Tapos na akong maghugas ng pinagkaisan namin at saktong palabas na ako ng kusina nang pababa naman na si Donovan sa hagdan. Itutuloy ko pa rin ang balak kong sabihin sa kan’ya tungkol sa pagbubuntis ko. “Donovan, puwede ka bang makausap?” kahit kinakabahan ay hindi ako nagpahalata. “Sure, about what?” tanong naman nito. Nauna na siyang umupo sa sofa kaya sumunod naman akong umupo sa tapat nito. “Tungkol sa nangyari sa akin bago tayo ikasal,” panimula ko. Naging seryoso naman ito bigla at napaayos pa ng kaniyang pagkakaupo. Titig na titig siya sa akin na tila ba hinihintay ang susunod na sasabihin ko. “Go on, Fern,” anito nang sandaling natigilan ako. Mukhang desidido na talaga siyang makinig sa akin kaya hindi na ako dapat na umatras pa. “Ayaw ko pumayag sa kagustuhan ni lola, sino ba naman kasing gugustuhin na makasali sa isang tao na kahit minsan ay hindi mo pa nakikilala manlang? ‘Di ba wala?” natawa naman siya pero hindi naman nagsalita pa kaya tumuloy lang ako. “Umalis ako
Mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako kinaumagahan, hindi rin ako nakatulog ng maayos sa kaiisip tungkol sa pag-uusap namin kagabi kaya nagpasya akong sadiyain ko na lang talaga siya sa opisina nito. Kahit parang lutang ay nagluto pa rin ako para sa dadalhin kong pagkain at sasabayan ko na lang din ito mag-lunch.Nagpahatid ako sa driver papunta ng company bitbit ang mga niluto kong pagkain. Pinilit kong pinasigla ang sarili nang makarating sa labas at napatingala ako sa taas ng building na ito, hindi maikakaila ang nagsusumigaw na katanyagan at karangyaan. “Good morning, ma’am,” bati naman ng security guard sa akin na naka-assign sa entrance. “Good morning, too. I'm going to visit Mr. Donovan La Guardia,” ganting bati ko naman rito. “Okay ma’am. Come in.” Tuluyan na ako pumasok at malalaki ang mga hakbang kong naglakad patungong elevator, nang maalala kong hindi ko pa pala alam kung anong floor ang opisina nito ay naghanap ako ng taong puwedeng mapagtatanungan. “Ahmm… Exc
“A-anong i-ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanila’t nagpalipat-lipat ang tingin. “F-fern–”“Ano, Anna? What is it now? Paano mo ipaliwanag itong nakita at narinig ko sa inyo kanina? Huh?” putol ko sa sasabihin niya. “Fern, let's talk. Let me explain all of this.” Si Donovan naman ang binalingan ko. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nilang dalawa na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila binibitawan ang isa't isa. Harap-harapan talaga nila ang winalang-hiya! Pinalis ko ang mga luhang kumawala sa aking mga mata na ngayon ay dumadaloy sa aking pisnging namumutla sa galit. “Oh, really? Ano ‘ko, tanga? Hindi ko ma-gets ‘to. Gano'n ba?!“Fern, I'm sorry… Mag-usap tayo please–”Hindi ko nang hinintay pang makalapit sa akin ang ahas kong kaibigan dahil agad na sumalubong sa kaniyang makapal na mukha ang palad kong nanginginig sa gigil ay galit. “Ayan!” sambit ko habang taas baba ang dibdib ko. Naninikit ang dibdib ko dahil masakit din sa akin na saktan ang kaibigan ko lalo na’t kapatid na
~Vina~Humahangos akong tumakpo papasok ng ospital kung nasaan ngayon ang kaibigan kong si Fern. Ummiyak si Anna kanina nang tawagan ako, hindi ko siya maintindihan sa mga sinasabi niya basta ang klaro ay nasa ospital ang kaibigan ko at naro'n siya kaya kahit nasa trabaho ay nagpaalam akong mag-under time. Sobrang nag-aalala ako, buntis siya. Ano kaya ang nangyari sa kan’ya? Agad na natanaw ko Anna sa waiting area, nang makita ako nito ay kaagad naman ako nitong sinalubong. Yumakap siya sa akin ng mahigpit habang humikbi pa kaya mas lalo akong nangamba sa kalagayan ni Fern. “Anna, anong nangyari? Bakit ka ba umiiyak?” sunod-sunod kong tanong sa kan'ya. “Vina, hindi ko sinasad'ya. Mahal ko si Fern.” Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Hindi ko, gets!“Sandali. Kumalma ka nga muna para magkaintindihan tayo,” sambit ko. Bahagya ko siyang inilayo sa akin at pinaharap. “K-kasi, naro'n siya sa opisina ni Donovan. Nagkagulo, nagalit siya at–”“At ano?! hindi ko napigilang tumaas ang boses
~Vina~ Naningkit ang mga matakong nakatitig sa lalaking nakatayo sa labas ng OR. Ang galing niyang magkunwari na akala mo ay nag-aalala talaga ang hunghang! “Kung wala ka nang gagawin puwede ka nang umalis. Ako na ang bahala sa kaibigan ko!” singhal ko kay Donovan nang makalapit sa gawi niya.“You're her best friend, right?” “Obvious ba? Umalis ka na, hindi ka na kailangan dito. Ako na bahala sa kan'ya, babawiin ko siya sa iyo at hindi ko na siya pababalikin pa!”“What? No! What's your problem?” Napataas ang kilay kong namewang sa kaniyang harapan. “Asked your self! Magsama kayo ni Annasity! Maang-maangan ka! Paano mo nasisikmura araw-araw na harapin akong kaibigan ko pagkatapos mong lokohin araw-araw?” “I can explain. Mag-uusap kami kapag naging okay na siya,” pagpapaintindi naman nito sa akin. Nakaka-gago ‘to! “Ano pa ba ang dapat intindihin? Umamin na sa akin si Anna at para sabihin ko sa iyo– Unang-una pa lang ay nagdududa na ‘ko sa inyo. Ang mali ko lang ay binaliwala ko iy
Vina~ Napabalikwa~s ako nang gising nang biglang naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Fern na hawak-hawak ko. “Fern, fern, naririnig mo ba ‘ko?” tanong ko. Mas lumapit pa ako sa kan'ya para makirinig ako nito, nakapikit pa rin Kasi ang mga mata niya. “Uhm… A-anong nangyari? Nasaan ako?” sambit niya nang maimulat na niya ang kan’yang mga mata.“Vina.” “Shhh… Nasa ospital ka, gusto mo bang uminom ng tubig?” Tumango naman siya kaya agad ko siyang kinuhanan ng isang basong tubig. “sandali lang, tatawagin ko itong doktor para masuri ka.” Iniwan ko siya sandali. Mabuti na lang at hindi na bumalik si Anna, kun ‘di ay makakalbo ko talaga siya. Si Donovan naman ay hindi naman umaalis pero sa labas lang siya dahil ayaw ko siyang magtagal sa tabi ni Fern. Kaninang umaga lang ‘to umalis dahil may importantanteng gagawin umano sa opisina. Pagkabalik ko kasama ang doktor ay umiiyak na si Fern akaya agad ko naman siyang dinalohan. “Fern, bakit ka umiiyak? Masakit ba sa iyo?” “Vina, iyong ba
~Fern’s Pov~ “Fern–” “Sinabi nang ayaw kitang nandito eh!” taboy ko kau Donovan. Ano pa bang kailangan niya? Umalis ka na! Pinagsisisihan kong nakilala kita, nasaktan mo na ‘ko. Kayo ni Annasity! Hindi ka pa ba masaya?! Ang sabi ko kanina ay hinding-hindi na ako iiyak. Pero heto na naman, hindi ko mapigilang ang damdamin ko. Masakit masiyado ang ginawa nilang dalawa at alam kong matatagalan akong bumangong muli. “Let’s talk privately, Fern. I will tell you everything you want to know about me and Anna. Please…” “Ano pa ba ang dapat pang pag-usapan? Huh? Narinig ko na, nakita ko pa sa akto at kung gaano mo siya ka-mahal sa harap ko. Sige nga! Ano pa ba ang kulang?” “I'm not–” “Tama na!” biglang sigaw ni Vina sa pagitan naming dalawa ni Donovan. “Utang na loob, umalis ka na lang. Kabibilon lang ni Doc. Martina na bawal ma-stress so Fern pero ano itong ginagawa mo? Sinabi ko na sa iyo na ako na ang bahala sa kaibigan, umalis ka na at magsama kayong dalawa ni Anna!” H
"Hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito, Fern! P*****a siya! Kinalimutan niya iyong pagkakaibigan nating tatlo dahil lang sa lalaking iyon! Nasasaktan din ako ah, ayon. Nasampal ko talaga siya!" nag-uusap kami ni Vina at binalikan namin ang mga pinagdaanan naming tatlo bago pa man kami naging magkaibigan kasama si Anna. Alam kong mas nasasaktan siya dahil kahit hindi niya sabihin ay nahahati ang puso niya sa aming magkaibigan. Maski ako ay kahit galit na galit kay Anna ay hindi ko pa rin naman nakalimutan ang pinagsamahan namin. Alam kong makakapag-usap rin kami balang araw, kapag kaya ko na. "Nagmahal lang din si Anna, iyon nga lang ay sa maling tao. Hayaan mo, balang araw kapag kaya ko na siyang harapin at kausapin ay makikinig ako kung man ang gusto niyang sabihin. Sa Ngayon Kasi Vina ay ayaw ko na muna, hindi ko pa kaya." "I understand, Fern. Mahal ko iyong kaibigan natin pero hindi tamang kunsintihin ang maling ginawa niya. Sa ngayon ay hayaan na Muna natin siyang matuto