"Times up! Men, ihatid na ninyo si Manang sa sakayan." Walang emosyong utos ng halimaw sa mga tauhan niya kaya tumayo na rin si Manang Sonya at luhaang kumakaway sa akin papaalis. Lumuluha rin akong sinundan na lamang siya ng tingin dahil kapwa wala na kaming magawa sa desisyon ng halimaw. Ang sakit at napakabigat sa dibdib ng pag alis niya. At alam kong sa mga oras na ito ay mag isa na lamang akong haharapin ang lahat. Wala na akong magiging karamay at mapagsasabihan sa mga hinanakit ko. Nakakalungkot lang na maging itong pagbubuntis ko ay inilihim ko sa kanya alang alang sa seguridad ng anak ko. "What are you doing? Tutunganga ka lang ba diyan? Just fucking clean and do your work!" Matigas na wika ng halimaw nang mapansin nitong malungkot akong nakaupo. Kung makaasta ito ay mukhang hindi man lang ito naapektuhan sa ginawa niyang pagpapalayas kay Manang Sonya gayung ilang dekada na nanilbihan ang matanda sa kanila. Sadyang bato talaga ang puso nito na di tinatablan, kagaya rin
( Maximus POV ) "Napakalaki ng ibinaba ng ani natin ngayon Señorito. Halos kalahati po ang nawala. Marami na rin po ang namatay na mga hayop sa rancho." Imporma sa akin ni Mang Pedring, ang pinagkakatiwalaang trabahador ng hacienda. Kasulukuyan akong nandirito ngayon para tingnan ang mga naaning palay at mga gulay. Ganoon din ang rancho na iilang hayop na lamang ang natitira. Dismayado akong napahilot sa aking sintido dahil pakiramdam ko napapabayaan ko na ito gayung maayos na maayos ang takbo ng ibang mga negosyo namin. Ang hacienda pa na siyang mahal na mahal at pinapahalagahan ni lolo noong nabubuhay pa siya dahil namana pa niya ito sa mga ninuno niya. "Sa tingin mo ano kaya ang problema Mang Pedring?" Kalmadong tanong ko sa matanda na halata ang kalungkutan sa mukha. "Kinulang po tayo sa mga trabahador Señorito." Parang nahihiya pang sagot nito. "Bakit tayo kinulang? Where are they?" Kunot noong tanong ko. Masyado na ata talaga akong abala sa maraming bagay lalo na sa p
( Krista's POV )"Hindi mo ba napapansin!? Pinoprotektahan na ni Maximus ang babaeng yun! Maging ako pinagbabawalan na niyang pumunta sa mansyon magmula ng nakita niya akong sinaktan ang walanghiyang Thalia na yon!" Mahabang litanya ni mommy sabay buga nito ng sigarilyo. Palakad lakad pa ito sa harapan ko na animo'y hindi mapakali. Saglit kasi akong umuwi ngayon sa mansyong tinutuluyan namin dahil maging ako ay nababahala na rin sa ikinikilos ni Maximus. At hindi lang pala ako ang nakapansin dahil maging ito rin. "Kinailangang mabura na sa landas natin ang babaeng yon sa lalong madaling panahon. Bago pa mabaliw ng tuluyan si Maximus sa kanya!" Kinakabahang dagdag pa ni mommy. I sighed. "Mom, itigil mo na nga yan! Ako ang nahihilo sa inyo eh!" Komento ko nang mapansing hindi ito tumitigil sa pabalik balik niya ng lakad. "Pota naman Krista oo! Hindi ako nagbibiro rito! Iyan, iyang batang nasa sinapupunan mo! Hindi ka ba masaya na nagbunga ang paghihirap natin ha?" Galit na sigaw n
( Thalia's POV ) Napakalakas ng dibdib ko na animo'y nagwawala habang nakatingin sa halimaw at ng bruhang si Krista, sabay na kumakain ang dalawa na magkaharap sa mesa. At alam kong hindi ito pagwawala dahil nagalak ako o natuwa, nagwawala ito dahil sa inis. Ramdam na ramdam ko na hindi ko nagugustuhan ang nakikita. Kanina pa ito, nung nakita ko ang halimaw na buhat buhat ang bruha pagpasok. Napapikit ako ng mariin saka pinangaralan ang sarili na magfocus na lamang sa gawain. Gustong gusto ko itong balewalain dahil alam kong hindi na ito normal. Dapat hindi na ako nangingialam. Dapat hinahayaan ko na sila khit maglampungan pa sila sa harapan ko. Kaya binilisan ko nalang ang paglilinis sa kusina para makaalis na 'ko. Saka nalang ako babalik kapag tapos na silang kumain para makaiwas na rin ako sa kung anumang inis at galit na nararamdaman ko na hindi ko naman alam ang eksaktong dahilan. "Sa susunod na araw magpapacheck up ko for our baby. You need to be there Max kaya samahan
( Maximus POV ) Walang kaarte arteng sinipsip ko dugong lumabas sa sugat ng kamay niya bago ito muling hinugasan. "You're so fucking careless wicked! Hindi ka ba marunong mag ingat!? You're too lame!" Inis na sambit ko after spitting her blood from my mouth. Talagang umiinit ang ulo ko sa oras na ito dahil una, sa ginawang pagnakaw ng halik ni Krista. Pangalawa, sa pakikipagtitigan ng kriminal na ito kay Bradley. "Se----- Señorito, kaya ko na naman po. Ako na po ang bahala." Sagot nito sa medyo paos na boses. Mukha pang naiilang. Is she avoiding me? Hindi ba alam ng babaeng ito na magaling at eksperto ako sa bagay na ito!? Ako na nga itong nagmamagandang loob na tulungan siya! Fuck! "No! I'll do it!" Ma- autoridad na sagot ko kaya tumahimik na ito. Wala na itong nagawa at hinayaan nalang ako sa ginagawa. "Baka naman gusto niya na ako nalang? You know I'm good at it dude." Biglang singit ni Bradley sa usapan kaya napaigting ang panga ko saka ito malakas na binato ng alco
NOTE: SPG chapter ahead, contains sexual content not intended for young and minor readers. Please be guided.( Thalia's POV ) Hawak hawak ko ang dibdib na sobrang lakas sa pagkabog. Saka ko dahan dahang pinalandas ang daliri sa aking labi. Hinayaan ko ang halimaw na yon na basta na lang akong halikan at ako itong si gaga hindi naman pumalag lalo pa't nauna si Krista kanina na angkinin ang mga labi niyang iyon! At ayaw ko mang aminin pero sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko iyon nagustuhan. Saka ang nakakainis namimiss ko rin dahil ngayon lang iyon naulit magmula ng umuwi siya galing Amerika. Tila ba lahat ng sakit at pagkadismaya dahil sa nasaksihan ko kanina ay naglaho. Nakakagulo ng isipan! Bakit niya pa ba iyon ginawa sa 'kin gayung mukhang maayos na naman sila ng bruha. At bakit pakiramdam ko puno ng emosyon ang halik niyang iyon? Halik na ibang iba sa mga ginawad niya dati. Saka ko tiningnan ang sugatang kamay na ginamot niya at lihim na napangiti. Ayaw ko ngang
Hindi ko alam kung anong oras kami natapos. Basta nalang akong nagising nang makaramdam ng pagkagutom dahil hindi ako nakakakain ng hapunan dahil sa nangyari. Akmang babangon na sana ako nang maramdaman ang isang mabigat na bagay na nakapulupot sa aking tiyan kaya dahan dahan ko itong kinuha. Marahan kong ibinaling ang ulo sa kabila at saka pa lamang ako parang binuhusan ng mainit na tubig na siyang nagpagising ng tuluyan sa aking diwa nang mapagtanto ko kung ano ito at kanino ito galing. Braso..... Braso ang nakapulupot sa tiyan ko at galing ito sa halimaw na ngayo'y mahimbing na natutulog sa aking tabi at tanging kumot lang ang nakatakip sa aming mga katawan na kapwa hubo't hubad. Napaawang ako sabay takip sa aking bibig para hindi makagawa ng anumang ingay. Nakailang pikit pa ako para siguraduhing hindi nga ako nananaginip ngunit pagdilat ko ay mukha niya pa rin ang aking nabungaran. Hindi ako makapaniwalang magkatabi kaming natulog. Hindi ako makapaniwalang nanatili siya s
( Maximus POV ) Nagising ako kinaumagahan na wala na ang babaeng kriminal sa aking tabi. Di ko alam kung anong meron sa kanya kung bakit maging ang pagtulog ko ay napakasarap. Kahit pa man hindi kalakihan ang kama at hindi rin ito kasinglabot ng nasa masters bedroom ko. "Uhmmmm!" Bumangon ako't nag unat ng mga kamay saka pinulot ang aking mga saplot at isinuot ito. Pagkatapos ay lumabas din ako kaagad dahil hinahanap ko ang magandang view na gustong gusto makita ng aking mga mata. Syempre walang iba kundi ang Thalia na yon. "Ma--- magandang umaga po boss." Nakayukong bati ng isa sa aking mga tauhan na sumalubong sa akin. Para itong may sasabihin ngunit mukha pa itong nag aalangan. "Goodmorning, what is it?" Mahinahong sambit ko at di ko alam kung anong meron pero namilog ang mga mata nito sa pagkagulat. Maging ang iba pang mga tauhan na nasa malapit lang at nakarinig ng sinabi ko. Fuck! Ano bang nakakabigla? At nang bigla kong napagtanto ang aking sinabi ay maging ako ay