Share

Love is Sweeter the Second Time Around
Love is Sweeter the Second Time Around
Author: Reianne M.

Simula

Author: Reianne M.
last update Huling Na-update: 2022-09-13 15:30:04

Simula.

"Chime! Ang Mama mo, nasaan?"

Nanginginig kong iniwas ang sarili ko sa mariin na pagkakahawak ni Papa. Nagmamadali akong tinapos ang hinuhugasan kong plato bago siya pagtuunan ng pansin.

"Papa, naman. Alam mo namang wala na si Mama," malumanay na sagot ko.

"Anong wala? Nasaan? Pauwiin mo!" Malakas na sigaw niya.

Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. Hinawakan ko ang braso niya saka siya hinatak papasok ng kaniyang kwarto. Kinuha ko ang gamot niya saka iyon iniabot sa kaniya. Seryoso niya akong tiningnan bagay na ikinatakot ko.

"Para saan ang gamot na ito?" Tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko masabi na para ito sa pampatulog niya. Mukhang hindi niya rin naman hinihintay ang sagot ko dahil agad niya itong ininom. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang unti-unti siyang pumipikit. Inayos ko pa ang pagkakahiga niya bago siya muling tapunan ng tingin.

Buti naman at nakatulog na agad...

Higit apat na taon na mula nang mamatay si Mama dahil sa cancer. Sumunod naman no'n ang sunod-sunod na kamalasan sa buhay ko. Tapos ngayon, ako ang nag-aasikaso kay Papa dahil sa Alzheimer's niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Ni hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.

Lahat ng in-apply-an kong trabaho, hindi ako tinatanggap. Dapat daw ay college graduate. Dapat daw may experience sa trabaho. Gulong-gulo ang utak ko. Kaya hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit sa huli, sa isang hindi magandang trabaho ako napunta.

"Sigurado ka bang wala kang balak na magpa-book?" Tanong ni Madam, manager ng club na papasukan ko.

Mariin akong umiling. Nanginginig ko pang nilaro ang mga daliri ko habang nakayuko. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya nang diretso.

"Sayang. Malaki ang kikitain mo roon," sabi niya.

"H-Hindi po talaga," tanging nasagot ko.

Dinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga niya. Napapikit tuloy ako sa takot.

"Marami ang babastos sa'yo rito lalo na't bago ka saka alam mo naman ba itong pinapasukan mo?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Sasayaw ka sa stage habang nag-iinuman ang mga tao sa paligid mo. May mambabastos sa'yo. Kaya kapag hindi ka komportable, pahihintulutan kitang sampalin sila o kahit na patayin mo pa," natatawang sabi niya.

Mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya.

"Joke lang. Ano ka ba? Pero kapag hindi ka komportable lalo na kapag hinihipuan ka, sabihin mo sa akin. Kahit naman nasa club ka, kailangan pa rin ng consent mo para hawakan ka."

Tumango ako sa sinabi niya.

Doon tuluyang bumaba ang pagkatao ko. I saw my schoolmates murmuring while I'm performing. Ang iba'y vinivideohan pa ako. Pumipikit na lang ako. Hindi ko kayang makipagsagutan pa sa kanila. They are successful while here I am. Nilalamon ng kahirapan...ng karumihan.

Kung nakapagtapos ba ako, flight attendant na ako? Successful din kaya ako kagaya nila? Maganda kaya ang buhay ko? Masaya kaya ako?

Hinang-hina akong bumaba ng stage nang matapos ang performance ko. Mabilis kong kinuha ang jacket ko saka iyon sinuot.

"Narinig kong pinag-uusapan ka ng isang grupo sa labas," sabi ni Aileen.

"T-Talaga?" Maang-maangan kong tanong.

Tumango siya. "Schoolmates ka raw nila. Ewan ko, hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi dahil puro Englishero."

Mahina akong natawa sa sinabi niya. Napaigtad ako nang mahina niyang hampasin ang braso ko.

"Ikaw naman! Kung magta-trabaho ka sa ganito, lubusin mo na. Sana naman ay tinuloy mo ang pag-aaral mo kaysa naman puro sa tatay mo binuhos lahat," sabi niya.

"Mahal ang gamot ni Papa," sagot ko. "Kailangan pang regular ang check up niya sa hospi—"

"E s***a! Mamamatay rin naman, pinapahaba mo pa ang buhay!" Singhal niya.

"Aileen!" Madiin kong saway sa kaniya. "Papa ko pa rin siya!"

"Pero anong ginawa sa'yo?" Tanong niya.

Natahimik ako sa sinabi niya. Kung mayroon man akong nakakausap tungkol sa buhay ko, si Aileen iyon. Siya na yata ang may alam ng liko ng bituka ko, bukod sa iilang nakilala ko sa Las Piñas.

"Hindi ko maintindihan, Chime! Kung ako ang nasa lugar mo, papatayin ko na lang iyon!"

Naputol ang pag-uusap namin nang tawagin si Aileen ni Madam. Mukhang dumating na ang customer niya sa gabing ito. Tapos naman na ang trabaho ko rito kaya isa-isa ko nang inayos ang gamit ko.

"Chime!"

Liningon ko ang lalaking tumawag sa akin. Nanlaki pa nag mga mata ko nang isara niya ang staff room.

"Anong ginagawa mo rito? Bawal ang hindi staff dito," sabi ko sa kaniya.

Nagmamadali siyang lumapit sa akin saka tinakpan ang aking bibig. Kinuha niya ang gamit ko saka ako pinasok sa comfort room sa loob ng staff room. Mabilis na kumalabog ang dibdib ko nang ilock niya ito.

"Hmm..."

Hindi ko magawang magreklamo sa kaniya dahil sobrang diin ng pagkakahawak niya sa akin. Nangilid ang luha ko habang nananalangin. I don't want another heartbreak from this kind of trauma. I'm still processing everything that happened to me before. Ayaw ko na...

"Inaabangan ka ng schoolmates natin sa labas. I heard them talking about taking you somewhere and doing shits with you," mahinang bulong niya.

Napapikit ako sa sinabi niya. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko na rin napigilan ang panginginig ng paa ko. Kung hindi lang ako hawak nitong lalaking ito, sigurado akong natumba na ako.

In a room full of evil, there is always an angel. At siya iyon.

Marahan niya akong binitawan. Binaba niya ang takip ng toilet bowl saka ako roon inupo. Iniabot niya sa akin ang bag ko habang seryosong nakatingin sa pintuan.

"Nasaan na? She's not here!" Dinig kong sigaw ng lalaki sa labas.

"Hindi ko pa naman nakikitang lumabas," sabi ng isa pa.

"Check the comfort room!"

Kinakabahan akong tiningnan ang lalaki sa harapan ko. Sinenyasan niya lang akong manahimik bagay na sinunod ko. Mariin akong pumikit nang marinig ang sunod-sunod na pagkalabog ng pintuan ng comfort room. Nagulat ako nang hawakan ng lalaki ang kamay ko saka iyon marahang pinisil.

"Teka! Nagjejebs ako, pogi!"

Napakagat-labi ako para pigilan ang pagngiti ko. Bigla ba naman kasing inipit ng lalaking kaharap ko ang boses niya.

"Putangina! Dude, she's not here!" Dinig kong sabi sa labas.

"Sinetch ba hinahanap niyo? Baka bet niyong ako na lang ang lafangin! I'm so willing," humagikgik pa ang lalaki sa harapan ko.

"Shut up, Gay!"

"Let's go! Let's try na lang again some other time. Baka bukas nandito ulit 'yon."

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang pagsara ng pintuan ng staff room. Binitawan ng lalaki ang kamay ko saka marahang binuksan ang pintuan ng comfort room.

"I'll just check them first. Babalik ako kaagad kapag wala na sila. Stay here for a while," paalala niya bago ako iniwan.

Nanginginig kong sinarado ang pintuan ng comfort room. Napapikit ako habang inaalala ang nangyayari. Gustong-gusto ko nang umalis dito. Sa tagal ko na rito, ilang beses na akong muntik mapahamak. Kung mayroon lang talaga akong trabahong mapapasukan...

"Chime, it's me..." Dalawang beses na kumatok ang lalaki sa labas. "You can go out now. Umalis na sila."

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Nanginginig pa ang kamay ko habang binubuksan ang lock ng comfort room. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko bago binuksan ang pintuan.

"I'm sorry kung nagulat kita kanina," sabi niya sa akin.

"S-Salamat..." mariin akong pumikit nang maramdaman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. "H-Hindi ko alam kung paano kitang pasasalamatan."

"No, it's nothing."

"H-Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung hindi ka dumating," sabi ko.

Napansin ko ang pagtahimik niya kaya inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Seryoso ang tingin niya sa akin. Kinuha niya ang bag na hawak ko saka ako pinaupo sa harapan ng vanity mirror.

"Out mo na ba?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Kung okay lang sa'yo, ihahatid kita."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko magawang makasagot. Bakit ba mabait sa akin ang taong ito? I don't even know him, or his name...

"Hindi mo na yata ako naaalala..." mahina siyang tumawa. "Ako iyong laging binubully ng mga seniors kasi patpatin ako. Then, one time pinagtanggol mo ako. Pinatawag mo sila sa guidance, at doon natigil ang pambubully sa akin."

Tumango-tango ako sa kwento niya. Medyo naaalala ko nga iyon. Iyong nasa upper year na laging kinakawawa ng seniors kasi nerd daw. Typical na rason ng mga walang magawa sa buhay.

"I am Shaun. I forgot to thank you for that. Nalaman ko rin kasi na hindi ka na pumasok weeks after that incident," sabi niya.

"A-Ah. Marami kasing nangyari sa buhay ko," tanging nasagot ko.

Tumango siya. "You must have a hard time living like this. If it's okay with you, tutulungan kitang makahanap ng ibang trabaho."

Tumango ako. "G-Gusto ko na ring umalis dito."

"Matagal ka na ba rito?" Tanong niya.

"Almost 2 years na," sagot ko.

"Matagal na rin. Hindi ka ba nag-apply sa iba?" Tanong niya.

"I tried pero kailangan college graduate o kaya naman may working experience," sagot ko. "May mga babysitting din naman akong nakuha pero kailangan stay-in. Hindi naman ako pwede dahil inaalagaan ko ang P-Papa ko."

"I see. I'll help you get a better work. Much safer than this," sabi niya.

"Salamat."

Nang gabing iyon, hinatid niya ako sa bahay. Nalaman kong ahead pala siya sa akin ng isang taon. Marami siyang alam tungkol sa achievements ko sa school. Bagay na nakakahiya. Sino ba namang mag-aakala na ang honor student ng campus, e nagta-trabaho na lang sa club ngayon.

Shaun is a good person. Halos maging hatid-sundo ko na siya tuwing papasok ako sa club. Hindi naman siya nakikialam sa ginagawa ko. He's just watching me. Nakikialam lang siya kapag may nambabastos sa akin.

"Baka hindi ako makapunta bukas, ha?" Sabi niya nang makalabas kami sa club.

"Bakit?" Tanong ko. "I mean, sige. Ayos lang."

Mahina siyang natawa. "Kailangan kong magreview. Alam mo naman yata kung ga'no kasakit sa ulo ang law."

Tumango ako. "Goodluck!"

"Sure akong makakapasa ako. May goodluck galing sa'yo e," tumatawang sabi niya.

Pabiro ko na lang siyang inirapan. Nasa third year na raw siya sa law school na pinapasukan niya. Tapos niya naman na raw ang pagsusulat ng digest niya pero next week daw ay may exams sila kaya kailangan niyang tutukan.

Tahimik akong pumasok ng club kinabukasan. May iilan nang tao roon na nililinis ang club. Nagbatian lang kami bago ako pumasok sa staff room kung saan kami laging nag-aayos.

"Walang bodyguard today?" Tanong ni Aileen habang naglalagay ng false eyelashes.

"May gagawin sa school," sagot ko.

Inismiran niya ako. Natatawa ko na lang siyang pinanood sa salamin. Halos isang oras lang ang performance ko sa gabing iyon na mabilis ko namang natapos. Dumiretso agad ako sa staff room para kuhanin ang jacket ko saka ito itinabon sa aking sarili. May performance pa ako mamaya bago ako makakauwi.

"Chime, may naghahanap sa'yo sa labas."

"H-Ha? Sino raw?"

"Hindi ko alam e. Pero sobrang pogi," humalakhak si Ezra na isa ring trabahador dito.

"Nako! Sa ganda ni Chime, dapat din talaga pogi ang papalibot sa kaniya," singit ni Aileen habang nagre-retouch.

"Loko!" Saway ko.

Hinubad ko ang suot kong stiletto saka lumabas ng staff room. Tinuro sa akin ni Ezra kung nasaan ang lalaki. Halos manginig ang paa ko habang unti-unting lumalapit sa kaniya. Parang gusto ko na lang bumalik sa loob pero huli na dahil humarap siya sa akin.

"Nalaman kong dito nagta-trabaho ang tinitingalang babae sa school. Tama nga sila."

Kitang-kita ko ang lamig sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Madiin niyang hinawakan ang braso ko bago ako hatakin palabas ng club.

"N-Nasasaktan ako, Kylo!" D***g ko habang pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa akin.

"Hindi ko akalain na makakaya mong magtrabaho sa ganitong lugar, Chime."

"A-Ano bang pakialam mo?" Inis na sigaw ko.

"W-What?" Gulat na tanong niya. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagsigaw ko. "Hindi na kita kilal—"

"Hindi mo na talaga ako kilala. Kaya pwede bang 'wag mo akong pakialaman? Nagta-trabaho ak—"

"Trabaho ang tawag mo sa ginagawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Nagsa-sayaw ka sa harapan ng maraming lalaki. Pinagpi-piyestahan ang katawa—"

"Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang makialam sa ginagawa ko, Kylo. Matagal na tayong tapos kaya sana itigil mo na ang panggugulo sa akin."

"Hindi kita ginugulo, Chime! Ginigising kita kasi putanginang hindi ikaw 'to!" Malakas na sigaw niya.

Marahas niyang binitawan ang braso ko. Napahawak ako roon at kitang-kita ko ang pamumula nito dahil sa diin ng pagkakahawak niya kanina. Nagulat ako nang malakas na suntukin ni Kylo ang pader na nasa likod ko.

"Putangina, Chime. Pinakawalan kita kasi iyon ang hinihiling mo. Kahit masakit sa akin na tanggapin ang desisyon mo, pumayag ako. Gano'n kasi kita kamahal e. Tapos ngayon..."

Madiin niyang tinuro ang club. Gigil na gigil siyang nakatingin sa akin...na kung kaya niya akong saktan, magagawa niya.

"Nandiyan ka? Ano, Chime? Anong ginagawa mo sa buhay mo? Hindi naman ito ang plano mo para sa sarili mo, ha?" Sabi niya sa akin.

Unti-unting nangilid ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Marahan niyang hinawakan ang mukha ko bago pumikit nang mariin saka sinandal ang kaniyang noo sa aking balikat.

"Anong nangyari, Chime? A-Anong nangyari sa'yo?" Humihikbing tanong niya.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi ko. Hindi ko kayang marinig ang mga bagay na ito galing sa bibig niya. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.

"Chime! Hinahanap ka ni Madam!"

Marahan kong tinulak si Kylo nang tawagin ako ni Aileen.

"S-Sandali. Susunod ako," sagot ko.

Ramdam ko ang titig ni Kylo sa gilid ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya saka tumungo.

"Papasok na ako," paalam ko.

"Iwan mo na 'yang trabaho mo, Chime."

Umiling ako sa sinabi niya. "Tigilan mo na ako. Sana kung babalik ka rito, magkunwari ka na lang na hindi ako kilala."

"Wow!" Hindi makapaniwalang sigaw niya.

"Please, Kylo. Ayaw ko ng gulo."

"Bakit ang dali para sa'yong sabihin 'yan? Bakit kayang-kaya mo akong ipagtabuyan? Tapos ako ito pa rin..." Madiin niyang tinuro ang dibdib niya. "Ikaw pa rin. Putanginang, hinahanap-hanap pa rin kita kahit tatlong taon na mula nang magmakaawa ka sa akin na hiwalayan ka!"

Kaugnay na kabanata

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 1

    Breakfast.Hinawi ko ang mahabang buhok ko nang sumabog ito pagbaba ko ng sasakyan na nirent namin. Kinuha ko ang maliit kong shoulder bag saka ito inilagay sa aking balikat."Hindi masyadong malaki ang nabili nating bahay pero ayos na ito kaysa nangungupahan tayo," sabi ni Mama.Pinagmasdan ko ang kulay mint green na bahay na nasa tapat namin. Up and down man, mas maliit naman ito tingnan kaysa sa mga bahay na nasa kalapit namin, lalo na sa bahay na nasa tapat namin na halos akupahin ang buong block na kahilera. Mas komportable nga lang itong bahay namin ngayon kaysa sa inuupahan namin noon."Maganda naman ito, Ma. Nakakahinayang nga lang na nilipat natin ng school si Chime. Alam mo namang paborito siya ng mga teachers niya sa Pasay.""Okay lang naman po, Pa. Nakapagpaalam naman ako sa kanilang lahat," nakangiting sabi ko.Adasha Chime Morin. Hindi na yata nawawala ang pangalan ko sa listahan ng mga may honors tuwing may recognition sa aming school. Kahit tuwing program, ako ang nags

    Huling Na-update : 2022-09-13
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 2

    Ballpen.Kulang na lang ay sa bahay na matulog si Kylo dahil araw-araw siyang naroon. Tuwing Sunday, sumasama siya sa amin nina Mama at Papa na magsimba. Para namin siyang inampon.Mabilis na napalapit sa kaniya ang loob ng magulang ko kaya sa kaniya rin ako pinagkakatiwala ng dalawa tuwing may pasok sila. Sa araw naman na ito, aalis kaming dalawa para mamili ng gamit para sa school."Alam mo bang ngayon lang ako bumili ng school supplies ko? Lagi kasing inuutos kay Ate Tina," sabi niya.Inayos ko ang clip na nasa aking buhok habang nakatingin sa salamin. Tinapunan ko ng tingin si Kylo na pinanonood ako sa ginagawa ko."Talaga?" Sagot ko. "Madalas, magkakasama kami nina Mama at Papa kapag bumibili ng gamit ko. Parang family bonding na rin namin."Tumango-tango siya sa likod ko. "Hindi ka ba nagtatali ng buhok?" Biglang tanong niya."Minsan lang. Tinatamad kasi ako minsang talian ang buhok ko. Masyadong mahaba e," sagot ko.Tumango siya sa akin. Ngumiti ako sa harapan ng salamin nang ma

    Huling Na-update : 2022-09-13
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 3

    Slave.Those were the memories I shared with Kylo. Minsang may umaway sa akin sa classroom because of a petty reason and Kylo was there to protect."Bida-bida ka masyado!" Singhal sa akin ng babae sa aking harapan. Kylo told me that she is one of the top students in this section. Baka kaya siya nagagalit dahil nasasagot ko ang tanong ng teachers."What are you saying?" Malumanay kong tanong. "I just answered the teacher's question. Anong mali ro'n?""Mapapel ka! Kahit hindi ikaw ang tinatawag, lagi kang sumasagot!" Singhal niya."Nagtataas ako ng kamay bago sumagot. Kung hindi mo iyon nakikita, pwedeng maupo ka sa tabi ko," sagot ko."Zyra, tumigil ka na," rinig kong bulong ng kaibigan niya."Nakakairita na kasi itong babaeng 'to. Magmula nang dumating dito, hindi na ako nakakarecite," sagot niya."Is that my fault?" Tanong ko.Kasalanan ko bang nauuna akong makaproduce ng answer bago siya? Kasalanan ko pa bang active ako masyado sa class? I just don't understand her arguments, it's r

    Huling Na-update : 2022-10-13
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 4

    Relationship."Ky, kuhanan mo ng maraming pictures si Chime, ha?" Paalala ni Mama kay Kylo."Noted, Tita. Don't worry, ako ang bahala sa prinsesa mo..." Humalakhak si Kylo bago akbayan si Mama.Ngayon magaganap ang program. Hindi makakapunta si Mama dahil may pasok siya, si Papa naman ay nasa station na nila at tuwing linggo lang umuuwi.Naiwan kaming dalawa ni Kylo sa bahay nang pumasok si Mama. Tinulungan niya akong maglinis ng bahay. Nagluto na rin ako ng pagkain namin para sa almusal, dito kasi siya natulog para raw maaga rin siyang makapag-ayos."Anong oras tayo papasok?" Tanong niya."Mga 9 daw. Aayusin pa nila ang buhok ko," sagot ko."Sa pick-up tayo sasakay mamaya para hindi masira ang gown mo. Nasabi ko na kay Kuya Peter 'yan," sabi niya.Tumango ako. Inutusan ko siyang maghain na nang patapos na akong magluto ng fried rice. Siya na rin ang nagtimpla ng gatas naming dalawa. "Kinakabahan ako..." Sabi ko habang binabalingan ang gown na nakalagay sa mannequin.Ito ang unang bes

    Huling Na-update : 2022-10-14
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 5

    Kiss.That was the start of our relationship. Senior high school kami nang maging magka-klase kami ulit. Parehas kaming Humanities and Social Science ang kinuha. Sa school pa rin namin no'ng jhs kami nag-enroll para hindi kami mapalayo."Nako! Hanggang shs, sinusundan mo si Chime!" Giit ni Yuna nang makita si Kylo na nakaupo sa tabi ko."Kahit hanggang pagtatanda, susundan ko siya!" Singhal ni Kylo sabay hawak sa kamay ko.Ngumiwi si Yuna saka nag-inarteng nasusuka. "Nakakadiri ka ma-inlove, Fortunato. Napaka-korni.""Kapag nahanap mo ang lalaking mamahalin mo, maiintindihan mo ako," pang-aasar sa kaniya ni Kylo."Hindi na. Ayaw ko ng sakit sa ulo. I'm enjoying my peace of mind at hindi ko kailangan ng lalaking sisira no'n.""Weh? Bakit si Gian?""Ew?" Ngumiwi si Yuna bago nagmamadaling umalis palayo sa amin.Natatawa ko siyang binalingan. Noong Grade 10 kami, nalaman naming nagkaroon pala ng relasyon ang dalawa pero saglit lang dahil masyado raw maarte si Yuna. Naiirita raw si Gian k

    Huling Na-update : 2022-10-14
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 6

    Diamond.I graduated Valedictorian on our senior high school year. Kylo also graduate with honor which makes us happy. I took BS Tourism Management when we turn college. Kylo wants to be a pilot so he pursued it. Gusto niya raw na sabay kaming lilipad sa pangarap naming dalawa. Wala naman talaga siyang plan for college. Iniisip niya kasing tutulong siya sa parents niya sa pagma-manage ng business nila noon pero ngayon, gusto niya na raw na mag pilot.Napangiti ako habang nakatingin sa flyers na hawak ko. Tatakbo akong Vice-President ng university ngayon. Si Kylo ay nasa sergeant at arms, hindi talaga siya mawawala roon."Dito, Hon? Takpan ko kaya 'to?" Singhal niya habang nakaturo sa isang malaking poster ng kalaban namin sa bulletin board."Sa kabila na lang. Baka anong sabihin sa atin," sagot ko.Hindi ko naimagine noon na tatakbo ako bilang Vice-President ng university. Medyo mahiyain kasi ako kahit na mahilig akong sumali sa mga competitions, pero minotivate ako ni Ky kaya sinubuk

    Huling Na-update : 2022-10-15
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 7

    Warning: R18+If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter. ——Fiancee.Nag-celebrate ang buong family namin dahil sa proposal ni Kylo. No'ng weekend no'n, nagpunta kaming La Union at nagkaroon ng 2 days and 1 night vacation. Deserve raw namin ng saglit na celebration kahit na hindi naman na iyon kailangan."Wow! Level up ka na, Ky. Talagang tinali mo na si Chime," humalakhak si Gian habang tinitingnan ang daliri ko."I'm so happy to the both of you!" Ngumiti si Yuna sa akin.Close talaga ako sa section namin kaya sila ang unang sinabihan ko tungkol sa propasal ni Kylo sa akin. May sarili na akong cellphone dahil iyon ang regalo nina Mama at Papa no'ng nagdebut ako. Unang picture pa no'n ay ang larawan ni Kylo na natutulog sa sofa ng bahay.Nagpaalam kami kina Mama at Papa na magba-bar kami. Pumayag naman sila pero kailangang hindi kami masyadong gagabihin. Hindi na naman daw kasi sila uuwi dahil may inaasikaso silang dalawa.

    Huling Na-update : 2022-10-16
  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 8

    Eyes.Sobrang sakit ng katawan ko kinabukasan. Ni hindi ko magawang maglakad. Isang beses lang naman namin ginawa pero bakit ganito ang epekto sa akin?Nagtoothbrush ako bago marahang bumaba ng hagdan. Naabutan ko si Kylo na naglalaba sa common bathroom. Kumunot ang noo ko. Anong trip nito?"Anong ginagawa mo, Hon?" Tanong ko.Mukhang nagulat siya sa presensya ko dahil napatalon pa siya. Ngumiti siya sa akin saka pinunasan ang noo gamit ang kaniyang braso."Nilalabhan ko 'yong towel kagabi. Awkward kapag pinalabhan natin kay Tita 'yon saka baka malaman," humalakhak siya.Natatawa ko siyang pinanood. Mukhang hindi pa siya sanay sa ginagawa. Towel lang naman ang nilabhan niya pero puno ng bula ang buong bathroom. Sayang ang sabon... Hindi talaga marunong magtipid ang isang 'to.Mag-aasikaso sana ako ng breakfast namin pero nakahain na iyon sa lamesa. Anong oras ba siya nagising? Naghanda na lang ako sa lamesa saka nagtimpla ng kape para sa aming dalawa. Mabuti naman at no'ng saktong tap

    Huling Na-update : 2022-10-17

Pinakabagong kabanata

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Wakas

    Wakas."What happened to you, son?" Nag-aalalang tanong ni Mama nang makita akong wala sa sariling pumasok ng bahay."Wala na kami, Ma. Nakipaghiwalay si Chime sa akin," sumbong ko.Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa aking ina. Marahan niya akong binalot ng yakap. Hindi ko maintindihan ang rason niya. Kilala ko si Chime at kung inaakala niyang susukuan ko siya, hindi! Bukas ay kakausapin ko ulit siya. Bukas ay babalik ako sa kaniya para kausapin siya nang maayos. Babalik iyon sa akin. Mahal niya ako e. Parehas lang kami na hindi kaya kapag nawala sa piling ng isa't isa.Bumalik ako sa inn kinabukasan. May dala pa akong pagkain para sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at wala sa bahay nila na nilipatan. Balak kong sabihin sa kaniya na nabawi ko na ang bahay nila at pwede na silang bumalik ni Tito roon pero nakipaghiwalay siya."Ay, Sir, kagabi pa po naka-checkout si Ma'am," sabi sa akin ng staff doon."What?

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 35

    Pregnant.Sinalubong ako ng sunod-sunod na pagduduwal pagdilat ko. Narinig ko pa ang kalabog mula sa labas at ang mahinang mura ni Kylo na hindi ko na pinansin pa. Pinunasan ko ang labi ko at nagmumog bago ako lumabas ng bathroom.Naabutan kong hawak-hawak ni Kylo ang likod niya. Mukhang nalaglag pa sa kama. Ngumiwi siya habang naglalakad palapit sa akin."Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.Inirapan ko siya at dumiretso sa labas ng kwarto. Narinig ko pa ang daing niya na masakit ang likod niya pero hindi ko na pinansin. Diretso ang lakad ko pababa ng hagdan at dumiretso agad sa kusina. Binuksan ko ang ref at naghanap ng maluluto bilang almusal namin."Hon, ilang araw na 'yan ha? Hindi mo pa balak magpatingin?" Tanong niya sa akin.Napairap na lang ako habang kumukuha ng itlog sa ref. I secretly used pregnancy test and it tested positive. Gusto ko sanang sabihin kay Kylo pero naiinis ako kapag nakikita ko siya."Hon!" Tawag niya sa akin.Niyakap niya ako mula sa likod at sininghot ang

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 34

    Marry.Everything right now is perfect to me. Tiningnan ko si Kylo na nakaluhod sa harap ni Papa at tinutulungan siyang maligo sa bathroom. Napangiti na lang ako habang pinanonood sila. Tahimik akong naglakad palabas ng bathroom at inayos ang kwarto ni Papa.Binalingan ko ang larawan ni Mama na nakapatong sa tabi ng kama ni Papa. Inayos ko iyon at nginitian. I hope that she's watching us from heaven. Sana masaya siya at wala nang sakit na dinaramdam."Hon, ang towel ni Tito?" Sigaw ni Kylo mula sa bathroom."Teka lang!" Sigaw ko habang inaayos ang bedsheet ng kama.Minadali ko iyon bago kuhanin ang towel na naka-sabit sa pintuan at iniabot iyon kay Kylo. Ngumiti siya sa akin bago pumasok muli sa bathroom."Kylo! Chime!" Sigaw naman ni Ate Trina mula sa baba. "Handa na raw ang sasakyan sabi ni Jose!""Sige po, Ate. Inaasikaso lang si Papa ni Kylo!" Sigaw ko.Wala kaming pasok ngayon at nagyaya si Kylo na pumuntang Las Piñas. Aniya, nagtext na raw siya kay Manang na pupunta kami roon ng

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 33

    Alumni.Ang mga sumunod na linggo ay mas naging magaan para sa amin. Our relationship that we built now became stronger not that it was weak before.Binalingan ko si Kylo na nagsusukat ng kaniyang suit. Nasa akin ang atensyon niya kahit na kinakausap siya ng staff. Nagsusukat kami ngayon ng gown at suit para sa darating na grand alumni sa dati naming school noong high school kami."Hon, kinakabahan ako," sabi ko sa kaniya matapos naming lumabas ng boutique.May isang linggo pa kaming preparation para sa alumni at medyo late na kaming nagsukat ng susuotin. Mabuti na lang at may connection siya sa Blue, boutique shop ng kilalang Pinay fashion designer na si Ms. Fritzy, kaya medyo nagkaroon kami ng special treatment para mapabilis ang pag-aayos ng susuotin namin.Mahina siyang humalakhak. "I'm with you, Hon, and besides our friends were looking for you. Miss ka na ng mga 'yon."Bumuntong-hininga ako. Hindi ko maiwasang kabahan dahil pakiramdam ko kumalat din sa kanila ang pagta-trabaho k

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 32

    Warning: R18+If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter. ———Everything."Tito, good morning po!" Maligayang bati ni Kylo nang pumasok ng bahay.Binalingan ko siya at pinanlisikan ng mga mata. Dumapo sa akin ang tingin niya pero inirapan ko lang siya. Humalakhak siya habang naglalakad papunta sa akin."Good morning, Hon!" Tuwang-tuwa niyang bati.Inirapan ko lang siya. Inayos ko ang pagkakahain sa lamesa at inignora siya. Inilapag niya ang dalang mga pagkain sa lamesa namin habang humahalakhak."Sorry na, Hon..." Sabi niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Siniksik niya ang kaniyang mukha sa akin kaya bahagyang nagtaasan ang balahibo ko."Sorry na. Male-late ang kain ni Tito kung itinuloy natin," bulong niya."Wala naman akong sinabi!" Giit ko."Pero galit ka e," malambing niyang bulong. "Babawi tayo mamayang gabi. I swear.""Ayaw ko na!" Sabi ko bago alisin ang pagkakayakap niya sa akin.Malakas siyang h

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 31

    Fixed."Please? Let's fix us," sabi niya sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko. Marahan niya akong hinatak palapit sa kaniya. Pinalis niya ang luha sa pisngi ko. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon."Baka hindi siya para sa atin, H-Hon," sabi niya. "Hindi ka ba n-nasasaktan?" Umiiyak kong tanong. "Nawalan tayo ng anak, Ky!"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay wala lang iyon sa kaniya. Saglit ko lang nakita ang sakit sa mga mata niya pero ngayon na nakatingin siya sa akin, hindi ko na makita iyon."M-masakit, Chime. Sobrang sakit," bulong niya sa akin. "Pero mas hindi ko kayang mawala ka e. Hindi ko kayang ikaw ang lumayo sa akin ulit."Hinawakan niya nang marahan ang aking pisngi. Pinagdikit niya ang noo namin. Sabay kaming umiyak habang nakatingin sa isa't isa. Nanghihina ako. Mahigpit akong yumakap sa kaniya at malakas na humagulgol."Kylo, ang baby natin..." umiiyak kong sumbong sa kaniya. "Ni hindi ko man lang siya nahawakan.""Shh..." Pag-aalo niya sa akin. "I'm s

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 30

    Confrontation."I will do everything and anything for you, Chime," dugtong niya.I smiled at him. Inilbot ko ang sarili ko sa loob ng bahay namin. Bukod sa mga pictures namin, wala ng ibang laman ang bahay. Binalingan ko si Kylo nang pumanhik ako ng hagdan. He just nodded telling me to go. Binuksan ko ang kwarto ko noon. May bagong kama roon at iilang pamilyar na litrato rin. May mga damit sa closet ko na alam kong hindi sa akin dahil sa bagong tag ng mga iyon. Bumuntong-hininga ako. Dapat hindi na ako nagugulat sa mga kayang gawin ni Kylo. Ang pagmamahal niya sa akin ay dapat nang hindi kwestyunin. Hindi dahil may tiwala ako sa kaniya kundi dahil araw-araw niyang sinisigaw iyon sa bawat galaw niya noon pa man.And what he did this time is not surprising. Pero wala na kami... Pwede niyang ibenta ang bahay no'ng mga nakaraang taon pero hindi niya ginawa. Did he really wait? Talagang akala niyang babalik ako? Talagang pinanghawakan niya iyon?Sinarado ko ang kwarto ko at binalingan an

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 29

    Party.Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya saka siya tinitigan nang mariin. I saw his eyes speaking on me about his real feelings. Nagsusumamo ang mga ito sa akin at alam ko sa sarili kong pagbibigyan ko iyon.Sasabihin ko sa kaniya ang tunay na nangyari sa akin. Sasabihin ko sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Sasabihin ko sa kaniya ang lahat at kapag natanggap niya pa ako—kapag hindi siya nagalit o anoman sa akin, sisimulan kong ayusin ang nasira namin."We'll talk about this later, okay?" Marahan kong sabi habang hawak ang mukha niya.Napapikit pa siya sa haplos ng kamay ko sa kaniyang pisngi. Pumatak ang luha sa kaliwang pisngi niya. Hinatak niya ako para yakapin muli. Parehas na kaming kumalma pero humihikbi pa rin siya. Kumalas naman agad siya sa pagkakayakap sa akin saka binuksan ang compartment niya. Kumuha siya ng dalawang bote ng tubig doon. Binuksan niya ang isa at iniabot sa akin.Sabay kaming uminom ng tubig. He gave me time to fix myself. Naglagay lang ako ng pressed

  • Love is Sweeter the Second Time Around    Kabanata 28

    House.Nagpanggap akong natutulog habang nasa byahe pauwi. Ramdam ko ang minsan-minsang tingin sa akin ni Kylo pero hindi ko idinidilat ang mga mata ko. Ayaw kong mabasa niya sa akin na nasasaktan ako. He knows me a lot and I know that he has idea why I suddenly shift my mood.Diretso akong bumaba ng sasakyan niya nang iparada niya ito. The maids were all smiling at me when I entered kaya tipid kong sinuklian ang ngiti nila."Chime..." Tawag ni Kylo sa akin.Mabilis akong pumanhik ng hagdan. Not minding that this isn't my house. Gusto ko lang magkulong sa kwarto at pakawalan ang luhang kanina pang gustong kumawala sa aking mga mata.I know that I am being emotional right now. Alam ko rin at paulit-ulit ko nang sinusuksok sa utak ko na ako ang nakipaghiwalay, ako ang sumira ng relasyon namin, ako ang nagwakas no'n. But seeing him with another girl... hindi ko pala kaya. Hindi pala kaya ng puso at utak ko na hayaan siyang sumaya sa iba—na may ibang babae sa buhay niya!"Chime..." Muling

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status