End! Thank you sa lahat ng support niyo sa story na ito. I really appreciate it! Thank you very much! Sana minahal niyo ang mga karakter sa story ma ito. Abangan niyo po sina Chelsea and Dion. Soon na po.. Thanks again! Hopefully, suportahan niyo rin po sana 'yong isang story ko.. untitled TRAPPING THE BILLIONAIRE. I'm still working on for Chelsea and Dion. Habang hinihintay niyo sana sila, sana mabasa niyo rin ang isang story ko. Thank you so much.😘😘
Sabay na bumaba si Keane at Allyana sa kotse, nang nasa harap na sila ng isang hotel. Napatingin naman si Allyana sa hotel at nagtatakang tumingin kay Keane. "W-What are we doing here?" naguguluhan niyang tanong sa kaibigan.Napangisi lang si Keane sa kanya at hinawakan siya sa braso at hinila papasok sa loob ng hotel. "Woi, ano bang gagawin natin dito?" muling tanong niya dito. "We're having a surprise for you. Tomorrow will be your wedding, that's why we granted you a surprise," nakangiting sabi nito habang hawak siya nito sa braso. Kahit naguguluhan ay sumunod na lang siya dito. Sumakay sila sa elevator at nang nasa loob na sila ay muli siyang tumingin kay Keane. "A-Ano bang klaseng surprisa iyon, Keane? B-Bakit parang kinakabahan ako?" tanong niya dito. "Duh? Surprise nga di ba? Well, kailangan mo talagang kabahan, dahil mawawala na ang pagiging inosente mo," pabirong sabi nito sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya habang nakatingin kay Keane. Natawa naman si Keane sa naging
Kinabukasan ay naghanda na sina Allyana, sa gaganaping pag iisang dibdib niya sa lalaking minamahal niyang si Dylan. Matapos ang nangyari no'ng gabi ay wala na siyang maalala sa sunod na nangyari. Ang huling naalala niya ay nakatulog na siya sa couch at no'ng nagising siya ay katabi na niya si Keane na natutulog. Kahit puyat sa nangyari kagabi ay naroon pa rin ang excitement dahil sa kanyang kasal.Abala ang mga make-up artist na kinuha ng ina niya, para ayusan siya at ang iba pang magiging abay sa kanilang kasal. Dahil nga nag iisang anak lamang siya ay engrande ang magiging kasal niya. Hindi man niya ito hiniling ay binigay ito ng magulang niya. Masaya ang mga ito para sa kanya, lalo na at kilala ng mga ito ang lalaking pakakasalan niya. Gusto rin ng magulang niya si Dylan, dahil mabait ito at may respeto sa kanya, maging sa magulang niya. Kaya nga no'ng magpropose sa kanya si Dylan ay buong puso niya iyong tinanggap."Ang ganda mo, ija," papuri sa kanya ng kanyang ina, habang nasa l
ALLYANA'S POVMatapos ang kasalan sa simbahan ay dumiretso na kami sa reception. Habang nasa simbahan kami kanina at talagang hindi maipaliwanag ang saya ko. Subrang saya ang nararamdaman ko , dahil ganap na kaming mag asawa ni Dylan. He is my everything. My love. "Congratulations!" sigaw ng lahat para sa kanila."Thank you!" ganti ko sa kanila.Nakita ko rin ang ilan sa kaibigan namin ni Dylan, na tuwang-tuwa sa amin. Nakikipagapiran kay Dylan at yumayakap namin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan nila para sa aming dalawa."Congratulations!" muling bati sa amin ng ilang mga bisita at mga kakilala nina Mommy."Thank you for coming!" sabi naman ni Dylan sa mga ito."Honey, restroom lang ako saglit," paalam na bulong niya
Napaiktad ako nang hawakan niya ako sa balikat. Tila na tumatayo ang mga balahibo ko, sa tuwing nadadampian ng mga kamay niya."Relax," sabi niya sa akin.Naramdaman ko ang kamay niyang unti-unting bumaba, papunta sa bewang ko at doon bigla niya ako niyakap saka niya pinatong ang ulo sa balikat ko."Huwag kang masyadong kabahan. Lets go, let's take a bathtub together," sabi niya sa akin.Napabuntong-hininga ako at tumango."Ngunit bago iyon, alisin muna natin ito," sabi niya.Siya na mismo ang nag un-lock sa suot kong bra at maging sa pagbaba ng undies ko. Nahihiya man ay hinayaan ko siya. Napangisi pa siya habang nakatingin sa katawan ko, saka niya hinawakan ang kamay ko patungo sa bathroom. Nang makapasok kami ay nauna siyang lumusong sa bathtub at inaya akong samahan siya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatalikod sa kanya, upang mapasandal ako sa sa dibdib niya. Kaya naman naramdaman ko ang bagay na iyon sa likuran ko."This is our first time to do it together. Anong pakiramdam?"
Naalimpungatan ako, nang maramdaman kong wala na akong katabi. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at hinanap si Dylan. Tumayo ako sa kama at tinawag siya, ngunit wala akong nakuhang tugon mula sa kanya. Nagtataka na ako kung bakit hindi siya sumasagot sa akin. Tumingin ako sa orasan upang tingnan kung anong oras na at nakita kong alas-tres na ng madaling-araw. Kaya nagtataka ako kung bakit wala siya sa tabi ko. Kinuha ko ang robe at isinuot sa katawan ko. Naglakad ako patungo sa sala, ngunit hindi ko siya nakita."Dylan?" muling tawag ko.Ngunit wala akong narinig na tugon mula sa kanya. Pumunta ako sa banyo at wala naman siya roon. Muli akong napaupo sa kama at iniisip kung saan siya pupunta sa ganitong oras. Habang nag iisip ako ay napatingin ako sa side table na malapit sa kama. Natigilan ako ng makita ko ang wedding ring niya na naroon. Tumayo ako at naglakad patungo roon saka kinuha ang singsing. Nagtataka akong nakatingin dito. Bakit ito nandito? Bakit hindi niya ito isinuo
Nanatili lang akong nakatayo, habang nakatingin ngayon kay Keane na siyang naghahanda ng almusal namin. Hindi ko alam kung ihahakbang ko ba ang aking mga paa at babatiin siya. Nakikita ko ang saya sa kanyang mukha habang naghahanda ito. Mayamaya ay inaya na ako ni Dylan upang lumapit na kay Keane."Hey, good morning!" bati nito sa akin nang makita kaming lumapit ni Dylan. Pilit ang ngiting binigay ko sa kanya, kahit na ayaw ko. Pakiramdam ko ay may kung ano tumutusok ngayon sa dibdib ko. Lalo na at biglang bumalik sa aking alaala ang mga nasaksihan ko kagabi. How could she do that infront of me?"Oh, I think, she's still tired. Pinagod mo ata, Dylan! Ikaw talaga!" masiglang sabi niya. Kaya doon ko lang nalaman na nakatulala na pala ako sa harapan niya. "Oh, that's right I'm really tired. By the way, why are you here? Akala ko nasa tagaytay ka na?" sabi ko sa kanya.Nakita ko kung paano dahan-dahang nawala ang ngiti niya at bahagyang napatingin kay Dylan, na napatingin din sa aki
THIRD PERSON'S POVNanatili pa rin na nakatingin si Allyana kina Keane at Dylan. Bahagya pa siyang tumikhim upang makuha niya ang atensyon ng dalawa, na para bang walang balak bawiin ang pagkakatitig ng mga ito sa isa't isa. Agad silang umayos nang tayo, lalo na si Keane na pasimpleng napangisi at bumaling kay Allyana."Aalis na muna ako, hon, ikaw na bahala mag ayos ng gamit natin ah? Baka kasi matagalan kami ni Chelsea. Alam ko namang tutulungan ka ni Keane, sige huh? Lalabas na ako," tila wala sa sariling paalam ni Allyana na mabilis tumalikod sa dalawa."S-Sige hon, ako nang bahala dito," tugon ni Dylan. Bago tuluyang makalabas si Allyana ay bumaling pa siya sa dalawa. "Bye!" nangiting paalam niya sa dalawa kahit naroon pa rin ang sakit na kanyang nararamdaman. Matapos niyang magpaalam ay isinara na niya ang pinto at napasandal doon. Napapikit siya at kusang nag unahan ang kanyang mga luha sa paglabas mula sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilan ang sakit na kanyang
Tulalang naglakad si Allyana palabas ng elevator. Nakarating na siya sa ground floor ng hotel, upang makita ang kanyang pinsan na si Chelsea. Ngunit, sa kanyang nasaksihan bago siya umalis sa hotel room nila, ang paulit-ulit na nasa kanyang alaala. Lalo na nang muli siyang sumilip sa pinto at naaktuhan niya kung paano naghalikan ang dalawa. Nawalan siya ng lakas sa mga sandaling iyon at wala sa sariling napatakbo, saka pumasok sa elevator. Gusto niyang umiyak sa loob, ngunit hindi niya magawa lalo na at may kasabay siyang staff na nakakakilala sa kanya. Kaya naman, nang makalabas siya sa elevator, pakiramdam niya ay kaunti na lang ay babagsak na siya."Yana!" Narinig niyang may tumawag sa kanya, subalit tila wala siyang pakialam sa kung sino ito. Habang ang babaeng tumawag sa kanya ay naibaba na lamang ang kamay, nang lampasan siya ni Allyana. Kaya naman hinabol niya ito at hinawakan sa braso si Allyana."Hey, Yana!"Napatingin si Allyana sa babaeng bigla na lang humawak sa braso niy
Masayang binabati ng mga bisita ang bagong kasal na sina Sebastian at Allyana. Hindi man makapaniwala ang iba na ikinasal muli si Allyana ay nalaman rin naman ng mga ito ang dahilan sa nangyari sa kanila ni Dylan. Ganoon pa man ay makikita sa mga ito ang tuwa at saya para sa kanilang dalawa. Noong kunin ni Seb ang kamay ni Allyana sa harapan ng magulang niya ay walang naging totol ang mga ito at sa halip ay natutuwa pa para sa kanilang dalawa. Wala na rin silang balita kay Keane at Dylan. Naisip niyang tinupad ng mga ito ang kagustuhan niya, kaya magaan na rin ang loob at balang araw ay mapapatawad rin niya ang mga ito. Naging made of honor naman si Chelsea sa kanilang kasal, habang si Dion rin ang naging partner nito. Hindi pa rin maiwasang mag asaran ang dalawa, ngunit, nakikita nila Allyana na higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sa dalawa. Para kay Allyana ay matutuwa siya kung magkatuluyan ang mga ito, tulad nila ni Seb. Sa reception ng kasal, naging abala ang bagong kasal s
Matapos mailipat ng magkahiwalay na kwarto sina Keane at Allyana ay halos ayaw namang umalis ni Seb sa tabi ni Allyana. Hinihintay niya itong magising at nais niyang siya ang unang makita nito kapag nagising. Hinahayaan na lamang siya ng magulang ni Allyana at tila naiintindihan nito ang kanyang nararamdaman dahil nalaman na rin naman nila kung anong mayroon sa kanila ni Allyana. Nakikita nila ang saya sa mga ni Seb habang nakatingin kay Allyana at nakikita rin nila kung gaano nito kamahal ang kanilang anak.Sa mga oras na iyon ay hinayaan na muna ni Dion si Seb sa gusto niya at siya na ang kumilos para tugisin si Albert. Nalaman niya mula kay Dylan na siya ang huling nakakita dito at sinabi rin nito kung anong ginawa niya kay Albert. Hindi naman nagreklamo si Dion sa ginawa nito at naiintindihan kung anong nararamdaman ni Dylan. Hinanap nila si Albert at nalaman nilang nasa isang hospital ito at nag aagaw buhay dahil sa natamo nitong mga tama ng baril. Nakita niya pa kung p
Nang malapit na sina Seb sa lokasyon kung saan naroon sina Allyana ay pinahinto niya saglit ang kotse at sinabing hahanap siya ng daan patungo sa building. Hindi agad sumang ayon si Dion, ngunit, desidido si Seb sa kanyang nais gawin kaya wala na siyang nagawa pa. Napag usapan nilang maghiwa-hiwalay bago makarating sa gate. Sina Dion na ang bahala sa pagpasok nila sa gate, habang sina Dylan naman ay naghanap rin ng daan para makapasok sa loob ng building, ganoon rin si Seb na dumaan sa kabila, kasama ang ilang tauhan nito.Nang nasa gate na sina Dion ay inutusan niya ang isa niyang tauhan na pasabugin ang malaking gate. Ginawa naman iyon ng kanyang tauhan at naghagis ng dalawang granade, kasunod noon ang malakas na pagsabog. Sinundan agad nila ito ng magkasunod na putok ng baril at ang ilan niyang kasama ay nagsimula nang pumasok sa loob, habang nagpapaputok. Narinig niyang nagpaputok na rin ang tauhan ni Albert. Mabilis ang naging kilos nila, hanggang sa nagtago sila sa gilid
Sabay na napatingin sina Seb at Dion, sa taong biglang dumating. si Dylan. Pareho silang napakuno't noo at lumapit dito."Bakit ka nandito? At paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ni Seb."Hindi na kailangan kung paano ko nalaman ang lugar na ito. Napagkasunduan namin ni Keane na tumulong sainyo," tanging sabi ni Dylan at kumuha ng baril na nakalatag sa mesa, kung saan naghahanda sila para sa pag alis."Nasaan si Keane?" tanong ni Dion at lumapit rin dito.Hindi agad nakapagsalita si Dylan at tila maging siya ay hindi sang ayon sa kung anumang ginawa nito."Pumunta siya kay Albert. Iniwan ko lang siya saglit pero bigla siyang nawala. Nag iwan lang siya ng sulat na pupuntahan niya si Albert upang malaman kung saan naroon sina Allyana. Maging ito ay iniwan niya," sabi ni Dylan at may nilapag na isang maliit na device sa mesa. Agad na nakilala iyon nina Seb."Sabi sa sulat, malalaman natin ang kinaroroonan nila at tatawag siya upang siguraduhin na nasa lugar siya kung saan naro
Nang marinig nina Seb at Dion ang malakas na sigaw ng ama ni Allyana ay mabilis silang tumakbo patungo sa itaas. Nakita nila sa dulo na nakatayo si Keane at Dylan, kaya pumunta sila doon.Ngunit, pareho rin na natigilan nang makitang nakahandusay ang ginang sa sahit at walang malay."Kinuha nila si Allyana. Kinuha nila ang anak ko!" umiiyak na sigaw nito.Hindi naman magawang kumilos ni Seb dahil sa kanyang narinig at tila bumalot muli ang kaba takot sa kanyang puso. Napatingin si Dion kay Seb at nakita nito sa kanyang mga mata ang kakaibang galit."I-I will put her in the bed," mayamaya ay sabi ni Dion at binuhat ang ginang patungo sa kama. Tiningnan nito ang kalagayan ng ginang at nakahinga siya ng maluwag dahil ayos lang ito. Ngunit, alam niyang lahat sila ay hindi maayos ang isip at nararamdaman."She's okay. This is unexpected and we are not prepared for it. But we will do anything to get them back," saad ni Dion at bumaling kay Seb na hindi pa rin nakapagsalita.Lumapit si Di
Naglakad si Seb at tumabi kay Allyana, habang nakatingin ngayon kina Keane at sa magulang ni Allyana. "Anong pinagsasabi mo? Hindi purket kamping-kampi kayo kay Allyana ay gagawa kayo ng ibang storya," inis na sabi ni Keane dito."Inaamin namin na may kasalanan din kami saiyo, dahil hindi namin nasabi ang totoong nangyari kay Tita. Isinama kami ni Mommy sa ibang bansa upang makalayo kay Albert at hindi ka na namin naisama dahil hindi ka namin nahanap. Iyon pala hawak ka na ni Albert, hindi ka na namin nakausap pa. Ngunit, sa pagkakataong ito ay kailangan naming sabihin saiyo ang totoo, upang malinawan ka na mali ang ginawa mo sa mga Buanafe, na dapat sila ang magiging kaagapay mo dahil bahagi ka ng pamilya nila. Si Albert ang naging dahilan kung bakit nasira ang buhay mo at hindi sila," paliwanag ni Seb kay Keane.Napamaang naman si Keane at napatiim-bagang na nakatingin ngayon kay Seb."Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo! Hindi iyan totoo! Sila ang sumira ng buhay ko! Sila!" ga
Bumaba mula sa sasakyan si Allyana, kung saan si Seb ang nagmamaneho. Napatingin pa siya sa labas ng kanilang mansion at tila bumalik ang masasayang alaala niya dito, na minsang nawala sa kanya. Ngayon, pakiramdam niya ay napaka-komportable ng paligid para sa kanya. May nakita siyang nakaparadang kotse at nakilala niya iyon. Naging seryoso siyang nakatingin sa kotse ni Dylan at talagang pumunta ito sa bahay nila. Sabagay, iyon naman talaga ang gusto niya."Let's go?" anyaya ni Seb at iniabot ang kamay dito.Napatingin si Allyana dito, saka tumango at naglakad sila papasok sa loob. Pinagbuksan siya ng gate, nang kanilang gwardiya na nginitian lang niya.Tumawag na sa kanila si Dion at sinabing nasa mansion na nila sina Keane. Hindi niya alam kung paano napapayag ni Dion si Keane na pumunta ngayon sa mansion, pero mabuti na lang iyon para sa kanya... para magkaharap-harap sila.Nang nasa pinto na sila ay bahagya silang nagkatinginan ni Seb at sabay na napatango. Naglakad sila pap
Hindi alam ni Seb kung ano ang nakikita niya ngayon kay Allyana. Bigla siyang nanibago sa aura nito, lalo na nang inalis lang nito ang tingin sa kanya at muling tumingin sa malayo.Hindi ito nagsalita o tumugon sa kanya.Naglakad siya palapit dito at tumabi sa pagkakatayo."I'm glad that you're awake. How's your feeling?" sabi niya dito.Hindi nagsalita si Allyana at nanatili pa rin nakatingin sa malayo. Wala namang magawa si Seb, kundi hayaan ito."Alright, I will give you a time to talk. You can talk to me or my mom or Dion. I will leave you for now," mayamaya ay sabi ni Seb at bahagyang tumalikod.Ngunit, hindi pa siya nakakalayo dito, nang marinig niyang magsalita ito."Sebastian Mcdavid.." tawag nito sa kanyang pangalan.Kaya naman ay dahan-dahan siyang napalingon kay Allyana, na ngayon ay dahan-dahan ring lumingon sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa. Hindi alam ni Seb kung ano ang mararamdaman niya. Hindi niya masabi kung bumalik na ba ang alaala nito o walang naging d
Naging maayos ang kalagayan ni Allyana, matapos siyang asikasuhin ng kaibigang doktor nina Seb. Ngunit, hindi pa rin nagigising si Allyana at habang ganoon pa rin ang kalagayan nito ay kumikilos naman sina Seb at Dion.Inalam nilang mabuti kung may kinalaman nga ba si Keane sa nangyari kay Allyana. Sinuri nila ang mga ebedensiya na nakuha ng tauhan nila. Nakita nila ang pouch ni Keane sa kotse, maging ang ilang I.D's nito. Nakalagay din sa pangalan niya ang kotse. Tiningnan rin nila ang CCTV na nakalagay sa katabing kanto, kung saan nakita nila kung anong ginawa kay Allyana. Halos manggalaiti naman si Seb, habang nakatingin sa CCTV, lalo na kung paano nito sagasaan si Allyana. Nakita nila ang babaeng bumaba sa sasakyan at nakita nilang si Keane iyon. Kinuha nila ang kuha ng CCTV at hindi nila hinayaang may makakuha pang iba nito. Matapos nilang matipon ang mga ebedensiya ay tinawagan naman nina Dion ang kilala nilang abogado para ibigay ang mga ebedensiyang iyon. Hindi alam ni All