Share

Chapter 6

last update Huling Na-update: 2021-09-14 20:50:08

Carter's POV

Napangiti ako nang makita si Hailey na naglalakad palapit sa'kin.

Di ko maiwasang mapatitig sa kanya.

Kumbinasiyon ng puti at asul ang kulay ng simpleng sleeveless na bestidang suot niya.

Above the knee lang ang bestida kaya litaw ang makinis at maputing mga binti niya. Nakaflat shoes naman sa paa.

Sinasalipadpad ng hangin ang nakalugay na buhok niya.

Siya ang depinisiyon ng babaeng simple pero maganda...

"H-Hello..." kimi ang ngiting bati niya sa'kin nang makalapit.

Umangat ang sulok ng labi ko at napangiti.

"Sa wakas narinig ko rin ang matamis mong hello. Alam mo naman pala 'yon." biro ko pa.

"Ha?" maang na tanong niya.

"Hamburger?"

"H-Hindi naman ako gutom..."

Unti-unting napalis ang ngiti ko, mukhang hindi niya nakuha ang biro ko.

Samantalang dati sumakay siya tungkol sa 'HA' joke.

Hahampasin pa nga niya raw ako ng hammer. Tapos ngayon...

"Nevermind. Halika na," sumeryoso ng yakag ko.

Sumunod naman siya nang lumakad ako papasok ng DNA center.

"3-5 days pwede niyo na pong makuha ang resulta ng DNA, Mr. Hyun," nakangiting sabi sa akin ng nag-assist sa amin ni Hailey.

Nakuhanan na kami ng mga sample ni Hailey.

"Okay. Thank you."

Niyakag ko na si Hailey palabas.

Tahimik siya at parang naiilang pa sa'kin dahil hindi siya makatingin ng diretso.

"Okay ka lang ba?" untag ko.

Ngumiti naman siya. Bagay na hindi niya ginawa sa akin noong mga huling pagkikita namin.

Palagi kasi siyang nakasimangot at nakachin up pagkausap ako.

Tapos ngayon parang halamang makahiya. Salang makanti, titiklop.

Naiba yata ang ihip ng hangin at medyo bumait siya sa akin ngayon.

"Oo naman. Okay lang ako," sagot niya.

"May malapit na mall dito, gusto mo munang pumasiyal?"

Napansin kong namilog ang mga mata niya sa sinabi ko.

"H-Hindi pa tayo uuwi?"

"Ikaw gusto mo na ba?"

"Eh, kung hindi diyahe sa'yo, okay lang na magmall tayo?"

"Siyempre hindi. Ako ang nag-aya di ba? Kaya tara na."

Iginiya ko siya papuntang kotse ko.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan bago ako pumwesto sa driver's seat.

Magsiseatbelt na sana ko nang may maalala ko.

Dumukwang ako sa likuran at kinuha ang isang supot.

"Ito nga pala 'yong bilin mo," nakangiting sabi ko at marahang inilapag sa kandungan niya iyon.

"A-Ano 'to?"

"Keso."

"Bakit ka bumili?"

"Ha? Di ba sabi mo kanina noong katawagan kita, keso ang pinaglilihian mo?"

"Ah...o-oo nga! Keso. Si Callie talaga..."

"Ano 'yon?" paglilinaw ko dahil halos pabulong na lang iyong huling sinabi niya.

"W-Wala. Sabi ko salamat. Tingnan ko na, ah?"

"Sige lang," tango ko at pinastart na ang kotse.

"Ang dami nito, ah? 3 kahon tapos iba't-ibang brand?"

"Di ko kasi alam kung ano'ng trip mo kaya kumuha na lang ako ng different brand para sigurado. May tumama ba?"

"Uhm meron. Itong Eden. Pero kakainin ko rin 'tong magnolia at kraft kasi masarap din 'to, eh. Thank you talaga," ngiting-ngiting sabi niya kaya napangiti rin ako.

"Welcome."

Nang makarating kami sa mall ay pinagbuksan ko ulit siya ng pintuan.

"Sa'n mo gustong magmerienda? SB? Coffee?" tanong ko nang madaanan namin ang starbucks.

"B-Bawal ako sa kape. Nagpapalpitate ako. Sorry." apologetic na tanggi niya.

"I see. Sige dito na lang tayo. Maraming drinks na pwedeng pagpilian, hindi lang kape." turo ko sa isang resto.

"Café france? Baka mahal diyan. Jollibee na lang."

Napangiti ako.

"My treat. Malayo pa dito yung jollibee. Gutom na rin ako."

"Sige ikaw bahala. Thank you."

Nakahanap naman kami ng bakanteng mesa ni Hailey.

May nag-abot ng menu kaya nagscan na ko ng pwedeng orderin.

"May napili ka na?" untag ko nang makapili na ko.

"Uhm medyo hindi ako familiar sa menu kaya hirap ako pumili..."

"Gusto mo ako na lang pumili para sa'yo?"

Ngumiti siya at tumango.

"Masarap 'yong spaghetti bolognese at kani salad nila dito. Okay sa'yo 'yon?"

"Sige."

Ngumiti ako at tumawag na ng server.

"Okay ba?" usisa ko nung dumating 'yong order namin.

"Uhm tama ka masarap," sagot niya matapos matikman iyon.

"Glad you like it," sabi ko at sumimsim ng kape.

Hindi ko maiwasang pasimpleng tingnan siya habang kumakain. Kung pagbabasehan ko ang huling encounter namin at ngayon, masasabi kong parang may iba...

Noong mga huling encounter namin, makaras siya kumilos, parang di babae. Nananapak pa.

Sumakit talaga nguso ko sa kanya. Lakas mambigwas.

Wala ring kalambing-lambing sa boses kung makipag-usap lalo nasa cellphone. Palaging nakaangil. Simpleng hello di masabi.

Tapos ngayon, medyo nag-iba ang demeanor niya. Low pitch. Parang hiyang-hiya ding kausapin ako.

Samantalang nung huli, kung talakan ako wagas. Walang filter-filter. From being outspoken...ang hirap na niyang basahin ngayon dahil bihira siyang magsalita.

Mas naging refined din kumilos. Parang mas naging lady like tulad nung unang beses kaming nagkita.

Nahiya na nga akong biru-biruin siya.

Kakaiba din ang isang 'to. Pwedeng maging Maria Clara at the same time amasona.

Wala sa sariling natawa ko nang maalala kong sinapak niya ko sa nguso. Ang tapang. Pero ngayon parang di makabasag pinggan.

"C-Carter bakit ka natatawa? Mukha ba kong clown?" namumula ang magkabilang pisnging tanong ni Hailey nang mapunang natatawa ako.

"Hindi, hindi. Natatawa lang ako sa ginawa mo dati."

"Ginawa ko dati?" maang na tanong niya.

"Oo. Di ba sinapak mo ko sa nguso? Ang tapang mo nun, gigil na gigil ka sa'kin. Wala ng space 'yong kilay mo dahil sobrang salubong." pigil ang tawang sagot ko.

Mukha kasi siyang angry bird nun. Cute kahit galit.

"G-Ginawa ko 'yon?"

"Oo. Nakalimutan mo na ba? Hindi ka rin siguro makapaniwala. Well ako rin, by looking at you now hindi rin ako makapaniwalang gagawin mo 'yon."

"S-Sorry. Gusto ko na ngang kalimutan 'yon."

"Okay na 'yon. Nadala ka lang siguro ng emotion mo, kasi nga akala mo hindi kita pananagutan."

"Uhm Carter, pwedeng magtanong?"

"Sure thing," sabi ko at ibinaba ang tasa ng kape.

"B-Bakit ka nga pala napapayag na magpatest ngayon? Di ba nung una duda ka na sa iyo 'to?"

Napabuntong hininga ko bago nagsalita.

"Ayoko kasi ng mga what if's sa buhay Hailey. Ayokong may pagsisihan sa huli. Ayoko ng mga tanong na walang sagot. Kaya hangga't may pagkakataon na itama ang mali, bigyang linaw ang malabo, gagawin ko."

Napansin kong ang lawak ng ngiti niya sa sinabi ko.

"Bakit ganyan ka na lang makangiti?" usisa ko.

"Wala lang...nakakatuwa ka kasi. Akala ko talaga hindi mo na ko bibigyan ng chance na patunayan sa'yo na anak mo talaga 'tong dinadala ko."

"To be honest nung nakita ko 'yong ultrasound na binigay mo, parang may naramdaman ako. Kahit na ultrasound palang 'yon parang may nagtutulak sa'kin na alamin ang totoo. Iyong sinasabi nilang lukso ng dugo..."

"Ibig sabihin kahit papaano pala naniniwala kang sa'yo 'to?"

"Oo naman. Kaya nga pumayag ako. Siguro 70-30."

"70-30?"

"Yes. 70 percent naniniwala akong, akin 'yan. 'Yong 30 percent na pagdududa ko ipupulfill ng DNA." diretsong sagot ko.

"Hindi rin naman kita masisisi kung may doubt ka. Siyempre hindi maganda ang pagkakakilala natin..." napayuko pang sabi niya.

"Sorry kung nagdududa pa rin ako. At nahusgahan kita nung una. Pero naniniwala akong hindi ka masamang tao. Ginawa mo lang 'yon dahil kailangan..."

"Tama ka. Kung may ibang option hindi ko gagawin 'yon."

"Tell me, what do you do? I mean ano'ng pinagkakaabalahan mo ngayon?" curious na usisa ko.

Gusto kong makilala tong possible Mommy ng anak ko.

"Student."

"Sht. Minor ka ba?" halos manlaki ang mga matang palatak ko.

Natawa siya at umiling-iling.

"Hindi. 22 na ko. Dapat last year pa ko graduate. Kaso financial problem medyo patigil-tigil."

"Ah...good," napatango-tangong reaksiyon ko at napainom pa ng tubig.

Akala ko nakadisgrasiya na ako ng menor de edad. Baby face pa man din ang isang 'to.

"Ikaw? Ilang taon ka na?" tanong naman niya.

"26. Sino nga palang kasama mo sa bahay? Mahirap para sa kalagayan mo ngayon ang nag-iisa."

"Sister ko."

"Siya 'yong dahilan kung bakit mo nagawa 'yon di ba...?"

Malungkot siyang ngumiti at tumango.

"Hindi ko kasi siya pwedeng pabayaan, eh. Magmula kasi nang mamatay ang mga magulang namin, siya na ang sumalo sa lahat. Huminto nga siya sa pag-aaral at nagtrabaho para makapagtapos ako. Saka na lang daw siya. Ako muna. Lagi niya kong inuuna sa lahat ng bagay. Kaya nga nung nalagay siya sa alanganin, gumawa ako ng paraan. Kahit na hindi magandang solusiyon ang naisip ko, basta mailigtas ko siya at makabawi naman kahit papaano. Swerte ko kasi siya ang naging kapatid ko." mahabang kwento niya.

"Actually, you are both lucky to have each other. Kaya niyo kasing magsakripisyo para sa isa't-isa." komento ko.

"Maswerte ko kasi nandiyan siya. Siya na lang ang meron ako, eh."

"Sabagay. Ano nga palang pangalan ng sister mo?" hindi mapigilang tanong ko. Para kasing napakabuting tao nung kapatid niya kung purihin niya.

"Ah si Callie," nakangiting sagot niya.

"Sino'ng mas matanda sa inyo?"

"Ah...ano-"

Naputol siya sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ko.

"Excuse," paalam ko kay Hailey matapos kong dukutin ang cellphone sa bulsa ko.

"Hello?" bungad ko sa unknown number na caller.

"Carter..." isang mahinang tinig pero kilala ko kung sino.

"Krisha?"

"I'm glad kilala mo pa rin ako. I'm sorry..."

Napapikit ako. Girlfriend kong bigla na lang nawala. Di ko alam kung kami pa ba dahil wala naman siyang paalam nang umalis siya. Wala rin akong ideya kung nandito pa ba siya sa Pilipinas. Halos kalahating taon ng wala kaming contact.

Pero naalala ko, nagtext pa siya sa'kin na kalimutan ko na raw siya. Parang lukot na papel niya kong itinapon, kaya masama ang loob ko sa kanya.

"Nagparamdam ka?" malamig na bulalas ko.

"Saka ko na ipapaliwanag. Ang gusto ko lang, marinig ang boses mo."

"May problema ka ba?" hindi na maitago ang pag-aalalang tanong ko.

Nahimigan ko kasi ang lungkot sa tinig niya. Malayo sa masiglang Krisha na kilala ko. Kaya alam kong may problema siya. We've been together for almost two years kaya kilala ko na siya.

Siya lang ang tumagal sa mga naging girlfriend ko kaya masakit sa akin ang bigla niyang pagkawala.

I tried to find her pero walang makapagsabi sa akin kung nasaan siya. Kaya malaking surpresa para sa akin ngayon na tawagan niya ko.

"I miss you so much." malayong sagot niya.

Nahimigan ko rin ang pagpiyok ng boses niya.

"Krisha, come on tell me."

"I-I'll call you again. Bye. I-I love you..."

"I still love you..." seryosong sagot ko.

Naputol na ang tawag.

"Sorry about that." nahihiyang sabi ko kay Hailey.

Matipid lang siyang ngumiti.

"Girlfriend mo?"

"I guess?" alanganing sabi ko. Sa himig ni Krisha parang gusto niyang makipagbalikan.

"Ah...t-thank you sa merienda, pero kailangan ko ng umalis. Baka mahirapan pa kong sumakay pauwi, malapit na ang rush hour," paalam niya at tumayo na.

"Ihahatid na kita," volunteer ko habang naglalabas ng pera sa pitaka para pambayad.

"H-Hindi na. Kaya ko na. Baka maout of way ka pa. Salamat uli," bahagya pa siyang yumuko at nagmamadali ng lumabas ng restaurant na iyon.

Napasandal na lang ako sa upuan at nahabol siya ng tingin.

Napabuga ako ng hangin. Nagmukha na yata akong cheater sa tingin ni Hailey.

Pero technically wala akong girlfriend nang may nangyari sa amin. Iyong nangyari sa amin ni Hailey it wasn't intentional. Sa sobrang lungkot ko sa pagkawala ni Krisha, nangyari ang hindi dapat mangyari sa amin ni Hailey.

Ang malupit nagbunga pa. Kung may balikan ngang magaganap sa amin ni Krisha matanggap niya kaya kung sakaling malaman niyang magiging Daddy na ko? Pero hindi naman siya ang Mommy?

Hindi ko naman pwedeng talikuran ang bata kapag napatunayan kong akin talaga iyon. Mas matimbang pa rin ang dugo sa lahat. Bahagi ng pagkatao ko ang magiging anak ko, kaya hindi ko rin ito basta pwedeng isuko kung gusto man akong balikan ni Krisha.

Ito talagang si problema kapag dumating, hindi lang isa, madalas kambal-kambal pa.

Good luck na lang sa akin.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Keisha Sunga
si hailey nabuntis nya pero feeling ko magkakagusto sya kay callie.. sa tittle nya parang mamatay si hailey at si callie magiging mommy
goodnovel comment avatar
Keisha Sunga
kambal nga hehehe
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay anu ba yan nag uumpisa pa nga lang sila carter at hailey na magkakakilala ng mabuti ang isat isa mukhang may sagabal agad
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 7

    Callie's POVPalinga-linga ako sa glass window ng Mcdonalds na tinatambayan ko. Ilang saglit pa nakita ko na si Hailey na papasok, kaya kumaway na ko para makita niya kung saan ako nakapwesto.Nasa mall din ako kung saan sila 'nagdate' ni Carter after nilang magpakuha ng sample for DNA."O ano kamusta?" excited na tanong ko at binuksan na ang kanin ng chicken fillet na inorder ko.Ginutom ako kakaikot sa mall, kakaantay sa kanila."Okay naman," matamlay na sagot niya pagkaupo, kaya napakunot noo ko."Ano'ng okay naman? Para kang nalugi diyan, di ba dapat masaya ka kasi nagkita na kayo ni Carpenter? Di ka ba pinakain ng mokong na 'yon? O eto, kumain ka. Tapos uwi na tayo," iniusog ko ang isang tray na may chicken fillet na inorder ko talaga para sa kanya."Wag na take out na lang natin 'yan, kumain na kami ni Carter. Masarap nga 'yong carb

    Huling Na-update : 2021-09-15
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 8

    "Hoy! Renato! Tulong naman. Kita mo ng ang bigat-bigat nitong dala ko," tawag ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa mall, bitbit ko sa magkabilang kamay ang malalaking plastic ng mga beauty soap na ibebenta ko. Magiging certified seller na ko ngayon. Kinuha ko pa iyon sa Tita ni Renato na may factory ng sabon na iyon. Kaya nga kuminis at pumuti ng husto ang joklang ito. Sagana sa supply.Nilingon ako ni Renato pero umirap siya at nagtuloy-tuloy na ulit lumakad. Maldita talaga. Alam ko na gusto ng juding na 'to."Irene! Irene na Diyosa..." malambing na tawag ko at presto nakangiting lumingon ang bwisit."Ayan! Kanina ka pa Renato nang Renato. Irene dapat. Akina nga 'yan," kinuha niya sa'kin ang isang plastic kaya gumaan na ang dalahin ko."Bwisit ka talaga. Kundi pa Irene itatawag ko sa'yo, di mo ko tutulungan," reklamo ko sabay hampas sa braso niya."Eh, kasi nga imbyerna ka! Ang chaka ng Renato 'no! O teka andami mo namang gusto ibenta, gi

    Huling Na-update : 2021-09-16
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 9

    "Buffet dito. Kaya tayo ang kukuha ng pagkain. Pwede mong kunin lahat, tara?" yakag ni Carter"Adik ka. Malay ko sa pagkain dito? Pangmcdo lang ako."Natawa ito."Sige, ako na lang ang kukuha. Pero dito ka lang. Order ka na ng drinks sa server, maraming flavors ng fresh fruit shakes, okay 'yon sa inyo ng baby," nakangiting paalam niya.Nang makabalik si Carter halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng dala niyang hilaw na karne.Sa kaliwang kamay naman ay mga hipon. May kasunod pa siyang waiter na may bitbit pa na kung ano."Mahilig ka sa beef?" tanong niya nang makaupo."Ang dami naman niyan, hindi kaya tayo rayumahin?"Ang lutong ng tawa niya sa sinabi ko."Ano'ng akala mo sa'kin uugod-ugod na matanda? Kain na, lutuin ko lang 'to," alok niya at inilapit sa'kin ang inilapag ng waiter.Mukhang hipon pero nakabalot sa harina."Tempura?""Yes tempura 'yan

    Huling Na-update : 2021-09-17
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 10

    Callie’s POV "Narealize ko na...mas gusto kita." Pambingi naman ‘tong sinabi ni Carter. "A-Ano’ng mas gusto mo ko?" tanong ko kay Carpenter nang mahamig ko ang sarili ko sa pagkabigla. Ngumiti siya kaya napaiwas ako ng tingin. Ano ba naman ang lalaking ‘to? Ugali ba talaga niyang tumitig at ngumiti nang ngumiti? "What I mean is…mas gusto kita ngayon. The last time we met you seem so distant. Di ko alam kung paano kita iaapproach pero ngayon parang mas open ka na. Hindi na ko masiyadong nangangapa." "Uhm…ayaw mo ba sa taong mahiyain?" curious na tanong ko. Shy type kasi si Hailey kaya siguro

    Huling Na-update : 2021-09-18
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 11

    "Paano ba talaga kayo nagkita?" usisa ni Hailey habang nakatambay kami at nagpapahangin sa maliit na terrace ng maliit na bahay na inuupahan namin. Katabi lang namin ang landlady na nasa kabilang pinto. Kaibigan ng mga magulang naming namayapa kaya hindi kami masiyadong tinataasan sa upa. Bata palang kami dito na kami nakatira. "Ayun nga sa mall. Hinihintay ko si Renato tapos bigla na lang siyang sumulpot. Pero promise sisikapin ko ng hindi kami magkasalubong. Wala naman ako dapat sa eksena. Pinasa ko ‘yong number niya sa’yo. Ikaw na magsave at makipagcommunicate sa kanya, binura ko na kasi ‘yan." "Sige, buti ka pa nakasama mo siya..." napangusong sabi nito. Natatawang dinan

    Huling Na-update : 2021-09-19
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 12

    "Kalma ghorl, upo ka nga, ako naloloka sa’yo. Actually lokang-loka ako sa nangyayari, paanong nabuntis ‘yang si Hailey?" saway ni Irene dahil pabalik-balik ako sa hallway ng ospital.Nagpasama ako sa kanya, hindi ko kayang mag-isa dito. Nasa delivery room na si Hailey, ceasarian siya. Dahil alam kong hindi niya kakayanin pag normal. Ilang taon na rin naman kaming magkaibigan nitong si Irene kaya minsan nakakapunta-punta siya sa bahay kaya kilala na niya si Hailey. "Saka ko na i-explain samahan mo na lang muna ko. Kinakabahan ako para sa kanya." "Nakakakaba talaga, eh, di ba weak ang heart niya? ‘Wag naman sana pero delikado talaga para sa kondisiyon niya ang ma

    Huling Na-update : 2021-09-20
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 13

    Callie’s POV I slammed the door as soon as I…letse napapaenglish tuloy ako. Itinaas ko na ang panty kong wala ng garter na nalaglag sa harap ni Carter. Nakakahiya! Baka akalain niya sa sobrang gwapo niya, makalaglag panty na ang dating niya. Gusto kong burahin ang pagmumukha ko ngayon.Kipkip ko ang tagiliran ng duster ko, naghagilap kaagad ako ng pardible. Nakakita naman ako sa sewing box namin at ikinabit iyon sa gilid. Katok nang katok si Carter sa labas na sigurado akong tinamaan ang tungki ng ilong sa lakas ng pagkakatalpak ko sa pintuan. "Hailey, mag-usap tayo," tawag niya mula sa labas habang kumakatok pa rin. "Makipag-usap ka sa sapsap tutal mukha kang kulisap! Tsupi!" sigaw ko pabalik.&n

    Huling Na-update : 2021-09-21
  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 14

    "Can you please listen to me first?" tutol ni Carter nang akmang palalabasin ko na siya ng bahay."Wag na. Okay na po. Makakaalis ka na. Shupi!" tulak ko pa sa kanya at binuksan ang pintuan para lumabas na siya."I'm the father-""Kahit pa ikaw ang mother. Tsupi! Doon ka na lang sa Krisha mo, okay? Ikaw ang tipo ng tao na kapag nainlove itatapon lahat. Paano kung iutos ng jowa mo na idispatsa si Harlie? Gagawin mo nga? No way highway! Mamaya apihin pa niya si Harlie, neknek niyo. Kaya makakaalis ka na hindi ka namin kailangan. Okay na kami."Sumeryoso ang mukha ni Carter at matiim akong tinititigan, bahagya akong nailang at napalunok lalo na nang humakbang siya para lapitan ako. Naningkit pa lalo ang singkit na niyang mga mata."Do you think I would give up that easily? Harlie is my son. Kung may karapatan ka meron din ako." giit niya. Umangat ang sulok ng labi ko at nginisihan siya."Inabandona mo kami. Kahit hindi na ko, eh,

    Huling Na-update : 2021-09-22

Pinakabagong kabanata

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Epilogue

    Epilogue Wakas... Kakatype ko lang ng word na wakas nang may humablot sa laptop ko. Napalingon tuloy ako. Si Carter pala. "Kagulat ka naman!" "Sorry. Just want to check kung okay itong magiging second novel mo," nakangiting aniya at umupo sa damuhan sa tabi ko. Seryoso niyang binabasa ang ending ng manuscript ko na nilagyan ko ng title na 'Lucky Me, Instant Mommy?' Napasinghot ako ng hangin at napatingin sa lapidang nasa harap ko. May sumilay na malungkot na ngiti sa labi ko nang makita ko ang pangalang nakaukit doon. Hindi ko akalain nasa ganito lang ang kahihinatnan niya. Napakabata pa niya. Hindi man lang niya naranasan mabuhay ng matagal sa mundo. "Seryoso? Ito talaga gusto mong maging ending natin?" tanong ni Carter kaya nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa monitor. "Tapos bakit iminatch mo pa si Jacob kay Carla?" follow up question niya.

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 57 (Finale)

    "May mga bagay na hindi natin kontralado kaya may mga nangyayaring hindi planado..." Napailing ako nang maalala kong sinabi ko iyon dati kay Carter. Kaya nga siguro, sa ganito ang ending ng storyang nasimulan namin kahit hindi sinasadya. Napangiti ako habang naglalakad papasok sa simbahan, kung saan magaganap ang isang engrandeng kasalan... Halos may isang oras pa bago magsimula iyon. Inihakdaw ko ang paa ko papasok. Unti-unti palang nagdadatingan ang mga bisita. Humalimuyak kaagad ang bango ng mga bulaklak na nakapaligid sa simbahan. Naglakad ako sa aisle na nalalatagan ng pulang alpombra.

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 56

    CARTER’S POV Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Hindi maalis sa isip ko si Callie. Nakatitig lang ako sa laptop ko, pero hindi naman umuusad ang ginagawa ko. Nakaamin na ako sa nararamdaman ko, dahil inakala kong gagaan ang loob ko kapag ginawa ko iyon, pero mas lalo lang bumigat. Napahilamos ako sa mukha. Hindi ko na alam ang gagawin. I love my child. Pero kung susundin ko naman ang nararamdaman ko, wala rin namang mangyayari. Tinanggihan na niya ko. Hindi niya kayang saktan si Hailey at si Harlie. For the past three months hindi siya nawala sa isip ko. I love he

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 55

    JACOB SAMANIEGO DOCTOLERO Iyon ang pangalan na nakalagay. Napatayo ako bigla. "Callie, where are you going?" takang tanong ni Mamshie pero hindi na niya ko napigilang lapitan ang table nina Jacob. "Excuse me, gentlemen." tawag pansin ko sa kanila. "Hija! Callie!" lumiwanag ang mukhang tawag sa akin ng tatay ni Carter nang makilala ako. "Kamusta po?" nakangiting bati ko pero napansin ko ang gulat na mga mata ni Jacob nang mapalingon siya sa akin.&n

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 54

    "Tingin mo, wala talaga tayong pag-asa?" tila nahihirapang tanong niya. Yumuko ako at tumango-tango. "Tingin ko, kaya wala tayong pag-asa dahil hindi tayo para sa isa’t-isa. Sorry Carter. Hindi pa man kami naisisilang sa mundo ito, magkasama na kami ni Hailey. Hindi ko siya kayang saktan. Hindi ako karapat-dapat sa’yo dahil hindi kita kayang ipaglaban."I walked away as fast as I can. Halos takbuhin ko na palabas. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi na niya ko hinabol.Naglakad ako sa daan na parang wala sa sarili. Ayaw maampat ng luha ko. Nanlalabo tuloy ang paningin ko. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko hindi na ko maiinlove ulit.Kung hindi rin lang si Carter,`wag na lang.~*~*~*~*~*~ "Hailey..." tawag ko

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 53

    Medyo kabadong naglalakad ako papasok sa publishing company ni Carter, hawak ang business proposal na iniwan niya sa akin last week. Nagtext na ako sa kanya na darating ako. Lunch time kaya nagbababaan na ang mga empleyado para kumain. Halos walang tao akong naabutan sa second floor kung nasaan ang office ni Carter. Bago iyon ay madadaanan ko muna ang office ng mga editors, nagulat pa ako nang makitang lumabas doon si Jacob. Parang nagkagulatan pa kami dahil hindi kaagad siya nakapagsalita. Napansin kong mabilis niyang isinuksok sa bulsa ng polo ang isang flash drive. "H-Hey, Callie!" tila malikot ang mga matang bati niya nang tila makabawi sa pagkabigla. "Uy. Ano’ng ginagawa mo diyan? Isa ka na rin ba sa mga editors?" takang tanong ko.&nb

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 52

    Chapter 523 MONTHS LATER..."Ma, kamusta na sila?" usisa ko kay Mamshie Elaine nang magkita kami sa isang resto."Thery’re still looking for you anak, magpakita ka na kaya?" himok niya saka dinampot ang menu.Napabuntong-hininga ako. Tatlong buwan na akong parang bulang naglaho sa paningin nina Hailey at Carter. Noong mga unang buwan para akong baliw na iiyak tuwing gabi. Hindi rin ako halos makakain, namimiss ko si Harlie, parang may malaking bahagi ng pagkatao ko ang nawala noong hindi ko na siya makarga, minsan natatagpuan ko ang sarili ko paggising ko sa umaga na nakatingin sa gilid ng kama ko, sa bahay kasi ni Carter katabi ko ang crib ni Harlie.Parang pinatay din ang puso ko nasa tuwing gigising ako, mag-isa na lang ako. Wala na si Carter na bukod kay Harlie ay siya ang unang nakikita ko paggising ko.Idagdag pa na ang tagal naming hindi nagkasama ni Hailey pero hindi ko man lang siya nakasama ulit. Pakiramdam

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 51

    Chapter 51"Where to?" tanong ni Carter habang naglalakad kami. Nag-isip ako, kung manonood kami ng sine, kakain iyon ng halos dalawang oras. Walang masiyadong bonding na magaganap dahil konsentrado kami sa panonood. Gusto ko kasing sulitin ang last day ko kasama siya. Iyong parehas kaming mag-eenjoy ng hindi nakaupo lang. "D-Doon! Gusto kong subukan." turo ko sa ice skating rink na natanaw ko. Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga? Masaya mag-ice skating." "Marunong ka?" "Yup! I’ll be your personal trainor. Let’s go!" hinawakan niy

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 50

    Chapter 50"Ano pong ilalagay natin sa cake madam?" tanong sa akin ng babaeng crew na binibilhan ko ng cake. Ang pulang laso. "Eto sinulat ko." iniabot ko ang isang papel. Kinuha niya iyon at iniabot sa isa pang crew na lalaki. Kitang-kita ko ang matamis nilang ngitian. "Love, eto pa. Okay ka lang ba diyan?" malambing na tanong ng babae. Bulungan pa, dinig ko rin naman! "Miss, balikan ko na lang, ah?" paalam ko dahil nabibigatan na ko sa dala ko, tapos tatlo pa iyong sinundan ko na dedication cake din ang ipinagawa. "Sige po Ma’am. Receipt niyo po for claiming." abot niya sa akin ng resibo.&nb

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status