Share

Chapter One

Penulis: reeswift
last update Terakhir Diperbarui: 2020-09-16 21:04:42

Chapter One

Forget

"Kelsey? Nasaan ka na?"

Mabilis akong humakbang sa humintong  bus. Nang may makitang bakanteng upuan ay agad ako umupo roon.  Inayos ko ang earphones sa tainga ko upang mas marinig ng maayos ang kausap. 

"I'm on my way to school Ate Klaire." 

"What? Bakit hindi mo agad sinabi? I could've given you a ride there."

Napailing na lang ako sa tinuran ng pinsan ko. Klaire is a year older than me, taking up Business Administration in the same school where I newly transferred. Bata pa lang ay close na kami kaya parang nakatatandang kapatid na ang turing ko sa kaniya. 

"It's okay. I took the bus."

Dinig ko ang paghugot niya ng hininga. I could almost see her rolling her eyes behind her phone. 

"Okay. Tawagan mo lang ako if you need anything."

"Yes. Thanks ate. Don't worry, I can manage." I said before hanging up. 

Hindi ko naman maiaalis sa kaniya ang mag-aalala. Sa ngayon, siguro pinagdududahan niya paa ng kakayahan kong mag-isa. But I have a feeling my new school will teach me so much. I have to be strong and independent. 

Dumungaw ako sa bintana ng bus. Pinagmasdan ko ang bawat madaanan nito. Kailangang makabisado ko ang paligid, kailangang masanay na ako. From now on, I need to take a 1 hr ride in the bus to get to my new school. 

I'm pretty sure I could adjust well. Mula nang maghiwalay ang mga  magulang ko, natuto akong maging matatag. When both your parents are unstable, you learn to lean on yourself. Their separation was tough but it was for the better. No more endless fights and no more late night cryings for my mom.

Yumuko ako sa cellphone ko at pumili ng kanta. I played dumb stuff by Lany. I turned the volumes on full while I decided to ignore the world around me. Ilang beses na humihinto ang bus para magsakay ng pasahero. Maya maya ay unti unti na itong napuno, karamihan ay mga estudyanteng nakasuot ng uniporme ng St. Therese University.

Sampung minuto bago ako makarating sa destinasyon ko ay naisipan kong mag ayos. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa compact mirror ko. 

My long and thick lashes complemented my deep brown eyes. I grabbed my blush on to add a hue of pink on my high cheekbones. I applied a little lip tint to emphasize my small yet plumped lips. My naturally brown and wavy hair framed my squared jaw. 

Huminto ang bus sa harapan ng unibersidad na papasukan ko. Mabilis kong isinilid ang mga gamit sa bag at tumayo. Nagsiksikan ang lahat sa gitna at nag-unahan sa pagbaba. Nagitgit ako ng ilang mga estudyante. 

Napahinto ako nang bumangga ako sa dibdib ng isang lalaking nakasuot ng uniporme ng St. Therese. Matangkad ito at may nakasukbit na gitara sa likod ng balikat niya. Yumuko ako at agad na humingi ng paumanhin. Hindi ko na narinig ang tugon niya dahil mabilis na akong naglakad palabas ng bus. 

Nang nasa labas na ako ay saka ko lang napansin na nakabukas pala ang front pocket ng bag ko. Sa pagmamadali ko ay nalimutan ko yatang isara iyon. Napabuntong hininga na lang ako bago tinahak ang daan papasok ng eskwelahan. 

I walked slowly to the long hallways of my assigned building. I took a look at my registration form. My full name was written on top. Kelsey Fadriquela. Grade 12-1. 

Section 1 ako at ang unang klase ko ay Creative Writing. May 30 minutos pa bago iyon kaya naisipan ko na maglibot muna habang wala pa akong ginagawa. Sa paglilibot ko ay nakarating ako sa quadrangle. May nagkukumpulang mga estudyante roon. Dahil sa curiousidad ay naisipan kong makisiksik upang malaman ang pinapanood nila. 

When I finally got a perfect view, I saw what those people are looking at. There were three guys standing at the center of the quadrangle. One held a banner with Happy Anniversary written in there. The other one held a huge teddy bear. 

While that guy in the center--- my eyes stayed at him. He stood probably 5'11 tall. Maputla ang kutis nito. His long hair was dark and wavy. His jawline was perfectly chiseled. And his eyes contain a different intensity. They look so cold and ruthless. Para siyang laging galit kung tumingin.

He held a guitar and a bouquet of roses. Pinagmasdan ko kung paanong kumurba ang mga labi niya sa isang tipid na ngiti. His entire face lit up when he smiled but still maintaining the menacing aura. He's giving me young Leonardo Dicaprio vibes except the blonde hair. 

Dahan dahan siyang naglakad patungo sa isang babae. He gave the roses to her. He muttered something I couldn't hear for they were far away from me. Dumako ang tingin ko sa babaeng nilapitan niya. 

Katamtaman ang kulay ng balat nito. Matangkad at mapayat na parang modelo. She was so skinny that I could probably measure her waist line with my fingers. Her long jetblack hair falls on her back while shining perfectly with the rays of sunlight. 

The distance between them quickly ended. And before I knew it, their lips met and they were kissing in public. The crowd went crazy. Nagtilian ang babae at naghiyawan ang mga lalaki. This couple is obviously famous. I could hear their fangirls from near. 

"That's Zephaniah." 

Napasulyap ako sa babaeng nagsalita mula sa tabi ko. Nakatingin siya sa dalawang naghahalikan. Ngunit agad ding sumulyap sa akin at ngumiti. 

Compared to me who was already petite, she's quite smaller and more skinny. Her eyes were huge and expressive. Her short hair was dyed in in brown. She looked cute and bubbly. 

"And that girl is Sage Monteverde." 

"They're both famous. Sage is a model. She's also rich. Bihira nga lang iyan pumasok dahil mas busy siya sa pagmomodel kesa sa pag-aaral. I heard she's already auditioning for Asia's Next Top Model."

"And that guy, Zephaniah Ferriol is a band vocalist. Sikat ang banda nila. He's not just good looking but also smart and talented. Nakakabuntis ang boses niyan." Humagikhik ito. Napangiti ako sa biro niya. Pinagmasdan ko siya at napaisip ako kung bakit niya kaya sinasabi sa akin ang lahat ng iyon? Do I seemed that curious or clueless? And as if she just read my mind, she said

"I said those because you looked like you're new here." Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.

I am wearing a striped u-necked tee tucked in with faded blue mom jeans and a pair of white vans. Wala pa akong pambili ng uniform kaya ganoon ang suot ko. 

"You're holding your form. Naliligaw ka ba? Kabisado mo na ba ang classrooms mo? I can help you." She flashed me a friendly smile. Marahan akong umiling.

"It's okay. Alam ko na rin naman kung saan ang mga klase ko." 

"Oh okay. Saan ang first class mo?"

Hindi pa ako nakakasagot ay kinuha na niya ang registration card ko upang tignan. 

"Magkaklase pala tayo!" Tuwang tuwa niyang saad matapos basahin ang sched ko. Hinampas niya ng mahina ang braso ko at natawa na lang ako. She's so energetic and extrovert. 

"Tara sabay na tayo." Wala na akong nagawa nang isukbit niya ang kamay niya sa braso ko at hinila ako pabalik sa building namin.

"Wait, hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm sorry. Is that rude?" Umiling ako at ngumiti. Kasalukuyan naming inaakyat ang hagdan papunta sa room namin na nasa 3rd floor. 

"I'm Nathalie David." Inilahad niya ang kamay niya sa akin na agad ko namang tinanggap. 

"I'm--"

"Kelsey. I've read in your sched." She said cheerfully. Napangiti ako roon. 

"You seem very timid Kelsey. Is it because you're new? O mahiyain ka talaga?" 

I could be friendly if I wanted to. Mahiyain lang talaga ako sa una. Pero madalas ay wala talaga akong interes na ipilit ang sarili ko sa ibang tao. If no one wants to be friends with me, then I'm fine. I'm a strong independent woman.

"No. I just feel new, kaya tahimik pa ako. " Tugon ko. She didn't seem surprised with that. 

"I see. No need to be shy anyway. I'm here for you okay?" She flashed me an encouraging smile. I'm actually thankful that I met this girl. It's good to have company on your first day. Nakakagaan ng pakiramdam. 

"Let's go faster! Malelate tayo." Pagkasabi niya noon ay bigla siyang tumakbo paakyat sa hagdan kaya tumakbo na rin ako kasunod niya. 

When we finally reached our classroom, we took seats beside each other. As expected, maraming kakilala si Nathalie kaya kung sino sino ang binabati at pinapakilala niya sa akin. 

Makaraan ang ilang minuto ay dumating na ang prof namin. A lean mid aged man walked from the front door. 

Everyone in the class settled when he stood infront. He eyed the entire classroom before he introduced his self. Kung ano anong rules sa klase at background tungkol sa subject ang sinabi niya. Pagkatapos ay inatasan niya kaming ipakilala ang mga sarili. Napuno ng reklamo ang klase dahil doon.

"We'll start at the front--" akmang papatayuin niya na ang babaeng nasa harapan nang biglang pumihit ang doorknob. Iniluwa noon ang isang matangkad na bulto. Napukaw niya ang atensyon ng buong klase nang maglakad siya papasok. Humakbang siya ng kaunti bago huminto at humingi ng paumanhin sa guro. 

"I'm sorry I'm late sir." 

Malamig at malalim ang kaniyang boses. Ang mga mata niya ay tila inaantok dahil walang emosyon ang mababakas mula roon. Sinuklay niya ang buhok niyang nalaglag sa kaniyang noo. 

Dinig ko ang pagsinghap ng mga babae sa paligid ko. Ang iba ay nagsimulang magbulungan at tumili ng impit. 

As far as I can remember, Zephaniah was his name. The same guy from the quadrangle earlier. Kumpara sa kanina, mas napagmasdan ko ang kabuuan niya ngayon. Lalo siyang gumwapo sa malapitan. Tumutulo ang pawis sa kaniyang noo.

Napagmasdan ko ang paggalaw ng perpekto niyang panga habang naghahabol hininga. Bahagyang namumula ang kaniyang pisngi dahil siguro sa init at pagod. Nadepina ang katamtamang laki ng kaniyang braso dahil sa gitarang nakasukbit sa kaniyang likod. 

"Since you're late, you get to introduce first." Saad ng aming guro. He seemed like he didn't mind . He immediately stood in the middle,  catched his breath for a second and fixed his gaze into nowhere particular. 

"I'm Zephaniah Ferriol. 18." Buo ang kaniyang boses. It sounded so manly. I suddenly had to condemn myself for noticing every single detail about him.

"Tell us about your hobbies, likes and dislikes?" 

"I play guitar and I sing. I'm into bands. I just like music in general." Napakadiretso at tipid niyang magsalita. Tahimik ang buong klase at tila nabalot iyon ng lamig ng kaniyang boses. 

Mukhang nag-aabang pa ng sunod niyang sasabihin ang aming guro ngunit hindi na siya muling nagsalita. 

"Okay thanks. Take a seat Mr. Ferriol." 

He immediately walked in the aisle to look for a vacant seat. Inokupa niya ang sa ikatlong hanay, sa tabi ng bintana. I'm in the last row so I still got a perfect view of him. Si Nathalie ay hindi maialis ang titig sa kaniya.

"Ang sarap sana ni Zeph ano?" She said dreamily. Natawa ako sa tinuran niya at sa ekspresyon ng mukha niya. Bumaling siya sa akin.

"Totoo naman diba? Ang perfect eh. Ang gwapo. Ang yummy." Sunod sunod ang mga papuri niya. 

"Kaso yang mga ganiyang lalaki, off limits yan. Sayang lang ang gwapo nila kasi may girlfriend naman sila." 

"Gaano na ba sila katagal ng girlfriend niya?" I had to ask out of curiousity. Happy Anniversary lang kasi ang nakalagay sa banner kanina, walang nakalagay kung pang-ilan. 

"Hay nako. Sila na mula Grade 8 pa lang. 4 years." I gaped for a few seconds. 

"Seryoso?" 

"Yup. Zeph is so loyal. Kaya nga sikat sila kasi relationship goals daw sila. You know, both good looking and talented. And both of them really loves each other." 

I hate that stereotype. If both couple are good looking, automatically relationship goals na? What if a couple looked mediocre and they truly love each other, they couldnt be relationship goals just because they aint physically pleasing? 

Atsaka hindi ako naniniwala na perpekto ang relasyon nila. There is no such thing as relationship goals or perfect relationship. At some point, there could be a lapse.

"Hindi na maghihiwalay yang dalawang iyan. Kaya madami din silang fans eh, everyone supports their relationship." 

Now, I am intrigued. A famous couple supported by everyone. Nakakamangha. But I am a no believer of love and relationship, so I wouldn't get with the hype and adore them. 

Mabilis ang naging takbo ng araw. We have four subjects each day. Natapos ang klase namin nang eksaktong alas-7:00 ng gabi. 

Inaayos ko ang mga gamit ko bago ako umuwi nang lapitan ako ni Nathalie. 

"Kelsey! Sama ka sa amin ha?" Puno ng sigla ang boses niya at abot tainga ang ngiti. Kumunot ang noo ko.

"Saan?" 

"Basta!! We're going to have fun!"

Hindi pa ako nakakasagot ay bigla siyang sumigaw sa buong klase.

"Okay guys! Everyone's going to come alright? Kitakits!" 

Biglang hinawakan ni Nathalie ang pulso ko at hinila ako patungo sa hindi ko alam na direksyon. 

"Hey Nathalie! Wait. Saan ba talaga tayo pupunta?" Saad ko nang bumababa na kami sa hagdan patungong first floor. 

"We have this sort of "acquintance" night. Napagkasunduan iyon ng buong section natin. Hindi mo ba alam? Plinano iyon sa gc diba?" 

Alam ko na mayroong group chat iyong section namin bago pa lamang ang unang araw ng klase. Ginawa iyon matapos ang enrollment at nirelease ang masterlist ng bawat section. I know about it but I didn't bother joining. Tatamarain lang naman akong magchat doon. Ngayon hindi ko tuloy alam na may plano pala silang acquintance night.

"But it's not anything formal. Walwalan lang ang gagawin natin doon." Agad na nabasa ni Nathalie ang tanong na namuo sa isip ko. 

"Walwalan as in kainan, inuman, at pag lumalim na ang gabi, landian." Nagpakawala siya ng isang malanding tawa. That's what I like about her, she has no filters. She's very transparent. Hindi siya nahihiyang ipakita ang pagkataklesa at pagka-naughty niya. 

Contrary to Nathalie's description, the acquintance night was less wild but more formal than I thought. Ang akala ko ay sa isang bar kami pupunta. Instead, we went to a rooftop foodpark. Sama sama kaming nakaupo sa harap ng isang long table. May dalawang beer tower sa gitna. Iba't ibang pagkain ang nakahain sa lamesa. Mula rito ay matatanaw ang iba't ibang city lights sa ibaba, maging ang kahabaan ng traffic. Tinatangay din ang buhok ko ng malamig na hangin. 

As usual, magkatabi kami ni Nathalie. 40 kami lahat sa klase at mahigit 20 lang yata kaming narito. 

Nangunguna si Nathalie sa mga usapan. Pinalakpak niya ang kamay niya sa ere upang pukawin ang atensiyon ng lahat.

"Okay guys! Nandito na ba lahat o may hinihintay pa?" 

Isang kaklase naming lalaki ang sumagot. 

"Si Zeph wala pa. Pupunta ba siya?" Kaniya kaniya namang sabat ang iba. 

"Siguro hindi na yun pupunta."

"Oo nga. Baka busy."

"No. Baka hindi niya lang feel, alam mo na, famous siya eh."

"Baka naman ayaw niya lang talaga. He's kind of anti-social too." 

"Hayaan niyo na. Siya na lang ba? Other than Zeph, everyone's here?" Muling tanong ni Nathalie. Kaniya kaniyang tango ang mga kaklase namin. 

I figured that half the population in our class were already classmates last year. Kaya naman halos lahat sila ay close na, lalong lalo na kay Nathalie dahil napaka-friendly niya at extrovert. Habang ang iba naman ay mula sa ibang section. Lima naman kaming transferee. 

"Okay before anything else, magpapakilala muna iyong mga transferees!" Kaniya kaniyang hiyaw ang lahat sa anunsyo niyang iyon. Napangiwi naman ako.

"What? Again?" Bulong ko sa kaniya. Buong klase ay puro introduction lang ang ginawa namin. Baka naman makabisado na nila ang buong buhay ko niyan? 

"Wag na Nath. I've introduced myself like 3 times already today." Patuloy ang protesta ko. 

"Before was all about formalities Kelsey. Tonight, you get to introduce yourself personally and more upclose to them. They get to ask you questions, ofcourse. Besides, that's what aquintance is all about right? Getting to know each other." 

I was about to disagree again but she placed her finger infront my lips to stop me from talking. 

"No more buts kelsey. Relax. You'll enjoy this." She winked at me and smiled meaningly.

Two of the transferees started introducing themselves. Kinausap sila ng mga kaklase namin at kung ano ano ang pinagtatanong nila. Ang iba ay puro kalokohan lang. 

My turn was about to come when everyone in the table was covered in silence. Naagaw ang atensyon ng lahat nang may dumating sa table namin. It was Zephaniah. But he wasn't alone.

Kasama niya iyong girlfriend niya, si Sage. Nakasuot ito ng itim na skinny jeans, lalong lumitaw ang maliit niyang bewang at malusog na hinaharap sa suot niyang cropped halter top, and maitim at diretso niyang buhok ay kumikintab sa kabila ng dilim ng gabi, ang mga mata niya ay parang nangungutya kung tumingin. Her face looked so fierce. Her prescence was so intimidating.

"Oy, Zeph. I thought you're not coming." Nathalie was the first to speak among us. 

"Happy Anniversary pala sa inyo." Matapos silang batiin ni Nathalie ay nakigaya na rin ang iba naming kaklase. 

Zephaniah didn't respond. But Sage did.

"Thanks. And sorry we're late."

Sorry we're late but she's not even invited? I mentally laughed. Ganoon talaga siguro kapag magkasintahan, kung saan pupunta ang isa, automatically invited na rin ang isa. 

Pinakawalan niya ang isang malawak na ngiti sa labi niyang nababalot ng pulang lipstick. Napakaganda niya nang lumitaw ang perpekto niyang mga ngipin.

Agad silang umupo sa dalawang bakanteng upuan na nasa kabilang dulo ng lamesa. We were seated in the left corner of the table while they sat on the right corner. Kung tutuusin ay magkabilang dulo kami ngunit hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa kanila. 

"Kelsey, it's your turn. Ikaw naman ang magpakilala." Tinapik ni Nathalie ang balikat ko. I suddenly felt conscious when all eyes shifted on me. I cleared my throat before I spoke. 

"Hi, I'm Kelsey." I smiled widely.

"Kelsey do you have a boyfriend?" Agad na tanong ng isang lalaki. Tatlo silang magkakatabi at parang magtotropa. Lahat ay nakatingin at nakangiti sa akin. Umiling ako.

"Woah. Bakit naman?" Saad ng isang nasa kanan.

"Uhm. I dont know. Not my priority maybe?" Tumango sila. 

"But are you dating someone?" I shook my head. They seemed surprised.

"Why? Man hater ka ba?" This time, isang babaeng nakasalamin ang nagtanong. 

"Trust issues, I guess. And I'm not a fan of relationships." 

"Bakit? Naloko ka na ba before?" 

I'd like to say yes. Yes, by my own dad. But that would be too personal. So I just shrugged instead.

"Masyado yatang personal. Iba na lang, who do you find most attractive in our class?" Sabat ng isang lalaki nang hindi ako sumagot. Nabigla ako sa tanong niya. 

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat isa. Ngunit sa isang partikular na mukha tumigil ang mga mata ko. Tila na-magnet ako nang matalim niyang titig. I was stunned when I found Zephaniah's mysterious eyes glued into me.

Pansamantala akong nawalan ng hangin. I couldn't catch my breathe. Mabilis kong iniwas ang tingin ko.

I heaved a deep breathe before I spoke.

"Nathalie."

Everyone was clueless for a few seconds and I saw their eyes widen in curiousity.

"I mean, you didn't specify if it's a girl or a boy." 

A supressed grin appeared on my face. I glanced at Nathalie. Nakangiti ito sa tinuran ko.

"I find Nathalie attractive." 

Some smiled at my statement while some grew more curious. 

"Wait. Bisexual ka ba Kelsey?" Nagtatakang tanong ng isa. 

"No." Umiling ako kasabay ng pagbungisngis ko. The same guy who asked the question laughed in amusement. 

"Iba ka rin sumagot Kelsey. Nakalusot ka doon ah."  

"Okay. That's enough. Mamaya ulit. Next naman." Laking pasasalamat ko nang pumagitna na si Nathalie sa usapan at inutusan namang magpakilala iyong ibang transferees. 

All attention were quickly drifted away from me. Tahimik akong nakinig sa usapan ng lahat. Habang sa gilid ng mga mata ko ay hindi makawala ang imahe ni Zephaniah at ng kaniyang kasintahan.

Hindi ko mapigilan ang pagsulyap sa kanila. Zephaniah's arms were snaked around Sage's shoulders. They seem to didn't mind the world around them while they have their own mini conversation. Nakahilig ang ulo ni Sage sa bisig ni Zephaniah. Sage would raise her head every now and then and they would stare at each other while their faces are only an inch apart. Humahagikhik din ito sa bawat bigkasin ni Zeph. 

Yumuko si Zephaniah at hinagkan nito ang tuktok ng buhok ni Sage. Nanatili ang labi niya roon ng ilang segundo. Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Sage. They seemed so inlove. Ngunit hindi roon natapos iyon, bumaba iyon at napunta sa labi. I had to take away my eyes when they started kissing. 

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang inuman. Lalong umingay ang lamesa namin. Napuno iyon ng tawanan, kwentuhan at kantiyawan. I soon learned to blend in with them. 

Matapos ang mahigit isang oras ay tumayo mula sa pagkakaupo si Zeph at Sage. Mabilis na nabaling ang atensyon ng lahat sa kanila. Nathalie's huge lazy eyes turned into them. 

"Oh saan kayo pupunta?" 

"Ihahatid ko lang si Sage." Tipid na tugon ni Zephaniah. 

"Mauna na ako. I have things to do tomorrow. I can't stay late." Sage smiled at us and slightly waved her hand. Some of our girl classmates waved back at her. 

"Zeph uuwi ka na din?" Tanong ng isang lalaki. Umiling si Zeph. 

"Babalik ako. Ihahatid ko lang siya." Inakbayan si Sage at iginaya palayo sa lamesa. Sunod sunod na nagpaalam ang lahat sa kaniya. Habang ang iba naman ay binantaan si Zephaniah na bumalik at huwag tatakas. 

Twenty minutes might have passed when Zephaniah came walking back towards our table. Our guy classmates welcomed him back as he took a seat. 

Hindi ko na namalayan ang naging takbo ng oras. I glanced at my watch and I was shocked when I found out it's past 11 pm. 

Bumaling ako kay Nathalie. Nakalupaypay na ang ulo nito sa lamesa. Tinapik ko ang balikat niya. 

"Nath, okay ka lang?" Nanghihina ang kaniyang ngiti at bumabagsak na ang kaniyang mata. 

"Yea. Okay lang ako kels." Paulit ulit niyang saad habang tumatango. 

Thank God I have high alcohil tolerance. Kahit medyo nahihilo na ako ay maayos pa ang pag-iisip ko.

Karamihan sa mga babae ay lasing na. May mga nag-iingay, nag-eenglish, umiiyak at may nagsuka pa. Tumulong ako sa pag-asikaso sa kanila. Sa una lang talaga masaya ang mga celebration na ganito. It gets really messy in the end.

Habang umiinom at nag-iingay ang lahat, ang mga mata ko ay dumako kay Zephaniah.

Ang mga lalaking nakapalibot sa kaniya ay may kaniya kaniyang mundo. Hindi siya nakikisali sa usapan nila. Tahimik lang ito at ang malalaim na mga mata ay nakatingin sa kawalan. 

Halos bawian ako ng hininga nang mahuli niyang akong nakatingin. Mabilis akong nagbawi dahil sa pagkahiya. Kakausapin ko sana si Nathalie ngunit mahimbing na ang tulog nito. Naisipan ko na lumayo muna sa lamesa.

Pumunta ako sa may balcony upang mapag-isa. Humilig ako roon at sinalubong ko ang malakas na hangin na dumampi sa aking mukha. Dumungaw ako sa baba at pinagmasdan ko ang mga nagliliwanag na ilaw sa daan. Malalalim na ang gabi ngunit napaka-abala nitong tignan. Nasa ganoon akong sitwasyon nang may maramdaman akong presensiya na tumabi sa akin. 

Sumulyap ako sa gilid ko at hindi ako nagkamali. My breathing hitched when I realized it was Zephaniah.

He quickly galnced at me. Para akong matutunaw sa matalim niyang titig. The atmosphere felt awkward and a little tensed for me. Pansamantala akong walang mahagilap na sasabihin. 

"Zeph." My lips were trembling at the mention of his name.

"Anong ginagawa mo rito?" 

Hindi siya sumagot. Sa halip, naglakad siya papalapit sa akin na labis kong ikinabigla. Mabilis niyang tinapos ang pagitan sa aming dalawa. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

His actions were too haste for me to protest. Namalayan ko na lang na hawak niya na ang pisngi ko. Dahan dahan siyang yumuko hanggang sa magkalapit ang mga mukha namin. 

Bumundol ang kaba sa aking dibdib sa distansiya namin. Ibang iba ang mukha niya kapag ganito kalapit. It was like seeing depths of his ethereal beauty. His eyes were midnight and it seemed to glimmer like stars. His lips were bloody red, it made me wonder if it actually tasted like blood. 

I am not naive. I know that people tend to kiss people who are stranger to them just because they're drunk. That's what Zephaniah's doing right now. I am a stranger to him. He doesn't even know me but we're on a kissing range right now, and it's all just because of the alcohol in his system. 

His lips were an inch from mine and I knew he was going to kiss me. But I woke off my trance. This is wrong. 

"What are you doing?" I asked unbelievingly. I took a step back away from him. 

Naisip ko ang kasintahan niya. Ang mga kaklase namin na nasa paligid lang. We can't be seen like this. In the first place, we shouldn't be doing this. 

Sinubukan kong itulak palayo ang matipuno niyang dibdib ngunit ni hindi siya natinag. His stare lingered from my lips down to my body. He leaned his face closer but I quickly avoided him.

"You're drunk Zeph." I hissed irritatedly. Nagsalubong ang kilay niya. Napalunok siya at nag-tagis ang kaniyang bagang. Lalong naging matalim ang tingin na ipinupukol sa akin. 

His girlfriend's face flashed once again in my mind. The image of them earlier. They seemed so inlove. But if he truly loves her, what is this sort of betrayal? Kahit na lasing siya, I'm sure that he knows what he's doing. If he's truly loyal, hindi niya gagawin ito. 

Humilig siya palapit. Dinig ko ang marahas niyang paghinga. Maging ako ay kumakabog ang dibdib. Hindi ko alam kung paano hihinga ng maayos. Pansamantala niyang ipinukol sa akin ang kaniyang tingin bago siya bumulong sa tainga ko.

His warm breath against my neck sent shivers down my spine. He reeked of alcohol so bad. Baka habang nagsasalita siya, ang nakikita niya ay si Sage. Baka lahat ng ito, para sa kaniya. Maybe he's just mistaking me as his girl.

The tips of our nose touched and I could feel our breaths getting mixed with each other. Humaplos ang mainit niyang hininga sa mukha ko. Nakatuon ang mapupungay niyang mga mata sa labi ko. My knees felt wobbly and my heartbeat raced wildly.

I thought about his girlfriend. I thought about their relationship. The people who support them and think they're perfect. All those people who think he's loyal. And I thought about our classmates. 

But I looked at what's infront of me. His deep dark eyes, thick lashes, and red luscious lips were all very tempting, it'll make you lose your senses. Hell, it's driving me crazy I can't think straight anymore.

But I woke into my senses when I thought about my mom, how she got cheated by my dad. I would never want myself nor any other girl to feel the way she did, to be betrayed blindly.  This is wrong. This is cheating. This is betrayal. I couldn't be a part of this. 

But Zephaniah quickly held the back of my neck and pulled my face close to him. Sa bilis ng pangyayari ay nawala na ang lahat ng pagkakataon ko upang tumutol pa.

"You'll forget this too." His whispered sofly.

All my rational thoughts are screaming but my body didn't get to move, especially when his soft lips touched mine.

--

(Zephaniah is pronounced as 

ze-fa-na-ya) 

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jared Altez
hahaha a loyal one but want to taste someone lips hahaha naku zeph buang lang
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Lowkey (Filipino)   Chapter Two

    Chapter TwoParadoxHis lips tasted like alcohol, only that the alcohol tasted a little bit sweeter when it came from his mouth. Marahan ang unang dampi ng kaniyang labi sa akin. Hindi ko na nagawang magprotesta nang gumalaw ang kaniyang halik.I was expecting him to be harsh because he was drunk. But he wasn't. He was so delicate that it almost felt like he was sober. He came out soft, treating my lips like fragile glass. My lungs forgot the taste of air as I was intoxicated by his mouth.I don't know if I was tipsy or if it was just his lips that suddenly made me dizzy.He held my nape and I clung my arms into his shoulders. Like a dying plant, I felt like swooning. All the strength has left my body and I needed something sturdy like his broad shoulders to keep my balance.Mapupungay ang kaniyang mga mata nang sumalubong sa akin. Magkahalong pagkalasing sa al

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-16
  • Lowkey (Filipino)   Chapter Three

    Chapter ThreeWanted"Kelsey."Nagtatanong ang mga mata ko nang harapin si Zephaniah. Ilang hakbang ang tinapos niya bago kami tuluyang nagkalapit."This is Varen."Saka ko lamang napansin ang kasama niyang lalaki. Mabilis ko itong nakilala. He was Paradox's guitarist.Lumapit sa akin si Varen at naglahad ng kamay. Tinanggap ko iyon at saglit na pinasadahan ng tingin ang mukha niya.Black clean cut hair, squared jaw, thin lips and a dimple on his right cheek. He looked like a boy next door. Iyong mukhang mabait at mukhang anghel. Unlike Zephaniah who looked ruthless and dangerous."Hi Kelsey."Nagtataka ko silang tinignan. What is the introduction all about?"Uhm... I saw you earlier with Nathalie. Pinilit ko lang si Zeph na ipakilala ka sa akin dah

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-16
  • Lowkey (Filipino)   Chapter Four

    Chapter FourBand-aidNakapangalumbaba ako sa lamesa ng arm chair ko habang hinihintay na mag-umpisa ang first subject namin. Babagsak na ang mata ko dahil sa antok kung hindi lang ako kinalabit ni Nathalie."Kels, tignan mo si Zeph. Ang tamlay niya." Kumunot ang noo ko bago ako sumulyap kay Zephaniah."I don't think so. Bakit mo nasabi?""It's true. Wala siya sa mood kanina pa. Narinig ko kasi na napa-away siya dahil kay Sage. Hindi iyon nagustuhan ni Sage kaya maging sila ay magkaaway na ngayon."Tumikwas ang kilay ko bago ako napatango ng marahan."Talaga? Saan mo naman nasagap yan Nath?"Bago pa makasagot si Nathalie ay pumasok na iyong teacher namin. Tumayo ang lahat at binati ito.Hindi na kami nakapag-usap dahil nag-discuss na ito ng lesson. Habang abala ang laha

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-16
  • Lowkey (Filipino)   Chapter Five

    Chapter FiveUmiwas"Nath, saan ba talaga tayo pupunta?" I asked curiously. Inaya kasi ako ni Nathalie na pumasok ng maaga. Kasalukuyan kaming nasa kotse nila at hindi ko alam kung saan kami patungo.Abot-tainga ang ngiti ni Nathalie nang tumingin sa akin. Knowing her, kapag ngumingiti na siya ng ganiyan ay kinakabahan na ako."Sa bahay nila Varen!" She squealed excitedly. Nalaglag ang panga ko at hindi ko nagawang sabayan ang tuwa niya."Ano namang gagawin natin doon?""Well, close friend ko kasi iyong kapatid niya na si Verona. Sinabihan niya ako na may practice ngayon ang Paradox sa bahay nila at inaya niya ako na manood.""I said I'll be coming with you and she's fine with it. Nandoon si Kyovee at nandoon din si Varen. It's a win win situation for both of us!"Kilig na kilig siya habang ako ay hindi maip

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-16
  • Lowkey (Filipino)   Chapter Six

    Chapter SixAlmostThe sun rays was beaming against the glass windows of our classroom. Kapag ganitong tanghaling tapat, nakakaantok makinig sa lecture.Our teacher was busy discussing infront. Habang abala ang lahat sa pakikinig, hindi ko mapigilang magnakaw ng tingin kay Zephaniah. Stealing glances at him became like.. I don't know, a hobby? A pastime? It just always saves me from boredom.Nakaupo ito sa tabi ng bintana. Ang sinag ng araw mula roon ay direktang tumatama sa kaniyang mukha. Mukhang naiinip na ito. Tinatapik niya sa lamesa ang kaniyang ballpen at maya maya ay kinakagat iyon at pinaglalaruan gamit ang kaniyang mga labi.Napailing ako. Pilit na itinuon ko ang atensyon sa guro na nasa harapan. Pansamantalang nakinig ako roon.Sa muling pagsulyap ka ay nakayuko na si Zephaniah sa kaniyang lamesa at mukhang nakatulog na.

    Terakhir Diperbarui : 2020-10-03
  • Lowkey (Filipino)   Chapter Seven

    Chapter SevenWaitedI figured I needed to do something else. Noong isang araw ay nakita ko sa bulletin board na naghahanap ng bagong miyembro ang team ng school paper. Nagpasa ako ng sample articles at natanggap naman ako. I am not really into this but atleast, I have something else to do

    Terakhir Diperbarui : 2020-10-03
  • Lowkey (Filipino)   Chapter Eight

    Chapter EightExcuse"Kels, hindi muna ako bababa. Di kita masasamahan sorry."Pinagmasdan ko

    Terakhir Diperbarui : 2020-10-19
  • Lowkey (Filipino)   Chapter Nine

    Chapter NineGoodbye"You need to change your clothes." Zephaniah eyed my stained blouse. He seemed bothered because I probably look unpleasant.

    Terakhir Diperbarui : 2020-10-30

Bab terbaru

  • Lowkey (Filipino)   Epilogue

    Zephaniah"Ano'ng oras na, ah? Hindi ka uuwi?" Dinaluhan ako ni Varen sa madilim ng practice room ng FNC.Umiling ako. Yakap ko ang gitara sa harap ng digital audio worksheet."Nagsusulat ka?" Umupo ito sa dulo ng

  • Lowkey (Filipino)   Chapter Sixty

    Chapter Sixtyno longer lowkeyThe little Zephaniah is a typical adorable kid, you wouldn't imagine he'd become a star years later.

  • Lowkey (Filipino)   Chapter Fifty Nine

    Chapter Fifty NineJourneyUmawang ang labi ko't hindi lubusang rumehistro sa akin ang sinabi ni Zephaniah. Para akong namanhid ako sa kinatatayuan.

  • Lowkey (Filipino)   Chapter Fifty Eight

    Chapter Fifty EightbucketlistZephaniah's words carried a different weight upon them like he has been holding this for so long. A part of me was ready to listen, a part wanted to be listened instead.

  • Lowkey (Filipino)   Chapter Fifty Seven

    Chapter Fifty SevensideHindi ko alam kung ano'ng ibig niyang sabihin roon. Although perplexed and nervous, I tried to act non-chalant.

  • Lowkey (Filipino)   Chapter Fifty Six

    Chapter Fifty Sixstart"Tell me about it Kelsey, ano'ng mayroon sa inyo ni Zephaniah?" Nakabalik na kami sa sariling opisina ay hindi pa rin ako tinitigilan ni Kat.

  • Lowkey (Filipino)   Chapter Fifty Five

    Chapter Fifty Fivelabel"I'm getting therapy next week." Sage's eyes wandered around the room. Ramdam ko ang pagkabalisa niya sa mga dapat na sasabihin.

  • Lowkey (Filipino)   Chapter Fifty Four

    Chapter Fifty FoursunflowersThe contract signing with Pristine was a success. They are famous for talent management, tv series, film and music production. They also offer music contracts for some artists but they are not that huge compared to FNC and SME.

  • Lowkey (Filipino)   Chapter Fifty Three

    Chapter Fifty ThreePristineMasakit pa ang sentido ka nang magising kinaumagahan dahil sa tawag mula sa agent ko.

DMCA.com Protection Status