Sinenyasan ko naman ang mga tauhan ko na ako nalang ang maglalakad papasok sa may eskinita at maghintay nalang sila sa sasakyan dahil gusto kong mapag isa para mas maramdaman ko ang aking emosyon. Mapait akong napangiti habang nakatanaw sa lugar na dati rati ay puno ng maliliit na bahay. Na kahit
Sa sobrang pagmamadali dahil sa labis labis na kagalakan ay napakabilis naming narating ang tinutukoy na foundation ni Tiyang na siya raw pinagdalhan kay Lola Cita. "Jusme nandito na nga tayo Thalia! Napakabilis mo magmaneho! Hanep!" Natatawang sita sa akin ni Tiyang Miling habang sinusuklay nito
"Tumpak na tumpak na ma'am. Kaya tara na at ihatid mo na kami sa kwarto ng matanda!" Puno rn ng kagalakan na tugon ni Tiyang kaya napamadali si Ma'am Edna at ganoon din ako. Maraming napagkukwentuhan ang dalawa habang tinatahak namin ang ikawalang palapag kung nasaan daw ang kwarto ni Lola Cita. P
( Maximus POV ) "It's time for your medicine sir." Magalang na tugon ng isang nurse nang makapasok ito sa kwarto ng ospital. Sa isang mamahalin at pribadong hospital dito sa New York kung saan ako nakaconfine for my theraphy and treatment halos isang buwan na ang nakakaraan. Tanging pagtango lan
[ Kaganapan sa MV Care Outreach Foundation] ( Thalia's POV ) Wala akong sinayang sa paglipas ng bawat minuto na makausap ang Lola Cita ko. Kapwa kami sobrang emosyonal sa pangungulila ng isa't isa. Na maging sina Tiyang Miling, Ma'am Edna at iba pang staff ng foundation ay nag iyakan sa madamdam
"Nasaan na ba kasi yon...." Aniya pa nang hindi niya ito mahanap sa kakascroll niya kaya para na namang biglang nabitin ang kagalakan sa puso ko. Pakiramdam ko tuloy may pumipigil na hindi ko makilala ang lalaki. "Naku! Baka nabura ko iyon ng di sadya! Ano ba yan." Aniya pa na napakamot nalang sa
Para akong naging tuliro matapos malaman ang lahat. Pinilit ko lang na huwag magpahalata lalo na kay Lola Cita kahit na walang pakundangan ang pagkabog ng dibdib ko na para ng sasabog sa sobrang lakas. Pansin ko pa ang katanungan sa mga mata ni Ma'am Edna nang makabalik ako pero dahil naging abala
"Kaya nga apo eh. Ako rin hindi makapaniwala. Talagang utang ko kay Sir MV itong buhay ko. Napakabait na lalaki at napakagwapo pa. Gustong gusto ko nga kayong magkita at magkakilala eh baka kako eh magkagustuhan kayo sa isa't isa." Ngiting ngiti pa na sambit ni lola, mababanaag ang kilig sa mukha ni