"Hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito, Fern! P*****a siya! Kinalimutan niya iyong pagkakaibigan nating tatlo dahil lang sa lalaking iyon! Nasasaktan din ako ah, ayon. Nasampal ko talaga siya!" nag-uusap kami ni Vina at binalikan namin ang mga pinagdaanan naming tatlo bago pa man kami naging magkaibigan kasama si Anna. Alam kong mas nasasaktan siya dahil kahit hindi niya sabihin ay nahahati ang puso niya sa aming magkaibigan. Maski ako ay kahit galit na galit kay Anna ay hindi ko pa rin naman nakalimutan ang pinagsamahan namin. Alam kong makakapag-usap rin kami balang araw, kapag kaya ko na. "Nagmahal lang din si Anna, iyon nga lang ay sa maling tao. Hayaan mo, balang araw kapag kaya ko na siyang harapin at kausapin ay makikinig ako kung man ang gusto niyang sabihin. Sa Ngayon Kasi Vina ay ayaw ko na muna, hindi ko pa kaya." "I understand, Fern. Mahal ko iyong kaibigan natin pero hindi tamang kunsintihin ang maling ginawa niya. Sa ngayon ay hayaan na Muna natin siyang matuto
Hindi na namin pinaabot pang madatnan p kaming muli ni Donovan dito sa ospital kaya nang makaalis na ito ay agad nang inasikaso ni Vina ang bill ko rito. Nasa kotse na kami ngunit hindi ko alam na hindi pala kami uuwi sa condo niya. "Saan ang punta natin nito, Vina?" tanong ko. Wala naman akong ibang kakilala, gustuhin ko man humingi ng tulong kina tito pero naisip kong baka malaman lang din agad ni lola at sabihin pa nito kay Donovan kung nasaan kami. "Sa probinsya, 'wag kang mag-alala dahil hindi ka niya mahahanap. Hindi rin alam ni Anna ang lugar na iyon kaya wala silang ideya kung sakaling hanapin ka nila. Nakahahinga naman ako nang maluwag, mabuti kung gano'n. Pinatulog na muna niya ako, sakto at inaantok na naman nga kasi ako. Ewan ko ba, naging antukin talaga ako o baka dahil sa gamot lang din na iniinom ko. "Fern, girl. Gumising ka na muna. Kain na muna tayo dahil pagabi na. Narito tayo sa stop over ngayon. Tara!" Nakaramdam ako nang mahinang tapik sa aking balikat, g
“AGHHH! BUWISIT KANG LALAKI KA!” gigil na bulalas ni Vina nang padabog itong pumasok at naupo na sa driver’s seat. Narinig ko ang sinabi ng lalaking ‘yon kanina mukhang may something pa nga. “So, magpakilala kayo?” tanong ko sa kan:ya. “Yeah! He's the guy on that f*cking bar. Grrr! Nakapa-feeling niya! Anong akala niya? Porket siya ang nakauna sa akin ay hahanap-hanapin ko siya? Ewww! Para lang malaman niya. Hindi siya magaling at hindi siya masarap humalik!” Napangiwi naman ako bigla. Ramdam ko talaga ang galit nitong kaibigan ko. Iyon lang ang itinanong ko pero marami na siyang sinabi. “Ano ba ang nangyari? Bakit magkagalit na kayo ngayon?” “Basta. Mahabang kuwento, Fern. Saka ko na sasabihin kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin. God! Gutom na ‘ko tapos may gano'ng eksena pa iyong babaeng mukhang espasol na iyon!” agad naman akong natawa. Ganito si Vina kapag naiinis o nagagalit, ihahalintulas ka niya sa ‘kung anong maisipan niyang kamukha mo. “Ako na nga muna riyan. Ku
“Vina…sandali!” tawag ko sa kan’ya nang inis na bumaba na siya ng kotse. Ang init talaga ng ulo niya sa lalaking iyon kaya talagang hindi maganda ‘to!Nasa labas na rin iyong babaeng kasama nito, hinihintay ang lalaki dahil hindi pa ito nakalabas. Nang mailabas na nga ito sa nahuli ko pang pilyong nitong ngisi nang makita na nga rin si Vina. ‘Sinad’ya niya bang inisin si Vina?’“What? Nandito ka rin?” maarteng sabi ng babae na iniripan pa si Vina. “Why? Do you own this place? I fou do, show me your title dahil aalis na kami agad!” ganting sagot naman ni Vina na talagang hindi nagpatalo sa kamaldihan din ng isa. “Ughhh! Bitch!” “Enough, Tanyag! Mauna ka na kung anong bibilhin mo, I'll wait you here,” saway na sabi naman nitong lalaki agad nang nakalabas na mula sa kotse. Nang inis na umalis na nga ang babae ay lumapit ito kay Vina, mataman niyang tinitigan ang kaibigan ko na animo’y tinatantsa pa ang mood nitong Isa. “What?! singhal na nga nitong si Vina sa kan’ya. Napataas ang ki
Nang sa wakas ay nakarating na rin kami sa probinsya nila Vina ay masasabi kong napakaganda rito. Ibang-ibang kumpara sa siyodad. Nakakatuwa makita ang maring puno at halaman sa paligid, lalong-lalo na ang sariwang hangin na masarap sa pakiramdam kapag dumadampi sa balat. “Grabe, Vina. Sobrang ganda rito. Bakit ngayon mo lang ako dinala rito? Sana ay noon pa, palagi naman tayong nagbabakasyon ah.” “Tss. Malayo kasi,”, tipid na sagot niya sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako. Ano kaya ang nangyari pag-alis ko kanina? Nakapag-usap kaya sila ng maayos no’ng Damon na iyon? “Vina… Ikaw na ba iyan? Hoy! Si Vina nga!” bulalas na sabi ng isang ginang habang nagwawalis ng bakuran. “Auntie, Mila. Kumusta po? Opo, ako nga,” sagot naman ni Vina ay masayang sumalubong sa ginang. Nakayakapan pa ang mga ito kaya nakakatuwa silang pagmasdan. Mukhang miss na miss niya si Vina, talagang matagal na nga siguro mula nang umalis siya rito. “Naku… Ang ganda-ganda– Ninyong dalawa nitong kasama mo.” B
~After 9 months~“Ahhhh… Hindi ko na kaya!” impit na sigaw ni Fern sa sakit, kasalukuyang manganganak na ito. Naka-alalay naman si Vina at Aling Mila sa kan’ya, hindi na rin kasi siya madadala sa ospital dahil yournakalabas na umano ang ulo ng bata, mabuti na lang ay mayroon kilalang kumadrona sina Aling Mila. “Fern, kaya mo iyan! Nandito lang, kami okay? Breath…gawin mo iyong pina-practice mo,” kinakabahang payo ni Vina. Kahit siya ay nanlalamig dahil first time niya lang din makakita ng aktuwal na manganganak. At si Fern pa! “Ahh… Whoohhooohhh…” “Ineng, ito na talaga. Mga dalawang ire mo na lang ay ma-iraraos mo na si baby. Ganito, ha? Kapag humilab ulit at parang nadudumi ka ay doon mo na i-ire nang todo, subukan mo. Hinga ng malalim,” saad ng kumadroda. Tagaktak ang pawis sa noo ni Fern. Susundin niya ang turo nito, makalabas ng ang kaniyang anak ng maayos. Hindi niya hahayaan na may mangyari sino man sa kanila, nakasalalay sa kan'ya ang buhay nilang dalawa. “Ayan na po ulit.
Hindi nagsasawa ang mg mata kong pagmasdan ang mga kambal kong himbing sa pagtulog. Mapuputi silang dalawa na marahil ay naman nila sa kanilang ama. Hindi ko pa gaanong malaman kung sino ba ang kamukha nila, ako na o iyong lalaking iyon. Parang ang sarap maging bata ulit, ganito lang. Tutulog lang at kapag nagutom papakainin. “Hi mommy!” bati ni Vina, kararating lang nito galing sa trahabong pinapasukan niya. Isa umano itong secretary sa bagong bukas lang na kumpanya. Ang suwerte niya, balak ko na rin magtrabaho kapag med’yo malaki na ang mga bata. “Hello, bunnies. How are you? Miss niyo ba ang ninang ninyong maganda? Huh?” “Kumusta ka naman sa trabaho mo, Vina? Hindi ka ba nahihirapan?” “Hindi naman, yakang-yaka ko naman iyong mga paper work at kung ano pa ang pinapagawa Ng boss kong unknown,” aniya. “Unknown? Bakit mo naman nasabi iyan?” curious kong tanong. “Paano ba naman kasi– Hindi nagpapakita, palagi lang makakausap through phone call. At alam mo ba?” pambibitin pa nito
~Damon~“Dude, what's up?” “I'm fine. Can we talk? I have a proposal to you,” walang paligoy-ligoy na sabi nitong pinsan kong si Doss. Mukhang masama na naman ang timpla nito kaya hindi ko muna aasarin dahil baka ako ang mapag-buntunan. “Sure, spill it.” “Can you visit my company in Tarlac? And if it's okay with you, ikaw na muna ang mamahala habang hindi ko pa maasikaso.” Kumunot ang noo ko. Bagong bukas lang ang company niya ah. Ano na naman ba ang pinag-gagawa nito?“Why? Are you leaving?” Naalala ko tuloy si Vina, kumusta na kaya siya? For sure ay galit na galit na iyon dahil sa hindi ako nakabalik agad. I decided not to contact her cause I don't want to give her a hint about my proposal. Napangiti ako kapag naaalala ko ang pagmamaldita nito, mas lalo kasi siyang gumaganda sa paningin ko. “Yes. So, do you agree with it? Ako na ang sasagot na ang honey moon trip niyo with your wife mo. Deal?” “Deal,” sagot ko. Ito ang gusto ko kay beast, eh. It's all set for my wedding, ang b