Chapter Nine
Goodbye
"You need to change your clothes." Zephaniah eyed my stained blouse. He seemed bothered because I probably look unpleasant.
"Mamaya okay? Pinagod mo kaya ako!" Reklamo ko. Uminom ako ng tubig sa lamesang nasa harapan namin.
Muntik pa akong masamid. If someone heard our exchange of replies, they might have thought of something else!
Pero ang katotohanan ay napagod ako nang husto matapos akong pumayag kay Zephaniah na tumakas sa school. Pumuslit kami sa likod ng building namin. Nang saglit na umalis iyong guard na nagababantay ay tumakbo na kami paalis.
After the long adrenaline of escaping, we went to the Korean House, just a few steps from our school. Isa itong maliit na Korean restaurant at nasabi kong dito ko siya ililibre ng noodles.
Dahil class hours ay kami lang ang tao rito ngayon.
"Akin na ang kamay mo."
Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong tumanggi at siya na mismo ang kumuha ng kamay ko. Inilabas niya ang cotton balls at betadine na kanina niya lang binili.
"Hindi na. Ako na.." sinubukan kong bawiin ang kamay ko ngunit hindi niya iyon pinakawalan.
Isa isa niyang dinampian ng betadine ang mga sugat sa kamay at braso ko dahil sa kalmot ng mga babae kanina. Halos hindi ako makahinga. Para akong napapaso sa bawat haplos niya.
"Wala ka talagang extrang damit sa locker mo?" Aniya pagkatapos.
"Kung mayroon, sana kinuha ko na kanina."
Sabay kaming nag-angat ng tingin nang dumating iyong order namin. Natakam ako nang mailapag sa harap ko ang mainit na korean noodles. Tahimik kaming nagsimulang kumain.
"Bakit nga pala spicy rice cakes and inorder mo? Paborito mo ba iyan?"
Ang sabi ko kasi ay ililibre ko siya ng noodles pero pagkarating namin dito ay tteokbokki o spice rice cakes ang pinili niya.
He wiped his mouth with tissue before he spoke. He's such a clean freak. No wonder why he keeps on grimacing at the sight of my stained blouse.
"I ordered this so you can treat me with noodles next time."
"It's an excuse.. para may dahilan ulit akong makipagkita sayo sa susunod."
My breath hitched. Pilit kong pinanatili ang normal na ekspresyon sa kabila ng sinabi niya.
This day, I made an excuse to be with him too. Seems like we're both just making excuses to be with each other. I wonder if time would come when we could finally see each other without having to find an excuse.
"You should make a promise."
"What?"
"A written promise." Iniabot niya sa akin ang isang marker, hindi ko napansin kung saan niya iyon nakuha. He pointed at the freedom wall just beside us. Punong puno iyon ng iba't ibang vandal at scribble ng mga kumakain rito.
"Fine." I agreed to his sillyness. Kinuha ko ang marker.
"I promise to treat Zephaniah with noodles." I wrote in small letters. Sa dami ng mga nakasulat rito, imposibleng may makakakita pa noon.
I forced a smile because I know to myself that I'm just going to break this promise.
Mula sa isinulat ko, dumako ang mga mata niya sa di kalayuan. I followed his line of vision. Isang lalaking naka-gray hoodie ang nakaupo sa harap ng lamesang nasa likod namin.
There were probably six bowls of food and two bottles of soju infront of him. All of it were now empty. Nakayuko iyong lalaki sa lamesa. Hindi ako sigurado kung nakatulog siya o lasing.
"Jaewon." Zephaniah muttered.
"What?"
Si Jaewon ba iyon? I thought we were alone! Nakaramdam ako ng panic ngunit wala namang pakielam itong kasama ko.
Umiling si Zephaniah at muling itinuon ang atensyon sa pagkain. Ngunit pagkalipas ng ilang segundo ay tumunog ang upuang nasa likod namin.
Humihikab pa si Jaewon nang makalapit sa amin. He removed his hoodie which messed the layers of his dark brown hair. Sumalubong sa akin ang makapal niyang kilay at mapupungay na mga mata.
Kinabahan ako. I felt intimidated with his prescence. Ano kayang iniisip niya? Should I explain?
We're not literally doing anything hideous or malicious but it's oddly weird to see me and Zephaniah together! Hindi ko pwedeng sabihing magkaibigan lang kami dahil hindi naman friendly itong kasama ko.
Nagpabalik balik ang tingin ko kay Zephaniah. He remained calm and emotionless. While Jaewon didn't look shocked as well. He just looked sleepy and bored.
Binawi niya mula sa kamay ni Zephaniah ang chopsticks at mangkok ng rice cake. Kumain siya ng isa pagkatapos ay pinahiran ang kumalat na sauce sa kaniyang labi. Walang imik na ibinalik niya iyong tteokbokki at tumalikod.
Matapos ang ilang hakbang ay saka lamang siya nagsalita.
"Don't worry Zeph. I won't tell." He said in a hoarse voice. Hinintay kong makalabas siya bago muling humarap kay Zephaniah.
"W-what's that? Paano pag pinagsabi niyang magkasama tayo?"
"Ano naman?" Walang pakiealam niyang tugon.
"Zeph! Don't you get it? Why would we be together? If someone knows, it'll be an issue."
"Jaewon won't tell. Just give him a supply of his favorite tobeki and he'll shut up."
"Tobeki? It's tteokbokki." I corrected. I prevented a laugh.
He shot me his usual stone cold stare, as if telling me that nothing is funny. A few minutes have gone and we both finished our foods.
"Saan mo gustong pumunta? Sasamahan kita." He said afterwards.
"Uuwi na lang ako sa bahay. Manonood ng Netflix."
Nasa trabaho pa si Mama ng ganitong oras. Si Kesha naman ay nasa school. It would be good to be alone with Netflix. That's how I relieve stress.
"You want to take me to your house?"
"What? Hindi! Uuwi na ako kaya umuwi ka na rin."
"Tinulungan kitang tumakas pagkatapos itataboy mo ako?" Naningkit ang kaniyang mata at may bahid ng pagbabanta roon.
"No. I'm coming with you anywhere today." Pinal niyang sabi.
Bumagsak ang balikat ko nang mapagtantong hindi niya talaga ko lulubayan. He's so stubborn that nothing can change his mind. He must be really bored today.
Naisipan ko na pumunta na lang sa mall. Sumakay kami ng bus papunta doon. Nang makaupo kami ay ipinikit ko ang mga mata ko. I need a nap. Even just for a few minutes.
Ngunit bago tuluyang matulog ay dumilat ako para tignan ang katabi kong si Zephaniah. Mataman niya akong pinagmamasdan.
"Iidlip ako.."
Nagkabikit balikat ito. Pumikit ako ngunit pagkalipas ng ilang segundo ay dumilat muli. Nakatingin pa rin
siya sa akin.
"Sabi ng iidlip ako." Mariin kong saad.
I want him to take his eyes off me because I can't sleep knowing that he's staring at me! Nakaka-ilang. Pero parang wala itong narinig at hindi pa rin nagbawi ng tingin.
Napailing ako. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at itinabon iyon sa mukha ko bago muling pumikit.
Pagdating sa mall ay pumasok ako sa isang store at pumili ng tshirt. Hindi na rin ako komportable sa marumi kong uniform.
"Wear this." Isang statement shirt ang binato sa akin ni Zephaniah. He has a good taste in aesthetic things. Maganda sana kaso mahal. Ibinato ko iyon pabalik sa kaniya.
Naghanap ako ng iba. Tuwang tuwa ako ng makakita ng isang cute na tshirt na may print ng we bare bears!
Pinagmamasdan ko pa lang iyon nang may biglang humablot paalis.
"Gusto mo? Bilhin mo na." Inip na inip na saad ni Zephaniah.
"Tss! Akin na nga!" Binawi ko iyon at tinignan ko ang price tag.
"Buy one take one po yan ma'am." May biglang sumingit na sales lady na halatang nagpapacute sa kasama ko.
Buy one take one nga, mahal pa rin naman.
Lilipat na sana ako para tumingin sa iba pero kumuha na ng dalasang t-shirt si Zephaniah.
"Hoy Zeph!" Wala na akong nagawa dahil dumiretso na siya sa counter.
His dead eyes darted on me before handling me a paper bag.
"Bakit ba bigla mo itong binili? Hahanap pa nga ako ng iba eh."
"Wala kang mapipili, kakahanap mo ng mura." He said in a bored manner.
"Hindi ako makapili dahil masyado kang apurado."
"Oh heto, bayaran ko yung isa. Yung isa sayo na." Naglabas ako ng pera at inabot sa kaniya. Tinignan niya lang ako ng masama at hindi iyon tinanggap. Ilang ulit ko pa siyang pinilit pero ni hindi man lang niya ako tinitignan!
Kinuha ko na lang iyong mga tshirt na binili niya. Pastel pink at blue iyon.
Yung pastel pink ay naka-print si panda na malawak na nakangiti. Iyong blue naman ay ang nakasimangot na si ice bear.
"Ay ano ba yan." Dismayado kong saad. Lumingon siya sa akin.
"Why?"
"Gusto ko yung silang tatlo ang nakaprint. Mali naman itong nakuha mo."
"Aarte ka pa eh ayaw mo ngang bilhin yan kanina." Tumikwas ang nguso ko. Suplado nito!
Dumiretso na ako sa cr para makapagpalit ng damit. Binilisan ko ang pagbibihis dahil masyadong mainipin iyong kasama ko.
Pumunta kami sa odyssey para tumingin ng mga CD. Malamang dahil CD lang naman ang mayroon doon.
Kumuha ako ng CD sa isang section.
"Zeph." Tinawag ko ang atensyon niya at ipinakita ang bitbit kong single ni Adele na Hello.
Hello
Ngumiti ako ng malawak nang sumulyap siya. Binalik ko iyon pagkatapos. Abala ako sa pagtingin ng ibang CD nang may kumalabit sa akin. Si Zephaniah iyon.
He showed me a CD with a title
Hey Beautiful.
Naghahanap pa lang ako ng isasagot nang muli niya akong kalabitin. Tinignan ko ang hawak niya.
I like it when you sleep for you are so beautiful yet unaware of it.
Album iyon ng The 1975. Naaalala ko ang pagtulog ko kanina sa bus. My cheeks flushed. I quickly avoided the thought.
Dalawang CD ang pinagsama ko para mabuo ang salitang
You're Lying
Sunod na ipinakita niya ay ang album ng One Direction na may title na
Take Me Home
Seryoso pa siya habang bitbit iyong cd. Natawa ako. Dalawang album ulit ang pinagsama ko para sa mga salitang
Let's Make
Pagkatapos ay itinaas ko ang album ulit ng One Direction: Midnight Memories
Sinagot niya agad iyon gamit ang isang album na may salitang Let's, na tinabihan niya ng album ng Lany na may pamagat na Make Out
Naubo ako para pigilan ang paghagalapak. Kinuha ko ang album ng All Time Low at ipinakita ang mga katagang
Shut Up
His lips protruded a bit before he looked for another cds.
Naiwan ako sa kabilang section habang nasa tapat ko siya. Itinaas niya sa ere ang album ng Secondhand Serenade na
Hear Me Now
Pagkatapos ay ang album ng The Neighborhood na
I Love You
Pinagdikit niya ang dalawang cd na iyon. Hear Me Now, I Love You. Pinanatili niya iyong nakataas sa ere habang napako roon ang mga mata ko. He was devoid of emotions as usual but his jaw moved and matched the intensity of his eyes. My throat ran dry. I know that this is just a silly game. Umiling ako bago nag-iwas ng tingin at naghanap ng ibang cd.
Sinagot ko iyon gamit ang album ng The Neighborhood na Thank You
Bumungisngis ako ngunit nag-igting lang ang kaniyang panga. I showed him the single of Big Bang which says
Let's Not Fall Inlove
Umiling siya. Saglit na yumuko siya at naghanap ng ibang CD. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon. Parang gusto ko ng itigil ito. Hindi ko alam kung bakit labis akong naapektuhan sa mga salitang nagmula sa title ng mga CD.
I shouldn't be affected by this silly thing.
Atomatikong lumipat sa kaniya ang paningin ko nang magtaas siya ng panibagong CD. It was an album by Drake, that says If you're reading this, it's too late.
His cold stare nearly sent frosts beneath my skin. Nangunot ang noo ko. It's too late, why? Because he already fell? I quickly shrugged the thought off. Asa ka pa, Kelsey.
This is just a stupid game. Pagalingan lang ito gumawa ng sentences gamit ang title ng mga CD. Walang meaning ito. Fine, he wins then. Hindi ko na alam kung ano pang isasagot ko roon.
Sumenyas ako na umalis na kami at agad naman siyang sumunod. Parang anino na tahimik siyang naglakad kasunod ko.
Napadpad kami sa ika-limang palapag ng mall. Pumunta kami sa labas kung saan mayroong iba't ibang stall ng pagkain at ihaw ihaw. Magkahalong malamig na simoy ng hangin at amoy ng usok mula sa ihaw ihaw ang sumalubong sa amin.
We sat infront one of the wooden tables outside. Inabot ko sa kaniya ang isang isaw. Kinain niyo iyon kaagad na ikinamangha ko.
"Kumakain ka pala niyan?" I asked amused. Ang akala ko ay mag-iinarte siya.
"Paborito ito ni Zhalia."
"Oh? Ex mo?"
Napahinto siya sa pagnguya ng pagkain. Saglit na nagsalubong ang kilay niya bago gumalaw ang labi sa isang tipid na pagngisi. I was quite taken aback. Nakakagulat kapag ngumingiti na siya ng kahit saglit! He looks so angelic everytime he does. He should really smile more often.
"It's my sister."
"Ah may kapatid ka pala. Ilan ba kayo?"
"Apat."
"Ilan ang babae?"
"Isa lang." Oh. So iyong dalawa pa ay puro lalaki? I wonder if they are as handsome as him.
"Yung mga kapatid mong lalaki? Gwapo?"
"See for yourself. Tara sa bahay." Sarkastiko niyang saad.
"I'm kidding." Natawa ako.
"Bakit nga pala naisipan mong samahan ako ngayon? Hindi ka ba busy?" I suddenly felt the need to ask. He just stared at me blankly.
"Ang moody mo rin ano. Minsan mabait ka. Minsan lagi kang galit, gaya kahapon, bigla mo na lang akong pinatid! Muntikan tuloy akong mahulog."
"Sinalo naman kita ah."
"Pinatid mo ako tapos sinalo mo din ako. Anong trip mo? Naka-high ka ba Zeph?"
"I just want to hold your hand." Balewala niyang saad. Umawang ang labi ko. I don't know if that was serious or what but I still felt awkward.
Laking pasasalamat ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Ngayon lang ulit ito nag-ring mula kanina. Si Varen ang tumatawag.
"Lover boy is calling." Nanunukso ngunit mapanganib na saad ni Zephaniah. Naninimbang ang kaniyang tingin. Tila sinusubok kung sasagutin ko iyon o hindi. Nag-iwas ako ng tingin bago sinagot ang tawag.
"Hello? Kelsey?" Humahangos ang boses ni Varen. Parang lumabas pa ito ng classroom para makausap ako ng maayos.
"Kels, are you okay?"
"Oo, Var. Ayos lang ako."
"Sorry.." his voice sounded apologetic. I knew immediately why.
"No, it's not your fault."
"Still." Isang marahas ng hininga ang pinakawalan niya. I could nearly imagine his frustrated face.
"I'm sorry. Nasaan ka?"
"Nasa mall."
"Sinong kasama mo?" Napalunok ako. Sumulyap ako kay Zephaniah. Hindi nababali ang matalim niyang titig sa akin. Paulit ulit na nagtagis ang kaniyang bagang.
"M-mag-isa lang ako.." nautal pa ako bago nag-iwas ng tingin sa kaharap ko. Tumikhim ito. He seemed unpleased.
"Okay. Nga pala, bakit kasama mo si Zeph kanina? Siya ang sumagot ng phone mo." Kinabahan agad ako sa tanong na iyon ni Varen. Ilang beses akong napalunok bago sumagot.
"Nagkita kami sa library. Gagawa sana kami ng report." That was a smooth lie. Magandang palusot iyon pero hindi pa rin ako kampante.
Hindi na maipinta ang mukha ni Zephaniah sa pagsimangot niya. I guess he knows what we're talking about.
"Oh..kaya pala. Anyway, pauwi ka na ba? Pupuntahan kita dyan gusto mo? Ihahatid na kita sa inyo." Sunod sunod ang pag-iling ko kahit hindi naman niya nakikita.
"Hindi na Var. Paalis na rin ako ngayon. Magbubus lang ako."
"Sige. Uhm.." huminto ito saglit bago nagpatuloy.
"May teacher na kami Kelsey, tawagan kita mamaya."
"Sure. Bye." Muli pa itong nagpaalam bago binaba ang tawag.
I once again faced Zephaniah's piercing eyes. He leaned forward with his perpetual scowl.
"Mag-isa ka lang? Uuwi ka na?" He sardonically taunted.
"Uuwi naman na talaga ako." Inubos ko ang huling isaw sa stick na hawak ko bago tumayo. Wala siyang nagawa kundi ang tumayo na rin kasunod ko.
Hindi na ako nagsalita dahil hindi ko na rin naman alam kung ano ang maaari naming pag-usapan. Sa labas ng mall ay pansamantala kaming huminto at pinagmasdan ang umiilaw na fountain. Mag-aalas syete na pala ng gabi. Napakagandang tignan ang pagpapalit ng ilaw kasabay ng pagsayaw ng tubig sa fountain. Nakatayo iyon sa gitna ng malawak na tila hardin at nagtatayuang mga puno.
"Uuwi ka na?" Ang baritonong tinig ni Zephaniah ang bumasag sa katahimikan. Hindi ako sumagot. Gusto ko pang manatili, kahit sandali, kahit ilang segundo pa.
Pinaglakbay ko ang mga mata ko sa paligid. There were children playing with the fountain. Shoppers stopping by to take a quick glance. And couples doing public display of affection. I inwardly grimaced. Ang lalandi, maghihiwalay din naman. Love is only good while it lasts.
"What are you thinking?" Zephaniah might have noticed that I lost in my trance.
"Hmm?" I raised my head only to find him already looking at me. I quickly looked away.
"Isn't it funny? How people easily fall out of love?" Sambit ko habang nakatingin sa isang magkasintahan.
Mukha silang masaya, sa ngayon.
"Bakit sasayangin mo ang oras mo sa pagmamahal kung alam mong matatapos lang din iyon at masasaktan ka sa huli?"
"Are you always like that?" Both curiosity and interest arised in his tone.
"Do you always anticipate the ending of something before it has even started?"
He looked utterly serious. But unlike before, his seriousness didn't make me nervous or tensed. It even made me flattered that he's taking deep interest into our conversation.
"It's better to avoid things before they happen. I don't wanna get hurt so I'd rather not love."
"Ayaw mong masaktan kaya pinagdadamutan mo ang sarili mong maging masaya." He stated a matter of factly.
"Ofcourse. It's not worth the risk, Zeph. Love is only good while it lasts. It's short termed."
"Isn't it good to feel that short termed love and happiness than to feel nothing at all?" He mumbled softly.
His words touched me like how the breezed softly touched my skin. Effortlessly driving me crazy. I was suddenly speechless.
His dark eyes stood out among the bright colors that reflected from the fountain. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niyang nagsusumigaw ng perpeksyon. Our eyes locked for a few seconds. I let everything sink in to me. I let myself get indulged in that moment.
He is hardly doing anything but I feel at eased. I feel comfortable. I feel worry less. Happy.
Pumikit ako ng mariin bago nagbawi ng tingin. Bumalik ang tingin ko sa fountain ngunit ramdam ko ang mga mata niyang nananatili sa akin.
Maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko. Bakit niya ako niyakap? Why is he with me right now when he should be with his girl instead? Why is he giving me his damn attention? Hindi ko na nagawang itanong iyon dahil kung ano man ang maging sagot niya, wala na rin namang mababago. Baka lalo lang maging kumplikado.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin. Paglipas ng maikling sandali ay may natanaw akong pamilyar na mukha sa di kalayuan. Ginapagan ako ng kaba nang makilala ang kaklase naming si Tracy.
She is heading towards us! Hindi pa tapos ang klase ngunit kilala ring mahilig mag-cutting itong si Tracy. No wonder she is here!
Adrenaline crept over me. She can't see us together. Bago pa siya tuluyang makalapit ay tumakbo na ako paalis. Hindi ko na binigyan ng pagkakataon na magprotesta si Zepahaniah.
"Zeph! Bakit nandito ka?" Narinig ko pa ang matinis na boses ni Tracy nang makalayo ako.
Lumingon ako saglit at nakita ko ang pagkabigla ni Zephaniah. Akmang susundan niya ako ngunit hinawakan ni Tracy ang braso niya at nagsimula na siyang kausapin. Muli akong tumakbo hanggang sa tuluyan akong mawala sa paningin nila.
Hinihingal pa ako nang makaupo ako sa loob ng bus. The last image of him replayed in my mind. He looked like he wanted to run after me but he couldn't because Tracy was there. He couldn't follow me and I couldn't stay either because someone else might see.
I sighed. I didn't even get to say good bye to him.
Chapter TenWhyI paid for all the mischief I've done. Pinatawag si Mama sa school at kinausap ng head ng Discipline Office. Pinaliwanag ko ang sarili ko at tinanggap ang galit nila. I even did one day of community service. It's the consequence of my actions anyway.
Chapter ElevenSinundanNakabibinging ingay ang bumalot sa gymnasium nang tumapak si Zephaniah at ang ibang miyembro ng Paradox sa gitna ng stage. Halos mabakante ang bleachers dahil lahat ay pumunta sa harapan para mapanood sila. Maging si Nathalie ay hindi magkamayaw sa paghila sa akin patungo sa pinakaharap ng entablado.
Chapter TwelveWorryThe music inside the bar was clearly heard from the outside. Kakaunti lang ang tao rito sa labas maliban sa mangilan ngilang naninigarilyo. The air was a mixed smell of vape and cigar.
Chapter ThirteenNgitiMuli akong inaya ni Nathalie na panuorin ang practice ng banda. Weekend at wala akong gagawin kaya pumayag na rin ako. Ang akala ko ay kila Varen ulit kami ngunit hindi ko inaasahan na sa bahay nila Zephaniah ang ensayo nila ngayon.
Chapter FourteenPalawanNaging abala ako sa mga sumunod na linggo. Kabi kabilang projects at requirements ang inasikaso namin sa pagtatapos ng semester.
Chapter FifteenIllegalA tall and well built silhoutte was taking huge footsteps on the sand. Nang tuluyan itong makalapit ay saka ko lamang nasilayan ang kaniyang mukha.
Chapter Sixteenend thingsI woke up the next morning with the sound of the waves softly crashing through the shore. Our room was empty. It was already late so I assume Nathalie was out for breakfast. Katatapos ko lang maligo nang tumunog ang cellphone ko.
Chapter SeventeenSorryHope. Hope can be both blissful and painful. Kahit hindi ko gustuhin, umasa pa rin ako sa mga sinabi ni Zephaniah.
Zephaniah"Ano'ng oras na, ah? Hindi ka uuwi?" Dinaluhan ako ni Varen sa madilim ng practice room ng FNC.Umiling ako. Yakap ko ang gitara sa harap ng digital audio worksheet."Nagsusulat ka?" Umupo ito sa dulo ng
Chapter Sixtyno longer lowkeyThe little Zephaniah is a typical adorable kid, you wouldn't imagine he'd become a star years later.
Chapter Fifty NineJourneyUmawang ang labi ko't hindi lubusang rumehistro sa akin ang sinabi ni Zephaniah. Para akong namanhid ako sa kinatatayuan.
Chapter Fifty EightbucketlistZephaniah's words carried a different weight upon them like he has been holding this for so long. A part of me was ready to listen, a part wanted to be listened instead.
Chapter Fifty SevensideHindi ko alam kung ano'ng ibig niyang sabihin roon. Although perplexed and nervous, I tried to act non-chalant.
Chapter Fifty Sixstart"Tell me about it Kelsey, ano'ng mayroon sa inyo ni Zephaniah?" Nakabalik na kami sa sariling opisina ay hindi pa rin ako tinitigilan ni Kat.
Chapter Fifty Fivelabel"I'm getting therapy next week." Sage's eyes wandered around the room. Ramdam ko ang pagkabalisa niya sa mga dapat na sasabihin.
Chapter Fifty FoursunflowersThe contract signing with Pristine was a success. They are famous for talent management, tv series, film and music production. They also offer music contracts for some artists but they are not that huge compared to FNC and SME.
Chapter Fifty ThreePristineMasakit pa ang sentido ka nang magising kinaumagahan dahil sa tawag mula sa agent ko.