Family.I will celebrate Christmas with my fiancee's family. Wala kasi si Papa kaya sinama nila ako sa Cebu kung nasaan ang pamilya ng panganay nila. Hindi rin naman masyadong umuuwi si Papa at minsan nagpapadala na lang siya ng pera para sa allowance ko at gastusin sa bahay. Kaming dalawa na lang tuloy ni Kylo ang naglalagi roon. Parang inabanduna na rin niya ang bahay nila na puro tauhan na lang nila ang nakatira. Kaya ang sabi ni Tita, sumama na lang ako sa Cebu."It's nice to meet you, Chime. I heard a lot about you," nakangiting sabi ni Kuya Mauro nang makapasok kami sa bahay."Nice to meet you po, Kuya." Ngumiti ako sa kaniya."Where is my nephew?" Tanong ni Kylo habang nakahawak sa bewang ko."Baka pinaliliguan ni Trinity," sagot nito."Dito raw muna kayo habang nandito kami sa Cebu?" Tanong ni Ky saka ako pinaupo sa malambot na sofa.Kadarating lang namin galing sa Taguig. May dinaluhan pa kasi kaming final meeting para sa project namin sa university bago kami pumunta rito sa
Life.Nagtrabaho kami ni Kylo sa kompanya nila nang magbakasyon. Encoder ako roon habang siya naman ay pinag-aaralan ang pamamalakad ng kompanya. Tinuturuan siya ni Tito Michael at minsan tinatawagan niya si Kuya Mauro kapag may hindi siya naiintindihan.No'ng birthday naman ni Kylo ay nagpunta kaming Boracay ay roon nagcelebrate. Nagbabalak pa nga si Tita Kayla na magtayo ng rest house malapit doon dahil gusto niya raw ng property malapit sa dagat.At no'ng magbirthday naman ako, sa isang restaurant sa Antipolo kami nagdate. Medyo late kasi ang pasukan namin ngayong year at mabuti iyon dahil kahit papaano, nacelebrate namin ang birthday ko.Medyo busy kami nang magsimula ang class. Hindi rin masyadong nagkakasundo ang schedule namin ni Kylo kaya bihira kami nagkakasama sa loob ng university. Minsan ay sinusundo niya na lang ako kapag wala siyang schedule o kaya naman hinihintay niya ako kapag maaga ang uwian niya. "Kaya ayaw ko talagang hindi tayo same ng schedule e," reklamo ni Kyl
Emergency.Yakap-yakap ko ang isang libro ko habang naglalakad ako papunta sa office. Pinatawag daw kasi ako ni Mrs. Gomez na mukhang tungkol sa pag-alis ni Ate Nina sa university."Nerd, ang sabi ko, kuhanin mo ang ballpen ko gamit ang bibig mo!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki sa kung saan.Kumunot ang noo ko roon. College na kami tapos may bullying pa rito? Hindi pa ba sila nagma-matured?"Excuse me? What are you doing?" Matigas na Ingles kong tanong.Nakita kong nakahiga sa sahig ang isang lalaki na may itim na headphones sa leeg. Naka-hoodie siya na kulay gray at nadudumihan iyon dahil sa paninipa ni Kenneth."Oh. Nandito pala itong si Vice President," humalakhak si Kenneth Carillo."Iniisip kong bakit kaya college na't lahat e may bullying pa rito tapos nakita kong ikaw ang bully, Mr. Carillo, hindi na ako nagtaka..." ngumisi ako. "Isip-bata kasi ang galawan.""What did you say?" Galit niyang tanong."I will report this incident to the office. Please, prepare yourself for suspe
Blood, sweat, and tears."Oh? Saan ka pupunta, Chime?" Tanong ni Ate Tina nang makita akong pababa ng hagdan."A-Ah. Nandiyan po si Papa sa bahay, pinapauwi po ako," kinakabahan kong sagot habang mahigpit ang hawak sa cellphone at bag ko."Nako, gano'n ba?" Saglit siyang nag-isip bago tumango sa akin. "Sige. Magsabi ka kina Ma'am Kayla para hindi mag-alala. Ipapabantay ko rin kay Peter ang labas niyo para may guwardiya kayo.""Hindi na po, Ate. Nakakahiya naman," sagot ko.Saka hindi na iyon kailangan dahil alam ko namang may baril si Papa pero paano kung..."Ano ka ba? Girlfriend ka ni Kylo at parang anak ka na rin ni Ma'am Kayla kaya dapat pagsilbihan ka rin namin," saway niya sa akin. Mahina niyang pinalo ang braso ko saka ako inalalayan sa labas. "Peter, doon ka magbantay kina Chime at naroon daw ang Papa niya. Si Paul na muna ang papabantayin ko rito sa gate."Hiyang-hiya akong ngumiti kay Kuya Peter na bumaling sa akin. Tumango siya bago naunang naglakad. Mabilis ang kalabog ng
Break.Naghahalo ang hapdi ng pagkababae ko at ang sakit ng katawan ko habang tumatakbo ako palayo roon. I saw the continuous running of blood on my leg. Pumara ako ng taxi nang makakita ako no'n na palabas ng street. Nanlalabo ang mata ko dahil sa tuloy-tuloy na pagbagsak ng luha ko."K-Kuya, sa pinakamalapit na hospital."Nanginginig ako dahil sa pagkakabasa ko sa ulan. Pero mas ikinakatakot ko ang mangyayari sa anak ko. Ayaw kong mawala siya."Hala, Ineng! Pumasok ka na," mabilis na sabi ng driver.Inabot niya sa akin ang isang maliit na bimpo bago niya mabilis na pinaharurot ang sasakyan. I immediately wiped the blood on my legs. "Nandito na tayo, Ineng!" Mabilis na sabi ni Manong.Nanginginig kong kinuha ang wallet ko pero bago pa ako makabunot ng pera, lumabas siya ng taxi. Nagulat ako nang buksan niya ang pintuan sa banda ko saka ako mabilis na binuhat."Nurse! Nurse!" Malakas na sigaw niya habang buhat-buhat ako.Napapikit na lang ako sa sobrang pagod. Gustong-gusto kong magp
Alone."Adasha, isang Kare-Kare at isang Pinakbet doon sa lamesa ng mga marino."Mabilis akong nagsandok ng ulam saka iyon maingat na iniabot sa lamesa ng mga bagong dating na estudyante."Ganda talaga ni Adasha, Manang Letty. Saan mo nahanap 'to?" Tanong ng isa sa kanila.Tipid lang akong ngumiti sa kanila bago sila talikuran. Luckily, I found a place to stay and a work here in Las Piñas.Alam ko kasing kung hahanapin ako ni Papa, hindi niya maiisip na sa bandang South ako pupunta dahil masyadong malayo kumpara sa malalapit sa amin na Cities."Nako! Tigil-tigilan niyo ang pagpo-porma rito kay Adasha at walang interes magnobyo iyan..." Dinig kong sabi ni Manang Letty. "Mga marino talaga, oo. Seaman-loloko.""Grabe naman, Manang. Sinabi ko lang na maganda," humalakhak ang isa sa kanila. "I just found her mysterious, too. Masyadong maganda tapos naghihirap dito?"Gusto ko sanang sabihin na lahat naman ng tao ay pwedeng pumasok bilang waitress. Nakapasok ako bilang waitress sa maliit na
Eyes.Ngiting-ngiti ako habang niyayakap ni Eros ang leeg ko. Naghiyawan ang mga kasama namin sa ginawa niya. Kinuhanan pa nila kami ng litrato bago sila muling nagsigawan."Gosh! So eww!" Bulong niya sa tenga ko.Humalakhak ako habang patuloy ang pagre-reklamo niya sa akin. Medyo nakaipon ako sa pagta-trabaho buong taon kaya nakapag-enroll ako sa isang school dito sa Las Piñas. Kumuha ako ng scholar at pinalad akong makakuha ng 50% scholarship sa tulong ni Manang Letty. Mabuti na lang din at kahit papaano, may ipon ako noon.Nakuha ko sa school ang papers ko sa university na pinasukan ko sa Taguig. Si Mrs. Ramos pa ang nakausap ko at kinumusta pa ako. Ngayon, sinimulan ko ulit ang second year college ko. Nakilala ko roon ang mga bagong kaibigan ko ngayon."Ten seconds shot sa ating birthday girl!" Malakas akong hinila ni Vivien habang malakas ang tugtog sa Padis' point dito sa malapit ng STI na pinapasukan namin."Viv, hindi malakas uminom si Chime," saway sa kaniya ni Eros."Kaya ng
Mad."Congrats, Chime!""Walang kupas, ha? Akala ko ba hindi ka na confident?" Tanong ni Vivien.Humalakhak na lang ako. Ngayon ginanap ang pageant para sa Foundation week namin. Hindi ko rin inaasahan na mananalo ako lalo na't hindi na ako sanay sa ganito. Mabuti na lang at nadaan namin sa kaunting practice."Have you seen the face of other section?" Humalakhak si Yvonne sa harapan ko."Priceless," sagot ni Gio.Nagtawanan sila. Sinasabi ko na nga ba. Ito lang talaga ang rason bakit nila ako pinilit na sumali. Napailing na lang ako."Ipang-celebrate natin ang cash pri-""No, Chime. Sa'yo 'yan," sabi ni Vivien."Huh? Baliw, hindi na. Besides, alam kong malaki rin ang nagastos niyo rito," sagot ko.Silang lahat ang gumastos ng gown at ng iba pang kailangan ko. As in wala akong inilabas na pera habang ginagawa namin ang paghahanda sa pageant. Ang ambag ko lang talaga ay ang mukha ko at ang utak ko sa Q and A."Ano ka ba! Pinilit ka namin kaya malamang sagot namin. Sa'yo na 'yan para may
Wakas."What happened to you, son?" Nag-aalalang tanong ni Mama nang makita akong wala sa sariling pumasok ng bahay."Wala na kami, Ma. Nakipaghiwalay si Chime sa akin," sumbong ko.Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa aking ina. Marahan niya akong binalot ng yakap. Hindi ko maintindihan ang rason niya. Kilala ko si Chime at kung inaakala niyang susukuan ko siya, hindi! Bukas ay kakausapin ko ulit siya. Bukas ay babalik ako sa kaniya para kausapin siya nang maayos. Babalik iyon sa akin. Mahal niya ako e. Parehas lang kami na hindi kaya kapag nawala sa piling ng isa't isa.Bumalik ako sa inn kinabukasan. May dala pa akong pagkain para sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at wala sa bahay nila na nilipatan. Balak kong sabihin sa kaniya na nabawi ko na ang bahay nila at pwede na silang bumalik ni Tito roon pero nakipaghiwalay siya."Ay, Sir, kagabi pa po naka-checkout si Ma'am," sabi sa akin ng staff doon."What?
Pregnant.Sinalubong ako ng sunod-sunod na pagduduwal pagdilat ko. Narinig ko pa ang kalabog mula sa labas at ang mahinang mura ni Kylo na hindi ko na pinansin pa. Pinunasan ko ang labi ko at nagmumog bago ako lumabas ng bathroom.Naabutan kong hawak-hawak ni Kylo ang likod niya. Mukhang nalaglag pa sa kama. Ngumiwi siya habang naglalakad palapit sa akin."Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.Inirapan ko siya at dumiretso sa labas ng kwarto. Narinig ko pa ang daing niya na masakit ang likod niya pero hindi ko na pinansin. Diretso ang lakad ko pababa ng hagdan at dumiretso agad sa kusina. Binuksan ko ang ref at naghanap ng maluluto bilang almusal namin."Hon, ilang araw na 'yan ha? Hindi mo pa balak magpatingin?" Tanong niya sa akin.Napairap na lang ako habang kumukuha ng itlog sa ref. I secretly used pregnancy test and it tested positive. Gusto ko sanang sabihin kay Kylo pero naiinis ako kapag nakikita ko siya."Hon!" Tawag niya sa akin.Niyakap niya ako mula sa likod at sininghot ang
Marry.Everything right now is perfect to me. Tiningnan ko si Kylo na nakaluhod sa harap ni Papa at tinutulungan siyang maligo sa bathroom. Napangiti na lang ako habang pinanonood sila. Tahimik akong naglakad palabas ng bathroom at inayos ang kwarto ni Papa.Binalingan ko ang larawan ni Mama na nakapatong sa tabi ng kama ni Papa. Inayos ko iyon at nginitian. I hope that she's watching us from heaven. Sana masaya siya at wala nang sakit na dinaramdam."Hon, ang towel ni Tito?" Sigaw ni Kylo mula sa bathroom."Teka lang!" Sigaw ko habang inaayos ang bedsheet ng kama.Minadali ko iyon bago kuhanin ang towel na naka-sabit sa pintuan at iniabot iyon kay Kylo. Ngumiti siya sa akin bago pumasok muli sa bathroom."Kylo! Chime!" Sigaw naman ni Ate Trina mula sa baba. "Handa na raw ang sasakyan sabi ni Jose!""Sige po, Ate. Inaasikaso lang si Papa ni Kylo!" Sigaw ko.Wala kaming pasok ngayon at nagyaya si Kylo na pumuntang Las Piñas. Aniya, nagtext na raw siya kay Manang na pupunta kami roon ng
Alumni.Ang mga sumunod na linggo ay mas naging magaan para sa amin. Our relationship that we built now became stronger not that it was weak before.Binalingan ko si Kylo na nagsusukat ng kaniyang suit. Nasa akin ang atensyon niya kahit na kinakausap siya ng staff. Nagsusukat kami ngayon ng gown at suit para sa darating na grand alumni sa dati naming school noong high school kami."Hon, kinakabahan ako," sabi ko sa kaniya matapos naming lumabas ng boutique.May isang linggo pa kaming preparation para sa alumni at medyo late na kaming nagsukat ng susuotin. Mabuti na lang at may connection siya sa Blue, boutique shop ng kilalang Pinay fashion designer na si Ms. Fritzy, kaya medyo nagkaroon kami ng special treatment para mapabilis ang pag-aayos ng susuotin namin.Mahina siyang humalakhak. "I'm with you, Hon, and besides our friends were looking for you. Miss ka na ng mga 'yon."Bumuntong-hininga ako. Hindi ko maiwasang kabahan dahil pakiramdam ko kumalat din sa kanila ang pagta-trabaho k
Warning: R18+If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter. ———Everything."Tito, good morning po!" Maligayang bati ni Kylo nang pumasok ng bahay.Binalingan ko siya at pinanlisikan ng mga mata. Dumapo sa akin ang tingin niya pero inirapan ko lang siya. Humalakhak siya habang naglalakad papunta sa akin."Good morning, Hon!" Tuwang-tuwa niyang bati.Inirapan ko lang siya. Inayos ko ang pagkakahain sa lamesa at inignora siya. Inilapag niya ang dalang mga pagkain sa lamesa namin habang humahalakhak."Sorry na, Hon..." Sabi niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Siniksik niya ang kaniyang mukha sa akin kaya bahagyang nagtaasan ang balahibo ko."Sorry na. Male-late ang kain ni Tito kung itinuloy natin," bulong niya."Wala naman akong sinabi!" Giit ko."Pero galit ka e," malambing niyang bulong. "Babawi tayo mamayang gabi. I swear.""Ayaw ko na!" Sabi ko bago alisin ang pagkakayakap niya sa akin.Malakas siyang h
Fixed."Please? Let's fix us," sabi niya sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko. Marahan niya akong hinatak palapit sa kaniya. Pinalis niya ang luha sa pisngi ko. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon."Baka hindi siya para sa atin, H-Hon," sabi niya. "Hindi ka ba n-nasasaktan?" Umiiyak kong tanong. "Nawalan tayo ng anak, Ky!"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay wala lang iyon sa kaniya. Saglit ko lang nakita ang sakit sa mga mata niya pero ngayon na nakatingin siya sa akin, hindi ko na makita iyon."M-masakit, Chime. Sobrang sakit," bulong niya sa akin. "Pero mas hindi ko kayang mawala ka e. Hindi ko kayang ikaw ang lumayo sa akin ulit."Hinawakan niya nang marahan ang aking pisngi. Pinagdikit niya ang noo namin. Sabay kaming umiyak habang nakatingin sa isa't isa. Nanghihina ako. Mahigpit akong yumakap sa kaniya at malakas na humagulgol."Kylo, ang baby natin..." umiiyak kong sumbong sa kaniya. "Ni hindi ko man lang siya nahawakan.""Shh..." Pag-aalo niya sa akin. "I'm s
Confrontation."I will do everything and anything for you, Chime," dugtong niya.I smiled at him. Inilbot ko ang sarili ko sa loob ng bahay namin. Bukod sa mga pictures namin, wala ng ibang laman ang bahay. Binalingan ko si Kylo nang pumanhik ako ng hagdan. He just nodded telling me to go. Binuksan ko ang kwarto ko noon. May bagong kama roon at iilang pamilyar na litrato rin. May mga damit sa closet ko na alam kong hindi sa akin dahil sa bagong tag ng mga iyon. Bumuntong-hininga ako. Dapat hindi na ako nagugulat sa mga kayang gawin ni Kylo. Ang pagmamahal niya sa akin ay dapat nang hindi kwestyunin. Hindi dahil may tiwala ako sa kaniya kundi dahil araw-araw niyang sinisigaw iyon sa bawat galaw niya noon pa man.And what he did this time is not surprising. Pero wala na kami... Pwede niyang ibenta ang bahay no'ng mga nakaraang taon pero hindi niya ginawa. Did he really wait? Talagang akala niyang babalik ako? Talagang pinanghawakan niya iyon?Sinarado ko ang kwarto ko at binalingan an
Party.Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya saka siya tinitigan nang mariin. I saw his eyes speaking on me about his real feelings. Nagsusumamo ang mga ito sa akin at alam ko sa sarili kong pagbibigyan ko iyon.Sasabihin ko sa kaniya ang tunay na nangyari sa akin. Sasabihin ko sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Sasabihin ko sa kaniya ang lahat at kapag natanggap niya pa ako—kapag hindi siya nagalit o anoman sa akin, sisimulan kong ayusin ang nasira namin."We'll talk about this later, okay?" Marahan kong sabi habang hawak ang mukha niya.Napapikit pa siya sa haplos ng kamay ko sa kaniyang pisngi. Pumatak ang luha sa kaliwang pisngi niya. Hinatak niya ako para yakapin muli. Parehas na kaming kumalma pero humihikbi pa rin siya. Kumalas naman agad siya sa pagkakayakap sa akin saka binuksan ang compartment niya. Kumuha siya ng dalawang bote ng tubig doon. Binuksan niya ang isa at iniabot sa akin.Sabay kaming uminom ng tubig. He gave me time to fix myself. Naglagay lang ako ng pressed
House.Nagpanggap akong natutulog habang nasa byahe pauwi. Ramdam ko ang minsan-minsang tingin sa akin ni Kylo pero hindi ko idinidilat ang mga mata ko. Ayaw kong mabasa niya sa akin na nasasaktan ako. He knows me a lot and I know that he has idea why I suddenly shift my mood.Diretso akong bumaba ng sasakyan niya nang iparada niya ito. The maids were all smiling at me when I entered kaya tipid kong sinuklian ang ngiti nila."Chime..." Tawag ni Kylo sa akin.Mabilis akong pumanhik ng hagdan. Not minding that this isn't my house. Gusto ko lang magkulong sa kwarto at pakawalan ang luhang kanina pang gustong kumawala sa aking mga mata.I know that I am being emotional right now. Alam ko rin at paulit-ulit ko nang sinusuksok sa utak ko na ako ang nakipaghiwalay, ako ang sumira ng relasyon namin, ako ang nagwakas no'n. But seeing him with another girl... hindi ko pala kaya. Hindi pala kaya ng puso at utak ko na hayaan siyang sumaya sa iba—na may ibang babae sa buhay niya!"Chime..." Muling