Nanatili lang akong nakatayo, habang nakatingin ngayon kay Keane na siyang naghahanda ng almusal namin. Hindi ko alam kung ihahakbang ko ba ang aking mga paa at babatiin siya. Nakikita ko ang saya sa kanyang mukha habang naghahanda ito. Mayamaya ay inaya na ako ni Dylan upang lumapit na kay Keane."Hey, good morning!" bati nito sa akin nang makita kaming lumapit ni Dylan. Pilit ang ngiting binigay ko sa kanya, kahit na ayaw ko. Pakiramdam ko ay may kung ano tumutusok ngayon sa dibdib ko. Lalo na at biglang bumalik sa aking alaala ang mga nasaksihan ko kagabi. How could she do that infront of me?"Oh, I think, she's still tired. Pinagod mo ata, Dylan! Ikaw talaga!" masiglang sabi niya. Kaya doon ko lang nalaman na nakatulala na pala ako sa harapan niya. "Oh, that's right I'm really tired. By the way, why are you here? Akala ko nasa tagaytay ka na?" sabi ko sa kanya.Nakita ko kung paano dahan-dahang nawala ang ngiti niya at bahagyang napatingin kay Dylan, na napatingin din sa aki
THIRD PERSON'S POVNanatili pa rin na nakatingin si Allyana kina Keane at Dylan. Bahagya pa siyang tumikhim upang makuha niya ang atensyon ng dalawa, na para bang walang balak bawiin ang pagkakatitig ng mga ito sa isa't isa. Agad silang umayos nang tayo, lalo na si Keane na pasimpleng napangisi at bumaling kay Allyana."Aalis na muna ako, hon, ikaw na bahala mag ayos ng gamit natin ah? Baka kasi matagalan kami ni Chelsea. Alam ko namang tutulungan ka ni Keane, sige huh? Lalabas na ako," tila wala sa sariling paalam ni Allyana na mabilis tumalikod sa dalawa."S-Sige hon, ako nang bahala dito," tugon ni Dylan. Bago tuluyang makalabas si Allyana ay bumaling pa siya sa dalawa. "Bye!" nangiting paalam niya sa dalawa kahit naroon pa rin ang sakit na kanyang nararamdaman. Matapos niyang magpaalam ay isinara na niya ang pinto at napasandal doon. Napapikit siya at kusang nag unahan ang kanyang mga luha sa paglabas mula sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilan ang sakit na kanyang
Tulalang naglakad si Allyana palabas ng elevator. Nakarating na siya sa ground floor ng hotel, upang makita ang kanyang pinsan na si Chelsea. Ngunit, sa kanyang nasaksihan bago siya umalis sa hotel room nila, ang paulit-ulit na nasa kanyang alaala. Lalo na nang muli siyang sumilip sa pinto at naaktuhan niya kung paano naghalikan ang dalawa. Nawalan siya ng lakas sa mga sandaling iyon at wala sa sariling napatakbo, saka pumasok sa elevator. Gusto niyang umiyak sa loob, ngunit hindi niya magawa lalo na at may kasabay siyang staff na nakakakilala sa kanya. Kaya naman, nang makalabas siya sa elevator, pakiramdam niya ay kaunti na lang ay babagsak na siya."Yana!" Narinig niyang may tumawag sa kanya, subalit tila wala siyang pakialam sa kung sino ito. Habang ang babaeng tumawag sa kanya ay naibaba na lamang ang kamay, nang lampasan siya ni Allyana. Kaya naman hinabol niya ito at hinawakan sa braso si Allyana."Hey, Yana!"Napatingin si Allyana sa babaeng bigla na lang humawak sa braso niy
Muling bumalik sa hotel sina Chelsea at Allyana. Tahimik silang dalawa at tila iniisip nila ang mga posible nilang gawin kapag nakita nila sina Keane at Dylan.Habang papasok sila sa loob ng hotel ay nakita agad ni Chelsea si Dylan na nakaupo sa couch at tila may hinihintay. Bahagya siyang napairap at tila gusto na niya itong sugurin dahil sa panloloko nito sa kanyang pinsan. Subalit, hindi niya iyon maaaring gawin dahil na rin sa kagustuhan ni Allyana na manahimik muna."The cheater is waiting for you," mayamaya ay sabi niya.Napatingin naman si Allyana sa kanya. Napanguso lang si Chelsea at tinuro ang kinaroroonan ni Dylan. Nakita naman ito ni Allyana. Napahinto pa siya, kaya napatingin sa kanya si Chelsea."Sabihin mo lang kung ayaw mo siyang harapin, dahil talagang ilalayo kita sa kanya ngayon," pabulong na sabi ni Chelsea sa kanya.Napailing lang si Allyana."No, I need to go too him. Just like what you said, I am his wife and I have a right to be with him. Ayokong matalo, sa kun
Nang dumating ang airplane na sasakyan nina Allyana patungo sa tagaytay ay agad silang tumalima at sumakay doon. Tinulungan pa sila ni Chelsea sa gamit nila, kahit na pwedi naman nila itong iutos sa mga staff sa hotel. Matapos no'n ay nagpaalam na ang mag asawa kay Chelsea, saka umalis ang mga ito. Sinabi lang ni Chelsea na baka susunod siya doon, kung hindi siya tatamarin sa pagpunta. Nang makaalis na ang dalawa ay nagpasiya na rin siyang umalis, upang makapagpahinga sa bahay nila. Habang binabaybay niya ang daaj patungo sa kanila ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang kanyang mga nalaman.Hindi siya makapaniwala na mangyayari iyon kay Allyana. Ang pagtaksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan nito. Alam niya kung gaano rin kalapit si Keane kay Allyana. Nakikita naman niyang suportado ito sa relasyon nina Dylan at Allyana, kaya hindi niya maisip na sa likod ng pagiging mabait nito ay nakatago ang kalandian nito."That b*tch! Kapag nakita ko talaga siya, sisiguraduhin kong
Nanatili pa rin nakatingin ang mag asawa sa dalawa, na tila nagtataka kung bakit sila magkasama. Nagkatinginan naman si Keane at Sandro, saka sabay na natawa."Hey, what kind of reaction is that? Oh, I forgot to tell you, that thisan beside me was courting on me. Iniisip ko pa nga kung sasagutin ko ba siya eh, anong masasabi mo, Besty?" natatawang sabi ni Keane kay Allyana."H-Ha? Well, I'm too surprised to know that he's courting you. As in, I didn't expect this," tugon ni Allyana at bahagyang natawa saka napatingin kay Dylan, na seryoso pa rin na nakatingin sa mga ito. Napansin niyang mukhang walang alam si Dylan sa ginagawa ngayon ni Keane."Haha, masyado kasi kayong abala, kaya hindi niyo alam ang love life ko. Kasama ko pala siya dito sa Tagaytay at mukhang pareho din tayo ng hotel na pupuntahan. Isa pa, trabaho muna ang aatupagin ko bago ang iba, haha!" nakangising sabi ni Keane at kumindat kay Allyana.Napapailing na lang si Allyana na nakatingin dito. Hindi niya alam kun
Binuksan ni Allyana ang shower at hinayaang bumagsak sa kanyang hubad na katawan ang malamig na tubig. Nais niyang palamigin muna ang katawan, para magpainit sa susunod na eksena. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang kamay ni Dylan sa kanyang balikat at hinalikan ito. Binigyan siya ng muntik halik sa kanyang likuran at napapikit lang siya sa ginagawa nito. Humarap siya dito at ginaya ang paraan ng paghalik nito sa balikat niya. Dinampian niya ng halik ang gilid ng leeg nito at sa ilalim ng baba nito. Gumalaw rin ang kanyang kamay at humawak sa dibdib nito, na ngayon ay basang-basa na sa tubig na mula sa shower. Hinawakan ni Dylan ang pisngi niya at bigla itong hinalikan. Agad naman niyang tinugunan ang halik nito at yumakap sa batok. Isinandal siya ni Dylan sa pader at hinawakan ang kanyang kamay saka inilagay sa itaas Patuloy pa rin silang naghahalikang dalawa, at pilit na nilalabanan ang mainit na halik ni Dylan sa kanya."Uhmm.." marahang ungol niya nang kagatin ni Dylan ang
Napahawak si Allyana sa buhok ni Dylan at hindi alam ang gagawin kung aatras ba o ilalayo si Dylan sa kanya, habang inaatake nito ang kanyang lagusan. Nararamdaman niya ang dila nito na hinahagod ang kanyang lagusan, papunta sa nakausli niyang mani."O-Oooh! Honey! Ahhh!" Hindi niya mapigilan ang kanyang ungol dahil sa kakaibang sarap na ginagawa ngayon ni Dylan. Nakakabaliw ang kilos ng dila nito at ngayon ay sinabayan ng daliri nito na pinasok muli sa kanyang lagusan. Hindi niya maipaliwanag ang sarap na kanyang nararamdaman."Oooh! Sh*t! Ahhh! Honey! Oooh!" Naririnig ni Dylan ang mga ungol ni Allyana at mas lalo itong nagpapagana sa kanya. Kaya mas binaliw niya ang asawa sa kilos ng kanyang labi at mga kamay. Mayamaya ay ipinasok na rin niya ang kanyang dila sa lagusan nito, habang ang kanyang darili ay siyang pumisil na sa mani ni Allyana. Halos mapasigaw si Allyana sa ginagawa ni Dylan. Hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili mapasigaw sa sarap."Oooh! Dylan! Honey! B-Bakit
Masayang binabati ng mga bisita ang bagong kasal na sina Sebastian at Allyana. Hindi man makapaniwala ang iba na ikinasal muli si Allyana ay nalaman rin naman ng mga ito ang dahilan sa nangyari sa kanila ni Dylan. Ganoon pa man ay makikita sa mga ito ang tuwa at saya para sa kanilang dalawa. Noong kunin ni Seb ang kamay ni Allyana sa harapan ng magulang niya ay walang naging totol ang mga ito at sa halip ay natutuwa pa para sa kanilang dalawa. Wala na rin silang balita kay Keane at Dylan. Naisip niyang tinupad ng mga ito ang kagustuhan niya, kaya magaan na rin ang loob at balang araw ay mapapatawad rin niya ang mga ito. Naging made of honor naman si Chelsea sa kanilang kasal, habang si Dion rin ang naging partner nito. Hindi pa rin maiwasang mag asaran ang dalawa, ngunit, nakikita nila Allyana na higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sa dalawa. Para kay Allyana ay matutuwa siya kung magkatuluyan ang mga ito, tulad nila ni Seb. Sa reception ng kasal, naging abala ang bagong kasal s
Matapos mailipat ng magkahiwalay na kwarto sina Keane at Allyana ay halos ayaw namang umalis ni Seb sa tabi ni Allyana. Hinihintay niya itong magising at nais niyang siya ang unang makita nito kapag nagising. Hinahayaan na lamang siya ng magulang ni Allyana at tila naiintindihan nito ang kanyang nararamdaman dahil nalaman na rin naman nila kung anong mayroon sa kanila ni Allyana. Nakikita nila ang saya sa mga ni Seb habang nakatingin kay Allyana at nakikita rin nila kung gaano nito kamahal ang kanilang anak.Sa mga oras na iyon ay hinayaan na muna ni Dion si Seb sa gusto niya at siya na ang kumilos para tugisin si Albert. Nalaman niya mula kay Dylan na siya ang huling nakakita dito at sinabi rin nito kung anong ginawa niya kay Albert. Hindi naman nagreklamo si Dion sa ginawa nito at naiintindihan kung anong nararamdaman ni Dylan. Hinanap nila si Albert at nalaman nilang nasa isang hospital ito at nag aagaw buhay dahil sa natamo nitong mga tama ng baril. Nakita niya pa kung p
Nang malapit na sina Seb sa lokasyon kung saan naroon sina Allyana ay pinahinto niya saglit ang kotse at sinabing hahanap siya ng daan patungo sa building. Hindi agad sumang ayon si Dion, ngunit, desidido si Seb sa kanyang nais gawin kaya wala na siyang nagawa pa. Napag usapan nilang maghiwa-hiwalay bago makarating sa gate. Sina Dion na ang bahala sa pagpasok nila sa gate, habang sina Dylan naman ay naghanap rin ng daan para makapasok sa loob ng building, ganoon rin si Seb na dumaan sa kabila, kasama ang ilang tauhan nito.Nang nasa gate na sina Dion ay inutusan niya ang isa niyang tauhan na pasabugin ang malaking gate. Ginawa naman iyon ng kanyang tauhan at naghagis ng dalawang granade, kasunod noon ang malakas na pagsabog. Sinundan agad nila ito ng magkasunod na putok ng baril at ang ilan niyang kasama ay nagsimula nang pumasok sa loob, habang nagpapaputok. Narinig niyang nagpaputok na rin ang tauhan ni Albert. Mabilis ang naging kilos nila, hanggang sa nagtago sila sa gilid
Sabay na napatingin sina Seb at Dion, sa taong biglang dumating. si Dylan. Pareho silang napakuno't noo at lumapit dito."Bakit ka nandito? At paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ni Seb."Hindi na kailangan kung paano ko nalaman ang lugar na ito. Napagkasunduan namin ni Keane na tumulong sainyo," tanging sabi ni Dylan at kumuha ng baril na nakalatag sa mesa, kung saan naghahanda sila para sa pag alis."Nasaan si Keane?" tanong ni Dion at lumapit rin dito.Hindi agad nakapagsalita si Dylan at tila maging siya ay hindi sang ayon sa kung anumang ginawa nito."Pumunta siya kay Albert. Iniwan ko lang siya saglit pero bigla siyang nawala. Nag iwan lang siya ng sulat na pupuntahan niya si Albert upang malaman kung saan naroon sina Allyana. Maging ito ay iniwan niya," sabi ni Dylan at may nilapag na isang maliit na device sa mesa. Agad na nakilala iyon nina Seb."Sabi sa sulat, malalaman natin ang kinaroroonan nila at tatawag siya upang siguraduhin na nasa lugar siya kung saan naro
Nang marinig nina Seb at Dion ang malakas na sigaw ng ama ni Allyana ay mabilis silang tumakbo patungo sa itaas. Nakita nila sa dulo na nakatayo si Keane at Dylan, kaya pumunta sila doon.Ngunit, pareho rin na natigilan nang makitang nakahandusay ang ginang sa sahit at walang malay."Kinuha nila si Allyana. Kinuha nila ang anak ko!" umiiyak na sigaw nito.Hindi naman magawang kumilos ni Seb dahil sa kanyang narinig at tila bumalot muli ang kaba takot sa kanyang puso. Napatingin si Dion kay Seb at nakita nito sa kanyang mga mata ang kakaibang galit."I-I will put her in the bed," mayamaya ay sabi ni Dion at binuhat ang ginang patungo sa kama. Tiningnan nito ang kalagayan ng ginang at nakahinga siya ng maluwag dahil ayos lang ito. Ngunit, alam niyang lahat sila ay hindi maayos ang isip at nararamdaman."She's okay. This is unexpected and we are not prepared for it. But we will do anything to get them back," saad ni Dion at bumaling kay Seb na hindi pa rin nakapagsalita.Lumapit si Di
Naglakad si Seb at tumabi kay Allyana, habang nakatingin ngayon kina Keane at sa magulang ni Allyana. "Anong pinagsasabi mo? Hindi purket kamping-kampi kayo kay Allyana ay gagawa kayo ng ibang storya," inis na sabi ni Keane dito."Inaamin namin na may kasalanan din kami saiyo, dahil hindi namin nasabi ang totoong nangyari kay Tita. Isinama kami ni Mommy sa ibang bansa upang makalayo kay Albert at hindi ka na namin naisama dahil hindi ka namin nahanap. Iyon pala hawak ka na ni Albert, hindi ka na namin nakausap pa. Ngunit, sa pagkakataong ito ay kailangan naming sabihin saiyo ang totoo, upang malinawan ka na mali ang ginawa mo sa mga Buanafe, na dapat sila ang magiging kaagapay mo dahil bahagi ka ng pamilya nila. Si Albert ang naging dahilan kung bakit nasira ang buhay mo at hindi sila," paliwanag ni Seb kay Keane.Napamaang naman si Keane at napatiim-bagang na nakatingin ngayon kay Seb."Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo! Hindi iyan totoo! Sila ang sumira ng buhay ko! Sila!" ga
Bumaba mula sa sasakyan si Allyana, kung saan si Seb ang nagmamaneho. Napatingin pa siya sa labas ng kanilang mansion at tila bumalik ang masasayang alaala niya dito, na minsang nawala sa kanya. Ngayon, pakiramdam niya ay napaka-komportable ng paligid para sa kanya. May nakita siyang nakaparadang kotse at nakilala niya iyon. Naging seryoso siyang nakatingin sa kotse ni Dylan at talagang pumunta ito sa bahay nila. Sabagay, iyon naman talaga ang gusto niya."Let's go?" anyaya ni Seb at iniabot ang kamay dito.Napatingin si Allyana dito, saka tumango at naglakad sila papasok sa loob. Pinagbuksan siya ng gate, nang kanilang gwardiya na nginitian lang niya.Tumawag na sa kanila si Dion at sinabing nasa mansion na nila sina Keane. Hindi niya alam kung paano napapayag ni Dion si Keane na pumunta ngayon sa mansion, pero mabuti na lang iyon para sa kanya... para magkaharap-harap sila.Nang nasa pinto na sila ay bahagya silang nagkatinginan ni Seb at sabay na napatango. Naglakad sila pap
Hindi alam ni Seb kung ano ang nakikita niya ngayon kay Allyana. Bigla siyang nanibago sa aura nito, lalo na nang inalis lang nito ang tingin sa kanya at muling tumingin sa malayo.Hindi ito nagsalita o tumugon sa kanya.Naglakad siya palapit dito at tumabi sa pagkakatayo."I'm glad that you're awake. How's your feeling?" sabi niya dito.Hindi nagsalita si Allyana at nanatili pa rin nakatingin sa malayo. Wala namang magawa si Seb, kundi hayaan ito."Alright, I will give you a time to talk. You can talk to me or my mom or Dion. I will leave you for now," mayamaya ay sabi ni Seb at bahagyang tumalikod.Ngunit, hindi pa siya nakakalayo dito, nang marinig niyang magsalita ito."Sebastian Mcdavid.." tawag nito sa kanyang pangalan.Kaya naman ay dahan-dahan siyang napalingon kay Allyana, na ngayon ay dahan-dahan ring lumingon sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa. Hindi alam ni Seb kung ano ang mararamdaman niya. Hindi niya masabi kung bumalik na ba ang alaala nito o walang naging d
Naging maayos ang kalagayan ni Allyana, matapos siyang asikasuhin ng kaibigang doktor nina Seb. Ngunit, hindi pa rin nagigising si Allyana at habang ganoon pa rin ang kalagayan nito ay kumikilos naman sina Seb at Dion.Inalam nilang mabuti kung may kinalaman nga ba si Keane sa nangyari kay Allyana. Sinuri nila ang mga ebedensiya na nakuha ng tauhan nila. Nakita nila ang pouch ni Keane sa kotse, maging ang ilang I.D's nito. Nakalagay din sa pangalan niya ang kotse. Tiningnan rin nila ang CCTV na nakalagay sa katabing kanto, kung saan nakita nila kung anong ginawa kay Allyana. Halos manggalaiti naman si Seb, habang nakatingin sa CCTV, lalo na kung paano nito sagasaan si Allyana. Nakita nila ang babaeng bumaba sa sasakyan at nakita nilang si Keane iyon. Kinuha nila ang kuha ng CCTV at hindi nila hinayaang may makakuha pang iba nito. Matapos nilang matipon ang mga ebedensiya ay tinawagan naman nina Dion ang kilala nilang abogado para ibigay ang mga ebedensiyang iyon. Hindi alam ni All