ALLYANA'S POV
Matapos ang kasalan sa simbahan ay dumiretso na kami sa reception. Habang nasa simbahan kami kanina at talagang hindi maipaliwanag ang saya ko. Subrang saya ang nararamdaman ko , dahil ganap na kaming mag asawa ni Dylan. He is my everything. My love.
"Congratulations!" sigaw ng lahat para sa kanila.
"Thank you!" ganti ko sa kanila.
Nakita ko rin ang ilan sa kaibigan namin ni Dylan, na tuwang-tuwa sa amin. Nakikipagapiran kay Dylan at yumayakap namin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan nila para sa aming dalawa.
"Congratulations!" muling bati sa amin ng ilang mga bisita at mga kakilala nina Mommy.
"Thank you for coming!" sabi naman ni Dylan sa mga ito.
"Honey, restroom lang ako saglit," paalam na bulong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya, saka siya umalis. Kaya naman nakipaghalu-bilo muna ako sa mga bisita namin, lalo na sa kaibigan ko at nagkabiruan pa kami.
"So, kailan niyo balak magka-baby?" tanong ng isa sa kaibigan namin na si Trisha.
Napahampas ako sa braso niya.
"Hindi naman namin kailangan balakin pa namin 'yon no!" natatawang sagot ko sa kanya.
Nagtawanan naman sila sa sagot ko.
"Oonga naman! Kahit ngayong gabi pwedi, di ba besty? Haha!" sabi naman ni Keane at tumawa.
Natawa naman ang lahat sa sinabi niya. Mayamaya ay may biglang h*****k sa pisngi ko. Si Dylan."Ano iyong narinig ko, huh?" sabi niya at natatawang tiningnan ang mga kaibigan namin.
"Naku! Alam mo na ang kailangan mong gawin! Dapat maging ninang at ninong kami sa magiging first baby niyo!"
"Oonga naman!"
"Syempre naman oh! Di ba honey?" sabi ni Dylan at kumindat pa sa akin. Kaya naghiyawan ang lahat dahil sa sinabi niya. Napapailing lang ako sa sinabi niya
Marami pang nangyari sa araw na iyon at masaya ako dahil masaya silang lahat para sa amin. Kaya naman nang gabi ay nagpaalam na kami ni Dylan sa kanila. Napuno na naman nang asaran dahil nasisiguro sila sa kung anong gagawin namin. Nakipagbiruan pa si Dylan sa kanila bago kami umalis.
Nasa isang luxury hotel ginanap ang reception, kaya may sarili din kaming kwarto dito at pag aari ito ng pamilya namin. Mas gusto nina daddy na dito ganapin ang reception, para kung mapagod o nais naming magpahinga ay may magiging sarili kaming kwarto. Kaya naman habang nasa loob na kami ng kwarto. Umupo ako sa isang upuan, paharap sa malaking salamin. Unti-unti kong tinatanggal ang nasa buhok ko. Maging ang kwentas na nasa likod at earings. Napasulyap ako sa singsing na nasa kamay ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nakikita ko. Tanda ito nang pagmamahalan namin ni Dylan sa harap ng diyos at hindi ko kailanman pagsisisihan na naging asawa ko siya. Matagal ko ring inasam na makasama na siya nang tuluyan sa iisang bahay, na kasama siya sa pagtulog at maging sa paggising.Hindi ko napansin ang biglang paglapit sa akin ni Dylan. Yumuko siya at yumakap sa akin saka hinalikan ako sa pisngi."It's beautiful," sabi ko habang nasa singsing ang tingin.
Inilapit niya ang kanyang kamay at pinagdikit ang kamay namin, kung saan naroon ang singsing namin pareho. Napangiti ako."I'm so happy, Dylan," sabi ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking buhok .
Inalalayan niya akong tumayo at pinaharap sa kanya. Nakita ko ang saya sa mukha niya. Hinawakan niya ang mukha ko at marahan itong hinahaplos."Masaya rin ako dahil ikaw ang makakasam ko, sa bagong kabanata ng buhay ko, Allyana," nakangiting sabi niya sa akin.
Mayamaya ay unti-unti niyang inilapit sa akin ang mukha niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa akin. Marahan niyang ginalaw ang labi niya , na agad ko namang tinugunan. Buong puso akong nagpapaubaya sa halik na pinagsasaluhan namin. Mayamaya ay naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, na unti-unting binababa ang zipper ng suot kong gown. Hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak nito sa sahig. Kumilos rin ang kamay ko at inalis sa kanya ang suot niyang coat. Inaalis niya ang damit ko at ganoon rin ang ginagawa ko sa kanya, habang naghahalikan kami. Mayamaya ay bumitaw kaming pareho at napatitig sa isa't isa. Nakita ko kung paano niya ako tinitigan, kahit may suot pa ang undies at bra. Napangisi siya at natigilan ako, nang tuluyan niyang hinubad ang natitira niyang saplot sa katawan. Kaya naman napatitig ako 'doon' sa pagitan ng heta niya, bigla akong tumalikod sa kanya dahil sa kakaiba kong nararamdaman. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita nang ganoon. Minsan may napapanood akong porn video's pero hindi ako tulad ng iba na madalas manood noon. I have limits and Dylan doesn't want me to watch porn video's.
Tanging halik at yakap lang ang ginagawa namin noon ni Dylan. Ayaw niyang lumagpas at natutuwa ako dahil doon. Bukod lang doon sa nakita kong show kagabi, na ginawang surprisa sa akin nina Keane. Kaya alam ko ngayon, na nasasabik siyang tuluyan na akong maangkin. Dahil nga, tuluyan na akong napunta sa kanya at asawa na niya ako. May karapatan na siyang gawin ang gusto niya sa akin. Ngunit alam kong e-rerespto niya kung ano man ang magiging desisyon ko, kapag ayaw ko.But this night, I want him to be happy. Kaya ibibigay ko sa kanya ang gusto niya. Subalit naroon pa rin ang takot sa isip ko, kaya nag aalangan ako sa kung anong maging resulta.Dahil alam kong masakit kapag first time. Iyon ang lagi kong naririnig simula pa noon. Kapag nagkukwentuhan ang mga kaibigan ko. Kaya hindi ko maiwasang kabahan ngayon, dahil alam kong mawawala na ito ngayong gabi. Ngunit desidido na akong ibigay ito ngayon kay Dylan, dahil obligasyon ko iyon bilang asawa.
Muli niya akong hinalikan habang hinahaplos ang pisngi ko. Ginagantihan ko rin ang bawat halik niya sa akin. Nararamdaman ko kung paano niya iniingatan ang bawat halik niya sa akin. Dama ko ang pagmamahal niya sa akin, na para bang ako lang ang babaeng nararapat para sa kanya. Ang babaeng nag iisa lamang para sa kanya at makakasama niya habang buhay.Napaiktad ako nang hawakan niya ako sa balikat. Tila na tumatayo ang mga balahibo ko, sa tuwing nadadampian ng mga kamay niya."Relax," sabi niya sa akin.Naramdaman ko ang kamay niyang unti-unting bumaba, papunta sa bewang ko at doon bigla niya ako niyakap saka niya pinatong ang ulo sa balikat ko."Huwag kang masyadong kabahan. Lets go, let's take a bathtub together," sabi niya sa akin.Napabuntong-hininga ako at tumango."Ngunit bago iyon, alisin muna natin ito," sabi niya.Siya na mismo ang nag un-lock sa suot kong bra at maging sa pagbaba ng undies ko. Nahihiya man ay hinayaan ko siya. Napangisi pa siya habang nakatingin sa katawan ko, saka niya hinawakan ang kamay ko patungo sa bathroom. Nang makapasok kami ay nauna siyang lumusong sa bathtub at inaya akong samahan siya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatalikod sa kanya, upang mapasandal ako sa sa dibdib niya. Kaya naman naramdaman ko ang bagay na iyon sa likuran ko."This is our first time to do it together. Anong pakiramdam?"
Naalimpungatan ako, nang maramdaman kong wala na akong katabi. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at hinanap si Dylan. Tumayo ako sa kama at tinawag siya, ngunit wala akong nakuhang tugon mula sa kanya. Nagtataka na ako kung bakit hindi siya sumasagot sa akin. Tumingin ako sa orasan upang tingnan kung anong oras na at nakita kong alas-tres na ng madaling-araw. Kaya nagtataka ako kung bakit wala siya sa tabi ko. Kinuha ko ang robe at isinuot sa katawan ko. Naglakad ako patungo sa sala, ngunit hindi ko siya nakita."Dylan?" muling tawag ko.Ngunit wala akong narinig na tugon mula sa kanya. Pumunta ako sa banyo at wala naman siya roon. Muli akong napaupo sa kama at iniisip kung saan siya pupunta sa ganitong oras. Habang nag iisip ako ay napatingin ako sa side table na malapit sa kama. Natigilan ako ng makita ko ang wedding ring niya na naroon. Tumayo ako at naglakad patungo roon saka kinuha ang singsing. Nagtataka akong nakatingin dito. Bakit ito nandito? Bakit hindi niya ito isinuo
Nanatili lang akong nakatayo, habang nakatingin ngayon kay Keane na siyang naghahanda ng almusal namin. Hindi ko alam kung ihahakbang ko ba ang aking mga paa at babatiin siya. Nakikita ko ang saya sa kanyang mukha habang naghahanda ito. Mayamaya ay inaya na ako ni Dylan upang lumapit na kay Keane."Hey, good morning!" bati nito sa akin nang makita kaming lumapit ni Dylan. Pilit ang ngiting binigay ko sa kanya, kahit na ayaw ko. Pakiramdam ko ay may kung ano tumutusok ngayon sa dibdib ko. Lalo na at biglang bumalik sa aking alaala ang mga nasaksihan ko kagabi. How could she do that infront of me?"Oh, I think, she's still tired. Pinagod mo ata, Dylan! Ikaw talaga!" masiglang sabi niya. Kaya doon ko lang nalaman na nakatulala na pala ako sa harapan niya. "Oh, that's right I'm really tired. By the way, why are you here? Akala ko nasa tagaytay ka na?" sabi ko sa kanya.Nakita ko kung paano dahan-dahang nawala ang ngiti niya at bahagyang napatingin kay Dylan, na napatingin din sa aki
THIRD PERSON'S POVNanatili pa rin na nakatingin si Allyana kina Keane at Dylan. Bahagya pa siyang tumikhim upang makuha niya ang atensyon ng dalawa, na para bang walang balak bawiin ang pagkakatitig ng mga ito sa isa't isa. Agad silang umayos nang tayo, lalo na si Keane na pasimpleng napangisi at bumaling kay Allyana."Aalis na muna ako, hon, ikaw na bahala mag ayos ng gamit natin ah? Baka kasi matagalan kami ni Chelsea. Alam ko namang tutulungan ka ni Keane, sige huh? Lalabas na ako," tila wala sa sariling paalam ni Allyana na mabilis tumalikod sa dalawa."S-Sige hon, ako nang bahala dito," tugon ni Dylan. Bago tuluyang makalabas si Allyana ay bumaling pa siya sa dalawa. "Bye!" nangiting paalam niya sa dalawa kahit naroon pa rin ang sakit na kanyang nararamdaman. Matapos niyang magpaalam ay isinara na niya ang pinto at napasandal doon. Napapikit siya at kusang nag unahan ang kanyang mga luha sa paglabas mula sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilan ang sakit na kanyang
Tulalang naglakad si Allyana palabas ng elevator. Nakarating na siya sa ground floor ng hotel, upang makita ang kanyang pinsan na si Chelsea. Ngunit, sa kanyang nasaksihan bago siya umalis sa hotel room nila, ang paulit-ulit na nasa kanyang alaala. Lalo na nang muli siyang sumilip sa pinto at naaktuhan niya kung paano naghalikan ang dalawa. Nawalan siya ng lakas sa mga sandaling iyon at wala sa sariling napatakbo, saka pumasok sa elevator. Gusto niyang umiyak sa loob, ngunit hindi niya magawa lalo na at may kasabay siyang staff na nakakakilala sa kanya. Kaya naman, nang makalabas siya sa elevator, pakiramdam niya ay kaunti na lang ay babagsak na siya."Yana!" Narinig niyang may tumawag sa kanya, subalit tila wala siyang pakialam sa kung sino ito. Habang ang babaeng tumawag sa kanya ay naibaba na lamang ang kamay, nang lampasan siya ni Allyana. Kaya naman hinabol niya ito at hinawakan sa braso si Allyana."Hey, Yana!"Napatingin si Allyana sa babaeng bigla na lang humawak sa braso niy
Muling bumalik sa hotel sina Chelsea at Allyana. Tahimik silang dalawa at tila iniisip nila ang mga posible nilang gawin kapag nakita nila sina Keane at Dylan.Habang papasok sila sa loob ng hotel ay nakita agad ni Chelsea si Dylan na nakaupo sa couch at tila may hinihintay. Bahagya siyang napairap at tila gusto na niya itong sugurin dahil sa panloloko nito sa kanyang pinsan. Subalit, hindi niya iyon maaaring gawin dahil na rin sa kagustuhan ni Allyana na manahimik muna."The cheater is waiting for you," mayamaya ay sabi niya.Napatingin naman si Allyana sa kanya. Napanguso lang si Chelsea at tinuro ang kinaroroonan ni Dylan. Nakita naman ito ni Allyana. Napahinto pa siya, kaya napatingin sa kanya si Chelsea."Sabihin mo lang kung ayaw mo siyang harapin, dahil talagang ilalayo kita sa kanya ngayon," pabulong na sabi ni Chelsea sa kanya.Napailing lang si Allyana."No, I need to go too him. Just like what you said, I am his wife and I have a right to be with him. Ayokong matalo, sa kun
Nang dumating ang airplane na sasakyan nina Allyana patungo sa tagaytay ay agad silang tumalima at sumakay doon. Tinulungan pa sila ni Chelsea sa gamit nila, kahit na pwedi naman nila itong iutos sa mga staff sa hotel. Matapos no'n ay nagpaalam na ang mag asawa kay Chelsea, saka umalis ang mga ito. Sinabi lang ni Chelsea na baka susunod siya doon, kung hindi siya tatamarin sa pagpunta. Nang makaalis na ang dalawa ay nagpasiya na rin siyang umalis, upang makapagpahinga sa bahay nila. Habang binabaybay niya ang daaj patungo sa kanila ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang kanyang mga nalaman.Hindi siya makapaniwala na mangyayari iyon kay Allyana. Ang pagtaksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan nito. Alam niya kung gaano rin kalapit si Keane kay Allyana. Nakikita naman niyang suportado ito sa relasyon nina Dylan at Allyana, kaya hindi niya maisip na sa likod ng pagiging mabait nito ay nakatago ang kalandian nito."That b*tch! Kapag nakita ko talaga siya, sisiguraduhin kong
Nanatili pa rin nakatingin ang mag asawa sa dalawa, na tila nagtataka kung bakit sila magkasama. Nagkatinginan naman si Keane at Sandro, saka sabay na natawa."Hey, what kind of reaction is that? Oh, I forgot to tell you, that thisan beside me was courting on me. Iniisip ko pa nga kung sasagutin ko ba siya eh, anong masasabi mo, Besty?" natatawang sabi ni Keane kay Allyana."H-Ha? Well, I'm too surprised to know that he's courting you. As in, I didn't expect this," tugon ni Allyana at bahagyang natawa saka napatingin kay Dylan, na seryoso pa rin na nakatingin sa mga ito. Napansin niyang mukhang walang alam si Dylan sa ginagawa ngayon ni Keane."Haha, masyado kasi kayong abala, kaya hindi niyo alam ang love life ko. Kasama ko pala siya dito sa Tagaytay at mukhang pareho din tayo ng hotel na pupuntahan. Isa pa, trabaho muna ang aatupagin ko bago ang iba, haha!" nakangising sabi ni Keane at kumindat kay Allyana.Napapailing na lang si Allyana na nakatingin dito. Hindi niya alam kun
Masayang binabati ng mga bisita ang bagong kasal na sina Sebastian at Allyana. Hindi man makapaniwala ang iba na ikinasal muli si Allyana ay nalaman rin naman ng mga ito ang dahilan sa nangyari sa kanila ni Dylan. Ganoon pa man ay makikita sa mga ito ang tuwa at saya para sa kanilang dalawa. Noong kunin ni Seb ang kamay ni Allyana sa harapan ng magulang niya ay walang naging totol ang mga ito at sa halip ay natutuwa pa para sa kanilang dalawa. Wala na rin silang balita kay Keane at Dylan. Naisip niyang tinupad ng mga ito ang kagustuhan niya, kaya magaan na rin ang loob at balang araw ay mapapatawad rin niya ang mga ito. Naging made of honor naman si Chelsea sa kanilang kasal, habang si Dion rin ang naging partner nito. Hindi pa rin maiwasang mag asaran ang dalawa, ngunit, nakikita nila Allyana na higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sa dalawa. Para kay Allyana ay matutuwa siya kung magkatuluyan ang mga ito, tulad nila ni Seb. Sa reception ng kasal, naging abala ang bagong kasal s
Matapos mailipat ng magkahiwalay na kwarto sina Keane at Allyana ay halos ayaw namang umalis ni Seb sa tabi ni Allyana. Hinihintay niya itong magising at nais niyang siya ang unang makita nito kapag nagising. Hinahayaan na lamang siya ng magulang ni Allyana at tila naiintindihan nito ang kanyang nararamdaman dahil nalaman na rin naman nila kung anong mayroon sa kanila ni Allyana. Nakikita nila ang saya sa mga ni Seb habang nakatingin kay Allyana at nakikita rin nila kung gaano nito kamahal ang kanilang anak.Sa mga oras na iyon ay hinayaan na muna ni Dion si Seb sa gusto niya at siya na ang kumilos para tugisin si Albert. Nalaman niya mula kay Dylan na siya ang huling nakakita dito at sinabi rin nito kung anong ginawa niya kay Albert. Hindi naman nagreklamo si Dion sa ginawa nito at naiintindihan kung anong nararamdaman ni Dylan. Hinanap nila si Albert at nalaman nilang nasa isang hospital ito at nag aagaw buhay dahil sa natamo nitong mga tama ng baril. Nakita niya pa kung p
Nang malapit na sina Seb sa lokasyon kung saan naroon sina Allyana ay pinahinto niya saglit ang kotse at sinabing hahanap siya ng daan patungo sa building. Hindi agad sumang ayon si Dion, ngunit, desidido si Seb sa kanyang nais gawin kaya wala na siyang nagawa pa. Napag usapan nilang maghiwa-hiwalay bago makarating sa gate. Sina Dion na ang bahala sa pagpasok nila sa gate, habang sina Dylan naman ay naghanap rin ng daan para makapasok sa loob ng building, ganoon rin si Seb na dumaan sa kabila, kasama ang ilang tauhan nito.Nang nasa gate na sina Dion ay inutusan niya ang isa niyang tauhan na pasabugin ang malaking gate. Ginawa naman iyon ng kanyang tauhan at naghagis ng dalawang granade, kasunod noon ang malakas na pagsabog. Sinundan agad nila ito ng magkasunod na putok ng baril at ang ilan niyang kasama ay nagsimula nang pumasok sa loob, habang nagpapaputok. Narinig niyang nagpaputok na rin ang tauhan ni Albert. Mabilis ang naging kilos nila, hanggang sa nagtago sila sa gilid
Sabay na napatingin sina Seb at Dion, sa taong biglang dumating. si Dylan. Pareho silang napakuno't noo at lumapit dito."Bakit ka nandito? At paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ni Seb."Hindi na kailangan kung paano ko nalaman ang lugar na ito. Napagkasunduan namin ni Keane na tumulong sainyo," tanging sabi ni Dylan at kumuha ng baril na nakalatag sa mesa, kung saan naghahanda sila para sa pag alis."Nasaan si Keane?" tanong ni Dion at lumapit rin dito.Hindi agad nakapagsalita si Dylan at tila maging siya ay hindi sang ayon sa kung anumang ginawa nito."Pumunta siya kay Albert. Iniwan ko lang siya saglit pero bigla siyang nawala. Nag iwan lang siya ng sulat na pupuntahan niya si Albert upang malaman kung saan naroon sina Allyana. Maging ito ay iniwan niya," sabi ni Dylan at may nilapag na isang maliit na device sa mesa. Agad na nakilala iyon nina Seb."Sabi sa sulat, malalaman natin ang kinaroroonan nila at tatawag siya upang siguraduhin na nasa lugar siya kung saan naro
Nang marinig nina Seb at Dion ang malakas na sigaw ng ama ni Allyana ay mabilis silang tumakbo patungo sa itaas. Nakita nila sa dulo na nakatayo si Keane at Dylan, kaya pumunta sila doon.Ngunit, pareho rin na natigilan nang makitang nakahandusay ang ginang sa sahit at walang malay."Kinuha nila si Allyana. Kinuha nila ang anak ko!" umiiyak na sigaw nito.Hindi naman magawang kumilos ni Seb dahil sa kanyang narinig at tila bumalot muli ang kaba takot sa kanyang puso. Napatingin si Dion kay Seb at nakita nito sa kanyang mga mata ang kakaibang galit."I-I will put her in the bed," mayamaya ay sabi ni Dion at binuhat ang ginang patungo sa kama. Tiningnan nito ang kalagayan ng ginang at nakahinga siya ng maluwag dahil ayos lang ito. Ngunit, alam niyang lahat sila ay hindi maayos ang isip at nararamdaman."She's okay. This is unexpected and we are not prepared for it. But we will do anything to get them back," saad ni Dion at bumaling kay Seb na hindi pa rin nakapagsalita.Lumapit si Di
Naglakad si Seb at tumabi kay Allyana, habang nakatingin ngayon kina Keane at sa magulang ni Allyana. "Anong pinagsasabi mo? Hindi purket kamping-kampi kayo kay Allyana ay gagawa kayo ng ibang storya," inis na sabi ni Keane dito."Inaamin namin na may kasalanan din kami saiyo, dahil hindi namin nasabi ang totoong nangyari kay Tita. Isinama kami ni Mommy sa ibang bansa upang makalayo kay Albert at hindi ka na namin naisama dahil hindi ka namin nahanap. Iyon pala hawak ka na ni Albert, hindi ka na namin nakausap pa. Ngunit, sa pagkakataong ito ay kailangan naming sabihin saiyo ang totoo, upang malinawan ka na mali ang ginawa mo sa mga Buanafe, na dapat sila ang magiging kaagapay mo dahil bahagi ka ng pamilya nila. Si Albert ang naging dahilan kung bakit nasira ang buhay mo at hindi sila," paliwanag ni Seb kay Keane.Napamaang naman si Keane at napatiim-bagang na nakatingin ngayon kay Seb."Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo! Hindi iyan totoo! Sila ang sumira ng buhay ko! Sila!" ga
Bumaba mula sa sasakyan si Allyana, kung saan si Seb ang nagmamaneho. Napatingin pa siya sa labas ng kanilang mansion at tila bumalik ang masasayang alaala niya dito, na minsang nawala sa kanya. Ngayon, pakiramdam niya ay napaka-komportable ng paligid para sa kanya. May nakita siyang nakaparadang kotse at nakilala niya iyon. Naging seryoso siyang nakatingin sa kotse ni Dylan at talagang pumunta ito sa bahay nila. Sabagay, iyon naman talaga ang gusto niya."Let's go?" anyaya ni Seb at iniabot ang kamay dito.Napatingin si Allyana dito, saka tumango at naglakad sila papasok sa loob. Pinagbuksan siya ng gate, nang kanilang gwardiya na nginitian lang niya.Tumawag na sa kanila si Dion at sinabing nasa mansion na nila sina Keane. Hindi niya alam kung paano napapayag ni Dion si Keane na pumunta ngayon sa mansion, pero mabuti na lang iyon para sa kanya... para magkaharap-harap sila.Nang nasa pinto na sila ay bahagya silang nagkatinginan ni Seb at sabay na napatango. Naglakad sila pap
Hindi alam ni Seb kung ano ang nakikita niya ngayon kay Allyana. Bigla siyang nanibago sa aura nito, lalo na nang inalis lang nito ang tingin sa kanya at muling tumingin sa malayo.Hindi ito nagsalita o tumugon sa kanya.Naglakad siya palapit dito at tumabi sa pagkakatayo."I'm glad that you're awake. How's your feeling?" sabi niya dito.Hindi nagsalita si Allyana at nanatili pa rin nakatingin sa malayo. Wala namang magawa si Seb, kundi hayaan ito."Alright, I will give you a time to talk. You can talk to me or my mom or Dion. I will leave you for now," mayamaya ay sabi ni Seb at bahagyang tumalikod.Ngunit, hindi pa siya nakakalayo dito, nang marinig niyang magsalita ito."Sebastian Mcdavid.." tawag nito sa kanyang pangalan.Kaya naman ay dahan-dahan siyang napalingon kay Allyana, na ngayon ay dahan-dahan ring lumingon sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa. Hindi alam ni Seb kung ano ang mararamdaman niya. Hindi niya masabi kung bumalik na ba ang alaala nito o walang naging d
Naging maayos ang kalagayan ni Allyana, matapos siyang asikasuhin ng kaibigang doktor nina Seb. Ngunit, hindi pa rin nagigising si Allyana at habang ganoon pa rin ang kalagayan nito ay kumikilos naman sina Seb at Dion.Inalam nilang mabuti kung may kinalaman nga ba si Keane sa nangyari kay Allyana. Sinuri nila ang mga ebedensiya na nakuha ng tauhan nila. Nakita nila ang pouch ni Keane sa kotse, maging ang ilang I.D's nito. Nakalagay din sa pangalan niya ang kotse. Tiningnan rin nila ang CCTV na nakalagay sa katabing kanto, kung saan nakita nila kung anong ginawa kay Allyana. Halos manggalaiti naman si Seb, habang nakatingin sa CCTV, lalo na kung paano nito sagasaan si Allyana. Nakita nila ang babaeng bumaba sa sasakyan at nakita nilang si Keane iyon. Kinuha nila ang kuha ng CCTV at hindi nila hinayaang may makakuha pang iba nito. Matapos nilang matipon ang mga ebedensiya ay tinawagan naman nina Dion ang kilala nilang abogado para ibigay ang mga ebedensiyang iyon. Hindi alam ni All