Kapit lang po....makakaraos din si Thalia ahahaha sorry and peace sa gustong gusto na siyang makawala.... pasensiya na at need lang umepal ng mga kontrabida natin..
( Thalia's POV ) "Matulog ka na. Huwag mo ng alalahanin ang mga nangyari dahil hindi naman natuluyan ang bruha. Magpaliwanag ka lang kay Señorito ,mauunawaan niya naman siguro lalo pa't kilalang kilala niya ang sama ng budhi ng Krista na yon." Pagpapagaan ng loob ni Manang Sonya sa akin. Nauna na kasing umuwi kanina ang isang tauhan na kasama ng halimaw kaya iyon ang napagtanungan niya. Kay laking ginhawa sa akin nang malaman naming ligtas na ang bata sa sinapupunan ng Krista na yon, na hindi iyon nakunan. Bumangon ako sa pagkakahiga at umayos ng upo sa kama. Kasalukuyan na kaming nasa maids quarter ngayon ni Manang Sonya at nakahiga sa magkaibang kama na magkaharap lang. Mapait akong napangiti kay Manang dahil alam kong napakalabo ng sinasabi niya na mauunawaan ako ng halimaw. Napakaimposible dahil hindi naman iyon marunong makinig. Isa pa, ama siya ng batang muntik ng mapahamak dahil sa pagtatanggol ko sa aking sarili. "Napakalabo po Manang. Mukhang kailangan ko na naman p
Lumipas na ang gabi at pasalamat nalang akong nagawa ko pang matulog kahit pa man sa kinakaharap na hirap at haharapin pang mga problema. Ayaw pa sana akong dalawin ng antok pero pinilit ko ang sarili dahil ayaw kong madamay ang anak ko sa nangyayari. At ang ipinagpapasalamat ko nalang ay yong hanggang doon lang ang ginawang pananakit ng halimaw, na yung braso at panga ko lang ang sumakit at alam kong nagkaroon ng pasa dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya. Buti nalang at hindi ang katawan ko ang nasaktan. Natatakot ako para sa kalagayan ng baby ko. At ang lubos na nakakapagtaka ay yong ginawa niyang pagsuntok sa sementadong pader na alam kong sinadya niya na huwag akong patamaan na nagresulta pa ng pagkasugat at pagdurugo ng kamao niya. Bakit niya iyon ginawa? Napalunok ako ng mariin bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Ano din bang nangyayari sa 'kin, dapat hindi ko na iyon binibigyan pa ng ibang ibig sabihin, dapat hindi ko na iniisip yon dahil baka hinaha
"Times up! Men, ihatid na ninyo si Manang sa sakayan." Walang emosyong utos ng halimaw sa mga tauhan niya kaya tumayo na rin si Manang Sonya at luhaang kumakaway sa akin papaalis. Lumuluha rin akong sinundan na lamang siya ng tingin dahil kapwa wala na kaming magawa sa desisyon ng halimaw. Ang sakit at napakabigat sa dibdib ng pag alis niya. At alam kong sa mga oras na ito ay mag isa na lamang akong haharapin ang lahat. Wala na akong magiging karamay at mapagsasabihan sa mga hinanakit ko. Nakakalungkot lang na maging itong pagbubuntis ko ay inilihim ko sa kanya alang alang sa seguridad ng anak ko. "What are you doing? Tutunganga ka lang ba diyan? Just fucking clean and do your work!" Matigas na wika ng halimaw nang mapansin nitong malungkot akong nakaupo. Kung makaasta ito ay mukhang hindi man lang ito naapektuhan sa ginawa niyang pagpapalayas kay Manang Sonya gayung ilang dekada na nanilbihan ang matanda sa kanila. Sadyang bato talaga ang puso nito na di tinatablan, kagaya rin
( Maximus POV ) "Napakalaki ng ibinaba ng ani natin ngayon Señorito. Halos kalahati po ang nawala. Marami na rin po ang namatay na mga hayop sa rancho." Imporma sa akin ni Mang Pedring, ang pinagkakatiwalaang trabahador ng hacienda. Kasulukuyan akong nandirito ngayon para tingnan ang mga naaning palay at mga gulay. Ganoon din ang rancho na iilang hayop na lamang ang natitira. Dismayado akong napahilot sa aking sintido dahil pakiramdam ko napapabayaan ko na ito gayung maayos na maayos ang takbo ng ibang mga negosyo namin. Ang hacienda pa na siyang mahal na mahal at pinapahalagahan ni lolo noong nabubuhay pa siya dahil namana pa niya ito sa mga ninuno niya. "Sa tingin mo ano kaya ang problema Mang Pedring?" Kalmadong tanong ko sa matanda na halata ang kalungkutan sa mukha. "Kinulang po tayo sa mga trabahador Señorito." Parang nahihiya pang sagot nito. "Bakit tayo kinulang? Where are they?" Kunot noong tanong ko. Masyado na ata talaga akong abala sa maraming bagay lalo na sa p
( Krista's POV )"Hindi mo ba napapansin!? Pinoprotektahan na ni Maximus ang babaeng yun! Maging ako pinagbabawalan na niyang pumunta sa mansyon magmula ng nakita niya akong sinaktan ang walanghiyang Thalia na yon!" Mahabang litanya ni mommy sabay buga nito ng sigarilyo. Palakad lakad pa ito sa harapan ko na animo'y hindi mapakali. Saglit kasi akong umuwi ngayon sa mansyong tinutuluyan namin dahil maging ako ay nababahala na rin sa ikinikilos ni Maximus. At hindi lang pala ako ang nakapansin dahil maging ito rin. "Kinailangang mabura na sa landas natin ang babaeng yon sa lalong madaling panahon. Bago pa mabaliw ng tuluyan si Maximus sa kanya!" Kinakabahang dagdag pa ni mommy. I sighed. "Mom, itigil mo na nga yan! Ako ang nahihilo sa inyo eh!" Komento ko nang mapansing hindi ito tumitigil sa pabalik balik niya ng lakad. "Pota naman Krista oo! Hindi ako nagbibiro rito! Iyan, iyang batang nasa sinapupunan mo! Hindi ka ba masaya na nagbunga ang paghihirap natin ha?" Galit na sigaw n
( Thalia's POV ) Napakalakas ng dibdib ko na animo'y nagwawala habang nakatingin sa halimaw at ng bruhang si Krista, sabay na kumakain ang dalawa na magkaharap sa mesa. At alam kong hindi ito pagwawala dahil nagalak ako o natuwa, nagwawala ito dahil sa inis. Ramdam na ramdam ko na hindi ko nagugustuhan ang nakikita. Kanina pa ito, nung nakita ko ang halimaw na buhat buhat ang bruha pagpasok. Napapikit ako ng mariin saka pinangaralan ang sarili na magfocus na lamang sa gawain. Gustong gusto ko itong balewalain dahil alam kong hindi na ito normal. Dapat hindi na ako nangingialam. Dapat hinahayaan ko na sila khit maglampungan pa sila sa harapan ko. Kaya binilisan ko nalang ang paglilinis sa kusina para makaalis na 'ko. Saka nalang ako babalik kapag tapos na silang kumain para makaiwas na rin ako sa kung anumang inis at galit na nararamdaman ko na hindi ko naman alam ang eksaktong dahilan. "Sa susunod na araw magpapacheck up ko for our baby. You need to be there Max kaya samahan
( Maximus POV ) Walang kaarte arteng sinipsip ko dugong lumabas sa sugat ng kamay niya bago ito muling hinugasan. "You're so fucking careless wicked! Hindi ka ba marunong mag ingat!? You're too lame!" Inis na sambit ko after spitting her blood from my mouth. Talagang umiinit ang ulo ko sa oras na ito dahil una, sa ginawang pagnakaw ng halik ni Krista. Pangalawa, sa pakikipagtitigan ng kriminal na ito kay Bradley. "Se----- Señorito, kaya ko na naman po. Ako na po ang bahala." Sagot nito sa medyo paos na boses. Mukha pang naiilang. Is she avoiding me? Hindi ba alam ng babaeng ito na magaling at eksperto ako sa bagay na ito!? Ako na nga itong nagmamagandang loob na tulungan siya! Fuck! "No! I'll do it!" Ma- autoridad na sagot ko kaya tumahimik na ito. Wala na itong nagawa at hinayaan nalang ako sa ginagawa. "Baka naman gusto niya na ako nalang? You know I'm good at it dude." Biglang singit ni Bradley sa usapan kaya napaigting ang panga ko saka ito malakas na binato ng alco
NOTE: SPG chapter ahead, contains sexual content not intended for young and minor readers. Please be guided.( Thalia's POV ) Hawak hawak ko ang dibdib na sobrang lakas sa pagkabog. Saka ko dahan dahang pinalandas ang daliri sa aking labi. Hinayaan ko ang halimaw na yon na basta na lang akong halikan at ako itong si gaga hindi naman pumalag lalo pa't nauna si Krista kanina na angkinin ang mga labi niyang iyon! At ayaw ko mang aminin pero sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko iyon nagustuhan. Saka ang nakakainis namimiss ko rin dahil ngayon lang iyon naulit magmula ng umuwi siya galing Amerika. Tila ba lahat ng sakit at pagkadismaya dahil sa nasaksihan ko kanina ay naglaho. Nakakagulo ng isipan! Bakit niya pa ba iyon ginawa sa 'kin gayung mukhang maayos na naman sila ng bruha. At bakit pakiramdam ko puno ng emosyon ang halik niyang iyon? Halik na ibang iba sa mga ginawad niya dati. Saka ko tiningnan ang sugatang kamay na ginamot niya at lihim na napangiti. Ayaw ko ngang