni Hailey dahil sa narinig nitong sagot ni Carter kay Krisha sa cellphone.

"Ano namang masama kung magfocus ako sa inyo?" tanong niya.

"Ang baby lang ang kargo mo. Hindi ako. Saka ano'ng masama? Masama kung gagamitin mo lang kami as distraction. Gets? Saka aminin mo, wala sa plano mo ngayon ang maging ama. Lasing ka no'n. Siguro kung wala ako hindi ka magdadalawang isip na makipag-ayos sa kanya. Maging honest na lang tayo dito, pwede?"

"Okay. Sabagay tama ka. Wala naman talaga sa plano ko ang maging tatay hangga't hindi pa ako kasal, pero nandiyan na 'yan. Wala naman sa personality ko ang tumalikod sa responsabilidad."

"Eh, ganyan talaga ang life. May mga bagay na hindi natin kontralado kaya may mga nangyayaring hindi planado..."

Tumango-tango siya at napangiti saka tumitig sa'kin.

"Hoy! Okay ka lang?" untag ko dahil nailang ako.

Kung makatitig naman ang ugok na 'to, wagas! Hindi ako sanay ng tinititigan!

"Ah...yeah. Sorry. It's just that...thank you," parang hindi siya magkandatuto sa sasabihin.

"Ano nga? Ano'ng thank you? Sabihin mo na? Pasuspense ka rin."

"Wala may narealize lang ako sa sinabi mo. Organize kasi akong tao kaya halos lahat ng galaw ko kalkulado o nakaplano talaga. Ayoko kasi ng magulo, pero dahil sa sinabi mo narealize ko na tama ka, hindi ko nga makocontrol ang lahat ng pangyayari. Tulad ngayon, nagkakilala tayo. Magiging tatay na rin. Nakakagulat lang."

"Di ba nga life is full of surprises? Kaya ako bihira ako magplano, bahala na. Naniniwala din kasi ako na kung para sa'yo, para sa'yo talaga. Wala namang masamang magplano. Okay nga 'yon, eh. Kaso lang kapag nagplano ka, may inaasahan kang resulta na ayon sa expectation mo. Eh, paano kung hindi mangyari? Eh, di magugulat ka o  madidisappoint ka na lang---teka disappointed ka ba ngayon? Kasi sabi mo wala sa plano 'to,"

"Nah. I am actually surprised. You're my biggest surprise..." malawak ang ngiting sabi niya.

Kung si Hailey nakakarinig nito, baka namilipit na 'yon sa tuwa. Bakit ba kasi ako ang nakakarinig nito ngayon? Wala naman to sa plano. Hays! Kakaguilty tuloy.

"Tumigil ka na nga diyan, harot ka rin, eh." saway ko.

"Ako? Hindi, ah. Loyal kaya ako."

"Sus! Loyal daw, walang gano'n Mars. Sa panahon ngayon, aso na lang ang loyal!" naibulalas ko.

Napatawa naman siya. Tawang-tawa ang loko.

"Baka kabagan ka diyan?"

"Nakakatuwa ka, eh. May narealize na naman tuloy ako."

"Ano na naman 'yan?"

"Narealize ko na...mas gusto kita."

Nalunok ng buo ang piraso ng karneng kinakain ko. Jusko tama ba ang dinig ko?

Nakakagulat ang word niya na 'gusto kita' pero mas nagulat ako sa word niyang 'MAS'!

'MAS GUSTO KITA'

May word na 'MAS' ibig sabihin ba may pinagkumparahan siya?

Alam na ba niyang kambal kami?

Shutik!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kung ako sa inyo callie at hailley sabihin nyo n kay carter na magkambal kayo pra walang lihiman sigurado akong maintindihan nman kayo ni carter
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 10

    Callie’s POV "Narealize ko na...mas gusto kita." Pambingi naman ‘tong sinabi ni Carter. "A-Ano’ng mas gusto mo ko?" tanong ko kay Carpenter nang mahamig ko ang sarili ko sa pagkabigla. Ngumiti siya kaya napaiwas ako ng tingin. Ano ba naman ang lalaking ‘to? Ugali ba talaga niyang tumitig at ngumiti nang ngumiti? "What I mean is…mas gusto kita ngayon. The last time we met you seem so distant. Di ko alam kung paano kita iaapproach pero ngayon parang mas open ka na. Hindi na ko masiyadong nangangapa." "Uhm…ayaw mo ba sa taong mahiyain?" curious na tanong ko. Shy type kasi si Hailey kaya siguro

    Last Updated : 2021-09-18
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 11

    "Paano ba talaga kayo nagkita?" usisa ni Hailey habang nakatambay kami at nagpapahangin sa maliit na terrace ng maliit na bahay na inuupahan namin. Katabi lang namin ang landlady na nasa kabilang pinto. Kaibigan ng mga magulang naming namayapa kaya hindi kami masiyadong tinataasan sa upa. Bata palang kami dito na kami nakatira. "Ayun nga sa mall. Hinihintay ko si Renato tapos bigla na lang siyang sumulpot. Pero promise sisikapin ko ng hindi kami magkasalubong. Wala naman ako dapat sa eksena. Pinasa ko ‘yong number niya sa’yo. Ikaw na magsave at makipagcommunicate sa kanya, binura ko na kasi ‘yan." "Sige, buti ka pa nakasama mo siya..." napangusong sabi nito. Natatawang dinan

    Last Updated : 2021-09-19
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 12

    "Kalma ghorl, upo ka nga, ako naloloka sa’yo. Actually lokang-loka ako sa nangyayari, paanong nabuntis ‘yang si Hailey?" saway ni Irene dahil pabalik-balik ako sa hallway ng ospital.Nagpasama ako sa kanya, hindi ko kayang mag-isa dito. Nasa delivery room na si Hailey, ceasarian siya. Dahil alam kong hindi niya kakayanin pag normal. Ilang taon na rin naman kaming magkaibigan nitong si Irene kaya minsan nakakapunta-punta siya sa bahay kaya kilala na niya si Hailey. "Saka ko na i-explain samahan mo na lang muna ko. Kinakabahan ako para sa kanya." "Nakakakaba talaga, eh, di ba weak ang heart niya? ‘Wag naman sana pero delikado talaga para sa kondisiyon niya ang ma

    Last Updated : 2021-09-20
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 13

    Callie’s POV I slammed the door as soon as I…letse napapaenglish tuloy ako. Itinaas ko na ang panty kong wala ng garter na nalaglag sa harap ni Carter. Nakakahiya! Baka akalain niya sa sobrang gwapo niya, makalaglag panty na ang dating niya. Gusto kong burahin ang pagmumukha ko ngayon.Kipkip ko ang tagiliran ng duster ko, naghagilap kaagad ako ng pardible. Nakakita naman ako sa sewing box namin at ikinabit iyon sa gilid. Katok nang katok si Carter sa labas na sigurado akong tinamaan ang tungki ng ilong sa lakas ng pagkakatalpak ko sa pintuan. "Hailey, mag-usap tayo," tawag niya mula sa labas habang kumakatok pa rin. "Makipag-usap ka sa sapsap tutal mukha kang kulisap! Tsupi!" sigaw ko pabalik.&n

    Last Updated : 2021-09-21
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 14

    "Can you please listen to me first?" tutol ni Carter nang akmang palalabasin ko na siya ng bahay."Wag na. Okay na po. Makakaalis ka na. Shupi!" tulak ko pa sa kanya at binuksan ang pintuan para lumabas na siya."I'm the father-""Kahit pa ikaw ang mother. Tsupi! Doon ka na lang sa Krisha mo, okay? Ikaw ang tipo ng tao na kapag nainlove itatapon lahat. Paano kung iutos ng jowa mo na idispatsa si Harlie? Gagawin mo nga? No way highway! Mamaya apihin pa niya si Harlie, neknek niyo. Kaya makakaalis ka na hindi ka namin kailangan. Okay na kami."Sumeryoso ang mukha ni Carter at matiim akong tinititigan, bahagya akong nailang at napalunok lalo na nang humakbang siya para lapitan ako. Naningkit pa lalo ang singkit na niyang mga mata."Do you think I would give up that easily? Harlie is my son. Kung may karapatan ka meron din ako." giit niya. Umangat ang sulok ng labi ko at nginisihan siya."Inabandona mo kami. Kahit hindi na ko, eh,

    Last Updated : 2021-09-22
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 15

    Callie’s POV "K-Kung magpapanggap ako, hindi ba delikado? Paano pag nalaman ni Carter? Ayokong manloko ng tao. Natatakot ako bakla, parang hindi ko keri," kontra ko sa suhestiyon ni Irene na magpanggap akong si Hailey para maprotektahan ko si Harlie. "Kaya ka nga magpapanggap para kay Harlie di ba? May rason ka. Masama ba ‘yon? Masama ba ‘yon? Saka hindi naman niya malalaman, eh. What he doesn’t know won’t hurt him." "Pero kahit na, hindi porque may rason ako, tama na ang gagawin ko." "Suggestion lang naman ‘yan baks. Pwede mong dedmahin, pero para sa akin iyon na ang best option, mamili ka na lang kung sino’ng gusto

    Last Updated : 2021-09-23
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 16

    "A-Ano?" nanlalaki ang mga matang bulalas ko. "Hubad o uurakan ko siya?" itinutok niya kay Harlie ang patalim. "T-Teka huwag! Eto na!" naiiyak na talaga ko. Ang pangit niya, tapos masama pa ugali. "Ayan! Madali ka naman palang kausap, bilisan mo." utos niya kaya napahawak ako sa laylayan ng t-shirt ko. "Alam mo Callie, matagal na talaga kitang kursunada kaso nuknukan ka ng suplada, pero ngayon wala ka ng kawala." anito habang minamasdan akong itaas ang damit ko. Itataas ko na talaga iyon nang may kumatok kaya napalingon si Allan, sinamantala ko ang pagkakataon at ubod ng lakas na tinadiyakan ko siya sa harapan.&

    Last Updated : 2021-09-24
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 17

    Callie’s POV "Hailey? Di ko alam kung naririnig mo ko o hindi? Papaalam sana ko, mapilit kasi si Carter sa karapatan niya kay baby Harlie. Kung magmamatigas ako habang tulog ka, baka magpaimbestiga siya at malaman na hindi naman talaga ako ikaw. Mas may laya na siyang gawin ang gusto niya kapag nalaman niyang wala siyang pangingilagan. Kaya magpapanggap akong ikaw. Okay lang ba?" kausap ko sa kakambal ko habang nakaratay sa hospital bed at wala pa ring malay. Wala akong nakuhang sagot. "Callie, anak, hindi ba delikado ‘yan? Hindi mo naman kailangang gawin ‘yan. Kung sakaling may gawin nga si Carter na hindi maganda, nandito naman ako. Hindi ko kayo pababayaan." ani Mamshie Elaine na nasa kabilang gilid ni Hailey.&nb

    Last Updated : 2021-09-25

Latest chapter

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Epilogue

    Epilogue Wakas... Kakatype ko lang ng word na wakas nang may humablot sa laptop ko. Napalingon tuloy ako. Si Carter pala. "Kagulat ka naman!" "Sorry. Just want to check kung okay itong magiging second novel mo," nakangiting aniya at umupo sa damuhan sa tabi ko. Seryoso niyang binabasa ang ending ng manuscript ko na nilagyan ko ng title na 'Lucky Me, Instant Mommy?' Napasinghot ako ng hangin at napatingin sa lapidang nasa harap ko. May sumilay na malungkot na ngiti sa labi ko nang makita ko ang pangalang nakaukit doon. Hindi ko akalain nasa ganito lang ang kahihinatnan niya. Napakabata pa niya. Hindi man lang niya naranasan mabuhay ng matagal sa mundo. "Seryoso? Ito talaga gusto mong maging ending natin?" tanong ni Carter kaya nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa monitor. "Tapos bakit iminatch mo pa si Jacob kay Carla?" follow up question niya.

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 57 (Finale)

    "May mga bagay na hindi natin kontralado kaya may mga nangyayaring hindi planado..." Napailing ako nang maalala kong sinabi ko iyon dati kay Carter. Kaya nga siguro, sa ganito ang ending ng storyang nasimulan namin kahit hindi sinasadya. Napangiti ako habang naglalakad papasok sa simbahan, kung saan magaganap ang isang engrandeng kasalan... Halos may isang oras pa bago magsimula iyon. Inihakdaw ko ang paa ko papasok. Unti-unti palang nagdadatingan ang mga bisita. Humalimuyak kaagad ang bango ng mga bulaklak na nakapaligid sa simbahan. Naglakad ako sa aisle na nalalatagan ng pulang alpombra.

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 56

    CARTER’S POV Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Hindi maalis sa isip ko si Callie. Nakatitig lang ako sa laptop ko, pero hindi naman umuusad ang ginagawa ko. Nakaamin na ako sa nararamdaman ko, dahil inakala kong gagaan ang loob ko kapag ginawa ko iyon, pero mas lalo lang bumigat. Napahilamos ako sa mukha. Hindi ko na alam ang gagawin. I love my child. Pero kung susundin ko naman ang nararamdaman ko, wala rin namang mangyayari. Tinanggihan na niya ko. Hindi niya kayang saktan si Hailey at si Harlie. For the past three months hindi siya nawala sa isip ko. I love he

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 55

    JACOB SAMANIEGO DOCTOLERO Iyon ang pangalan na nakalagay. Napatayo ako bigla. "Callie, where are you going?" takang tanong ni Mamshie pero hindi na niya ko napigilang lapitan ang table nina Jacob. "Excuse me, gentlemen." tawag pansin ko sa kanila. "Hija! Callie!" lumiwanag ang mukhang tawag sa akin ng tatay ni Carter nang makilala ako. "Kamusta po?" nakangiting bati ko pero napansin ko ang gulat na mga mata ni Jacob nang mapalingon siya sa akin.&n

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 54

    "Tingin mo, wala talaga tayong pag-asa?" tila nahihirapang tanong niya. Yumuko ako at tumango-tango. "Tingin ko, kaya wala tayong pag-asa dahil hindi tayo para sa isa’t-isa. Sorry Carter. Hindi pa man kami naisisilang sa mundo ito, magkasama na kami ni Hailey. Hindi ko siya kayang saktan. Hindi ako karapat-dapat sa’yo dahil hindi kita kayang ipaglaban."I walked away as fast as I can. Halos takbuhin ko na palabas. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi na niya ko hinabol.Naglakad ako sa daan na parang wala sa sarili. Ayaw maampat ng luha ko. Nanlalabo tuloy ang paningin ko. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko hindi na ko maiinlove ulit.Kung hindi rin lang si Carter,`wag na lang.~*~*~*~*~*~ "Hailey..." tawag ko

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 53

    Medyo kabadong naglalakad ako papasok sa publishing company ni Carter, hawak ang business proposal na iniwan niya sa akin last week. Nagtext na ako sa kanya na darating ako. Lunch time kaya nagbababaan na ang mga empleyado para kumain. Halos walang tao akong naabutan sa second floor kung nasaan ang office ni Carter. Bago iyon ay madadaanan ko muna ang office ng mga editors, nagulat pa ako nang makitang lumabas doon si Jacob. Parang nagkagulatan pa kami dahil hindi kaagad siya nakapagsalita. Napansin kong mabilis niyang isinuksok sa bulsa ng polo ang isang flash drive. "H-Hey, Callie!" tila malikot ang mga matang bati niya nang tila makabawi sa pagkabigla. "Uy. Ano’ng ginagawa mo diyan? Isa ka na rin ba sa mga editors?" takang tanong ko.&nb

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 52

    Chapter 523 MONTHS LATER..."Ma, kamusta na sila?" usisa ko kay Mamshie Elaine nang magkita kami sa isang resto."Thery’re still looking for you anak, magpakita ka na kaya?" himok niya saka dinampot ang menu.Napabuntong-hininga ako. Tatlong buwan na akong parang bulang naglaho sa paningin nina Hailey at Carter. Noong mga unang buwan para akong baliw na iiyak tuwing gabi. Hindi rin ako halos makakain, namimiss ko si Harlie, parang may malaking bahagi ng pagkatao ko ang nawala noong hindi ko na siya makarga, minsan natatagpuan ko ang sarili ko paggising ko sa umaga na nakatingin sa gilid ng kama ko, sa bahay kasi ni Carter katabi ko ang crib ni Harlie.Parang pinatay din ang puso ko nasa tuwing gigising ako, mag-isa na lang ako. Wala na si Carter na bukod kay Harlie ay siya ang unang nakikita ko paggising ko.Idagdag pa na ang tagal naming hindi nagkasama ni Hailey pero hindi ko man lang siya nakasama ulit. Pakiramdam

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 51

    Chapter 51"Where to?" tanong ni Carter habang naglalakad kami. Nag-isip ako, kung manonood kami ng sine, kakain iyon ng halos dalawang oras. Walang masiyadong bonding na magaganap dahil konsentrado kami sa panonood. Gusto ko kasing sulitin ang last day ko kasama siya. Iyong parehas kaming mag-eenjoy ng hindi nakaupo lang. "D-Doon! Gusto kong subukan." turo ko sa ice skating rink na natanaw ko. Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga? Masaya mag-ice skating." "Marunong ka?" "Yup! I’ll be your personal trainor. Let’s go!" hinawakan niy

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 50

    Chapter 50"Ano pong ilalagay natin sa cake madam?" tanong sa akin ng babaeng crew na binibilhan ko ng cake. Ang pulang laso. "Eto sinulat ko." iniabot ko ang isang papel. Kinuha niya iyon at iniabot sa isa pang crew na lalaki. Kitang-kita ko ang matamis nilang ngitian. "Love, eto pa. Okay ka lang ba diyan?" malambing na tanong ng babae. Bulungan pa, dinig ko rin naman! "Miss, balikan ko na lang, ah?" paalam ko dahil nabibigatan na ko sa dala ko, tapos tatlo pa iyong sinundan ko na dedication cake din ang ipinagawa. "Sige po Ma’am. Receipt niyo po for claiming." abot niya sa akin ng resibo.&nb

DMCA.com Protection Status