( Thalia's POV ) Naging mapagmatyag ako sa mga sumunod na oras. Umalis na ang halimaw na Maximus kaya sinimulan ko na agad ang pagluluto lalo pa't dapit hapon na. Ang bilin ni Krista ay gawin ko raw ang plano sa gabi, iyong siguradong madilim na. Sisiguraduhin niya naman daw na hindi makakauwi si Maximus sa mga oras na iyon kaya huwag akong magmadali para maisakatuparan ng maayos ang lahat. "Uuhmmmm ang bango ah! Naku! Tiyak mapapalaban na naman kami sa kainan nito Ms. Thalia." Puri ng isang tauhan ng halimaw na pumasok sa kusina para uminom ng tubig. Ngumiti lang ako ng marahan. "Salamat po kuya." Tipid na sagot ko at di na nakipag usap pa sa kanya dahil iniiwasan ko ring magkamali ng sasabihin. Buti nalang at hindi na rin ito nagtagal. Dinamihan ko ang pagluluto ngayon ng ulam para malagyan ito lahat ng gamot. Para makasigurado akong marami talaga silang makain gaya ng bilin ni Krista. Mamahalin naman daw ang gamot na ito kaya eepekto rin ito ng mabilisan. Kaya naman ng ma
( Maximus POV ) "Can we just stay here for tonight? Kahit ngayong gabi lang Max. Ayaw kong bumiyahe dahil nakakapagod. Isa pa I'm pregnant, masama sa buntis ang mahabang biyahe." Pakiusap ni Krista matapos namin makapag usap ng masinsinan. The heck! Alam naman pala niyang masama sa buntis ang bumiyahe ng malayo pero siya pa itong nagpa Baguio! "If you're not comfortable sleeping beside me, you can get your own room then." Suhestiyon pa nito kaya marahan nalang akong tumango. "Fine Krista! Basta babiyahe tayo ng maaga. I have a lot of works to do." Mariing turan ko kahit ang totoo'y kating kati na akong umuwi para makita na si Thalia. "Okay Max, I'm going to sleep now and don't disturb me dahil bawal sa buntis ang maistorbo ng tulog. Goodnight." Inaantok na sagot naman nito kaya lumabas na rin ako ng kwarto niya. Dahil pumayag ito sa set up namin na sa bata lang ako magkakaroon ng responsibilidad ay pagbibigyan ko na muna siya ngayon. I'm just glad na hindi na ito nagmatig
"Max, a---- anong nangyayari?" Naguguluhang bumungad ang mukha ni Krista nang makailang ulit akong nagdoorbell sa kwarto niya. Wala na akong pakialam kung ayaw nitong maistorbo dahil wala ng iba pang mas mahalaga sa akin ngayon kundi ang makabalik agad ng mansyon at mahanap si Thalia. "My fucking phone, nandiyan ba!?" Tarantang tanong ko saka tuloy tuloy na pumasok sa kwarto niya. "Your phone? Yeah yeah, nasa table, nalaglag mo ata kagabi. Te--- teka nga, what's wrong? Why are you acting so mad in the middle of the night?" Anito pero hindi ako kumibo. Good thing ay nasa bedside table nga ang aparatu ko kaya mabilisan ko itong kinuha. "I need to go home now Krista. My two men will stay here para may makasama kang umuwi." Walang paligoy ligoy na sambit ko. Kita ko pa ang lubhang pagtataka't pagkagulat sa mukha nito pero wala na akong panahon pa para magpaliwanag. "Max, sandali! What's happening!?" Pahabol na tanong nito pero mabilisan na akong humakbang papalabas ng hotel. B
( Krista's POV ) "How was it? Nasaan ang bruhang uto uto?" Naeexcite na tanong ko sa kabilang linya sa lalaking binayaran ko para sumundo kay Thalia. Well, hindi lang pala basta sumundo kundi para siraan din ang babaeng yon sa mga mata ni Maximus. "Nagpahatid po sa pier patungong Visayas ma'am. Naibigay ko ba rin po sa kanya ang pocket money na pinapabigay niyo." Sagot nito na siyang ikinangisi ko. "And the plan?" "Maayos na maayos po. Salamat din kasi nakaisa ako, ang gandang babae pala ma'am." Bulalas nito kaya napairap ako. Ano bang ikinaganda ng mukhang basahan na babaeng yon? Why men appreciate her? Na maging si Maximus na napakahirap paamuin ay napapaamo ng bwisit na babaeng yon. Di kaya'y may gayuma ang pobreng yon? "So, alam mo na ang susunod na magiging plano. Pasundan mo iyon sa mga kasamahan mo kahit saang lupalop pa siya ng Pilipinas magtago. Nakahanda na ang bayad at ipapadala ko na ito sa account mo ngayon din basta siguraduhin nilang hindi iyon makakawala s
( Thalia's POV ) Negros. Wala sa plano na doon ako magtatago ngunit dahil doon patungo ang unang biyahe ng barko kaya wala na lamang akong nagawa kundi sumugal at doon na makipagsapalaran. "Mag iingat ka Thalia. Nice meeting you." Turan ni Rigor kaya kahit papaano'y tipid ko itong nginitian. Nagpasalamat pa rin ako sa tulong na ginawa niya kahit naiinis ako dun sa pagyakap niya ng walang paalam at sa pagnakaw ng halik. "Aalis na 'ko. Salamat din. Ikaw na rin ang magpaabot ng pasasalamat ko kay Krista." Puno ng sensiridad na sambit ko bago tuluyang umakyat papasakay ng barko. May dalawampung libong pinabigay si Krista kaya sobra sobrang laking tulong na nito sa pagsisimula ko ng panibagong buhay. Unang una kong gagawin ay ang maghanap ng matitirhan at sunod ang paghahanap ng trabaho. Wala akong dalang kahit anumang gamit kundi ang tanging lumang suot ko lang. Kaya kung saang lugar man ako mapapadpad sa Palawan at dalhin ng aking mga paa, magsisikap ako hindi lang para sa akin
( Maximus POV ) "Max, it's time to eat. I'll bring you food here. C'mon." Puno ng pag aalalang sambit ni Krista. Napasigaw pa ito para mapalakas ang boses dahil wala akong balak na pagbuksan ito. It's been days, fucking days magmula ng tumakas si Thalia. And what's more even surprising ay halatang pinagplanuhang maigi ang pagtakas niya lalo pa't may sumundo sa kanyang isang lalaki. At di lang basta sumundo dahil kuhang kuha sa CCTV ang yakapan at halikan ng dalawa. Ang masama pa, hindi man lang klaro sa CCTV ang hitsura ng lalaki maging ang plate number ng sasakyang sinakyan nun. Para bang alam na alam niyon at pinag aralang maigi ang pwesto ng CCTV sa labas ng mansyon. Fuck! Bullshit! At magmula ng mapanood ko iyon ay nawalan na ako ng ganang mag imbestiga at maghanap pa sa kanya. Kung paano siya nakatakas at kung sinong tumulong sa kanya ag nawalan na ako ng pakialm. Hindi naman ako sumuko. Katunayan, I did my very best to find her from the first to second days. Pinahalughog ko
[ NOTE: SPG ALERT! PLEASE BE AWARE THAT THIS BOOK IS A DARK ROMANCE WHICH CONTAINS VIOLENCE, SEXUAL AND ABUSIVE CONTENTS NOT INTENDED FOR YOUNG, MINOR AND SENSITIVE READERS. THIS IS ONLY FICTIONAL PERO KUNG EMOSYONAL KA MASYADO , JUST SKIP! DAHIL HINDI PO PARA SAYO ANG BOOK NA ITO! ]"Ikulong ninyo ang babaeng yan at siguraduhin niyong hindi makakatakas! Gusto kong ako mismo ang kikitil sa buhay ng hayop na iyan!"Gigil na utos niya sa mga tauhan na nasa kabilang linya. Labas na ang ugat sa leeg ni Maximus dahil sa masamang balitang natanggap niya. Ang abuelong nagpalaki at nag aruga sa kanya ay wala ng buhay nang matagpuan ito sa sariling kwarto. At ang suspek ay walang iba kundi ang mismong caregiver nito na napag alaman niyang nagpanggap lang at peneke ang mga dokumento upang makapasok sa kanilang mansyon. Nung mismong araw ng pagkawala ng kanyang abuelong si Don Vivencio ay agaran din siyang nagpaimbestiga, kasama na roon ang lahat ng tauhan ng kanilang hacienda maging ang mga k
(Thalia's POV)"Saan niyo ako dadalhin? Parang awa niyo na po! Bitawan po ninyo ako!"Panay ang pagpupumiglas ko habang buong pusong nagmamakaawa sa tatlong malalaking lalaki na kumaladkad sa akin. Sa laking bulas ng mga ito ay halos mabali na ang mga buto ko sa higpit ng pagkakahawak ng mga ito sa braso ko."Ang ingay tang ina! Patahimik nalang kaya natin 'to pre?" Mas lalo akong nahintakutan sa pahayag ng isa sa mga ito. Sa histura nito ay parang nauubusan na ng pasensiya. Labas pa ang dila habang nakatingin sa akin na puno ng gigil."Gago! Baka gusto mong ikaw ang patahimikin ni boss habang buhay?" Saway naman ng isa na bahagya pang binatukan sa ulo ang una kaya tumahimik ito."Magandang dalaga pa naman sana ito. Sayang lang. Kung pwede nga lang idiritso ka nalang namin sa quarters para makatikim ka naman ng langit bago mo maranasan ang impyerno!" Umiiling at dismayadong sabat naman ng isa na ikinatawa ng mga kasamahan niya kaya mas lalong nanginig ang buong kalamnan ko sa takot.K