( Maximus POV ) "Ano na dude? Wala ka pa bang balak umuwi? Hindi ka pa ba uuwi sa future wife mo?" Bradley teased on the other line kaya napahilot ako sa sintido ko bago malutong na napamura. "Fuck you jerk! Future wife my ass." Inis na sambit saka napabuntong hininga ng malalim. Nasira na naman ang araw ko nang ipaalala nito ang pinapangalandakan ni Krista na nagdadalang tao raw iyon at ako ang ama. Napahalakhak pa ang loko sa kabilang linya bago ito seryosong sumagot. "Yan kasi, iinom inom ka kasi na di ako kasama edi nautakan ka tuloy. Pero what if na nagsasabi ng totoo si Krista? I still remember our conversation a year ago. Nabanggit mo noon na kung sakali mang may mabuntis sa mga babaeng nakasiping mo ay aakuin mo ang bata. Ofcourse, kailangan mo ng tagapagmana. Lalo na ngayong you're living alone as a sole heir of Villaroman's Empire." Mahabang salaysay nito na ikinasapo ko ng noo ko. "I'll settle everything pagkauwi ko maybe one of these days. Ofcourse, kailangan kon
( Thalia's POV ) "Manang, tutulong po ako sa mga gawain ha?" Turan ko kay Manang Sonya matapos namin makapasok sa maid's quarter. Nilapag naman ng tauhan ang bitbit nitong mga gamit ko sa bakanteng table bago ito umalis. "Ano ka ba! Hindi na kailangan. Kaya ko na Thalia! Tsaka wala namang binanggit si Señorito na gawin kang katulong. Ang bilin nun ay ang manatili ka lang dito dahil siguradong gusto nun na makapagpahinga ka." Pigil agad ni Manang kaya napakamot ako sa batok ko. "Manang naman....." "Asus! Huwag ng matigas ang ulo mo Thalia at magpahinga ka nalang okay? Ako na ang bahala sa lahat." Nakangiting wika nito kaya wala na akong nagawa pa kundi sumunod. Matapos nitong makapagpalit ng masusuot niya ay agaran din itong nagpalaam na lalabas na. "Maiwan na muna kita ha at magluluto ako ng paborito mong tinola. Baka kasi gutom na rin yong mga alipores ni Señorito." Ani Manang kaya napilitan akong tumango. Kahit papaano'y natuwa ako na makakatikim muli ng tinolang manok da
Mabilis lumipas ang araw at naging abala ako sa pagtulong kay Manang Sonya kinabukasan. Kahit na ayaw pa sana niya akong payagan ay naging mapilit ako dahil alam kong kailangan niya rin ng tulong lalo pa't nag iisa nalang siya na kasambahay rito. Yun nga lang, ang isa sa nakakairita ay ang presensiya ni Krista na kung makapag utos ay tinalo pa ang isang Presidente. Gusto kasi nito ay ura urada na para bang siya lang mag isa ang pagsisilbihan. Pero kahit nakakairita ay wala naman akong magawa kundi sumunod dahil kahit hindi siya ang may ari nitong mansyon ay binigyan naman siya ng karapatan ni Don Vivencio na manatili rito. Kagaya na lamang ngayon. Kasalukuyan akong nagwawalis sa sala habang ito'y nakaupo sa couch at nanonood ng palabas sa TV. "Hoy! Ipagtimpla mo nga ako ng juice yung malamig na malamig ha!" Walang galang na utos nito sa 'kin at sa pasigaw pa na paraan. Huminto ako sa ginagawa at nakayukong sumagot kahit yong kaibuturan ko ay nanggigigil na sa kanya. "Masus
( Maximus POV ) "She's three weeks pregnant. Mabuti na lamang at naisugod siya agad dito. Sa ngayon safe na ang bata sa sinapupunan niya. But she needs to rest with proper medication para makasiguro tayo." Paliwanag ng doktor tungkol sa kalagayan ni Krista. Kasalukuyan kaming nasa pribadong ospital kung saan ko siya dinala. Napalunok ako ng mariin saka napasuklay sa buhok ko. Goodness! Krista is really pregnant. At kung tatlong linggo na ay sumakto ito sa kalkulasyon ko noong gabing nalasing ako at may nangyari raw sa amin. I don't know how to react but my heart beats fast. Paano kung ako talaga ang ama? Pero gusto ko pa ring makasigurado ng isang daang porsyento na ako nga ang ama ng bata. "Thanks doc! Also I want to conduct a DNA testing for me and for the child she's bearing. But I want everything to be private. Gusto ko sanang tayo lang muna ang makakaalam nito." Diretsahan at walang paligoy ligoy na sambit ko sa kausap na doktor. Tumango naman ito ng ilang beses. "No p
( Thalia's POV ) "Matulog ka na. Huwag mo ng alalahanin ang mga nangyari dahil hindi naman natuluyan ang bruha. Magpaliwanag ka lang kay Señorito ,mauunawaan niya naman siguro lalo pa't kilalang kilala niya ang sama ng budhi ng Krista na yon." Pagpapagaan ng loob ni Manang Sonya sa akin. Nauna na kasing umuwi kanina ang isang tauhan na kasama ng halimaw kaya iyon ang napagtanungan niya. Kay laking ginhawa sa akin nang malaman naming ligtas na ang bata sa sinapupunan ng Krista na yon, na hindi iyon nakunan. Bumangon ako sa pagkakahiga at umayos ng upo sa kama. Kasalukuyan na kaming nasa maids quarter ngayon ni Manang Sonya at nakahiga sa magkaibang kama na magkaharap lang. Mapait akong napangiti kay Manang dahil alam kong napakalabo ng sinasabi niya na mauunawaan ako ng halimaw. Napakaimposible dahil hindi naman iyon marunong makinig. Isa pa, ama siya ng batang muntik ng mapahamak dahil sa pagtatanggol ko sa aking sarili. "Napakalabo po Manang. Mukhang kailangan ko na naman p
Lumipas na ang gabi at pasalamat nalang akong nagawa ko pang matulog kahit pa man sa kinakaharap na hirap at haharapin pang mga problema. Ayaw pa sana akong dalawin ng antok pero pinilit ko ang sarili dahil ayaw kong madamay ang anak ko sa nangyayari. At ang ipinagpapasalamat ko nalang ay yong hanggang doon lang ang ginawang pananakit ng halimaw, na yung braso at panga ko lang ang sumakit at alam kong nagkaroon ng pasa dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya. Buti nalang at hindi ang katawan ko ang nasaktan. Natatakot ako para sa kalagayan ng baby ko. At ang lubos na nakakapagtaka ay yong ginawa niyang pagsuntok sa sementadong pader na alam kong sinadya niya na huwag akong patamaan na nagresulta pa ng pagkasugat at pagdurugo ng kamao niya. Bakit niya iyon ginawa? Napalunok ako ng mariin bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Ano din bang nangyayari sa 'kin, dapat hindi ko na iyon binibigyan pa ng ibang ibig sabihin, dapat hindi ko na iniisip yon dahil baka hinaha
"Times up! Men, ihatid na ninyo si Manang sa sakayan." Walang emosyong utos ng halimaw sa mga tauhan niya kaya tumayo na rin si Manang Sonya at luhaang kumakaway sa akin papaalis. Lumuluha rin akong sinundan na lamang siya ng tingin dahil kapwa wala na kaming magawa sa desisyon ng halimaw. Ang sakit at napakabigat sa dibdib ng pag alis niya. At alam kong sa mga oras na ito ay mag isa na lamang akong haharapin ang lahat. Wala na akong magiging karamay at mapagsasabihan sa mga hinanakit ko. Nakakalungkot lang na maging itong pagbubuntis ko ay inilihim ko sa kanya alang alang sa seguridad ng anak ko. "What are you doing? Tutunganga ka lang ba diyan? Just fucking clean and do your work!" Matigas na wika ng halimaw nang mapansin nitong malungkot akong nakaupo. Kung makaasta ito ay mukhang hindi man lang ito naapektuhan sa ginawa niyang pagpapalayas kay Manang Sonya gayung ilang dekada na nanilbihan ang matanda sa kanila. Sadyang bato talaga ang puso nito na di tinatablan, kagaya rin
( Maximus POV ) "Napakalaki ng ibinaba ng ani natin ngayon Señorito. Halos kalahati po ang nawala. Marami na rin po ang namatay na mga hayop sa rancho." Imporma sa akin ni Mang Pedring, ang pinagkakatiwalaang trabahador ng hacienda. Kasulukuyan akong nandirito ngayon para tingnan ang mga naaning palay at mga gulay. Ganoon din ang rancho na iilang hayop na lamang ang natitira. Dismayado akong napahilot sa aking sintido dahil pakiramdam ko napapabayaan ko na ito gayung maayos na maayos ang takbo ng ibang mga negosyo namin. Ang hacienda pa na siyang mahal na mahal at pinapahalagahan ni lolo noong nabubuhay pa siya dahil namana pa niya ito sa mga ninuno niya. "Sa tingin mo ano kaya ang problema Mang Pedring?" Kalmadong tanong ko sa matanda na halata ang kalungkutan sa mukha. "Kinulang po tayo sa mga trabahador Señorito." Parang nahihiya pang sagot nito. "Bakit tayo kinulang? Where are they?" Kunot noong tanong ko. Masyado na ata talaga akong abala sa maraming bagay lalo na sa p