Sinech iteyyy kaya ang guy na iteyyy? Thank you for waiting everyone. Love you all!
( Zander's POV )"Señorito nagawa niyo po yun? Baka po mapano si Amari." Nag-aalalang tugon ni Manang Celia nang ikwento ko sa kanya ang nangyari, except the sexual thing na alam kong gustong gusto naman ng babaeng yun. But as for me, it's all nothing. Kasalanan niya dahil hinamon niya ang pagkalalaki ko.Yeah, I left that bitch on that inn. Matapos akong puntahan ng tauhan ko at mapaayos ang sasakyan ay dumiritso na akong bumiyahe pauwi dito sa Bulacan."Malaki na siya Manang. She knows what to do!" Sagot ko habang hawak ang tasa ng kape at nakaupo sa may bench ng balcony. Napakamot na lamang sa ulo si Manang Celia habang pinagpatuloy ang pagwawalis.Hindi ko na nga siya nagawang dalhin sa Baguio at doon iwan dahil nabanggit ko na sa kanya ang lugar at alam kong useless lang din dahil makakabalik pa rin yun dito. Parang may sa pusa ang babaeng yun dahil kahit saan na ata dalhin at iligaw alam na alam pa rin kung paano umuwi at saan ako pupuntahan. She knew all my place. Masyadong ma
( Amari's POV)Naiwanan akong napatigagal. Napaawang ako at di manlang makagalaw habang nasa harapan pa rin ng nakasaradong pintuan ni Zander.Seriously? Annulment? Mahigit isang buwan pa nga lang magmula nang maikasal kami annulmet na agad-agad?Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi. Lintik na 'to, ito pa pala ang napala ko sa pagising ng maaga para mamalengke at makapagluto sa kagustuhang madalhan siya ng pagkain. Pero wala man lang itong halaga sa kanya.Paulit-ulit akong kumukurap habang pinipigilan ang pagpatak ng mga luha."Miss, are you okay? I mean Mrs. pala."Tanong ng isang boses kaya nabaling ang atensyon ko sa lalaking nagsasalita. Medyo malayo siya kaya for sure hindi niya narinig ang huling sinabi ni Zander, na siyang ipinagpapasalamat ko. Sino ba namang tao ang gugustuhin na may makasaksi sa pananakit ng damdamin ng mismong asawa mo pa!I stare at him coldly bago naglakad at kinuha sa kamay niya ang paper bag na nilagyan ng mga natapong pagkain.Hindi ako nagsasalit
Isang linggo. Isang linggo akong nagmukmok sa aparment ni Lory matapos ang pagtatagpo naming iyon ni Zander.I miss him so bad pero natatakot ako na baka sa muling pagtatagpo namin ay ilahad niya na sa akin ang annulment paper. This is the very first time na naduwag ako ng ganito. Ibang kaba ang hatid ng kaisipang makikipaghiwalay na nga siya ng tuluyan. Shit! Baka di ko kayanin. I'm so stress sa mga nakalipas na araw. Hirap ako sa pagtulog maging sa pagkain. Ramdam ko na rin ang katamlayan ng katawan ko. Wala akong gana sa lahat."Bff, kumain na tayo ng breakfast. Naman eh! Ako ang nag-aalala sa kalagayan mong yan." Concern na pagmamaktol ni Lory nang hindi pa rin ako bumabangon sa hinihigaan ko. Matamlay ko lang siyang binalingan. "Mauna ka na. Susunod ako mamaya-maya." Ani ko. I am really not feeling well. Mabigat ang ulo at pakiramdam ko."Noong mga nakaraang araw ay naiintindihan pa kita. Pero ngayon, hindi na pwede yan. Nasaan na ba yung Amari na kilala kong palaban. Come on b
Upang mas makasiguro pa ay sinamahan ako ni Lory sa isang pinakamalapit na Ob-Gyn Clinic. Nagsagawa pa ng transvaginal ultrasound kaya kitang- kita sa resulta na may maliit na buhay na nga na nabuo sa aking sinapupunan. Niresetahan na rin ako ng doktora ng Vitamins at pinayuhan ng mga kailangang gawin at dapat kainin para healthy ang aking pagbubuntis.Nang matapos ay agaran na rin kaming umuwi sa apartment ni Lory. I was teary while holding the result. Sobrang saya ko lang na di ko maipaliwanag.This is all for real. At kung sakali mang hindi maniwala sa akin si Zander ay may pruweba akong maipapakita sa kanya.Kaya naman nang dumating ang dapit hapon ay wala na akong sinayang pa na oras. Agad ko ring binalak na magtungo sa condo ni Zander sa kagustuhang masabi na sa kanya ito. I am really hoping na baka pag nalaman niyang ipinagbubuntis ko ang anak niya ay magbago ang pakikutungo niya sa 'kin. Baka sakaling bumait siya kagaya noong una kaming nagkakilala."Magpahinga ka kaya muna b
Hinang-hina ako ng magising. Marahan akong nagmulat ng mga mata. Unang bumungad sa akin ang aparatu na nakakabit sa aking kamay kaya alam ko na agad na nasa ospital ako."Sino naman kayang nagdala sa akin dito?" Takang tanong ko sa sarili nang makitang wala akong ibang kasama rito sa loob.Ngunit agad ding nasagot ang katanungan ko nang pumasok si Lory na may kasamang doktor. Mukha silang matamlay pero pinanatili ang kasiglahan habang nasa harapan ko."Mabuti't gising ka na bff. Labis ang pag-aalala ko sayo noong may tumawag sa akin." Bungad niya kaya di na ako nagtaka dahil numero lang niya ang kauna-unahang makikita sa contacts ko."Isang waiter daw ng bar ang nagdala sayo rito dahil nakita kang nawalan ng malay sa tabi ng kalsada kalapit ng isang bar. Anong nangyari? Dapat talaga sinamahan na kita." Malungkot at may pait sa tono ng pananalita niya.At nang parang kidlat na pumasok sa isipan ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay ay mabilis akong napaawang at napahagulhol ng iyak.
( Zander's POV)"Just give me three months. And I will give you what you wanted for a long time. Tatlong buwan lang Zander. At mangangako akong ibibigay ang kalayaan na gusto mo at di na kita muling guguluhin pa."That's her exact message from my email weeks ago. Sarkastiko akong napailing habang muling binabasa ang mensahe niyang ito. Nagbukas kasi ako ng email from an investor and suddenly, di sinasadyang dumako ang mga mata ko sa mensaheng pinadala niya.Seriously, three months is quite long. Pero kung di naman niya ako guguluhin ay sige, pagbibigyan ko nalang ang kaartehan ng babaeng yun.It's good that I haven't seen her for weeks. Natauhan na siguro sa palaging pagtataboy ko. Good for her! Well, it's good for the both of us actually. I found her so annoying and toxic. And I am hoping na sana ituloy niya na ang di pagpapakita hanggang sa matapos ang tatlong buwan at tuluyan na akong maging malaya.Gusto ko talagang umiwas sa kanya hindi lang dahil galit ako sa kanya kundi dahil
( Amari's POV )"Kumusta ka diyan bff? Gumaan na ba ang pakiramdam mo?" Concern na tanong ni Lory sa kabilang linya. "Yeah, medyo maayos na." Simpleng sagot ko lang habang nakatanaw ang mga mata sa malawak ng karagatan. Kulay asul ito at nakakabighani sa mga mata."Salamat naman. Pag day off ko, pupuntahan kita diyan. Ingat ka bff. Miss na kita." Tugon ni Lory bago ito nawala sa linya.Marahan kong binaba ang hawak na cellphone habang di inaalis ang mga mata sa magandang tanawin.Ilang araw na akong nandito sa isang resort sa Subic, isang magandang resort na nahanap ko via online kaya naisip kong magpareserve agad ng isang kwarto para magbakasyon at mapagaan ang mabigat kong damdamin dahil sa mga nangyari.At di nga ako nagkamali sa pagparito coz the waves and views helped me a lot. Malaking tulong ito sa pagpapagaan ng durog kong puso.Napag-isip isip ko rin ako kung ano na ang gagawin ko sa buhay kapag tuluyan na kaming hiwalay ni Zander. Maghahanap nalang siguro ako ng trabaho bag
"Please please hurry! Make it faster!"Di magkandaugagang utos ko kay Aslan na siyang mismong nagmamaneho sa sasakyan niya para ihatid ako pabalik ng Maynila. Dumadagundong na ang puso ko sa sobrang kaba. Kung pwede nga lang umarkila ng pakpak ay baka ginawa ko na sa kagustuhang makarating kaagad."Calm down at baka tayo naman ang madisgrasya." Pagpapakalma nito sa 'kin dahil kanina pa ako hindi mapakali. Natahimik ako ngunit rinig na rinig ko ang pagwawala ng puso ko dahil sa magkahalong nerbyos at pag-aalala.Ang kagustuhan kong magbakasyon para makalimot ay nawala lahat sa isipan ko dahil lang sa tawag na iyon ni Manang Celia. Kahit maghihiwalay na kami ni Zander ay di ko napigilang mag-alala sa kanya lalo pa't ayon sa balita ni Manang ay nasa kritikal na kondisyon siya. Malala ang lagay.After all, despite ng mga pinaramdam niyang sakit sa akin emosyonal man o pisikal, I still love him. Mahal na mahal ko pa rin siya at kailanman ay di ko ninais o hiniling na may masamang mangyari