"Max, a---- anong nangyayari?" Naguguluhang bumungad ang mukha ni Krista nang makailang ulit akong nagdoorbell sa kwarto niya. Wala na akong pakialam kung ayaw nitong maistorbo dahil wala ng iba pang mas mahalaga sa akin ngayon kundi ang makabalik agad ng mansyon at mahanap si Thalia. "My fucking phone, nandiyan ba!?" Tarantang tanong ko saka tuloy tuloy na pumasok sa kwarto niya. "Your phone? Yeah yeah, nasa table, nalaglag mo ata kagabi. Te--- teka nga, what's wrong? Why are you acting so mad in the middle of the night?" Anito pero hindi ako kumibo. Good thing ay nasa bedside table nga ang aparatu ko kaya mabilisan ko itong kinuha. "I need to go home now Krista. My two men will stay here para may makasama kang umuwi." Walang paligoy ligoy na sambit ko. Kita ko pa ang lubhang pagtataka't pagkagulat sa mukha nito pero wala na akong panahon pa para magpaliwanag. "Max, sandali! What's happening!?" Pahabol na tanong nito pero mabilisan na akong humakbang papalabas ng hotel. B
( Krista's POV ) "How was it? Nasaan ang bruhang uto uto?" Naeexcite na tanong ko sa kabilang linya sa lalaking binayaran ko para sumundo kay Thalia. Well, hindi lang pala basta sumundo kundi para siraan din ang babaeng yon sa mga mata ni Maximus. "Nagpahatid po sa pier patungong Visayas ma'am. Naibigay ko ba rin po sa kanya ang pocket money na pinapabigay niyo." Sagot nito na siyang ikinangisi ko. "And the plan?" "Maayos na maayos po. Salamat din kasi nakaisa ako, ang gandang babae pala ma'am." Bulalas nito kaya napairap ako. Ano bang ikinaganda ng mukhang basahan na babaeng yon? Why men appreciate her? Na maging si Maximus na napakahirap paamuin ay napapaamo ng bwisit na babaeng yon. Di kaya'y may gayuma ang pobreng yon? "So, alam mo na ang susunod na magiging plano. Pasundan mo iyon sa mga kasamahan mo kahit saang lupalop pa siya ng Pilipinas magtago. Nakahanda na ang bayad at ipapadala ko na ito sa account mo ngayon din basta siguraduhin nilang hindi iyon makakawala s
( Thalia's POV ) Negros. Wala sa plano na doon ako magtatago ngunit dahil doon patungo ang unang biyahe ng barko kaya wala na lamang akong nagawa kundi sumugal at doon na makipagsapalaran. "Mag iingat ka Thalia. Nice meeting you." Turan ni Rigor kaya kahit papaano'y tipid ko itong nginitian. Nagpasalamat pa rin ako sa tulong na ginawa niya kahit naiinis ako dun sa pagyakap niya ng walang paalam at sa pagnakaw ng halik. "Aalis na 'ko. Salamat din. Ikaw na rin ang magpaabot ng pasasalamat ko kay Krista." Puno ng sensiridad na sambit ko bago tuluyang umakyat papasakay ng barko. May dalawampung libong pinabigay si Krista kaya sobra sobrang laking tulong na nito sa pagsisimula ko ng panibagong buhay. Unang una kong gagawin ay ang maghanap ng matitirhan at sunod ang paghahanap ng trabaho. Wala akong dalang kahit anumang gamit kundi ang tanging lumang suot ko lang. Kaya kung saang lugar man ako mapapadpad sa Palawan at dalhin ng aking mga paa, magsisikap ako hindi lang para sa akin
( Maximus POV ) "Max, it's time to eat. I'll bring you food here. C'mon." Puno ng pag aalalang sambit ni Krista. Napasigaw pa ito para mapalakas ang boses dahil wala akong balak na pagbuksan ito. It's been days, fucking days magmula ng tumakas si Thalia. And what's more even surprising ay halatang pinagplanuhang maigi ang pagtakas niya lalo pa't may sumundo sa kanyang isang lalaki. At di lang basta sumundo dahil kuhang kuha sa CCTV ang yakapan at halikan ng dalawa. Ang masama pa, hindi man lang klaro sa CCTV ang hitsura ng lalaki maging ang plate number ng sasakyang sinakyan nun. Para bang alam na alam niyon at pinag aralang maigi ang pwesto ng CCTV sa labas ng mansyon. Fuck! Bullshit! At magmula ng mapanood ko iyon ay nawalan na ako ng ganang mag imbestiga at maghanap pa sa kanya. Kung paano siya nakatakas at kung sinong tumulong sa kanya ag nawalan na ako ng pakialm. Hindi naman ako sumuko. Katunayan, I did my very best to find her from the first to second days. Pinahalughog ko
[ NOTE: SPG ALERT! PLEASE BE AWARE THAT THIS BOOK IS A DARK ROMANCE WHICH CONTAINS VIOLENCE, SEXUAL AND ABUSIVE CONTENTS NOT INTENDED FOR YOUNG, MINOR AND SENSITIVE READERS. THIS IS ONLY FICTIONAL PERO KUNG EMOSYONAL KA MASYADO , JUST SKIP! DAHIL HINDI PO PARA SAYO ANG BOOK NA ITO! ]"Ikulong ninyo ang babaeng yan at siguraduhin niyong hindi makakatakas! Gusto kong ako mismo ang kikitil sa buhay ng hayop na iyan!"Gigil na utos niya sa mga tauhan na nasa kabilang linya. Labas na ang ugat sa leeg ni Maximus dahil sa masamang balitang natanggap niya. Ang abuelong nagpalaki at nag aruga sa kanya ay wala ng buhay nang matagpuan ito sa sariling kwarto. At ang suspek ay walang iba kundi ang mismong caregiver nito na napag alaman niyang nagpanggap lang at peneke ang mga dokumento upang makapasok sa kanilang mansyon. Nung mismong araw ng pagkawala ng kanyang abuelong si Don Vivencio ay agaran din siyang nagpaimbestiga, kasama na roon ang lahat ng tauhan ng kanilang hacienda maging ang mga k
(Thalia's POV)"Saan niyo ako dadalhin? Parang awa niyo na po! Bitawan po ninyo ako!"Panay ang pagpupumiglas ko habang buong pusong nagmamakaawa sa tatlong malalaking lalaki na kumaladkad sa akin. Sa laking bulas ng mga ito ay halos mabali na ang mga buto ko sa higpit ng pagkakahawak ng mga ito sa braso ko."Ang ingay tang ina! Patahimik nalang kaya natin 'to pre?" Mas lalo akong nahintakutan sa pahayag ng isa sa mga ito. Sa histura nito ay parang nauubusan na ng pasensiya. Labas pa ang dila habang nakatingin sa akin na puno ng gigil."Gago! Baka gusto mong ikaw ang patahimikin ni boss habang buhay?" Saway naman ng isa na bahagya pang binatukan sa ulo ang una kaya tumahimik ito."Magandang dalaga pa naman sana ito. Sayang lang. Kung pwede nga lang idiritso ka nalang namin sa quarters para makatikim ka naman ng langit bago mo maranasan ang impyerno!" Umiiling at dismayadong sabat naman ng isa na ikinatawa ng mga kasamahan niya kaya mas lalong nanginig ang buong kalamnan ko sa takot.K
"Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin ng lola mo sa ospital, sa operasyon niya hanggang sa ilang buwang maintenance ng gamot."Parang hulog ng langit ang babae nang alukin ako nito ng tulong. Nasa chapel ako ng ospital, umiiyak habang taimtim na nagdarasal nang makita ako nito, nilapitan at nagpakilala sa isa't isa kaya nang magtanong ito kung bakit akong umiiyak ay kinuwento ko sa kanya ang malaking problemang kinakaharap namin ng lola ko.Pinunasan ko ang luhaang mga mata at sumilay ang liwanag ng pag asa sa aking mukha."Talaga po ma'am? Sigurado po kayo?" Di makapaniwalang tanong ko dahil ngayon lang kami nagkakilala pero walang pagdadalawang isip siyang nag alok ng tulong na hindi basta basta.Marahang ngumiti ang babae bago tumango. Sopistikada ang hitsura nito na halata namang nakakaangat sa buhay kaya di ko talaga inaasahan na lalapitan ako nito at tutulungan."Minsan din akong nakaranas ng hirap kagaya mo kaya alam na alam ko ang pakiramdam. Taos puso ang tulong na ibibigay
Bitbit ang lumang bag ay emosyonal akong naglakad patungo sa isang pick up kung saan naghihintay si Ma'am Ara sa akin.Sinalubong ako nito ng isang matamis na ngiti."Magandang umaga po ma'am." Magalang na bati ko sa ginang."Come in Thalia." Alok nito, nakaturo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya kaya inalalayan akong pumasok ng isang bodyguard nito."Bueno, bago tayo umalis, you need to sign this documents. Requirements ito para makapasok ka sa mansyon." Anito sabay lahad ng ballpen at folder na hawak niya. Walang pagdadalawang isip ko naman itong kinuha. Ganoon naman talaga kapag nag aapply ng trabaho, may mga papeles na kakailanganin. Pasalamat nga ako at si Ma'am Ara na ang nag asikaso ng lahat at tanging pirma ko nalang ang hinihingi nito."Here and there and there." Turo nito sa mga blangko na kailangan kong pirmahan. Dahil naman english ang nakasulat ay di na ako nag abala pang basahin lalo pa't di ko rin naman ito mauunawaan."Tapos na po ma'am." Masayang ani ko at ibinalik