Nagising akong puting wall lang ang nakikita. Medyo masakit din ang ulo ko ko. Base sa itsura ng paligid ay mukhang nasa hospital ako.Nasa may tabi ko din si Glaiza na mukhang hindi pa natutulog. Halata kasi ang lalim ng eyebags nito at medyo magulong buhok."Anya, mabuti naman ay gising kana." wika nito sa akin nang mapansin nyang gising na ako."Anong nangyare?""Hindi mo ba natatandaan?"Napansin ko ding may bandage ang bandang noo ko at may mga gasgas ako. Huling natatandaan ko ay noong nasa villa ako at may bomba. Nang maalala ko ng tuluyan ang mga pangyayare ay kumirot ang dibdib ko."Si Sabrina nakita ba?" pinipigilan kong 'wag ma iyak sa harapan ni Glaiza.Agad siyang umiling sa akin."Hindi ko alam, Anya. Pero base sa narinig ko sa mga nag imbestiga ay walang nakitang bangkay sa scene. May pag-asa pa Anya baka naman naka ligtas talaga si Sabrina sa pagsabog. Pero kong nakaligtas siya saan kaya siya?Kahit pa paano ay nagkaroon ako ng pag-asa ng marinig ko ang sinabi ni Glaiz
"Anya!" naramdaman ko na lang ang paghawak sa akin ni Adrian at ang mga tingin nya na dapat akong gumalang.Napilitan akong yumuko nang sa harapan ko na ito."You know me?" tanong nito sa akin habang nakataas ang kilay nito.Ngayon ko lang siya nakita pero parang nakita ko na talaga siya. Kailangan kong maka sigurado kong siya ba talaga yon."Hindi po, nagulat lang po ako." pagdadahilan ko."Bakit naman nanggugulo ka dito?" nag tama ang mga mata naming dalawa.Sa pagkakataong yon sigurado na ako kong sino siya. "Gusto ko lang malaman kong bakit kailangan madamay ang mga inosenteng tao sa mission ko!""Anya, anong pinagsasabi mo?" bulong sa akin ni Adrian."Who are you by the way? Hindi ba malinaw sayo na dapat ang mission mo lang ang mahalaga sayo at hindi ang ibang tao." malamig na tugon nya sa akin."Bakit kailangang madamay pa si Sabrina?""I don't know her, stop asking me!" Naikuyom ko ang kamao sa inis at si Adrian naman ay pinipigilan ako. Tinignan nya lang naman ako na para b
Hello sa lahat ng nagbabasa at naghihintay ng update. Sorry hindi ko talaga pa keri mag update namaga po kasi yong thumb ko as in di keri mag type ng matagal kasi kumikirot. Halos one week na tong hindi gumagaling at palala na ng palala tapos nagkataon pa na nag holiday kaya di ako naka pa check up. Malayo kasi kami sa city kaya di ko inintindi nong una. Akala ko kasi normal lang siya not until hindi na ako nakakatulog sa sobrang sakit. Magpapa check up ako ngayong araw about dito, sana lang maging okay na to. Promise babawiin ko yong mga araw na di ako naka pag update. Hope you all understand, thank you!
Nasa balkonahe ako ng room ko at pinagmamasdan ang buong kapaligiran. Gusto kong tanungin si Oliver kong bakit ganun na lang nya ako ipagtanggol sa pamilya nya.Kong bakit wala siyang pakialam kong sino ako? Gusto ko din sabihin sa kanya yong nalaman ko about his mother. Pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya baka hindi nya lang ako paniwalaan. Sa dami ng mga masasakit na nangyare sa kanya ayoko ng dagdagan pa yon. Pero karapatan nya din naman malaman ang totoo.Pero once sinabi ko yon alam kong paghihinalaan nya na ang identity ko. Iisipin nya na kong bakit ko kilala ang mother nya na never nya naman sa akin pinakita.Iniisip ko pa si Sabrina, sana kong na saan man siya ngayon ay ligtas siya. Hindi ko alam kong anong nangyare sa kanya, kong bakit siya ang target? Parang ang wala kong kwentang kaibigan dahil hindi ko man lang inaalam kong anong nangyayare sa kanya. Never ko siyang tinanong kong okay ba siya? Kong may problema ba siya, samantalang siya laging nandyan sa aki
Naabutan kong nasa baba si Natasha. Ngayon ko naman siya ulit nakita at mukhang maayos na siya. Isa lang ang nasa isipan ko ngayon, gulo na naman ang dalang hatid ni Natasha."Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya."Gusto ko lang naman kamustahin ka! Pero mukhang maayos ka pa naman. Tandaan mo hindi ako titigil hanggat hindi ka nagdudusa!""Ano bang gusto mong mangyare para tigilan mona ako?""Simple lang, layuan mo si Oliver! Sabihin mong ayaw mong mag pakasal sa kanya dahil unang-una ako naman kasi talaga dapat!""Ganyan ka ba talaga ka obsess with him? Lahat gagawin mo para lang mapasayo siya? Sa tingin mo ba magiging masaya ka? Kahit iparaya ko man siya sayo alam kong hindi ka nya gusto! Mas magdudusa ka lang!""Wala kang karapatan na pag sabihan ako, in the first place sampid ka lang naman dito. Hindi ka nila pamilya pero nakikitira kana dito, sana naman marunong kang lumugar!"Hindi ko na siya pinansin pa at tinalikuran na lang. Bahala siya sa buhay nya basta ayoko siyang m
Nagmamadali akong lumabas, habang naglalakad palabas ay tinawagan si Glaiza kong nandoon na ba si Oliver.Hindi pa din daw ito umuuwi at hindi daw bago yon sa kanila dahil di naman daw talaga umuuwi yon dati. Pero para sa akin ay bago yon, never kasi siyang naging ganun sa ilang buwan namin na pagsasama.Nang makarating ako sa gate ay naghihintay pa din naman sa akin si Austine."Austine, pwede bang hiramin ko na lang tong sasakyan."Gulat ang naging reaction nya pero agad naman itong nakabawi."Pwede naman po papasundo na lang po ako dito or mag taxi na lang ako. Sure po ba kayo na gusto nyong mapag-isa?"Agad akong tumango sa kanya."Hwag kang mag-alala tatawagan kita once nagka problema. Pasensya na ha, gusto ko kasi na mag-isa lang ako baka kasi maabala ka pa.""Naiintindihan ko pa ma'am."Iniabot na sa akin ni Austine ang susi ng sasakyan. Agad naman akong pumasok sa loob nito at nag drived.Una kong pinuntahan ang foundation na lagi nyang dinadaanan. Sinalubong ako ng mga batang
"Anong pinagsasabi mo Owen?!" hindi makapaniwalang tanong ni Samantha."Pag-aari na ng ampon mo ang lupang dating pag-aari ni Olivia. Akala ko ba ay nabantayan mo ito ng maayos bakit nakuha ng iba?""Paano? Walang nakakaalam ng lugar na yon at iilan lang naman ang mga nakatira doon. Hindi ko din yon inintindi dahil sino namang magkaka interest sa bahay na luma na! Hindi din yon pa-pag interesan ng iba dahil kukunti lang naman ang mga taong nakatira doon."Isang malakas na sampal ang natanggap ni Samantha mula sa kanyang kapatid."It's all your fault pabaya ka! Alam mo naman na matagal ko ng gustong makuha yon. Yon na nga lang ang pakinabang mo hindi mo pa nagawa! Tandaan mo malaki ang utang na loob mo sa akin, kong hindi dahil sa akin ay hindi mo makakasama si Ralph! Kong buhay pa si Olivia malamang wala ka ngayon dito."Napamaang si Samantha sa tinuran ng kanyang kinikilalang nakakatandang kapatid."Wala akong utang na loob sayo! Unang-una hindi ko ginusto ang nangyare kay Olivia. Ko
Nasa balkonahe si Samantha and Oliver."I remember when you are a child you used to be a sweet kid, a passionate one. But when you grown up you always avoiding me. Hindi mo alam kong gaano kasakit sa akin ang malayo sayo. Ang laki ng pinagbago mo hindi na ikaw yong batang inalagaan ko. Still I'm proud of you, you're just like your father."Pinigilan ni Oliver na lumabas ang emosyong nararamdaman."I'm not like my father. Hinding hindi ako magiging katulad nya. I will not do the same that he always do to you."Tumulo ang mga luha ni Samantha. Ang akala nya ay wala na sa kanyang pakialam ang kanyang anak. Kahit na hindi nya ito totoong anak ay napalapit siya dito noong bata pa ito. Siya ang nagdala dito pero sa tuwing makikita nya ang ash gray na mga mata nito ay nasasaktan siya. Because he reminded him of her late sister."Akala ko ay mapapalaki kita na malapit sa akin. Pero hindi ko alam ay ang taong inampon ko ay isang traydor.""You're the traitor one! Why? Why would you need to kill
1 YEAR LATER ANYA POINT OF VIEW Maaga akong gumising para makapagluto ng almusal. Tahimik ang buong paligid at malamig rin ang simoy ng hangin. Ngayon ang ikalimang kaarawan ni Marco at wala pa akong naiisip na regalo sa kanya. Pinag masdan ko muna ang mag-ama ko habang mahimbing silang natutulog. Akala ko ay hindi na darating ang araw na 'to ang magiging kumpleto kami. Hindi ko rin akalain na matutupad talaga ang pangarap ko na ang magkaroon ng simpleng buhay, na malayo sa gulo. Dumiritso na ako sa kusina para makapag handa ng agahan. Habang naka salang ang sinaing ay naisipan ko rin muna na tumambay sa balkonahe ng bahay. Ang ganda ng view na makikita dito kahit na hindi pa ganon kaliwanag ang paligid. Nag timpla rin ako ng kape habang naka tingin sa magandang tanawin. Hindi pa rin ako makapaniwala na naranasan ko na ito. Matapos kasi ng kasal namin ni Oliver ay dito na kami nag pasya na tumira. Alam nya kasing matagal ko na 'tong pangarap, kahit na malayo man kami s
"Alam ko ang gago ko, kasi napagod akong intindihin ka pero hindi ako napagod na mahalin ka. Ang tanga ko lang sa part na nong iniwan mo ako hindi kita hinanap. Akala ko kasi nun wala kang pakialam sa akin, ang labo mo kasi." Napasimangot naman ako sa huli nyang sinabi. Ang ganda na kasi ng speech nya tapos may ganon. Pero tama naman talaga siya hindi ako nag bigay ng assurance sa kanya na gusto ko siya before ako mawala. "I'm sorry, will you still accept me again Anya?" Dapat ako yong nagtatanong nito sa kanya, ako yong may kasalanan tapos siya pa tong nag so-sorry. "Ano bang pinagsasabi mo? Valid naman lahat ng galit mo eh, ako yong may kasalanan. Umalis akong walang paalam sayo, tapos hindi ko man lang sinasabi sayo yong mga nangyayare sa akin kahit na alam kong willing ka gawin ang lahat para sa akin. Ako tong ang tanga-tanga na lagi kang sinasaktan. Iniisip ko nga kong ano bang ginawa ko sa past life ko kong bakit ibinigay ka sa akin. Sobrang swerte ko kasi ikaw yong lala
Sobrang gulo na ng kwarto ni Knoxx kakahanap lang sa papel na hindi nya naman alam kong ano. "Baka nasa bulsa ng mga luma kong pantalon sana lang ay hindi pa yon gutay-gutay kong sakaling makita ko man. Bakit pa kasi kailangan hanapin kong pwede naman mismo itanong kay Anya kong ano karugtong ng sulat! Ako pa pinapahirapan ng mga to!" Sa kabilang banda ay dumating si Natasha sa bahay ni Oliver. "Oliver, akala ko ay hindi ka na babalik pa dito sa bahay mo. I'm happy kasi nakita mo na ang sister mo. I want to see her kaso lang ay nasa puder siya ni Tito Craige." Humarap naman si Oliver kay Natasha na puno ng galit ang mga mata nito. Napa atras si Natasha ng bigla na lamang siya nitong sinakal. "O-oliver na-a-sa-saktan ako!" Binitiwan naman na ni Oliver si Natasha na naghahabol ng hininga nya. "What are you doing? Ano bang kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako?" "Really huh? You don't know?" napa atras ulit si Natasha ng akmang papalapit ulit sa kanya ito. "Hindi ko m
******** ANYA POINT OF VIEW Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas pero mabigat pa rin ang dibdib ko. Gusto kong mag kaayos na kami ni Oliver pero hindi ko magawa. Lalo na ay nagkaka problema ang company ni lolo. Gusto ko sana siyang puntahan kong na saan siya ngayon pero baka makagulo lang ako. Hindi ko rin alam kong paano ko sisimulang ayusin ang papalabog na company namin. Marami nang mga investor na nag back-out dahil sa nangyare kay lolo at bumaba din ang rating ng hotel dahil sa pagiging attitude ni tita Rhea. Plus na ang shares ni Raven at ni Tita Rhea ay na punta na sa iba. Ganun nya na lang binalewala ang pinaghirapan lahat ng papa nya. Kinompronta ko na siya kong bakit nya yon ginawa. Ang tanging sinagot nya lang sa akin ay mas mabuti na daw na mapunta sa iba ang company kaysa sa akin. Ganon ka taas ang pride nya pag dating sa akin. Sa ngayon ay ibang tao na ang magiging CEO ng company. Pero hinding-hindi ako papayag na mapunta sa iba ang company nila lo
****** Walang hupa ang pag-iyak ni Anya hindi nya na nga alintana ang mga dumadaan na sasakyan. Hindi nya na rin maaninag gaano ang paligid dahil sa luha nyang hindi tumitigil. Nasilaw si Anya sa sasakyan na paparating na para bang sasagasaan siya nito. Bago pa man siya tuluyang mabangga nito ay huminto ang sasakyan. Bumaba ang babaeng sakay nito. "Ano papasagasa ka na lang talaga dyan? Hindi ka man lang lumayo!" halata ang inis sa boses nito. Pero agad din nawala ang inis sa mukha nito ng makita nya si Anya na umiiyak. Tumayo si Anya para harapin ang babae. "S-sorry a-aalis na —" natigil sa pagsasalita si Anya ng maaninag nya ang mukha nito. "Sab?" "Bakit ka ba umiiyak? Ang daming pwedeng iyakan na lugar gusto mo pa talaga dito sa kalsada? Gusto mo na bang mamatay? Akala ko ba gusto mo pang maranasan mamuhay sa tahimik na lugar?" Pinunasan ni Anya ang mga luha nya. "Ikaw ba talaga yan? Baka hindi ka totoo?" umirap naman sa kanya si Sabrina. "Syempre ako to, mi
****** Nagtataka si Anya habang nagliligpit sila ng gamit ay tahimik pa rin talaga si Marco. "Nagtatampo ka ba kay mommy?" tanong ni Anya sa anak. Agad naman itong umiling. "Kong hindi bakit ang tahimik mo? Magsabi ka sa akin ng totoo baka naman may nanakit sayo?" "Wala po mmy! Nalulungkot lang ako kasi aalis na tayo rito. Tsaka saan po ba tayo pupunta?" "Kila Adrian muna tayo, okay? Siya lang kasi ang pwede nating lapitan sa ngayon." agad naman nag bago ang mukha ni Marco. "Bakit siya? I don't want mommy!" Nagulat pa si Anya sa biglaang pag tantrums ng anak nya. "Marco! Stop it! Wala tayong choice okay?" "Hmp!" hindi na siya pinansin pa ni Marco. Hindi na rin nag abalang aluin ni Anya si Marco. Lalo na't busy siya sa pag ligpit ng gamit nila. Nasa mansion kasi sila ngayon ng mga De Luca at nagliligpit. Susunduin lang sila ni Tonyo para maka punta sa mismong sinabi na address ni Adrian na tutuluyan nila. Matapos niyang maka pag ligpit ay nag pasya siyang ma
Bago natulog si Anya ay nakatanggap siya mula kay Oliver ng message. Mapa ito at pangalan ng lugar, ang tanging sinabi lang nito sa kanya ay magkita sila doon bukas. Kaya naman kinabukasan ay maaga siyang nagising. Gusto nyang makabawi kasi dito. Sinundan nya lang ang mapa na binigay nito, hindi siya pamilyar sa lugar na binigay nito. Hindi kasi siya nagagawi dito. Nang makarating siya sa lugar ay hindi naman ganun ka crowded ang lugar. Naglakad na lamang siya dahil sa makipot na ang lugar sa mismong naka pin sa mapa. Isang Flower Garden and shop ang hinintuan nya. May Entrance ito kaya naman nag bayad pa siya papasok dito. Nagpalinga linga rin siya sa paligid pero hindi nya makita si Oliver. Hindi nya rin na pansin ang kotse nito na naka park kong saan siya nag park. 'Wala pa ba siya dito? Masyado ba akong maaga?' tanong ni Anya. Nag tingin tingin na lang siya ng mga tanim na bulaklak. Ibat-ibang uri ng bulaklak ang nakatanim dito, pwede ka rin bumili ng flower sa mismo
------ Napuno ng kaba ang dibdib ni Anya ng makita ang kanyang anak na karga ni Knoxx. Hindi nya alam kong anong sasabihin nya dito, paano kong alam na ni Oliver ang lahat? "Mmy!" sigaw ni Marco kay Anya, ibinaba naman ni Knoxx si Marco para makalapit ito sa ina. "Akala ko kong ano na ang nangyare sayo!" naiiyak na wika ni Anya habang yakap ang anak. "Ayos lang po ako, mmy." masiglang sagot sa kanya ni Marco. "Wala bang masakit sayo? Hindi ka ba nasaktan?" agad naman umiling si Marco. Hinarap naman ni Anya si Knoxx. "Thank you." "No problem." "Paano mo nga pala—?" naputol ang tanong ni Anya ng dumating ang doctor ng kanyang lolo. "Nagising na po ang pasyente." Nawala na sa isipan ni Anya ang itatanong kay Knoxx at agad silang nagmadali na pumasok sa loob. Pag pasok nila sa loob ay nandon ang dalawang apo ni Mr. De Luca na si Raven and Rizza kaya naman ay nag pigil si Anya. Alam nyang mas may karapatan ang dalawang pinsan nya sa lolo nila. "Anya." ngumiti
Nagising si Marco na may halong takot pero agad itong nawala ng makita nya si Oliver na nasa tabing upuan na natutulog. May sumilid na ngiti sa gilid ng labi ng batang si Marco. Pinagmasdan nya ito at hindi siya nagkakamali na ito ang kanyang ama. Nawala ang takot sa kanya ng makilala nya kong sino ito. Napa isip naman si Marco dahil sa sinabi sa kanya ng ina na hindi siya kilala nito. Gusto nya ng gisingin ito at yakapin ng mahigpit pero nag pigil siya sa kanyang sarili at baka ay ito magalit. Agad siyang bumalik pagkakahiga ng mapansin nyang gumalaw na ito at mukhang nagising na. Hindi siya nag panggap na tulog para ma pansin siya nito at makausap siya ng kanyang ama. Agad na napansin ni Oliver na gising na si Marco kaya naman umupo siya sa gilid ng kama nito. Tumingin sa kanya si Marco at agad nyang na pansin ang kulay ng mga mata nito. Hindi lang nga ito ganon ka tingkad kagaya ng sa kanya. "Na saan ako?" tanong ng batang si Marco. "Home." sagot sa kanya ni Olive