Pregnant.Sinalubong ako ng sunod-sunod na pagduduwal pagdilat ko. Narinig ko pa ang kalabog mula sa labas at ang mahinang mura ni Kylo na hindi ko na pinansin pa. Pinunasan ko ang labi ko at nagmumog bago ako lumabas ng bathroom.Naabutan kong hawak-hawak ni Kylo ang likod niya. Mukhang nalaglag pa sa kama. Ngumiwi siya habang naglalakad palapit sa akin."Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.Inirapan ko siya at dumiretso sa labas ng kwarto. Narinig ko pa ang daing niya na masakit ang likod niya pero hindi ko na pinansin. Diretso ang lakad ko pababa ng hagdan at dumiretso agad sa kusina. Binuksan ko ang ref at naghanap ng maluluto bilang almusal namin."Hon, ilang araw na 'yan ha? Hindi mo pa balak magpatingin?" Tanong niya sa akin.Napairap na lang ako habang kumukuha ng itlog sa ref. I secretly used pregnancy test and it tested positive. Gusto ko sanang sabihin kay Kylo pero naiinis ako kapag nakikita ko siya."Hon!" Tawag niya sa akin.Niyakap niya ako mula sa likod at sininghot ang
Wakas."What happened to you, son?" Nag-aalalang tanong ni Mama nang makita akong wala sa sariling pumasok ng bahay."Wala na kami, Ma. Nakipaghiwalay si Chime sa akin," sumbong ko.Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa aking ina. Marahan niya akong binalot ng yakap. Hindi ko maintindihan ang rason niya. Kilala ko si Chime at kung inaakala niyang susukuan ko siya, hindi! Bukas ay kakausapin ko ulit siya. Bukas ay babalik ako sa kaniya para kausapin siya nang maayos. Babalik iyon sa akin. Mahal niya ako e. Parehas lang kami na hindi kaya kapag nawala sa piling ng isa't isa.Bumalik ako sa inn kinabukasan. May dala pa akong pagkain para sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at wala sa bahay nila na nilipatan. Balak kong sabihin sa kaniya na nabawi ko na ang bahay nila at pwede na silang bumalik ni Tito roon pero nakipaghiwalay siya."Ay, Sir, kagabi pa po naka-checkout si Ma'am," sabi sa akin ng staff doon."What?
Simula."Chime! Ang Mama mo, nasaan?"Nanginginig kong iniwas ang sarili ko sa mariin na pagkakahawak ni Papa. Nagmamadali akong tinapos ang hinuhugasan kong plato bago siya pagtuunan ng pansin."Papa, naman. Alam mo namang wala na si Mama," malumanay na sagot ko."Anong wala? Nasaan? Pauwiin mo!" Malakas na sigaw niya.Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. Hinawakan ko ang braso niya saka siya hinatak papasok ng kaniyang kwarto. Kinuha ko ang gamot niya saka iyon iniabot sa kaniya. Seryoso niya akong tiningnan bagay na ikinatakot ko."Para saan ang gamot na ito?" Tanong niya.Hindi ako nakasagot. Hindi ko masabi na para ito sa pampatulog niya. Mukhang hindi niya rin naman hinihintay ang sagot ko dahil agad niya itong ininom. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang unti-unti siyang pumipikit. Inayos ko pa ang pagkakahiga niya bago siya muling tapunan ng tingin.Buti naman at nakatulog na agad...Higit apat na taon na mula nang mamatay si Mama dahil sa cancer. Sumunod naman no'n ang s
Breakfast.Hinawi ko ang mahabang buhok ko nang sumabog ito pagbaba ko ng sasakyan na nirent namin. Kinuha ko ang maliit kong shoulder bag saka ito inilagay sa aking balikat."Hindi masyadong malaki ang nabili nating bahay pero ayos na ito kaysa nangungupahan tayo," sabi ni Mama.Pinagmasdan ko ang kulay mint green na bahay na nasa tapat namin. Up and down man, mas maliit naman ito tingnan kaysa sa mga bahay na nasa kalapit namin, lalo na sa bahay na nasa tapat namin na halos akupahin ang buong block na kahilera. Mas komportable nga lang itong bahay namin ngayon kaysa sa inuupahan namin noon."Maganda naman ito, Ma. Nakakahinayang nga lang na nilipat natin ng school si Chime. Alam mo namang paborito siya ng mga teachers niya sa Pasay.""Okay lang naman po, Pa. Nakapagpaalam naman ako sa kanilang lahat," nakangiting sabi ko.Adasha Chime Morin. Hindi na yata nawawala ang pangalan ko sa listahan ng mga may honors tuwing may recognition sa aming school. Kahit tuwing program, ako ang nags
Ballpen.Kulang na lang ay sa bahay na matulog si Kylo dahil araw-araw siyang naroon. Tuwing Sunday, sumasama siya sa amin nina Mama at Papa na magsimba. Para namin siyang inampon.Mabilis na napalapit sa kaniya ang loob ng magulang ko kaya sa kaniya rin ako pinagkakatiwala ng dalawa tuwing may pasok sila. Sa araw naman na ito, aalis kaming dalawa para mamili ng gamit para sa school."Alam mo bang ngayon lang ako bumili ng school supplies ko? Lagi kasing inuutos kay Ate Tina," sabi niya.Inayos ko ang clip na nasa aking buhok habang nakatingin sa salamin. Tinapunan ko ng tingin si Kylo na pinanonood ako sa ginagawa ko."Talaga?" Sagot ko. "Madalas, magkakasama kami nina Mama at Papa kapag bumibili ng gamit ko. Parang family bonding na rin namin."Tumango-tango siya sa likod ko. "Hindi ka ba nagtatali ng buhok?" Biglang tanong niya."Minsan lang. Tinatamad kasi ako minsang talian ang buhok ko. Masyadong mahaba e," sagot ko.Tumango siya sa akin. Ngumiti ako sa harapan ng salamin nang ma
Slave.Those were the memories I shared with Kylo. Minsang may umaway sa akin sa classroom because of a petty reason and Kylo was there to protect."Bida-bida ka masyado!" Singhal sa akin ng babae sa aking harapan. Kylo told me that she is one of the top students in this section. Baka kaya siya nagagalit dahil nasasagot ko ang tanong ng teachers."What are you saying?" Malumanay kong tanong. "I just answered the teacher's question. Anong mali ro'n?""Mapapel ka! Kahit hindi ikaw ang tinatawag, lagi kang sumasagot!" Singhal niya."Nagtataas ako ng kamay bago sumagot. Kung hindi mo iyon nakikita, pwedeng maupo ka sa tabi ko," sagot ko."Zyra, tumigil ka na," rinig kong bulong ng kaibigan niya."Nakakairita na kasi itong babaeng 'to. Magmula nang dumating dito, hindi na ako nakakarecite," sagot niya."Is that my fault?" Tanong ko.Kasalanan ko bang nauuna akong makaproduce ng answer bago siya? Kasalanan ko pa bang active ako masyado sa class? I just don't understand her arguments, it's r
Relationship."Ky, kuhanan mo ng maraming pictures si Chime, ha?" Paalala ni Mama kay Kylo."Noted, Tita. Don't worry, ako ang bahala sa prinsesa mo..." Humalakhak si Kylo bago akbayan si Mama.Ngayon magaganap ang program. Hindi makakapunta si Mama dahil may pasok siya, si Papa naman ay nasa station na nila at tuwing linggo lang umuuwi.Naiwan kaming dalawa ni Kylo sa bahay nang pumasok si Mama. Tinulungan niya akong maglinis ng bahay. Nagluto na rin ako ng pagkain namin para sa almusal, dito kasi siya natulog para raw maaga rin siyang makapag-ayos."Anong oras tayo papasok?" Tanong niya."Mga 9 daw. Aayusin pa nila ang buhok ko," sagot ko."Sa pick-up tayo sasakay mamaya para hindi masira ang gown mo. Nasabi ko na kay Kuya Peter 'yan," sabi niya.Tumango ako. Inutusan ko siyang maghain na nang patapos na akong magluto ng fried rice. Siya na rin ang nagtimpla ng gatas naming dalawa. "Kinakabahan ako..." Sabi ko habang binabalingan ang gown na nakalagay sa mannequin.Ito ang unang bes
Kiss.That was the start of our relationship. Senior high school kami nang maging magka-klase kami ulit. Parehas kaming Humanities and Social Science ang kinuha. Sa school pa rin namin no'ng jhs kami nag-enroll para hindi kami mapalayo."Nako! Hanggang shs, sinusundan mo si Chime!" Giit ni Yuna nang makita si Kylo na nakaupo sa tabi ko."Kahit hanggang pagtatanda, susundan ko siya!" Singhal ni Kylo sabay hawak sa kamay ko.Ngumiwi si Yuna saka nag-inarteng nasusuka. "Nakakadiri ka ma-inlove, Fortunato. Napaka-korni.""Kapag nahanap mo ang lalaking mamahalin mo, maiintindihan mo ako," pang-aasar sa kaniya ni Kylo."Hindi na. Ayaw ko ng sakit sa ulo. I'm enjoying my peace of mind at hindi ko kailangan ng lalaking sisira no'n.""Weh? Bakit si Gian?""Ew?" Ngumiwi si Yuna bago nagmamadaling umalis palayo sa amin.Natatawa ko siyang binalingan. Noong Grade 10 kami, nalaman naming nagkaroon pala ng relasyon ang dalawa pero saglit lang dahil masyado raw maarte si Yuna. Naiirita raw si Gian k