Share

Kabanata 3

Author: Reianne M.
last update Huling Na-update: 2022-10-13 21:54:28

Slave.

Those were the memories I shared with Kylo. Minsang may umaway sa akin sa classroom because of a petty reason and Kylo was there to protect.

"Bida-bida ka masyado!" Singhal sa akin ng babae sa aking harapan.

Kylo told me that she is one of the top students in this section. Baka kaya siya nagagalit dahil nasasagot ko ang tanong ng teachers.

"What are you saying?" Malumanay kong tanong. "I just answered the teacher's question. Anong mali ro'n?"

"Mapapel ka! Kahit hindi ikaw ang tinatawag, lagi kang sumasagot!" Singhal niya.

"Nagtataas ako ng kamay bago sumagot. Kung hindi mo iyon nakikita, pwedeng maupo ka sa tabi ko," sagot ko.

"Zyra, tumigil ka na," rinig kong bulong ng kaibigan niya.

"Nakakairita na kasi itong babaeng 'to. Magmula nang dumating dito, hindi na ako nakakarecite," sagot niya.

"Is that my fault?" Tanong ko.

Kasalanan ko bang nauuna akong makaproduce ng answer bago siya? Kasalanan ko pa bang active ako masyado sa class? I just don't understand her arguments, it's ridiculous for me.

"Hoy! Ano 'yan!"

Nilingon ko si Kylo na dala ang tumbler ko. Nagpapa-refill kasi siya lagi ng tubig sa Guidance office. Ang sabi niya, pwede naman daw iyon dito.

"Inaaway ni Zyra si Chime," sagot ng isa sa aming classmate.

"Ano? Bakit!" Inis na sigaw niya.

Mabilis siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko saka ako itinago sa likod niya. Hinarap niya ang babaeng nasa harapan ko na mukhang natahimik na.

"Hoy! Anong problema mo, Zyra? Hindi ka naman talaga matalino! May kodigo ka lang kaya ka laging nakakasagot sa exam," singhal ni Kylo sa kaniya.

"A-Ano? Hindi totoo 'yan," sagot ng babae.

"Kylo, stop it."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan pa ang pagsasalita niya. Saglit niya akong nilingon bago muling balingan ang babae sa harapan.

"Umalis ka sa harapan ko! Baka sabihin ko sa lahat dito na naglalagay ka ng kodigo sa ilalim ng palda mo tuwing exam!" Malakas na sigaw niya.

Narinig ko ang singhapan ng mga classmates namin sa sinabi ni Kylo. Umiiyak na lumabas ng classroom si Zyra. Salubong pa ang kilay ni Kylo nang harapin ako.

"That was harsh. Hindi mo na dapat pinahiya," saway ko sa kaniya.

"Iyon ang napapala niya," sagot niya. "Kung lalaki 'yon, baka sinapak ko siya. Pasalamat siya at babae siya."

"Hindi maso-solve ng pagiging violent ang isang problema, Ky. You always need to calm yourself kahit nasa gano'n kang sitwasyon," sabi ko pa.

"Yes, Miss. Noted! Sorry na," sabi niya sabay lapag ng tumbler ko sa lamesa niya.

Naupo siya sa upuan niya saka uminom sa sarili niyang tubigan. Ininuman ko rin ang akin.

"Dito mo 'yan ilapag sa table ko para hindi mabasa ang lamesa mo," sabi niya.

"Sa lapag na lang, mababasa naman ang sa'yo," sagot ko.

Nagpunit siya ng scratch paper saka inilapag sa sahig. Doon niya pinatong ang tumbler naming dalawa. Iyon ang iilan niyang ginagawa for me. Kahit ang maliliit na bagay, pinagtutuunan niya ng pansin.

"Sure ka bang same lang tayo ng inaaral? Bakit parang mas mahirap itong sa amin?"

Binasa ko ang notes ni Kylo. Kunot-noo ko pa itong paulit-ulit na binasa dahil magulo ang kaniyang sulat.

"Ahead kami ng two topics sa inyo. Kuhanin mo ang notes ko sa Math, aralin mo. May solution naman sa notebook ko," sagot ko.

Nalipat ako sa highest section pagtuntong namin ng Grade 9 kaya hindi na kami masyadong nagkakasama ni Kylo dahil may mga group works kami, gano'n din siya.

"Ang sakit sa ulo. Ayaw ko na," reklamo niya kahit na hindi pa binubuklat ang notebook ko.

Napairap ako sa sinabi niya. Tinigil ko ang pagbabasa ng notes ko bago siya balingan. Nakasalumbaba siya habang pinapanood ako.

"Sige na. Mag-aral ka na. Kaya ko 'to. Kailangan ko lang ng konting energy," sabi niya.

Sabay naming nilingon si Papa nang pumasok ito. May dala itong pizza na agad niyang inilapag sa lamesa na katapat namin ni Kylo.

"Kumain na muna kayong dalawa," sabi nito bago dumiretso sa kusina.

Tumayo naman ang kasama ko at mukhang susunod sa kay Papa.

"Tito, ayaw ko nang kasabay mag-aral si Chime..." Rinig kong sabi ni Kylo habang sinusundan si Papa.

"Aba't bakit?" Natatawang tanong ni Papa.

"Kahit linggo nag-aaral? Buong week na siyang nag-aaral, Tito. Dapat kapag weekends, nagpapahinga siya..." Sagot nito.

Humalakhak si Papa sa sinabi niya, maging si Mama na naglalaba ay narinig kong natawa rin. Napanguso na lang ako. Ilang beses niya na itong inireklamo sa akin. Dapat daw at marunong akong magchill. Marunong daw dapat akong magpahinga sa pag-aaral.

"Pag-aaral daw ang pahinga niya, Tito!" Malakas na reklamo ni Kylo.

May dala na siyang pitcher na may lamang Juice paglabas ng kusina. Mukhang nagtimpla si Papa...

"Chime, ipahinga mo naman ang mga mata mo. Kung gusto mo, gumala kayo nitong si Kylo sa mall. Mamasyal naman kayo. Kailangan niyong magpahinga kahit isang araw sa pag-aaral," sabi ni Papa.

Naguilty naman ako sa mga naririnig kong sinabi nila kaya itinabi ko na muna ang mga gamit ko. Ang gamit ni Kylo ay inayos ko na rin sa loob ng kaniyang bag. Iniiwan niya na rito ang bag niya dahil dito naman daw siya gumagawa ng assignment.

Every Sunday ang dayoff nina Mama at Papa kaya lagi kaming nagsisimba, syempre kasama si Kylo.

"Gosh! May competition pa para sa Buwan ng Wika tapos kailangan pa nating gumawa ng damit para sa fashion bash. Hindi kasi natuloy ang event last year kasi nagpalit tayo ng principal pero ngayon, itutuloy na raw..."

Sabay-sabay kaming umangal sa sinabi ng class president namin. Nabigla ako nang malaman ko na kakaiba pala ang paraan ng program nila tuwing Buwan ng Wika. Each section, kailangang magparticipate sa magaganap na Speech choir. May Spoken word poetry rin na bawat class at dapat may isang representative. Excepted ako sa dalawa dahil ako ang representative para sa fashion bash.

I was surprised when they told me about the details of that event. Ang fashion bash daw ay labanan ng mga muses (which obviously, is me). Ang mga susuotin namin ay gawa sa recycled materials. Hindi naman raw iyon pageant pero kailangan daw naming i-describe ang suot namin.

May two weeks pa kami para paghandaan ang gagawin namin. Masyado iyong bitin dahil sa rami ng gagawin namin kaya minabuti naming magplano muna ng script para sa speech choir habang ang ilan ay nags-sketch ng design para sa susuotin ko.

"You think kaya mong dalhin kung didikitan ng disks ang gown?" Tanong ni Yuna.

Marahan akong tumango. "I think so. Siguro naman hindi iyon masyadong mabigat," sagot ko.

"Madali sana ang newspaper pero I doubt na mananalo tayo kung iyon ang gamit," sabat ni Liam.

"Mabilis ding masira iyon. Baka hindi pa nakakatapak ng stage si Chime, punit na ang suot niya. Hindi ka pa ba nadadala?" Inis na tanong ni Yuna.

"No'ng grade seven, anong ginawa niyo?" Tanong ko.

Sabay-sabay nilang nilingon si Yuna. Umismid ang pangalawa saka umirap sa ere.

"I already told you na hindi ko kayang bitbitin ang gown na ginawa niyo," singhal niya.

"Gown ang pinasuot namin kay Yuna. Tapos dinikitan namin ng tansan, masyado palang mabigat..."

Ngumuso si Yuna saka ako binalingan. "Kaya nga tinatanong kita kung kaya mo iyong disk."

Tumango ako sa kaniya. They said that Yuna is the best when it comes to planning for the costume. Medyo nagduda nga lang daw sila dahil sa nangyari last year.

"Ang naisip ko kasi na design ng damit mo..."

"Chime!"

Automatikong bumaling kami ng mga kaklase ko sa tumawag. Nakita ko si Kylo na kumakaway sa pintuan ng classroom namin. May dala siyang snacks na mukhang dinala niya para sa akin.

"Oh, great! Your slave is here again," sarkastikong bulong ni Yuna.

"Wait lang, ha?"

Tumango sila. Sanay na sila sa araw-araw at maya't mayang pagsilip ni Kylo. Minsan, kinukuha niya ang tumbler ko para refill-an kahit naman may laman pa. Minsan din siyang naki-sit-in sa class namin dahil homeroom nila.

"Anong ginagawa mo rito? English subject mo, ha?" Tanong ko.

"Oo, alam ko. Dumaan lang ako kasi alam kong homeroom mo. Nagdala rin ako ng snacks..." Sabi niya.

"Thank you," sabi ko.

Kinuha ko ang isang maliit na styrofoam na mukhang burger ang laman. May hawak pa siyang cup na may lamang Maja de Blanca.

"Ubusin mo 'yan! Huwag mong bibigyan ang classmates mo," paalala niya.

Natatawa akong tumango sa kaniya. "Sige na, pumasok ka na. Makinig ka sa class mo, ha?"

"Yes, Ma'am!" Ngumiti siya saka sumaludo sa akin. "Pumasok ka na sa loob. Papasok na rin ako."

Ngumiti ako saka tumango sa kaniya. Naupo ako sa inuupuan ko bago tumingin sa kaniya at ngumiti.

"Aba! Bakit sa sahig ka nakaupo?" May kalakasang singhal niya.

"Hoy, Fortunato! Nag-aaral kami rito kaya tigilan mo 'yang panliligaw mo kay Morin!"

Nagtawanan ang mga classmates ko sa sinabi ni Gian na president namin. Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Ilang beses nilang pinupuna ang pag-aalaga sa akin ni Kylo. Ngunit nilinaw ko sa kanilang magkaibigan lang kami. Ayaw kong masira ang espesyal na relasyon namin kung sakaling bibigyan ko ng kahulugan ang mga ginagawa niya.

"Ayusin niyo 'yan, Gian! Hindi ko pinapadapuan ng lamok 'yan—"

"Ang daldal mo talaga! Sige na! Maghahanda ako ng red carpet para sa reyna mo!" Singhal ni Gian habang sinesenyasan siyang umalis na.

Nakangusong kumaway sa akin si Kylo bago siya tuluyang umalis ng classroom. Mabagal kong kinakain ang binili niyang pagkain habang nagb-brainstorming kami ng mga classmates ko.

"Hindi naman maipagkakailang gwapo talaga si Kylo. Actually, pinipilit siya ng teachers na ilaban sa mga pageants pero ayaw niya. He told them na magbubulakbol siya lalo kapag pinilit pa nila ito," sabi ni Gian.

"I heard galing siya sa private school, right?" Tanong ni Samantha.

"Oo! Lumipat dito second grading ng grade seven kasi masyadong matigas ang ulo. Akala nila titino rito pero nagrecruit pa ng mga tropa para may kasama siya magcutting," sagot ni Gian.

Hindi na ako nagulat sa kwento nila. Nakwento naman na sa akin ni Kylo ang tungkol sa mga ganitong bagay sa buhay niya. Mabuti nga at tumino na siya kahit papaano ngayon.

"Gusto kong Filipiana ang suot mo since Buwan naman ng Wika ang program..." Sabi ni Yuna matapos sawayin si Gian sa pagku-kwento tungkol kay Kylo. "Maghahanap tayo ng tela na hindi mabigat para kapag dinikitan na natin ng disk ang dress mo, hindi ka mahihirapan."

Nakwento ko na kay Mama ang tungkol sa gawain namin sa school. Baka kasi magkaroon kami ng biglaang overnight dahil halata namang iyon ang kailangan naming lahat.

"Saan ba tayo pwedeng mag-overnight?" Tanong ni Liam.

Iniabot sa akin ni Kylo ang tumbler ko saka naupo sa tabi ko. Pakiramdam ko kaklase na rin namin si Kylo dahil lagi siya sa aming nakasabay tuwing breaktime. Mas mga pinag-uusapan pa kasi kaming details kaya hanggang breaktime ay magkakasama kami.

"Pwede sa bahay," suhestiyon ni Kylo.

"At bakit doon? Baka kuhanin mo pa idey—"

"Hoy! Ang kapal mo, ha..." Singhal ni Kylo kay Gian. "Ni hindi ko nga pinapakialaman classmates ko sa ginagawa nila tapos kukuhanin ko idea niyo?"

"Hoy, joke lang naman 'yon! Don't tell me, naoffend ka?" Pang-aasar ni Gian sa kaniya.

"Nako! Ang sarap talaga bigwasan ng mukha mo," singhal ni Kyli habang umaambang sasapakin si Gian.

"Magrent na lang ulit tayo ng place," sabi ni Henry.

"Sa bahay na nga lang! Maraming rooms sa bahay," singhal ni Kylo.

"No, Ky. Section namin 'to baka anong sabihin ng classmates mo kapag nalaman na roon kami sa inyo ng overnight," sabi ko.

Tumango-tango ang mga classmates ko sa sinabi ko. "Oo nga! Warfreak pa naman ang ilan sa classmates mo!"

"Oh, edi after niyo mag-overnight sa bahay, sila naman! Is that a problem?" Sabi ni Kylo.

"Hindi ba magagalit Mommy mo?" Tanong ni Gian.

Umiling siya. "Bukod sa mga katiwala sa bahay, ako lang ang tao sa bahay! Magpapaalam na lang ako kay Mama. Papayag naman 'yon basta si Chime ang dahilan."

"Nako! Kulang na lang yata ay magsama kayo sa iisang bahay!" Sabi ni Gian.

Nagtawanan ang mga classmates ko, gano'n din ako. Sabado nang magdecide kami na mag-overnight sa kanila. Sa tagal naming magkakilala, hindi ko pa nakikita ang Papa niya. Busy raw kasi sa negosyo kaya gano'n. Ang kapatid niya naman na panganay ay nasa Cebu dahil may tinatayo raw silang panibagong negosyo roon. Si Tita Kayla ay nakilala ko na no'ng pumunta siya sa amin no'ng birthday ko. Totoo ngang pumayag si Tita Kayla na sa kanila kami tumuloy. Binilin niya pa sa tauhan nila na asikasuhin kami. Malawak ang garden area nina Kylo. Roon kami pumuwesto dahil may malaking solar light naman kaya malinawag doon.

"Unahin muna natin ang gown ni Chime. Para kapag may error, maayos agad..."

Pinagtulungan naming gunting-guntingin sa maliliit na bahagi ang disk na dala namin. Saglit pa akong napatigil nang maupo si Kylo sa tabi ko at may hawak na gunting.

"Tutulong ako, ha? I'm bored you know," sabi niya.

Hindi na siya naghintay pang may sumang-ayon sa sinabi niya. He indeed helped us a lot. Pati ang magdidikit sa gown ng ginupit naming disk, ginawa niya.

"Mag-iingat ka kapag sinuot mo 'to. Matalas ang disk baka masugatan ka," bulong ni Kylo sa akin.

Tumango na lang ako. Nasa kalahati na sila nang ipasukat sa akin ang gown. Sumasayad sa Bermuda grass ang gown na suot ko. Inayos ni Yuna ang laylayan ng gown sa likod saka namewang sa harapan ko.

"Mabigat?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi pa naman."

Nagtawanan sila sa sagot ko. Pinagtulungan nilang hubarin sa akin ang gown. Si Kylo ay hawak ang t-shirt na suot ko para hindi ito umangat.

"Maghe-heels pa ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Kylo nang balingan ang gown na sinisimulan na naman nilang gawin.

"Oo pero hindi masyadong mataas. 'wag kang kabahan dahil mukhang sanay si Chime rito," sabi ni Gian.

"Sa classroom niyo ako tatambay sa mismong program, ha?" Sabi niya.

"Ha? Paano ang speech choir niyo?" Tanong ko.

"Ako gumawa ng script. Iyon na ambag ko! Sinabi ko na kay Ma'am Padua 'yon," sagot niya.

"Oh, e anong gagawin mo sa room namin? Baka anong sabihin nila?" Nag-aalalang tanong ko.

Medyo hindi pa naman maganda ang relasyon namin ni Zyra na siyang president nila.

"Ano pa bang gagawin niya? Edi magpapa-alipin sa'yo!" Sabat ni Henry na nagpatawa sa aming lahat.

Kaugnay na kabanata

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 4

    Relationship."Ky, kuhanan mo ng maraming pictures si Chime, ha?" Paalala ni Mama kay Kylo."Noted, Tita. Don't worry, ako ang bahala sa prinsesa mo..." Humalakhak si Kylo bago akbayan si Mama.Ngayon magaganap ang program. Hindi makakapunta si Mama dahil may pasok siya, si Papa naman ay nasa station na nila at tuwing linggo lang umuuwi.Naiwan kaming dalawa ni Kylo sa bahay nang pumasok si Mama. Tinulungan niya akong maglinis ng bahay. Nagluto na rin ako ng pagkain namin para sa almusal, dito kasi siya natulog para raw maaga rin siyang makapag-ayos."Anong oras tayo papasok?" Tanong niya."Mga 9 daw. Aayusin pa nila ang buhok ko," sagot ko."Sa pick-up tayo sasakay mamaya para hindi masira ang gown mo. Nasabi ko na kay Kuya Peter 'yan," sabi niya.Tumango ako. Inutusan ko siyang maghain na nang patapos na akong magluto ng fried rice. Siya na rin ang nagtimpla ng gatas naming dalawa. "Kinakabahan ako..." Sabi ko habang binabalingan ang gown na nakalagay sa mannequin.Ito ang unang bes

    Huling Na-update : 2022-10-14
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 5

    Kiss.That was the start of our relationship. Senior high school kami nang maging magka-klase kami ulit. Parehas kaming Humanities and Social Science ang kinuha. Sa school pa rin namin no'ng jhs kami nag-enroll para hindi kami mapalayo."Nako! Hanggang shs, sinusundan mo si Chime!" Giit ni Yuna nang makita si Kylo na nakaupo sa tabi ko."Kahit hanggang pagtatanda, susundan ko siya!" Singhal ni Kylo sabay hawak sa kamay ko.Ngumiwi si Yuna saka nag-inarteng nasusuka. "Nakakadiri ka ma-inlove, Fortunato. Napaka-korni.""Kapag nahanap mo ang lalaking mamahalin mo, maiintindihan mo ako," pang-aasar sa kaniya ni Kylo."Hindi na. Ayaw ko ng sakit sa ulo. I'm enjoying my peace of mind at hindi ko kailangan ng lalaking sisira no'n.""Weh? Bakit si Gian?""Ew?" Ngumiwi si Yuna bago nagmamadaling umalis palayo sa amin.Natatawa ko siyang binalingan. Noong Grade 10 kami, nalaman naming nagkaroon pala ng relasyon ang dalawa pero saglit lang dahil masyado raw maarte si Yuna. Naiirita raw si Gian k

    Huling Na-update : 2022-10-14
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 6

    Diamond.I graduated Valedictorian on our senior high school year. Kylo also graduate with honor which makes us happy. I took BS Tourism Management when we turn college. Kylo wants to be a pilot so he pursued it. Gusto niya raw na sabay kaming lilipad sa pangarap naming dalawa. Wala naman talaga siyang plan for college. Iniisip niya kasing tutulong siya sa parents niya sa pagma-manage ng business nila noon pero ngayon, gusto niya na raw na mag pilot.Napangiti ako habang nakatingin sa flyers na hawak ko. Tatakbo akong Vice-President ng university ngayon. Si Kylo ay nasa sergeant at arms, hindi talaga siya mawawala roon."Dito, Hon? Takpan ko kaya 'to?" Singhal niya habang nakaturo sa isang malaking poster ng kalaban namin sa bulletin board."Sa kabila na lang. Baka anong sabihin sa atin," sagot ko.Hindi ko naimagine noon na tatakbo ako bilang Vice-President ng university. Medyo mahiyain kasi ako kahit na mahilig akong sumali sa mga competitions, pero minotivate ako ni Ky kaya sinubuk

    Huling Na-update : 2022-10-15
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 7

    Warning: R18+If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter. ——Fiancee.Nag-celebrate ang buong family namin dahil sa proposal ni Kylo. No'ng weekend no'n, nagpunta kaming La Union at nagkaroon ng 2 days and 1 night vacation. Deserve raw namin ng saglit na celebration kahit na hindi naman na iyon kailangan."Wow! Level up ka na, Ky. Talagang tinali mo na si Chime," humalakhak si Gian habang tinitingnan ang daliri ko."I'm so happy to the both of you!" Ngumiti si Yuna sa akin.Close talaga ako sa section namin kaya sila ang unang sinabihan ko tungkol sa propasal ni Kylo sa akin. May sarili na akong cellphone dahil iyon ang regalo nina Mama at Papa no'ng nagdebut ako. Unang picture pa no'n ay ang larawan ni Kylo na natutulog sa sofa ng bahay.Nagpaalam kami kina Mama at Papa na magba-bar kami. Pumayag naman sila pero kailangang hindi kami masyadong gagabihin. Hindi na naman daw kasi sila uuwi dahil may inaasikaso silang dalawa.

    Huling Na-update : 2022-10-16
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 8

    Eyes.Sobrang sakit ng katawan ko kinabukasan. Ni hindi ko magawang maglakad. Isang beses lang naman namin ginawa pero bakit ganito ang epekto sa akin?Nagtoothbrush ako bago marahang bumaba ng hagdan. Naabutan ko si Kylo na naglalaba sa common bathroom. Kumunot ang noo ko. Anong trip nito?"Anong ginagawa mo, Hon?" Tanong ko.Mukhang nagulat siya sa presensya ko dahil napatalon pa siya. Ngumiti siya sa akin saka pinunasan ang noo gamit ang kaniyang braso."Nilalabhan ko 'yong towel kagabi. Awkward kapag pinalabhan natin kay Tita 'yon saka baka malaman," humalakhak siya.Natatawa ko siyang pinanood. Mukhang hindi pa siya sanay sa ginagawa. Towel lang naman ang nilabhan niya pero puno ng bula ang buong bathroom. Sayang ang sabon... Hindi talaga marunong magtipid ang isang 'to.Mag-aasikaso sana ako ng breakfast namin pero nakahain na iyon sa lamesa. Anong oras ba siya nagising? Naghanda na lang ako sa lamesa saka nagtimpla ng kape para sa aming dalawa. Mabuti naman at no'ng saktong tap

    Huling Na-update : 2022-10-17
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 9

    Strong."Ma, 'wag naman ganitong biro," mahinang sabi ko habang mahigpit ang hawak sa kaniyang kamay.Mabilis akong tumabi nang dumating ang mga nurse na tinawag ko. Tulala ako habang sinusubukan nilang i-revive si Mama. I tried calling Papa pero nakapatay ang phone niya. Sa huli, ang nag-iisang tao lang na alam kong hindi ako iiwan ang tinawagan ko. It's always him."Hon?" Bungad niya. "Why?"Imbes na sumagot ay humikbi ako. Sunod-sunod ang patak ng luha ko nang marinig ko ang boses niya. Rinig kong may nalaglag sa background saka ang mahinang mura niya."Hon? Teka, papunta na ako. Stay there, okay? I'm on my way," mabilis niyang sabi bago ko narinig ang paalam niya kay Tito Michael.Iyak ako nang iyak habang tinatabunan ng puting kumot si Mama. One of the nurses comforted me pero walang tigil ang pagpatak ng luha ko. Inabutan niya pa ako ng tubig para kumalma ako pero sadyang hindi ko kayang pigilan ang luha.Paulit-ulit kong tinawagan si Papa pero hindi siya sumagot. Where the hell

    Huling Na-update : 2022-10-18
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 10

    Family.I will celebrate Christmas with my fiancee's family. Wala kasi si Papa kaya sinama nila ako sa Cebu kung nasaan ang pamilya ng panganay nila. Hindi rin naman masyadong umuuwi si Papa at minsan nagpapadala na lang siya ng pera para sa allowance ko at gastusin sa bahay. Kaming dalawa na lang tuloy ni Kylo ang naglalagi roon. Parang inabanduna na rin niya ang bahay nila na puro tauhan na lang nila ang nakatira. Kaya ang sabi ni Tita, sumama na lang ako sa Cebu."It's nice to meet you, Chime. I heard a lot about you," nakangiting sabi ni Kuya Mauro nang makapasok kami sa bahay."Nice to meet you po, Kuya." Ngumiti ako sa kaniya."Where is my nephew?" Tanong ni Kylo habang nakahawak sa bewang ko."Baka pinaliliguan ni Trinity," sagot nito."Dito raw muna kayo habang nandito kami sa Cebu?" Tanong ni Ky saka ako pinaupo sa malambot na sofa.Kadarating lang namin galing sa Taguig. May dinaluhan pa kasi kaming final meeting para sa project namin sa university bago kami pumunta rito sa

    Huling Na-update : 2022-10-19
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 11

    Life.Nagtrabaho kami ni Kylo sa kompanya nila nang magbakasyon. Encoder ako roon habang siya naman ay pinag-aaralan ang pamamalakad ng kompanya. Tinuturuan siya ni Tito Michael at minsan tinatawagan niya si Kuya Mauro kapag may hindi siya naiintindihan.No'ng birthday naman ni Kylo ay nagpunta kaming Boracay ay roon nagcelebrate. Nagbabalak pa nga si Tita Kayla na magtayo ng rest house malapit doon dahil gusto niya raw ng property malapit sa dagat.At no'ng magbirthday naman ako, sa isang restaurant sa Antipolo kami nagdate. Medyo late kasi ang pasukan namin ngayong year at mabuti iyon dahil kahit papaano, nacelebrate namin ang birthday ko.Medyo busy kami nang magsimula ang class. Hindi rin masyadong nagkakasundo ang schedule namin ni Kylo kaya bihira kami nagkakasama sa loob ng university. Minsan ay sinusundo niya na lang ako kapag wala siyang schedule o kaya naman hinihintay niya ako kapag maaga ang uwian niya. "Kaya ayaw ko talagang hindi tayo same ng schedule e," reklamo ni Kyl

    Huling Na-update : 2022-10-20

Pinakabagong kabanata

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Wakas

    Wakas."What happened to you, son?" Nag-aalalang tanong ni Mama nang makita akong wala sa sariling pumasok ng bahay."Wala na kami, Ma. Nakipaghiwalay si Chime sa akin," sumbong ko.Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa aking ina. Marahan niya akong binalot ng yakap. Hindi ko maintindihan ang rason niya. Kilala ko si Chime at kung inaakala niyang susukuan ko siya, hindi! Bukas ay kakausapin ko ulit siya. Bukas ay babalik ako sa kaniya para kausapin siya nang maayos. Babalik iyon sa akin. Mahal niya ako e. Parehas lang kami na hindi kaya kapag nawala sa piling ng isa't isa.Bumalik ako sa inn kinabukasan. May dala pa akong pagkain para sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at wala sa bahay nila na nilipatan. Balak kong sabihin sa kaniya na nabawi ko na ang bahay nila at pwede na silang bumalik ni Tito roon pero nakipaghiwalay siya."Ay, Sir, kagabi pa po naka-checkout si Ma'am," sabi sa akin ng staff doon."What?

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 35

    Pregnant.Sinalubong ako ng sunod-sunod na pagduduwal pagdilat ko. Narinig ko pa ang kalabog mula sa labas at ang mahinang mura ni Kylo na hindi ko na pinansin pa. Pinunasan ko ang labi ko at nagmumog bago ako lumabas ng bathroom.Naabutan kong hawak-hawak ni Kylo ang likod niya. Mukhang nalaglag pa sa kama. Ngumiwi siya habang naglalakad palapit sa akin."Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.Inirapan ko siya at dumiretso sa labas ng kwarto. Narinig ko pa ang daing niya na masakit ang likod niya pero hindi ko na pinansin. Diretso ang lakad ko pababa ng hagdan at dumiretso agad sa kusina. Binuksan ko ang ref at naghanap ng maluluto bilang almusal namin."Hon, ilang araw na 'yan ha? Hindi mo pa balak magpatingin?" Tanong niya sa akin.Napairap na lang ako habang kumukuha ng itlog sa ref. I secretly used pregnancy test and it tested positive. Gusto ko sanang sabihin kay Kylo pero naiinis ako kapag nakikita ko siya."Hon!" Tawag niya sa akin.Niyakap niya ako mula sa likod at sininghot ang

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 34

    Marry.Everything right now is perfect to me. Tiningnan ko si Kylo na nakaluhod sa harap ni Papa at tinutulungan siyang maligo sa bathroom. Napangiti na lang ako habang pinanonood sila. Tahimik akong naglakad palabas ng bathroom at inayos ang kwarto ni Papa.Binalingan ko ang larawan ni Mama na nakapatong sa tabi ng kama ni Papa. Inayos ko iyon at nginitian. I hope that she's watching us from heaven. Sana masaya siya at wala nang sakit na dinaramdam."Hon, ang towel ni Tito?" Sigaw ni Kylo mula sa bathroom."Teka lang!" Sigaw ko habang inaayos ang bedsheet ng kama.Minadali ko iyon bago kuhanin ang towel na naka-sabit sa pintuan at iniabot iyon kay Kylo. Ngumiti siya sa akin bago pumasok muli sa bathroom."Kylo! Chime!" Sigaw naman ni Ate Trina mula sa baba. "Handa na raw ang sasakyan sabi ni Jose!""Sige po, Ate. Inaasikaso lang si Papa ni Kylo!" Sigaw ko.Wala kaming pasok ngayon at nagyaya si Kylo na pumuntang Las Piñas. Aniya, nagtext na raw siya kay Manang na pupunta kami roon ng

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 33

    Alumni.Ang mga sumunod na linggo ay mas naging magaan para sa amin. Our relationship that we built now became stronger not that it was weak before.Binalingan ko si Kylo na nagsusukat ng kaniyang suit. Nasa akin ang atensyon niya kahit na kinakausap siya ng staff. Nagsusukat kami ngayon ng gown at suit para sa darating na grand alumni sa dati naming school noong high school kami."Hon, kinakabahan ako," sabi ko sa kaniya matapos naming lumabas ng boutique.May isang linggo pa kaming preparation para sa alumni at medyo late na kaming nagsukat ng susuotin. Mabuti na lang at may connection siya sa Blue, boutique shop ng kilalang Pinay fashion designer na si Ms. Fritzy, kaya medyo nagkaroon kami ng special treatment para mapabilis ang pag-aayos ng susuotin namin.Mahina siyang humalakhak. "I'm with you, Hon, and besides our friends were looking for you. Miss ka na ng mga 'yon."Bumuntong-hininga ako. Hindi ko maiwasang kabahan dahil pakiramdam ko kumalat din sa kanila ang pagta-trabaho k

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 32

    Warning: R18+If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter. ———Everything."Tito, good morning po!" Maligayang bati ni Kylo nang pumasok ng bahay.Binalingan ko siya at pinanlisikan ng mga mata. Dumapo sa akin ang tingin niya pero inirapan ko lang siya. Humalakhak siya habang naglalakad papunta sa akin."Good morning, Hon!" Tuwang-tuwa niyang bati.Inirapan ko lang siya. Inayos ko ang pagkakahain sa lamesa at inignora siya. Inilapag niya ang dalang mga pagkain sa lamesa namin habang humahalakhak."Sorry na, Hon..." Sabi niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Siniksik niya ang kaniyang mukha sa akin kaya bahagyang nagtaasan ang balahibo ko."Sorry na. Male-late ang kain ni Tito kung itinuloy natin," bulong niya."Wala naman akong sinabi!" Giit ko."Pero galit ka e," malambing niyang bulong. "Babawi tayo mamayang gabi. I swear.""Ayaw ko na!" Sabi ko bago alisin ang pagkakayakap niya sa akin.Malakas siyang h

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 31

    Fixed."Please? Let's fix us," sabi niya sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko. Marahan niya akong hinatak palapit sa kaniya. Pinalis niya ang luha sa pisngi ko. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon."Baka hindi siya para sa atin, H-Hon," sabi niya. "Hindi ka ba n-nasasaktan?" Umiiyak kong tanong. "Nawalan tayo ng anak, Ky!"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay wala lang iyon sa kaniya. Saglit ko lang nakita ang sakit sa mga mata niya pero ngayon na nakatingin siya sa akin, hindi ko na makita iyon."M-masakit, Chime. Sobrang sakit," bulong niya sa akin. "Pero mas hindi ko kayang mawala ka e. Hindi ko kayang ikaw ang lumayo sa akin ulit."Hinawakan niya nang marahan ang aking pisngi. Pinagdikit niya ang noo namin. Sabay kaming umiyak habang nakatingin sa isa't isa. Nanghihina ako. Mahigpit akong yumakap sa kaniya at malakas na humagulgol."Kylo, ang baby natin..." umiiyak kong sumbong sa kaniya. "Ni hindi ko man lang siya nahawakan.""Shh..." Pag-aalo niya sa akin. "I'm s

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 30

    Confrontation."I will do everything and anything for you, Chime," dugtong niya.I smiled at him. Inilbot ko ang sarili ko sa loob ng bahay namin. Bukod sa mga pictures namin, wala ng ibang laman ang bahay. Binalingan ko si Kylo nang pumanhik ako ng hagdan. He just nodded telling me to go. Binuksan ko ang kwarto ko noon. May bagong kama roon at iilang pamilyar na litrato rin. May mga damit sa closet ko na alam kong hindi sa akin dahil sa bagong tag ng mga iyon. Bumuntong-hininga ako. Dapat hindi na ako nagugulat sa mga kayang gawin ni Kylo. Ang pagmamahal niya sa akin ay dapat nang hindi kwestyunin. Hindi dahil may tiwala ako sa kaniya kundi dahil araw-araw niyang sinisigaw iyon sa bawat galaw niya noon pa man.And what he did this time is not surprising. Pero wala na kami... Pwede niyang ibenta ang bahay no'ng mga nakaraang taon pero hindi niya ginawa. Did he really wait? Talagang akala niyang babalik ako? Talagang pinanghawakan niya iyon?Sinarado ko ang kwarto ko at binalingan an

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 29

    Party.Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya saka siya tinitigan nang mariin. I saw his eyes speaking on me about his real feelings. Nagsusumamo ang mga ito sa akin at alam ko sa sarili kong pagbibigyan ko iyon.Sasabihin ko sa kaniya ang tunay na nangyari sa akin. Sasabihin ko sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Sasabihin ko sa kaniya ang lahat at kapag natanggap niya pa ako—kapag hindi siya nagalit o anoman sa akin, sisimulan kong ayusin ang nasira namin."We'll talk about this later, okay?" Marahan kong sabi habang hawak ang mukha niya.Napapikit pa siya sa haplos ng kamay ko sa kaniyang pisngi. Pumatak ang luha sa kaliwang pisngi niya. Hinatak niya ako para yakapin muli. Parehas na kaming kumalma pero humihikbi pa rin siya. Kumalas naman agad siya sa pagkakayakap sa akin saka binuksan ang compartment niya. Kumuha siya ng dalawang bote ng tubig doon. Binuksan niya ang isa at iniabot sa akin.Sabay kaming uminom ng tubig. He gave me time to fix myself. Naglagay lang ako ng pressed

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 28

    House.Nagpanggap akong natutulog habang nasa byahe pauwi. Ramdam ko ang minsan-minsang tingin sa akin ni Kylo pero hindi ko idinidilat ang mga mata ko. Ayaw kong mabasa niya sa akin na nasasaktan ako. He knows me a lot and I know that he has idea why I suddenly shift my mood.Diretso akong bumaba ng sasakyan niya nang iparada niya ito. The maids were all smiling at me when I entered kaya tipid kong sinuklian ang ngiti nila."Chime..." Tawag ni Kylo sa akin.Mabilis akong pumanhik ng hagdan. Not minding that this isn't my house. Gusto ko lang magkulong sa kwarto at pakawalan ang luhang kanina pang gustong kumawala sa aking mga mata.I know that I am being emotional right now. Alam ko rin at paulit-ulit ko nang sinusuksok sa utak ko na ako ang nakipaghiwalay, ako ang sumira ng relasyon namin, ako ang nagwakas no'n. But seeing him with another girl... hindi ko pala kaya. Hindi pala kaya ng puso at utak ko na hayaan siyang sumaya sa iba—na may ibang babae sa buhay niya!"Chime..." Muling

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status