Share

Chapter 8

last update Last Updated: 2021-09-16 20:48:59

"Hoy! Renato! Tulong naman. Kita mo ng ang bigat-bigat nitong dala ko," tawag ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa mall, bitbit ko sa magkabilang kamay ang malalaking plastic ng mga beauty soap na ibebenta ko. Magiging certified seller na ko ngayon. Kinuha ko pa iyon sa Tita ni Renato na may factory ng sabon na iyon. Kaya nga kuminis at pumuti ng husto ang joklang ito. Sagana sa supply.

Nilingon ako ni Renato pero umirap siya at nagtuloy-tuloy na ulit lumakad. Maldita talaga. Alam ko na gusto ng juding na 'to.

"Irene! Irene na Diyosa..." malambing na tawag ko at presto nakangiting lumingon ang bwisit.

"Ayan! Kanina ka pa Renato nang Renato. Irene dapat. Akina nga 'yan," kinuha niya sa'kin ang isang plastic kaya gumaan na ang dalahin ko.

"Bwisit ka talaga. Kundi pa Irene itatawag ko sa'yo, di mo ko tutulungan," reklamo ko sabay hampas sa braso niya.

"Eh, kasi nga imbyerna ka! Ang chaka ng Renato 'no! O teka andami mo namang gusto ibenta, gipit na gipit lang 'te?" usisa niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Di ba sabi ko nga sa'yo gipit talaga ko. Kaya nga rumaraket, eh. Ikaw bakit ayaw mong tulungan Tita mo magbenta?"

"Naku ha! Model ako ni Tita hindi seller, saka malakas na negosiyo niya. Nakakapagdistribute na nga sa mga markets, eh. Inilakad lang talaga kita para makatulong naman ako, 'no. Since sabi mo nga may mabigat kang problema."

"Thank you, ha? Tunay kang friend."

"Ako pa va? O siya wag na tayong magdrama at baka bumaha pa dito. Halika ang ganda ng dress na 'yon, tingin ko bagay sa'kin," turo niya sa isang botique na nasa tapat namin.

"Seryoso ka? Magsusuot ka ng ganyan? Bawal sa office 'yan!" saway ko.

"Lady Gaga ka talaga! Hindi 'no. Gagamitin ko 'yan pag rumarampa ako sa gabi! Kaya dapat pak na pak ang awrahan ko. Sumama ka kasing magbar sa'kin minsan."

"Heh! Ikaw na lang. Hintayin na lang kita dito, napagod ako kakabitbit nito. Go!" tulak ko sa kanya matapos kong makaupo sa standby area ng mall na iyon.

"O dito ka lang, tapos sabay na tayong maggrocery, ha? Wait lang mabilis lang aketch," paalam niya at halos patakbo pang nilapitan ang naturang boutique.

Kinuha ko sa sling bag ko ang pamaypay kong de tiklop. Lagi kong dala 'to dahil mainitin talaga ko. O kaya pag naiistress ako nagpapaypay ako. Parang naiwawagwag ko paalis stress.

Kalalabas lang namin galing trabaho, payday kaya nasa mall kami. Well si Renato para magshopping, ako naman para mabilhan ng matinong pagkain si Hailey.

Napasulyap ako sa boutique na pinasukan ni Renato. Este Irene pala. May mga nakadisplay ngang dress na suot ng mga manequin. Kitang-kita ang mga magagandang damit sa makintab na glasswall.

Tumayo ako para sipatin ang mga iyon. Iniwan ko muna ang mga paninda ko, kung may kumuha naman niyon mamamalayan ko kaagad. Di naman kalayuan ang pinagtatambayan ko.

"Ang ganda mo. Bagay ka kay Hailey," parang lokang kausap ko sa isang dress na kulay peach. Simple lang ang tabas at halatang malambot ang tela.

Kung may extra pera lang ako, binili ko na iyon. Sa amin kasing dalawa si Hailey ang mas girly type.

Ako kasi pantalon lang, solve na. Minsan nung nakapagsuot ako nung prom namin, iritang-irita ko. Feeling ko hubo ako, dahil hinahangin ang baba ko.

Akmang hahawak pa ako sa glasswall nang may mga kamay na tumakip sa mata ko.

"Guess who?" anas sa tenga ko. Pamilyar ang tinig pero wala akong balak makipagbiruan dahil ginulat ako ng kung sinumang hudyong ito.

Hinaklit ko ang isang kamay niya at pinilipit iyon sabay harap sa kanya.

"Ouch!" halos mapatalon na reaksiyon nito.

"Ikaw lang pala! Ugok ka!" bulalas ko sabay hampas sa noo niya nang pamaypay ko.

"Ahh! Nakakadalawa ka na!" reklamo ni Carter at napahimas naman sa noo habang iniwawagwag ang kamay na pinilipit ko.

"Gusto mo tatluhin natin? Buti nga hindi kita naibalibag diyan. Ba't ka kasi nanggugulat?" pairap na tanong ko at bumalik sa standby area.

Nakakagulat na makasalamuha ko siya dito.

"Hindi ko naman sinasadya. Sinusubukan ko lang kung makikilala mo boses ko. Sabi ko na, ikaw 'yan, eh. Kaw lang nakita kong tao na namamaypay sa mall, buti na lang last time hindi mo dala 'yan kundi magmumukha ka ng deboto sa simbahan. Nakadress pa naman ang pormahan mo last time," natatawang daldal niya.

"Heh! Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko at binitbit na ang dalawang plastic.

Kailangan ko ng makaiwas sa lokong 'to. Baka mamaya makahalata pa siya na hindi naman talaga ko si Hailey.

"Mamamasiyal. Sakto nakita kita. Pinagtatagpo yata talaga tayo. Ikaw?"

"Maglalaba! Diyan ka na," iwas ko at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya.

`Wag sana akong sundan ng Carpenter na to. Ano ba? Sa dami naman ng araw na pwedeng pumunta ng mall ang kamoteng to ngayon pa?

Bitbit ko ang dalawang malalaking plastic bags ng sabon.

Ang hirap maglakad! Para akong penguin na nagmamadali.

Bahala na. Saka na lang akong mag-i-explain kay Renato kung bakit ako biglang nagdisappear-appear, one half, one fourth...

Nagulat ako nang sumunod si Carter at hagipin ang mga dala ko.

"Hoy! Ano ka ba? Akin na 'yan," pilit kong inagaw ang mga paninda ko.

"Maglalaba? Sa mall? Sino'ng niloko mo? Pauso ka rin, what. Ang bigat pala ng mga 'to, tapos binibitbit mong mag-isa? Baka kung mapaano 'yang baby natin," seryosong sabi niya at iniiwas sa'kin ang dalawang plastic.

Pinigil kong matawa. Haba ng hair ni Hailey. Sigurado ako na kung narinig niya ang sinabi nitong si Carter kikiligin siya.

"Makababy natin, ah? Wala pang resulta di ba? Ikathird day palang magmula nang magpatest ka."

"Di ba sabi ko sa'yo 70-30 ang paniniwala ko na akin 'yan? Kaya matik may concern ako diyan. Saka hindi ka naman mukhang sinungaling, kaya kahit papa'no naniniwala ako sa'yo."

"Ge, bahala ka na. Makulit ka rin," pagsuko ko.

"Sinabi mo 'yan, ah? Ako bahala? Tara," yakag niya kaya napasunod ako. Dala niya 'yong paninda ko 'no.

"Ano ka ba? Marami pa kong gagawin, saan ba tayo pupunta?" usisa ko. Lakad nang lakad, eh.

"Kakain."

"Ikaw na lang!"

"Bakit ba parang ilag na ilag ka sa'kin? Di naman kita aanuhin, kakain lang tayo Madam." tatawa-tawang sabi niya.

Nakuu! Kaloka lalaking 'to! Paano ko ba tatakasan 'to? Dapat sila ang magkasama ni Hailey. Hindi ako.

"Teka! Bagalan mo naman! Hinihingal ako sa'yo," reklamo ko dahil hindi pa talaga ko nakakarecover kanina sa pagbibitbit ng mabibigat na plastic bag na 'yon, tapos palalakarin na naman niya ko. Ang tangkad pa naman niya, dalawang hakbang ko yata, isa lang sa kanya, eh.

Nagulat ako nang hagipin niya ang kamay ko matapos niyang pag-isahing bitbit na lang ang dalawang plastic bags sa kanang kamay niya.

"Oi! Ano 'yan? Bitaw," piglas ko.

Aba! Ngayon lang ako nahawakan ng lalaki sa kamay. Nung prom ko nung highschool di ako nakipagsayaw ng sweet sa kahit na sino, kumain lang ako nun at nakipagdaldalan, eh.

"Sanay kasi akong mag-isang maglakad. Laging walang kasabay. Wala inaalalang maiiwan kaya mabilis akong maglakad," ani Carter habang nakapaloob ang mga kamay ko sa kamay niyang may mahahabang daliri.

Balbunin. Kinis din. Nagkokojic din kaya 'to?

"Ah...eh, bakit de hawak ka pa diyan. Bitaw!" piglas ko.

Init ng palm. Malambot din ang kamay niya. Parang ballpen at papel lang ang alam hawakan.

"Para maalala kong may kasabay ako at ng hindi ka maiwan, tara!"

"Ayoko pa rin," palag ko pero lumakad na siya habang hawak pa rin ang kamay ko kaya napasunod ulit ako.

Naghihilahan tuloy kami habang naglalakad. Jusme ayokong sumama. Baka makahalata ito na hindi naman ako si Hailey.

Dami ko pa namang atraso dito. Sinapak ko sa nguso, kung sungitan ko wagas, binansagan ko pa ng kung anu-ano. Carpenter. Dodong charing. Pinilipit ko pa kamay. Halos bugbog sarado na siya sa'kin.

Ano kayang magiging reaksiyon ng isang ito kapag nalaman niyang kakambal ko si Hailey?

"Wag kang makulit," tatawa-tawang saway niya. Pinagtitripan yata ako ng kumag na ito. Parang aliw na aliw, eh.

"Ayan! Nandito na tayo," bulalas niya nang mapatapat kami sa isang eat-all-you-can na restaurant. Binitiwan na rin niya ang kamay ko. Salamat naman.

Kakagatin ko na sana talaga siya, eh.

Rawr!

Napansin kong korean/japanese ang mga cuisines na isiniserved sa resto. Base na rin sa mga nakakapit na posters sa glasswall. May flat tv screen pa sa labas kung saan ipinapakita doon ang mga pagkaing iniluluto. Halatang pangmayaman. Nakakailang.

"A-Ano 'to? Sambok-".

"Sambokojin. Masarap dito. Healthy rin ang mga dish nila. Good for you,"

"Teka! Wala akong budget para dito. Ikaw na lang," akmang tatalikod na ko nang hatakin niya ang collar ng polo shirt ko.

"Tara na, sagot ko," at iginiya niya ko sa entrance. May  receptionist doon.

"Table for two," ani Carter. Nagtawag ang receptionist ng tao sa loob at iginiya kami sa lamesa namin.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid. Ambiance palang sosyal na. Ang ganda ng chandelier sa taas.

At ang sahig marmol. Pwede ng manalamin. Inilapag ni Carter sa ilalim ng mesa ang mga dala-dalahan ko. Napansin kong bawat mesa may nakabuilt na smokeless grill.

Couch ang upuan.

"Ano ka ba? Ano'ng akala mo sa'kin aso?" piglas ko kaya nabitiwan niya ang collar ko.

"Para kang kiti-kiti, eh. Hyper ka ngayon? Kulit mo, eh. Tara na kasi," ngiting-ngiting sabi nito at hinatak naman ako sa braso. Magkatapatan kaming naupo.

Patay. Baka nakahalata na naman 'to na iba ang demeanor ko kay Hailey. Okay. Kailangang magpakadalagang pilipina...yeah!

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
maganda nga sya comedy
goodnovel comment avatar
Ervie 💟
maganda po ang kwento... sana free hanggang dulo .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 9

    "Buffet dito. Kaya tayo ang kukuha ng pagkain. Pwede mong kunin lahat, tara?" yakag ni Carter"Adik ka. Malay ko sa pagkain dito? Pangmcdo lang ako."Natawa ito."Sige, ako na lang ang kukuha. Pero dito ka lang. Order ka na ng drinks sa server, maraming flavors ng fresh fruit shakes, okay 'yon sa inyo ng baby," nakangiting paalam niya.Nang makabalik si Carter halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng dala niyang hilaw na karne.Sa kaliwang kamay naman ay mga hipon. May kasunod pa siyang waiter na may bitbit pa na kung ano."Mahilig ka sa beef?" tanong niya nang makaupo."Ang dami naman niyan, hindi kaya tayo rayumahin?"Ang lutong ng tawa niya sa sinabi ko."Ano'ng akala mo sa'kin uugod-ugod na matanda? Kain na, lutuin ko lang 'to," alok niya at inilapit sa'kin ang inilapag ng waiter.Mukhang hipon pero nakabalot sa harina."Tempura?""Yes tempura 'yan

    Last Updated : 2021-09-17
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 10

    Callie’s POV "Narealize ko na...mas gusto kita." Pambingi naman ‘tong sinabi ni Carter. "A-Ano’ng mas gusto mo ko?" tanong ko kay Carpenter nang mahamig ko ang sarili ko sa pagkabigla. Ngumiti siya kaya napaiwas ako ng tingin. Ano ba naman ang lalaking ‘to? Ugali ba talaga niyang tumitig at ngumiti nang ngumiti? "What I mean is…mas gusto kita ngayon. The last time we met you seem so distant. Di ko alam kung paano kita iaapproach pero ngayon parang mas open ka na. Hindi na ko masiyadong nangangapa." "Uhm…ayaw mo ba sa taong mahiyain?" curious na tanong ko. Shy type kasi si Hailey kaya siguro

    Last Updated : 2021-09-18
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 11

    "Paano ba talaga kayo nagkita?" usisa ni Hailey habang nakatambay kami at nagpapahangin sa maliit na terrace ng maliit na bahay na inuupahan namin. Katabi lang namin ang landlady na nasa kabilang pinto. Kaibigan ng mga magulang naming namayapa kaya hindi kami masiyadong tinataasan sa upa. Bata palang kami dito na kami nakatira. "Ayun nga sa mall. Hinihintay ko si Renato tapos bigla na lang siyang sumulpot. Pero promise sisikapin ko ng hindi kami magkasalubong. Wala naman ako dapat sa eksena. Pinasa ko ‘yong number niya sa’yo. Ikaw na magsave at makipagcommunicate sa kanya, binura ko na kasi ‘yan." "Sige, buti ka pa nakasama mo siya..." napangusong sabi nito. Natatawang dinan

    Last Updated : 2021-09-19
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 12

    "Kalma ghorl, upo ka nga, ako naloloka sa’yo. Actually lokang-loka ako sa nangyayari, paanong nabuntis ‘yang si Hailey?" saway ni Irene dahil pabalik-balik ako sa hallway ng ospital.Nagpasama ako sa kanya, hindi ko kayang mag-isa dito. Nasa delivery room na si Hailey, ceasarian siya. Dahil alam kong hindi niya kakayanin pag normal. Ilang taon na rin naman kaming magkaibigan nitong si Irene kaya minsan nakakapunta-punta siya sa bahay kaya kilala na niya si Hailey. "Saka ko na i-explain samahan mo na lang muna ko. Kinakabahan ako para sa kanya." "Nakakakaba talaga, eh, di ba weak ang heart niya? ‘Wag naman sana pero delikado talaga para sa kondisiyon niya ang ma

    Last Updated : 2021-09-20
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 13

    Callie’s POV I slammed the door as soon as I…letse napapaenglish tuloy ako. Itinaas ko na ang panty kong wala ng garter na nalaglag sa harap ni Carter. Nakakahiya! Baka akalain niya sa sobrang gwapo niya, makalaglag panty na ang dating niya. Gusto kong burahin ang pagmumukha ko ngayon.Kipkip ko ang tagiliran ng duster ko, naghagilap kaagad ako ng pardible. Nakakita naman ako sa sewing box namin at ikinabit iyon sa gilid. Katok nang katok si Carter sa labas na sigurado akong tinamaan ang tungki ng ilong sa lakas ng pagkakatalpak ko sa pintuan. "Hailey, mag-usap tayo," tawag niya mula sa labas habang kumakatok pa rin. "Makipag-usap ka sa sapsap tutal mukha kang kulisap! Tsupi!" sigaw ko pabalik.&n

    Last Updated : 2021-09-21
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 14

    "Can you please listen to me first?" tutol ni Carter nang akmang palalabasin ko na siya ng bahay."Wag na. Okay na po. Makakaalis ka na. Shupi!" tulak ko pa sa kanya at binuksan ang pintuan para lumabas na siya."I'm the father-""Kahit pa ikaw ang mother. Tsupi! Doon ka na lang sa Krisha mo, okay? Ikaw ang tipo ng tao na kapag nainlove itatapon lahat. Paano kung iutos ng jowa mo na idispatsa si Harlie? Gagawin mo nga? No way highway! Mamaya apihin pa niya si Harlie, neknek niyo. Kaya makakaalis ka na hindi ka namin kailangan. Okay na kami."Sumeryoso ang mukha ni Carter at matiim akong tinititigan, bahagya akong nailang at napalunok lalo na nang humakbang siya para lapitan ako. Naningkit pa lalo ang singkit na niyang mga mata."Do you think I would give up that easily? Harlie is my son. Kung may karapatan ka meron din ako." giit niya. Umangat ang sulok ng labi ko at nginisihan siya."Inabandona mo kami. Kahit hindi na ko, eh,

    Last Updated : 2021-09-22
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 15

    Callie’s POV "K-Kung magpapanggap ako, hindi ba delikado? Paano pag nalaman ni Carter? Ayokong manloko ng tao. Natatakot ako bakla, parang hindi ko keri," kontra ko sa suhestiyon ni Irene na magpanggap akong si Hailey para maprotektahan ko si Harlie. "Kaya ka nga magpapanggap para kay Harlie di ba? May rason ka. Masama ba ‘yon? Masama ba ‘yon? Saka hindi naman niya malalaman, eh. What he doesn’t know won’t hurt him." "Pero kahit na, hindi porque may rason ako, tama na ang gagawin ko." "Suggestion lang naman ‘yan baks. Pwede mong dedmahin, pero para sa akin iyon na ang best option, mamili ka na lang kung sino’ng gusto

    Last Updated : 2021-09-23
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 16

    "A-Ano?" nanlalaki ang mga matang bulalas ko. "Hubad o uurakan ko siya?" itinutok niya kay Harlie ang patalim. "T-Teka huwag! Eto na!" naiiyak na talaga ko. Ang pangit niya, tapos masama pa ugali. "Ayan! Madali ka naman palang kausap, bilisan mo." utos niya kaya napahawak ako sa laylayan ng t-shirt ko. "Alam mo Callie, matagal na talaga kitang kursunada kaso nuknukan ka ng suplada, pero ngayon wala ka ng kawala." anito habang minamasdan akong itaas ang damit ko. Itataas ko na talaga iyon nang may kumatok kaya napalingon si Allan, sinamantala ko ang pagkakataon at ubod ng lakas na tinadiyakan ko siya sa harapan.&

    Last Updated : 2021-09-24

Latest chapter

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Epilogue

    Epilogue Wakas... Kakatype ko lang ng word na wakas nang may humablot sa laptop ko. Napalingon tuloy ako. Si Carter pala. "Kagulat ka naman!" "Sorry. Just want to check kung okay itong magiging second novel mo," nakangiting aniya at umupo sa damuhan sa tabi ko. Seryoso niyang binabasa ang ending ng manuscript ko na nilagyan ko ng title na 'Lucky Me, Instant Mommy?' Napasinghot ako ng hangin at napatingin sa lapidang nasa harap ko. May sumilay na malungkot na ngiti sa labi ko nang makita ko ang pangalang nakaukit doon. Hindi ko akalain nasa ganito lang ang kahihinatnan niya. Napakabata pa niya. Hindi man lang niya naranasan mabuhay ng matagal sa mundo. "Seryoso? Ito talaga gusto mong maging ending natin?" tanong ni Carter kaya nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa monitor. "Tapos bakit iminatch mo pa si Jacob kay Carla?" follow up question niya.

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 57 (Finale)

    "May mga bagay na hindi natin kontralado kaya may mga nangyayaring hindi planado..." Napailing ako nang maalala kong sinabi ko iyon dati kay Carter. Kaya nga siguro, sa ganito ang ending ng storyang nasimulan namin kahit hindi sinasadya. Napangiti ako habang naglalakad papasok sa simbahan, kung saan magaganap ang isang engrandeng kasalan... Halos may isang oras pa bago magsimula iyon. Inihakdaw ko ang paa ko papasok. Unti-unti palang nagdadatingan ang mga bisita. Humalimuyak kaagad ang bango ng mga bulaklak na nakapaligid sa simbahan. Naglakad ako sa aisle na nalalatagan ng pulang alpombra.

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 56

    CARTER’S POV Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Hindi maalis sa isip ko si Callie. Nakatitig lang ako sa laptop ko, pero hindi naman umuusad ang ginagawa ko. Nakaamin na ako sa nararamdaman ko, dahil inakala kong gagaan ang loob ko kapag ginawa ko iyon, pero mas lalo lang bumigat. Napahilamos ako sa mukha. Hindi ko na alam ang gagawin. I love my child. Pero kung susundin ko naman ang nararamdaman ko, wala rin namang mangyayari. Tinanggihan na niya ko. Hindi niya kayang saktan si Hailey at si Harlie. For the past three months hindi siya nawala sa isip ko. I love he

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 55

    JACOB SAMANIEGO DOCTOLERO Iyon ang pangalan na nakalagay. Napatayo ako bigla. "Callie, where are you going?" takang tanong ni Mamshie pero hindi na niya ko napigilang lapitan ang table nina Jacob. "Excuse me, gentlemen." tawag pansin ko sa kanila. "Hija! Callie!" lumiwanag ang mukhang tawag sa akin ng tatay ni Carter nang makilala ako. "Kamusta po?" nakangiting bati ko pero napansin ko ang gulat na mga mata ni Jacob nang mapalingon siya sa akin.&n

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 54

    "Tingin mo, wala talaga tayong pag-asa?" tila nahihirapang tanong niya. Yumuko ako at tumango-tango. "Tingin ko, kaya wala tayong pag-asa dahil hindi tayo para sa isa’t-isa. Sorry Carter. Hindi pa man kami naisisilang sa mundo ito, magkasama na kami ni Hailey. Hindi ko siya kayang saktan. Hindi ako karapat-dapat sa’yo dahil hindi kita kayang ipaglaban."I walked away as fast as I can. Halos takbuhin ko na palabas. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi na niya ko hinabol.Naglakad ako sa daan na parang wala sa sarili. Ayaw maampat ng luha ko. Nanlalabo tuloy ang paningin ko. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko hindi na ko maiinlove ulit.Kung hindi rin lang si Carter,`wag na lang.~*~*~*~*~*~ "Hailey..." tawag ko

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 53

    Medyo kabadong naglalakad ako papasok sa publishing company ni Carter, hawak ang business proposal na iniwan niya sa akin last week. Nagtext na ako sa kanya na darating ako. Lunch time kaya nagbababaan na ang mga empleyado para kumain. Halos walang tao akong naabutan sa second floor kung nasaan ang office ni Carter. Bago iyon ay madadaanan ko muna ang office ng mga editors, nagulat pa ako nang makitang lumabas doon si Jacob. Parang nagkagulatan pa kami dahil hindi kaagad siya nakapagsalita. Napansin kong mabilis niyang isinuksok sa bulsa ng polo ang isang flash drive. "H-Hey, Callie!" tila malikot ang mga matang bati niya nang tila makabawi sa pagkabigla. "Uy. Ano’ng ginagawa mo diyan? Isa ka na rin ba sa mga editors?" takang tanong ko.&nb

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 52

    Chapter 523 MONTHS LATER..."Ma, kamusta na sila?" usisa ko kay Mamshie Elaine nang magkita kami sa isang resto."Thery’re still looking for you anak, magpakita ka na kaya?" himok niya saka dinampot ang menu.Napabuntong-hininga ako. Tatlong buwan na akong parang bulang naglaho sa paningin nina Hailey at Carter. Noong mga unang buwan para akong baliw na iiyak tuwing gabi. Hindi rin ako halos makakain, namimiss ko si Harlie, parang may malaking bahagi ng pagkatao ko ang nawala noong hindi ko na siya makarga, minsan natatagpuan ko ang sarili ko paggising ko sa umaga na nakatingin sa gilid ng kama ko, sa bahay kasi ni Carter katabi ko ang crib ni Harlie.Parang pinatay din ang puso ko nasa tuwing gigising ako, mag-isa na lang ako. Wala na si Carter na bukod kay Harlie ay siya ang unang nakikita ko paggising ko.Idagdag pa na ang tagal naming hindi nagkasama ni Hailey pero hindi ko man lang siya nakasama ulit. Pakiramdam

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 51

    Chapter 51"Where to?" tanong ni Carter habang naglalakad kami. Nag-isip ako, kung manonood kami ng sine, kakain iyon ng halos dalawang oras. Walang masiyadong bonding na magaganap dahil konsentrado kami sa panonood. Gusto ko kasing sulitin ang last day ko kasama siya. Iyong parehas kaming mag-eenjoy ng hindi nakaupo lang. "D-Doon! Gusto kong subukan." turo ko sa ice skating rink na natanaw ko. Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga? Masaya mag-ice skating." "Marunong ka?" "Yup! I’ll be your personal trainor. Let’s go!" hinawakan niy

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 50

    Chapter 50"Ano pong ilalagay natin sa cake madam?" tanong sa akin ng babaeng crew na binibilhan ko ng cake. Ang pulang laso. "Eto sinulat ko." iniabot ko ang isang papel. Kinuha niya iyon at iniabot sa isa pang crew na lalaki. Kitang-kita ko ang matamis nilang ngitian. "Love, eto pa. Okay ka lang ba diyan?" malambing na tanong ng babae. Bulungan pa, dinig ko rin naman! "Miss, balikan ko na lang, ah?" paalam ko dahil nabibigatan na ko sa dala ko, tapos tatlo pa iyong sinundan ko na dedication cake din ang ipinagawa. "Sige po Ma’am. Receipt niyo po for claiming." abot niya sa akin ng resibo.&nb

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status