Mamaya ulit. Pahinga lang dahil sakit na daliri kakatype. Happy ba? Pagems naman po hehe. Love love!
"Tang ina, huwag mo akong titigan ng ganyan." Irritableng sambit ko kay Bradley na kanina pa mariing nakatutok ang mga mata sa akin. Halatang nang aasar lang naman. "Aba'y bakit hindi? Sinisigurado ko lang naman kung ikaw ba talaga ito. Tang ina rin! Parang ibang tao ang kasama ko ngayon." Di makapaniwalang bulalas nito sabay tungga ng baso ng coconut wine na galing sa plantasyon ng hacienda. "Ang pait, pero masarap ah!" Komento pa nito sa ininom. Kasalukuyan kasi kaming naririto ngayon sa hacienda para sa ginawang pagtitipon sa lahat ng mga trabahador kanina at nagkataong bumalik ang loko sa mansyon kaya isinama ko na. Maya pormahan pa ang babaeng kriminal na yon habang wala ako eh! There's no fucking way! Kilala ko pa naman ang lokong ito na matinik sa babae. "Gago ka talaga!" Sambit ko saka binuga ang usok na hinithit mula sa hawak na sigarilyo. "Paanong naging gago eh I'm just telling the truth dude. Buong buhay ko, ngayon lang kita nakitang nagconduct ng meeting sa mga
"Kinailangang isagawa natin ang plano na wala si Maximus. Itong ibibigay ko sayo ay mamahaling gamot pampatulog. Ihalo mo lang ito sa lulutuin mong pagkain para sa mga tauhan niya. Huwag kang mag alala, hindi naman nakakamatay yan kaya tiyak magigising pa ang mga iyon kinabukasan." Paliwanag sa akin ni Krista ukol sa gagawin naming hakbang. Kinuha ko ang gamot na ibinigay niya at itinago ito ng maayos sa bulsa ng suot kong bestida. Kasulukuyan akong nasa kwarto niya ngayon para pag usapan at pagplanuhang maigi ang aming gagawin na hakbang. Kunyariang naghatid ako ng pagkain sa kanya para walang magduda sa mga tauhan ng halimaw. "Siguraduhin mong lahat sila ay mapapakain mo para wala kang magiging problema. May kinausap na rin akong kakilala na siyang mag aabang sayo sa labas ng gate para may masakyan ka. Nasa kanya na rin ang perang gagamitin mo panimula. Basta siguraduhin mo lang na susunod ka sa usapan natin." Dagdag pa niya na siyang ikinatango ko ng maraming beses. "Oo na
( Maximus POV ) Bumabiyahe na ako patungong Baguio pero parang kay bigat ng dibdib ko. Na para bang gusto kong bumalik sa mansyon na di ko maipaliwanag. Parang may humihila sa akin papabalik doon. "Kung hindi mo ako pupuntahan, I'll swear, hinding hindi mo kailanman makikita ang anak natin. Hindi ako nagbibiro Max, ilalayo ko siya sayo. Mabubuhay siyang walang ama!" Ang mensahe na ito ni Krista ang nagtulak sa akin na magpatuloy. Ofcourse, hindi ko hahayaang mangyari ang gusto niya. Naranasan kong lumaki na walang ama sa aking tabi at ayaw ko iyong iparanas sa magiging anak ko. Ano nga bang inaalala ko? My wicked is safe at naghihintay lang iyon sa mansyon. Pag uwi ko, siya naman ang aasikasuhin ko. Bahala na kung saan hahantong ang kahibangan kong ito but this time, I'll follow my heart. Buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ito. Ngayon lang ako parang buong buo kaya I will let my heart to experience this overflowing happiness when I'm with her. I never experienced l
( Thalia's POV ) Naging mapagmatyag ako sa mga sumunod na oras. Umalis na ang halimaw na Maximus kaya sinimulan ko na agad ang pagluluto lalo pa't dapit hapon na. Ang bilin ni Krista ay gawin ko raw ang plano sa gabi, iyong siguradong madilim na. Sisiguraduhin niya naman daw na hindi makakauwi si Maximus sa mga oras na iyon kaya huwag akong magmadali para maisakatuparan ng maayos ang lahat. "Uuhmmmm ang bango ah! Naku! Tiyak mapapalaban na naman kami sa kainan nito Ms. Thalia." Puri ng isang tauhan ng halimaw na pumasok sa kusina para uminom ng tubig. Ngumiti lang ako ng marahan. "Salamat po kuya." Tipid na sagot ko at di na nakipag usap pa sa kanya dahil iniiwasan ko ring magkamali ng sasabihin. Buti nalang at hindi na rin ito nagtagal. Dinamihan ko ang pagluluto ngayon ng ulam para malagyan ito lahat ng gamot. Para makasigurado akong marami talaga silang makain gaya ng bilin ni Krista. Mamahalin naman daw ang gamot na ito kaya eepekto rin ito ng mabilisan. Kaya naman ng ma
( Maximus POV ) "Can we just stay here for tonight? Kahit ngayong gabi lang Max. Ayaw kong bumiyahe dahil nakakapagod. Isa pa I'm pregnant, masama sa buntis ang mahabang biyahe." Pakiusap ni Krista matapos namin makapag usap ng masinsinan. The heck! Alam naman pala niyang masama sa buntis ang bumiyahe ng malayo pero siya pa itong nagpa Baguio! "If you're not comfortable sleeping beside me, you can get your own room then." Suhestiyon pa nito kaya marahan nalang akong tumango. "Fine Krista! Basta babiyahe tayo ng maaga. I have a lot of works to do." Mariing turan ko kahit ang totoo'y kating kati na akong umuwi para makita na si Thalia. "Okay Max, I'm going to sleep now and don't disturb me dahil bawal sa buntis ang maistorbo ng tulog. Goodnight." Inaantok na sagot naman nito kaya lumabas na rin ako ng kwarto niya. Dahil pumayag ito sa set up namin na sa bata lang ako magkakaroon ng responsibilidad ay pagbibigyan ko na muna siya ngayon. I'm just glad na hindi na ito nagmatig
"Max, a---- anong nangyayari?" Naguguluhang bumungad ang mukha ni Krista nang makailang ulit akong nagdoorbell sa kwarto niya. Wala na akong pakialam kung ayaw nitong maistorbo dahil wala ng iba pang mas mahalaga sa akin ngayon kundi ang makabalik agad ng mansyon at mahanap si Thalia. "My fucking phone, nandiyan ba!?" Tarantang tanong ko saka tuloy tuloy na pumasok sa kwarto niya. "Your phone? Yeah yeah, nasa table, nalaglag mo ata kagabi. Te--- teka nga, what's wrong? Why are you acting so mad in the middle of the night?" Anito pero hindi ako kumibo. Good thing ay nasa bedside table nga ang aparatu ko kaya mabilisan ko itong kinuha. "I need to go home now Krista. My two men will stay here para may makasama kang umuwi." Walang paligoy ligoy na sambit ko. Kita ko pa ang lubhang pagtataka't pagkagulat sa mukha nito pero wala na akong panahon pa para magpaliwanag. "Max, sandali! What's happening!?" Pahabol na tanong nito pero mabilisan na akong humakbang papalabas ng hotel. B
( Krista's POV ) "How was it? Nasaan ang bruhang uto uto?" Naeexcite na tanong ko sa kabilang linya sa lalaking binayaran ko para sumundo kay Thalia. Well, hindi lang pala basta sumundo kundi para siraan din ang babaeng yon sa mga mata ni Maximus. "Nagpahatid po sa pier patungong Visayas ma'am. Naibigay ko ba rin po sa kanya ang pocket money na pinapabigay niyo." Sagot nito na siyang ikinangisi ko. "And the plan?" "Maayos na maayos po. Salamat din kasi nakaisa ako, ang gandang babae pala ma'am." Bulalas nito kaya napairap ako. Ano bang ikinaganda ng mukhang basahan na babaeng yon? Why men appreciate her? Na maging si Maximus na napakahirap paamuin ay napapaamo ng bwisit na babaeng yon. Di kaya'y may gayuma ang pobreng yon? "So, alam mo na ang susunod na magiging plano. Pasundan mo iyon sa mga kasamahan mo kahit saang lupalop pa siya ng Pilipinas magtago. Nakahanda na ang bayad at ipapadala ko na ito sa account mo ngayon din basta siguraduhin nilang hindi iyon makakawala s
( Thalia's POV ) Negros. Wala sa plano na doon ako magtatago ngunit dahil doon patungo ang unang biyahe ng barko kaya wala na lamang akong nagawa kundi sumugal at doon na makipagsapalaran. "Mag iingat ka Thalia. Nice meeting you." Turan ni Rigor kaya kahit papaano'y tipid ko itong nginitian. Nagpasalamat pa rin ako sa tulong na ginawa niya kahit naiinis ako dun sa pagyakap niya ng walang paalam at sa pagnakaw ng halik. "Aalis na 'ko. Salamat din. Ikaw na rin ang magpaabot ng pasasalamat ko kay Krista." Puno ng sensiridad na sambit ko bago tuluyang umakyat papasakay ng barko. May dalawampung libong pinabigay si Krista kaya sobra sobrang laking tulong na nito sa pagsisimula ko ng panibagong buhay. Unang una kong gagawin ay ang maghanap ng matitirhan at sunod ang paghahanap ng trabaho. Wala akong dalang kahit anumang gamit kundi ang tanging lumang suot ko lang. Kaya kung saang lugar man ako mapapadpad sa Palawan at dalhin ng aking mga paa, magsisikap ako hindi lang para sa akin