~Vina~Humahangos akong tumakpo papasok ng ospital kung nasaan ngayon ang kaibigan kong si Fern. Ummiyak si Anna kanina nang tawagan ako, hindi ko siya maintindihan sa mga sinasabi niya basta ang klaro ay nasa ospital ang kaibigan ko at naro'n siya kaya kahit nasa trabaho ay nagpaalam akong mag-under time. Sobrang nag-aalala ako, buntis siya. Ano kaya ang nangyari sa kan’ya? Agad na natanaw ko Anna sa waiting area, nang makita ako nito ay kaagad naman ako nitong sinalubong. Yumakap siya sa akin ng mahigpit habang humikbi pa kaya mas lalo akong nangamba sa kalagayan ni Fern. “Anna, anong nangyari? Bakit ka ba umiiyak?” sunod-sunod kong tanong sa kan'ya. “Vina, hindi ko sinasad'ya. Mahal ko si Fern.” Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Hindi ko, gets!“Sandali. Kumalma ka nga muna para magkaintindihan tayo,” sambit ko. Bahagya ko siyang inilayo sa akin at pinaharap. “K-kasi, naro'n siya sa opisina ni Donovan. Nagkagulo, nagalit siya at–”“At ano?! hindi ko napigilang tumaas ang boses
~Vina~ Naningkit ang mga matakong nakatitig sa lalaking nakatayo sa labas ng OR. Ang galing niyang magkunwari na akala mo ay nag-aalala talaga ang hunghang! “Kung wala ka nang gagawin puwede ka nang umalis. Ako na ang bahala sa kaibigan ko!” singhal ko kay Donovan nang makalapit sa gawi niya.“You're her best friend, right?” “Obvious ba? Umalis ka na, hindi ka na kailangan dito. Ako na bahala sa kan'ya, babawiin ko siya sa iyo at hindi ko na siya pababalikin pa!”“What? No! What's your problem?” Napataas ang kilay kong namewang sa kaniyang harapan. “Asked your self! Magsama kayo ni Annasity! Maang-maangan ka! Paano mo nasisikmura araw-araw na harapin akong kaibigan ko pagkatapos mong lokohin araw-araw?” “I can explain. Mag-uusap kami kapag naging okay na siya,” pagpapaintindi naman nito sa akin. Nakaka-gago ‘to! “Ano pa ba ang dapat intindihin? Umamin na sa akin si Anna at para sabihin ko sa iyo– Unang-una pa lang ay nagdududa na ‘ko sa inyo. Ang mali ko lang ay binaliwala ko iy
Vina~ Napabalikwa~s ako nang gising nang biglang naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Fern na hawak-hawak ko. “Fern, fern, naririnig mo ba ‘ko?” tanong ko. Mas lumapit pa ako sa kan'ya para makirinig ako nito, nakapikit pa rin Kasi ang mga mata niya. “Uhm… A-anong nangyari? Nasaan ako?” sambit niya nang maimulat na niya ang kan’yang mga mata.“Vina.” “Shhh… Nasa ospital ka, gusto mo bang uminom ng tubig?” Tumango naman siya kaya agad ko siyang kinuhanan ng isang basong tubig. “sandali lang, tatawagin ko itong doktor para masuri ka.” Iniwan ko siya sandali. Mabuti na lang at hindi na bumalik si Anna, kun ‘di ay makakalbo ko talaga siya. Si Donovan naman ay hindi naman umaalis pero sa labas lang siya dahil ayaw ko siyang magtagal sa tabi ni Fern. Kaninang umaga lang ‘to umalis dahil may importantanteng gagawin umano sa opisina. Pagkabalik ko kasama ang doktor ay umiiyak na si Fern akaya agad ko naman siyang dinalohan. “Fern, bakit ka umiiyak? Masakit ba sa iyo?” “Vina, iyong ba
~Fern’s Pov~ “Fern–” “Sinabi nang ayaw kitang nandito eh!” taboy ko kau Donovan. Ano pa bang kailangan niya? Umalis ka na! Pinagsisisihan kong nakilala kita, nasaktan mo na ‘ko. Kayo ni Annasity! Hindi ka pa ba masaya?! Ang sabi ko kanina ay hinding-hindi na ako iiyak. Pero heto na naman, hindi ko mapigilang ang damdamin ko. Masakit masiyado ang ginawa nilang dalawa at alam kong matatagalan akong bumangong muli. “Let’s talk privately, Fern. I will tell you everything you want to know about me and Anna. Please…” “Ano pa ba ang dapat pang pag-usapan? Huh? Narinig ko na, nakita ko pa sa akto at kung gaano mo siya ka-mahal sa harap ko. Sige nga! Ano pa ba ang kulang?” “I'm not–” “Tama na!” biglang sigaw ni Vina sa pagitan naming dalawa ni Donovan. “Utang na loob, umalis ka na lang. Kabibilon lang ni Doc. Martina na bawal ma-stress so Fern pero ano itong ginagawa mo? Sinabi ko na sa iyo na ako na ang bahala sa kaibigan, umalis ka na at magsama kayong dalawa ni Anna!” H
"Hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito, Fern! P*****a siya! Kinalimutan niya iyong pagkakaibigan nating tatlo dahil lang sa lalaking iyon! Nasasaktan din ako ah, ayon. Nasampal ko talaga siya!" nag-uusap kami ni Vina at binalikan namin ang mga pinagdaanan naming tatlo bago pa man kami naging magkaibigan kasama si Anna. Alam kong mas nasasaktan siya dahil kahit hindi niya sabihin ay nahahati ang puso niya sa aming magkaibigan. Maski ako ay kahit galit na galit kay Anna ay hindi ko pa rin naman nakalimutan ang pinagsamahan namin. Alam kong makakapag-usap rin kami balang araw, kapag kaya ko na. "Nagmahal lang din si Anna, iyon nga lang ay sa maling tao. Hayaan mo, balang araw kapag kaya ko na siyang harapin at kausapin ay makikinig ako kung man ang gusto niyang sabihin. Sa Ngayon Kasi Vina ay ayaw ko na muna, hindi ko pa kaya." "I understand, Fern. Mahal ko iyong kaibigan natin pero hindi tamang kunsintihin ang maling ginawa niya. Sa ngayon ay hayaan na Muna natin siyang matuto
Hindi na namin pinaabot pang madatnan p kaming muli ni Donovan dito sa ospital kaya nang makaalis na ito ay agad nang inasikaso ni Vina ang bill ko rito. Nasa kotse na kami ngunit hindi ko alam na hindi pala kami uuwi sa condo niya. "Saan ang punta natin nito, Vina?" tanong ko. Wala naman akong ibang kakilala, gustuhin ko man humingi ng tulong kina tito pero naisip kong baka malaman lang din agad ni lola at sabihin pa nito kay Donovan kung nasaan kami. "Sa probinsya, 'wag kang mag-alala dahil hindi ka niya mahahanap. Hindi rin alam ni Anna ang lugar na iyon kaya wala silang ideya kung sakaling hanapin ka nila. Nakahahinga naman ako nang maluwag, mabuti kung gano'n. Pinatulog na muna niya ako, sakto at inaantok na naman nga kasi ako. Ewan ko ba, naging antukin talaga ako o baka dahil sa gamot lang din na iniinom ko. "Fern, girl. Gumising ka na muna. Kain na muna tayo dahil pagabi na. Narito tayo sa stop over ngayon. Tara!" Nakaramdam ako nang mahinang tapik sa aking balikat, g
“AGHHH! BUWISIT KANG LALAKI KA!” gigil na bulalas ni Vina nang padabog itong pumasok at naupo na sa driver’s seat. Narinig ko ang sinabi ng lalaking ‘yon kanina mukhang may something pa nga. “So, magpakilala kayo?” tanong ko sa kan:ya. “Yeah! He's the guy on that f*cking bar. Grrr! Nakapa-feeling niya! Anong akala niya? Porket siya ang nakauna sa akin ay hahanap-hanapin ko siya? Ewww! Para lang malaman niya. Hindi siya magaling at hindi siya masarap humalik!” Napangiwi naman ako bigla. Ramdam ko talaga ang galit nitong kaibigan ko. Iyon lang ang itinanong ko pero marami na siyang sinabi. “Ano ba ang nangyari? Bakit magkagalit na kayo ngayon?” “Basta. Mahabang kuwento, Fern. Saka ko na sasabihin kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin. God! Gutom na ‘ko tapos may gano'ng eksena pa iyong babaeng mukhang espasol na iyon!” agad naman akong natawa. Ganito si Vina kapag naiinis o nagagalit, ihahalintulas ka niya sa ‘kung anong maisipan niyang kamukha mo. “Ako na nga muna riyan. Ku
“Vina…sandali!” tawag ko sa kan’ya nang inis na bumaba na siya ng kotse. Ang init talaga ng ulo niya sa lalaking iyon kaya talagang hindi maganda ‘to!Nasa labas na rin iyong babaeng kasama nito, hinihintay ang lalaki dahil hindi pa ito nakalabas. Nang mailabas na nga ito sa nahuli ko pang pilyong nitong ngisi nang makita na nga rin si Vina. ‘Sinad’ya niya bang inisin si Vina?’“What? Nandito ka rin?” maarteng sabi ng babae na iniripan pa si Vina. “Why? Do you own this place? I fou do, show me your title dahil aalis na kami agad!” ganting sagot naman ni Vina na talagang hindi nagpatalo sa kamaldihan din ng isa. “Ughhh! Bitch!” “Enough, Tanyag! Mauna ka na kung anong bibilhin mo, I'll wait you here,” saway na sabi naman nitong lalaki agad nang nakalabas na mula sa kotse. Nang inis na umalis na nga ang babae ay lumapit ito kay Vina, mataman niyang tinitigan ang kaibigan ko na animo’y tinatantsa pa ang mood nitong Isa. “What?! singhal na nga nitong si Vina sa kan’ya. Napataas ang ki